Friday, July 19, 2013

The Devil Beside Me Chapter 23



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Salamat sa mga taong ito na nag-iwan ng kanilang komento sa Chapter 19 hanggang chapter 21 ng TDBM ko. Kahit pa man matagal akong nawala ay hindi pa rin kayo nanawang magbasa sa aking k’wento. Kaya naman maraming maraming salamat guys!

Tzekai Balaso, Jerwin Caraang, Bobby Evasco, Brilliance, Mhi Mhiko, ~Makki~, _IamRonald, Chie, Philip Zamora, Raymund Of Bacolod, Jayvin, JheiJhei, Mark Kym, Luilao    , Pat Tagasubaybay, Vampire (Dev Nic), JM Velasco (Cocobar),Mark Lacuesta, Slueshe.love, Philip Aizen, Sullivan Eduardo, Jayvin, Franklin Aviola, Eric John Alfeche, RyanM (Ryan25), Arc, Ronel Bautista Penada, Christian Jayson Agero., Robert Mendoza, Monty, Rheinne, Bon-Bon, JC, Pangs, TwilightMinds. Roan, Lyron Batara, Richie, Russ, JM Fab, Ryge Stan, JayJay, Lawfer (Katanashi), Jhay, Poging Cord, Cyril21Cute, Dexter Perez, Jaspert Paulito at sa ilang Anonymous!


Sa Mga Silent Readers ko naman ay salamat din guys. Siguro ay may mga rason kayo kung bakit di niyo trip mag-comment kaya hahayaan ko na kayo. Sana lang, bago ang huling chapter ay magpakilala ang ilan sa inyo para naman mabati ko kayo sa finale.

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




 

Jay


Janssen Velasco


Maki Delgado


“I’m sorry Nico, `di ko inaasahan na mapapadali ang bakasyon ko. I thought I can have more time once na ma-i-close ko ang deal.” Humihingi ng paumanhin niya sa kaibigang nasa kabilang linya. Hindi pa nga nakakalayo ang sasakyan na sumundo sa kanya sa NAIA 3 nang makatanggap siya ng  tawag galing dito.


Nangako siya rito na gugugulin niya ang inaakala niyang mahabang bakasyon sa pagtulong sa paghahanap kay Maki. Nahihiya na kasi siya sa mga ito. Ang mga ito na lang kasi ang nag-e-effort hanapin ang lumayas niyang irog habang siya naman ay abala sa paghabol-habol kay Mrs. Serano. Pero kung kailan  inakala niyang mabibigyan na siya ng pagkakataong makapag-focus para hanapin si Maki ay heto’t nakatanggap siya ng tawag kagabi kay Mrs. Serano na sa araw na iyon nito na-i-set ang presentation ng bawat department sa courier company nito. Kailangan iyon para malaman niya ang pasikot-sikot sa bawat departamento ng kumpanyang iyon. Hindi man lang tumagal ng isang Linggo ang kanyang pahinga.


“It’s okay. Mas kailangan ka diyan at hindi mo naman siguro gugustuhing ma-bad shot sa bagong partner mo pagkatapos ng ilang araw na panunuyo mo sa kanya para makipag-merge sa inyo. Kami na muna ang bahalang maghanap sa nawawala mong irog.” How thankful he is to have them as his friends. Hindi lang kasi marunong umintindi ang mga ito, sinusuportahan pa siya sa kanyang bagong karera bilang isang business person.


“Nakakahiya na kasi sa inyo. Dapat, ako ang naghahanap kay Maki, since ako naman itong dahilan kung bakit bigla na lang lumayas ang demonyitong iyon. Pero heto’t kayo pa ang gumagawa niyon para sa akin.”


“Huwag mo akong hiritan ng ganyan, Jay. Alam ko ang likaw ng bituka mo. Wala sa bokabolaryo mo ang salitang ‘hiya’ kaya, tigilan mo ako. Hindi na ulit uubra sa akin iyang mga drama mo. Minsan mo na kaming nalokong lahat at hindi na mauulit iyon.”


