Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:
Medyo nahuli ako ng ilang araw sa posting nito mga paps. ‘Di
bale, mahaba naman ito at talagang inbubos nito ang laman ng utak ko kaya sana
magustohan niyo. Isa na naman ito sa mga
cross over ko sa iba kong likha kaya enjoy sa reunion na mangyayari. Bwahaha Ngayon, malalaman niyo na kung bakit espesyal ang k'wentong ito at kung bakit ito ang anniversary tribute ko. ^_^
Jiru – Ayos lang
naman ako. Welcome back. :D
Jes Sy – Yow!
Mukhang ngayon ko lang ‘ata napansin ang pangalan mo. Hihihi
Sa ibang nag-comment, maraming salamat. `Di ko muna kayo
iisa-isahin ngayon at nakahanda na akong mag-snorlaxmode. Hahaha Enjoy reading
na lang mga paps and keep the comments coming! Have a great day ahead!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“So
what’s your plan? Pupunta ka ba o hindi? Huwag mong sabihin na bibiguin mo ang
Ate mo? Kilala mo ‘yon, mas sira ang ulo niyon kesa sa atin.”
“Sinabi mo pa! Pero `yon ang mga tipo kong babae. Bukod sa pagiging astig ay napakaganda pa.
Sayang lang at hindi niya nahintay na maka-graduate tayo. Liligawan ko sana
siya.”
“Huwag ka nang mangarap Zandro at ‘di ka papatulan niyon.”
Buska niya sa kaibigan.
“Sa g’wapo kong `to? I doubt it.” May pagyayabang naman
nitong tugon sa kanya saka nito binalingan ang isa pa nilang kaibigan. “Miles
pare, kung ayaw niyang umuwi huwag natin siyang pilitin. Huwag lamang siyang
lalapit sa atin at magpapatulong kapag ibinitin siya patiwarik ng Ate niya. Wala
akong balak mapasama sa malaking disgrasya.”
Napangiwi siya sa sinabi nito. Tulad niya ay kilala rin ng
mga ito ang kalibre ng kanyang kapatid at kung hanggang saan ang sayad nito.
“Ako man ayaw ko ring masali d’yan. Nakakatakot pa naman
`yon kapag nagbi-beast mode. At siguradong hindi `yon mangingiming ibaon ka ng buhay
Ands, ikaw na mismo ang nagsabi, hindi ka niya binibigyan ng karapatang
tumanggi ngayon.” Pagsang-ayon naman ni Miles.
“Huwag niyo nga akong takutin lalo!” Ang naasar naman niyang
sita sa dalawa. “Tulungan niyo na lang akong gumawa ng alibi. Wala pa talaga
akong balak na umuwi at magpakita sa kanila.”
“So, kaya mo kami pina-summon dito para tulungan kang
makalusot na naman?” Naibubulalas ng kaibigan niyang si Zandro.
“Medyo.” Nakangiwi niyang tugon na nilakipan pa niya ng
pagkamot ng kanyang batok.
Ayaw man niyang aminin pero iyon ang totoo. Matapos niyang
makausap kahapon ang Ate niya ay hindi na siya natahimik kaya naman pinapunta
niya ang mga kaibigan sa bar para humingi ng tulong sa mga ito. His sister
wanted him to go home para dumalo sa birthday party ng kanyang pamangkin.
Sinubukan niyang gumawa ng palusot tulad ng lagi niyang ginagawa tuwing
pauuwiin siya nito subalit hindi ito pumayag at pinagbantaan pa siyang
susugurin kapag hindi siya nagpakita sa kaarawan ng kanyang pamangkin sa Biyernes.
Syempre gusto niyang um-attend. Matagal na niyang hindi
nakikita ang kanyang baliw pero napaka-supportive na kapatid, isama mo pa ang
kanyang nag-iisang pamangkin na huli niyang nakita ay noong bininyagan ito
magdadawalang taon na ang nakakaraan. Pero kahit anong gusto niyang pumunta,
hindi naman niya maiwasang magdalawang-isip sa kaalamang muling magku-krus ang
landas nila ng kanyang mga magulang.
Natatakot siya, nag-aalinlangan. Hindi niya kasi alam kung
handa na ba niyang harapin ang mga ito at muling makita sa mga mata ng mga
magulang niya ang pakadisgusto at pandidiri ng mga ito sa kanya. Ayaw niya ulit
masaktan, ayaw niyang muling maramdaman ang naramdaman niya noon dahilan para
mapilitan siyang manirahan at mamuhay mag-isa.
“Pass ako diyan. Si pareng Miles na lang.” Wika ng kaibigan
niyang si Zandro. “Takot talaga ako sa kapatid mo.”
“Wala ka talagang k’wentang kaibigan.” Ang tila may
pagtatampo naman niyang balik dito.
“Kung ako ang masusunod Andy, I suggest na dumalo ka.
