Monday, August 27, 2012

Bittersweet Chapter 18



Model: James
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Author's Note:

Inabot na ako ng alas-singko matapos lamang ito. HAHA Ang lakas ko talagang umadik! Anyway, bukas na ang anniversary ko. Waaaa!!! Omg omg! Hihihihi Salamat ng marami mga paps sa halos isang taon niyong pagsuporta sa mga likha ko! Hindi niyo lang alam kung gaano niyo ako pinasaya ng husto.

Ang Bittersweet ay malapit ng magtapos. As in sobrang lapit na tayo sa huling bahagi ng k’wentong ito. Alam kong nangako ako na dapat ay sabay ng araw ng anniversary ko ang ending nito pero dahil sa mga kaunting problema ay hindi ko iyon magagawa. >.< Pasensiya na kayo.

Anyway, ma-enjoy niyo sana ang chapter 18 na pinagpuyatan ko at sana hindi rin kayo makalimot na mag-iwan ng comment para naman mas masaya. Malaking bagay sa akin ang bawat comment niyo mga paps kaya `wag niyo sana akong pagdamutan. LOLS

HAVE A GREAT DAY AHEAD AND HAPPY MONDAY SA ATING LAHAT!!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



May pagtataka pa rin siya kung papaanong napaka-natural ng pagtawag ni Ken kanina sa kanyang pangalan. Wala siyang maalalang pormal sila nitong nakapagkilala. Ang tanging alam lang nito ay isa siyang barista. Hindi nga ba’t iyon ang naging reaksyon nito nang muli silang magkita sa hospital?


Hindi naman gaanong marami ang bisita sa loob ng bahay na iyon. Sa tingin niya, mga ka-opisina at kaibigan lamang iyon nina Ken at Martin. Pero ang talagang kumuha ng kanyang pansin ay ang grupo ng babaeng maingay at halatang pinagnanasaan ang kanyang kasintahan na siyang kasama nila sa mesa. Kahit nakakaramdam siya ng kaunting kaba sa presensiya ng mga taong hindi niya masyadong kilala, sinikap pa rin ni Andy na maibalik ang mga magagandang ngiting binibigay ng mga ito sa kanya.


“Hindi ko talaga akalain na tototohanin mo ang pagpunta rito Nhad.” Ang nakangiting wika ng isa sa mga ito na nagngangalang Rachalet.


“Nangako ako kay Ken na darating kami.” Ang tugon naman nito saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti.


“Sabi na nga ba’t `di lang siya isang simpleng bantay mo sa hospital, eh.” Ani naman ng madaldal na si Chelsa.


Ngiming ngiti ang ibinalik niya rito.


“Actually, sa pagiging bantay niya sa akin nagsimula ang lahat.” Ang magiliw namang pagku-k’wento ni Nhad sa mga ito. “Ngayon, ang puso ko na ang binabantayan niya.”


“Taray!” Ang naisambit naman ni Chelsa at Rachalet sa naging banat ng kanyang magaling na kasintahan. Habang ang mga lalaking kasama naman nila ay napasipol.


Ibayong kiliti ang kanyang naramdaman sa walang kyimeng pagyayabang ni Nhad sa kanya sa mga ito. Ganito ang matagal na niyang inaasam –ang may isang taong hindi siya ikakahiya sa madla.


“Pormal mo naman kaming ipakilala sa kanya.” Ang sabat naman ng isa sa mga lalaki na kung `di siya nagkakamali ay Jay ang pangalan.


Hindi pa nga pala siya pormal na naipapakilala ng kasintahan sa mga ito dahil simula ng makaupo sila sa mesang iyon ay hindi na ito tinigilan ng mga kaibigan. Masasabi niyang tunay ngang na-miss ng mga ito ang kanyang kasintahan.


Ipinakilala nga siya sa mga katrabaho ni Ken na minsan na niyang nakitang dumalaw sa hospital na sina Rachalet, ang boyfriend nitong si Rex, ang babaeng madaldal na si Chelsa at si Jay na nag-resign na raw sa pagiging call center agent.