Nakagat niya ang ibabang labi. Hanggang ngayon ay may hinanakit pa rin ito sa kanya sa pagpapaikot niya sa mga ito. Hindi naman niya ito masisisi. Matatalino ang mga kaibigan niya at hindi matanggap ng pride ng mga itong nagawa niyang mailihim ang kanyang plano. He made them all feel stupid at ang mas malala pa, pinag-alala niya ang mga ito sa kanya na hindi naman dapat.


“Hindi ko naman kasi sinasadya ang ––”


“Sinadya mo man o hindi, it will never change the fact that you made a fool out of us. Pasalamat ka’t nauhan kami ng paglalayas ni Maki. Dahil kung nagkataon na ako ang unang nakapag-react, ibinaon na kita ng buhay.”


“Nicollo naman.” Nagpapa-cute niyang sabi.


“Napag-alaman ko na narito lang si Maki sa Pilipinas. Walang record na umalis siya ng bansa.” Pag-iiba nito ng paksa. Halatang hindi uubra rito ang kanyang pagpapaawa. “Sadyang ang hirap lang hanapin ng eksaktong lokasyon niya. Gano’n siya ka seryosong pagtaguan ka. He’s not even using his credit card para hindi ma-trace kung nasaan siya.”


Mukhang ngang sineseryoso ni Maki na pagtaguan siya. Ngayon lang kasi nahirapan si Nicollo na maghanap ng isang tao. Kahit na ginagamit na nito ang koneksyon ng ama nito, hindi pa rin nito mahagilap si Maki. Ilang buwan na rin itong nawawala.


“Kung narito lang siya sa Pilipinas, ibig sabihin nasa isang lugar siya na hindi natin iisiping pupuntahan niya.” Kung hindi nga ito lumabas ng bansa ay nahanap na dapat nila ito. Halos kasi lahat ng lugar na pwedeng puntahan ni Maki ay napuntahan na nila. They even went to Sagada, Palawan, Bohol, Boracay at sa kung saan-saan pang tourist spot na masarap pagbakasyunan ay pinuntahan nila thinking na nagpapalamig lang ito ng ulo pero lagi silang bigo.


“At saan naman kaya iyon? Sa ilalim ng dagat?” Sarkastikong tugon nito. He can even hear the hint of frustration sa boses nito.


“Ipagpaliban mo na lang muna ang pagpapahanap sa kanya, Nico.” Medyo nahihiya na talaga siya rito. “Ayaw kong mapabayaan mo na ang Coffee shop at si Lantis. Tutal, kagagawan ko naman kung bakit siya umalis, dapat lang na ako ang maghanap sa kanya.”


“Bakit nga ba hindi na lang natin hintayin ang pagbabalik niya? Kung may nakakakilala man kay Maki ng lubos ay ikaw iyon. Alam mong kahit mahanap pa natin siya, hindi pa rin niyon mababago ang sitwasyon niyong dalawa. Pinagmukha mo siyang tanga Jay, at hindi ang tulad ni Maki ang basta na lang palalampasin iyon. Mas mataas pa sa Mount Everest ang pride ng isang `yon.”


“Matagal na akong naghihintay sa kanya, Nicollo.” Pagpapa-alala niya. “Simula high school ay inasam ko na ang mahalin niya. Pero sa tuwing sinusubukan kong umasa ay saka naman niya harap-harapang ipamumukha sa akin na kaibigan lang ang tanging nararamdaman niya para sa akin. Na wala akong aasahan sa kanya.”



“But you never stop hoping.” Wika ni Nicollo.


“How can i? Sa tuwing may gagawin siyang bagay para sa akin ay agad kong nakakalimutan ang sumuko. Kaya nag-isip ako ng magandang plano para makuha ko ang puso niya. And I invested too much just to make sure na magtatagumpay ako.”


“You used all the resources that you can use. Pati ang paghihiganti ni Janssen ay ginamit mo para sa malaking plano mong iyon. Pinaniwala mo kaming lahat na ang mga ginawa mo ay para makuha si Janssen. Pero ang totoo, everything you did before kasama na ang pagpapalit-palit mo ng boyfriend was to set the whole things up, to put everything into places. Ginamit mo ang pagiging protective ni Maki para dahan-dahan mong mahila ang puso niya. How genius! Pati kami, nasali pa.” Sarkastikong wika nito.