Pangalawang birthday na ngayon ng pamangkin mo and it has been two years. Hindi
ka pa ba napapagod tumakbo?” Ang seryoso namang wika ng kaibigan niyang si
Miles.
Sa mga kaibigan niya, si Miles ang pinakamagulo kung
mag-isip pero kapag ganitong nagiging seryoso ito ay isa lamang ang dahilan
niyon; ang ikabubuti nilang magkakaibigan.
“I’m sure you’ve already realized it now. You won’t
accomplish anything by just running away from your problem. Tulad ng ginawa mo
kay Jasper, harapin mo na rin sila. Kung hanggang ngayon ay hindi ka pa rin
nila kayang tanggapin, bumalik ka lang dito at kami ulit ang bahala sa ’yo.”
Pagpapatuloy pa nito.
“Tama! Di ka namin iiwan sa ere.” Tatango-tango namang wika
ni Zandro.
Hindi siya agad nakapagsalita. Umabot sa kanyang puso ang
mga huling salitang binitawan ng kaibigan niya. Noon pa man ay alam na niyang
masuwerte siya sa kanyang mga kaibigan at ngayon, lalo lamang niya iyong
napatunayan sa kanyang sarili. Oo nga’t magugulo ang mga ito ngunit sa kabila
ng lahat, hindi siya iniwan ng mga ito sa ere. Tinanggap ng mga ito ang kanyang
tunay na pagkatao ng walang pag-aalinlangan.
Isang buntong-hininga
ang kanyang pinakawalan.
“Sige, pag-iisipan ko.”
“Good!” Magkasabay namang turan ng dalawa.
“’Asan nga pala ang tatlong unggoy?” Naitanong niya patukoy
sa iba pa nilang kaibigan.
“Si Keith may family dinner daw kuno. Si Marx, malay ko sa
isang iyon. Siguro kaulayaw ang kanyang pinakamamahal na hotdog pillow. At si
Casper the unwanted sperm, missing-in-action.” Tugon naman sa kanya ni Zandro.
“Missing-in-action?”
“Missing-in-action.” Pag-uulit naman ni Miles, at alam na
niyang wala na siyang makukuhang matinong sagot patungkol sa kanyang tanong.
“Siya, ano ang mga order niyo?” Naitanong na lamang niya sa mga
ito. Naiintindihan naman niya kung bakit ayaw ng mga itong bigyan siya ng
masyadong impormasyon patungkol sa isa pa nilang kaibigan.
“Gatas sa akin.”
“Ako kape.”
Napailing na lamang siya na nagsimulang gumawa ng inumin
para sa mga ito.
Habang lumalalim ang gabi ay nadaragtagan ang costumer sa
bar na pinagta-trabahuan ni Andy na ikinatutuwa naman ng isa niyang kaibigang
si Zandro. Likas kasi ang pagiging babaero nito kung baga, ito ang dakilang
player sa kanilang barkadahan.
“Tingnan mo ang gagong ‘yon, ibang babae na naman ang
kausap.” Naibulalas niya habang pinagmamasdan ang kaibigang abala na sa
pakikipag-flirt sa isang babae.
“Hindi ka na nasanay kay Zandro. Hindi papayag ‘yan ngayon
na umuwing luhaan.” Ang ngingisi-ngisi namang tugon sa kanya ni Miles.
“Sabagay, pareho nga pala kayong hayok sa babae.”
“Kesa naman sa lalaki kami maging hayok ‘di ba?” Ganting
pang-aasar naman nito sa kanya.
Minabuti na lamang niyang tumahimik. Wala siyang panalo
ngayon dito sapagkat ginugulo pa rin ang kanyang isipan ng kung ano ba talaga
ang gagawin sa imbitasyon ng kanyang kapatid.
Aaminin niyang may punto ang sinabi ng kanyang kaibigan at
tinamaan siya ng husto sa mga sinabi nito. Subalit, hindi pa rin mawala-wala sa
kanya ang takot at pag-aalinlangan. Natatakot siyang masaktan pero naroon naman
ang pagkagusto niyang muling makita ang kapatid at pamangkin niya.
“Uy, mukhang magiging masaya ang gabi ngayon, ah.” Ang wika
ni Miles na nagpabalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip.
Napatingin siya rito at nakitang nakaupo na ito patalikod sa
kanya habang ang tingin ay nasa entrance ng kanilang bar. Dala ng kyuryosidad
ay napatingin din siya sa gawi kung saan
ito nakatingin, at laking gulat niya nang makita ang papasok na costumer sa mga
oras na iyon.
“Nhad?” Naibulalas niya.
Umikot parahap sa kanya ang kaibigan saka siya binigyan ng
nakakalokong ngisi.
“This is going to be the most interesting night in my life.”
Miles said while grinning at him.