“Sila naman, ang mga kaibigan ni Ken at Martin dito sa lugar namin. Bestfriends sila ni Jay. Si Lantis, dating nakasama ni Ken sa apartment. Si Nicollo na boyfriend na niya ngayon, at si Maki.” Patukoy naman nito sa apat na lalaki na kasama rin nila sa mesang iyon. Isa-isa siyang kinamayan ng mga ito.


“Actually lima kami.” Ang nakangiting wika ni Maki sa kanya. “Kaso, busy ngayon si Alex sa kanyang irog.”


Ngumiti na lamang siya rito bilang pagtugon. Hindi pa talaga siya gaanong komportable sa mga presensiya ng mga ito.


Ilang saglit pa ay nakita na niya si Kenneth na pabalik na sa kanilang mesa kasama na nito ang kasintahan na si Martin. Iniwan sila nito kanina sa mga kaibigan nito para hayaan muna silang makakain habang inaasikaso  naman nito ang iba pang bisita ng mga ito kasama syempre ang mga magulang ng dalawa.


Ibang-iba ngayon ang aura ni Ken kumpara noong makita niya ito sa hospital. Bakas sa mga mata nito kung gaano ito ngayon kakuntento sa buhay. Pasimple niyang binalingan si Nhad para tingnan kung ano ang reaksyon nito at doon niya nakitang nakangiti itong nakatingin sa papalapit na magkasintahan na para bang ayos na talaga itong makita ang dating minamahal kasama ang boyfriend nito.


“Nhad pare, mabuti dumating ka. Mag-iinuman tayon ngayon, ah.” Ang pagbati ni Martin saka siya nito binalingan ng may matamis na ngiting nakaguhit sa mga labi. “So, hindi ako nagkamali sa assessment ko sa inyo noon sa hospital. Hi Andy.”


“Hi.” Balik naman niyang bati rito sabay abot ng kamay nitong nakalahad sa kanya.


Ngayon niya nabigyan ng pansin ang lalaking ipinalit ni Kenneth sa kanyang kasintahan. Tulad ni Nhad, g’wapo at halatang galing ito sa may kayang pamilya. Maganda rin ang pangangatawan nito at hindi rin ito pahuhuli pagdating sa porma.


Bagay sila. Ang naikumento niya sa kanyang isipan sa dalawa. Tulad ng magkasintahang Lantis at Nicollo, may kakaibang dating sa kanya ang mga ito kapag magkatabi. Iyon bang parang sinadya talaga ng tadhana na maging kapareha ng mga ito ang isa’t isa.


Nang ilahad ni Martin ang kamay nito Kay Nhad ay agad naman iyong tinanggap ng kanyang kasintahan na nakangiti.


“Matt pare, ang ganda naman nitong bagong bahay ninyo.” Si Nhad.


“Ang mga magulang ko ang may pakana nito.” Ang nakangiti naman nitong tugon.


“Sabi nga sa akin ni Ken. So, does it mean na dito na kayo maninirahan sa lugar namin?”


“Narito ang trabaho ni Ken at dito namin naisipan ng pinsan ko na magtayo ng negosyo. So yeah, dito na kami maninirahan.”


“Ayos `yan.” Magiliw na sagot dito ni Nhad. “Si Kuya Claude ba ang magiging kapartner mo?”


“Yeah, si kuya Claude. Mas marami na siyang kakilala rito kumpara sa akin dahil sa restaurant nila ni kuya Lance.”


Pamilyar ang mga pangalan na pinag-uusapan ng mga ito sa kanya lalo na nang marinig niya ang tungkol sa restaurant kaya hindi niya naiwasang sumabat.


“Hindi naman siguro si Kuya Laurence at Kuya Claude Samaniego ang tinutukoy mo ‘di ba?”


“Sila nga. Kilala mo sila?” Ang tila naman hindi makapaniwalang naitanong sa kanya ni Matt.


“Mga kaibigan sila ng ate ko at pareho silang  ninong ng pamangkin ko.”


Lalong bumakas ang pagtataka sa mga mata nito.


“Don’t tell me you’re connected to one of the members of seventh bar?” Ngayon, bakas na ang amusement sa mga bata nito habang nakatingin sa kanya.