“I have to, Niccollo. Kailangan kong maging tuso para makuha si, Maki at masolusyunan ang problema ng pamilya ko.”


“But it was not the perfect plan Jay, because it backfired on you. Hindi mo na-anticipate na pwede ka ring mahalin ni Janssen. To the point na hinamon niya ang kakahayahan ni, Maki.”


Napipilan siya sapagkat tama ito. Hindi niya inasahan na mamahalin siya ni Janssen na dahilan para isa sa mga hindi dapat mangyari ay nangyari. Nalaman ni Maki na lahat ay pakulo lamang niya. Na pinaikot niya ito sa mga palad niya na naiwasan sanang mangyari kung hindi ito hinamon ni Janssen. Maki was not supposed to do drastic measure. Hindi dapat siya pinuntahan nito ng araw na iyon para isambulat sa kanya ang mga nalalaman nito sa plano ni Janssen. Sa plano niya ay siya dapat ang gagawa niyon not Maki. Nagtatapos sana ang lahat na ayon sa plano niya at naitago sana iyon rito.


“Minahal ka niya, Jay. Handa siyang isakripisyo ang lahat para lamang sa pagmamahal niya sa’yo. Kahit na kasuklaman mo siya ay handa niyang tanggapin maiwasan ka lang niyang masaktan sa mga bagay na malalaman mo. Iyon pala, alam mo na ang lahat. Hindi lang ang ego niya ang tinapakan mo sa araw na iyon nang sumambulat ang buong katotohanan, pati ang puso niya. Pakiramdam niya ay pinaglaruan mo ang damdamin niya.”


“I know.” Wala sa sarili niyang naiwika. Muli kasing rumehistro sa kanyang isipan ang galit sa mukha ni Maki nang ipagtapat niya ang lahat sa umiiyak niyang ama. Wala siyang choice, kailangan niyang umamin dahil ayaw niyang lalong mahirapan ang kanyang ama. It was also the last time na nakita niya ito.


“Handa ka bang harapin ang galit niya kung sakaling makita natin siya? At handa ka rin bang tanggapin na pwedeng nawala na ang pagmamahal niya sa’yo dahil––”


“Mahal ako ni Maki at hindi basta-basta mawawala iyon.” Pagputol niya rito. Hindi kayang tanggapin ng isipan niya ang posiblidad na nawala na ang pagmamahal nito. Mahal siya nito at malalim ang pagmamahal na iyon para basta na lang mawala na parang isang bula.


“Wala na akong sinabi.” Ang sumusukong wika nito. “Siya, kami na muna ang bahala sa paghahanap sa kanya, asikasuhin mo na muna ang mga dapat mong asikasuhin diyan sa Manila. Kapag may update, itatawag ko agad sa’yo.”





Isa sa mga building sa Ortigas huminto ang sasakyang sumundo kay Jay. Iyon ang building kung saan naroon ang E&J Company – ang courier company ni Mrs. Serano na ngayon ay isa na siya sa may-ari. Ilang beses na siyang nakatapak sa kumpanyang iyon noong mga panahon na hinahabol-habol niya si Mrs. Serano. Sa pagkakaalam niya ay dalawang palapag ang sakop ng E&J –ang  14th and 15th floor.


Pagkatapos makapagpasalamat sa driver na ipinadala mismo ni Mrs. Serano para sunduin siya ay agad siyang bumaba ng sasakyan at deretsong tinungo ang elevator. According to Mrs. Serano, hinihintay siya ng mga ito sa 15th floor kung saan naroon ang conference room. Gusto niyang matapos agad ang lahat para pormal siyang makapagpaalam sa kanyang business partner na kailangan niya ng bakasyon para hanapin si Maki. Tutal, naik’wento na niya rito ang lahat kaya nasisiguro niyang pagbibigyan siya nito.


Nang marating niya ang 15th floor ay agad siyang sinalubong ng isang babae.


“Good morning sir, this way.” At nagpatiuna itong naglakad.


