Friday, May 17, 2013

The Devil Beside Me Chapter 18




Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Ang iba sa inyo ay alam kung nagtatampo na sa akin sa sobrang tagal kong mag-update at humihingi ako ng paumanhin. Hindi na kasi gano’n kadali ang buhay para sa akin. HAHAHA May mga obligasyon na akong nanganga-ilangan ng maraming atensyon at medyo pumupurol na rin ang utak ko sa pagsusulat. Pero worry not mga paps. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko na makapag-update at hindi kayo iwan.


Tulad ng sabi ko, tatapusin ko ang k’wentong ito. Sisikapin ko ring makapag-update ng mas mabilis para ma-feel niyo ang climax ng k’wentong ito. Oo mga paps, climax na! Ang pinakahihintay niyong conflict ay nandito na. Kaya sana, ay hanggang sa huli ay nariyan pa rin kayo.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


 

Jay


Janssen Velasco


Maki Delgado


“Ilayo?” Kunot-nuong pag-uulit ni Lantis sa kanyang huling sinabi.


Nang matapos ang nakakagulat na pakiusap sa kanya ng kanyang Tito Art, ay hindi na talaga natahimik pa si Maki, dahilan para matagpuan niya ang kanyang sarili sa coffee shop na ngayon ay isa na rin siya sa mga may-ari. Tamang-tama naman na naroon ang dalawa niyang kaibigan, ang magkasintahang Lantis at Niccollo.


“Yes.” Patango niyang pagtugon. “Maski ako ay naguguluhan kung bakit.”


“Siguro may malalim na dahilan.” Naisambit naman ni Nico. “Ayon na mismo sa’yo na walang problema sa mga magulang ni Jay ang sekswalidad niya. Ibig sabihin, hindi iyon ang rason.”


“Iyon ang gumugulo sa akin Nico. Kung bakit tutol si tito Art kay Janssen. At kung papaano ko gagawin ang gusto niya.”


Dinampot nito ang tasang may lamang mainit na kape saka sumimsim doon bago ito bumaling sa kanya at tumugon.


“Bakit magiging problema sa’yo ang pinapagawa ni Tito? Hindi ba’t iyon naman ang talagang balak mong gawin?”


“Dahil natatakot ako Niccollo. Natatakot ako para kay Jay.”


Kung ang ilayo lamang si Janssen, ay isang napakadaling bagay para sa kanya. Subalit, mas inaalala niya ang kanyang kababata. At ang mga maaaring gawin nito kapag ginawa niya iyon. Masyado ng attached si Jay kay Janssen at nakita niya iyon kanina nang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-usap. Hindi nga ba’t nagawa nito ng walang pag-aatubili ang aminin sa mga magulang ang relasyon nito kay Janssen?


“Lumalayo na ang loob sa akin ni Jay, Niccollo.” Pagpapatuloy niya. “Isang maling galaw ko lang ay pwedeng tuluyan na siyang mawala sa akin at `yon ang kinakatakot ko.”


Alam na ng kanyang kababata ang tunay niyang pakay at iyon ang rason ngayon kung bakit may pagdadalawang isip na naman siya. Siguradong sa kanya isisisi ni Jay kapag may gawin siyang isang hakbang sa kasintahan nito.


“That may be true. Pero sana alam mo rin na kapag pinatagal mo pa ang lahat ay maari ring mawala sa’yo si Jay. You decide Maki. Either you lose Jay with a fight or the other way around?” Ani ni Nicollo.


Natahimik siya. Ang isipin na mawawala sa kanya si Jay ay siyang nagpapahirap sa kanya para makapagdesisyon. Subalit, kaya nga ba niyang mawala na lamang ito ng basta-basta pagkatapos ng lahat-lahat ng pinagdaanan niya rito?


“Hindi mo kailangang mag-isang gawin ito Maki. Narito kaming mga kaibigan mo at alam mong we’re capable of helping you.”


