Sunday, August 5, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 16



             Kamusta po sa lahat lahat? ^_^

             Ayan, una sa lahat ay gusto ko pong magpasalamat po sa inyong lahat sa pagsubaybay pa din sa istoryang ito kahit pa nalalate ako ng pagpopost. Taos puso ko po itong pinagpapasalamat.

             Pangalawa, ay gusto ko pong pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn,   _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer,  trutsofme, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

             Pangatlo po, sa may gusto pong mag add sakin sa facebook,  pwede nyo po ako i-add sa dizzy18ocho@yahoo.com - PAKIUSAP nga lang po na magiwan ng msg upon adding me po. Maraming salamat po.

              I-plug ko rin po ang aking blogsite. Sana po i-follow nyo. darkkenstories.blogspot.com
             
             Hindi ko na kayo bibitinin pa ito na po ang story!! Enjoy po!!!

             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED






“Ay sorry. Rizza. I’m Rizza. Andre’s girlfriend.”

Nabigla ako sa narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na may yelo. Teka, teka, teka. Ano daw? Girlfriend?

“Oh.”, tanging naisagot ko. Para namang naghihintay si Rizza sa isasagot ko.

“Ah. Sorry. Si Andre. Wait. Teka lang. Tatawagan ko, ha.”, biglang hugot ko sa cellphone ko at tawag kay Andre.

Agad naman sinagot ni Andre.

“Hello? Oh, asan ka na? Mis na kasi kita.”, malambing na bungad ni Andre.

“Oo, pare. May ginawa lang. Asan ka?”, sagot ko.

“Pare? Bakit pare tawag mo sakin?”, gulat na tanong ni Andre.

“Oo nga pare. Papasok na sana ako kaso may naghahanap sayo dito sa labas. Eh, nahihiya pumasok. Punta ka naman dito, oh.”

“Huh?! Ano ba nangyayari Ryan? Sinong naghahanap?”, taka nyang tanong.

“Ganun ba? Oh sige pare. Hintayin ka na lang namin dito sa labas, ha.”, malamig kong sagot kay Andre.

Tumingin naman ako kay Rizza. Maganda, mahaba at straight na buhok, mestisa, sosyal. Nakangiti ito sakin.

“Sorry, ha. Natawagan ko na. Palabas na daw.”, nablangko kong sagot.

“Pasensya ka na, ha.”, paghingi ng paumanhin ng dalaga. Nakita ko naman si Andre na palabas na ng resort.

“Ayun na pala sya, eh. Mauna na ko sayo, ha. May naghihintay din kasi sakin sa loob.”, pagpapaalam ko.

“Thank you Ryan, ha.”, pagngiti nito. Agad naman akong umalis.

Nagkasalubong kami ni Andre papasok ng resort. Agad naman tinawag nito ang pansin ko.

“Ryan, what’s wrong?”, alalang tanong nito.

“Oh, pare! Andun yung naghihintay sayo sa labas.”, casual na sagot ko sabay walk out.

“Ryan? Ryan?! Ryan!!”, paulit ulit na tawag nito sakin. Hindi ko na pinansin at nagmadaling pumasok at hinanap sila Karen. Naabutan ko naman ito na nakikipaglaro pa rin. Ngunit ng makita ako ay tumayo ito agad na pumunta sakin.

“Oh? San ka galing? Diba magkasama kayo ni Andre? Eh bat sya na lang bumalik?”, bungad nya.

“Ah, tumawag kasi si Mama.”, casual na sagot ko. Sabay bigay ng isang ngiti.

“Eh nasan si Andre? Hinihintay ka nya kanina dito, eh.”

“Sa labas.”

“Sa labas? Anong ginagawa nya don?”

Hindi ako sumagot. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Karen. Alam kong nakita nya na si Andre na pumasok.

“Ayun pala, eh. Teka, sino yung kasama nya?”, takang tanong ni Karen. Hindi naman ako sumagot.

“Huy!! Kinakausap kita?”

Tumingin ako kay Karen. At tinitigan sya sabay pakawala ng isang pilit na pilit na ngiti.

“Girlfriend.”

Halos bumagsak naman ang panga ni Karen sa gulat. Napahawak pa ito sa bibig nya. Naramdaman ko na lang na bigla nya kong niyakap. From that point, para namang naging blangko ang utak ko.

“Im okay…”, pagpepeke ko kay Karen.

