Model: James
Written by: Zildjian
Email: zildjianstories@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:Matapos ang ilang oras kong pakikibaka sa chapter na ito ay sa wakas na tapos ko rin siya. Hahaha Nakakagoga talaga minsan kapag malapit na sa climax ang k’wento nakaka-aning at nakakaubos ng dugo. Aist!
Bago ko nga pala makalimutan. Ang k’wentong ito ay ginawa
kong imprint dahil ito ang magsisilbing tribute ko anniversary ko kuno sa pagsusulat.
Naaalala kong ganitong buwan ko rin sinulat ang The Right Time na una kong likha.
At dala ng sobrang pagiging maligalig ko, nakagawa ako ng anim na kwento at
natapos ko ang lahat ng iyon kaya masaya ako lol. At ito ang magiging pang
pitong gawa ko sa loob ng isang taon.
Ang daming nadagdag pero marami rin ang nawala at sila ngayon ang
babatiin ko kasi miss ko na sila LOL
R.J, R3b3l+ion,
jayfinpa, ichigo, Coffee_Prince, Mama bear, Almonds (Na Si Lantis), si Nico (Na
si Nicollo), si Bharbs, si Philip (ang dakilang baliw), Mcfrancis, Kimmer
Araneta, si KheifBlue, si Ran, si Jay!:), KN, Migz, Gerald, Mr. BrickWall, Drew-Drew, Jeh, Eusethadius at ang iba pa na naging kaibigan ko at
nakausap ko sa chatbox. – Mga paps,
musta ang planet mars? P’wedi na bang matirhan ng tao? Hihihi Kidding aside, na-miss
ko sila.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Naalimpungatan
si Andy nang may marinig siyang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kanyang
tinutuluyan. Napatingin siya sa kanyang relong panggising, pasado alas-dose na
ng tanghali. Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
“Hindi niya ako natiis.”Naisambit niya saka dali-daling
tinungo ang lababo para maghilamos. Ayaw niya namang humarap sa taong halos
laman na ng kanyang isip at panaginip ng ganoon lang,the person who showed too
much affection for him.
Muli, narinig niya itong kumatok sa kanyang pinto.
“Sandali!” Ang kanyang pasigaw na pagtugon. “Naghihilamos
lang ako, magpa-init ka muna riyan.” Dagdag pa niyang sambit na hindi mapalis
ang ngiti sa kanyang mukha sa pag-assume na si Nhad nga ang taong kumakatok at
naroon ito para dalhan na naman siya ng kanyang pagkain.
Dali-dali niyang tinapos ang paghihilamos at pag-toothbrush
saka mabilisang tinungo ang pintuan para pagbuksan ang inaakalang tao subalit,
agad na napalis ang ngiting nakaguhit sa kanyang mukha ng ibang tao ang kanyang
mapagbuksan.
“Can we talk?” Seryoso at may bahid ng pagmamakaawang turan
nito sa kanya.
“J-Jasper?Anong ginagawa mo rito?”Kanya namang naibulalas
dala ng pagkabigla’t pagtataka.
“We need to talk Andy. Totoo bang boyfriend mo ang lalaking
iyon?” Ang wika nitong halatang nangangailangan ng pagtugon.
Hindi niya alam kung bakit parang nahirapan siyang sumagot
dito. Maybe because of Jasper’s facial expression. Halatang wala pa itong
tulog, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makita niya ito sa ganitong hitsura.
He was used with Jasper’s coolness and arrogant approach. Pero ngayon,
ibang-iba ito sa kanyang nakasanayang kaibigan. Sa taong minsan niyang
pinaglaanan ng lahat.
“Totoo ba Andy?Boyfriend mo ba talaga siya?”Ang pag-uulit
nito.
“P-Pasok ka muna, mainit dito.”Sa halip iyon ang naisagot
niya rito. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala sa hitsura nito.
