Wednesday, July 24, 2013

The Devil Beside Me Chapter 24 (Pre-Finale)



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Alright! Pagkatapos ng halos dose oras kung pakikipagbuno sa chapter na ito, sa wakas nagawa ko rin! This will be the pre-finale of TDBM guys! Akalain niyong sa loob ng halos ilang buwan, matatapos na siya! HAHAHA


Syempre kayo ang dahilan ko kung bakit ko natapos ang k’wentong ito. Dahil sa mga walang sawa niyong pagbabasa at pag-iiwan ng comment ay bumalik ang drive ko magsulat. MAHAL NIYO TALAGA AKO! At mahal ko rin kayo. Kaya para sa inyong lahat ang Chapter na ito! LET’S EXERCISE YOUR IMAGINATION GUYS! TDBM CHAPTER 24!!!


By the way, comment kayo at sana mag-iwan din kayo ng pen name. Anything will do para lang ma-address ko kayo ng mabuti sa mga pasasalamatan ko sa chapter 25 which happen to be the finale!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




 

Jay


Janssen Velasco


Maki Delgado


“Umamin ka! Nakikinig ka sa usapan namin kanina ni Nicollo, ano?” Naniningkit ang mga mata na nilakipan pa niya sa panduduro sa ilong nito. “Pinagtutulung-tulungan niyo ako!”


Sa panggigilalas niya ay ngumisi ito ng nakakaloko na sinabayan pa nito ng pagpapalakpak. Saka ito bumaling kay Mrs. Serano.


“I told you, isa siyang henyo.” Sarkastikong wika nito sa ginang.


“Aba’t loko ––”


“ Maki, this is not the right place para asarin mo si Jay. Hindi iyon makakatulong sa image niya as one of the bosses of this company.” Ewan niya kung seryoso si Mrs. Serano sa pagsaway nito sa demonyitong kaharap niya dahil abot tenga ang ngiti nito na animoy tuwang-tuwa sa nasasaksihan sa kanilang dalawa.


“Iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari, ang ipahiya ako sa mga tauhan natin. Simula’t sapol iyon na palagi ang ginagawa niya. Gusto niyang ipagsigawan sa lahat ng mamamayan ng bansang ito kung gaano ka walang kwenta akong tao.” Bumalik na naman ang mga kinikimkim niyang sama ng loob dito noon –tuwing ipapangalandakan at ipapamukha ni Maki sa lahat kung gaano ka mali ang pagpapatakbo niya sa buhay niya.


“Dahil iyon ang gusto mong paniwalaan namin di ba?” Tinapatan nito ang kanyang tingin. “So you could execute your god damn plan perfectly! Ni hindi mo inisip ang pwede kong maramdaman! Ni hindi pumasok diyan sa kokote mo na may mga tao kang pwedeng masaktan!” Tiim bagang nitong wika.


Awtimotikong napatayo mula sa pagkakaupo si Mrs. Serano at maagap itong pumagitna sa kanila. Natunugan marahil nito na handa na nilang gawing war zone ang opisina nito.


“Children relax.  Kung gusto niyo talagang ipagpatuloy itong sigawan niyo’t sumbatan ay mas magandang sa labas niyo gawin.” Ani nito sa mahinahong boses saka sila nito inilayo sa isa’t isa.


“I told you I’m not yet ready for this.” Tila naninising wika ni Maki kay Mrs. Serano. Parang hindi nito boss ang kausap.


“When will you be ready then? Kapag naunahan ka na ng ––”


“Hindi ko papayagan na mangyayari iyon! We had an agreement!” Putol nito sa iba pang sasabihin ni Mrs. Serano saka siya nito walang pasabing hinawakan sa kanyang kamay. “Gusto mong makipag-usap hindi ba? Pwes, mag-uusap tayo ng masinsinan.”


Gusto na lang matunaw ni Jay sa nakikita niyang iba’t ibang klase ng reaksyon ng kanyang mga bagong empleyado habang hila-hila siya ni Maki patungo sa elevator ng naturang kumpanyang iyon. Hindi rin nakatakas sa kanya ang tila nagtatanong na tingin sa mga mata ni Rayanne na kanina lang ay umani ng galit niya. Nasira na talaga ang imahe niya sa kumpanyang iyon sa hitsura niya ngayon na parang isang asong pilit hinihila ng amo nito. Which is kabaliktaran dahil siya dapat ang amo. Hindi na siya umaasang may katiting na respeto pa siyang makukuha sa mga ito sa mga darating na araw.


Pagkasara ng pintuan ng elevator ay saka lamang siya binitiwan ni Maki.


“Dapat mo ba talaga akong kaladkarin sa harap ng mga tauhan ko?” Asik niya rito habang hawak ang bahagyang namulang kamay sa higpit ng pagkakahawak ng damuhong si Maki.


Hindi siya nito pinansin. Sa halip ay napatuon ang tingin nito sa kanyang namumulang kamay at maagap iyong binawi sa kanya. Babawiin niya sana iyon dito nang magaang haplusin iyon ni Maki at masahiin.


“I’m sorry.” Mahinang usal nito.


Natameme siya. Hindi niya inaasahan ang paghingi nito ng tawad at lalong hindi niya inaasahan ang magaang paghagod nito sa kanyang namulang kamay. Masarap sa pakiramdam iyon at magsisinungaling siya kung sasabihin niyang walang epekto iyon sa kanyang buong sistema.


“Pagdating natin sa tinutuluyan ko, lalapatan agad natin ito ng ice.” Muling wika nito. Parang mula sa kung saan ay sumanib rito ang Maki na minahal niya –ang maalaga at mapagmahal niyang kababata. Wala sa sariling napatitig na lamang siya rito habang isa-isang bumalik sa kanyang ala-ala ang lahat ng mga dahilan kung bakit ito ang taong pinili niyang mahalin.


Tila pareho silang natauhan nang muling bumukas ang elevator. Agad na binitawan ni Maki ang kanyang kamay habang siya naman ay nag-iwas ng tingin rito.


“Sumunod ka sa akin.” Parang isang panaginip lang ang nangyari sa loob ng elevator. Bumalik na naman kasi ang galit sa boses nito habang nagtipauna ng maglakad.


Sa isang pulang sasakyan huminto si Maki. Matapos i-unlock ang sasakyan gamit ang remote ay agad itong pumasok. Dahil wala naman siyang choice at gusto rin naman niyang makapag-usap sila ay sumakay na rin siya. Binaybay nila ang daan sa Ortigas hanggang sa ipasok nito ang sasakyan sa isang condominium building doon.





Isang unit na nasa tapat ng pool ang tinutuluyan ni Maki. Kahit walang paanyaya ay sumunod siyang pumasok dito sa loob. Kumpleto sa kagamitan ang unit nito at lahat ay nasa tamang ayos. Alam niya noon pa na ayaw nito ng magulong bahay na tulad ng sa kanyang kuwarto. Ito pa nga minsan ang nagliligpit sa nagkakalat niyang damit at kung anu-ano pa habang sinisermunan siya.