“Ryan……”, alalang tugon ni Karen.

“Lets have some fun! Tara, inom tayo!”, paganyaya ko kay Karen. Naramdaman ko na lang na biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Agad naman ako hinila ni Karen palayo.

“Ryan… Kung gusto mo pagusapan to….”, alinlangang sabi ni Karen.

“No. Gusto ko magsaya ngayon.”, matigas na sagot ko. Kahit pa nararamdaman kong tumulo nanaman ang luha ko. Agad ko itong pinunasan.

“Ryan…”, sabay hawak nito sa kamay ko.

“There you are. Salamat pala ulit kanina, ha.”, biglang sulpot ng boses sa likod ko. Paglingon ko naman ay nakita ko si Rizza kasama si Andre.

“It’s okay. My pleasure.”, casual na sagot ko. Nakita ko naman na nakatingin sakin si Andre.

“Oh, pare? Bat ganyan ichura mo? Cmon, have a drink!”, sarkastiko kong sabi kay Andre. Sabay abot ng shot ng alak.

“Ryan…”, tanging sagot nito.

“Pare naman. Huwag mong sabihing tatanggihan mo ko?”, sarkastiko kong tanong muli kay Andre. Kinuha naman nito ang baso.

“Cheers! Para sa championship nyo! Ang galing nyong maglaro!! Napakagaling…! Napaka-GALING nyong maglaro!”, sinabi ko ng nakatingin kay Andre sabay inom ng alak. Binigyan diin ko ang salitang “laro”.

“Cheers!”, maligalig na sagot ni Rizza.

“Cheers…?”, plastic na sigaw ni Karen sabay hila sakin.

“Excuse lang, ha.”, dagdag nito bago kami tuluyang lumayo.

Naramdaman ko naman na muling babagsak ang mga luha ko kaya ako naman ang humila kay Karen. Hinila ko sya at tumalon kami sa swimming pool. Ayaw ko ipakita sa mga tao na iiyak ako kaya naman tumalon kami.

Pagkalubog na pagkalubog namin ay sumigaw ako sa ilalim ng tubig. Inilabas ko ang sama ng loob ko sa ilalim ng tubig. Para kahit sumigaw at umiyak man ako ay walang makakarinig at makakakita.

“Ryan…”, bungad ni Karen pagka ahon ko. Nakita naman nya na umiiyak pa din ako pagka-ahon. Kaya naman winisikan nya ako ng tubig. Gumanti ako. Para hindi kami mapansin ng mga tao at isiping naglalaro lang kami.

“Karen, last na to..! Last na!”, umiiyak kong sabi.

“Sige lang Ryan…”, pagwisik muli nito sakin.

Muli akong lumubog sa ilalim ng tubig at nagpakawala ng isang malakas na sigaw. Nilabas ko ang kahuli hulihang hangin na kayang ilabas ng dibdib ko. Para naman kahit papano ay maibsan at mailabas ko ang emosyon na pilit kong ikinukubli.

Umiiyak ako sa gitna ng pool ng bigla naman kaming narinig na bagsakan ng bote at nagsisigawan. Nagulat kami ni Karen. Ako naman ay parang biglang umurong lahat ng luha ko. Pilit na hinahanap kung saan nanggaling ang sigawan. Nagulat na lang kami ng makitang sa grupo nila Kulas na naglalaro pa rin ng spin the bottle. Agad kaming umahon at lumapit. Nagulat na lang kami ng maabutan na pinipigilan ng mga ka-team nila sila Kulas at Larc sa pagsusuntukan.

“Ang kapal naman ng mukha mo sabihin na wala akong kwentang tao!”, galit na galit na sabi ni Larc.

“Oh, bakit, hindi ba totoo? Captain ka nga, wala ka naman silbe?!”, pagsigaw ni Kulas.

“Walang silbi?! WOW!! Sino kaya ang walang naitulong sa loob ng ring? Sino kaya ang halos walang naipuntos?!”, sagot ni Larc.

“Huh! Ang kapal naman ng mukha mo. Kahit kelan talaga, hindi ka mapagkakatiwalaan!!”, sagot ni Kulas.

“Ah, kaya pala nanalo tayo ng championship dahil walang tiwala ang mga tao sa paligid ko!”, pangaasar ni Larc.