Minsan din niyang minahal ang taong nasaharapan niya ngayon at hindi niya
kayang nakikita itong gano’n na para bang pinagsakluban ng langit at lupa.
“Sagutin mo na lang ang tanong ko! Totoo bang boyfriend mo
ang Nhad na `yon?”
Nagulat siya, nataranta. Ni minsan ay hindi siya nito
sinigawan ng gano’n at ni minsan ay hindi niya ito nakitang nagpapakita ng
matinding galit. Ito ang klase ng taong kumibot-hindi kapag may problemang
pinagdaraanan. Isama mo pa ang ilang taong dumadaaan sa mga oras na iyon na
hindi napigilang mapahinto at mapatingin sa kanila.
“S-Sa loob tayo mag-usap Jasper, maraming tao, nakakahiya.”
He said, pilit pinakalma ang boses dahil nakadama na rin siya ng inis dito saka
siya nagpasingtabi para makapasok ito.
Nang makapasok na nga ito ay agad niyang isinarang muli ang
pinto para hindi sila marinig ng ilang taong nakiki-usyuso na sa kanila.
Agad niyang hinarap ito.
“Ano ba ang problema mo?” Ang may inis niyang wika.
“Ikaw ang problema ko! Sino ang lalaking iyon? And what’s
with him claiming that he’s your boyfriend? Diretsahan at pasinghal nitong tugon.
Hindi niya nagustuhan ang mga huling salitang binitiwan
nito. Iba ang dating niyon sa kanya. Parang pinalalabas nito na hindi
kapani-paniwalang may taong papatol sa kanya kaya lalo lamang siyang nainis
rito. Pero naisip niyang hindi ito patulan, na hindi dapat pinapatulan ang mga
taong alipin ng alak.
Pinakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakawala ng
isang malalim na buntong-hininga.
“Lasing ka Jas, at mukhang wala ka pang tulog.Maupo ka muna
at ipagtitimpla kita ng kape para kahit papaano ay mahimasmasan ka saka tayo
mahinahong mag-uusap.”May bahid ng panunuyo niyang wika rito.
Akmang tutunguhin na sana niya ang kusina nang maagap siya
nitong mapigilan.
“Ands, please. Sabihin mong hindi totoong boyfriend mo iyon.
Sabihin mong gawa-gawa lamang iyon ng mga kaibigan natin na isa lamang iyon sa
mga kalokohan nila.”Nagmamakaawa nitong sabi.
“Jas ––”
“Hindi mo siya p’wedeng maging boyfriend ‘di ba? Niloloko
lang nila ako. Galit lang sila sa akin kasi nasaktan kita. Andy please, sabihin
mo. Sabihin mong hindi totoo ang mga sinabi nila.” Ang nakayakap na nito sa
kanyang turan. Sobrang higpit ng yakap na iyon na halos maramdaman niya mismo
ang sakit na pinagdaraanan nito.
Pagkahabag at higit sa lahat, ibayong pagkalito ang
naramdaman niya sa nakikita sa kaibigan. Hindi niya ito maintindihan at lalong
hindi niya makuha kung ano ang nangyayari dito. Kung bakit ganito na lang ito
ngayon na para bang nawawala na sa katinuan.
“Hindi kita maintindihan Jasper.”Hindi niya maiwasang
maisatinig ang kanyang pagkalito.
“Nangako sila sa akin. Nangako silang babantayan ka nilang
mabuti hangga’t hindi ko pa nasisiguro ang nararamdaman ko para sa ‘yo. Sinunod
ko naman ang lahat ng kundisyon nila. Pumayag akong lumayo muna.Pero bakit,
bakit nila hinayaang mapunta ka sa iba?” Ramdam na niya ang pagkabasa ng
kanyang leeg mula sa mga luha nito habang nakayakap sa kanya.
May kutob na siya kung sino ang mga taong tinutukoy nito.