Agad na gumuhit sa mukha ng bagong dating ang ngiti nang
magtama ang kanilang paningin. At nang maglakad na ito papalapit sa kanya, ay bigla na naman ang pagrigodon ng
kanyang puso. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito ngayon. Hindi kasi ito
nagpakita sa nakagawian nitong oras ng pagbisita sa apartment niya, kaya
inakala niyang busy ito.
“Hi.” Bati nito sa kanya nang makalapit ito na hindi
napapalis ang ngiti sa mukha.
“H-Hi.” Ang nauutal naman niyang balik dito. “Nahuli ka yata
ng dating.”
“Oo nga, eh. Kinulit kasi ako ng mama ko sa skype. Siyanga
pala pasensiya ka na kung ‘di kita napuntahan kanina, may ipinaasikaso kasi sa
akin ang Lola ko eh. Balak ko pa naman sanang ipagluto ka ulit ng pagkain.”
Kita niya sa sulok ng kanyang mata kung papaano napataas ang
kilay ng kanyang magiting na kaibigan na lalong nagpabalisa sa kanya. Kilala
niya ito, at nasisiguro niyang kung anu-ano na ngayon ang tumatakbo sa isipan
nito.
“Mukhang may masayang
nangyayari dito pareng Miles, ah.” Ang pagsingit naman ng isa pa niyang kaibigan
na si Zandro.
“Napansin mo rin pala.” Nakangisi namang balik ni Miles
rito.
Ibinalik niya ang kanyang pansin kay Nhad na sa mga oras na
iyon ay sa dalawang kaibigan na niya nakatingin.
“Mga kaibigan ko nga pala Nhad.” Pagkuha niya ng pansin nito.
“Sila rin ‘yong tumulong sa aking madala sa talyer ang sasakyan mo.”
“Sila ba?” Ang kaswal naman nitong wika na sa mga kaibigan
niya pa rin nakatingin. “Salamat sa tulong mga pare.”
“Kami nga.” Si Zandro. “Wala iyon, talagang matulungin
kaming tao, lalo na kapag iyong taong nangangailangan ay lihim na pinag ––”
“Zandro!” Ang maagap nyang pagputol sa iba pa sanang
sasabihin nito saka ito binigyan ng nagbabantang tingin.
Nginisihan naman siya nito saka binalingan ang halatang
nalilito nang si Nhad.
“Kunyari wala na lang akong sinabi, ‘tol.” WIka nito, sabay
lahad ng kamay. “Zandro nga pala.”
“Nhad.” Kaswal naman nitong tugon na tinanggap ang
pakikipagkamay ng kanyang kaibigan.
“Miles pare.” Sunod namang pagpapakilala ni Miles dito.
“Paano ko ba kayo mapapasalamatan sa nagawa niyong tulong sa
akin?”
“Hindi na kailangan. Wala iyon.” Nakangiti namang tugon ni
Miles pero alam niya kung ano ang meron sa likod ng mga ngiting iyon. “So,
tumatambay ka na pala ngayon sa apartment ni Andy. Kami rin tumatambay doon
paminsan-minsan.
Sinasabi ko na nga ba!
Naibulalas niya sa kanyang isipan dahil batid niyang kumakalap lamang ng
impormasyon ang kanyang kaibigan.
“Oo, sa katunayan kahapon naroon ako halos buong araw.” Ang
walang ideya naman nitong tugon sa ginagawang pagkalap ng impormasyon ng
kanyang magaling na kaibigan.
Kita niya kung papaano mapatango-tango ang dalawa na may mga
ngiti sa mga labi.
Binalingan siya ni Nhad.
“Igawa mo naman kami ng inumin nitong mga kaibigan mo para
naman mapasalamatan ko sila kahit papaano.”
“Naku pare hindi na, salamat na lang. Paalis na kasi kami,
alam mo namang may trahabo pa bukas.” Maagap na pagpigil naman dito ni Miles.
“Tama. Tama paalis na nga kami.” Pagsang-ayon naman ni
Zandro.
Nagtaka siya sa biglaang desisyon ng mga itong umuwi.
Subalit hindi nagtagal iyon nang muling magsalita si Miles.
“Pare, di ba gusto mong makabawi sa amin? Ayos ng pambawi
kung maihahatid mo ang kaibigan namin pauwi. Alam mo namang delikado ang
panahon ngayon. Lalo pa’t dayo lang siya rito.”
Mga gagong ‘to! Ibugaw
daw ba ako.
“Kaya nga, eh.” Tugon naman nito dito. “Sige, ako na ang
bahalang maghatid sa kanya.”
“Nice.” Ang naibulalas naman ni Miles na may maluwag ng
ngiti na nakaguhit sa mukha saka siya nito binalingan. “Ands, paano una na
kami. Galingan mo ang pagsakay sa kanya mamaya, ah. Kumapit kang mabuti.”
Ngali-ngali niyang batuhin ito ng shot glass sapagkat batid
niyang may ibang ibig sabihin ang mga huling salitang binitawan nito. Sa halip,
isang alanganing ngiti na lang ang itinugon niya sa dalawa at isang tango.