“Hindi naman siguro ako late?” Ang huling gusto niyang mangyari ay ang ma-late siya. Ayaw niyang bigyan ng impression si Mrs. Serano na hindi siya marunong dumating sa tamang oras.


“Surprisingly not.”


Napahinto siya at parang tumigil ang kanyang mundo nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Oo nga’t mahigit tatlong buwan na niyang hindi naririnig ang boses na iyon pero `di siya pwedeng magkamali. Dahan-dahan siyang lumingon at halos mahagip niya ang kanyang hininga nang bumulaga sa kanya si Maki.


“M-Maki?”


Salubong ang mga kilay at seryoso ang mukhang  sinalubong nito ang kanyang tingin.


“Hindi yata ako sanay na gising kana sa mga oras na ito.” Wika nito saka pansamantalang iniwan ang kanyang gulat na ekspresyon para tingnan ang relong pambising nito. “It’s just almost nine. Sa pagkakatanda ko, tulog kapa dapat sa mga oras na ito.” At muli nitong ibinalik sa kanya ang tingin.


“A-Anong ginawa mo rito?” He ignored the sarcasm and the not-so-good-to-see-you expression in Maki’s face.


“Mukhang nasira na ang surprise ko sa bago kong business partner, ah.” Agad na nabaling ang kanyang tingin kay Mrs. Serano na nasa may pintuan ng conference room. “Meet our Web Designer from the development department. He’s the one who’s responsible for giving a new taste and look for the company’s online service. Nandito rin siya ngayon para i-present ang bago niyang idea sa joint company natin.” Nakangiti pa nitong dagdag.


Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin kay Maki na sa kanya pa rin nakapako ang tingin habang walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito.


“Paano ka napunta rito? Kung saan-saan ka namin hinanap.”


“Maki! Bakit iniwan mo ako? `Di ba sabi ko sa’yo hintayin mo ako para sabay na tayong aakyat dito?”


Nabaling ang kanyang tingin sa bagong dating na babae na agad umangkla sa braso ni Maki. Pero ang lalong nakakuha ng kanyang pansin ay nang humilig ito sa braso ni Maki na animoy wala itong pakialam sa makakakita rito.


“Isn’t it a bit early for flirting Miss?” Hindi siya masungit na tao pero sa nakita niyang pagdikit dito sa hindi man lang tumutol na si Maki ay biglang uminit ang kanyang ulo. Walang sino man ang may karapatang dumikit sa Maki niya.


Doon lang `ata nito napansin na nasa harap siya ng mga ito. Pero ang hindi niya nagustohan ay ang tinging ibinigay nito sa kanya na animoy nagsasabing  ‘huwag siyang estorbo.’


“If I were you Rayanne, hindi mo bibigyan ng ganyang tingin si Mr. Iglesias.” Wika ni Mrs. Serano.  Doon ito tumuwid ng tayo at umayos nang ma-realize na nandoon ang boss nito. “After all, he’s your boss. Jay, meet Rayanne De Guzman, the head of the budget department. She works hand in hand with Maki’s department.”


“G-Good morning sir.” Ang tila biglang kinabahan nitong bati sa kanya.


Hindi niya ito pinansin at bumaling ulit kay Maki.


“Mag-uusap tayo pagkatapos ng meeting na ito Delgado.” May diin at puno ng iritasyon niyang wika rito. Saka niya binalingan si Mrs. Serano na may kakaibang ngiti sa mukha. “Since na handa ng makipagflirt ang isa sa mga head natin, I guess handa na rin silang mag-present sa harap ko.”


Wala na. Tuluyan ng nasira ang mood niya dahil sa kalandian ng babaeng si Rayanne. Pero ang mas nagpakulo sa kanyang dugo ay ang hindi man lang pagtutol ni Maki sa panlalandi nito. Kaya ba siya nito natiis ng ilang buwan dahil may kalandian na itong iba? Kung galit lang nito ay kaya niyang harapin pero ang makita itong nilalandi ng iba na hindi ito tumutotol, ibang usapan na iyon.


