Sunday, June 30, 2013

Taking Chances Chapter 03






"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."




Thank You Guy sa mga comments nyo.... Zildjian...Chie... Ryge... Mark Lacuesta... Hardpj Castillo... Rascal... Robert Mendoza... Marky... Randzmesia... at kay Anonymous...







Anak naman ng tipaklong!”


Ano ba sa tingin mo gagawin ko sa iyo? Kung alam ko lang na ganyan kasama ang ugali mo sana eh pinabayaan na lang kita nakahilata sa corridor.”


He suddenly had a vague recollection of lying face down the corridor. What? Ito ang tumulong sa kanya ? Nasagot tuloy ang katanungan niya noon kung paano siya nakarating sa kanyang unit.


Wala naman siya balak gamitan ng pepper spray ang lalaki, nagkataon lang ng minsan may nakasabay siyang lalaki at hindi niya alam kung may tililing ba ito or sadyang may masamang balak lang sa kanya. Mabuti na lang at nagroronda ang mga security guard ng mga panahong iyon kaya may sumaklolo sa kanya.


Hindi kasi pamilyar ang mukha na lalaki at nang matanaw niya kanina sa malayo ang paghangos nito na sumugod sa elevator at agad niyang kinuha nag pepper spray sa bag. Nataranta siya, lalo nang magawa ng lalaki na isingit ang katawan nito sa pagitan ng pagsara ng pintuan ng elevator.


Mabuti na lang pala at noong gabing pasuray suray kang naglalakad sa pasilyo ay wala kang bitbit na ganyan.”


OMG. I'm sorry.” Agad naman niyang kinuha ang kanyang panyo sa loob ng bag at siya mismo ang nagpunas ng luhang umaagos mula sa mga mata nito.


You must think na paranoid ako. Well, I must admit paranoid talaga ako.” Panay pa din ang dampi niya ng kanyang panyo sa mata nito. Mayamaya at natigilan ito, Hindi kasi masyado nagrehistro ang itsura ng lalaki kanina.


O ano na naman ang binabalak mo?” Tanong nito sa kanya.


He has never felt that feeling for a very long time, patuloy siya sa pagsipat sa mukha nito at habang tumatagal ay pabilis ito ng pabilis. The feeling is not anymore strange to him, ganito ang nararamdaman niya kapag may nakikita siyang bagong discovery. Maginoo pero medyo bastos.


How would you like to become a model? “ tanong niya dito.


Tiningnan siya nito at tumawa ng ubod na lakas, that even his laughter sounds so sexy.
Mukhang hindi ka na nga lasing pero para ka namang nakahithit ng isang kahon ng katol.”


I'm serious.”


Naging seryoso naman ang mukha nito.


Kung totoo man ito ay siguro may maluwag na turnilyo ka sa ulo para alukin ako maging isang modelo.”


Masyado mo naman ata minamaliit ang sarili mo.”


Tumawa uli ito.


Hinahangin na siguro ang utak mo, hindi ba malinaw sa mata mo kung ano ang itsura ko?”



Ano ba sa tingin mo ang itsura mo?” naghahamon nitong tanong.


Base sa salamin, normal lang naman ako... Hindi naman pangit, hindi rin naman gwapo... Tulad nga ng sabi ng iba sakto lang. At paano naman ako magiging modelo, nakita mo ba ito?” sabay pisil sa bilbil sa tiyan.


Baka sakali kung commercial model para sa liposuction eh maniwala pa ako pero kung tulad ng sinasabi mo eh malamang may sayad ka talaga sa utak” natatawa nitong sabi.


Teka... teka... teka lang baka naman bugaw ka? Kunsabagay kahit naman mga matrona at bakla eh hindi naman pagnanasaan ang katawan kong ito eh.”


Natawa naman si Andrew sa binitiwan nitong salita.


"Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. And believe me, hindi pa pumapalya ang Midas touch ko. At baka masurprise ka kung ano type na tao ang gusto ng mga bakla at matrona. By the way hindi ako bugaw, lehitimo ang kumpanya ko. Nagmamay-ari ako ng isang modeling agency, rather co-owner ako to be exact. I'm Andrew Montreal and I am telling you now, I can make you famous.”


Pasensya na Andrew, pero hindi talaga ako interesado maging modelo.”


Ngali-ngali niya itong batukan. Wala pa or ni minsan wala pang tumanggi sa lok niya na maging modelo. Ang iba pa nga ay hindi ma-contain ang katuwaan at isiping magiging modelo sila pero ang isang ito. Bukod tangi na ito lang ang tumanggi sa kanyang alok. At lahat ng kanyang nadiscover ay nagkaroon ng malaking pangalan sa larangan ng pagmomodelo.


Kapag naramdaman niya ang paglukso na kanyang dugo, nakakasigurado siya na tama ang kanyang kutob. Kapag nakipag-cooperate ito at nadevelop nakakasiguro siya na malayo ang mararating nito, pero wala siya magagawa kung mismo ang tao na ang talagang umaayaw.


Pero mabuti na rin at nagkasabay tayo” sabi ng binata.


May gusto kasi ako itanongsa iyo... Uhmm... May nakita ka bang pendant sa unit mo?”


Pendant?” Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Hindi nga ba naintriga siya kung paano nagkaroon ng ganun sa loob ng kanyang unit.


Hindi ko kasi alam kung saan napigtal ang kwintas ko at importante lang sa akin yon.”


Mamahalin?”


Hindi naman kaya lang bigay kasi sa akin ng lolo ko yun at ilang saling lahi na din kasi yun” matapat naman nitong sabi.