Pero hindi niya pa rin maiwasang hindi maguluhan. Pero imbes na magtanong ay
minabuti na muna niyang pakalmahin ito. Hindi niya kayang nagkakaganito ito. Si
Jasper,sa kanilang magkakaibigan, ang matapang at higit sa lahat mahirap
makitaan ng emosyon pero sa nakikita niya rito ngayon, hindi niya maiwasang
makadama ng matinding awa.
“Shhh…..huwag kang umiyak.Ikukuha muna kita ng tubig para
makalma ka.Pag-uusapan natin ito.”Ang nangangako’t nanunuyo niyang wika rito.
Hindi ito tumugon. Nanatili lamang itong nakayakap ng
mahigpit sa kanya habang humihikbi na lalong nagpabigat ng kanyang damdamin.
Hindi niya lubos akalain na meron pala itong ganitong side.
Iginiya niya ito sa kanyang k’warto dala ng wala naman
siyang malambot na sofa. Doon niya ito iniupo at dali-dali niyang tinungo ang
kusina para ikuha ito ng tubig. Nakayuko pa rin itong nakaupo sa gilid ng
kanyang kama habang humihikbi nang balikan niya ito.
Umupo siya sa tabi nito’t inabot ang isang basong tubig.
“Jas, uminom ka muna.”
Kinuha naman nito iyon at inisang lagok ngunit, sa muling
pagkakataon ay mahigpit siya nitong niyakap na animo’y naniniguradong hindi
niya ito iiwan. Nagulat man ay hinayaan na lamang niya itong napasubsob sa
kanya habang hindi pa rin matigil sa paghikbi ito. Naguguluhan talaga siya,
nagtataka sa mga nangyayari. Marami siyang gustong itanong rito subalit sa
tingin niya ay makakabuting hayaan na munang mailabas nito lahat ng
nararamdaman.
Pinakalma niya ito, hinaplos sa likod para maipaabot na
naroon lamang siya at hindi ito nag-iisa. Isang uri ng pagdamay na kayang
maibigay ng tulad niyang nag-aalala para rito. Tumagal sila saganoong pusisyon
hanggang sa tumahan na ito’t makatulog na nakayakap sa kanya. Awang-awa siya sa
kaibigan, sa taong minsan niya ring minahal. Sa taong naging dahilan ng kanyang
mga pasakit na pinagdaanan.
“Ano ba ang nangyayari Jasper?” Pabulong niyang naitanong
habang pinagmamasdan itong natutulog sa kanyang kama.
Muling nanariwa sa kanyang isipan ang mga huling sinabi
nito.
“Nangako sila sa akin.
Nangako silang babantayan ka nilang mabuti hanggat hindi ko pa nasisiguro ang
nararamdaman ko para sayo. Sinunod ko naman ang lahat ng kondisyon nila.
Pumayag akong lumayo muna.Pero bakit, bakit nila hinayaang mapunta ka sa iba?”
Agad niyang inabot ang kanyang cellphone, hinanap ang numero
ng taong sa tingin niya ay siyang makakapagbigay linaw sa lahat.
“Uhoy! Gising ka na pala. Kamusta, may karumaldumal bang nangyari sa inyo ng BOYFRIEND mo?” Ang agad na bungad sa kanya nito.
“Miles, tapatin mo ako, may hindi ba kayo sinasabi sa akin
tungkol kay Jasper?” Deretsong tanong naman niya rito.
Bahagya itong natigilan sa kabilang linya. Doon na siya
nakasigurong tama nga ang taong tinawagan niya.
“Anong ginawa niyo Miles?Anong alam niyo sa mga nangyayari?”
Ang may himig ng pang-aakusa niyang wika ulit rito.
“N-Nandiyan ba siya?”Ang tila naman nag-aalinlangang
naisambit nito.
“Sagutin mo ang tanong ko Miles!” Mahina ngunit diin at may
awtoridad niyang wika. Natatakot siyang magising si Jasper.
