Cover Created by: Jojimar Lachica
Written by: Zildjian
Blogsite: ZildjianStories
Author's Note:
First things first. Hindi po ibig sabihin na porket gumawa na ako ng teaser nito ay hindi ko na tatapusin ang TDBM ko. Sadyang excited lang ako kaya kahit di ko pa tapos ang TDBM ay ginawan ko na ng teaser ang 3rd series kong ito.
Bakit nga ba ako excited? Iyan ang tanong ko sa sarili ko kanina pagkatapos gawin ni Joji ang cover nito. Well, siguro excited ako una kasi may dahilan na ako para sipaging tapusin ang TDBM ko. Pangalawa ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa pagsusulat ko ay ito lamang ang series na agad na natapos sa utak ko ang mga mangyayari.
Isa rin sa mga rason kung bakit medyo excited ako sa series na ito ay dahil balak kong mag-experiment. Iyong gumawa ng isang bagay na hindi ko pa nagagawa sa mga natapos ko ng kwento at syempre ang hanapan ng partner si Brian (Kaibigan ni Dave). LOL! kaya sana ay magustohan niyo ang mga magiging kwento nila at pati na rin ang teaser na ito. Ingat!
Emman Flint
Sa apat na meyembro ng
skyband, si Emman ang naiiba, sapagkat, kahit pa man kabilang siya sa apat nameyembro
ng sikat na bandang Skyband ay problema ni Emman ang makitungo sa mga tao. Wala
sa kanyang bokabularyo ang salitang pakisama. Allergic siya sa mga taong
gustong makipaglapit sa kanya. Siya ang
sikat na mas pipiliin pang mapag-isa kesa ngumiti katabi ng fans habang
nakaharap sa camera.
Suplado, masungit at mahirap-i-approach. Iyan ang mga
description ng mga taong nakakatikim ng rejection sa kanya at kasupladohan niya. Ngunit sa
di inaasahang pangyayari, isang tao ang kanyang makikilala na siyang yayanig sa
kanyang tahimik at madilim mundo. Isang klase ng tao na ni sa hinuha ay hindi
niya pinangarap na makadaupang palad. Papaano babaguhin ng taong ito ang
kanyang buhay? At papaano nito magagawang mahila siya mula sa masalimuot na
nakaraan?
Markus Iñigo
Charming, oozing with sex appeal, at approachable. Ilan lang
iyan sa maraming papuring natatanggap ng lead-guitarist ng bandang Skyband na
si Markus. Bukod sa kanyang pinakamamahal na guitara ay isa rin sa hindi
mabitiw-bitiwan ni Markus ay ang kanyang laptop. To the point na halos pati sa
pagtulog ay katabi niya ito.
Nababaliw at nuknukan ng tanga naman ang tawag sa kanya ng
mga ka-banda. Sapagkat sa dami ng nahuhumaling sa kanya, mas binibigyan pa niya
ng pansin at oras ang ka-chat na kailan man ay hindi pa niya nakakadaupang
palad. Ngunit baliwala ang kahit na ano mang mga pinagsasabi ng mga ito. Dahil
para sa kanya, siya lamang ang tunay na nakaka-alam kung sino at ano ang gusto
ng kanyang puso. Ngunit papaano kung sa pagdating ng kanyang pinakahihintay na
araw ay ang pagbulaga sa kanya ng isang mapait na katotohanan? Makakaya ba
niyang mapanindigan ang nararamdaman ng kanyang puso?
Lexin
Kung ang pagiging flirt ang pag-uusapan ay hindi pahuhuli
ang base na si Lexin. Wala na yatang tatalo pa sa kanya pagdating sa larangan
ng pagiging mahilig. Hindi umuso sa kanya ang salitang magpakatino. He treat
each day like it's his last day na kailangan niyang sulitin para wala siyang
pagsisihan sa buhay.
Saan nga ba siya dadalhin ng kanyang mga ginagawa? Hanggang
saan niya kayang panindigan ang pagiging playboy para lamang maitago ang isang
nakaraan na ayaw na niyang muling maalala pa? Papaano kung ang tadhana na mismo
ang makipaglaro sa kanya? Makakaya ba niyang manalo, o siya ang luluhod dito?
Tommy
Sa lahat na yata ng mga bokalista sa mundo ay si Tommy ang
pinaka-kakaiba. Bukod kasi sa kanyang di matanggal-tanggal na stage fright sa
tuwing sasalang siya para kumanta ay sobra pang mahiyain ang bokalista ng
Skyband. Iisang tao lamang ang may kakayahan para makumbinsi siyang kumanta at
iyon ay walang iba kung hindi ang kanyang dakilang kaibigan. Ang taong siyang
taga-boost ng kanyang unstable na confidence at ang kauna-unahang taong humanga
sa galing ng kanyang boses.
Papaano babaguhin ng taong ito ang buhay niya? At papaano
niya magagawang maisapuso ang talentong ibinigay sa kanya kung binabakuran niya
ng husto ang kanyang puso para maiwasan na makapasok dito ang tunay niyang
damdamin para sa kanyang kaibigan?
Abangan ang bawat k’wento nila sa pangatlong series na
gagawin ko na pamamagantan kong “Skyband”. Sabay-sabay nating alamin ang pagkapare-pareho
nila na magiging daan para lalo pa nilang makilala ang isa’t isa at mapatatag
ang samahan na ni sa hinagap ay hindi nila akalaing mabubuo.
15 comments:
I think si Emman ang kay Brian hahaha ! Kakaexcite to kuya Zeke ! San ka nga naman nakakita ng bokalistang mahiyain ? LOL. HAHAHA
Isa na nmang obra mo zeke na susubaybayan namin...excited na lahat.
Randzmesia
Wow naman..aabangan ko uyo..
wahaha kuya Zeke OMG haha excited nko sa Story ni Boromeo aka Brian ang bestfriend ni Dave :) at saka si Ian im sure isa sa skyband ang makakatuluyan,I remember crush ni Andy ang mga ito hahaha! Gora na! Excited na kami :P
Wow, . . Pnibgong obra nanaman ni kuya zeke. . .hehe,
eh asan na ung Narcoleptic Love Affair ni Ian, kaLa ku b, isusunod mu sya sa TDBM,
pkpost na pu ung chapter 19 ng TDBM kuya
ung teaser kay markus mukhang interesting and hawig nga ata sa totoong buhay..hahaha
hahahah i noticed myself smiling while reading this teaser!!!
binulabog mo na naman ang pagkatao ko zeke!!!
mapupuyat na naman ako neto... hahaha
im so eggzoited!!!
pat
tagasubaybay
Sir Z pinoy ka tlaga..
Magaling..!
kaw na talaga sir ang galing mo!!!!
jubert:)
c boromeo magkaka love life na?
xciting toh!
hmmm, excited for your new obra ZILD!
mxdo ka atang busy ngayon zeke :-) but still looking firward na matapos mu un 2 kung paborjitong character.
marky
I Like! :D
uy poy! you are going to skip tdbm? hahaha si teargaz parang alam na alam ang buhay ni markus ah! LMAO! i'll make time kahit papano poy pag medyo di na busy.. ikamusta mo na lang ako sa kanila.. keepsafe! goodluck sa bago mong story.. ^_^ #potpot
wag kang mag-alala tatapusin ko ang TDBM.. HEHE
Post a Comment