Dere-deretso nitong tinungo ang ref at kinuha ang ice cube bucket saka iyon binalot ng bimpo.


“Umupo ka.” Nag-uutos nitong wika. “Baka mangitim iyan kapag hindi agad naagapan.”


Walang reklamo na lamang siyang sumunod dito. Alam naman kasi niya ang mangyayari oras na makipagmatigasan pa siya. Baka imbes na sa namula niyang kamay lumapat ang yelo ay sa mukha pa niya.


“Kailan niyo pa ako pinagkakaisahan ng mga kaibigan natin?” Pag-uumpisa niya ng usapan. “Gano’n na ba kalaki ang galit niyo sa akin para pagmukhain niyo akong tanga sa halos apat na buwan?”


“Pinagmukha mo rin kaming tanga. Lalo na ako.” Pagpapaalala nito.


So it was all about their god damn ego. Habang nagpapaka baliw siya sa pagaalala rito ay tinatawanan lang malamang siya ng mga kaibigan niya and it was all because natapakan niya ang mga pride nito.


“Ginawa ko ang lahat ng iyon para mahalin mo ako.” Gusto pa rin niyang mangatwiran kahit alam niyang hindi na iyon kailangan.


Binitiwan nito ang ginagamot niyang kamay saka nito sinalubong ang kanyang tingin. Bakas ang matinding galit sa mga mata nito.


“Nagawa mo na di ba? I already confessed to you nang bumalik si Janssen sa Cebu. Pero ano ang ginawa mo? Imbes na tapusin na ang lahat ay ipinagpatuloy mo pa rin ang kalokohan mo. To the point na inilagay mo pa sa alanganin hindi lang ang pamilya mo kung hindi pati na rin ang sarili mo.”


“Dahil kailangan ko pang tulungan si Janssen pati na rin ang pamilya ko. Hindi ko na lang basta p’wedeng iwan ang lahat just because nakuha ko na ang gusto kong mangyari. Nang isali ko sila sa mga plano ko para makuha ka ay obligasyon ko na rin na panindigan iyon. So you see, I don’t have a choice.” Depensa niya sa kanyang sarili.



“You have a choice, Jay. Kung sinabi mo sa akin agad ang lahat ay natutulungan sana kita sa bagay na iyon. Pero hindi. Mas pinili mong gawin mag-isa. Bakit? Dahil ba gusto mong may mapatunayan?”


“Ayaw kitang isali sa gulo ng pamilya ko.” Hindi niya pinansin ang pagiging sarkastiko nito.


“Ayaw isali?” Tumawa ito ng pagak. “Well incase na nakakalimutan mo, simula’t sapol kasali na ako palagi sa problema ng pamilya mo. Dahil isa ka rin sa problema nila kung kaya’t sa akin ka ipinagkatiwala. Hindi nga ba’t ako ang tinakbuhan ni Tito Art matapos mong ianunsyo sa ang relasyon mo kay Janssen?”


It was a hurting fact. Isinuko ng mga magulang niya ang mapatino siya kaya naman kay Maki, na siyang tanging taong kayang kumontrol sa kanya siya ipinagkatiwala ng mga ito. Malaki ang tiwala ng mga ito dito. Pero hindi niya masisisi ang mga magulang niya. It was him who made them not to trust him.


“Ayos lang sa akin na tapaktapakan mo pa ng ilang beses ang pride ko dahil simula noong mahalin kita, hindi na iyon naging mahalaga pa sa akin. Pero alam mo ba kung ano ang kinagagalit ko ng husto? Pinahamak mo ang sarili mo, Jay. Ipinahamak mo ang taong mahal ko at ang masama pa hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa’yo dahil wala akong ka-ide-ideya at iyon ay dahil lang sa lintik na pride mo!”


Aaminin niyang nagulat siya hindi sa galit ni Maki kung hindi sa matinding sakit na nakita niya sa mga mata nito. It was like the last time. Noong isambulat nito ang lahat ng mga nalaman nito patungkol kay Janssen.


“Maki…”


“Palagi mong sinasabi na sa ating dalawa, ako ang ma-pride. Pero hindi ako ang mga pride Jay, kung hindi ikaw. Ang pride mo ang nagtulak sa’yo para solohin mo ang lahat. Dahil gusto mong may mapatunayan ka. Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ko.” Punong-puno ng panunumbat nitong sabi.


Nahahimik siya. Tama ba ang naririnig niya rito? Naging makasarili nga ba siya? Ginawa lang naman niya ang sa tingin niya ay makakabuti para sa sitwasyon. It was not intended to make Maki suffer. Pero kung mali ito, bakit niya nasasaktan ito tulad ng nakikita niya sa mga mata nito ngayon?


“Pinili mong itago sa akin ang lahat kesa hingin ang tulong ko. Bakit, Jay? Kakumpetensiya na rin ba ang tingin mo sa akin?”


“Dahil ayaw kong sabihin mo na naman sa akin na hindi ko kayang panindigan ang mga bagay na sinimulan ko!” Oo na. Tama na ito na ang pride niya ang dahilan kung bakit hindi niya hiningi ang tulong nito kahit pa man sa kabila ng katotohanang umamin na ito sa kanya. Pero iyon ay para maitama niya ang maling tingin nito sa kanya at lalo pa siyang magustohan nito. Mali ba iyon?


Tila ito naman ang napipilan.


“Simula’t sapol iyon ang palaging ipinamumukha mo sa akin. Na wala na akong nagawang tama. Na kesyo wala akong paninidigan at hindi marunong humawak ng responsabilidad. Oo aaminin kong ginamit ko iyon para makuha ko ang pansin mo. Pero nagmamahal akong tao Maki. At walang ibang gustong gawin ang taong nagmamahal kung hindi ang maipakita sa taong mahal niya na kahit papaano, kahit sa kabila ng lahat, may bagay rin akong kayang gawin kapag ginusto ko. Pero hindi mo iyon nakita. Hindi natabunan ng kahit na anong pagsisikap ko ang mga bagay na itinanim ko sa mga isipan ninyo.” Nanulas ang mga luha sa kanyang mga mata. He just wanted to prove himself pero mukhang sa muling pagkakataon, mali na naman ang naging tingin nito sa ginawa niya.


“Simula ng tumapak tayo ng high school ay nagbago kana. Hindi na ikaw ang Maki-Maki na nakilala ko noong elementary pa lang tayo. Pati ang tawagan at pangakong binuo nating dalawa ay kinalimutan mo rin. Ni ang tumawa at i-appreciate ang mga bagay na nagagawa ko ay hindi mo na rin nagawa. Puro mali ko na lang ang nakikita mo.”


“Ginawa ko iyon para sa’yo.” Depensa nito sa sarili. “Para magabayan kita sa dapat ay tama.”