“Relax Ands, we only did what we think is right for both of
you. Huwag kang magalit sa amin.”Depensa naman nito.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko. Ano ang ginawa niyo?Ano ang
partisipasyon niyo sa nangyayari ngayon kay Jasper?”
Napabuntong hininga ito.
“Hintayin mo ako riyan.Pupuntahan kita, diyan tayo mag-usap
para magkalinawan tayo.” Wika nito at agad na pinutol ang linya.
Wala siyang nagawa kung hindi ang hintayin ito. At habang
ginagawa niya iyon ay mataman niyang pinagmasdan ang mahimbing na natutulog na
si Jasper. Oo nga’t ito ang sanhi ng mga hirap at pasakit na pinagdaanan niya
sa ilang taong nakalipas subalit hindi naging sapat na rason iyon para kamuhian
niya ang taong dati niyang minahal. Mas matimbang pa rin sa kanya ang mga
pinagsamahan nila noon.
Ilang minuto pa ang nakalipas at dumating nga si Miles.
Tahimik niya itong pinagbuksan ng pinto at agad na iginaya sa loob ng kanyang
kwarto. Bahagya pa itong nagulat ng makita roon si Jasper na mahimbing na
natutulog.
“Ito ba ang sinasabi mong ginawa niyo lang ang makakabuti
para sa aming dalawa?” May bahid ng panunumbat niyang wika rito.
“I can explain Ands.” Miles said defensively. “Hindi ito ang
inaasahan naming mangyayari , believe me. Remember the day na hinarap natin
siya at napagdesisyunan mong tuluyan na siyang pakawalan? After that day,
pinuntahan kami ni Jasper, sa amin niya sinabi ang pagtutol niya sa naging
desisyon mong manatili na lang kayo bilang magkaibigan. Sinabi rin niya sa amin
na itutuloy pa rin niya ang pag-atras sa kasal nila ni Ivy.”
Naalala niya ang araw na iyon. That was 3 weeks ago. Ang mga
araw kung saan inakala niyang ayos na ang lahat sa pagitan nila ni jasper.
“Hindi namin siya sineryoso. Akala namin ay ginugulat lamang
niya kami dahil alam niyang kami ang nagsisilbing bakod mo sa kanya pero hindi.
Kinabukasan niyon ay nabalitaan ko nga na hindi na matutuloy ang kasal ni
Jasper. Ipinagtapat niya kay Ivy ang lahat ng namagitan sa inyo. Nagulat ako,
agad ko siyang pinuntahan at doon ko nakumpirma ang lahat.”
Napatingin siya sa tulog na tulog pa ring si Jasper. Hindi
siya makapaniwala sa lahat ng kanyang narinig sa kaibigan.
“Kung ganon ––”
“Oo. Nang i-celebrate natin ang anniversary nating
magkakaibigan. Wala nang kasalang magaganap kay Jasper at Ivy. Pero na kumbinsi
namin siyang huwag munang ipaalam sa’yo ang lahat. Sinabi naming pag-isipan
niya muna kung sigurado na nga ba siya sa nararamdaman niya para hindi ka niya
masaktan ulit. Ngunit batid naming hindisiya tutupad sa napagkasunduan kaya
gumawa kami ng paraan.”
“Anong paraan naman iyon?”Takang tanong niya rito.
“Sinabi naming may sakit ka at hindi makakabuti sa kalagayan
mo kung guguluhin niya ang isip mo.” Ang mahina nitong pag-amin na para bang
nag-aalangan.
Napakunot noo siya. Hindi niya kasi nakuha kung ano ang ibig
sabihin nito.
“With the help of Kyle’s tito, napaniwala namin
siya.”Pagpapatuloy nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata dala ng gulat. Isang
psychiatrist ang tinutukoy nitong tao na minsan nilang nakilala no’ng dumalo
sila sa birthday party ng mama ni Kyle.
“Pinalabas niyong nababaliw ako?”Hindi niya makapaniwalang
naibulalas.