“Lantis…”


“Pinagdaanan ko rin iyang pinagdaraanan mo ngayon. Actually, lahat ng umibig sa mga kaibigan nila ay pinagdaanan iyang pagdadalawang isip na nararamdaman mo.”


“W-What do you mean?”


“Nahihirapan kang magdesisyon dahil alam mong pwedeng hind maging paborable sa’yo ang kalalabasan. That’s normal Maki. Pero wala kang dapat ikatakot. Kung mahal mo talaga si Jay tulad ng sinasabi mo at pinapakita mo sa amin ngayon, gagawin mo ang lahat para makuha mo siya. Iyon ay kung totoo iyang nararamdaman mo. ”


“Of course mahal ko siya!” Naibulalas niya. “Kahit siya pa ang taong palaging dahilan ng pagsakit ng ulo ko. At kahit na siya pa ang taong walang alam when it comes to responsibility and commitments mamahalin ko pa rin siya. It is my destiny to love him!”


Nagkatinginan ang magkasintahan at nagpalinan ng makahulungang tingin.


“That settles everything then.” Wika ni Nico kapagkuwan sabay hugot ng cellphone sa bulsa. “Alex, I want to have a personal meeting with you tomorrow. May kailangan tayong gawin para sa kaibigan natin.”





Salubong ang mga kilay at halos ibato na ni Maki ang monitor ng kanyang personal computer sa sobrang frustration. Mahigit anim na oras na siyang naka-upo sa harap niyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawa ng tama ang ginagawang webpage.


Ilang araw na ba siyang gano’n na hindi makapag-isip at makapagtrabaho ng mabuti? Na palaging init ng ulo ang nangingibabaw sa kanya? Apat? Lima? Hindi na niya matandaan. Basta’t ang alam niya ay talagang malapit na siyang sumabog at iyon ay dahil sa iisang tao, si Jay.


“Dammit!” Naibulalas niya at padabog na tumayo saka padapang nag-dive sa kanyang kama. Wala siya sa focus at pati ang drive niyang magtrabaho ay nawala na rin. Gano’n siya ka-apektado sa mga nangyari sa nagdaang araw. “Ultimo sumagot ng text hindi man lang niya magawa!”


Sa nakalipas na mga araw ay hindi na nagpaparamdam sa kanya at sa  iba pa nilang kaibigan ang kanyang kababata. Ilang text at tawag na ang ginawa niya rito subalit hindi ito sumasagot.  Kahit nang sadyain na niya ito sa kanilang bahay-tambayan kung saan naroon ang kanyang karibal ay bigo pa rin siya. Wala roon ang mga ito. Ayon naman sa mga magulang nito, palagi raw itong nagpapaalam na lalabas kasama si Janssen.


“Alam mong hindi ang tipo ni Jay ang tumatanggap ng salitang hindi pwede, Maki. Kasing tigas ng gabundok na bato ang ulo ng anak kong `yon. At ayaw ko ring isipin niya na hindi ako sangayon sa relasyon niya sa lalaking iyon, mas magiging kumplikado ang lahat.”


Iyon ang mga salitang binitiwan ng kanyang tito Art ng kausapin niya ito. At isa pa iyon sa mga bagay na gumugulo sa kanya. Kung ayaw talaga ng kanyang tito Art sa Janssen na iyon, bakit hinahayaan nito ang anak na gawin ang lahat gusto nito? What exactly his tito Art is thinking?


“Kuya?” Naputol ang kanyang pag-iisip sa pagtawag sa kanya ng kapatid na sinundan pa nito ng tatlong mahihinang katok. “Kuya Maki, pwede bang pumasok?”


“Not now Ely. Wala ako sa mood makipagkulitan sa’yo.”


“C’mon kuya hindi ako makikipagkulitan o mangungulit. Gusto lang kitang makausap.”


Sa mga ilang araw na nagdaan ay hindi na niya masyadong nabibigyan ng panahon ang kapatid at ang kanyang ina. Masyado siyang naging busy sa whereabouts ng kanyang kababata to the point na maski ang makasama ang mga ito sa hapunan ay di na niya nagagawa.