“At ang pilitin akong baguhin ang sarili ko ang tama?” Tuluyan ng kumawala ang lahat ng itinatago niyang emosyon simula pa noong high school sila. “Wala ba akong karapatang gumalaw sa gusto kong galaw? Puppet na lang ba na tagasunod sa mga gusto mo ang nais mong mangyari sa akin?”


Muli itong natahimik.


“Aaminin kong may mga kapalpakan ako sa buhay ko. Pero `di ba nga dapat ay naroon ka para tulungan akong tumayo?”


“Hindi ko ba ginawa iyon? Di ba nga’t ako palagi ang nag-aayos sa lahat ng kapalpakan mo?”


“Ikaw nga ang nag-aayos ng mga gusot ko sa buhay pero hindi mo ako itinatayo, Maki. Iniiwan mo lang akong nakadapa doon. Hindi mo ako binibigyan ng pagkakataong umahon sapagkat susubukan ko pa lang, ibabalik mo na ulit ako sa pagkakadapa ko sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpapaalala mo sa mga mali ko. Nawala na ang Maki-Maki kababata ko pero hindi ako sumuko na balang araw, maibabalik ko siya at mamahalin niya ako.”


“Mahal kita.” Maagap nitong tugon.


Umiling siya.


“Hindi ako ang mahal mo kung hindi ang taong gusto mong maging ako.” Napangiti siya ng mapait. Kailangan pa palang taon ang bilangin para marealize niya ang lahat. Hindi na niya maibabalik pa ang Maki na kababata niya – ang kababatang tumanggap sa kahit na ano pa man siya. Niloloko lang nila ang isa’t isa. “Hindi ko kaya ang maging taong iyon, Maki. Papalpak at papalpak ako. Darating pa rin ako sa punto na magkakamali ako ng desisyon dahil tao lang ako.”


“I-Isinusuko mo na ba ako?” Ang tila hindi makapaniwala nitong sabi.


“It’s so obvious. Magkasalungat na magkasalungat na ang mga paniniwala natin. Pinilit kong maniwala na maibabalik ko pa ang dati pero imposible na iyon. Hindi na ikaw si Maki-Maki na handang tumakas sa klase para lang masamahan akong manguha ng bayabas. You are a perfectionist now. Isang tipo ng tao na hindi basta-basta gagawa ng isang bagay na ikapapamahak niya at ako pa rin ang tao na punong-puno ng imperfections na handang sumugal para sumaya.”


Tumayo na siya. Balak na niyang lumayo rito bago pa nito makita kung gaano kasakit sa kanya ang buong katotohanang iyon. Isinali pa niya ito sa kahunghangan niya thinking that things will go back the way it was befor oras na mahalin siya nito. Ilusyon lang pala niya ang lahat dahil kahit na mahalin pa siya ni Maki, hindi na ito babalik pa sa Maki na handang makipagsapalaran kasama siya.


Ngunit hindi pa man niya nagagawang makalapit sa may pintuan nang maagap na isara iyon ni Maki at iharang nito ang sarili roon.


“Hindi pa tayo tapos mag-usap. At habang hindi pa tayo nagkakalinawan, hindi ka lalabas ng unit na ito.” Seryoso’t puno ng awtoridad nitong wika saka humalukipkip. “I sacrifice a lot just to protect you. Nagmukha na rin akong gago dahil sa pagmamahal ko sa’yo. Tapos ano? Lalayasan mo lang ako?”


“P-Pabayaan mo na ako.” Hindi niya maituwid ang pagsasalita niya dahil sa sobrang emosyong tinitimpi niya sa mga oras na iyon.


“Pabayaan? Noon ngang hindi ko pa alam na mahal kita ay hindi ko nagawa iyon, ngayon pa kaya? Nagpapatawa ka ba? At ano itong sinasabi mo na magkasalungat tayo ng husto? Na nagbago na ako? Sa tingin mo ba, titiisin ko ang mahigit apat na buwan na malayo sa’yo kung hindi ko na pinahahalagahan ang pangako natin?”


“Di ba’t iyon naman talaga ang balak mo, ang tikisin ako?” Pagpapaalala niya.


“Hindi ako umalis para tikisin ka o layasan ka tulad ng iniisip mo. Umalis ako at nagpunta rito para ayusin at tapusin ang mga nasimulan mo.”


“Anong nasimulan ko?” Gusto sana niyang umalis na lang pero may kung anong pwersa ang nagsasabi sa kanya na manatili at pakinggan ito.


“Ang ilagay sa ayos ang lahat para sa mga magulang mo at sa Janssen na iyon.”


Ginagago ba siya nito? Sa pagkakaalam niya at tapos na ang isyong iyon. Nagawa na niyang maipakita kay Janssen na mali ang paghihiganti nito at nagawa na rin niyang ipaharap sa mga magulang ang problema. So ano ang pinagsasabi nito?


Animoy narinig ni Maki ang mga katanungang naglaro sa kanyang isipan. Muling nagsalita ito.


“Sa tingin mo ba ay basta na lang matatapos ang lahat dahil natauhan na ang Janssen na iyon na hindi ang pamilya niyo ang dahilan ng pagkasira ng pamilya niya? Baka nakakalimutan mong ginamit lang din siya ng ama niya. Nang malaman ni Alfonso wala ng balak si Janssen na sumunod sa mga kalokohan niya ay agad siyang kumilos at kumuha ng tauhan para ipapatay ka.”


“I-Ipapatay ako?” Akala niya ay titigil na si Alfonso sa paninira sa pamilya nila oras na tanggihan na ito ng mimsong anak nito na huling baraha nito.


“Iyon ang rason kung bakit galit na galit ako. Dahil hindi mo agad sinabi sa akin ang lahat. Kung nasabi mo sana agad, natulungan pa sana kita at napapaghandaan namin agad si Alfonso. Paano pala kung nahuli kami nina Nicollo? Paano kung hindi namin naharang ang gun man na iyon at ma kumbinsi na dodoblehin namin ang bayad hayaan ka lang niyang mabuhay at magpanggap na ginagawa pa rin niya ang trabaho habang naghahanap kami ng matinding ebidensiya kay Alfonso? I could have lost you alam mo ba iyon? And because of that thought, halos mabaliw ako ng husto.”


“Pero hindi naman ako namatay. Heto nga’t nasa ––”


“Dahil hindi ko papayagan!” Nag-aapoy ang mga matang pagputol nito sa kanya. “Hindi ako nagpakahirap na alagaan ka at bantayan ka ng ilang taon para lang mawala ka sa akin kung kailan alam ko na ang nararamdaman ko sa’yo. Magiging kriminal ako.”


So iyon pala ang dahilan kung bakit galit na galit ito. At hindi para sa kanya ang galit nito kung hindi para sa sarili nito dahil takot itong mawala siya na posibleng nangyari dahil sa kawalan nito ng ideya sa sitwasyon. Kung hindi pa naging maagap ang mga ito baka wala na siya ngayon sa mundo.