“Wala kaming ibang choice Andy.”Depensa naman agad nito.
“Alam naming isisisi mo na naman lahat sa sarili mo kapag nalaman mong hindi
matutuloy ang kasal ni Jasper. At lalo lamang magugulo ang lahat sa inyong
dalawa. Pareho namin kayong kaibigan Ands.Sa maniwala kayo o hindi, ginawa lang
namin ang sa tingin namin ay dapat. Jasper is not ready to take you in, he’s
still confused kaya binigyan pa namin siya ng sapat na oras para makapag-isip
habang ikaw naman ay iniiwasan naming masakatan.”
Ayaw man niyang aminin pero totoo ang mga sinabi nito.
Sisisihin niya ang sarili kung nalaman niya tungkol sa hindi natuloy na kasal
ng kaibigan. Masyado pa siyang fragile sa mga panahong iyon kaya malamang hindi
niya kakayanin ang katotohanang siya ang dahilan kung bakit may isang taong
umasa ng kasal ang nabigo.
“Ipinangako namin sa kanya na kapag gumaling na ang sakit mo
na gawa-gawa lang naming ay tutulungan namin siyang suyuin ka. Which is ‘yon
naman ang original plan namin talaga pero may hindi kami inaasahang pangyayari
Ands, at iyon ang pagkahulog mo sa Nurse na iyon. Hindi namin akalain na madali
ka niyang mapapaibig.”
Sa pagkabanggit nito sa kanyang kasintahan ay doon lamang
ito muling pumasok sa kanyang isip.
Nhad.Piping sambit
niya sa pangalan nito.
Oo nga’t halos dalawang araw pa lamang silang magkasintahan
nito pero hindi niya naman maitatangging tuluyan na nitong nakuha ang kanyang
puso. Alam niya iyon sa kanyang sarili subalit hindi pa rin niya maiwasang
maguluhan. Papaano niya sasabihin kay
Jasper na wala na siyang pagtingin rito? Na si Nhad na ngayon ang pumalit sa
dating p’westo nito sa puso niya?
“I’m sorry Ands, hindi ko inaakalang darating tayo sa
puntong ito na imbes na makatulong kami sa inyo, mukhang nagulo pa namin lalo
ang lahat.”
Muli siyang napatingin kay Jasper.Ang taong pinangarap
niyang matugunan ang kanyang nararamdaman. Subalit ngayong nangyari na iyon, ay
siya namang pagbaliktad ng sitwasyon.
“Ano ang gagawin ko Miles?” He asked helplessly.
“Hindi na siya ang taong mahal mo Andy, nakita ko iyon
kagabi sa bar habang panakaw mo siyang tinitignan.” Ang tugon naman nito sa
kanya.
Nakuha niya ang ibig nitong ipahiwatig. Gusto nitong tapatin
niya si Jasper na wala na itong aasahan sa kanya ngunit, kaya nga ba niya? Kaya
ba niya itong saktan?
Tulad ng plano ay natuloy ang dinner nila ni Nhad sa bahay
nito. Dumating ito sa apartment niya sa eksaktong oras na sinabi nito. Mabuti
na lamang at naroon ang kanyang kaibigang si Miles dahil kung wala ito, baka
nahirapan siyang ipaliwanag kay Nhad kung bakit naroon si Jasper sa kanywang
k’warto at mahimbing na natutulog.
Naging maganda naman ang pagtanggap sa kanya ng lola nito.
Mabait ito’t masayahin ring tao tulad ng apo nito. Subalit hindi pa rin niya
maiwasang mabagabag sa mga nangyari’t natuklasan kay Jasper.
“Wala kana sa bahay, you can relax now babes.” Nakangiting
wika sa kanya ni Nhad na nilakipan pa nito ng mabining pagpisil sa kanyang
kamay na nakapatong sa hita nito habang binabaybay nila ang daan papunta sa
kanyang pinagta-trabahuang bar.