Napilitan siyang tumayo para pagbuksan ang kapatid. Kailangan rin siguro niya ang kakulitan nito para pansamantalang  mawala sa kanyang isipan si Jay.


“You look epic.” Agad nitong kumento nang pagbuksan niya.


“What do you want Ely?” Pamababaliwala niya sa sinabi nito at muling bumalik sa pagkakadapa sa kama.


“Alam kung wala akong makukuhang impormasyon sa’yo, kaya sinadya ko si kuya Lantis para siya na ang tanungin ko. Honestly, some of what he said shocked the hell out of me.”


“Hindi mo siya dapat dinidisturbo, Ely.”


Alam niyang darating talaga sa puntong malalaman ng kanyang kapatid ang mga pagbabago sa kanya. Kaya naman hindi na niya ikinabigla pa ang ginawa nito at hindi rin niya sinisisi si Lantis. Nang tanggapin niya sa kanyang sarili ang damdamin niya para sa kababata, isinama na rin niya ang mga pwedeng maging posibilidad. Tulad na lang ng maaring umabot iyon sa kanyang pamilya.


Naramdaman niya ang pag-upo nito sa gilid ng kanyang kama.


“Nag-aalala na kasi kami ni mama sa’yo kuya. And we both think that we deserve to know what is really happening to you.” Ramdam niya ang sensiridad sa boses nito. “Wala naman sa akin ang mga nalaman ko, eh. In fact, natutuwa nga ako na finally, ang pinapangarap kung mangyari sa inyo ni kuya Jay ay magkakaroon na ng katuparan.”


Hindi siya tumugon. He should feel lucky enough na supportive ang kanyang kapatid pero talagang hindi niya magawang matuwa. Over whelming pa rin sa kanya ang mabigat na pakiramdam sa hindi pagpapakita ni Jay. Pakiramdam niya kasi ay sinasadya nitong layuan sila.



 Akala niya magiging madali ang lahat. Na isang napaka-simpleng bagay ang makuha ang kababata sa ngayon ay nagmamay-ari dito. Hindi pala. Sapagkat si Jay mismo ang gumagawa ng paraan para hindi niya magawa ang mga dapat niyang gawin.


“Huwag ka agad sumuko kuya. Oo nga’t gwapo si kuya Janssen at nasa kanya ngayon ang atensiyon ni Kuya Jay. Pero mas may pinagsamahan kayo ni Kuya Jay at kung hitsura naman ang pag-uusapan, `di ka naman pahuhuli. Kung gusto mo, kakausapin ko siya para sa’yo.”


Napabalikwas siya sa narinig.


“`Wag na wag mong gagawin iyan, Ely. Problema ko ito. Hayaan mong ako ang humanap ng paraan para solusyunan ang lahat.” He said with authority.


“You can’t solve anything with that temper, Kuya Maki. If you really wanted to win Kuya Jay just like kuya Lantis told me, dapat mong kalmahin ang sarili mo. That way, makakapag-isip ka ng tama.”


Nabusalan siya. May punto ito. Hindi na siya makapag-isip pa ng mabuti dahil ang pinapairal niya ay ang init ng kanyang ulo.


“Patience is what you need Kuya. That’s the key to success sabi nga ng CI kung praning sa mga novels. Besides, wala ka rin namang mapapala kung iyang pagiging hot tempered mo ang paiiralin mo. Papangit ka na nga, sasakit pa ang ulo mo ng bonggang-bongga.”


Napa-baling siya sa kapatid. Kahit may halong ka-praningan ang sinabi nito ay hindi naman niya maikakaila na may punto ito.


“Saan mo nakuha ang mga iyan, Ely?” He curiously asked pero makikita na sa kanyang mga mata ang amusement sa kapatid.


“Duh! Experience of course!”


Pinangunutan niya ito ng noo.


“Nagbo-boyfriend kana ba, Ely?”


“`Wag kang excited Kuya, nagpapaligaw pa lang ako.”


“May usapan tayo.” Protesta niya.