“A-Anong nangyari kay Alfonso?”


Doon lang niya naramdaman ang takot tulad ng naramdaman nito. No. mas malakas pa siguro ang takot nito kumpara sa takot na gumapang sa kanya matapos marinig ang plano ni Alfonso. Dahil nasasaktan ito sa kaalamang muntik na siyang mawala rito. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit makasarili ang tingin nito sa kanya.


“Sa tulong ni Atty. Nievera at ng dati niyang asawa ay napatawan na siyang mabilanggo at mahihirapan na siyang makalabas. He’s facing numerious charges at isa na doon ang  pagpapapatay niya sa kanyang asawa.”


“Nahanap niyo na ang tunay na Mama ni Janssen?”


Mataman siya nitong tinitigan.


“Hindi naman halatang intersado ka pa rin sa isang `yon, no?” May nabakasan siyang selos sa boses nito. “Yes. Nagawang mahanap ni Nico ang babaeng iyon. At iyon ay dahil sa tulong ni Renzell Dave.”


“Asan siya? Naiharap niyo na ba siya kay Janssen? Matagal ng gustong makita ni Janssen ang Mama niya.” `Di niya pinansin ang pagseselos nito.


“Masyado na akong maraming naitulong sa lalaking iyon. Bahala na siya sa buhay niya kung papaano niya hahanapin mag-isa ang nanay niya.” Nanunulis ang ngusong wika nito. “Hindi ko pa rin nakakalimutan na minsan na niyang tinangkang agawin ka sa akin. At sa pagkaka-alam ko ay hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya. Walang utang-na-loob.”


“Sa pagkakaalala ko, ikaw ang nagtangkang agawin ako sa kanya.” Nakataas ang isang kilay na wika niya. “At kung hindi mo sasabihin sa kanyang ang tungkol sa magandang balita sa Mama niya ay ako ang magsasabi. Asan pala ang mama niya?”


“Tayo ang nagmamahalan kaya siya ang nang-aagaw. At hindi mo na kailangan pang magpakahirap na ipakilala siya sa nanay niya dahil matagal na siyang hinarap ni Maam Elizabeth.”


Medyo nangunot ang kanyang noo sa tinuran nito pero nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ni Maki ay hindi niya naiwasang manlaki ang mata sa gulat.


“Si Mrs. Serano ang Mama ni Janssen?” Naibulalas niya.


“Naging palaisipan para kay Renzell Dave kung papaanong naipuslit ang cridentials ni Janssen para maipasok ito sa hotel na  hindi man lang dumaan sa HR nila. Walang ibang may kakayahan gawin iyon kung hindi isang taong may kapareho ng posisyon niya doon. Hindi natahimik si Dave kaya nagpaimbestiga siya. Doon niya napagalaman na si Mrs. Serano na tulad niya ay isa ring stock holder sa chain of hotels ng uncle niya ang nagpasok kay Janssen. Sa tulong ng mga papeles na hawak ni Atty. Nievera, nalaman namin na siya ang babaeng ikinasal noon kay Alfonso. Si Mrs. Elizabeth Serano – Velasco.”


Natuptup niya ang kanyang bibig sa pagkabigla. Ang kanyang bagong partner na may-ari ng courier company ay ang ina ni Janssen? Kung gano’n, kaya nito ginustong ikuwento niya rito ang lahat ay para sa mismong bibig niya nito malaman ang buong katotohanan sa nakaraan nila ng anak nito.


“Don’t worry matagal na niyang naintindihan na maganda ang intensyon mo nang sakyan mo ang paghihiganti ni Janssen.” Ang tila nabasa ang kanyang isip na wika ni Maki. “Infact, she’s very thankful sa ginawa mong pagtulong kay Janssen para makawala ito sa pagkakahawak ng ama nito. Kung hindi mo ginawa iyon ay hindi niya nagagawang malapitan ang anak niya. Kaya bayani ang tingin niya sa’yo.”


“She just confirmed it to me right? Pero ang totoo, ikaw ang nagpaintindi sa kanya ng lahat.”


Lumapit ito sa kanya at iniyakap nito ang kaliwang kamay sa kanyang bewang dahilan para mapalapit siya sa ng husto rito.


“You’re right. Wala akong karapatang kontrolin ka at pasunurin ka sa lahat ng gusto kong mangyari. May sarili kang desisyon at karapatan mong gumalaw sa sarili mong kagustohan. At tanggap ko rin na hindi ka perpektong tao. Na magkakamali’t magkakali ka rin. Kaya nga tiniis kong mawala muna ng ilang buwan kahit gaano kahirap dahil gusto kong tulungan kang ayusin ang lahat ng nasimulan mo. But this time, it’s not for the purpose of making you feel less of yourself. But rather, to make you feel how important you are to me. Na handa akong sakyan lahat ng trip mo sa buhay mapasaya at maiparating ko lang sa’yo kung gaano ka ka-importante sa akin. Just like the old times.”


Sabihin na ng lahat na madali siyang mauto, pero sa mga salitang namutawi sa labi nito ay muling bumangon ang pag-asa na ang taong pinangarap niyang mahalin ay mahal na mahal na rin siya. Minsan na niyang tinanggihan ang pagmamahal nito noon nang unang magtapat ito sa kanya at wala na siyang balak pang ulitin iyon.





Gustong itanong ni Jay kung papaano sila napunta sa k’wartong iyon ni Maki. Yes, he’s so sure na k’warto nito iyon dahil amoy niya pamilyar na bango ni Maki na umiikot sa k’wartong iyon. It was a masculine scent na hindi na nawala sa kanyang ilong simula ng matulog siya katabi ito sa mismong k’warto at kama nito noon.


Lutang pa rin hanggang ngayon ang kanyang isipan dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay natikaman niya ang labi ni Maki at kung gaano kasarap ang halik nito. Sa sobrang gulat pa nga niya kanina nang angkinin nito ang mga labi niya ay hindi siya agad nakatugon. Of course it was not his first kiss. Minsan na rin niyang nakahalikan si Janssen but Maki’s kisses are far too different. Iba kasi ang hatid na sensasyon niyon sa kanyang buong katawan na halos manghina ang kanyang tuhod. At nadala siya nito sa k’warto ng hindi niya namamalayan.


“Alam mo ba kung ilang beses kung itinanong sa sarili  ko kung ano ang magiging epekto sa akin kapag hinalikan kita?” Nakapulupot ang mga kamay nito sa kanyang bewang habang ang sa kanya naman ay nasa dibdib nito’t balikat.


Wala sa sarili siyang napailing.


“Mahigit isang daan na siguro. Ewan ko ba, sa tuwing ipipikit ko ang mata ko, palaging naglalaro sa akin ang imahe nating dalawa na naghahalikan at lagi kong itinatanong sa sarili ko kung ano kaya ang magiging epekto niyon sa akin.”