Medyo may pag-aalangan siyang tumango rito.


“Wow!” Naibulalas nito saka binalingan ang tahimik lang na nakikinig na mga kasama nila sa mesang iyon. “Kilala niya ang mga kaibigan ni Dave at Alex.”


“Kilala mo si Renzell Dave?” Ang tila hindi makapaniwalang naitanong sa kanya ng lalaking nagngangalang Nicollo.


“Siya ba ang Renzell Dave na nakilala ko nang sumama ako sa birthday ng ate mo? Yung kambal ni Attorney Dorwin Nivera?” Takang-tanong naman sa kanya ni Nhad.


Dahil hindi niya alam kung kaninong katanungan ang una niyang sasagutin ay napatango na lamang siya sa mga ito.


“Small world.” Naibulalas ni Lantis na agad namang sinang-ayunan ng mga kaibigan nito.


“Ngayon ko lang naalalang binanggit nga ng ate mo sina Kuya Laurence.” Ang naiwika sa kanya ni Nhad. “Hindi ko masyadong nabigyan ng pansin kasi masyado akong focus sa ’yo sa gabing iyon.” Dagdag pa nitong wika na nakangiti sa kanya


Inulan sila ng tukso mula kay Ken at Martin pati na rin ang mga kasama nila sa mesang iyon.



Dahil sa natuklasan ng mga ito na konektado pala siya sa mga sa mga taong malalapit rin sa mga taong kasama niya mesang iyon ay lalo lamang naging interesante ang mga ito sa kanya at unti-unti siyang naging komportable sa mga ito. Doon lang din niya napatunayan na kung gaano siya nagkamali sa naging assessment niya kay Kenneth. Hindi pala ito ang taong inaakala niya. Mabait ito at wala siyang mabakasang pagkukunwari sa mga ipinapakita nito sa kanya. Nhad was right, si Kenneth ang taong madaling mahalin at ngayon nakikita niya na kung bakit. It  was because of his natural kindness and his expressive eyes.


Nalaman din niya na naik`wento na pala siya ni Nhad dito. No wonder na comfortable siya nitong tinawag sa kanyang pangalan kanina. Nagpasalamat ito sa kanya sa ginawa niyang pag-aalaga kay Nhad and again, muli niyang narinig dito ang nagsusumamo nitong paghingi ng tawad kay Nhad.


Hindi rin matatawaran ang sweetness ni Nhad sa kanya sa harap ng mga kaibigan. Ramdam niya kung papaano siya nito ipagmalaki at kung papaano nito ipakita ang pagmamahal nito sa kanya ng walang pag-aalinlangan sa mga taong kaharap nila. Ayon kay Ken, iyon daw talaga ang tunay na Nhad. Sobra daw itong maalaga at malambing noon pa man, kaya naman nawala sa kanya ang agam-agam na sinasadya lamang nito iyon para ipakita sa dati nitong kasintahan na nakapag-move on na ito.


Nasa kasagsagan sila ng masayang pagkuk`wentuhan nang mag-ring ang kanyang cellphone. Agad naman siyang nagpasing-tabi sa mga ito at lumabas ng bahay para sagutin iyon.


“Bakit Miles?”  Ang bungad niya sa kaibigan.


“Nasaan ka? Nagpunta kami sa bar kanina pero sabi ng mga kasamahan mo hindi ka raw pumasok.” Ani naman nito sa kabilang linya.


“Nasa isang party. Kasama ko si Nhad.”


“Wow! Nagkabalikan lang kayo halos hindi na kayo mapaghiwalay. Saang party ba iyan?”


“Sa bahay ng ex niya.” May ngiti niyang wika.


“The hell?” Ang tila nagulat nitong turan.


“He finally moved on, Miles. Sa katunayan ang saya namin dito. Akalain mo bang konektado sa ate ko ang mga kaibigan ni Ken?”


“Mabuti naman kung gano’n pero sino si Ken?”


“Siya ‘`yong ex ni Nhad.”


“Ah.” Ang tila wala sa sarili nitong tugon.


“So, bakit niyo ako pinuntahan sa bar?” Pag-iiba niya ng usapan.


Bahagya muna itong natahimik sa kabilang linya.


