Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
FB Group: facebook/ZildjianStories
Author's Note:
Surprise!! Himala sa himala hindi ba? Akala niyo siguro isang buwan na naman ang hihintayin niyo bago ko masundan ang chapter 19, no? Syempre ayaw ko na kayong paghintayin pa ng matagal kaya naman heto na siya ang chapter 20 ng TDBM!!!
Ako Si Coco(Bar) - Salamat ng marami sa tulong mo sa akin. Sana habang buhay ka na lang maging matulungin! HAHA
ENJOY READING GUYS AND KEEP THE COMMENTS COMING! Sana ay mapasaya ko kayo sa Chapter na ito!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Gusto ko lang protektahan ang pamilya ko!” Depensa nito.
“Tungkol saan Maki? Bakit pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari?”
“The situation requires me to do so.”
“Really?” Nanunudyo niyang tugon. “Bakit parang hindi iyon ang nararamdaman ko? It seems to me that I somehow manage to threatened you at itong unexpected call mo sa akin ang magpapatunay. Ano ba ang ikinakatakot mo? Ang nalaman ko ang nakaraan ng Tatay mo o ang tungkol sa babaeng naging ina-inahan mo?”
“A-Anong ––”
Maki Delgado
Hindi maitago sa mukha ng kanyang Tito Art ang pagkabigla at matinding pamumutla. Halatang hindi nito inaasahan ang mga ipanakita niya rito.
“S-Saan mo ito nakuha?” Ang tila nahihirapang tanong nito habang titig na titig sa iniabot niya rito. “Alam na ba ni Jay ang tungkol dito?”
“Walang alam si Jay patungkol sa bagay na iyan Tito, pero hindi ko alam kung hanggang kailan siya mananatiling walang alam.”
Napa-angat ito ng tingin sa kanya.
“What do you mean?” He sounds very bothered.
“I don’t know how to say this pero, mukhang may binabalak na hindi maganda si Janssen at hindi siya nag-iisa.”
Nang sabihin ni Janssen sa kanya ang mga katagang “We will be victorious” ay agad niyang naisip na hindi lamang ito nag-iisa sa mga plano nito.
“Ayaw ko mang aminin pero sa tingin ko ay nakakalamang siya ngayon sa sitwasyon. He plans ahead of us Tito Art. At kung hindi ako nagkakamali, may kinalaman ang kung ano mang meron kayo ni Alfonso Velasco sa nakaraan.”
Mataman siya nitong tinitigan. Naroon pa rin ang takot sa mga mata nito at pag-aalala. Ngayon lamang niya itong nakitang ganito.
“May pamilya akong dapat protektahan, Maki.” Ani nito kapagkuwan. “I cannot put them at bay specially Jay.”
Mahal na mahal talaga nito ang anak no wonder na masyado nitong na spoil si Jay.
“Iyon nga ang rason kung bakit kailangan kong malaman ang buong katotohanan Tito. Dahil malakas ang pakiramdam ko na alam nila na iyan ang iniisip mo. Hahayaan niyo na lang ba silang malayang gumalaw habang paunti-unti nilang sinisira ang pamilya mo?”
He got the full picture of what was Janssen’s trying to prove nang magpakita ito sa pamilya ni Jay bilang kasintahan. Iyon ay para ipakita nito sa kanyang Tito Art kung paano nito hawak sa leeg si Jay. At sa kasamaang palad ay nagtagumpay ito.
“Hindi mo ako naiintindihan, Maki.”
“Naiintindihan ko Tito.” Maagap niyang tugon. “Kaya nga ako ang pinili niyong gumalaw para ilayo si Jay sa Janssen na iyon ay dahil nasindak niya kayo hindi ba?”
“Gusto ko lang protektahan ang pamilya ko!” Depensa nito.
“Iba na ang sitwasyon ngayon Tito Art. Nagkaharap kami ni Jassen at gagawin niya ang lahat mapagtagumpayan lang ang kung ano mang binabalak niya at ng mga kasamahan niya. At kahit ayaw ko mang aminin, pareho nating alam na hawak niya si Jay sa leeg kaya imposible ko ng magawa ang gusto niyo.”