Ngiming ngiti ang isinagot niya rito.Gusto niyang ipagtapat
kay Nhad ang tungkol kay Jasper. Nais niyang sabihin rito ang sitwasyon niya sa
kaibigan subalit nag-aalangan siya sa maaaring maging reaksyon nito. Bago pa
lamang sila ni Nhad at batid niyang hindi pa gano’n ka lalim ang relasyon
nilang dalawa.
“Ang sunod kung gagawin ay ang ipakilala ka sa parents ko.”
Ang muling wika nito. “Gusto kong lahat ng taong mahalaga sa akin ay makilala
ang taong bumago ulit ng buhay ko.”
Nabaling ang tingin niya rito sa narinig. Aaminin niyang
naantig ang kanyang puso sa mga gusto nitong gawin para lamang maipaabot sa
kanya kung gaano nito senseryoso ang relasyon nila. Subalit hindi naman niya naiwasang
makadama ng takot para rito. Hindi pa alam ng mga magulang nito ang tunay
nitong sekswalidad, ayon na rin dito at natatakot siya na baka matulad ito sa
kanya na itinakwil at pinandirihan ng kanyang mga magulang.
“`Di ba’t parang masyado pa ‘atang maaga para sa bagay na
iyan? Hindi ka ba natatakot na matulad sa akin, Nhad? Paano kung hindi
magustohan ng mga magulang mo ang relasyon nating dalawa? Pag-isipan mo munang
mabuti ‘yan.”Mahinahon niyang tugon rito.
“Bakit kailangan ko pang patagalin ang lahat kung heto’t
nakakasiguro na akong ikaw na talaga ang gusto ko? At bakit ko kailangang
matakot? Nariyan ka naman `di ba? Magkasama naman nating haharapin ang lahat
kung sakaling hindi man nila ako matanggap.” Tugon naman nito sa kanya.“Unless
iiwan mo ako.” Ang tila naman kinapos sa hanging dagdag nito.
“Nhad..”
“Pero hindi mo naman ako iiwan babes di ba?” Agad na pagbawi
nito halatang pilit na pinasisigla ang boses. Pansamantala nitong iniwan ng
tingin ang daan para balingan siya. “Hindi mo gagawin ang ginawa ni Kenneth sa
akin, right?”
Ewan ba niya, parang sinaksak ang kanyang puso sa mga
narinig dito. Tulad niya ayaw na rin nitong masaktan. Umaasa itong magiging
maganda ang lahat sa kanila. Na sasaya sila sa isa’t isa. Mahal niya na ito,
iyon ang nasisiguro niya sa kanyang puso. Mahal na niya ang lalaking halos
busugin siya sa pagmamahal sa mga nakalipas na araw.
Tumango siya rito.
“Hindi kita iiwan Nhad.” He said with assurance. “Hindi
natin bibitawan ang isa’t isa.”
“I love you babes.” Malambing nitong sabi saka muling
ginawaran ng halik ang kanyang kamay.“Hindi kita bibitawan kahit ano ang
mangyari. Hindi ko na gagawin ulit ang pagkakamaling ginawa ko noon.”
Ilang saglit pa ay narating nila ang kanilang destinasyon.
Gusto pa sana niyang makasama ito ng matagal pero kailangan niyang magtrabaho.
“Salamat sa napakasarap na dinner, ah. At paki sabi salola
mo na salamat sa napakagandang pagtanggap.”
“I’m glad na nagustohan mo lahat ng luto ko.” Nakangiti
naman nitong tugon sa kanya. “Yep, sasabihin ko sa kanya. Susunduin kita
mamaya, ah.”
“Huwag na. Magpahinga ka na lang. Ilang araw nalang
matatapos na ang leave mo. Sasabak ka na naman sa trabaho.” Pagtanggi naman
niya rito.Ayaw niyang obligahin itong sunduin siya parati. Kailangan rin nito
ng sapat na tulog at pahinga.