“Oh, sige! Sabihin natin na magaling ka maglaro! Ikaw na! Pero mapakakatiwalaan?! Ikaw?! Hindi na uy! I would never ever trust you with my life!!”, galit na tugon ni Kulas.

“Hah! Para namang ibubuwis ko ang buhay ko para sayo!”

“Malamang! Kasi hindi naman kaibigan talaga ang turing mo sakin, eh!”

“Buti alam mo! At teka, sige nga! Maghanap ka ng kahit isa dito na kaibigan ang tingin sayo! Kahit isa! Maghanap ka! Ano?! Walam diba? Kasi lahat, tingin sayo, pabigat, gago at tarantado! Kaya nga hindi ka din ggraduate ngayong taon, diba? Wala kasing ibang laman yang utak mo kundi kalokohan at kagaguhan!”, galit na tugon ni Larc. Medyo natahimik si Kulas at nagtingin tingin sa paligid. Lahat ngaman ng tumingin sakanya ay lumilihis ng tingin. Yung iba naman ay blangko lang ang tingin sakanya. Hanggang sa napunta ang tingin nya sakin.

“Huh! Hahahaha!! Nakakatawa ka! Makapagsabi ka ng salitang kaibigan! Ang linis mo!! Whooow! Bakit?! Ikaw?! Sarili mo ngang bestfriend, binenta’t tinabla mo, diba?! Bestfriend mo simula bata yan, ha! Nagawa mong tablahin! Ngayon, ikaw magsabi kung may isang tao ba dito na kaya mong pagbuwisan ng buhay mo! Kung sa sarili mo ngang bespren, di mo nagawa!”, pangungutya at galit na pagpuna ni Kulas kay Larc.

Nabigla ako sa pangyayari. Bakit pati ako, nadamay nanaman? Nagtitinginan nanaman tuloy ang iba sakin. Napatingin ako kay Larc. Nakatingin din ito sakin. Pag tingin ko naman kay Kulas ay nakatingin din ito sakin. Napansin ko din na nakatingin sakin si Andre. Taena!!

“Tama na yan! Para kayong mga bata! Ang alak sa tyan nilalagay! Hindi sa ulo!”, pag awat naman ng mga ka-team sa basketball nila Larc at Kulas. Nakita kong inakay ng mga kaibigan nila si Larc palayo. Si Kulas naman ay walang lumapit. Lahat ay nagsilayuan sakanya. Kaya ng marealize nya na walang lumapit sakanya ay nag walk-out ito at lumabas ng resort.

Hindi ko alam ang tamang dapat maramdaman para sa eksena at tagpong ito. Pero sa isang banda, naalala ko si Alex kay Kulas. Ganung ganun din kasi ang tingin kay Alex noon. Misunderstood. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero kinuha ko ang cellphone ko at lumabas ako ng resort at sinundan si Kulas. Nakita ko naman itong nakaupo sa di kalayuan kaya nilapitan ko ito at umupo sa tabi nito.

“Anong ginagawa mo dito?!”, galit na bungad ni Kulas.

“Hindi ko nga din alam, eh.”

“Ano, andito ka para pagtawanan ako?!”


“Pagtawanan? Hindi, ah. Kung alam mo lang.”

“Alam ko na Ryan! Gago ako! Oo na! Ngayon, kung wala kang sasabihin pa, umalis ka na!”

“Bakit ba nagagalit ka sakin? Wala naman akong ginagawa?”

“Sus! Alam ko naman na galit ka din sakin!”

“Galit? Bakit naman ako magagalit sayo?”

“Wag ka nga magkunwari dyan!!”

Mas lumapit ako ng upo kay Kulas at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

“Alam mo, may kaibigan ako. Katulad na katulad mo. Ganyang ganyan din sya noon.”, nakangiting sabi ko.

“Eh ano ngayon?!”

“Wala. Kasi, kahit di man kita lubusang kilala. May idea ako bakit ka nagkakaganyan. Huwag ka magalala. Hindi ako pumunta dito para awayin ka. Relax ka lang.”, kalmado kong sabi.

Tahimik lang si Kulas.

“Alam mo, bilib nga ako sayo, eh. Sa pagdadala mo sa sarili mo. Tapos talented ka pa.”

“Psssss. Magaling ngang magdala, wala namang matinong kaibigan. Ni wala ngang lumapit sakin kanina!”

