Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
FB Group: facebook/ZildjianStories
Author's Note:
Salamat sa mga taong ito na nag-iwan ng kanilang komento sa Chapter 19 hanggang chapter 21 ng TDBM ko. Kahit pa man matagal akong nawala ay hindi pa rin kayo nanawang magbasa sa aking k’wento. Kaya naman maraming maraming salamat guys!
Tzekai Balaso, Jerwin Caraang, Bobby Evasco, Brilliance, Mhi Mhiko, ~Makki~, _IamRonald, Chie, Philip Zamora, Raymund Of Bacolod, Jayvin, JheiJhei, Mark Kym, Luilao , Pat Tagasubaybay, Vampire (Dev Nic), JM Velasco (Cocobar),Mark Lacuesta, Slueshe.love, Philip Aizen, Sullivan Eduardo, Jayvin, Franklin Aviola, Eric John Alfeche, RyanM (Ryan25), Arc, Ronel Bautista Penada, Christian Jayson Agero., Robert Mendoza, Monty, Rheinne, Bon-Bon, JC, Pangs, TwilightMinds. Roan, Lyron Batara, Richie, Russ, JM Fab, Ryge Stan, JayJay, Lawfer (Katanashi), Jhay, Poging Cord, Cyril21Cute, Dexter Perez, Jaspert Paulito at sa ilang Anonymous!
Sa Mga Silent Readers ko naman ay salamat din guys. Siguro ay may mga rason kayo kung bakit di niyo trip mag-comment kaya hahayaan ko na kayo. Sana lang, bago ang huling chapter ay magpakilala ang ilan sa inyo para naman mabati ko kayo sa finale.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Maki Delgado
“I’m
sorry Nico, `di ko inaasahan na mapapadali ang bakasyon ko. I thought I can
have more time once na ma-i-close ko ang deal.” Humihingi ng paumanhin niya sa
kaibigang nasa kabilang linya. Hindi pa nga nakakalayo ang sasakyan na sumundo
sa kanya sa NAIA 3 nang makatanggap siya ng
tawag galing dito.
Nangako siya rito na gugugulin niya ang inaakala niyang
mahabang bakasyon sa pagtulong sa paghahanap kay Maki. Nahihiya na kasi siya sa
mga ito. Ang mga ito na lang kasi ang nag-e-effort hanapin ang lumayas niyang
irog habang siya naman ay abala sa paghabol-habol kay Mrs. Serano. Pero kung
kailan inakala niyang mabibigyan na siya
ng pagkakataong makapag-focus para hanapin si Maki ay heto’t nakatanggap siya
ng tawag kagabi kay Mrs. Serano na sa araw na iyon nito na-i-set ang
presentation ng bawat department sa courier company nito. Kailangan iyon para
malaman niya ang pasikot-sikot sa bawat departamento ng kumpanyang iyon. Hindi
man lang tumagal ng isang Linggo ang kanyang pahinga.
“It’s okay. Mas kailangan ka diyan at hindi mo naman siguro
gugustuhing ma-bad shot sa bagong partner mo pagkatapos ng ilang araw na
panunuyo mo sa kanya para makipag-merge sa inyo. Kami na muna ang bahalang
maghanap sa nawawala mong irog.” How thankful he is to have them as his friends.
Hindi lang kasi marunong umintindi ang mga ito, sinusuportahan pa siya sa
kanyang bagong karera bilang isang business person.
“Nakakahiya na kasi sa inyo. Dapat, ako ang naghahanap kay
Maki, since ako naman itong dahilan kung bakit bigla na lang lumayas ang
demonyitong iyon. Pero heto’t kayo pa ang gumagawa niyon para sa akin.”
“Huwag mo akong hiritan ng ganyan, Jay. Alam ko ang likaw ng
bituka mo. Wala sa bokabolaryo mo ang salitang ‘hiya’ kaya, tigilan mo ako.
Hindi na ulit uubra sa akin iyang mga drama mo. Minsan mo na kaming nalokong
lahat at hindi na mauulit iyon.”