“Ayaw.”Nakangiti nitong tugon.“Susunduin kita mamaya.”
“Ang tigas ng ulo.” Napapailing na lamang niyang tugon.
“Siya sige na, papasok na ako. Mag-iingat ka sa pagmamaneho pauwi.”
“Babes, uhmmm…” Napapakamot nito sa ulong pambibitin sa
kanya. “Ayos lang ba kung sa bahay tayo tutuloy mamaya pagkasundo ko sa’yo?
Gusto ko kasing masiguro na walang didisturbo sa pagpapahinga mo. Mukha kasing
hindi ka gaanong nakapagpahinga kanina.”
Kahit hindi nito deretsahang sinabi ay nakuha niya ang punto
nito. Hindi nito nagustohan ang pang-iistubong ginawa ng kanyang mga kaibigan.
Iyon kasi ang naging rason ni Miles dito kung bakit naroon ang mga ito sa
apartment niya kanina at kung bakit naabutan nitong tulog sa k’warto niya si
Jasper.
“Don’t get me wrong babes, wala sa akin ‘yong pagpunta nila
sa’yo. At pagpapagamit mo sa iba ng kama mo. Ang gusto ko lang ay
makapagpahinga ka ng mabuti.”
Napaisip siya. Siguro nga tama lang na doon na lang muna
siya tumuloy mamaya para makaiwas muna kay Jasper. Hindi pa talaga siya handang
harapin ang kaibigan dala ng kanyang mga natuklasan. Masyado pang magulo sa
kanya ang lahat.
“Hindi ba nakakahiya sa Lola mo?” Kapagkuwan ay tanong niya
rito.
Ngumiti ito ng ubod ng tamis.
“Walang kaso kay Lola ‘yon.So, payag kana?”
Napangiti na rin siya, syempre gustong-gusto niya itong
makasama ng matagal. Ang muling makatabi itong matulog na nakayakap rito at ang
mga kulitan nila na talagang pumapalis sa kanyang mga alalahanin.
“Sige payag ako, pero wala akong dalang damit
pamalit.”Nakangiti naman niyang tugon.
“Asus! Hindi mo naman kailangan ng damit sa kwarto ko, eh.”
Ang nakangising pilyo naman nitong wika. “Tama na ang kumot ko pangtakip sa
ating dalawa.”
Doon na siya tuluyang napabungisngis sa kapilyohan nito.
Pagdating talaga sa banatan lagi itong nakakalamang sa kanya. At hindi talaga
ito pumapalyang palisin ang kanyang mga negatibong damdamin sa mga simple
nitong hirit.
“Sige na, kiss na at baka hindi na ako makapagpigil at
ibalik na kita ngayon din sa bahay.” Ngingiti-ngiti nitong pagtatapos ng
kanilang usapan.
Agad naman siyang tumalima’t
binigyan ito na masuyong halik sa labi.
“See you later kumot king.” Nagbibiro niyang pagpapaalam na
ikinatawa naman nito.
Sa muling pagkakataon ay may panggigil siya nitong hinalikan
na sinabayan pa nito ng isang nang-aakit na bulong.
“I’m ready to give you everything later kaya humanda ka.”
Agad na nag-init ang kanyang pisngi sa tinuran nito. At dala
siguro ng pinaghalong kaba at excitement ay pabiro niya itong nahampas sa
dibdib na lalo naman nitong ikinatawa.
33 comments:
Arrrgggggh wtf sobraaaa as in sobra kilig..... Ganda tlaga ng story... Wag n sana umepal c jasper plssssssss!!
naaawa aq ky jasper pero... wth! go with nhad all the way! may 8th story pa naman c ampalaya, dun nlang xa umeksena, db? xD
kumot king whahaha natawa aq dun xD
gud job ampalaya, my dhl jan my gift aq seo peo secret muna ^w^
Parang may something na mali kay Nhad..kasi..bakit mo sasabihin na yung ganun na baka iwan mo rin siya tulad ng ginawa ng nauna..parang mali..
anyways..ang kulit nung huling linya..ang halay lang ni Nhad..Yummy!
hahaha..