Nginisihan siya nito ng nakakaloko.


“Hindi kasama sa usapan natin ang pagpapaligaw ko.” Ani nito saka nagpakawala ng malokong tawa. Napa-iling na lamang siya at palihim na napangiti. Wala talagang tatalo rito pagdating sa pamimilosopo.


Nasa gano’n silang sitwasyon nang mag-ring ang kanyang cellphone. Si Ely na mismo ang agad-agad na tumayo para kunin iyon sa may computer table niya.


“Si kuya Nicollo.” Ani nito saka ini-abot sa kanya ang kanyang cellphone.


“Bakit, Nico?”


“Pumunta ka rito sa coffee shop. Darating ngayon sina Alex at Renzell Dave.” Tugon ni Nico sa kabilang linya.


“Sige darating ako.” Mabilis niyang tugon.


“Mag-iinuman kayo?” Naitanong ni Ely pagkababa niya ng tawag.


“Hindi. May importante kaming pag-uusapan.”


“Tungkol saan?”


“Umandar na naman ang pagiging mausisa mo, Ely. Hindi pa ba sapat ang mga nalaman mo ngayon kay Lantis?”


Napalabi ito na siya namang kanyang ikinangiti.


“When things get better, ikaw ang pinaka-unang makaka-alam, promise. For now, hayaan mo na muna akong ayusin ang mga dapat kung ayusin. ” Nangangako niyang wika rito.


“Siguraduhin mo `yan, ha. Excited pa naman ang mga ka-klase ko sa kalalabasan ng pakikibaka mo kay kuya Jay.”


Nangunot ang kanyang noo sa tinuran nito.


“Curious din kasi sila kung bakit wa epek ang mga beauty nila sa’yo kaya naman, nangako ako na kapag may natipuhan kanang tao ay agad ko silang sasabihan. At hayon nga, sinabi ko sa kanila na in-love kana at si kuya Jay lang pala ang gigising diyan sa mailap mong puso.” Ngingisi-ngisi nitong sabi.


“You  what?” Ang hindi niya makapaniwalang naisambit sa kapatid.


“C’mon kuya. Hindi ka ba naawa sa kanila? Simula ng deadma-hin mo ang mga beauty nila na hayagang nagpakita sa’yo ng interes ay hindi na natahimik ang kanilang mga kaluluwa. They lost their self-confidence. Pakiramdam nila ay ang papangit nila. So, ayon nakonsensiya naman ako kaya pinangako ko na once na may  magpatibok na ng puso mo ay sasabihan ko sila para sa ikatatahimik ng mga walang kwenta nilang buhay.”


Kung lalaki lang ito ay baka na binigwasan na niya ang kapatid sa kalokohan nito. Akala pa man din niya ay tumino na ito base sa magagandang salitang namutawi rito kanina. Iyon pala, ay lalo pa itong naging baliw.


“Mag-uusap tayo mamaya pagka-uwi ko, Ely!” Nanggagalaiti niyang sabi.





Dumating si Maki sa Kero’s Café kung saan naghihintay ang kanyang mga ibigan. Agad niya namang nakita ang mga ito sa isang mesa sa labas.


“Buti naman at narito kana.” Bati sa kanya ni Nico.


“Asan sina Alex?” Tugon naman niya.


“Parating na sila.”


Humila siya ng isang upuan paharap sa magkasintahan.


“Wala ka pa rin bang balita patungkol sa whereabouts ni Jay, Maki?” Kaswal na tanong ni Lantis sa kanya.


“Wala. Mukhang wala ng balak magpakita pa sa atin ang isang `yon.” Walang gana niyang tugon. “Tungkol saan ba itong pag-uusapan natin at bigla `atang napadayo sina Alex?”


“Tungkol kay Janssen Velasco.” Si Nico ang sumagot sa kanya.


“Bakit, ano ang meron?”


“Stop acting like it doesn’t interest you, Maki.” Wika ni Nico. “Gusto mong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa kanya ni Tito Art di ba? Nasa kasama nina Alex ang sagot.”