“A-Ano ba ang naging epekto sa’yo?” Ang tila nag-aalangan naman niyang tanong rito.


Naglandas ang kanang kamay nito at hinuli ang kanyang kamay na nakapatong sa dibdib nito saka pinagsiklop ang kanilang mga palad.


“Nanginginig ka!” Naibulalas niya.


“Yeah. Iyan ang epekto mo sa akin, Jay. Nagagawa ng halik mong panginigin ang mga kamay ko at patayuin lahat ng balahibo ko sa batok. I never thought that a mere touch of your lips to mine will affect my body this much.”


Maski siya ay hindi makapaniwala na sa simpleng paglalapat ng kanilang mga labi ay gano’n ang magiging epekto niyon dito. Pero kung si Maki ay nanginginig at nagsisitayuan ang mga balahibo nito sa batok, siya naman ay halos mawalan na ng kakayahang mag-isip.


Muling pinaglapat ni Maki ang kanilang mga labi at sa pagkakataong iyon ay nagawa na agad niyang tumugon. It was a caressing kiss with so much emotion in it. Pero habang tumatagal ang paglalapat ng kanilang mga labi ay lalo namang lumalalim ang kanilang halikan. Maski ang mga kamay niya ay awtomatiko ng gumalawang sa katawan ni Maki.


Nagpakawala ito ng ungol nang madaanan ng kanyang kamay ang  sensitibong parte ng katawan nito. Minsan na niyang nakita iyong nangangalit at nasiguro niya agad na hindi normal ang laki niyon. Maki’s kisses go deeper. It also became so demanding as if instructing him to touch him more. At hindi niya ito binigo.


Lalong naging mapangahas ang kanyang mga kamay. Kung saan-saan ito naglakbay habang ang mga ungol ni Maki sa likod ng kanilang paghahalikan ang siyang nag-uudyok sa kanyang huwag iyon itigil. When Maki’s lips move and branded his nape, doon na tila sumabog ang apoy na kanina pa niya pinipigilan. Napakapit siya sa batok nito at naisabunot niya ang kamay sa buhok nito doon. Nawala rin ang lakas ng kanyang mga tuhod pero maaga na naalalayan siya ni Maki sa pamamagitan ng paghapit nito sa kanyang bewang palapit dito na hindi ito nadidisturbo sa ginagawa.


Hindi man lang ito nahirapang hanapin ang mga kahinaan ng katawan niya na dahilan para tuluyang magliyab ang kanyang katawan sa matinding init na nararamdaman. Nawala na siya sa kanyang tamang huwisyo. Ang natitirang pagaalangan niya ay tuluyan na ring naglaho. One by one he unbuttoned Maki’s polo until it exposed his broad chest.


Humiwalay si Maki sa kanya saka ngumiti ng pilyo.


“Kala ko patatagalin mo pa, eh.”


“Maki ––”


“Don’t worry, hindi ko pa man aktuwal na na-experience ang gagawin natin. Nasisiguro ko naman sa’yo na ginugol ko ang mahigit apat na buwan ko dito para malaman lahat ng mga pwede kong malaman para mapasaya ka. Just trust me. I will send you to heaven with flying colors.” Saka nito walang sabi-sabing hinubad ang damit nito.


Minsan na niyang nakitang wala itong damit at magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nakaramdam ng pagnanasa at ngayong nakita niya ulit itong walang takip ang pangitaas ay at mas lalo pang gumanda ang katawan ay na double ang naramdaman niya noon.


Biglang nanuyot ang kanyang lalamunan.


“Mukhang nagugustohan mo ang nakikita mo, ah.” Naroon ang pang-aakit sa boses nito saka nito hinuli ang kanyang kamay para ipatong ang palad niya sa dibdib nito. “Touch me, Jay. Matagal ko ng gustong maramdaman ang mga haplos mo.” Then he once again claim his lips and kiss him with so much intense.


Naramdaman na lamang niya na dahan-dahan na siya nitong inihihiga sa malambot na kama nito habang naglalaban pa rin ang kanilang mga labi. He is giving Maki the equal intensity that he was giving to him while his hands are busy exploring Maki’s body hanggang sa parang may sariling isip na ang kanyang mga kamay at tanggalin nito ang pagkaka-batones ng pantalon ni Maki.


Medyo nagtaka siya nang putulin ni Maki ang kanilang halikan at patihaya itong humiga sa tabi niya. Bigla siyang natakot na baka hindi nito nagustohan ang pagsubok niyang tanggalin ang pantalon nito na baka sumobra siya sa gusto nitong mangyari sa kanila. Subalit sa muling pagkakataon sa araw na iyon ay ginulat na naman siya nito nang hubarin nito ang pantalon kasama ang brief nito.


Napamaang siya sa pagkagulat hindi lamang sa ginawa nito kung hindi nang bumuluga sa kanyang mga mata ang pinuprotektahan ng brief nito. The thing is so alive and it’s also huge.


Pumaling ang ulo nito paharap sa kanya saka ngumisi ng nakakaloko.


“Mahihirapan ka kasi kung ikaw pa ang magtatanggal habang nakadagan ako sa’yo kaya tinulungan na kita.” Nanunukso ang ngiti nito. “Don’t you think it’s about time as well to take off your clothes? You won’t need them inside of this room.” He added using a very sexy voice.


“Nahihiya ako.” Pagsasabi niya ng totoo. Ngayon kasing nakabalandra na sa kanya ang kahubdan nito ay bigla siyang nanliit at nakaramdam ng insecurity. Maki was gifted with a body that can compete with a demigod.


Muli itong pumatong sa kanya na siya namang biglaang pamumula ng kanyang pisngi dahil naramdaman niya ang pagkatao nito na bumangga sa kanyang hita.


“Ngayon ka pa ba mahihiya?” He was using again that notorious sexy voice of his.  “Ako nga, hindi ako nahiyang i-display ang katawan ko sa’yo, eh.”


“Hindi naman kasi dapat ikahiya ang katawan mo.”


Nagningning ang mga mata nito.


“Does that mean that I’m hot?”


Natawa siya. Para itong batang napuri ng guro nito sa reaction nito.


Para kang sira. Lahat naman siguro ng makakakita sa’yo ngayon na walang kahit na anong suot, eh, pagnanasaan ka agad.”


“Eh, ikaw? Pinagnanasaan mo na ba ako ngayon? Mas kanasa-nasa ba ako kumpara kay Janssen?”


Hindi pa niya nakitang hubo’t hubad si Janssen pero nakita na niya itong walang pangitaas ng maraming beses pero kay Maki lang siya nakaramdam ng mga naramdaman niya kanina nang makita niya itong naka-expose ang katawan.


Bahagya siyang tumango bilang pagtugon.