“Hindi mo pwedeng hayaan na tuluyang makuha ng lalaking iyon ang anak ko! Ginagamit lang niya si Jay laban sa akin!”
“That’s why I need your help Tito. I need to know everything so I can think of a way para makuha si Jay sa Janssen na iyon dahil mahal ko ang anak ninyo. Hindi ko hahayaan na basta basta na lamang siyang mawawala sa akin. Tulad niyo, matagal ko ring inalagaan ang anak niyo.”
“M-Mahal mo si Jay?” Ang tila nagulat nitong wika.
“Opo Tito. Mahal ko ang anak ninyo kaya parang awa niyo na, tulungan niyo akong makuha siya sa kamay ni Janssen.” Desperado na kung desperado ngunit wala na siyang pakialam. Ang sitwasyon na mismo ang nangangailangan na gawin niya ang lahat.
Pagkalabas na pagkalabas ni Maki sa opisina ng kanyang Tito Art ay agad niyang tinawagan ang kaibigang si Nico.
“Ang aga mo namang mang disturbo. Pasalamat ka’t hindi mo nagising si Lantis.” Ang tila iritadong wika nito nang sagutin ang tawag niya.
“I need your help.” Walang paligoy-ligoy niyang sabi rito.
“About?”
“I need you find someone named Armida Cuerido but you must do it discretly.”
“Ok got it! Give me an hour or so.” Malawak ang koneksyon ng pamilya nito lalo na ang Papa nito na konektado sa malalaking tao sa lugar nila.
“I’ll be at Alex’s place. Doon kita hihintayin.” Iyon lang at ibinaba na niya ang tawag.
Sunod naman niyang tinawagan ang kaibigang si Alex.
“Oh, Maki ano ang atin?”
“Anong oras darating si Dave?” Tanong niya rito.
“He’s on his way so, malamang narito na iyon bago magtanghalian.” Tugon naman nito.
“Hintayin mo ako riyan. I have an important matter to discuss with you.”
“Tungkol saan Maki? Bakit pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari?”
“I’m driving Alex, I will explain everything once nariyan na ako.”
Tulad ng kanyang inaasahan, maraming bagay siyang nalaman nang marinig niya ang buong katotohanan sa kanyang Tito Art. Malaki ang pagpapasalamat niya sa tiwalang ibinigay nito sa pag bahagi sa kanya ng tunay nitong nakaraan. Ngunit, hindi rin naman niya maiwasang mangamba sa mga pwedeng mangyari.
“Dati kong kaibigan ang ama ni Janssen na si Alfonso. College kami noon nang makilala ko siya at tulad ko, ay galing din siya sa may kayang pamilya. Pero hindi ko sukat akalain na iba pala ang intensyon niya sa akin.”
Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa kanyang utak ang mga isinambulat sa kanya ng kanyang Tito Art. Kahit pa man panatutohan na nito ang lahat ay hindi pa rin siya makapaniwala.
“Matalinong tao si Alfonso, at ginamit niya ang katalinuhang iyon para makuha niya ang gusto niya sa akin na hindi ko siya matatanggihan, at iyon ay nang bumagsak ang kompanyang hinahawakan ng ama ko. Nakumbinsi niya akong hawakan namin iyon at muling palaguin sa tulong ng pera ng pamilya nila at ang natitirang pera namin kapalit ay ang pakikipagrelasyon ko sa kanya at maging sunod sunuran sa lahat ng gusto niya. Dahil ayaw kong makitang nahihirapan ang pamilya ko, pumayag ako.”
Kahit sa mga oras na iyon ay rumerehistro pa rin sa utak niya ang ibayong pagsisisi ng kanyang Tito Art sa pagpapagamit nito.
“Pero lahat ng tao ay may hangganan, Maki. Nangyari iyon ng makilala ko ang Tita Meralda mo. She made me realize a lot of things. At isa na doon ay ang pagpapa-alala sa akin na tao at may damdamin rin ako. I was too focused with my responsibility to my parents na nakalimutan ko ang mga pangangailangan ko mismo at hinayaan kong magpagamit ako sa taong inaakala kong kaibigan ko.”