Nakagat niya ang ibabang labi. Hanggang ngayon ay may
hinanakit pa rin ito sa kanya sa pagpapaikot niya sa mga ito. Hindi naman niya
ito masisisi. Matatalino ang mga kaibigan niya at hindi matanggap ng pride ng
mga itong nagawa niyang mailihim ang kanyang plano . He made them all feel stupid at ang
mas malala pa, pinag-alala niya ang mga ito sa kanya na hindi naman dapat.
“Hindi ko naman kasi sinasadya ang ––”
“Sinadya mo man o hindi, it will never change the fact that
you made a fool out of us. Pasalamat ka’t nauhan kami ng paglalayas ni Maki.
Dahil kung nagkataon na ako ang unang nakapag-react, ibinaon na kita ng buhay.”
“Nicollo naman.” Nagpapa-cute niyang sabi.
“Napag-alaman ko na narito lang si Maki sa Pilipinas. Walang
record na umalis siya ng bansa.” Pag-iiba nito ng paksa. Halatang hindi uubra
rito ang kanyang pagpapaawa. “Sadyang ang hirap lang hanapin ng eksaktong
lokasyon niya. Gano’n siya ka seryosong pagtaguan ka. He’s not even using his
credit card para hindi ma-trace kung nasaan siya.”
Mukhang ngang sineseryoso ni Maki na pagtaguan siya. Ngayon
lang kasi nahirapan si Nicollo na maghanap ng isang tao. Kahit na ginagamit na
nito ang koneksyon ng ama nito, hindi pa rin nito mahagilap si Maki. Ilang
buwan na rin itong nawawala.
“Kung narito lang siya sa Pilipinas, ibig sabihin nasa isang
lugar siya na hindi natin iisiping pupuntahan niya.” Kung hindi nga ito lumabas
ng bansa ay nahanap na dapat nila ito. Halos kasi lahat ng lugar na pwedeng
puntahan ni Maki ay napuntahan na nila. They even went to Sagada, Palawan, Bohol , Boracay at sa kung saan-saan pang tourist spot na
masarap pagbakasyunan ay pinuntahan nila thinking na nagpapalamig lang ito ng
ulo pero lagi silang bigo.
“At saan naman kaya iyon? Sa ilalim ng dagat?” Sarkastikong
tugon nito. He can even hear the hint of frustration sa boses nito.
“Ipagpaliban mo na lang muna ang pagpapahanap sa kanya,
Nico.” Medyo nahihiya na talaga siya rito. “Ayaw kong mapabayaan mo na ang
Coffee shop at si Lantis. Tutal, kagagawan ko naman kung bakit siya umalis,
dapat lang na ako ang maghanap sa kanya.”
“Bakit nga ba hindi na lang natin hintayin ang pagbabalik
niya? Kung may nakakakilala man kay Maki ng lubos ay ikaw iyon. Alam mong kahit
mahanap pa natin siya, hindi pa rin niyon mababago ang sitwasyon niyong dalawa.
Pinagmukha mo siyang tanga Jay, at hindi ang tulad ni Maki ang basta na lang
palalampasin iyon. Mas mataas pa sa Mount Everest
ang pride ng isang `yon.”
“Matagal na akong naghihintay sa kanya, Nicollo.”
Pagpapa-alala niya. “Simula high school ay inasam ko na ang mahalin niya. Pero
sa tuwing sinusubukan kong umasa ay saka naman niya harap-harapang ipamumukha
sa akin na kaibigan lang ang tanging nararamdaman niya para sa akin. Na wala
akong aasahan sa kanya.”
“But you never stop hoping.” Wika ni Nicollo.
“But you never stop hoping.” Wika ni Nicollo.
“How can i? Sa tuwing may gagawin siyang bagay para sa akin
ay agad kong nakakalimutan ang sumuko. Kaya nag-isip ako ng magandang plano para makuha ko ang
puso niya. And I invested too much just to make sure na magtatagumpay ako.”