“Ow? So finally, you made your move. Akala ko kasi wala na kayong balak pang tulungan ako.” Sa totoo lang ay may inis siya sa mga ito dahil ilang araw na ang nakalipas matapos mangako ng tulong ang mga ito ay wala pa ring nangyayari.


“`Wag kang ingrato. Hindi gano’n kadali ang gusto mong mangyari. Alam mong hindi madaling bagay ang mangalap ng impormasyon sa karibal mo.”


“Iyon nga ang hindi ko maintindihan, eh. Bakit mahirap? Hindi ba’t may file naman si Janssen sa opisina ng Tito ni Dave kung saan siya nagta-trabaho?”


“Itanong mo iyan sa kasama nina –– nariyan na pala sila.” Biglang pag-iiba nito ng makita ang pamilyar na sasakyan ni Dave.


Ilang sandali pa ay nasa harap na nila ang mga ito. Subalit, hindi niya maiwasang hindi magulat sa isa pang taong kasama ng mga ito. Ang batikang abogada na kambal ni Dave na walang iba kung hindi si Attorney Dorwin Nievera.


“What a surprise. Ikaw pala ang tinutukoy nina Alex na kasama nila Atty. Nievera.” Pagbati ni Nico rito sabay lahad ng kamay.


“If it’s not for Alex request, hindi ko papatulan ang kabaliwan nitong kambal ko.” Ang nakangiti namang tugon ni Dorwin sabay abot sa nakalahad na kamay ni Nico.


Kita niya kung papaano mapasimangot si Dave sa likuran nito. Alam nilang lahat ang malaking pinagkaibihan ng magkambal pagdating sa pag-uugali. Subalit hindi pa rin niya mapigilang hindi humanga kapag nasasaksihan ng mga mata niya iyon.


Bumaling sa kanya si Dorwin.


“So, mukhang ikaw naman ngayon ang tinamaan ni kupido. The peace maker and also known to be the great manipulator, Maki Delagado.”


“Base ba iyan sa mga pinagsasabi sa’yo ng kambal mo o iyan mismo ang assessment mo sa akin attorney?”


“Both.” Nakangiti nitong tugon.


Hindi niya alam kung ano ang partisipasyon ni Dorwin kung bakit naroon ito ngayon pero nakaramdam siya ng kaba. Kung para saan iyon ay malapit na niyang malaman.


“Have a seat.” Paanyaya niya rito na nilakipan niya rin ng isang ngiti.


“Do you want anything attorney? Hindi namin masyadong napaghandaan ang pagdating niyo dahil biglalan ang pagtawag sa akin ni Dave na parating nga kayo ngayon.” Ani ni Nico.


“Coffee will do. Balita ko kay Red masarap daw ang kape niyo rito.” Nakangiti nitong turan.


Minsan na nga palang nadalaw sa lugar nila ang partner nito kasama ang mga kaibigan nito noon.


“Alright then.” Wika ni Nico sabay tawag sa isang waiter nila.


Agad namang ibinigay ni Dorwin ang order nito saka muling bumaling sa kanila.


“Shall we start?” Wika nito.


“Hindi mo ba hihintayin munang ma-i-serve ang kape mo?” Si Lantis.


“Kukulangin ang isang tasa ng kape sa dami ng ipapaliwanang ko sa inyo ngayon. Kaya ayos lang na magsimula na ako.” Ang tugon nito na sa kambal nakatingin.


Lalong umusbong ang kanyang kyuryusidad sa sinabi nito. Ngunit pinili niyang hintayin na lamang itong magsimula kahit pa man gustong-gusto na niyang malaman ang lahat.


“So, what did you found out about Janssen Velasco?” Walang patumpik-tumpik na wika ni Nico.


“Marami.” Si Dave.


“Like?” Si Lantis.


“Someone put him in our company. And that someone is not just an ordinary person. Kung tama ang hinala ko, isang bigating tao ang nagpasok sa kanya sa kumpanya na  hindi ko nalalaman. A person who has the same capability I have in the company.”