“Ano ka ba. Mainit lang kasi kanina. Pero may mga kaibigan ka noh! Alam mo, yan din ang sinabi ng kaibigan ko noon. Na pakiramdam nya walang magseseryoso sakanya. Tingin lang sakanya, gago, maloko, ganun. Pero alam mo sabi ko?”

“Bat mo ba sinasabi to sakin?!”, galit na sabi ni Kulas.

“Basta, tanungin mo na lang ako ano sinabi ko sakanya.”, pagpipilit ko.

“Ano?!”, galit nyang tanong.

“Hindi naman pagtitiisan ng mga tao sa paligid nya ang mga biro nya kundi rin kaibigan ang turing nito sakanya. Ikaw, kahit sa tingin mo ganun ang tingin nila sayo, hindi mo sila iniwan, diba? Kahit pa sabihin natin na ang tanging paraan na alam mo lang para damayan ang mga katropa mo ay sa inuman o biruan. Andyan ka rin, diba? Pinapakita lang nun na kaibigan ka nila.”

Tumingin sakin si Kulas. Napabuntong hininga.

“Basketball lang kasi ang alam ko eh. Dun lang ako magaling. Alam naman nating lahat na mahina ang utak ko. Tulad nga ng sabi ni Larc kanina, puro kalokohan at kagaguhan lang laman ng utak ko.”

“Ikaw, naniniwala ka ba talaga doon?”, pagtanong ko.

“Hindi. Ayoko…”

“Alam mo Kulas, naniniwala kasi ako na lahat ng bagay na ginagawa natin, may rason kung bakit natin nagagawa. May mga tao lang talagang sadyang hindi magbibigay ng panahon para intindihin ang kung ano mang rason natin sa mga kilos natin.”

Naramdaman ko na bigla nanamng tumulo ang mga luha ko. Agad ko naman pinunasan at tumingin sa taas para pigilan ang luha ko.

“Alam mo Kulas, maswerte ka nga, eh. Halos lahat ng gustuhin mo, nakukuha mo. May mga bagay na hindi mo na dapat intindihin. Maswerte ka rin kasi may mga tao sa paligid mo na kahit ano pang tingin mo na tingin nila sayo, eh, nandyan pa rin para sayo. Na sa kabila ng ugaling meron ka, andyan pa din sila para sayo.”

“Ryan..”

“Oo. Kasi tama ka din kanina eh. Na nagawa akong tablahin ng sarili kong bestfriend. Sa mga nasabi mo nga kanina, natanong ko sa sarili ko, kung sarili kong bestfriend simula bata, nagawa akong tablahin. Meron at sino pa ang seseryoso talaga sakin? Nakita mo, mas maswerte ka pa rin sakin…”, pag ngiti ko sabay punas muli ng luha.

“Ryan.. tungkol dyan..”

“It’s okay. Ganun talaga eh. Kanya kanyang takbo ng buhay yan. Kaya wag mo iispin na hindi ka okay na tao. Dahil may mga tao pa na hinihiling na sana.. Na sana, katulad mo sila. Ako, sa totoo lang, naiinggit ako sayo. Kasi sa likod ng lahat ng nagawa mo, may mga taong tanggap ka kung sino ka.”

“Ryan… May aaminin ako…”, nahihiyang sabi ni Kulas.

“Ano?”

“Ako kasi ang nagsulsol kay Larc nung araw na yun. At ako din ang nagpakalat ng picture nyo ni Andre. At…”, pag amin ni Kulas.

“Alam ko.”, simpleng tugon ko.

“Alam mo…?”, gulat na tanong ni Kulas.

“Oo…. Andun kasi ako nung naguusap usap kayo nila Larc after ng training nyo. Hindi ko sinasadyang narinig ang mga paguusap nyo. Sasabay kasi sana ako kay Larc pauwi kasi masama pakiramdam ko. Eh pagdating ko sa gym. Sakto naman na naguusap usap kayo. At tsaka yung sa picture? Alam ko ding ikaw. Nakita ko kasi ikaw na andun nung magkahawak kamay kami ni Andre. Base kasi sa anggulo nung picture, ikaw lang ang pwedeng kumuha dahil nakita kong nakatayo ka doon. Eh ang katabi mo lang nun ay sila Andoy at Melai.”

“Shit, alam mo pala? Pero bat hindi ka nagalit sakin? Bakit hindi mo man lang pinaalam kahit kanino?”

