Wednesday, June 26, 2013

Taking Chances Chapter 02





"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."





Kung papahintulutan nyo po ako ay nais ko magpasalamat kay Zeke sa tiwala na ibinigay niya..

Ryge at Chie... Yeheey... As fear of every writers na baka langawin ang story namin...  Salamat.

Sa bumubuo ng Academy, maraming salamat sa tiwala ipinagkalob nyo... Walang basagan ng trip... Feeling FAMAS lang ang peg.
Enjoy reading!





Umuungol ang lalaki tila nagpipilit itong bumangon at gumising.


"Boss nakahiga ka sa sahig" aniya. Pinakiramdaman niya kung magigising ba ito. Ano ba gagawin niya? Tiningnan niya nag buong paligid at nagbabaka sakali na may dumaan man lang na security guard ngunit ng mapagtanto niya na wala ay tinapik tapik niya ito upang gisingin.


" Boss...."


Dumilat naman ito at tumayo ngunit dala na rin marahil ng sobrang kalasingan nito at unti unti rin itong bumabagsak.Marahil kung hindi lang siya naging maagap ay malamang sa sahig na naman ito babagsak. 


Sa pagkakalungayngay nito sa kanyang katawan ay lalo niya nalanghap ang amoy alak na hininga nito. Napapailing na lang siya. Ganoon pa man, kahit na amoy alak ito ay hindi pa rin maiwasan sumabay dito ang amoy ng pabango ng binata. Sa tingin niya at mamahalin ito dahil bukod sa mas nangingibabaw ang amoy nito kesa sa alak at nagiging kaaya aya din ang amoy nito sa kanyang ilong. Parang gusto na nga niyang idikit ang kanyang ilong sa leeg nito at samyuin iyon.


"Gutom at pagod lang yan Juancho" sabi niya sa sarili.


Ngalingali tuloy niya itong bitwan at hayaan na matulog na lang sa semento..


"Boss..."  Bahagya niya itong inalog alog at pinakiramdaman na baka sakaling magising ito..


"Unit seven three four,"  ungol nito.


Agad naman niya natukoy kung ano ang sinasabi nito. Malamang ito ang tinutuluyan na unit nito.  Nasa kabilang dulo ng corridor ang tinutukoy nito. Saglit siyang natigilan dahil alam niya na medyo malayo pa ito sa kanilang kinatatayuan. Wala rin siya nagawa kundi ang buhatin ito at dahil sa tinutulyan nito.


Pagkarating sa pintuan ay agad naman niyang hinanap ang susi ng unit at pagkapasok sa loob ng unit ay balak lang sana niya na ihiga at iwanan na lang ito sa sofa. Ngunit maraming nakapatong na mga magazine doon kaya hinanap na lang niya ang silid nito at doon ito inihiga.


Maayos naman ang kama nito ng datnan niya. Inihiga niya ang lalaki sa kama at pagkatapos at nag inat inat dahil sa nangalay ang kanyang mga braso at likod sa pagkakabuhat dito.


Eh, ano pa ang gusto mong gawin sa kanya? Ang bihisan siya? Parang sinilihan naman ang kanyang pakiramdam dahil sa imahe na naglalaro sa kanyang isipan.  Naisip niya na isang magandang tanawin siguro iyon pagnangyari.


Napahiya naman siya sa sarili dahil sa itinatakbo ng kanyang isip. Kawalang modo iyon. Hindi naman niya kayang basta iwan na lang ito. Pinalaki siya ng kanyang mga magulang na maging matulugin sa kapwa at ngaun ay alam niya na kinakailangan ito ng lalaki.


Tinungo niya ang banyo at kumuha ng towel upang basain at ipunas sa mukha at katawan nito upang baka sakali ay mahimasmasan ito.


"Fuck you!"


Halos mabitawan ni Juancho ang dala dalang basin at bimpo sa takot dahil sa angil nito. Sino kaya kaaway nito? Ngunit nakapikit pa din ito ng bumalik siya. Panay ang biling ng ulo nito at mababakas sa mukha nito ang malaking galit.


"A father like you? Hah! I don't need you in my life!"  Iginalaw nito ang mga kamay at aktong may inaabot. Pagkakuha nito at saka ibinalibag. Mukhang nananaginip ito at base sa mga binitawan nito salita at nahihinuha niya na sa ama ito galit.