“You used all the resources that you can use. Pati ang
paghihiganti ni Janssen ay ginamit mo para sa malaking plano mong iyon. Pinaniwala mo kaming lahat
na ang mga ginawa mo ay para makuha si Janssen. Pero ang totoo, everything you
did before kasama na ang pagpapalit-palit mo ng boyfriend was to set the whole
things up, to put everything into places. Ginamit mo ang pagiging protective ni
Maki para dahan-dahan mong mahila ang puso niya. How genius! Pati kami, nasali
pa.” Sarkastikong wika nito.
“I have to, Niccollo. Kailangan kong maging tuso para makuha
si, Maki at masolusyunan ang problema ng pamilya ko.”
“But it was not the perfect plan Jay, because it backfired
on you. Hindi mo na-anticipate na pwede ka ring mahalin ni Janssen. To the
point na hinamon niya ang kakahayahan ni, Maki.”
Napipilan siya sapagkat tama ito. Hindi niya inasahan na
mamahalin siya ni Janssen na dahilan para isa sa mga hindi dapat mangyari ay
nangyari. Nalaman ni Maki na lahat ay pakulo lamang niya. Na pinaikot niya ito
sa mga palad niya na naiwasan sanang mangyari kung hindi ito hinamon ni
Janssen. Maki was not supposed to do drastic measure. Hindi dapat siya
pinuntahan nito ng araw na iyon para isambulat sa kanya ang mga nalalaman nito
sa plano ni
Janssen. Sa plano
niya ay siya dapat ang gagawa niyon not Maki. Nagtatapos sana
ang lahat na ayon sa plano niya at naitago sana iyon rito.
“Minahal ka niya, Jay. Handa siyang isakripisyo ang lahat
para lamang sa pagmamahal niya sa’yo. Kahit na kasuklaman mo siya ay handa
niyang tanggapin maiwasan ka lang niyang masaktan sa mga bagay na malalaman mo.
Iyon pala, alam mo na ang lahat. Hindi lang ang ego niya ang tinapakan mo sa
araw na iyon nang sumambulat ang buong katotohanan, pati ang puso niya.
Pakiramdam niya ay pinaglaruan mo ang damdamin niya.”
“I know.” Wala sa sarili niyang naiwika. Muli kasing
rumehistro sa kanyang isipan ang galit sa mukha ni Maki nang ipagtapat niya ang
lahat sa umiiyak niyang ama. Wala siyang choice, kailangan niyang umamin dahil
ayaw niyang lalong mahirapan ang kanyang ama. It was also the last time na
nakita niya ito.
“Handa ka bang harapin ang galit niya kung sakaling makita
natin siya? At handa ka rin bang tanggapin na pwedeng nawala na ang pagmamahal
niya sa’yo dahil––”
“Mahal ako ni Maki at hindi basta-basta mawawala iyon.” Pagputol niya rito. Hindi kayang tanggapin ng isipan niya ang posiblidad na nawala na ang pagmamahal nito. Mahal siya nito at malalim ang pagmamahal na iyon para basta na lang mawala na parang isang bula.
“Wala na akong sinabi.” Ang sumusukong wika nito. “Siya,
kami na muna ang bahala sa paghahanap sa kanya, asikasuhin mo na muna ang mga
dapat mong asikasuhin diyan sa Manila .
Kapag may update, itatawag ko agad sa’yo.”
Isa sa mga building sa Ortigas huminto ang sasakyang sumundo
kay Jay. Iyon ang building kung saan naroon ang E&J Company – ang courier company ni Mrs. Serano na ngayon ay
isa na siya sa may-ari. Ilang beses na siyang nakatapak sa kumpanyang iyon
noong mga panahon na hinahabol-habol niya si Mrs. Serano. Sa pagkakaalam niya
ay dalawang palapag ang sakop ng E&J
–ang 14th and 15th
floor.