Lalo lamang lumapad ang ngiti ni Mrs. Serano sa kanya bago nito binalingan ang nahinhintakutan na sa kanyang  babae na kanina lang ay sumundo sa kanya sa elevator.


“Marie,ipatawag mo na ang iba pang department head. Sabihin mong magsisimula na ang meeting at hindi na maganda ang mood ng bago nilang boss.” Agad namang tumalima ang babaeng tinawag nitong Marie.





Aaminin ni Jay na wala siyang masyadong naintindihan sa bawat presentation ng mga department head. Naakatoon lang kasi ang kanyang pansin sa magkatabing Maki at Rayanne and the jerk seems to enjoy Rayanne’s company. Nakita pa niya ang paminsanang pagpapalitan ng ngiti ng mga ito na lalong nagpakulo ng dugo niya.


Ang magaling na lalaking iyon! Sa ibang tao kaya niyang makipagngitian tapos pagdating sa akin, hindi man lang ako tinapunan ng tingin!


Kasunod niya si Mrs. Serano habang papunta sila sa opisina nito. Katatapos lang ng meeting at agad niya itong nilapitan para makipag-usap. May mga bagay siyang gustong klaruhin dito. Pagkapasok na pagkapasok nila sa opisina nito ay agad siya nitong hinarap.


“Hindi mo ba nagustohan ang mga presentations nila? Napansin kong kanina ka pa walang kibo.” Wika ni Mrs. Serano. “Coffee?”


“Anong ginagawa ni Maki rito Mrs. Serano? Bakit wala kang sinabi sa akin na nandito siya sa’yo?”


“Elizabeth, Jay.” Pagtatama nito. “At kung bakit hindi ko sinabi na narito sa kumpanya ko si Maki, iyon ay dahil na rin sa kahilingan niya.”


Kahilingan? So, may idea ito sa proposal niya sa kumpanyang iyon at hindi man lang ito nagtangkang harapin siya. Talagang ayaw siya nitong makita.


“ Ilang buwan ko na siyang hinahanap. Halos malibot na namin ang buong Pilipinas ––”


“I know.” Pagputol ni Mrs. Serano sa kanyang paglilitanya.


Mataman niya itong tinitigan habang kampante itong nakaupo sa swivel chair nito.


“It’s not just a coincidence right? Kung bakit sa dinami-rami ng kumpanya rito sa Manila ay ang kumpanya pa kung saan nakikipag-merge ang kumpanya ko naroon si Maki. Hindi totoong nag-hire ka ng detective `dib a? Si Maki ang source ng information mo about sa akin.”


“Ako nga.”


Napabaling siya sa may pintuan nang marinig ang boses na iyon at sumalubong sa kanya ang naka halukipkip na si Maki. Ngayon na medyo humupa na ang pagkabigla ng makita niya ito ay nagawa na niya titigan ito ng mabuti. Mas lalo itong gumuwapo sa suot nitong dark brown na long sleeve na pinarisan ng black na khaki pants na lalong nagpatingkad sa kaputian nito. `Di rin niya maitatanggi na bagay dito ang naka-formal attire.


Bahagya niyang ipiniling ang kanyang ulo. Hindi ngayon ang tamang oras para i-assess niya ito. Marami pa siyang katanungan at isa na doon ay kung ano ang relasyon nito sa Rayanne na iyon.


“Karapatan ni Maam Elizabeth na malaman ang mga bagay tungkol sa’yo kung makikipag-merge ang kumpanya niya sa’yo.” Muling wika nito. “Mas mabuting malaman niya kung ano’ng klaseng tao ang humahawak ng kumpanyang gustong makipag-merge sa kanya.”


Napataas ang isang kilay niya rito.


“And what’s that supposed to mean?”


“Oh, boy.” Taliwas sa hitsura ng naaalibadbarang tao ang hitsura ni Mrs. Serano. Malapad ang ngiti nito na animoy tuwang-tuwa sa kanilang dalawa ni Maki. “Ang mabuti pa ay sa labas niyo na tapusin ang LQ niyong dalawa.” Saka ito bumaling ng tingin sa tainted na glass wall. Napasunod na rin siya ng tingin at doon nakita ang ilang emplyedo na abala na sa pakikiusyoso sa kanila.