“Miles?” Untag niya rito.


“We badly need your help, Ands.” Seryoso nitong turan.


“Sino iyang kausap mo?” Ang biglang pagsulpot ni Nhad. Bahagya pa siyang napa-igtad sa gulat.



“Nakakagulat ka naman, si Miles.” Tugon niya rito.


“Hinahanap ka na nila sa loob.” Seryoso ang mukha nito ni wala siyang nabakasang paglalambing sa boses nito na kanya ng nakasanayan.


“Mukahang nadisturbo ko `ata ang moment niyo. Sige Ands, tatawagan na lang kita bukas.” Ani naman ni Miles sa kabilang linya kasabay ng pagbaba nito ng tawag.


May pagtataka na lang niyang inialis sa kanyang tainga ang telepono. Gusto pa sana niyang itanong rito kung ano ang problema ngunit hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataon. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na humingi ng tulong sa kanya ang mga kaibigan na siyang lubos niyang ipinagtaka.


“I would really appreciate it if you can turn off your phone while you’re with me. Ayaw ko ng may ibang kumukuha ng atensyon mo kapag kasama mo ako. Your friends can wait.” Seryosong wika ni Nhad.


“P-Pasensiya na.” Ang nakayuko na lamang niyang tugon rito.


Isa ito sa mga pagbabago nito simula ng magkabalikan sila at malaman nito ang tungkol kay Jasper. Nawala ang tiwala nito sa kanyang mga kaibigan. SInubukan niyang kahit papaano ay magpaliwanag rito na hindi dapat nito padudahan ang kanyang mga kaibigan subalit nabigo lamang siya.


“Kaibigan sila ni Jasper. At sigurado ako na mas papanigan nila ang kaibigan nila kesa sa akin na bago lang nilang nakilala kaya wala na akong tiwala sa kanila.” Ang mga salitang binitiwan nito sa kanya.


Umaasa na lamang siya na darating ang araw na matutunan na rin nitong magtiwala ulit. Na magagawa niyang papaghimulin ang sugat na nilikha ng masama nitong nakaraan. He promised not to give up on him at iyon ang gagawin niya.




“Tara sa loob.” Aya nito sa kanya.


Nakabalik nga sila sa umpukan ngunit masyado na siyang binagabag sa kung anuman ang p`wedeng problema ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya naman magawang pumuslit ulit at tawagan ito dahil simula ng makabalik sila ni Nhad ay hindi na nito pinakawalan ang kanyang kamay na para bang sinasabi nito na hindi na siya p`wedeng tumayo.


Natapos ang inuman nila na halatang masayang-masaya ang kanyang kasintahan. Hindi na siya kumontra rito at ikinatuwa na lamang niya na tuluyan na nga nitong pinakawalan ang dating kasintahan. Siya naman ay nakapaggaanan na rin ng loob si Ken at ang mga kaibigan nito. In fact, nagplano ulit ang mga ito ng bonding sa darating na sabado at imbitado sila ni Nhad.


Habang tinatahak nila ang daan pauwi ay binasag ni Nhad ang katahimikang namayani sa kanilang dalawa.


“Doon ka na lang matulog ngayon sa bahay, babes.” Wika nito at iginaya ang kanyang kamay sa labi nito para bigyan ng isang masuyong halik. Mukhang nawala na ang sumpong nito.


“Hindi ba’t may trabaho ka bukas?”


“1pm pa naman.” Nakangiti nitong wika sa kanya. “Na-miss ko na kasi ang ginagawa natin kapag magkatabi tayo sa kama at na-miss ko na ang ipagluto ka ng lunch.”


Nahuli na lamang niya ang sariling sumasang-ayon dito. Mahirap talaga itong matanggihan kapag ganitong naglalambing na ito sa kanya. Isama mo pa ang katotohanang hinahanap-hanap niya na rin ang maramdaman na nasa loob niya ito.





Kinabukasan, agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang pagmulat niya ay ang g`wapong mukha ni Nhad ang kanyang mabungaran. Binigyan siya nito ng isang damping halik sa kanyang labi. Akala niya kanina, nanaginip lang siya na may humahalik-halik sa kanya.


