Sunday, June 30, 2013

The Devil Beside Me Chapter 19




Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Kay tagal bago nasundan ang chapter 18 at aminado akong kasalanan ko iyon. HAHA Pero heto na siya guys. Ang Chapter 19 at ang kasagutan sa ilang katanungang nabuo sa iyon. Sana ay magustohan niyo ito at sana nariyan pa rin kayo na sumusuporta rito.

Happy reading repapipz!!! Keep the comments coming!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




 

Jay


Janssen Velasco


Maki Delgado


“Saan ba kayo galing at ang tagal niyo `atang hindi nagparamdam, Jay? Hindi mo rin sinasagot ang mga text at tawag namin.” Ang malumanay na tanong ni Lantis.


“Hindi yata kami sanay na ini-ignora mo kami. At lalong hindi kami sanay na hindi mo sinasabi sa amin ang mga plano mo.” Kunot-noo namang wika ni Nico.


“Nagbakasyon kami ni Jassen para ipagdiwang ang magandang pagtanggap ng mga magulang ko sa relasyon namin. Sorry naman.” Ang nagpapa-awang tugon naman nito.


Kita niya kung papaano mapabuntong hininga ang kaibigan nilang si Nico, habang ang kasintahan naman nito ay napa-iling na lang. Hindi nagustohan ng mga ito ang mababaw nitong dahilan.


“We got to have our quality time together guys. Alam niyo namang hindi kami nabigyan ng pagkakataon noong unang dating niya rito dahil agad siyang bumalik ng Cebu.”


“Alam namin iyon.” Wika naman ni Alex. “Pero hindi naman siguro mahirap gawin ang ipaalam mo sa amin kung saan kayo pupunta. Para naman may idea kami kung saang lupalop ka ng mundo naroon. You made us all worried. Pati ang mga magulang mo, ay nag-alala sa’yo dahil hindi ka nagpaalam sa kanila ng matino.”


“Janssen was with me, walang mangyayaring masama sa akin. Tungkol naman sa mga magulang ko, sanay na sila. In fact, natuwa pa nga si mama nang ibigay ko sa kanya ang pasalubong kong bag galing sa souvenir shop ng pinagbakasyunan namin, eh. Grabe! Sobrang ganda doon at sobrang nag-enjoy kami ni Janssen. Dapat sa susunod na maisipan nating magbakasyon ay doon tayo pumunta. White sand, malinis na lugar, napaka linaw na tubig dagat ––”


“Stop it Jay.” Pagputol dito ni Nico. “Wag mong ibahin ang topic.”


Napabuntong hininga ito.


“Sermon din ba ang aabutin ko sa inyo? Nasermunan na ako ni papa and believe me, hindi simpleng sermon iyon dahil halos isang oras ang itinagal niyon. C’mon guys, naiintindihan niyo naman siguro ako kung bakit hindi ko sinagot ang mga tawag niyo di ba?”


“Not at all.” Ang agad na sagot ni Nico.


“Oh, c’mon Nicollo! Maski nga kayo ni Lantis,  ay hindi minsan nagsasabi kung umaalis kayo, eh. `Wag na kayong magalit, may mga pasalubong naman ako sa inyo, eh.”


“Ang sa amin ni Lantis, isang araw lang kaming nawawala. Ikaw, Isangg Lingo kayong nawala ni Janssen. At sa loob ng isang Linggong iyon, wala kaming natanggap na text galing sa’yo.”


“Hayaan niyo na siya.” Ang pagsabat niya sa malumanay na boses. “It’s his choice kung ayaw niya tayong i-contact. Besides, kahit anong sabihin niyo sa taong `yan, hindi rin siya makikining. Ipagpipilitan niya pa rin ang gusto niya at ang walang kwentang punto niya.”


Sa kauna-unang pagkakataon simula ng dumating ito ay bumaling ito sa kanya.


“What are you trying to imply?” Matalim nitong sabi.