“Maki, it’s about time you explain everything to, Jay. Pero mas maganda kung ilalayo mo siya rito. Hindi makakabuti sa opisina kung ito ang magiging war zone niyong dalawa. Matatakot ang mga empleyado.” Wika ulit ni Mrs. Serano.


Muling nagsalubong ang tingin nila ni Maki. Tulad kanina nang una silang magkita ay salubong pa rin ang mga kilay nito.


“Why would I bother? He can decipher everything on his own. After all, he’s Mr. Genius. Nagawa nga niyang gumawa ng isang napakagandang plot para lamang paglaruan ang mga taong nagmamahal sa kanya, eh.”


The sarcasm on his voice boils his blood to the maximum level. Wala ba siyang karapatang marinig ang mga paliwanag nito? Hindi ba nito alam kung papaano siyang nag-alala dito nang bigla itong mawala ng ilang buwan?


Inis na tumayo siya at lumapit dito.


“Mag-usap tayo.” He said with a demanding voice. Kung kailangan niyang kaladkarin ito ay gagawin niya. “Marami akong gustong malaman and I don’t have the time in the world na isa-isang tuklasin iyon!”


“Hindi ako nakikipag-usap sa mga taong tinawag akong demonyito.” Naniningkit ang matang wika nito sa kanya.


“Kailan kita tinawag ––.” Naputol ang kanyang iba pa sanang sasabihin nang maalala niya ang pag-uusap nila ni Nicollo kanina. “Nakikinig ka sa usapan namin ni NIcollo!” Naibulalas niya.






Itutuloy:

43 comments:

Anonymous said...

hahaha...what goes around comes back around jay... pero guzto ko to kuya Z... at si Mrs. Serano echusera lng tuwang tuwa pa sa bagangayan ng dalawa... Nabitin ako kuya Z.. neyxt na pls....

silent reader ako ehh...ngayon Lng ako nag comment...

JHESLHEE HERE....!!!:-)

Unknown said...

Masakit talaga sa 1 matalino na mlamang naloko xa o naisahan xa! Never thou shall under estimate your opponent!

Unknown said...

nice kakatuwa ang bangayan hehehe

Unknown said...

Bitin haixt. . .


pero aantayin ko na lang ang finale nito excited na akong magkatuluyan si maki-maki at jay-jay

Unknown said...

haha ayan simula na! Thanks dto kuya zeke :3

Anonymous said...

Juice ko zeke Bitin. Waaaaaaaa. jm velasco hahahahah.. yan huli....hahaaaaaa..

chie said...

Mukhang 360 degree turn ang nangyari sa situation ni Jay at as usual lakas mo pa din mambitin. :)

Nakakatuwa na mabilis ka na ulit mag-update. Iba talaga pag-inspired lalo na sa sarili. Hahaha! Ikaw na talaga Zeks at wala ng iba pa! :)

Anonymous said...

waha! Ang ganda ng flow.

- Poging Cord

Anonymous said...

Ti kanami gid haaayzzz.. daw indi man tani katulog author man, inspired gid ko masyado! hahaahah

luilao said...

Ganda ng weekend!!!! Kilig to the bones.. ikaw na talaga Author!!!

Jace said...

at eto na nga... nagsabwatan nanaman sila... hahaha.. XD

Kudos for you Idol! :)

narelax ang utak ko kay Jay at Maki... hahaha...

Thanks for the Update idol! :)

-Minion JayJay

--makki-- said...

as what i've said hahaha! battle of the geniuses! nice one poy! got to sleep na!

Unknown said...

Oh God, your crazy Mr. Writer, kung bakit lagi na lang may twist sa ending, ito yung talagang hahanap hanapin mo at susubaybayan hanggang ending. Ur such a great genius, I'm one of ur avid fan. Keep it up

Unknown said...

iba ka talaga zeke the best ka...maki maki mahal kita... zeke good luck and thank you...

PENSandPAPERS said...

aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!! un lang..

Richie said...