“Wake up na sleepy head. Nakahanda na ang lunch natin.” Ang may paglalambing nitong wika sa kanya. “Napagod ba kita ng husto kanina?” Dagdag pa nitong wika.


Lalo lamang lumuwag ang kanyang ngiti ng ma-alala ang pinagsaluhan nila na lalong tumagal dahil sa naging epekto ng alak dito. Oo, halos abutin sila ng sikat ng araw dahil sa tagal nitong labasan dala ng alak. Ang akala nga niya ay hindi na sila nito matatapos.


“Hindi naman. Ayos lang.” Ang naisambit niya riito. “Ano ba ang linuto mo ngayon?”


“Yung paborito mo.” Nakangiti nitong turan sa kanya at sa muling pagkakataon ay binigyan siya nito ng masuyong halik. “Bihis kana. Naghihintay na sa atin si Lola sa hapag.”


Tulad nga ng sabi nito ay naroon na nga ang Lola nito sa hapag ng makababa sila. Magiliw naman siya nitong binati at inanyayahang umupo para kumain. Mabuti na lamang at hindi mahirap pakisamahan ang Lola nito at hindi rin ito nagtatanong patungkol sa pakikitulog niya roon. Matapos ang masarap na tanghalian at pakikipagk`wentohan sa Lola nito ay naghanda na ito para sa kanyang duty.


Nagpumilit pa rin si Nhad na ihatid siya sa kanyang apartment kahit anong tanggi niya. Nang tuluyan siyang makapasok sa kanyang apartment ay agad niyang tinungo ang kanyang k’warto para muling magpahinga nang maalala niya si Miles. Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone na naka-off at in-on iyon. Ilang saglit lang ay sunod-sunod na text galing kay Miles ang kanyang natanggap na halos pare-pareho lang ang laman at iyon ay kung nakauwi na ba siya.


Agad niya itong tinatawagan.


“Mabuti naman at nagparamdam kana.” Bungad nito sa kanya.


“Nag-lowbat ako, ngayon ko lang nagawang mai-charge ang cellphone ko.” Ang pagsisinungaling niyang tugon rito. Sa abot ng kanyang makakaya ay gusto niyang ilihim sa mga ito ang katotohanang pinagbawalan siya ni Nhad na i-on ang cellphone niya.


“Kaya pala hindi kita ma-kontak.” Ani naman nito sa kabilang linya.


“Ano `yong sinasabi mo kagabi?” Deretsahang pagtukoy niya rito sa kanyang pakay.


Narinig niya itong napakawala ng buntong hininga. Sa puntong iyon ay alam niya ng hindi basta-basta ang problema ng mga ito.


“Hindi ka na dapat namin piniperwisyo sa problema naming ito dahil kami naman talaga ang dahilan kung bakit nagkagulo ang lahat. Pero wala na kaming makitang ibang paraan, Ands. As much as I hated to admit it, hindi ko na alam ang gagawin. Kailangan na namin ang tulong mo bago pa mapatay ni Jasper ang sarili niya.”





Ilang minuto matapos nilang makapag-usap ni Miles sa telepono ay dumating ito sa kanyang apartment. Halatang masyado itong nababagabag dahil hindi man lang ito nagawang ngumiti sa kanya. Agad siyang sumakay sa kotse nito na agad naman nitong pinaharorot.


“Hindi namin siya p’weding iwan ng matagal because the last time that we did, he almost killed himself. Kung alam ko lang na ito ang kalalabasan ng lahat, sana hindi na lang kami nakialam. Hinayaan na lang sana namin kayo.” Miles said with so much regrets.


Alam niyang posibleng lumikha ng malaking gulo sa pagitan nila ni Nhad ang kanyang gagawing pakikipagkita kay Jasper dahil ipinagbabawal nito iyon sa kanya subalit hindi niya naman kayang hayaan na lang ang kaibigan.


“Ginawa na namin ang lahat para maipaliwanag sa kanya ng mabuti ang sitwasyon but he refuses to listen. Ang tingin niya sa amin ay mga kaaway niya.” Pagpapatuloy nito habang napapa-iling.