Pagkatapos makapagpasalamat sa driver na ipinadala mismo ni
Mrs. Serano para sunduin siya ay agad siyang bumaba ng sasakyan at deretsong
tinungo ang elevator. According to Mrs. Serano, hinihintay siya ng mga ito sa
15th floor kung saan naroon ang conference room. Gusto niyang
matapos agad ang lahat para pormal siyang makapagpaalam sa kanyang business
partner na kailangan niya ng bakasyon para hanapin si Maki. Tutal, naik’wento
na niya rito ang lahat kaya nasisiguro niyang pagbibigyan siya nito.
Nang marating niya ang 15th floor ay agad siyang
sinalubong ng isang babae.
“Good morning sir, this way.” At nagpatiuna itong naglakad.
“Hindi naman siguro ako late?” Ang huling gusto niyang
mangyari ay ang ma-late siya. Ayaw niyang bigyan ng impression si Mrs. Serano
na hindi siya marunong dumating sa tamang oras.
“Surprisingly not.”
Napahinto siya at parang tumigil ang kanyang mundo nang
marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Oo nga’t mahigit tatlong buwan na
niyang hindi naririnig ang boses na iyon pero `di
siya pwedeng magkamali. Dahan-dahan siyang lumingon at halos mahagip niya ang
kanyang hininga nang bumulaga sa kanya si Maki.
“M-Maki?”
Salubong ang mga kilay at seryoso ang mukhang sinalubong nito ang kanyang tingin.
“Hindi yata ako sanay na gising kana sa mga oras na ito.”
Wika nito saka pansamantalang iniwan ang kanyang gulat na ekspresyon para
tingnan ang relong pambising nito. “It’s just almost nine. Sa pagkakatanda ko,
tulog kapa dapat sa mga oras na ito.” At muli nitong ibinalik sa kanya ang
tingin.
“A-Anong ginawa mo rito?” He ignored the sarcasm and the
not-so-good-to-see-you expression in Maki’s face.
“Mukhang nasira na ang surprise ko sa bago kong business
partner, ah.” Agad na nabaling ang kanyang tingin kay Mrs. Serano na nasa may
pintuan ng conference room. “Meet our Web Designer from the development
department. He’s the one who’s responsible for giving a new taste and look for
the company’s online service. Nandito rin siya ngayon para i-present ang bago
niyang idea sa joint company natin.” Nakangiti pa nitong dagdag.
Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin kay Maki na sa kanya
pa rin nakapako ang tingin habang walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito.
“Paano ka napunta rito? Kung saan-saan ka namin hinanap.”
“Maki! Bakit iniwan mo ako? `Di ba sabi ko sa’yo hintayin mo
ako para sabay na tayong aakyat dito?”
Nabaling ang kanyang tingin sa bagong dating na babae na
agad umangkla sa braso ni Maki. Pero ang lalong nakakuha ng kanyang pansin ay
nang humilig ito sa braso ni Maki na animoy wala itong pakialam sa makakakita
rito.
“Isn’t it a bit early for flirting Miss?” Hindi siya
masungit na tao pero sa nakita niyang pagdikit dito sa hindi man lang tumutol
na si Maki ay biglang uminit ang kanyang ulo. Walang sino man ang may
karapatang dumikit sa Maki niya.
“If I were you Rayanne, hindi mo bibigyan ng ganyang tingin
si Mr. Iglesias.” Wika ni Mrs. Serano. Doon ito tumuwid ng tayo at umayos nang ma-realize na
nandoon ang boss nito. “After all, he’s your boss. Jay, meet Rayanne De Guzman,
the head of the budget department. She works hand in hand with Maki’s
department.”
“G-Good morning sir.” Ang tila biglang kinabahan nitong bati
sa kanya.
Hindi niya ito pinansin at bumaling ulit kay Maki.
“Mag-uusap tayo pagkatapos ng meeting na ito Delgado.” May
diin at puno ng iritasyon niyang wika rito. Saka niya binalingan si Mrs. Serano
na may kakaibang ngiti sa mukha. “Since na handa ng makipagflirt ang isa sa mga
head natin, I guess handa na rin silang mag-present sa harap ko.”