“Para saan Kulas? Para mapahiya ka? Oh tapos? May maitutulong ba yun sa sitwasyon? Wala naman diba?”

“Pa-pasensya ka na. I’m sorry…”, nahihiyang sabi ni Kulas.

“Don’t be. Atleast nalaman ko, diba? Na kaya akong ipagpalit ng sarili kong bestfriend. Salamat na rin.”, naiiyak kong sabi.

“Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Ako na ang may kalokohan sayo, ikaw pa tong nagpapasalamat? At ikaw pa tong dumdamay sakin ngayon? Ibang klase ka pala talaga. Kaya naman pala gusto ka nilang kaibiganin.. at mahalin…”, nahihiyang sabi ni Kulas.

“Hindi noh. May sira lang din talaga ko sa utak.”, pagbibiro ko.

“Kaso… alam ko ding hindi na kayo okay ni Andre…”, nahihiya nanamang sabi ni Kulas. Nagulat naman ako sa sinabi nya.

“Hah?!”, gulat kong tugon.

“Oo… A-ako kasi nagimbita kay Rizza… Ang totoo kasi nyan.. Si Rizza kasi, ano….”, pero pinutol ko na ang sinabi nya.

“Ganun ba… Hayaan mo na yun. Mabuti na nga yun na inimbitahan mo sya. Para magising na rin ako. Magising na ko sa kalokohan na to. Na paniwalain ang sarili ko na bagay ako sa mundo nyo. Na pwede ako mag fit sa mundo nyo kahit papano. Pero narealize ko na hindi ee. Pinilipit ko lang pala.”

“Ryan… Hindi yan totoo…”

“Aling parte? Dalawang naging mahalagang tao sa buhay ko, asan ngayon? Bakit wala akong makatabi ngayon para dumamay? Sabi ko sayo eh. Maswerte ka pa rin sakin. Kasi kahit ayaw mo man, andito ko na dumadamay sayo. Eh ako?”

“Kaibigan mo naman sila Karen at sila Chelsea diba?”

“Oo naman. At malaking pinagpapasalamat ko yun. Pero alam naman nating pareha kung ano ang ibig kong sabihin, diba?”

“Ryan, sorry talaga. Hindi ko kasi alam na ganto pala ang kalalabasan ng mga ginawa ko. Hindi ko alam na may nasasaktan pala talaga sa mga kalokohan ko.”

“Huwag mo na isipin yun. Atleast ngayon, kahit papano, naliwanagan na kita, diba? Masaya na ko dun. Na kahit papano naibsan ko ang dala mo. Ok na rin yun!”, pag ngiti ko muli sabay punas nanaman ng luha.

“Tol, pasensya ka na talaga. Pero salamat din.”

“Sus! Wala yun! Tapos na. Nangyari na ang mga nangyari. Sana lang ngayon, mas kilalanin mo ang sarili mo. Youre more than you think you are. Naniniwala ako dun.”

“Salamat. Hindi ko akalain na sa lahat ng tao, ikaw pa magsasabi ng ganyan sakin. Bakit ang bait mo?”

“Hindi ko nga din alam, eh! Kung magloko na lang kaya ako tulad mo? Mukhang mas masaya, eh!”, pagbibiro ko.

“Nako, wag na. Tama na ang isang tarantado!”, pagbibiro din nya.

“Mabuti naman at nakapagbiro ka na din. Ibig sabihin, medyo ok ka na.”

“Ah..eh, salamat ha. Pero ikaw? Paano ka? Alam ko namang di ka ok dahil sa mga nagawa ko.”

“Sanayan lang yan.”, simpleng tugon ko.

“Pasensya na talaga…”

“Huwag mo na isipin yun! At isipin mo na wala akong galit sayo ha. Dahil wala talaga.”

“Ryan...”

“Ok lang. Pano, una na ko ha.. Di ko na rin kasi kaya pa magstay dito.”

“Saan ka pupunta?”

“Uuwi na siguro. Wala na ding sense kung magstay pa ko. Di naman ako suicidal noh!”, pagbibiro ko.

“Ryan…”

“Ok lang. Pasok ka na rin don.”, huling sinabi ko sabay talikod at lakad palayo.