“Hindi ba’t parang mali yata kung ako ang haharap sa kanya? Baka lalong magwala iyon.” Ang may pag-aalala naman niyang tugon rito.


“He will listen to you.” Ang tila sigurado nitong wika.


“Papaano ka naman nakakasiguro?”


“Mahal ka niya. Maniniwala siya sa’yo.” Tugon nito sa kanya. “I’m sorry Ands, hindi dapat ganito ang kinalabasan ng lahat.”


Siya naman ang napailing.


“Malaking gulo ito kapag nalaman ni Nhad itong ginawa ko Miles.”


“I know Ands, I’m sorry.” Ramdam niya ang sinseredad nito.


Hindi na siya muli pang nagsalita. Hindi rin naman niya magagawang tumanggi. Kaibigan rin naman niya si Jasper at sa tingin niya siguro nga ay panahon na para tapusin ang lahat. Pero papaano kung hindi siya magtagumpay na maipaintindi rito ang lahat?





Nang huminto na sila sa tapat mismo ng bahay nina Jasper ay doon na siya talaga nakaramdam ng matinding kaba. May maitutulong nga ba siya rito o mas lalo lamang niyang palalalain ang problema? Doon na siya tila nakaramdam ng pagdadalawang isip. Kung tutuusin ay p`wedi pa siyang umatras pero ang problema ay hindi niya kaya. Hindi niya basta p`wedi na lang talikuran ang mga kaibigan.


Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay agad niyang nakita ang iba pa nilang kaibigan sa sala. Binigyan siya nang mga ito ng isang matamlay na ngiti tanda ng pagbati.


Ganito na ba talaga kalala ang lahat?


“Nasa k’warto siya. Ayaw niya kaming pagbuksan.” Wika ni Miles.


Napakunot ang noo niya rito.


“Don’t worry buhay pa siya. From time to time sinusubukan namin siyang katukin at nagagawa pa naman niya kaming sigawan kaya sigurado kami na humihinga pa siya.”


“Subukan mo siyang kausapin Ands. At least mapapayag lang natin siyang buksan ang k’warto niya.” Ang wika ni Marx.


Tumango na lang siya sa mga ito at tinungo ang k`wartong naging saksi noon kung papaano niya ibinigay ang lahat-lahat para sa taong wala siyang ibang hiniling kung hindi ang mahalin siya. Pero ngayong nabaliktad na ang takbo ng kanilang k`wento, ano ang mangyayari?


Tatlong mahihinang katok ang kanyang pinakawalan.


“Lumayas kayo sa pamamahay ko! Wala kayong mga k`wentang kaibigan!”


Napapikit siya nang marinig ang galit na galit na boses ni Jasper. Liningon niya ang mga kaibigan na nakatayo sa kanyang likuran. Huminga siya ng malalim para mabawasan ang matinding kaba na kanyang nararamdaman.


“Toper, si Andy `to. Bukasan mo ang pinto at mag-usap tayo.” May himig ng pakiki-usap niyang wika.


Nakarinig siya ng ingay sa loob ng k`warto nito hanggang sa marinig niya ang mabibigat na yabag sa loob papalapit. Ang sumunod na nangyari ay ang pagbukas ng pinto ngunit halos hindi siya makapaniwala sa taong bumungad sa kanya. He was not the same Jasper that he knew. Halatang napabayaan na nito ang sarili ngunit ang mas nakakabiglang nangyari ay nang bigla siya nitong hawakan sa kanyang kamay at hilahin papasok sa k`warto nito kasabay ng pagsarang muli ng pintuan.


“Oh shit! Andy!” Ang narinig pa niyang pagpa-panic ng kanyang mga kaibigan sa likod ng pintuan.




Itutuloy:

47 comments:

BrokenMe said...

Nice chapter! Napaka-intense naman nito. Ano kaya ang mangyayari? Ngayon, wala na akong idea sa magiging ending ng k'wentong ito.

Tungkol naman kay Nhad, i think masyado siyang paranoid. Parang bi-polar din siya dito which made me think kung ano ang kalalabasan ng kwento nila ni Andy. Sana nga lang hindi ito sad ending. Grats author zildjian!!!