“Wala.” Kalmado niyang sagot.


“Why do I have this feeling na parang may nagbago sa’yo Jay?” Pagsabat  ni Alex.


“Nagbago? `Wag naman nating palakihin ang issue ng pag-alis namin ng walang paalam. Gusto ko lang ma-solo si Janssen, intindihin niyo naman ako.”


Napabuntong hininga na lamang ang kanyang mga kaibigan. Suko talaga ang mga ito rito.


“Asan ba si Janssen?”  Pag-iiba ni Lantis ng usapan.


“Susunod na iyon dito. Sinadya ko lang mauna dahil alam kong may tampo kayo sa akin.”


“Iyan ba talaga ang totoong dahilan mo o ayaw mo lang na marinig niya ang mga panenermon namin kaya ka nagdesisyong mauna rito?” Ani ni Alex.


Natigilan ito saglit.


“Ilang pa rin sa inyo si Janssen. Paniguradong kapag marinig niya ang mga sermon niyo ay lalo lang siyang ma-iilang.”


Pasimpleng bumaling sa kanya si Nico. Marahil ay gusto nitong makita ang kanyang reaksyon. Subalit nakapaghanda na siya. Napaghandaan na niya ang lahat.


“So, what’s the plan?” Ang wika nito nang walang makuhang reaksyon sa kanya.


“Hintayin lang natin si Janssen para sabay-sabay tayo sa bar. Siya ang sagot sa lahat ngayong gabi.” Ang magiliw na tugon ni Jay.


“Hindi niya kami kailangang suholan.” Wika niya.


Magsalubong ang kilay itong bumaling sa kanya.


“Hindi panunuhol ang gagawin niya.”


“Oh, di sige. Mas maganda nga iyon, lahat ng gusto kong pulutan ay pwede kong i-order. Tamang-tama hindi pa ako kumaakain ng hapunan.”


Tinaasan lang siya nito ng kilay saka hinugot ang cellphone sa bulsa at tumayo.


“Tatawagan ko lang si Janssen kung nasaan na siya.” Ani nito at lumayo.


“Sigurado ka ba sa gagawin mo, Maki? Hanggang ngayon talaga ay hindi ko pa rin alam kung bakit ako pumayag sa plano mong ito. This is risky alam mo ba iyon?”


“Alam niya ang ginagawa niya, Alex. Look how calm he is kahit halatang hindi niya gusto ang mga lumalabas sa bibig ni Jay.  Napanatili niyang kontrolado ang sarili.” Ani ni Nico.


“Worried lang ako.” Ani nito sa nag-aalalang boses. “The situation now is quiet complicated. Hindi na lang si Jay ngayon ang issue natin. Isang maling galaw mo lang Maki, pwede tayong makasira ng isang ––”


“I know what I’m doing Alex.” Pagputol niya sa iba pa sanang sasabihin nito. “Trust me on this. Kung sakali mang pumalpak ako, I will take full responsibility. Hindi ko kayo idadamay.”


“Hindi naman kami ang inaalala ko kung hindi ikaw, Maki.” Ani nito.


“Mahal ko si Jay. Kaya kong gawin lahat kahit ang kapalit niyon ay magiging masama ako sa paningin niya.”


“Simula umpisa, ikaw na palagi ang sumasalo sa kanya.” Si Lantis. “Ikaw palagi ang umaayos sa lahat ng problema niya.”


“Exactly my point. Kung noon nga na hindi ko pa siya mahal ay nagagawa kong saluhin ang lahat ng kapalpakan niya sa buhay, ngayon pa kaya? Kahit makipagpatentero ako sa demonyo ngayon, gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya mula sa lalaking iyon.”





Iginala ni Maki ang paningin sa kabuohan ng bar kung saan sila ngayon naroon. Hindi ito katulad ng ibang bar na pinapasukan nila. Maingay, may karamihan ang tao at halos mabingi siya sa lakas ng tugtog.  Hindi siya sanay sa gano’ng lugar pero dahil ito ang bar na napili ni Jay na puntahan nila ay  wala siyang nagawa.