He can still picture the overwhelming emotion in his Tito Art’s eyes when he was telling him about everything. It made his heart melt for some reason. Siguro dahil it was pure love that he was seeing that time. Alam niya dahil iyon ang nakikita niya sa mga mata ng kanyang ama tuwing mapapatutok ito sa kanyang ina.
“Nalaman ni Alfonso ang tungkol sa amin ni Meralda. That was also the same time na pinagbubuntis na ni Meralda si Jay. Nang tangkain ni Alfonso na ipahamak ang mag-ina ko, doon na ako tuluyang kumawala sa pagkakahawak niya. He planned to take the company from me pero ang hindi niya alam ay matagal ko ng pinagplanuhan ang lahat. Binili ko ang shares ng ibang stockholders at nagawa kong ma-convince ang ilang investors namin na bumuto sa akin para sa chairman position. Hindi ako nahirapan dahil ang iba ay kilala pa rin ang ama ko.”
Ngayong alam na niya ang buong katotohanan ay lalo lamang siyang nabigyan ng rason na lumaban. Lalaban siya hindi lang para sa pansarili niyang dahilan kung hindi para na rin sa pamilya ng taong pinakamamahal niya.
“Pagsisisihan mong kinalaban mo ang isang Maki Delgado, Janssen Velasco.” He vowed.
Agad na ipinarada ni Maki ang sasakyan sa tapat mismo ng bahay ng kanyang kaibigang si Alex. Ito msimo ang sumalubong sa kanya.
“Ano’ng nangyayari Maki?” Same old Alex. Nagpa-panic ito sa tuwing nakakaramdam ito na may problema ang isa sa kanila.
“Calm down Alex.” Saway niya rito.
“Calm down? Kagabi ko pa napapansin na may hindi tama sa iyo at ngayon ay bigla-bigla kang tatawag sa akin para sabihing may importante kang gustong pag-usapan tapos sasabihin mong calm down? What the hell is happening Maki?”
Natuptup niya ang kanyang noo. Grabe pa rin talaga itong mag-hysterical. Papaano kaya ito na gagawang kontrolin ni Dave? Pero sabagay, hindi rin niya ito masisisi lalo pa’t alam din nito ang tungkol sa nakaraan ng kanyang Tito Art. Iyon siguro ang dahilan ng sobrang pag-aalala nito.
“Nagkausap kami kanina ni Tito Art.” Ang pagkukwento niya rito sa mahinahong boses. “Na-confirm ko lahat sa kanya.”
“You what?” Ang lalo pa nitong pagpa-panic.
“The situation requires me to do so.”
Salubong ang mga kilay at halatang hindi makapaniwala ang kanyang mga kaibigan matapos niyang isalaysay sa mga ito ang lahat ng impormasyong nakuha niya sa ama ni Jay at ang paghaharap nila ni Janssen sa nakaraang gabi. Dumating ang mga ito kina Alex bago mananghalian.
“That bastard.” Si Nico ang unang nakabawi. “Kung alam ko lang na gano’n ang intensiyon niya, hindi ko na sana siya pinatuloy sa bahay namin!” Tukoy nito sa bahay-tambayan nila.
“Wala siyang pinagkaiba sa ama niya.” Wika naman ni Lantis. “Pero papaano nabuo si Janssen? Mas matanda siya sa atin ng isang taon hindi ba? At ayon kay Tito Art, kumawala siya sa ama ni Janssen nang ipinagbubuntis na si Jay ni Tita Meralda. Kung ganon, ibig sabihin naipanganak na ang halimaw na si Janssen bago mangyari iyon.”
“According to Tito Art, Janssen was a product of an arrange marage. May ipinakasal daw kay Alfonso ang mga magulang nito. But that didn’t stop Alfonso to ruin Tito Art’s life.”
“At iyon ay si Armida Cuerido?” Si Alex.
“I don’t think so.” Ani ni Nico. “According to my source, hindi si Armida Cuerido ang babaeng ipinakasal kay Alfonso Velasco.”