Mabigat na mabigat na ang pakiramdam ko. Akala ko kasi okay na ang lahat. Una, si Larc, ang pagtira naman sa iisang bubong. Pangalawa, si Andre. Akala ko okay na ulit ako dahil may taong nagpaparamdam na ispesyal ako. Pero asan sila pareho ngayon? Ayun! Yung isa, sinamantala ako, yung isa naman gusto pa kong gawing kabit.

Papasok na sana ako ng resort ng magdalawang isip ako. Ayaw ko munang pumasok. Kung maari nga, ayaw ko ng bumalik. Gusto ko ng umuwi. Hindi kaila Karen kundi sa amin sa probinsya. Mabuti pa noon sa probinsya, simple lang ang buhay. Hindi gantong komplikado. Paano kaya kung hindi ako umalis? Siguro, hindi ako nasasaktan ng ganito… Siguro, hindi ganto kakumplikado ang sitwasyon ko.. Ang dami kong siguro na walang kasagutan.

Naglakad ako palayo ng resort. Nakakita ako ng mga batuhan kaya naupo ako doon. Gusto ko muna mapagisa.

Maganda ang lugar na naupuan ko. Puro damuhan. Palibhasa, private resort kaya naman wala itong katabi pang ibang malapit na kahit ano. Puro damuhan lang at magandang tanawin.

Bigla namang nagring ang fon ko. Si Andre. Tiningnan ko lang ang cellphone ko. Hindi ko sinagot ang tawag.

Beep. Beep.

“Ryan, Let me explain.”

Hindi ako nagreply.

Beep. Beep.

“Please naman. Kausapin mo ko.”

Dedma. Nagring muli ang cellphone ko. Si Andre nanaman. Dedma.

Nilapag ko ang cellphone ko sa tabi ko at nahiga ako sa isang malaking bato. Maganda pa rin ang kalangitan, pero somehow, parang hindi na ito kasing ganda ng tingnan ko kanina. Bigla akong nakaramdam ng pagod. Hindi lang sa pisikal. Pero pati emosyonal.

Nagvibrate nanaman ang fon ko. Tiningnan ko muli, si Andre. Dedma.

Habang nakahiga ako ay napa isip ako kung ano na ang dapat kong gawin. Unang una palang, sinabi ko na sa inyo na ayaw ko ng kumplikadong buhay. Gusto ko lang ng simple. Pero ano bang nangyayari ngayon. This is way too far sa salitang simple.

Nagvibrate muli ang fon ko. Naiinis na ko. Nagmomoment kasi ako, umeeksena naman ang telepono ko. Papatayin ko na sana ng makita ang text mula kay Karen.

Beep. Beep.

“Ryan, wer r u? Nagaalala ako.”

Beep. Beep.

“Dito lang sa tabi tabi. Gusto ko lang muna mapag-isa.”

Beep. Beep.

“Safe ka ba dyan? Sino kasama mo?”

Beep. Beep.

“Aq lan. Ok lan aq dto. Txt u l8r.”

Beep. Beep.

“Ok. Ingat. D2 lan ako, ok?”

Beep. Beep.

“I know. Salamat.”

Nakakapagod pala. Pero kung tutuusin, kasalanan ko din naman. Yung kay Larc, ako din kasi ang nagkunwari, nagpanggap. Ako tuloy itong nahihirapan. Kay Ryan, hindi ko man lang kinilala muna talaga. Masyado akong nagpadala sa atensyon na ibinibigay nya sa akin.

Gusto ko muling umiyak. Pero dadating ka pala sap unto na kahit sa pagiyak, pagod ka na rin. Yung tipong kusang ang katawan mo na ang sumuko sa pagiyak. Tipong napapahikab ka na dahil sa pagpilit mo na maglabas ng luha dahil gusto mo umiyak para maglabas ng mga emosyon na naiipon na sa kaloob looban mo..

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ng makarinig ako ng kaluskos at mga yapak. Agad akong napa upo at nakita kung kanino nanggagaling ang mga yapak na yun.

Napabuntong hininga ako…

“Ikaw…”



May special favor po ako sa inyong lahat. Hehehehe. Dito ko talaga nilagay sa last noh? Hahahaha!! Pa-like naman po ng page ng MNB: Ryan sa facebook. Sige na naman po. Hehehe.. Please?
Thanks po!!!



29 comments:

--makki-- said...

Larc, Andrei and now.... KULAS! waaaaaah! Go LARC! GO LARC! :))

renxz said...

wow ang ganda nang story.sino kaya yon "ikaw" butin na naman heheeh.