Shocked man ay hindi lubos maiisip ni Juancho magagawa niya ito sa sariling ama... ang murahin ito. Bukod sa tiyak na sasabunin siya nito ay mahal na mahal niya ang kanyang ama.


Nagsimulang umiyak ang lalaki. The kind of cry na alam mong tatagos sa puso ng bawat makakarinig nito. Naawa siya sa lalaki at umupo sa tabi nito.


"Boss.."


Mas lalong naging makabag damdamin at iyak nito at alam niyang masyado itong nasasaktan. Maingat niya itong inangat at niyakap. Kahit siguro tulog ito at mararamdamn nito na meron siyang karamay. Humigpit ang pagkakayakap ng lalaki sa kanya na halos maglambitin na ito. Napakasamang panaginip siguro at dumalaw dito kaya nakapagbigkas ito ng ganung mga salita.


"Hush... Don't cry..." pag-aalo niya.


*   *   *   *  *   *   *   *


Parang binibiyak ang ulo ni Andrew ng magising siya. Mas lalo pang timindi ang sakit nito ng pilit niyang idinidilat ang mga mata.


"What the fu...." Bulalas niya ng makitang hindi nakatabing ang kurtina doon. Naiinis siya dahil tamang tama sa kanya ang sikat ng araw.Tinakpan niya ng kamay ang mga mata at saka bumangon.


"Aaaaargh!" Hindi pa pala siya nakapagbihis ng damit mula kagabi. Come to think of it, hindi niya maalala kung paano siya nakauwi ng condo, mas lalo di niya alam king paano siya nakapasok sa kanyang silid. The least he could remember ay ang pasuray suray niyang paglalakad matapos lumabas ng elevator.


Lasing na lasing siya kagabi.


Ano pa ba ang bago? Naalala niya ang mga nagagandahan at nagguguwapuhang nakasayaw niya kagabi. He reveled in their admiration at minsan ay nakikipaglandian din siya sa mga ito. Base sa kanyang nakita at karanasan, malaking emotional na puhunan ang kinakailangan sa pakikipagrelasyon and he has no time for it. Sapat na sa kanya ang mag-enjoy sa paghanga sa mga nakakasalamuha niya.


Pagbaba ni Andrew ng kama ay may naapakan siya. Malamig iyon para sa kanyang mga paa. Niyuko niya ang ulo upang tingnan kung ano ito. Confused, hindi niya maisip kung paano nagkaroon ng ganun sa kanyang silid. Nakakasiguro siya na hindi sa kanya iyon bukod kasi na medyo may kalumaan na ito ay panlalaki ang disenyo ng pendant. Malabo namang sa mga lalaking nakasayaw at nakilala niya kagabi. Wala pa naman kasi siya naisasama dito at wala pa ni isa ang nakakapasok dito. Kung ganun, kanino pendant iyon?


Habang tinitingnanniya ang pendant ay may isangeksena na pumasok sa kanyang isip. Isang lalaki ang may suot nito. Naalala niya ng buhat buhat siya nito. Nasundan pa ito ng pag- iyak niya at pag alo nito sa kanya. Natandaan niya din kagabi ang pagtambad ng mukha ng isang estranghero ng saglit siyang dumilat.


How can you be so careless? Kahit naman nalalasing siya ay nagagawa pa din niya makauwi ng matiwasay. Kung minamalas malas pala siya kagabi eh baka laman pa siya ng mga pahayagan ngaun.


Lumabas isya ng kanyang silid at siniyasat ang buong unit niya. All of his possessions are intact wala namang nawawala sa mga gamit niya at wala rin naiba sa mga posisyon ng mga ito.


Pinipilit niyang sariwain sa isipan kung ano ang istura ng taong may suot ng pendant na iyon pero natatakpan ng ulap ang imahe nito. Lalo tuloy tumindi ang pananakit ng ulo niya.


Napabuntong hininga na lang siya at saka nagtungo sa banyo upang kumuha ng gamot sa medicine cabinet. Magsa-shower lang siya at pagkatapos ay papasok na uli siya ng  trabaho.


"Your suitors have been busy, Andrew, my dear."