“Doon tayo sa may bar counter!” Pasigaw na wika ni Jay sa kanila dala ng malakas na tugtog. “Naroon si Andy!” Sabay turo nito sa bar counter.


“Andy?” Si Lantis. “Akala ko ba nag-resign na siya sa pagiging barista?”


Si Andy ay boyfriend ng isa sa mga kaibigan ni Jay na naging kaibigan na rin nila. Isa itong barista at hindi lamang isang simpleng barista. Ito ang pinakamagaling na barista sa kanilang lugar.


“Bumalik na siya sa pagta-trabaho!” Pasigaw na wika ni Jay at nagpatiunang tinungo ang bar. Sumunod na lamang sila dito.


“Guys!” Magiliw na bati sa kanila ni Andy. “Akala ko hindi na kayo darating.”


“Pwede ba iyon? At talagang tinutoo mo ang pag-reserve ng upuan sa amin, ah.” Magiliw ring wika ni Jay kasabay ng pagpansin nito sa mga bakanteng bar chairs.”


“Syempre naman. Nang mag-text ka sa akin na pupunta kayo ngayon dito ay inereserba ko na itong teretoryo ko sa inyo.”


Inukupahan nila ang mga upuan.


“Andy, meet Janssen, my boyfriend. Janssen, meet Andy, ang sikat na barista dito sa atin.”


“Ikaw pala si Janssen.” Nakangiting wika ni Andy nang maglahad ito ng kamay.


“So it was you.” Ani naman ni Janssen. “The famous Andy na palaging kinukwento sa akin ni Jay noong nasa Palawan kami.”


“Kinukwento?” Takangang tanong naman ni Andy kay Jay.


“Noong nasa Palawan kasi kami, sarap na sarap siya sa ginawang inumin ng isang barista doon. Kaya sinabi ko na may kilala ako na mas masarap pang gumawa ng inumin.”


Pinaikot niya ang bar chair nang humilig ito sa braso ni Janseen. That’s the least he can do para makontrol niya ang ibayong selos na naramdaman.


“So, ano ang gusto niyong inumin?” Ang narinig niyang wika ni Andy.


“Pina Colada sa amin ni Janssen.” Tugon ni Jay.


“I’ll go for Black Russian.” Si Nico.


“I’ll try your Blue Lagoon.” Si Lantis


“Juice lang ako.” Sagot ni Alex. “Hindi ako pwedeng uminum, eh.”


“C’mon Alex! Hindi ba kaya mo na ngayong uminum ng tatlong shots?” Reklamo ni Jay.


“Nangako ako kay Renzell Dave na hindi ako iinum kapag hindi siya kasama.” Tugon ni Alex.


“Eh, ikaw Maki? Ano ang gusto mo?” Doon lang siya muling umikot paharap kay Andy.


“Anything. Wala naman kasi akong allergy sa alak `di katulad ng iba diyan.” Pasaring niya kay Jay.


“My body can now tolerate it.” Agad na wika ni Jay.


“May allergy ka sa alak?” Takang tanong ni Janssen dito.


“Boyfriend mo pero hindi mo alam ang mga pwede at hindi pwede sa kanya? How convenient!” Sarkastiko niyang wika.


Naramdaman niya ang pasimpleng pagsiko sa kanya ni Nico.


“Anyway Andy, pupunta rin ba dito si Nhad?” Pag-iiba ni Lantis ng usapan. “How about Ken and Matt? Are they also coming?”


“Oo pupunta siya pagkatapos ng duty niya pero mamayang alas-dos pa iyon. Sina Ken at Matt naman, ay umuwi sa kanila. Anniversary daw ng parents ni Matt.”