“Kung gano’n, bakit siya ipinahanap sa’yo ni Maki?” Nagtatakang tanong ni Alex.
“Dahil siya ang kinilalang Ina ni Janssen.” Tugon dito ni Nico. “Naglahong parang bula ang tunay na Ina ni Janssen matapos siyang ipanganak. Ayon sa mga Velasco ay nakipagtanan daw ito sa tunay nitong kasintahan pero according to my trusted source, may kinalaman si Alfonso sa pagkawala ng asawa niya.”
Hindi siya nagkamaling si Nico ang lapitan. Tulad ng inaasahan niya, marami itong impormasyong nakalap.
“Gano’n siya kasama?” Si Alex na hindi makapaniwala.
“Gawain iyan ng ibang mayayaman, Maldita. Ang kailangan lang ni Alfonso ay anak na taga pagmana niya para hindi siya kulitin ng pamilya niya kaya nang maibigay iyon ng babaeng ipinakasal sa kanya ay agad siyang gumawa ng paraan para burahin ito upang hindi ito maging sagabal sa inakala niyang magtatagal na relasyon nila ng Tito Art ninyo.” Ani naman ni Dave.
“Sana sinabi mo agad sa amin ang tungkol sa pag-uusap niyo kagabi, Maki.” Ani ni Nico. “Para doon pa lang sa bar ay nabugbog na natin siya.”
Matalim itong tinitigan ni Lantis. “Mas lalo mo lang ilalayo si Jay sa atin kung nangyari iyon.”
“Hindi ako sigurado kung kailan pero alam kong darating ang panahon na sasabihin ni Janssen kay Jay ang lahat. Kasama iyon sa mga plano niyang pagsira sa pamilya ni Tito Art kaya iyon ang paghahandaan ko.”
“So, anong paghahanda ang gagawin mo?” Ani ni Nico.
“Kakausapin ko si Armida Cuerido. Kailangan ko ng maraming impormasyon sa Janssen na iyon at sa ama nito. Kung siya ang nagpalaki kay Janssen, malamang, marami siyang alam na bagay patungkol dito at sa ama nito.”
“You won’t do this alone this time, Maki.” Wika ni Nico. “Kung impormasyon ang kailangan mo, hayaan mong tulungan kitang kumalap niyon. Ipapakita ko sa Janssen na iyon na isang malaking pagkakamali ang pagpapaikot niya sa ulo ko.”
“Sasali na rin ako.” Si Alex. “Ako ang bahala kay Jay, babantayan ko siya para sa’yo, Maki habang gumagawa ka ng paraan para makuha siya.”
“In that case, I will be the one to handle Alfonso Velasco.” Ani ni Dave. “Susubukan ko ring alamin ang katotohanan sa pagkawala ng asawa niya. Baka magamit natin iyon.”
“Salamat.” Iyon lang ang nasabi niya sa mga ito sa dami ng mga tumatakbo sa utak niya.
“Walang iwanan sa ere `di ba? Iyon ang pangako natin sa isa’t isa. Kaya kahit ano ang mangyari, tutulongan ka namin.” Wika ni Lantis.
Aaminin niyang hindi niya kakayanin ang lahat mag-isa. Kaya naman malaki talaga ang pasasalamat niya sa mga kaibigan niyang handa siyang tulungan. He was indeed lucky to have them as his friends.
Hintayin mo lang ako Jay. Piping wika niya.
Gabi na nang maka-uwi si Maki sa bahay nila. Sa dami ng ginawa niya sa araw na iyon ay hindi niya maiwasang makadama ng ibayong pagod. Pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makadama ng antok. Naroon pa rin kasi ang matinding pag-aalala niya kay Jay. Nang tawagan ito kanina ni Alex para imbitahang doon na rin mag-lunch kasama sila ay tumanggi ito. May plano na raw ito kasama ang mortal na kaaway ng kanilang grupo. Sa muling pagkakataon ay pinatunayan sa kanila ni Janssen na hawak nito ang kanyang kababata.