“His father was known to be a good business man. Baka may kaibigan siya na isa sa mga stock holder.” Ani naman ni Nicollo.


“Alfonso Velasco has nothing to do with it.” Pagsali ni Dorwin sabay abot nito kay Nico ng isang papel.


“Iyan ang isa sa dalawang rason kung bakit biglang nawala dito sa lugar ninyo ang pamilya ni Janssen. Nalugi ang negosyong hinahawakan ng kanyang ama at naging kabi-kabila ang utang nito dahilan para iwasan ito ng mga dati nitong kasosyo. So, hindi ang ama niya ang nagpasok sa kanya sa kumpanya.”


“Heto naman ang pangalawang rason kung bakit umalis sa lugar na ito ang mga Velasco.” Wika ulit ni Dorwin sabay abot sa kanya ng isang papel.


Agad na nangunot ang kanyang noo pagkabasa niya ng nilalaman niyon at bumilis ang tibok ng kanyang puso.


“T-This can’t be.” Ang hindi niya makapaniwalang sabi.


“Hindi nagsisinungaling ang mga ebidensiyang iyan. Sa katunayan, ay pwede akong matanggalan ng lisensiya dahil diyan pero naisip ko rin na kung sasabihin ko lang ito sa’yo ng wala akong pinanghahawakan ay hindi niyo ako paniniwalaan.”






Itutuloy:

38 comments:

youcancallmeJM said...

YAy mayUpdate na!!!!!!!!!!!!!!!!

THANKS SIr Z! wooooooooh

Unknown said...

waaahhhh!! Ang ganda ganda ganda! Napanganga ako! Ano kaya iyong pinakita ni Dorwin? Nagtayuan balahibo ko literal! Hindi ko na mahihintay ang next chapter! Sabi na nga ba at may malaking sinasandalan si Janssen eh! Kuya zeke next chapter na! XD

Anonymous said...

Wahhh!!!!

Nbasa q na ung last paragraph lol...

Mganda to kuya zek.-hehee
Basa basa muna aq...

Tnx sa pag update kuya^_^
Enjoy reading

(Ryan m )

LYRON SANTOS said...

yes! sobrang naexcite ako dun! sobra ding nabitin! hehehhehe

Anonymous said...

huuuuuwaaaaaaaaaaw me update na for real

Unknown said...

hanuyun? ano yung ebidensya na yun? hahahaha! napapaisip ako.. curious =))


nice sir.. ang galing

PATRICKstories... said...

Welcome Back Zeke!
I've been waiting for this for ages!
Ano ba ung ibedensyang hawak ni Dorwin?...

Well i will find out soon.....???

Thanks for the update Zeke!

Pat
Tagasubaybay

robert_mendoza94@yahoo.com said...

wow! at last napost na din, tnx zild! become more exciting . hope magtuloy tuloy na thought ur very much bz.

Lawfer said...

err... alam mong reklamador aq kya d kna cguro maninibago o mabibigla sa reaction q no??

BITIIN!!!

ndi bitin na nakakaexcite ha? bitin na nkaka-frustrate!
bakit kamo?

ampaw na nman ang chapter na to, bula ang laman... tsk..
parang ung my kabuluhan lang ung huli, d rest puro "fillers" lang...

u can do better than this, ampalaya -_-

Unknown said...

Ooooohhhhh yeahhhhhhj!!!!

Buti nmn ate may update n!

Grabe anu kaya ang matutklasan nila bout kay janssen?

Sana manils n ang pag-update.. ^_^

Tnx mr. Author

Unknown said...

Oooohhhh yeahhhhh!

Buti at may update n!!!

Grabe anu kaya ang matutuklasan nila bout kay janssen?

Cant wait to read the nxt chapter.. ^_^

Thank you mr author s pag update..sana malibis n sa susunod.. ^_^

Brilliance said...

wonderful! May update na. Laking tuwa ko nung pag check ko ng site na to may chapter 18 na! Parang tanga lang akong sumisigaw. hehehe.