Nagtagumpay si Lantis na ibahin ang usapan at nagsimula silang mag-inuman. Noong una ay tahimik lamang siya. Pilit niyang kino-kontrol ang sarili, at sa tulong ng alak na gawa ni Andy ay nagpagtagumpayan niyang maiwaksi ang selos na nararamdman hanggang nagawa na niyang sumabay sa usapan.


Napaparami na ang kanilang inuman. Medyo nakakaramdam na rin siya ng pagkahilo dala sa sunod-sunod na pag-inum. Mukhang hindi basta-basta ang inuming ibinigay sa kanya ni Andy.


“Ano ba’ng pangalan nitong inuming ibinigay mo sa akin Andy?” He curiously asked. Ang sarap kasi niyon at gustong-gusto niya ang tama sa kanya.


“It’s my newest experiment.” Ang proud naman nitong Tugon. “Pinangalanan ko iyang Devious Intention.”


 “Cool! This one is great Andy. Hindi ka pa rin kumukupos.


“Mabuti naman at nagustohan mo.” Nakangiting wika nito.


“I do! Anyway, CR muna ako. Sasabog na ang pantog ko.” At agad siyang tumayo.


Talagang tinamaan siya ng inuming gawa ni Andy. Matapos niyang makapagbawas ay lalo niyang naramdaman iyon. At nag-iinit na rin ang mukha niya. Kaya naman heto’t naghilamos siya para mabawasan ang tama.


“May problema ka ba sa akin pare?”


Mula sa pagkakayoko ay napatuwid siya nang marinig niya ang nagsalita. Agad na sumalubong sa kanya ang repleksyon ni Janssen sa kaharap niyang salamin. Nakatayo ito sa may pintuan ng CR.


“Ako ba ang kinakausap mo?” He replied.


“Ikaw lang naman ang tao rito kaya malamang ikaw ang kinakausap ko. May problema ka ba sa akin?”


Hindi niya nagustohan ang anagas sa tono ng boses nito.


“Malaki.” Walang pag-aalinlangan niyang tugon saka niya ito hinarap. Tingnan mo nga naman, hindi na niya pala ito kailangang sadyain pa sa bahay-tamabayan nila kung saan ito tumutuloy tulad ng pinaplano niya dahil kusa na itong lumapit sa kanya.


“Just as I thought.” Wika nito. “Mukhang hindi mo na kinayang magkunwari na gusto mo ako para sa kaibigan mo.”


Pinag-krus niya ang kamay at sumandal sa lababo.


“Magkunwaring gusto kita? I don’t remember doing that. Simula’t sapol hindi ko ipinakitang gusto kita.”


“I see.” Ang hindi naman nagpatinag na wika nito. “So, pwede bang malaman kung ano ang problema mo at pinag-iinitan mo ako? Hindi naman siguro iyan tungkol sa dating RELASYON ninyo ni Jay hindi ba? Dahil sa pagkaka-alam ko, hindi naman nangyari iyon.”


Nabusalan siya. Nasabi na ba rito ni Jay ang lahat? Ipinagtapat na ba ni Jay dito ang mga kasinungalingan nito?


“Mukhang nagulat ka, ah.” Binigyan siya nito ng nang-iinsultong ngiti. “Don’t worry, hindi si Jay ang nagsabi sa akin patungkol sa bagay na iyan.”


Napatitig siya rito. Hindi niya agad nakuha ang lahat hanggang sa mismong sa mga mata nito niya makita ang sagot.


“Alam mo ang lahat?” Oo, aaminin niyang nagulat. “All this time alam mo ang totoo? At pinalabas mo lang na wala kang alam?”


“I’m not stupid as you guys think. Alam ko rin na sadya niyo akong ipinatapon pabalik sa Cebu para ilayo si Jay sa akin. Let me guess. Your plan was to get rid of me so you can have Jay right?”


Again, he was caught off guard. Paanong nalaman nito ang lahat ng kanilang mga plano?