Nang tuluyang makaalis ang mga ito ay muli niyang binalingan
si Nhad na sa mga oras na iyon ay ngingiti-ngiti na sa kanya.
“Pagpasensiyahan mo na ang dalawang iyon. Makukulit lang
talaga sila.” Ang wika niya nang tuluyan ng makaalis sina Miles at Zandro.
“Ayos lang. May pinagmanahan ka pala sa kakulitan.”
< hr
color="pink" align="center" width="30%">
Kasalukuyan nilang binabaybay ang daan papunta sa kanyang
tinutuluyan. Tulad nga ng ipinangako ni Nhad sa kanyang mga kaibigan ay
ipinilit nito na hintayin siyang umuwi para maihatid kahit anong tanggi pa niya
rito.
“Problem?” Kapagkuwan ay basag nito sa namayaning
katahimikan sa kanila sa loob ng sasakyan nito.
“Wala naman.” Kaswal naman niyang tugon rito.
Kanina ay sobra siyang nawili sa presensiya nito at sa
kanilang pagkukwentuhan kaya naman nakalimutan niya pansamantala ang kanyang
mga iniisip. Subalit ngayong kumportable na siyang nakaupo sa may passenger
seat nito ay hayon at muli na namang sumagi sa kanyang isipan ang imbitasyon ng
kanyang kapatid.
“Umidlip ka na lang muna kaya. Mukhang inaantok ka na, eh.”
Napatingin siya rito. Naisip niyang hingin ang opinyon nito
tutal, nagkakasundo na sila at naikuwento na rin niya rito ang problema niya sa
kanyang mga magulang.
“Tumawag ang ate ko sa akin kahapon noong makaalis ka.”
Pagsisimula niya.
“Oh? Ano’ng sabi?”
“Gusto niya akong umuwi para dumalo sa kaarawan ng pamangkin
ko.”
“Aalis ka pala.” Hindi siya sigurado kung tama ba ang
nabakasan niyang panghihinayang sa boses nito.
“Ang totoo, hindi pa ako nakakapagdesisyon. Gusto kong
pumunta pero natatakot ako na baka hindi magustuhan ng mga magulang ko ang
makita akong muli.”
“Bakit ka naman matatakot na muling harapin sila? Dahil ba
natatakot kang masaktan ulit kapag nakita mong hindi ka pa rin nila tanggap
hanggang ngayon?”
“Oo.” Pag-amin niya. “Baka kasi di ko kayanin.”
“That much I doubt. You have a strong personality. Nagawa mo
ngang tumayo mag-isa ng halos dalawang taon ‘di ba?”
May punto ito. Ano pa nga ba ang ikinatatakot niya? Matagal
na naman niyang alam na wala ng amor ang mga magulang niya sa kanya. Hindi lang
niya iyon lubusang matanggap, kaya naman pilit niyang iniiwasan ang mga ito.
Muli niyang tinimbang sa kanyang sarili ang lahat. Ang
pagkagusto niyang makita ang kapatid at ang takot na harapin ulit ang kanyang
mga magulang. Tinantiya niyang mabuti kung ano ang mas nangingibabaw doon, then
a realization hit him. Mas nangingibabaw ang pagkagusto niyang muling makita
ang kapatid at pamangkin.
Bahala na.
Naibulalas niya sa kanyang isipan na nilakipan pa niya ng isang malalim na
buntong-hininga.
“Siguro nga tama ka. Thanks Nhad.” Kapagkuwan ay wika niya rito.
Bumaling ito sa kanya ng may ngiti.
“Walang anuman. So, kailan ang alis mo?”
“Sa Biyernes.”
“Magtatagal ka ba roon?” Kaswal nitong tanong na talaga
namang nagpangiti sa kanya ng todo. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na
ganito na sila ngayon kalapit sa isa’t isa.
“Ano’ng nginingiti-ngiti mo riyan?” Sita nito sa kanya.
“Wala naman. Bakit masama na bang ngumiti ngayon?” Balik
pagtatanong naman niya rito.
“Masama kung walang dahilan. So, magtatagal ka ba?”
“Bakit, mami-miss mo ba ako?” Ang nagbibiro niyang pagtatanong
dito.
“Medyo.” Diretsong tugon naman nito.
Hindi niya inaasahan ang naging sagot nito. Ang akala niya
kasi ay gaganti ito ng hirit sa kanya na siyang kanyang nakasanayan dito sa
halos maikling panahon nilang pagiging malapit sa isa’t isa.
“Baka sa Linggo.” Sa halip ay tugon niya. Ayaw niyang bigyan
ng ibang kahulugan ang sinasabi nito para hindi siya umasa at mangarap ng kung
anu-ano. Mahirap na, baka ma-disappoint lamang siya sa huli.
“Kung gano’n tatlong araw ka palang mawawala.” At hayon na naman sa boses nito ang
panghihinayang na kanina lang ay nabakasan niya rito.