Hahaha c jay nmn ang npgkakaisahan nila... Galing mo talaga idol...

Unknown said...

push maki!!!! i so lurve maki tlga..! bitin!!!

rheinne said...

Haisst eto tlga ang height ng pagka bitin hahahaha..super kilig talaga ang bangayan scene..

rheinne said...

height ng pagka bitin hehehehe..super kilig na namang chapter to hehehe

Anonymous said...

walang kakupas kupas Kuya Zeke... galing mo talaga!

_xtian14 of KSA

Anonymous said...

hahaha...i think magkasama si maki at nicollo that time ng magkausap sila sa phone....tnx at may part 23 na..:)

Rodel gonzales rebay po..silent reader..ngayon lng po nag comment..:)

MARK13 said...

Hahaha....kuya zekie,ngayon lang uli nakapagcomment,pasensya at palaging silent reader :D
Ang ganda ng kwento,excited na ako sa kalalabasan ng kwentong ito. Ang henyo at ang tuso nilang pareho :))

Anonymous said...

wahhhh ito na.. ngayon lng nkpgcomment talaga..hahah super ganda na ng takbo ng story


go maki go maki go maki..hahahha

LYRON SANTOS said...

YES! Malapit na ang conclusion... mapaparanoid ako kapag silang dalawa kasama ko sa trabaho...uso na ata wire-tapping!

Anonymous said...

Hehe silent reader. Ngaun lng magcocomment. Request ni author e. Hehe epic. Ang ganda! Pedeng nxt chapter na plssss. :) galing!!!

robert_mendoza94@yahoo.com said...

nkakatuwa ang bangayan nilang dalawa, kaya amused aman c elisabeth! he he he

russ said...

hahhaahha nice nice talga nito ui..ang mundo tlaga ai bilog..

Anonymous said...

nice one zek. next chapter na!

Brilliance said...

A taste of your own medicine nga talaga. Bitter pill to swallow. In a way I can relate to the group's feeling of betrayal. Disappointment is much more intense if it was caused by someone you trust.

Anonymous said...

Hay grabe anlakas maka bitin..di matanggap ni maki na ndi lang cia ang manipulator..nice one poy


_iamronald

Unknown said...

Ang pagkikita ng mag sing irog...

Kilig much

Unknown said...

It only proves henyo si kuya zeke for creating Jay and Maki with such great minds,haay sobrang enjoy ako dto sa TDBM,thumbs up kuya!

Anonymous said...

Hahaha saya tlaga ng mga story mo Z.. The best!!! Sulit ang napaktgal n pag aantay.. :)) -rom-

Anonymous said...

Nakakagulat!!!! Waaaaah! Nabitin ako zeke :( ... mejo nakakakilig na ulit ang mga eksena!!! Can't wait for the final chapters ... :)

Pat
Tagasubaybay

Unknown said...

waaahhh!!! I need chapter 24. ahaha. super nabitin ako. pero ayos lang. ang ganda pa rin talaga. hihihi. :) Abang abang din pag may time. :) nice one.. <3

Anonymous said...

Nice! thnx kuya zeke!

Anonymous said...

Totally unexpected! Very nice! Very very nice!..

-London -

Anonymous said...

Nasaan ang kilig moments at sex scenes nina Maki Maki at Jay jay? Heehehe. Hihintayin ko ang Finale...

Anonymous said...

Bitin much! Hahaha... yun oh, mukhang sweet revenge ang mangyayari..

-lem-

Lexin said...

Wew! Chapter keeps getting better and better... salamat dito zeke.. nakakabawas stress..hehe..
Nice 1..

Unknown said...

done ko na basahin... thanks zeke... excited na ako sa komprontasyon nila Maki At Jay... sila nicollo pala kasabwat din paano nga naman mahahanap ang taong nagtatago at itinatago ng mga kaibigan ni Jay... HAhahahahaha nautak si Jay... I love this... Zeke next chapter na!!!!!

Ryge Stan said...

hehehe nice tnx much zild

have a great day and keep it up.

Anonymous said...

omg! super duper ganda talaga netoooooooo! haha now, who's the real devil? haha
- <(")

Post a Comment