Lalong nagningning ang mga mata nito at gumuhit ang isang napakagandang ngiti. Ngiti na kayang tunawin lahat ng masasamang pinagdaanan niya para lang mahalin nito. Sa pagkakataong iyon, siya na ang kumabig dito para muling maglapat ang kanilang mga labi.


Maki guided his hand to its manhood while they were exchanging kisses. Nang masapo ng kanyang kamay ang kaselanan nito ay muli niya itong narinig na umungol as if telling him that he was in the right area. He explore Maki’s manhood using his hand habang ito naman ay abalang tanggalin ang kanyang pangitaas na saplot. Hindi na siya umangal pa.


When finally matanggal nito lahat ng bumabalot sa kanya ay muli nitong pinaghiwalay ang kanilang mga labi saka nito pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuohan saka nito muling sinalubong ang kanyang tingin na may ngiti.


“Mukhang mapapalaban ako ngayon, ah.”


Napahagikhik siya sa kapilyohan nito. Hindi kasi siya sanay na gumaganon ito at sa totoo lang bumabagay rito ang pagiging pilyo. Lalo itong nagmumukhang kaaya-aya sa kanya.


“Paano, simulan na natin para makarami?”


“First time ko to, Maki.” Pagsasabi niya ng totoo. “Baka hindi ka ––”


Pinutol ang iba pa niyang sasabihin ng halik nito.


“First time ko rin naman kaya wala kang dapat ipag-alala. Sabay nalang nating aralin sa isa’t isa ang mga gagawin.” Nakangiti nitong wika na sinagot naman niya ng dalawang magkasunod na tango.


Naglapat muli ang kanilang mga labi subalit pagkatapos ng ilang palitan ng maiinit na halik ay iniwan niya ang labi nito para maglakbay sa katawan nito. Tumigil siya sa sa kaliwang nipple nito at iyon ang binigyan niya ng ibayong pansin na dahilan para magpakawala si Maki ng mahabang ungol. Sa ilang saglit lang ay nagpalit sila ng posesyon. Maybe it was Maki’s way to give him full access to explore his body. Hindi niya iyon sinayang, nagpalipat-lipat siya sa dalawang nipple nito at nang magsawa siya ay dahan-dahan na siyang bumaba para pagtuunan ng pansin ang naghihintay doon.


Ramdam niya ang lalong lumalalim na paghinga ni Maki habang papalapit ng papalapit ang kanyang mga labi sentrong bahagi nito.


“You’re killing me Jay.” Paanas na usal nito nang siguro ay maramdaman nitong sinasadya niyang patagalin ang paglapat ng mga labi niya doon.


Napahagikhik siya.


“You really love teasing me, huh?” Nakaangat ang ulong wika nito sa kanya.


Iyon ang hinihintay niya walang sabi-sabi niyang tinungo ang bagay na halos umabot na sa pusod nito ang haba at pinadaanan niya iyon ng kanyang dila. Naibagsak ulit ni Maki ang ulo at napasinghap.


“Holy cow!” Bulalas nito.


Iyon ulit ang hinintay niya at tuluyan na niyang sinakop ito. Napahawak si Maki sa kanyang ulo. He also felt Maki’s mucles flexes as if he was taken by surprise dahilan para lalo lamang tuloy siyang ganahang laruin ito.


“Holy shit! Hindi ko inaasahan ang ganito.”


He took Maki’s words as a sign that he’s enjoying it. Kaya naman itunuloy-tuloy lang niya ang ginagawa habang pinupuno ng halinghing nito ang apat na sulok ng k’wartong iyon. Nang ito na mismo ang gumagalaw sa bibig niya ay lihim siyang natuwa. Iyon kasi ang isang pang patunay na tama ang ginagawa niya hanggang sa hilain siya nito pataas at muling pagsanibin ang kanilang mga labi.


“Grabe iyon.” Habol ang hiningang wika nito. “Kung magtatagal pa, baka hindi na ako makapagpigil.”


 He was clue less sa sinasabi nito hanggang papagpalitin ulit nito ang posisyon nila. Doon niya naintindihan ang gusto nitong mangyari. Maki wanted to be inside him.


“H-Hindi pa `ata ako handa sa bagay na gusto mong mangyari, Maki.” May pag-aalala niyang wika. Hindi naman kasi biro ang haba at laki ng bagay na gusto nitong ipasok sa kanya.


“Pinagkakatiwalaan mo ba ako?” Tanong nito.


Bahagya siyang tumago bilang pagtugon.


“Kung gano’n, hold on to that trust you have for me. `Coz I won’t hurt you, and that’s a promise.”


May tiwala siya rito at sapat na ang tiwala niyang iyon para makipagsalaran kasama ito. Kaya naman hindi na siya tumutol pa.


Maki nibbled his nipple. Napasinghap siya dahil sa ginawa nito at nakaramdam siya ng matinding kiliti. Doon natuon lahat ng atensyon niya at hindi na pansin ang dahan-dahan nitong pagsakop sa kanya hanggang sa mangalahati na ito at doon lamang siya nakaramdam ng kirot dahilan para mapa-igik siya. Ngunit tulad ng pangako nito ay naging maingat itong huwag siyang gaanong masaktan hanggang sa tuluyan na itong makapasok.


Tumigil muna ito at muling inangkin ang kanyang labi hangang sa dahan-dahan ulit itong gumalaw sa kaparehong ritmo ng tibok ng kanyang puso.


“I love you, Jay-Jay.” Ang pabulong na wika nito malapit sa kanyang tinga saka niya naramdaman ang paglapat ng dila nito doon.


Naluluhang napayakap siya rito ng mahigpit. Kay tagal niyang gustong marinig dito ang tawagin siya sa palayaw niya na punong-puno ng pag-iingat at pagmamahal at sa wakas ay nangyari na iyon. Walang pasisidlan ang kanyang kaligayahan sa mga oras na iyon isama mo pa ang hatid na sensasyon ng bawat paggalaw nito sa loob niya.


“I love you Maki-Maki.” Tugon niya saka muling pinag-isa ang kanilang mga labi.


Ilang minuto na rin sila sa posisyong iyon nang tumigil si Maki sa paggalaw at bumaba ito ng kama. Inakala niyang tapos na sila pero nawerduhan siya nang bigyan siya nito ng nangaakit na tingin habang sumisinyas itong tumayo rin siya. Nagtataka tuloy siyang napilitang bumangon at bumaba na rin ng kama.


Pagkababa na pagkababa niya ay maagap agad siya nitong hinapit sa kanyang bewang at muling pinag-isa ang kanilang mga labi. Lalo tuloy siyang nawewerduhan sa kung ano ang binabalak nito. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay sinalubong na siya ng pilyong ngisi nito.


“May gusto akong subukan Jay-Jay.” Wika nito.


“Hindi pa ba tapos?” Takang tanong naman niya.