Matapos ang gabi kung saan inihatid siya ni Nhad sa kanyang
apartment ay lalo lamang silang naging panatag sa isa’t isa. Napakalaki ng
naitulong nito sa kanya para tuluyang mapagdesisyunan ang isang bagay na
matagal na niyang ayaw gawin kahit na paminsan-minsan ay nagugulo nito ang
kanyang isipan sa tuwing babanatan siya nito ng mga kung anu-anong banat na
hindi niya napaghahandaan.
Marami siyang napagtanto habang napapalapit sila nito, at
isa na roon ang katotohanang hindi ito mahirap mahalin. At dahil hindi naman
siya bato ay aaminin niyang minsan ay nadadala na rin siya sa mga paglalambing
at mga hirit nito. Subalit agad niyang isinisiksik sa kanyang kokote na wala
iyong ibang ibig sabihin dahil ayaw niya ulit paasahin ang sarili sa wala tulad
noon.
Hindi rin nakatakas sa iba pa niyang kaibigang magagaling
ang mga nakalap na impormasyon ng isa sa mga ito patungkol sa pagbibisita at
pagluluto sa kanya ni Nhad ng pagkain. Inulan siya ng tukso sa mga ito maliban
na lamang kay Jasper na sa mga nagdaang araw ay hindi nagpaparamdam sa kanila
kahit sa kanya.
Sobrang saya. Iyon ang naramdaman niya sa mga nagdaang araw
at iyon ay dahil sa isang taong hindi na siya tinantanan pa, si Nhad. Wala
itong mintis na pumupunta sa apartment niya bago magtanghalian para ipagluto
siya at makitambay na rin, dahilan para lalo silang mapalapit sa isa’t isa.
Subalit ngayon, may kaunti siyang lungkot na nararamdaman. Ngayon kasi ang araw
ng kanyang pag-alis, at ang katotohanang hindi sila magkikita ng halos mahigit
tatlong araw ng kanyang bagong kaibigan, ay nagpapabigat sa kanyang damdamin.
“Bakit, mami-miss mo
ako?” Ang biglang pagpasok sa kanyang isipan sa pabirong tanong niya rito kamakailan.
Wala sa sarili siyang napangiti at napailing.
Mukhang ako yata ang
makaka-miss sa ‘yo.
Nakuha ang kanyang pansin ng biglaang mag-ring ang kanyang
cellphone. Agad naman niya iyong inabot na nasa ibabaw ng kanyang kama.
“Oh bakit?” Ang pagkayamot niyang bungad sa taong tumawag.
“Heto na nga’t naghahanda na ako. Hinaan mo nga ang boses
mo’t ang sakit sa tenga. Oo, darating ako ngayon diyan kaya p’wede mo na akong
tantanan ate, kagabi mo pa ako kinukulit.”
Inilayo niya sa kanyang tenga ang telepono at napangiwi.
“Gees! ‘Di ka na talaga nagbago, parang machine-gun pa rin
ang bibig mo. Sinabi ko na naman ‘di ba? Darating ako, at hindi ako nagbibiro o
nagpapalusot. Sige na, mamaya ka na lang maglitanya kapag kaharap mo na ako’t
baka mahuli pa ako sa bus.” Saka agad niya itong binabaan ng linya bago pa siya
mabingi sa kasisigaw nito.
Napapailing na lamang niyang isinara ang zipper ng kanyang
bag na may lamang mga damit para sa tatlong araw niyang lakad.
Wala na talagang
atrasan ito. Ang kanyang naiwika sa sarili.
Bago tuluyang lumabas ay sinigurado muna niyang wala siyang
naiwang naka-plug na gamit. Nang masigurong ayos na ay saka niya tinungo ang
pintuan ng kanyang apartment subalit laking gulat niya nang pagkabukas niya
nito ay bumulaga sa kanya ang naka-shades at nakangiting si Nhad.
“Buti ‘di ako nahuli ng dating.” Bungad nito sa kanya.
“N-Nhad? Anong ginagawa mo rito?”
“’Di pa ba obvious? Sasamahan kita sa pupuntahan mo.” Ang
nakangiti naman nitong tugon sa kanya.
“H-Hah?” Parang tanga niyang naibulalas dala ng pagkabigla
at pagkalito.
“I know hesitant ka pa talaga sa pag-uwi mong ito, kaya
naisipan kong samahan na lang kita para may moral support ka. Ayos lang naman
siguro iyon sa ate mo ‘di ba?”
“Pero tatlong araw ako roon. Paano ang lola mo?”
“She wanted me to enjoy my leave. Mahal ako ng Lola ko kaya
suportado niya itong pagsama ko sa ’yo.”
“Pero ––”
“Please `wag ka nang tumanggi pa.” Pagputol nito sa iba pa
niyang sasabihin. “I promise to behave and cooperate at kung hindi talaga ako
welcome doon ay nariyan naman ang sasakyan ko na p’wede kong matulugan. Gusto
ko lang talagang sumama dahil ayaw kong malungkot ulit sa tatlong araw na wala
ka. Ayaw kitang ma-miss, eh.”