Zildjian said...

Mamayang pagising ko na lang po i-edit ang mga maling gramar ko dito at typoa.. Di na talaga kaya ng mata ko. Churi!!

pip said...

second...hehehe..intense..isa na namng magandang chapter galing kay z..

patryckjr said...

RamdAm ko ang takot..... luv this part kuya.....

Anonymous said...

wahhh... bitin... nxt chap na poh.. ganda..

rayne

xheanne said...

kung mkakatarina ang peg ni andy , kung mkanatham amg peg ni jasper

Lawfer said...

kinakabahan aq sa mangyayari pag nlaman yan ni nhad x_x

kwawang andy, naiipit sa dalawang nag-uumpugang pogi

Anonymous said...

Intense chapter lalo sa last part... Ganda talaga ng story na ito at ang galing galing ng author... Genius! Saludo ako sayo... =)

Anonymous said...

jusko, rereypin niya si andy..hahahaha..go jasper! hahaha..yariin mo..

-J

--makki-- said...

waaaaaaah! hamabak! LOL uy! uy! anong gagawin ni Jasper? waaaaah wag naman sana LOL or baka hihingi ng last favor?! bwahaha nice one poy.. di mo pa yata na Proofread yung chapter mo hehehe.. :D

MARK13 said...

That was intense!!!


...,nice chapter kuya zild :)

Anonymous said...

Another great chapter to a very good writer. =)

Tommy said...

hala ka dian! nakakaintense naman ang susunod na chapter. @_@. speechless na ako. galing mo talaga zild! wala na akong idea sa finale nito. :D

Zildjian said...

Tinamaan na ako ng antok. Alas-singko na ako natapos gawin yan. Maya ko na lang proofread. Hahaha :D

jaycee mejica said...

HAPPY ANIIVERSSARY KUYA ZILDJIAN :))



Hala kailangan nang tulong ni Papa Nhad ! hahahaha Oh Shit Andy !

Anonymous said...

Masyado ng nagng selfish si Nhad, sobra na yung ginagawa niya ke andy...hindi kaya palstic lang ang naginf trato ni nhad sa harap nina ken and his friends kasi pag silang dalawa lang ni andy sobrang higpit niya..anung tingin niya pagaari niya si nhad..

nice one poy..

_iamronald

patryckjr said...

Naawa na rin me ke Jasper... But Im for Nhad.... Haisttt.... Sana lng dalawa puso ko..... este ni Andy pala.....hehehe

Zildjian said...

Wow! Poy na rin ang tawag mo sa akin? HAHAHA Tingnan lang natin kong ano ang kalalabasan ng kabaliwang ito ni Nhad at Jasper. Baka sa huli sila pala ang magkatuluyan lmao!

Anonymous said...

Shit! Hostage ako ni Jasper!!!


Nhad sorry hindi ako nagpaalam! :D


Nice zeke! I've been waiting for this chapter!! Haha!

ryan lee said...

Hoooooh intense nmn ung last part.....

lee said...

Nice chapter naman nito Z..ako ata naging inspirasyon mo dito eh..LOL! pero ang ganda, haiiizzzz.. Idol talaga kita..mwah! -Sater43 (",)

slushe.love said...

ano kaya ang magiging reaction ni Nhad about this at ano naman kaya ang ginawa ni Jasper kay Andy? :(

Lexin said...

heto yun eh!! at darating ang knight in a raging stallion para iligtas si andy.. booom!!! nakailang refresh pako dito mabasa lang,haha.. kahirap ng di maka-bug..wew..

kiero143 said...

anu kaya gagawin ni Jasper kay Andy...bkit kailangan pa nyang hilahin??hehehehe

may gawd sana naman walang mangyaring masama..hhahahahah

next chapter please author...nabitin ako hehehehe...(ting) baka nakita sya ni Nhad...hay naku...kaabang abang ang next one...hehehe

Anonymous said...

Weeeh. Nakahabol na ko. Ganda... Ganda... Drooling... Next na po. ;))

- don

nivz said...

kiel..nakakabitin nmn,,,asan n ang kasunod,,hehehe ganda nmn kwento....astig k tlga kiel..