“Surprised again? I can see through your plans Maki Delagdo. Alam ko lahat ng kilos at plano niyo para maalis ako sa buhay ni Jay, but I’m afraid to tell you na hindi ka magtatagumpay. History will repeat itself. And this time, we will be the victorious.”


Tiim bagang niya itong kinuwelyuhan. Tama ang lahat ng hinahala niya. Hindi pagmamahal ang rason kung bakit ito naging kasintahan ng kanyang kaibigan. All this time akala niya ay siya ang nagpapaikot dito, pero sila pala ang umiikot sa palad nito.


“Hindi kita hahayaang gamitin si Jay!” Matalim ang tingin at puno ng galit niyang wika.


Tinapaik nito ang kamay niya saka siya binigyan ng malokong ngiti. Saan nito kinukuha ang ganito ka taas na confidence?


“At ano ang magagawa ng isang tulad mo, Maki?” Wika nito. “Kahit sabihin mo lahat ng mga nalaman mo ngayon kay Jay, at sa mga kaibigan mo. Hindi niyo pa rin mailalayo si Jay sa akin. Lalo niyo lamang siyang ilalapit sa akin. So, you see? Walang kwenta ang mga nalaman mong ito sa akin kahit ikaw pa ang pinakamagaling magmanipula ng lahat. You can’t take it against me.”


Kahit mahirap aminin ay tama ito. Kapag sinabi niya kay Jay ang lahat ay iisipin lamang nito na sinisiraan niya si Janssen. At kapag sinabi niya naman ang mga nalaman niya patungkol sa nakaraan nito ay pamilya naman ni Jay ang sisirain niya. Hinayaan siya nitong gumalaw para iyon ang gamitin nito para naman patahimikin siya.


Damn it!





Umaga pa lang ay maaga ng nagising si Maki o mas tamang sabihing maaga siyang bumangon. Hindi niya nagawang matulog dala ng sobrang pag-iisip sa nangyaring ingkwentro sa kanila ni Janssen sa nakaraang gabi. Halos `di niya nakilala ang taong nakaharap sa kanyang salamin. Magulo ang buhok, malalim ang mga mata at nangingitim na eyebags.


Nang makabalik siya sa umpukan nila kagabi ay nawala na siya sa sarili. Pilit man niyang ayaw ipakita kay Janssen na apektado siya sa mga sinabi nito ay hindi niya nagawa. Lalo pa nang ipakmuha nito sa kanya at sa mga kaibigan nila kung gaano nito nagagawang kontrolin si Jay gamit ang mga simpleng salita nito.


Naikuyom na naman niya ang kanyang mga kamao. How did he allow Janssen to make a fool of him. Siya ang tinaguriang great manipulator pero pakiramdam niya ngayon ay siya itong na-manipula. At isa pang nagpapa siklob ng galit niya ay dahil nagawa nitong takutin siya.


You rotten bastard!


Pahablot niyang kinuha ang tuwalyang nakasabit malapit sa kanya. May kailangan siyang puntahan sa araw na iyon. There’s no point on holding back. Si Janssen na mismo ang nagdeklara ng gyera sa kanya at hinding hindi niya ito aatrasan.


Handa na siya at paalis na ng bahay nang makasalubong niya ang kanyang ina sa sala.


“Inumaga ka na nang uwi at ngayon ay paalis ka na naman?”


“May importante akong pupuntahan, ma.” Saka niya deretsong tinungo ang pintuan pero bago pa siya tuluyang makalabas ay muli itong nagsalita.


“May kinalaman ba kay Jay iyan?”


Napahinto siya.


“Wala akong tutol sa mga desisyon mo patungkol kay Jay at sa nararamdaman mo dahil malaki ang tiwala ko sa’yo. Pero sana Maki, hindi mo ipahamak ang sarili mo.”


“I can well take care of myself, ma.” He said with assurance. “And thank you for the trust.” Saka siya tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.