Anonymous said...

Ang daldal ni Ely. Haha

Tapus si jansen, hmmm. My black hiden agenda ba sya kay jay?

~JAYVIN

Unknown said...

YES AFTER 48 THOUSAND YEARS, NATAUHAN DIN SI KUYA ZEKE, MAY GAWD, HAHAHA SALAMAT SA UPDATE,

Unknown said...

Sa wakas, 48 thousand years, wahahahah natauhan na din si kuya zeke, at nag update na, naks atty. dorwin wala pa ring kupas. anu kaya yung dahilan, nakakaexcite naman, abangan sa mga susunod na kabanata, TDBM

Anonymous said...

tagal ko po inabangan to sana po mr author lagi my upd8,ganda po kc ng story eh.

Anonymous said...

Wow, ang galing mo magpabitin z ah..pero d best! Hehe. namiss q c maki2.. Thanks s pag update! ;-)

stan ;-)

LYRON SANTOS said...

hindi nga halatang frustrated ka! easy lang! MAG-UPDATE KA NA RIN!
:)

TheLegazpiCity said...

huwaaaaaaaaaaaaat!!!!! grabe naman itong update mo otor...ng-uumpisa pa lng ung scene, tapos na agad...

update na agad-agad...

Lawfer said...

ADIK! :P

rascal said...

buti nman nalapagupdte na c kuya zeke.................

Anonymous said...

Muntanga lang ako eh..... Bigla akong napasigaw ng.... ANO YON!!??

Anonymous said...

nice one...halatang pilit...pero good enough...sana kahit busy ka sa mga maraming commitment mo makahanap ka pa rin ng time to update this story...nakakabitin kasi..alam mo yon...masakit sa ulo pag bitin ka...keep it up baby bear...

Unknown said...

Omg!!!! ang pinaka-love ko na character c atty!!!! jusko updat update din kayo sana idol pag may tym.. :p

Anonymous said...

after so many months of waiting at last ito na yun oh....grats keep it up and update na kagad...

_iamronald

Unknown said...

Next na pOh haixt im excited sa susunod na chapter

Anonymous said...

thrilling.... im holding my breath until the next chapter kaya sana maupdate na agad bago ako maubusan ng hininga :) TC

jhay

Richie said...

Sana po may update na... Nabasa ko po lahat ng kwento mo kuya zeke
from series 1 hanggang dito... Galing2 po ninyo...

Ryge Stan said...

wow sorry medyo busy kaya ngun lang ako nakapagcheck ng updated.

Nice to hear from you zild and I'm glad may continuation na ang story ni Maki at Jay hehehe.

Have a great day and keep it up.

Anonymous said...

nagmamakaawa ako sau Zildjian. Pudpod na z ng keyboard ko sa katitingin ng blog mo if may update please tapusin mo na. Parang drugs ang story mo nakakaadik kaya please rasyon naman dyan ng droga mo..

Anonymous said...

Sa wakas nadugtungan din... salamat sa update...


ano kaya ang dahilang iyon?? kakasabik ah


JR (love you MAki)

Anonymous said...

Continue na. hahaha. Now lng ako nag comment but I'm an avid fan of your stories. Keep it up. ^^,

-ThirdieWee

Unknown said...

Mr author update nmn n po.. ;)

Anonymous said...

shaks!i'm late to read this!!haha..pero ayos na naun...nkakaexcite ung sa last part!pero dq maisip kung ano ung ebidensyang un?hehe..

Infairness,i miss Dorwin!^^

Frostking said...

Akala ko talaga tumigil kna sa pag susulat. Buti nalang nag check ako ulit...

ONe thing na hindi talaga pedeng ma alis sayo ay ang pagkahilig mong mambitin... sana lang ma update mo agad ito.. :)

Anonymous said...

Ano ni? wala man gihapon update haw?
Dugay ah....

Anonymous said...

after 100 years pa ata ang nxt upda8 ni2.

Anonymous said...

Grabe ha.literal talaga..duh..

The great pretender

Post a Comment