Ito ang klase ng mga hirit nito na palaging gumugulo sa
kanyang damdamin. Dahil sa tuwing ganitong mga salita ang pinapakawalan nito sa
kanya ay hindi niya mapigilan ang sariling makadama ng kiliti.
“Ang adik mo.” Naibulalas na lamang niya kapagkuwan. Hindi
niya talaga kayang matanggihan ito, o mas tamang sabihin na hindi niya
matanggihan ang sarili dahil siya man, gusto na niya ang lagi itong nakikita.
Lalo na ang mga ngiti nitong mukhang nakaadikan na niya.
“So, payag ka na?” Nakaguhit na sa mukha nito ang
nagbubunying ngiti.
“Sa isang kondisyon.” Tugon naman niya rito.
“Anong kondisyon?” Ang nag-aamo-amohan naman nitong balik.
“Ako ang magpapa-gas ng sasakyan mo.”
“Iyon lang pala. Akala ko naman kung ano ng kondisyon.
Deal!”
At wala na nga siyang nagawa kung hindi ang isama ito
patungo sa lugar kong saan siya lumaki. Ang lugar kung saan mahigit dalawang
taon na niyang hindi nakikita.
Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang byahe at habang papalit
sila ng papalapit sa kanilang destinasyon ay patindi naman ng patindi ang kaba na kanyang nararamdaman na
dahilan para pagpawisan siya kahit naka-on ang aircon ng sasakyan.
Nagpakawala siya ng isang mahinang buntong hininga para
i-relax ang sarili.
“Parasaan ang buntong hininga mong iyon?” Ang pagpansin
naman sa kanya ni Nhad.
“Para sa nalalapit kong pakikibaka.” Patawang kalbo niyang
wika.
“Takot ka talagang harapin sila, noh? Tama nga ang desisyon
kong samahan kita dahil alam kong kakailanganin mo ng karamay.” Nakangiting
wika nito.
“Thanks Nhad.”
“Thank me later. For now, I want you to relax at kwentuhan
ako bago ako tuluyang antukin dito. Kanina ka pa nananahimik diyan, eh.”
Napangiti siya. Alam niyang sinusubukan nitong pagaanin ang
pakiramdam niya. Hindi na siya nagsisi na kasama niya ito ngayon.
“Naubusan na ako ng sasabihin. Halos magdadalawang oras na
akong dumadaldal.” Totoo iyon. Nang masimula silang bumayahe magdadalawang oras
na ang nakakalipas ay marami na siyang naikuwento dito patungkol sa kanyang
ate. Oo, ito ang ibinibida niya rito.
“So, ang ate mo ay tulad ko ring isang nurse? So, paano siya
nauwi sa pagiging isang negosyante?”
“It’s because of her friends. Out of boredom ay napagtrip-an
nilang mag-invest sa isang bar at hayon, sinuwerte sila at napalago iyon. Doon
na siya nawili sa pagiging business minded instead na i-pursue ang career niya
bilang nurse.”
“And now she runs a restaurant?”
“Yep. Katulong ang mga kaibigan niya.”
“Hindi na lang ako magtatanong kung bakit hindi ka sa kanila
nagtrabaho dahil alam ko na rin naman ang sagot. Ang tanong ko na lang, malayo
pa ba tayo?” Nakangiti nitong wika sa kanya.
Doon na siya tuluyang natawa. Kakaiba talaga ito kung
humirit. Sabagay, alas-tres pa lang sila ng hapon nagsimulang bumayahe at heto,
mag-aalas-singko na ay nasa daan pa rin sila.
“Isang oras pa. Bakit, nagugutom ka na ba?”
“Hindi naman. Gusto ko nga malayo pa tayo para ma-solo pa
kita ng matagal.” Ngingiti-ngiti nitong banat na siyang ikinahagikhik niya.
Ewan ba niya, kahit anong pigil niya sa sarili `di talaga niya maiwasang hindi
kiligin sa mga kalokohan nito.
“Humirit ka na naman. Umayos ka at baka hindi ako
makapagpigil at patulan ko na iyang mga banat mo.” Pagsakay naman niya rito.
“Bakit ang tagal?” Ang tila naghahamon naman nitong tugon.
Nginisihan na lamang niya ito at nagkunyaring may iti-text.
Hindi niya kayang makipagsabayan dito ng sobra-sobra sa takot na tuluyan siyang
madala sa mga biruan nila.
Iksaktong isang oras ay nasa tapat na sila ng bahay nang
kanyang kapatid. Masasabi niyang marami na ang taong nasaloob base na rin sa
nakikita niyang mga nakahilirang sasakyan na nakaparada. Muli siyang
nagpakawala ng buntong hininga ng tuluyan ng panatayin ni Nhad ang makina ng
kotse.