Yes. Makakaya niya ang lahat. Hindi niya hahayaan si Janssen na ito ang makalamang sa sitwasyon. Nasabi na niyang kaya niyang makipagpatentero sa demonyo kung kinakailangan at `yon ang gagawin niya.


Natagpuan ni Maki ang sarili sa opisina ng kanyang tito Art. Ayon sa sekretarya nito ay may meeting pa raw ito at hintayin na lamang niya. Hindi naman siya mapakali. Ang pagpunta niya kasi doon ang isang bagay na hindi inaprobahan ng kanyang mga kaibigan.


“Ibig sabihin ba ng pagpunta mo rito ay tinatanggap mo na ang matagal ko ng offer sa’yo, Maki?” Nakangiting bati sa kanya ng matanda pagkapasok na pagkapasok nito.


Matagal na siya nitong gustong ipasok sa kumpanya na palagi naman niyang tinatanggihan. Ang dahilan niya ay dahil ayaw niyang masyado i-asa ang sarili sa mga Iglesias. Gusto niyang siya mismo ang magpapakahirap na maghanap ng trabaho.


“Pareho pa rin po sagot ko patungkol sa bagay na iyan Tito Art.”


“Kung gano’n, bakit ka nandito ng ganito ka aga? Ang sabi ni Jay ay kayo raw na magkakaibigan ang magkakasama kagabi. Hindi ba’t inumaga kayo?”


“I have an important matter to discus with you Tito Art.” Seryoso at walang paligoy-ligoy niyang tugon.


Dinampot nito ang telepono.


“Evelyn, dalhan mo kami ng kape rito and don’t divert any calls to me. Kahit sino pa iyon. May importante akong kleyente.” Utos nito sa sekretarya.


“There’s no reason for you to do that Tito. Hindi rin naman ako magtatagal.” Medyo nakaramdam siya ng hiya sa importansyang binigay nito sa kanya.


“I know you so well, Maki. Alam kong hindi biro ang ipinunta mo rito. Now, let me hear it. Tungkol ba iyan sa anak ko at sa pinapagawa ko sa’yo?”


Mataman niya itong pinakatitigan.


“A-Actually Tito this is not about Jay.” Biglang gumapang ang pag-aalinlangan sa kanya. Alam niyang hindi na iyon ang oras para magdalawang isip pa siya pero sadyang hindi niya maiwasan.


“Kung gano’n, tungkol saan ito?”


“About you and Alfonso Velasco.”


Kita niya ang pagkabigla sa mga mata nito nang marinig ang kanyang pakay.


“H-How did ––”


“I’m sorry Tito. Hindi ko intensyon na pangunahan kayo pero wala na po akong choice. Kung hindi ko malalaman ang buong katotohanan ay maaring tuluyang mawala sa akin ang anak ninyo.” Ibinigay niya rito ang copy ng papeles na nakuha kay Atty. Nievera.


Lalo itong namutla nang maibigay niya ang papeles na nagpapatunay na dati nitong kasosyo ang ama ni Janssen. Pero hindi lamang iyon ang nakalagay doon.


“Totoo po ba iyan Tito? Kasosyo mo sa negosyo ang ama ni Janssen at may relasyon kayo noon?”





Itutuloy:

27 comments:

Anonymous said...

Weeeeeee!! Thank You kuya Zildjian! :D basa mode! :D

Unknown said...

Kuya zeke! Finally! The revelation was really shocking! So devil is Janssen after all,tangna,ang tuso nya grabe! Until now tayuan pa din ang balahibo ko. Anyways nagkaroon na ako ng HINT na tungkol to sa tatay ni Janssen at Jay dahil sa sinabi ni Janssen na HISTORY REPEATS ITSELF,at yun pala ang laman ng papeles na dala ni Dorwin.

Napaka kumplikado ng TDBM at napaka exciting, goosebumps talaga eh! Next chapter na kuya Zeke! :3

Unknown said...

gawdness, lakas mambitin,

Unknown said...

lakas mambitin ni kuya, hahaha go makii,

Unknown said...