Wala na. Tuluyan ng nasira ang mood niya dahil sa kalandian
ng babaeng si Rayanne. Pero ang mas nagpakulo sa kanyang dugo ay ang hindi man
lang pagtutol ni Maki sa panlalandi nito. Kaya ba siya nito natiis ng ilang
buwan dahil may kalandian na itong iba? Kung galit lang nito ay kaya niyang
harapin pero ang makita itong nilalandi ng iba na hindi ito tumutotol, ibang
usapan na iyon.
Lalo lamang lumapad ang ngiti ni Mrs. Serano sa kanya bago
nito binalingan ang nahinhintakutan na sa kanyang babae na kanina lang ay sumundo sa kanya sa
elevator.
“Marie,ipatawag mo na ang iba pang department head. Sabihin
mong magsisimula na ang meeting at hindi na maganda ang mood ng bago nilang
boss.” Agad namang tumalima ang babaeng tinawag nitong Marie.
Aaminin ni Jay na wala siyang masyadong naintindihan sa
bawat presentation ng mga department head. Naakatoon lang kasi ang kanyang
pansin sa magkatabing Maki at Rayanne and the jerk seems to enjoy Rayanne’s company. Nakita pa niya ang
paminsanang pagpapalitan ng ngiti ng mga ito na lalong nagpakulo ng dugo niya.
Ang magaling na lalaking
iyon! Sa ibang tao kaya niyang makipagngitian tapos pagdating sa akin, hindi
man lang ako tinapunan ng tingin!
Kasunod niya si Mrs. Serano habang papunta sila sa opisina
nito. Katatapos lang ng meeting at agad niya itong nilapitan para makipag-usap.
May mga bagay siyang gustong klaruhin dito. Pagkapasok na pagkapasok nila sa
opisina nito ay agad siya nitong hinarap.
“Hindi mo ba nagustohan ang mga presentations nila? Napansin
kong kanina ka pa walang kibo.” Wika ni Mrs. Serano. “Coffee?”
“Anong ginagawa ni Maki rito Mrs. Serano? Bakit wala kang
sinabi sa akin na nandito siya sa’yo?”
“Elizabeth, Jay.” Pagtatama nito. “At kung bakit hindi ko
sinabi na narito sa kumpanya ko si Maki, iyon ay dahil na rin sa kahilingan
niya.”
Kahilingan? So, may idea ito sa proposal niya sa kumpanyang
iyon at hindi man lang ito nagtangkang harapin siya. Talagang ayaw siya nitong
makita.
“ Ilang buwan ko na siyang hinahanap. Halos malibot na namin
ang buong Pilipinas ––”
“I know.” Pagputol ni Mrs. Serano sa kanyang paglilitanya.
Mataman niya itong tinitigan habang kampante itong nakaupo
sa swivel chair nito.
“It’s not just a coincidence right? Kung bakit sa
dinami-rami ng kumpanya rito sa Manila ay ang
kumpanya pa kung saan nakikipag-merge ang kumpanya ko naroon si Maki. Hindi totoong
nag-hire ka ng detective `dib a? Si Maki ang source ng information mo about sa
akin.”
“Ako nga.”
Napabaling siya sa may pintuan nang marinig ang boses na
iyon at sumalubong sa kanya ang naka halukipkip na si Maki. Ngayon na medyo
humupa na ang pagkabigla ng makita niya ito ay nagawa na niya titigan ito ng
mabuti. Mas lalo itong gumuwapo sa suot nitong dark brown na long sleeve na
pinarisan ng black na khaki pants na lalong nagpatingkad sa kaputian nito. `Di
rin niya maitatanggi na bagay dito ang naka-formal attire.
Bahagya niyang ipiniling ang kanyang ulo. Hindi ngayon ang
tamang oras para i-assess niya ito. Marami pa siyang katanungan at isa na doon
ay kung ano ang relasyon nito sa Rayanne na iyon.
“Karapatan ni Maam Elizabeth na malaman ang mga bagay
tungkol sa’yo kung makikipag-merge ang kumpanya niya sa’yo.” Muling wika nito.