Anonymous said...

Happy Anniversary sayo Kuya Zeke.
Lee

Paopi Lopez said...

Wow! Tigil hininga na lang ako. Sana maintindihan ni Nhad ang ginawa ni Andy.

Yhad S. Beucharist said...

haha!! ngayun lang ako nakaramdam ng ganitong kaba sa mga naging kwento mo, well, over all congratulations you did a very good job! haha!!




Beucharist!!!!!!!!!!!!!

foxriver said...

hala di na papalabasin ni jasper si andy sa room!!!!!patay! Warla si Nhad nito....next na!!!!

zenki said...

lagot....

nakahabol din ako sa story mo Mr. author...

musta na po...

Anonymous said...

lagot ka andy...bihag ka ngayun



jubert:|)

robert_mendoza94@yahoo.com said...

haist, another problem pag nagkaalaman. nkaka excite ang next chapter.

Anonymous said...

magulo sa 22o lang......................................ras&rj

Mr. Brickwall said...

Hey zild! hmmm...

tyak di mo na-miss comments ko. sa dami ng fans mo ba naman e.

bout sa story, i guess its time na din for Nhad to realize how childish his acts were towards their relationship. nakakaawa si andy, i think binigyan lang ulit ni nhad ng second chance ung kanila just to comfort himself. coz hindi na kaya ng ego nya na nasaktan at pwdeng iwanan na naman sya ng taong mahal nya and to tell the rest he's happy after ken matters. tsk3. un ay tingin ko lang naman. hahaha.

and bout jasper, sana di na mag-alinlangan si andy tapusin at ayusin lahat. sa totoo lang, i hate andy for abandoning jasper not as kalaro sa init but as his close friend. never compromise love over friendship.


pero i guess, soon every thing will fall to its proper places.

Anonymous said...

talk about getting this story even more exciting.. hahaha..

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

wahahaha...di pa pala ako ngcocomment...ayon....napakaposesive ni nhad ah....tsk tsk...ayan kasi...nasaktan ng maxado...di rin natin xa masisisi...wahahaha...hay na lang...i hate miles na...grb...di tinantya yung mangyayari...wahahaha...nic one zeke..hahah

-Berto-

Aeolus said...

Hmmmm.... Sana si Andy at si Nhad in the end...hehehe Too bad for Jasper....

Anonymous said...

I'm one of your anonymous readers and I'm finally breaking my silence. =)

Nakahabol na rin ako sa pagbabasa ng Bittersweet. Kaninang umaga ko lang siya nasimulan, hehehe.

Eto ang hula ko: Andy's gonna get raped. Tapos pag nalaman ni Nhad, akala niya kagustuhan din ni Andy ang mga nangyari. Sana makialam uli ang seventh bar guys pag nagkataon.

Pero I'm hoping mali ako. =)

- Edmond

Unknown said...

Hala kasi kasi naman nagpunta pa dun.. Wawa c nhad..

mncantila said...

kuya.. i cant wait for the next chapter.. so exciting.. i love Nhad and Andy...

Anonymous said...

intense chapter indeed. well i think something crazy will happen between jasper and andy inside the room that will put the latter's life in jeopardy. it will eventually make nhad realize how stupid he is for his mean treatment to andy because of his insecurities and feel the fang of fear that he might loose him.

nice chapter sir z! next na.. :)


blue fox

mncantila said...

still waiting for the next chapter.. hehehe

Anonymous said...

Ngayon ko lang narealize, THE RIGHT TIME story started a year ago grabe one year ko na palang sinusubaybayan ang iyong story hehehe ang galing galing.

KV

Anonymous said...

Wow galing mo author..

superb!

-Arvin-

Anonymous said...

Kuya bat ang tagal ng kasunod hehehe

Anonymous said...

tsk!tsk! I find it wrong na parang nagtetake-advantage na c nhad ke andy.lalo na ung pagbabawal nya pgdating sa mga kaibigan ni andy ng ilang bagay..and it's a big risk ke andy pg nlman ni nhad ung pkikipagusap nya ke jasper...and worse, anong nasa isip ng mokong na un na gawin ke andy???

-monty

Post a Comment