“Ready?” Tanong nito sa kanya. “Ang laki pala ng bahay ng ate
mo at mukhang marami silang bisita.”
“Mamaya mo na purihin ang bahay niya. Tara.”
Ngunit bago pa siya tuluyang makababa ay maagap siyang
napigilan nito sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang kamay at ng balingan niya
ito para sana itanong kung ano ang problema ay siya namang pagsalubong nito sa
kanya ng isang mabilisang halik sa kanyang pisngi.
“P-Para saan iyon?” Ang nagulat niyang tanong dito.
“Para hindi ka na kabahan.” Nakangisi naman nitong tugon
saka nagpatiuna ng bumaba ng sasakyan.
Wala sa sarili niyang naidampi ang kanyang palad sa parte
kung saan siya nito hinalikan. Oo, nagulat siya ng husto sa ginawa nito dahilan
para hindi agad siya makagalaw. Kung hindi pa siya nito kinakatok ay hindi pa
siya makakabawi sa nangyari.
Did he just kissed me?
Ang hindi makapaniwalang naitanong niya sa kanyang sarili.
Pagkapasok nila sa gate ay agad na bumulaga sa kanila ang
napakaraming tao. Ilan sa mga ito ay mga batang masayang naghahabulan sa
malawak na hardin ng kanyang kapatid na napapalamutian ngayon ng banderitas,
mga pambatang upuan, isang mini-stage at iba pa.
“Wow!” Naibulalas ni Nhad. “Ang daming tao.”
“Andrew Miguel!”
“Oh great!” Naibulalas naman niya nang marinig ang malakas na pagkakatawag sa kanya ng kanyang dakilang kapatid habang halos patakbo itong sinalubong sila.
“Bungga! Mabuti naman at dumating kang hayup ka. The who
naman itong hunky fafa na ito? Jowa
mo?” Patukoy naman nito kay Nhad. “Ang pogi mo naman. Buti pinatulan mo itong
kapatid ko.”
Ito na nga ba ang
sinasabi ko. Ang napapalatak niyang naisambit sa kanyang isip.
“Kaibigan ko siya ate, si Nhad. Nhad, siya ang ate Angela
ko.” Sa halip ay pagpapakilala niya sa mga ito.
“Nice to meet you po.” Magalang namang bati ni Nhad dito.
“Taray! Ang galang! Bet ko siya para sayo sisteret. Dapat jowain mo na ang isang ‘to bago ka pa
maunahan ng iba.”
“Kaya ayaw ng bumalik dito ni Andy, eh nakukulili siya sa
kadaldalan mo.” Ang sabat naman ng isang pamilyar na boses mula sa kanilang
likuran.
“Kuya Ace, Kuya Rome.” Naiwika niya ng malingunan ang mga
ito.
“Musta Andy.” Ang nakangiting bati sa kanya ng kanyang kuya Rome.
“Mukhang lalo ka yatang guma-guwapo, ah.” Ani naman ng
kanyang kuya Ace saka binalingan ang kanyang ate. “Babaeng parang machine-gun
ang bibig. Kesa kung anu-anong kabaliwan ang sinasabi mo, hindi ba’t mas
magandang pakinin mo muna itong kapatid mo’t kasama niya? Hindi biro ang biyenahe
nila makarating lang dito.”
“Tse! Late na naman kayo!” Sita naman ate niya sa mga ito.
“Siya, tara na nga sa loob at doon na lang natin ipagpatuloy ang chikahan.”
“Ate..”
“Don’t worry, wala pa sila at kahit na nandito na ang mga
iyon, wala kang dapat ikatakot. Let’s go, kanina ka pa hinihintay ng pamangkin
mo.”
Itutuloy:
43 comments:
waaahhhh hehehe here comes Ace and the gang
KV
hehehehe at natuloy na din Z ang kanilang grand reunion..hehehe miss ko ang bardahan na ito..
Whahahaha kapatid nya si Angela???Wow!Ayos! galing neto Zild...katuwa...kamiss si Rome at Ace!
juice k0o si angela pala ang kapatid patay kang bata ka!
haha nakaktuwa , first time ko mag comment and ayun ! hahaha nice chaptie kuya z ,, magkapatid pala sila ni Angela how come ?? hahaha
ahaha namis ko bgla c supah ace at rome
marky
part pala ang mga unang character..hihihi
Enjoying the Show
Wow ganda naman.... Ingit ako kay andy sana time will na manyari rin sakin na may magmamahal katulad ni nhad.. Pero paano sa family ko and relativeds di nila alam tunay kong pagkatao eh..... Hirap.....
nakakamiss naman ang mga character nila angela, at imagine ha na magkapatid pala si andy at angela kaya pala pareho sila may sayad..wahahahahaha galing mu zeke at naisingit mu pa sila....keep it up at sana hindi ito ang huli mung stories like what you've said...