“Mas mabuting malaman niya kung ano’ng klaseng tao ang humahawak ng kumpanyang
gustong makipag-merge sa kanya.”
Napataas ang isang kilay niya rito.
“And what’s that supposed to mean?”
“Oh, boy.” Taliwas sa hitsura ng naaalibadbarang tao ang
hitsura ni Mrs. Serano. Malapad ang ngiti nito na animoy tuwang-tuwa sa
kanilang dalawa ni Maki. “Ang mabuti pa ay sa labas niyo na tapusin ang LQ
niyong dalawa.” Saka ito bumaling ng tingin sa tainted na glass wall. Napasunod
na rin siya ng tingin at doon nakita ang ilang emplyedo na abala na sa
pakikiusyoso sa kanila.
“Maki, it’s about time you explain everything to, Jay. Pero
mas maganda kung ilalayo mo siya rito. Hindi makakabuti sa opisina kung ito ang
magiging war zone niyong dalawa. Matatakot ang mga empleyado.” Wika ulit ni
Mrs. Serano.
Muling nagsalubong ang tingin nila ni Maki. Tulad kanina
nang una silang magkita ay salubong pa rin ang mga kilay nito.
“Why would I bother? He can decipher everything on his own.
After all, he’s Mr. Genius. Nagawa nga niyang gumawa ng isang napakagandang
plot para lamang paglaruan ang mga taong nagmamahal sa kanya, eh.”
The sarcasm on his voice boils his blood to the maximum level. Wala ba siyang karapatang marinig ang mga paliwanag nito? Hindi ba nito alam kung papaano siyang nag-alala dito nang bigla itong mawala ng ilang buwan?
Inis na tumayo siya at lumapit dito.
“Mag-usap tayo.” He said with a demanding voice. Kung
kailangan niyang kaladkarin ito ay gagawin niya. “Marami akong gustong malaman
and I don’t have the time in the world na isa-isang tuklasin iyon!”
“Hindi ako nakikipag-usap sa mga taong tinawag akong
demonyito.” Naniningkit ang matang wika nito sa kanya.
“Kailan kita tinawag ––.” Naputol ang kanyang iba pa sanang
sasabihin nang maalala niya ang pag-uusap nila ni Nicollo kanina. “Nakikinig ka
sa usapan namin ni NIcollo!” Naibulalas niya.
Itutuloy:
43 comments:
hahaha...what goes around comes back around jay... pero guzto ko to kuya Z... at si Mrs. Serano echusera lng tuwang tuwa pa sa bagangayan ng dalawa... Nabitin ako kuya Z.. neyxt na pls....
silent reader ako ehh...ngayon Lng ako nag comment...
JHESLHEE HERE....!!!:-)
Masakit talaga sa 1 matalino na mlamang naloko xa o naisahan xa! Never thou shall under estimate your opponent!
nice kakatuwa ang bangayan hehehe
Bitin haixt. . .
pero aantayin ko na lang ang finale nito excited na akong magkatuluyan si maki-maki at jay-jay
haha ayan simula na! Thanks dto kuya zeke :3
Juice ko zeke Bitin. Waaaaaaaa. jm velasco hahahahah.. yan huli....hahaaaaaa..
Mukhang 360 degree turn ang nangyari sa situation ni Jay at as usual lakas mo pa din mambitin. :)
Nakakatuwa na mabilis ka na ulit mag-update. Iba talaga pag-inspired lalo na sa sarili. Hahaha! Ikaw na talaga Zeks at wala ng iba pa! :)
waha! Ang ganda ng flow.
- Poging Cord
Ti kanami gid haaayzzz.. daw indi man tani katulog author man, inspired gid ko masyado! hahaahah
Ganda ng weekend!!!! Kilig to the bones.. ikaw na talaga Author!!!
at eto na nga... nagsabwatan nanaman sila... hahaha.. XD
Kudos for you Idol! :)
narelax ang utak ko kay Jay at Maki... hahaha...