-J
epal c jasper
wonderful...
comment ko hindi sa story kundi sa mga binati...hahaha
my kulang pa din sa mg binati ni otor...hahaha
now the conflict is here... seems like andy is torn! whew
:) kaya mo yan jasper, hayaan mong turuan ka ng bawat agos ng buhay na tumayo sa kabila ng mapanira nitong dala. ingat ka palagi!
beucharist!
"hindi mo naman ako iiwan diba?"
paki sabi di ko sya iiwan..hehe
^_~
i wanna believe my heart's not telling me a lie.. hehe.. kanta mode habang nagbabasa.. so cute..
God bless.. -- Roan ^^,
nakakainis naman si jasper, kung kelan ok na ang lahat kila ngad at andy saka pa siya papasok sa eksena...hays pagibig talaga bulag....
nice one zeke me bago na man tawag KUMOT KING..ahahahaha
_iamronald
Tada!
Nice poh :)
-kiss-
MEOWW!!!
WEEWW! :D NAKAKA KELEG!
Akin na si Jasper. Para happy na si Nhad at Andy. haha
Finally nakasunod din ako sa story. Ok tulog muna ulit ako kuya zeke may lagnat pa ko eh. Hehe galing mo kuya sobra!
-kulit
rare lang ako mag.comment pero this one made me to do so. grabe kinikilig ako dito ah. haha. good job author
Hala..!!! Wag nman sana tulad ni kenneth c andy.. Sana sana c andy at nhad ba tlga.. Wawa nman c nhad kung magiging parang rebound ulit xa.. Pls mr. Author wag po, wawa c jasper peo hanapan nlng xa ng ibang partner.. Cla ni miles ganun.. Lol
kailangan may story din si Jasper ! hahaha nakakaawa kasi siya :))
awwwwwwwwwoooooooh ang naughty naman nman ni babes...oo agree ako dapat si jasper may story din..
waaaaaah bat wala ang comment ko?! bwahahaha next chap comment ako nawalan ng gana! bwahahaha hindi pa na post comment ko bwahahaha
so sweet aman ni nhad! . . tapatin muna c jasper para maiwasan na ang conflict. let it be frends nlang kau.
bk8 ganun.. nd na approve ung comment ko? huhuhuhuhuhu..
nd nlang nga ako mag comments... huhuhuhuhuhu
kinikilig ako! THATS ALL! hahah joke!
GRABEH.. dont tell me mr.author mauulit ang eksena na yan
kay martin at kenneth! nkakaawa nman si nhad :)
GWAPO GWAPO NI NHAD!
BADBOY CHINITO HOTTIE KEMEH! HAHHAH!
<---- demure
May lagnat ka hahaha grabe nagbasa ka pa habang ganyan ka. i must say this must be a good story.hindi ko po nabasa kasi tinitignan ko muna kung maganda comments before ko basahin. Thanks kulit, ill definitely enjoy this.
jaime
go KOMOT king hahah
jubert:)
hangsweet...hay naku lalangamin na sa kasweetan ang dalawa...hahahaha
next next next...hahahha
ay kaganda talaga..love it....---Noy
d ba pwede c miles nlang at ska c jasper..................ayeeiiii................................RJ
c miles nlang
pang pagulo lang yan c jasper
nice one zild hehehe sabi ko na nga ba e may run nnmn conflict na darating hehehe. Can't wait for the next chapter.....
have agreat day and keep on writing.
wawa naman si nhad...lagi na lang iniiwan...
hello mr. author ^_^...
ayan na =_=
yume
naku andy ha,,utang na loob tantanan na yang nkaraan ke jasper...past is past..live with the present...at c nhad na un!^^
napakapilyo dn talaga netong c nhad ha?!haha...and i love it!hahahaha..
-monty
Post a Comment