So there... Aantayin ko na ang kasunod nito... Zeke next chapter na.... Kakagukat ang mga revelations...

Unknown said...

Thanks zeke mwah.... Worth it anf paghihintay, suspense at bitin...

LYRON SANTOS said...

sa wakas!!!!! excited na ako...

Brilliance said...

wonderful! Kay tagal kong inabangan ang update nito. Thanks. Keep up the good work!

Unknown said...

Damn you janssen

Anonymous said...

booom! explosive! thanks to dorwin.. lakas maka-usisa ni makiboy oh! anyway.. kung may plano si maki.. at may plano din si janssen (revenge).. malamang may plano din si jay! hahaha nice one poy! salamat sa update..

Richie said...

Salamat sa update... Sana mapost na rin ang next chapter agad...
Tagal ko rin tong hinintay...
Grabe ang mga rebelasyon....

Anonymous said...

grabe naman sobrang intense poy...galing mu talaga ikaw ang no1 manipulator... BRAVO


_iamronald

chie said...

Hi Zeks,

Uhm...wala ako masabi...I'm speechless...

Zildjian said...

Bakit ba ang bilis tumakbo niyang isip mo! Lalo mo akong papahirapang ilansi kayo,eh.

Unknown said...

Nice story. Syang at ngaun ko lng nbasa. Part ba ito ng mga kwento ng mgkakaibgan n nbsa ko n ang iba s knla?

Zildjian said...

Yes. hehe This is somehow related to the other stories. :)

russ said...

kaya pala history repeat itself

Anonymous said...

Nice one here Mr. Author.. Keep it up!

-raymund of bacolod

Anonymous said...

Whaaa! Another revalation!! Anu pa nex kuya zeki! Kaw talaga.


~~JAYVIN

Jace said...

Speechless!!

Sobra kung makapagpasabog.. Akala ko si atty. Dorwin at Maki lang ang may pasabog.. Mas nabaliw ako kay Janssen!! Grabe!!

Keep it up Idol!! Galing mo talaga!!

SOBRANG WORTH IT YUNG MATAGAL NA PAGHIHINTAY!!!

Egzoited much for the 20th!!

-Minion JayJay! :P

Jace said...

Speechless!!

Sobra kung makapagpasabog.. Akala ko si atty. Dorwin at Maki lang ang may pasabog.. Mas nabaliw ako kay Janssen!! Grabe!!

Keep it up Idol!! Galing mo talaga!!

SOBRANG WORTH IT YUNG MATAGAL NA PAGHIHINTAY!!!

Egzoited much for the 20th!!

-Minion JayJay! :P

Unknown said...

Sa wakaaaaaasssssssssssssass! Na upadate din ito..
Graaabbbbbeeeesibrang hinihinty ko tlga ang pag update dito..maraminng salamat po khit matagal ang pag update nyo mr. Authro! ^_^

Unknown said...

DAMING PASABOG KUYA Z! INTENSE NGA TONG CHAPTER NA TO... EXCITING!! EHEHEHE GO MAKIMAKIBOI...

NEXT NA KUYA Z!!!

luilao said...

Yun oh.... tatalon na eh nagpa talastas pa.. waaaaaaa sana update2 pag me time hahahaha

luilao said...

Yun na eh... tatalon na ang bida sa bangin.. o kaya kakagatin na ng bampira ang bida.. tapos patalastas.. o d kaya yung feeling na nanonood ka ng sine tapos nag brownout sa sinehan.. yung yung feeling eh, ang hirap maka get over hahaha.. sana update2 agad pag me time.. weeeeeeeee

Anonymous said...

Ngaun ko lang nabasa at talaga namang hindi ko kinaya!!! U are full of surprises Zeke!!! :)


Pat
Masugid na tagasubaybay

Ryge Stan said...

shoot nice twist

Post a Comment