Nagkibit balikat na lang siya bilang tugon kay Basty. Hindi na siya nagulat ng pagpasok niya sa kanyang opisina ng makita niya ang ilang bouquets at ilang kahon ng mamahaling chocolates. He already used to it. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa kanya na bukod sa hindi naman siya kinapos sa istura ay matagumpay siya sa isang glamorosong larangan.


Succesful and heartless biatch. Iyan ang tawag sa kanya ng kaibigan. Hindi naman siya napipikon dito dahil alam niyang term of endearment lamang yun.


Sucessful nga siya, oo. Bukod sa matabang bank account niya at may mga naipundar na din siyang mga ari-arian. Hearltess siguro kasi hindi niya maramdaman sa sarili n kaya niyang magmahal.


Tanghali pa ang pasok ni Juancho sa trabaho pero maaga pa rin siya nagising. Nakasanayan na kasi niya mula pagkabata ang maagang gumising. Wala namang masama kung pumasok siya ng maga sa  opisina. Nang tanggalin niya nag damit at isusunod sana niya ang kwintas na palagi niyang suot at saka lang niya napansin na nawawala ang pendant na nakasabit doon.


Lumabas siya ng banyo at ginalugad ang kanyang buong unit, Kahit anong hanap niya ay hindi niya ito makita. Laking panlulumo niya na napaupo sa sofa. Mahalaga kasi sa kanya iyon. Galing pa iyon sa lolo niya at bigay pa daw ito sa kanyang lolo ng ama  nito..


Pinilit niyang alalahanin kung saan niya huling suot iyon. Naalala niya ng yumuko upang alalayan ang lasing na lalaki at lumaylay ang kanyang kwintas. Ibig sabihin, hindi iyon sa opisina nawala. Maaaring napigtal iyon habang inaalalayan niya ito at baka nga sa unit pa nito nahulog iyon. Sana lang ay huwag itapon ng lalaki ang pendant kung makita man nito iyon.


Ilang beses siyang nagpunta sa unit nito para itanong kung may napnsin itong pendant pero lagi na lang walang tumutugon sa kanya. Hindi siya mapakali, nakakasiguro siya na doon ito nahulog.


Issang gabi ay nakita niya ang lalaki na lulan ng elevator. Pasara na ang pinto ng elevator at sa tingin niya ay hindi na niya ito maabutan. Tumakbo siya kasabay ng pagsigaw ng "teka". Sakto naman at nai-shoot niya ang kanyang katawan sa papasarang pinto bago tuluyang magsara ang mga iyon.


"Boss...." Excited siyang bumaling sa lalaki pero hindi na niya nagawang magsalita pa. Pag-srpay sa mukha ang sumalubong sa kanya. Nahilam ang kanyang mga mata, parang napaso ng plantsa ang kanyang balat sa init niyon. Nasapo niya ang dalawang kamay ang kanyang mukha.


"STAY WAY!"

10 comments:

Zildjian said...

Anong nangyari sa kanya? HAHA Good Job KN. Tiwala lang at matatapos mo rin ito.

chie said...

Na-curious naman agad ako sa susunod na mangyayari. Kawawa naman si Juancho tumulong na nga napepper spray pa. :(

Siya nga pala Kuya Nitro huwag ka matakot na walang magbasa or nagbabasa ng story mo. Although readers and their comments gives you authors the inspiration to write eh sigurado naman ako na meron at meron kang readers/followers. Mga silent readers lang siguro sila sa ngayon pero lalabas din yan sila. Silent reader lang din ako dati eh tanong mo pa kay Zeke. :)

Fighting! :)

Anonymous said...

Bad mood c andrew...ano kaya mangyari sa kanila? Tnx KN. waiting for the next chapter.

Randzmesia

Unknown said...

ganito.ang mga gusto kong story, basa basa din pag may time :-)

-marky

Anonymous said...

ganito.ang mga gusto kong story, basa basa din pag may time :-)

-marky

Anonymous said...

Nice Story kuya! :D

Unknown said...

ganda nang story,..first time koh mag basa dito...pro ang ganda nang story....excited nah ako sah next chapter...:)

Unknown said...

nah amazed ako sah story...tama nga c brod mak...maganda nga ito....excited sah new chapter...:)

rascal said...

Next na poh

robert_mendoza94@yahoo.com said...

hmmmm, looks exciting ang magiging flow ng story mo ah. he he he. sana may update plage.

Post a Comment