Thanks for the Update idol! :)
-Minion JayJay
as what i've said hahaha! battle of the geniuses! nice one poy! got to sleep na!
Oh God, your crazy Mr. Writer, kung bakit lagi na lang may twist sa ending, ito yung talagang hahanap hanapin mo at susubaybayan hanggang ending. Ur such a great genius, I'm one of ur avid fan. Keep it up
iba ka talaga zeke the best ka...maki maki mahal kita... zeke good luck and thank you...
aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!! un lang..
Hahaha c jay nmn ang npgkakaisahan nila... Galing mo talaga idol...
push maki!!!! i so lurve maki tlga..! bitin!!!
Haisst eto tlga ang height ng pagka bitin hahahaha..super kilig talaga ang bangayan scene..
height ng pagka bitin hehehehe..super kilig na namang chapter to hehehe
walang kakupas kupas Kuya Zeke... galing mo talaga!
_xtian14 of KSA
hahaha...i think magkasama si maki at nicollo that time ng magkausap sila sa phone....tnx at may part 23 na..:)
Rodel gonzales rebay po..silent reader..ngayon lng po nag comment..:)
Hahaha....kuya zekie,ngayon lang uli nakapagcomment,pasensya at palaging silent reader :D
Ang ganda ng kwento,excited na ako sa kalalabasan ng kwentong ito. Ang henyo at ang tuso nilang pareho :))
wahhhh ito na.. ngayon lng nkpgcomment talaga..hahah super ganda na ng takbo ng story
go maki go maki go maki..hahahha
YES! Malapit na ang conclusion... mapaparanoid ako kapag silang dalawa kasama ko sa trabaho...uso na ata wire-tapping!
Hehe silent reader. Ngaun lng magcocomment. Request ni author e. Hehe epic. Ang ganda! Pedeng nxt chapter na plssss. :) galing!!!
nkakatuwa ang bangayan nilang dalawa, kaya amused aman c elisabeth! he he he
hahhaahha nice nice talga nito ui..ang mundo tlaga ai bilog..
nice one zek. next chapter na!
A taste of your own medicine nga talaga. Bitter pill to swallow. In a way I can relate to the group's feeling of betrayal. Disappointment is much more intense if it was caused by someone you trust.
Hay grabe anlakas maka bitin..di matanggap ni maki na ndi lang cia ang manipulator..nice one poy
_iamronald
Ang pagkikita ng mag sing irog...
Kilig much
It only proves henyo si kuya zeke for creating Jay and Maki with such great minds,haay sobrang enjoy ako dto sa TDBM,thumbs up kuya!
Hahaha saya tlaga ng mga story mo Z.. The best!!! Sulit ang napaktgal n pag aantay.. :)) -rom-
Nakakagulat!!!! Waaaaah! Nabitin ako zeke :( ... mejo nakakakilig na ulit ang mga eksena!!! Can't wait for the final chapters ... :)
Pat
Tagasubaybay
waaahhh!!! I need chapter 24. ahaha. super nabitin ako. pero ayos lang. ang ganda pa rin talaga. hihihi. :) Abang abang din pag may time. :) nice one.. <3
Nice! thnx kuya zeke!
Totally unexpected! Very nice! Very very nice!..
-London -
Nasaan ang kilig moments at sex scenes nina Maki Maki at Jay jay? Heehehe. Hihintayin ko ang Finale...
Bitin much! Hahaha... yun oh, mukhang sweet revenge ang mangyayari..
-lem-
Wew! Chapter keeps getting better and better... salamat dito zeke.. nakakabawas stress..hehe..
Nice 1..
done ko na basahin... thanks zeke... excited na ako sa komprontasyon nila Maki At Jay... sila nicollo pala kasabwat din paano nga naman mahahanap ang taong nagtatago at itinatago ng mga kaibigan ni Jay... HAhahahahaha nautak si Jay... I love this... Zeke next chapter na!!!!!
hehehe nice tnx much zild
have a great day and keep it up.
omg! super duper ganda talaga netoooooooo! haha now, who's the real devil? haha
- <(")
Post a Comment