Tommy said...

bakit ganun si ryan? haist. sobrang bait nia, kahit sa mga nakasakit sakanya, my gana pa syang kausapin at magpasalamat, nakakaiyak ton si ryan. sana may bestfriend akong ganyan. =|. next chapter please :3

Jm_virgin2009 said...

hahahahahaha... c larc ba yun? cno kaya un? hmmmmpt!


ang sakit nman un... kala ko c andrei na. nd pala...


huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu... iyak momonet na nman e2!

Anonymous said...

next na ken..please..please..i think it's larc..

-J

bon-bon said...

ay naku , MASOCHIST din itong si ryan noh ?! bait2 naman kc . tsk2

as always , bitin na naman sa ENDING :(

sana mas maaga ang update :) hehe

- na like ko na po :P THUMBS UP

Anonymous said...

kay andrei pa rin ako..author sana si andrei na lang yung dumating..please..........RGEE

Anonymous said...

thanks author for the update...you really make me crave for update evryday...RGEE

Anonymous said...

I cant wait sa sususnod na chapter.. Si ryan na ang dakilang martyr...

Anonymous said...

don't tell me pati si kulas eeksena na sa lovelife ni Ryan??? saya naman.....


queckenstedt

Anonymous said...

patayin si larc... sunugin ng buhay bwahahahahha

Unknown said...

hahahaha.. sa dame ng problema ni ryan feeling ko papakamatay na sya sa huli nyan eh... heheh pero.. kulas... LARC pa din ako..

Anonymous said...

parang nakakainis na si ryan sa pagiging mabait niya..i mean di ba kahit naman ang tao na sobrang bait ay nagagalit din..at mas worse pa silang magalit kasi masyado nila nakimkim yung galit na yun...para kasing santo na si ryan sa pagiging mabait,, parang lahat na lang ok sa kanya....hmmmm

-iamronald

Lawfer said...

nu b yn, sobrang bait ni ryan
sa sobrang bait sarap na batukan -_-

Anonymous said...

Feeling ko either kulas or larc un... Hehehe next n please!!!! -curious19

foxriver said...

hay Ryan, Ryan parang di k na tao, that's way too much to endure. I always love the 'ikaw' in the ending, it spawns numerous thoughts and excitements, thats ur trademark.nice.

foxriver said...

hay Ryan, Ryan parang di k na tao, that's way too much to endure. I always love the 'ikaw' in the ending, it spawns numerous thoughts and excitements, thats ur trademark.nice.

Anonymous said...

Sana si kulas! Wait gwapo ba si kulas? hehehe

slushe.love said...

Hindi kaya ma inLOVe itong si Kulas kay Ryan. :) Can't wait. hihi

12334 said...

Salamat sa update!!

JayAr said...

wah...dumadami n ang mahuhumaling kay Ryan! ambhait nmn kase! nyahahahaha...khulet!

russ said...

heheh grabe ka ken..kung maka pang bitin..lage na lang IKAW? ABANGAN!!!!! HEHEHE ganda talaga..

Ryge Stan said...

wow nice chapter. After ni Andre ky Kulas naman. hehehe. Napansin ko lang baket sobra baet nitong si Ryan. Kung ako nasa kalagayan nya baka napatay ko na yang si Kulas.

Can't wait for the next chapter. have a great day and keep on writing.

Paopi Lopez said...

speechless. pero ang sad ng chapter na toh :( masyado nang unfair yung series of events para kay Ryan. haaaayyy.. Sana next chapter na. Malungkot pero maraming lesson.

Anonymous said...

Kahit Simpleng Buhay mahirap din makamit.

Anonymous said...

bakit ang galing ng author nito???

Anonymous said...

KAWAWA NMAN SI RYAN!
cala ko tlgang sasaya na sya keii ANDRE!
may katulad nya pba ngyaun!
ung tipong halos siraen kna sa buong school mabaet padin!
DEADMA lang if apihen sya!

GRABEH NG PAGMAMALUPIT ANG TINATAMASA MO RYAN!
uwi kana ng province uwiiiiii!
arrot :)
ganda tlga ng story :P

<--- demure

Anonymous said...

Si kulas un sigurado XD

erick vladd said...

nakakabitin nmn ito.. kawawang ryan.

si kulas nmn kasi nagimbita pa ng FAKE(feel ko lang)..

panira ng moment..

Post a Comment