Sa totoo lang ay wala pa siyang konkretong plano sa kung ano ang gagawin niya. Marami pa kasing bagay ang gumugulo sa kanya at hindi niya maintindihan. Ang alam lang niya ay kailangan niyang paghandaan ang magiging atake ni Janssen at hindi niya alam kung kailan iyon. Kaya naman bawat minuto ay importante sa kanya. Nasa gano’n siyang pag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Nagsalubong agad ang kanyang kilay nang makitang hindi iyon nakarehistro sa kanyang contacts.
“Hello?”
“Mukhang nagsimula na kayong gumalaw ng mga kaibigan mo, ah.”
Nagulantang siya nang mabosesan ito.
“Janssen.”
“Hindi pa rin pala malinaw sa’yo ang lahat, ano? Do you honestly think na makakatulong sa’yo ang mga malalaman mo laban sa akin? Ang akala ko pa man din matalino ka. You disappoint me Maki Delgado.”
Kinalma niya ang sarili. Hindi niya pwedeng ipahalata rito na nabigla siya.
“Really?” Nanunudyo niyang tugon. “Bakit parang hindi iyon ang nararamdaman ko? It seems to me that I somehow manage to threatened you at itong unexpected call mo sa akin ang magpapatunay. Ano ba ang ikinakatakot mo? Ang nalaman ko ang nakaraan ng Tatay mo o ang tungkol sa babaeng naging ina-inahan mo?”
Tumawa ito ng nakakagago.
“Bakit ko kailangang katakutan ang tungkol sa nakaraan ng ama ko? Hindi ba’t dapat ikaw ang matakot sa bagay na iyan? At tungkol naman kay Armida Cuerido, `wag kanang umasa na makakausap mo siya dahil sa mga oras na ito, nasa malayong lugar na sila at ng pamilya niya.”
Mukhang bawat galaw nila ay alam nito at ayaw man niyang aminin ay tama ito. Siya ang dapat matakot sa nakaraan ng ama nito at ng ama ni Jay. Sapagkat oras na malaman ito ni Jay, tuluyan ng masisira ang pamilya nito.
“Matanong ko lang Maki, ano ang pakiramdam na ang taong mahal mo ay patay na patay sa taong sisira sa buhay niya?”
Sa mga oras na iyon ay gusto na niyang puntahan ito para bugbugin. Pero sinikap niyang mapigilan ang sarili. Alam niyang sinasadya nitong ubusin ang pasensiya niya.
“Maaaring lamang ka ngayon sa sitwasyon Janssen, pero oras na bigyan mo ako ng pagkakataon na alam kong malapit ng mangyari, sinisigurado ko sa’yong ibabagsak kita.”
Muli itong humalakhak sa kabilang linya.
“Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa’yong hindi mangyayari iyon, Maki.” Ani nito sa siguradong boses. “Dahil alam ko ang bawat galaw mo at ng mga kaibigan mo.”
“Huwag kang masyadong umasa Janssen, hindi mo pa alam kung hanggang saan ang kakayahan ko at ng mga kaibigan ko. Hindi ibig sabihin na alam mo ang mga kilos namin ay sigurado na ang panalo mo.”
“You can bluff as you like Maki. Dahil alam ko naman na iyan na lang ang kaya mong gawin.”
“Talaga? Paano kung sabihin ko sa’yong nasa pangangalaga ko si Armida Cuerido at ang pamilya niya?” Naghahamon niyang wika rito.
“A-Anong ––”
“Alam kong alam mo ang mga galaw namin kaya naman sinadya kong ipahanap siya kay Nicollo para malaman ko ang magiging kilos mo. And you know what? Para mo na ring sinabi na tama ang taong ipinahanap ko nang agad kang kumilos para ilayo sila. Kaya naman, hindi ko na sinayang ang pagkakataon.”
Itutuloy:
31 comments:
simula na ng laban oh! nice..nice
galing mo talaga sir kaso binitin mo na naman ako =))
Vampire ^,...,^
ayan ah! bitiners ih!!!! next na! cardiac ka ngayon Janssen!!!
aka Coco
wahaha! iyan lang ang kinaya ng utak ko cocobar kaya kailangan ko muna mag-hibernate para makapagsulat ulit :))
COOL. Nothin‘ compares.. akala ko 2 months pa ang hihintayin bago magkaupdate, ahaha..
marky
The Devil inside Maki wakes up na!! Hahahaha!!