Umiling ito na hindi nawawala ang pilyong ngisi nito. Saka ito umuklo sa kanyang harapan at inilagay sa pagitan ng kanyang mga paa ang mga kamay nito saka walang sere-serimonyas siya nitong binuhat. Awtomatikong pumaikot ang kanyang mga paa sa bewang nito at napayakap naman ang kanyang mga kamay sa leeg nito. Habang ang mga kamay naman nito ay naka-alalay sa kanyang pang-upo.


“Anong ginagawa mo?” Nagilalas niyang tanong.


Kinantilan siya nito ng halik.


“I will prove to you that my muscles are not just only for a show.” Nakangisi nitong tugon sa kanya saka niya naintindihan ang gusto nitong gawin.


“Saan mo natutunan ang ganito?” Naibulalas niya.


“Sa internet. Iyon ang advice ni Nicollo sa akin.” Tila proud naman nitong wika saka niya naramdaman ang pagtutok ng kaselanan nito sa kanya. At dahil sa posisyon nila ay lalong napadali rito ang pasukin siya.


“Oh my.” Ang naiwika na lamang niya ng muling pag-isahin nito ang kanilang katawan. Ngayon ay naniniwala na siya na hindi nga lang display ang muscles nito dahil wala itong kahirap-hirap na gumalaw kahit pa man karga siya nito.


Once again, they lips met while he’s feeling Maki moving inside him. Kakaiba nga ang posisyon na iyon dahil mas lalong niyang na-accomudate ang pagkatao nito na hindi siya nakakaramdam ng sakit. Infact, para pa nga siyang kinikiliti habang patuloy itong gumagalaw sa loob niya.


Tagaktak na ang pawis nito pero wala siyang mabakasan na nahihirapan na ito sa kanilang posisyon. Hindi rin bumagal ang galaw nito sa loob niya habang siya ay nakakaramdam na namalapit na siya sa sukdulan. Ngayon lang niya na laman na pwede pa lang mangyari iyon kahit hindi niya binigyan ng pansin ang sarili niya.


“Maki I think I’m––.”


“Just hold on a little longer Jay-Jay, malapit na rin ako.” He said in a pleading voice. At lalo pa nitong binilisan ang paggalaw.


Ilang saglit pa ay naramdaman na niya ang pag-flex ng muscles nito kasabay na rin ng pag-flex ng muscle niya hanggang sa tuparin nito ang pangako nito sa kanya kanina na dadahilan siya nito sa langit with a flaying colors.


Habol ang hininga nila pareho habang nasa ganoon pa ring sitwasyon.


“I love you.” Wika nito saka siya kinantilan ng halik.


“I love you too.” Tugon naman niya. “Hindi ko alam na may ganitong acrobatic position ka pa lang nalalaman.” Sabay hagikhik niya.


Napasigaw na lamang siya nang patalon itong sumampa sa kama na hindi man lang siya nito ibinababa. Para tuloy silang bolang tumalbong at nagkauntugan pa sila ng ulo.


“Loko ka!” Reklamo niya hapo ang nasaktang ulo. “Di kana nakontento sa acrobatic position mo! Nagawa mo pang mag-stunt!”


Tumawa lang ito ng malakas kasabay ng pagyakap nito sa kanya ng mahigit. Ramdam niya sa yakap nito na hinding-hindi na siya nito pakakawalan pa kahit ano pa man ang mangyari.





Itutuloy:

48 comments:

Unknown said...

poging zeke



matatapos na ba talaga to? ang ganda kasi e tsaka bitin pa ako sa kilig moments nila e.. hahaha!


(yung sex scene di ko binasa conservative si vampire eh! hahahaha)


kasalanan na kasunod nito xD

luilao said...

graaaaaaabbbbbbeeeee!!!!!! parang tanghaling tapat ang iniiitttttttt!!! hahahaha

Jasper Paulito said...

Grabe... love na love ko tong chapter na to... zildjian, ikaw na.... love ko na rin si Maki Maki... sarap pala niya sa kama eh... hehehe

Anonymous said...

At eto na nga ang cncsbi q ehhh. With flying colors haha

Nice one kuya ekkkk...

Super ganda ng twist...
Ganda ng flow ng chapter na eto..
Ur d best ylga kuya zekkk.
Cant w8 to read d final chapter...

Goodluck^_^


[Ryan.M.]

russ said...

hehehe sir Z..paxnxa na kung di ako nakapg.comment dito..ikaw talaga.

superb nga ito eh..db post ko nga sa fb mo nga ang adik lang..may acrobatic at stunt p talaga..

hehehe..
sana mas mahaba pa sa finale na..Sir Z

frontier said...

what a scene. Ginawa mong hindi ganoong mawalay. Dabest ka talaga kuya! Sa uulitin.

Unknown said...

wew, talagang may "holy cow" at "holy sh*t pang words hahaha. . . finale na haixt mamimiss ko tong obra mo kuya zeke . .

Richie said...

Hahaha ang init ng eksena idol... Kilig to the bones tuloy ako sa love scene ni Maki at Jay...

Anonymous said...

weee ok na lahat.. bawat barkada may kwento na..sana may susunod pang series ult about sa barkada nilahehehe congrats po

-rhaj

Anonymous said...

ooh mey huli kaw!
da best ka sir Z.
halos kalahating taon ko din inaabangan ang kwentong e2.
at dis s it na talaga. . .matatapos na.
perfect match talaga ang JayMak. . .i really love them!
aside kay Dorwin at Red.

hanggang sa susunod na obra mo sir Z. andito lang kaming mga readers mo, lalo na ang mga silent readers like me.

sella turcica ^____^

Anonymous said...

Holy Cow!
Holy Shit!
This chapter is so damn hot!!!
Revelations and kilig moments!!!
You never fail to make me smile whenever i read your stories! Para na naman akong baliw habang nagbabasa, I can't help but giggle! Haha. This is the fruit of your 12 hour penitence!!! Amazing chapter just like the previous one's!!! Thanks zeke!!! Ang laki na ng eye bags mo hahaha, kaya wag kang mahihiya kasi pinagpuyatan mo yan haha... mwah...


Pat
TAGASUBAYBAY

cyril21cute said...

pwede magkaroon ng maki?
hehhehe cute,,hahaha

cyril21cute said...

ANG CUUUUTTTEEEEEEE, SWERTE NI JAY,, how i wish i could have maki in my life,m ahehehehe so cuuttteeee

Unknown said...

nako.kuya Z... para kong baliw dto kakatawa... kinikilig ako... hala... ano ba to... pahabain mo pa pls... gustong gusto ko tlga tong sila maki maki at jay jay... ano ba yan... parang ako ung nasa kwento ahhh.. hayyyy...

jheslhee here

Jace said...

waaaaaaaaaaaaaa!!! tambling ako sa love scene!! yan pala nagagawa ng pagpupuyat.. hahaha..

ikaw na talaga Idol!! hehehe...