_iamronald
OHMAYGAHD Ace and friends are soooo back!! :)))
i know that the previous characters will eventually show up hehehe. I love the hiritan part, kilig. Nhad is the sweetest.
Ohhhh
ace ace ace X3
naalala q ung pic dti na pnakita mo ampalaya, bwahahahaha
syang my rome na xa :P
nyway, para san nga ung kiss? o.O
Waaaaa!si supah Ace at Rome!magkapatid pala si Andy at Angela?riot itey! :D
Riley
wow nakakamiss nga si supah ace at rome.. lalo na yung grupo nila yung bar at ung iba basta lahat.. nkakatuwa kula zild..
asan si renzell dave???...tsk tsk...di mo sinali... :(
-Berto-
Hahah! Sinasabi ko na nga bat si Angela ang ate netong si Andy eh!!! Bongga! Hahah... Maxadong mabilis si Nhad nakakaloka hehe.. Pero okay lang! Go go go zek!
Pat
Tagasubaybay
ohh ehm gee!
NAMISS KO ANG BESTFRIENDS BAR!
AT ANG TROPA!
GOSH! I MISSED THEM SOO MUCH!
<---- demure
waaaaahhh reunited and it feels sooooo goooddd! :)) waaaahhh nice nice!
haha here we go! Excited on the next chapter! XD
Ok sbi ni zild, kelangan ko mag comment , so may comment is "COMMENT" hahaha! :D ayan. ok nba? :D
nawindang aq sa last part...eheheh nice isang malaking grand reunion yata ang mgaganap sana lahat ng cast nandun..ehehe galing muh tlga kua z la ka kupas!!
empire
niceeeee. grand reunion ng barkada w andy and nhad. exciting ang part na e2. update agad. he he he
Z masasampal kita pag nakita kita.
Ang taba ng utak mo. Nasiksik mo pa din ang mga ninuno dito. Hahahaha!
Asan na ang abogado na kinagiliwan ko? Ilabas mo! Dali!
GO ANGELA!! hahahaha..the reunion with the seventh bar barkada..siyempre nandiyan din si red at dorwin..at siguro pati si laurence at claude..hahaha..astig talaga!! galing kuya zeke..sobrang hanep.. :)
-J
sana pumasok din sa eksena sina Renzell Dave at Alex.. hahaha
yun ay kung pwede lang naman .. hehe
super cute..
God bless.. -- Roan ^^,
ayan na, so ang cnsabi na pinsan ni andy eh c ace pla.. hehe
ayos 'to.. :p
haaayyyy na alala ko talaga ang babaeng machine gun hahahaaha
Galing... The connection to the first story is great! Keep it up Z...
-Raymund of Bacolod
yAY!!!SI aNGELA PALA ATE NYA...NA MISS KO SUPAH ACE AND ROME!!!!
Wow ate pala ni Andy si Angela galing naman hahaha da best katalaga Zild. Can't wait to read the next chapter.
Wow eto ang pinakamagandang part nito.... Ahahhahahah kIlig si nhad..... Nkkamis nmn cla supah ace at rome!!!!! Ganda ng flow ng story... More chapter pls.....
:) smile nalang ako ngayon kuya Z . SPEECHLESS eh!
sa wakas nabasa ko din!!!
Zeke! Ang gandaaaaaaaaaa!!! Promise.
Parang pati ako kinakabahan katulad ng kaba ni andy.
At related pala sya kila rome!! (Rome-Ace story ang hanggang ngayon ay fave ko sa lahat ng mga sinulat mo)
thanks for this chapter zeke. Pantanggal ng pagod.
Wow, nice chapter,
. . .omg, magkapatid pla c andy at angela, haha, nakakatuwa. . .ang ganda na ng kwento, hope to read the next chapter especially kasi anjan na sina angela and the gang, . . .im wondering kung ano ang magiging part nila para kay andy and nhad. . .and saan na nga ba c jasper a.k.a casper the unwanted sperm? Lol. . .hehe. . .
Great work. . .next na po agad. . ^__^
haha sabi na eh si angela yung kapatid ni andy.
nice zild.
-kokey
nice story....
- ronej
update na!!! Ang tagal naman...
nice 1
-jubet co
update, update, update!! x) yan n ulit cla supah ace yay!!! <3<3<3
nabuhay ang babaeng machine gun ang bibig! haha! who would've thought na related pala si andy kay angela! very very nice chapter! bilib ako sa writing skills mo! ibang klase ung crossover. c:
baklang machine gun ung ate ni andy lol
-yume
sabi ko na nga ba si nagela ang ate nya
shaks!dko to napaghandaan..nabigla aq!haha...ate pala ni andy ang bungangerang c angela!!!hahahaha...grabe,,nakakatuwa..kaya pala medyo napaisip nq sa negosyong bar ng ate nya daw...ang cute!^^
pero mas namiss q c red ska ang kambal na dorwin at dave...hehe..
-monty
Post a Comment