Sige hahanapin ko.... pero sa isang kondisyon. Pag isipan mo ang alok ko. Seryoso ako at legal ang kumpanya ko. Kung hindi, bye-bye na pendant” sabi ni Andrew na nagbabanta ang tono. Bumakas ang pinto ng elevator at lumabas ito.


You know where to find me right? See you if ever na nagbago na ang desisyon mo.”


Magsasalita pa sana si Juancho pero sumara na ang pinto ng elevator. Pagdating niya sa floor ay bumaba uli ito sa palapag ng kinaroroonan ng unit ni Andrew. Nagdoorbell siya.


Yes?” nakangiti at tila nakakaasar nitong tono ng buksan nito ang pinto ng unit.


Ano nga name mo?”


Juancho Diaz”


Kitang-kita ni Juancho ang pag ngiwi ng mukha nito.


Hmmmm.... not exactly a name fit for a model, pero pwede ka naman gumamit ng screen name kung sakali. So..... paano... DEAL?”


Walan nagawa ang isa kundi pumayag na lang sa alok nito kung hindi lang talaga importante sa kanya ang pendant na iyon ay hindi siya nito mapapapayag. Pagbibigyan na lang muna niya ito habang hindi pa nito nakukuha ang pendant tutal sabi naman nito at pwede niyang subukan at kung hindi niya talaga magustuhan eh saka na lamang siya aatras.


May asawa ka na ba? I mean baka mamaya eh bigla na lang may umaway sa akin”


No, I'm not taken.”


Ikinatuwa naman ni Juancho ang sagaot nito kahit na wala naman siya balak na pormahan ito dahil aminado siya na attracted siya dito. “So, paano... aalis na ako, pakihanap na lang nung pendant ha?


Sure”


Aminado siya na medyo mabantot talaga ang pangalan niya pero sa paraan ng pagkakasambit nito tila nabahiran iyon ng kaunting class. Habang naglalakad papunta sa kanyang tinutuluyan na unit hindi niya maiwasang isipin na... “kapag naging modelo ako, tiyak magiging sobrang makulay ang mundo ko.”


“EQUINOX MODELS”. Muntik ng mapanganga si Juancho ng pumasok sila sa opisina ni Andrew. Natawag ang kanyang pansin ng may lumabas mula sa isang pinto sa loob noon, hindi lang dahil gwapo at maganda ang katawan nito kundi parang namumukhaan niya ito, agad naman niyang natukoy kung bakit ito naging endorser sa commercial ng isang sikat na brand ng healthy canned meal.


That's Ken... Leonido ang ang tunay niyang pangalan. Dati siyang merchandizer sa supermarket. Tulad mo, he didn't think she had what it takes to be a model.”


Hinawakan siya nito sa braso at hinila papunta sa dulo ng pasilyo kung saan naroroon ang opisina nito.


Have a seat at tatawagan ko lang ang secretary ko.”


Pagdating naman ng secretary nito ay may dala dala itong kape at isang makapal na binder na iniabot sa kanya. Ini-scan niya isa isa at mga larawan sa loob nito at ng dumating siya page kung saan may kuha ang isang lalake.

That's him.”


Kuha ito ng isang ordinaryong lalake na nagtatrabaho sa iang supermarket na nakasuot ng T-shirt na may logo ng isang brand ng sardinas. Pinakatitigan niya ng mabuti ang larawan para maaninag niya kahit konti ang anyo ng lalaking nakita kanina.


Hard to believe right?”


Inilipat niya ang pahinga ng binder at dito nakita niya ang iba pang larawan ng mga lalaki at babae na kung ang pagbabasehan ay ang pisikal na itsura masasabi niyang mas nakakalaman siya sa mga ito. Namangha talaga siya sa pagbabago ng mga ito at hindi na akalain na posible pala talagang mangyari ito sa totoong buhay. At maaari rin mangyari sa kanya pagnagkataon.


Talaga bang posible ako na matulad sa kanila?”


Hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo ngaun! “You're talking to the discoverer with the Midas Touch” sabat naman ng isang tinig sa kanila.


Ooh... Girl... Tamang tama, you're just in time to meet my latest find.” Nginitian ni Andrew ang papalapit na si Basty at nakipag beso beso dito.


Sa boses pa lang alam ng dumating nahulaan na agad ni Juancho na bading ito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.


If you say so... Hindi ka naman makikila ng husto for nothing, after all. At ikaw naman lalaki, maswerte ka,” sabang baling uli nito sa kanya. “Kung magpapakahusay ka lang at susundin lahat ng ipinapagawa sa iyo ni Andrew, I'm sure mapapabilang ka sa pila ng mga nilalang na namamayagpag na ngaun. By the way, you are?”


Nagpakilala siya rito.


It's nice to see ang bagong mong discoveries in their raw state, makes it more amazing to see ang pagbabago nila after you're through with them. Kaya uulitin ko sa iyo lalaki, maswerte ka dahil mula ngaun your world is about to change sa paraang hindi mo ma-iimagine” ang bigkas nito bago lumabas ng opisina ni Andrew. 


Pakiramdam ni Juancho ay imposibleng mangyari sa kanya iyon, pero may isang parte naman sa kanya na na-excite siyang malaman kung paano siya gagawin ni Andrew upang maging kagaya ng mga modelo nito sa binder. Lalo pa siyang na-excite na makita kung ano ang magiging itsura niya kapag natapos na ito sa kanya.


itutuloy...

2 comments:

Unknown said...

gusto ko tong story mo. good job.

Ryge Stan said...

nice mukhang iba ang story na to.

Post a Comment