3 thumbs up for this Pre-Finale!!
di biro ang 12hours ha para lang matapos mo ang Chapter 24!! saludo talaga ako sayo IDOL.. :)

eggzoited much for the Finale!! :)

Kudos!!

-Minion JayJay

--makki-- said...

Natawa ako sa "hold on to that TRUST" haha ibang trust yata yun poy :))))))

All is well that ends well ika nga.. napakahusay poy! Napahanga talaga ako sa kung paano mo I connect ang chapter 1 sa mga huling chapters neto.. at and how each characters manipulated each characters.. salamat sa update.. sabi ko na nga ba eh mrs. Serrano is janssen's mother.. puro great minds mga character sa story na to.. pati readers napapaisip din.. CLAPCLAP

Unknown said...

Weeeeew! Sobrang hot ng chapter n toh! ^_^

Anonymous said...

Whoah! naginit ako dun ah.. hahaha. :)

-london-

Unknown said...

CLAP CLAP!!!! Hindi sayang ang paghihintay nmin sa kwento nila maki-maki at jay-jay... salamat Zeke iba ka talaga... next na!!!!!

Unknown said...

thank Zeke sa Story worth to wait kahit na adik ka na at kulang sa tulog... hehehehehhehehe

MARK13 said...

That was so INTENSE and HOT!!!!! THANKS KUYA ZEKE :)))

LYRON SANTOS said...

Oh shit! That was too hot!!! wow!

Anonymous said...

"Hindi ako ang mahal mo kung hindi ang
taong gusto mong maging ako." ~JAY

~Naluha ako dito. Pero ng mabasa ko ung sa huli. Ok na na intindihan ko na. Sabe ko kc parang my nawawlng part kaht na explain naman lahat na ung kung pano nawala si maki at panu nalaman ni jansen. Kasi nung umiyak si jay na kausap si mrs. Serano close na ang deal at wala na ang flashback sa story. Pero ok na kuya ZEKI naintndihn kona.

~~~
~Huwatt?! Si mrs. Serano ung mama ni jansen? Ikaw na kuya zeki! You already! Puno ka tlaga ng twist. Puro kapasabog. GOD!! At nahirapn daw sya sa lagay na un?! Haha no wonder bakit madaming my gusto sa paraan mo ng pagsusulat. Isa na ako dun! :)

~~~
#HolyCow #Holishit :D

Ang exsibitionist naman ni maki pag dating sa labo scene parang BDSM lang ang peg sa Ganun eksena. Naimagine ko tuloy ung posisyun nila. (Pinuluted lang ni kuya zeki ung utak ko. LOLZZ :D )

~~~JAYVIN

Anonymous said...

ahaaaay patapos na? :'( huhuhu thnx kuya zeke! :)

Unknown said...

Patapos na pla.. >_< 1st comment ko sa blog mo kuya zeke hahaha enjoy ako sa lahat ng stories mo! go go go kuya zeke! :D

Anonymous said...

nung april lang ako nagstart magbasa dito zeke malas kupa bittersweet ung unang nabasa ko haha kung kalan reunion ng mga characters mu. Pero iba ang dating nitong TDBM puro pala-isipan ganda. Hope for more stories.

- Poging Cord

rheinne said...

so intense hahahaha...

Zildjian said...

Pampawala ng pagod iyan para sa inyo habang panira naman ng utak para sa akin. HAHAHA! All is well!! Matatapos ko na rin ang TDBM!! WEEEEE!!!

Anonymous said...

hmmmm...

so maki at jay na???

hmmmm


pangz

Lexin said...

Napaka "holy" naman nitong chapter mo zeke.. haha! Talagang pinanindigan mo ha.. thanks sa update.. pampawala nga ng stress.. kudos!

Unknown said...

The best "holy cow" eveeerr!! haha. kaloka itong chapter na ito. ganda promise. :)) Nice. 25 naman aabangan ko. :))

Unknown said...

napaka awesome nito kuya Zeke,thumbs up for you! Na speechless ako, holy cow! XD

Unknown said...

holy cow!!!! anganda ng chapter na 'to, one of the bestestsss.. :)

ako si mike said...

u really r the king of "twist" zeck!

galing!

more kilig moments ni jay-jay <3 maki-maki..hehehe

two chapters more pa sana :-D

Anonymous said...

The best!! Can't wait for the next chapter and sa next series.. -arc

chie said...

Mixed emotions Zeks...masaya kasi mukhang all is well na between Maki-Maki and Jay-Jay but medyo sad din kasi mamimiss ko yung characters nila.

Thank you Zeke kasi tinupad mo yung pangako mo na tapusin ito. :)

Anonymous said...

Nice!!!! The best!! Nkaka l na chapter!! Hihi
-rom-

Unknown said...

ganda talaga ng TDBM...great job kuya Z...hot ang sizzling ng chapter na ito

Anonymous said...

ay ganun!?nanay pala ni janssen c mrs. Serano?hehe..ang galing ng twist!

Nawindang nmn aq sa last part nila maki at jay!haha..parang disyerto lang ang ineeettt!!haha..

-monty

Anonymous said...

I like it, i really really like it. Sulit ang ilang buwan kong pagsubaybay nito. At pinagbigyan ang hiling kong may sex scenes, hehehe. more, more, more. Congrats and thank you for well thought, inspired and beautiful story. I'm excited na sa last chapter...

Anonymous said...

kuya zeke!!! ang galing!! love it!! ang sweet ni maki-maki..sana makita ko na talaga siya..huhuhu..

-Jay na doppleganger

Anonymous said...

ang ganda grabe

speechless

jubert:)

Anonymous said...

kakaiba naman amg love scene na ito...love it....ikaw na talaga ang HENYO, hindi mu na naman kami binigo....

_iamronald

Anonymous said...

before, i was like hoping for kilig scenes between Maki-Maki and Jay-Jay kahit na isa lang.. super shocked naman and kiligness to the max naman ang nangyari ngayon.. hahaha super loved it... waaaahhh!!!!!

oh my G..!! can't get over.. hahahaha

God bless.. -- Roan ^^,

Ryge Stan said...

holy molly crap ang ganda ng chapter na to the best. To bad malapit na palng matpos.

Anu kaya ang kasunod na story???

teresa of the faint smile said...

hay,......grabe ung atake ng part na ito haha,...hapy ever after din lang sa huli hahah,....:)

robert_mendoza94@yahoo.com said...

my oh my!so worth of waiting zekie, akala ko while reading it sa middle part ay mas gagrabe pa ang problema, un pala ay magkaka aus na clang dalawa. effective talaga pag may open commu at give and take sa paliwanagan. talagang mind draining ang pinagdaanan mo ZEKIE just to mapaganda at ma amaze ang iyung mga avid readers. a million tnx to a great author, zekie or zildjian.

Unknown said...

late comment haizt goodluck sa new story kuya ZEKIE

Post a Comment