Go lang MakiMaki!! :)
thanks Idol!! Uhm.. Paano ba magreformat ng utak? Need ko yata nun Idol.. Wahahaha!!
Anyway.. Next Chapter na Idol Z! :)
-Minion JayJay-
Sir Z.. Gyera na tlga ito.. Haba naman ng hair ni jay
LOL, intense, geezz, salamat kuya zeke,
lul mo Janssen hahaha! Nakalimutan mo na b4atin ang grupong kinalaban mo,hindi ka marunong lumaban ng patas! Lul ka.
All along akala ko si Maki ang DEvil Beside Me, si Janssen pala. :) Ugh, excited na ako sa next chapter. Nakakakaba ang mga palitan ng salita. hahaha
battle of the great minds! :)) cant't wait for Jay's disposition.. while busy doing counter attacks ang magkaribal.. si jay naman playing stupid between the two (tahimik lang kung gumalaw).. it's gonna be jay's victory i guess? one step closer... one step closer... sabi nong BG music.. hahahaha GoodMorning Poy! salamat sa update poy.. ^_^
Wow grabe so intense...
Kapanapanabik ang mga susunod n tagpo..
Ang daming revelation...
Tnx mr author s pag update, sana sunod-sunod.. ^_^
waaah! Thank you sa agarang update. Pleasant surprise. Nice chapter. Keep it coming pa.
haiiisttt...welcome back to me...hindi ka pa rin pumapalyang paganahain ang utak ko kuya z hahaha...galing mo...
Yan ang gus2 ko s mga storya. Maraming suspense at d mo bibitiwan. Ganda ng mga eksena. Waiting for the next chapter!
Ang karugtong na agad....tagal ko subaybay nito.nakalimutan ko yun ibang nagyari dito eh..
Kaya agad agad update..now naaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!
Peace po..V.hehehehe
Sullivan Eduardo
Mabuti naman at ginamit mo na ulit ang account ni Makki na miss q yan eh. Haha
pamilyar ang mga eksena hmmmm...
parang maraming tauhan si Janssen or are they bugged? hindi na nakapagtataka kung bugged sila kasi lahat ng lugar na pinupuntahan nila ay napuntahan na din ni Janssen.. Janssen is trying to control Jay's wealth....
GO MAKI!
tama maki sa tingin ko nga, Jay is not sitting on idle. May alam din sya, at maaaring nagaantay lang din siya ng tamang time...
Bwahaha! Nabuwal cguro si jansen sa pagkakaupo sa pagkasabe nun ni maki. You MESSED WITH THE RONG GROUP JANSEN!! Bwahaha ciao for good!
~~~JAYVIN
nicee bilis na ng update weee :D ty po kuya zeke! :D
Woaaah!!! Hindi ko tinigilan! Haha bawat eksena ay talaga namang napukaw ang aking damdamin! Abay kagaling mo talaga Zekiel Palacio!!! I so love Maki na!!!
Pat
Tagasubaybay
tara hibernate tayo sa Antarctica! ahaha..
Nakakabitin naman oh..
Thanks Zeke, gandang laban ito. Naiinis na ako kay Jay super tanga na niya... Maki maki buti na lng talaga nandian ka...
HAHAHA . laban kong laban c maki ..
Patayin ang janssen velasco na yan haha, . . pamilyar din sa akin ang eksenang 2 which means parang gani2 din ung sa mga naging obra mo, good luck kuya zeke
Hi Zeks!
I'm back at mukhang ito na talaga ang simula ng bakbakan ah. Exciting! :)
isa kang henyo...BRAVO magaling magaling...IKAW na talaga poy....
_iamronald
it's worth the wait. bitin pero just enough for the readers to crave for more :) sana masundan na agad :) tnx mr. author.
>>jhay<<
I did not expect that. IDOL> next please? :D happy ending kaya sila?
Post a Comment