Unang sabak pa lamang ito nina Andy at Nhad mga kaibigan,
kapatid, kakosa, kabagang at kung anu-ano pang kabaliwan lol. Dito na po
magsisimula ang totoong kabaliwan sa k’wentong ito. Kaya sana ay ma-enjoy niyo
siya at hindi sana kayo ma-disappoint sa ginawa ko. I have my reason kung bakit
ganito ang kinalabasan ng Chapter 17 kaya i-enjoy niyo lang ang pagbabasa.
Gagawin ko ang lahat ma-satisfy lamang kayo sa nalalapit na ending nito.
Gusto kong pasalamatan ngayon ang 141 followers ko. Ang
babait niyo naman mga paps at naisipan niyo akong i-follow. HAHAHA Salamat ng
marami, ah. Sana yung iba rin mag-follow though walang pilitan `to,
nagpaparinig lang ako. Nyahaha.
Ay bago ko pala makalimutan, gusto ko lang i-welcome back si
Zenkie na muling napa-comment sa
akin kahit hindi ako sigurado kong siya ba ang zenkie na iyon. :D
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Gusto
mo bang tulungan ka naming magpaliwanag sa kanya?” Wika ng isa sa kanyang mga
kaibigan na si Miles.
Dumating ang mga ito sa kanyang pinagtatrabahuan ilang
minuto pa lang ang nakalilipas. Ikinuwento niya sa mga ito ang hindi magandang
nangyari sa pagitan nila ni Nhad at nag-alok naman ito ng tulong sa kanya.
Subalit alam niyang walang maitutulong ang mga ito sa gulo nila ni Nhad ngayon.
“Hindi na.” May bahid ng lungkot niyang tugon rito.
“Kung mahal ka talaga ng taong `yon, maiintindihan niya kung
bakit hindi mo agad sinabi sa kanya ang lahat.” Wika naman ni Keith.
Napabuntong-hininga siya. He knew better, nasira niya ang
tiwalang ibinigay sa kanya ni Nhad at ngayon dalawang araw na itong hindi
nagpapakita sa kanya. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hindi niya agad sinabi
rito ang kanyang damdamin noon para sa kaibigan.
Sa isang iglap lang, sinira ng isang tawag ang magandang
relasyon nila ni Nhad. Oo, tinawagan siya ni Jasper ng umagang iyon at sa kasamaang-palad
ay si Nhad ang nakasagot. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong mga sinabi rito
ni Jasper. Ang nasisiguro lamang niya ay kung papaano nito muling binuhay ang
galit kay Nhad.
Masakit para sa kanya ang mga paratang na binitawan nito sa
araw na iyon. Sinubukan niyang magpaliwanag pero lalo lamang iyon nagpadagdag
sa galit nito. Ayaw nitong maniwala na wala silang relasyon ni Jasper. Nhad
thought that he had been betrayed for the second time at hindi naging sapat ang
mga paliwanag niya dahil sa muli itong nagbalik sa pagiging sarado ang isipan,
galit, at punong-puno ng hinanakit.
“Nasaktan ko siya.” Sinisisi niya ang sarili sa mga
nangyari. Kung sana ay agad niyang sinabi rito ang lahat hindi sana sila aabot
sa ganito. Pakiramdam niya ay muli lamang niyang ibinalik si Nhad sa
kamiserablehan nito.
“Katulad ka rin ni
Ken, iiwan mo rin ako sa bandang huli!”
Napapikit siya ng maalala ang mga salitang binitiwan ni
Nhad. Kita niya sa mga mata nito ang pinaghalong galit at sakit na talagang
dumurog sa kanya. Dahil kahit anong gawin niya, hindi niya nagawang mapaniwala
ito na iba siya sa dating kasintahan nito. Na hindi niya ito iiwan dahil mahal
na mahal niya ito.
“It was not you who hurt him Andy.” Ang seryosong wika sa
kanya ni Miles. “It was his past.”
Miles maybe right, but he still can’t deny the fact na may
kasalanan rin siya kung bakit nasira ang relasyon nila ni Nhad. Hindi niya itong magawang sisihin dahil sa simula pa
lang ay alam niya na kung gaano ka-fragile ang kasintahan. Pero imbes na
protektahan at iwasan itong masaktan ay hayon, ginawa pa niya ang isang bagay
na may kahalintulad sa ginawa ng dating kasintahan nito –ang maglihim patungkol
sa kanyang nakaraan.
“Maiba ako. Nakausap mo na ba si Jasper?” Pagsabat naman ni
Zandro.
Umiling siya. Wala siyang balak kausapin ngayon ang isa pa
nilang kaibigan. Tama na muna sa kanya ang isang pasakit at baka hindi niya
kayanin ang lahat. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay may nararamdaman siyang
galit kay Jasper sa ginawa nito at sa kung anumang sinabi nito kay Nhad.
“Hindi mo siya matatakasan.” Ani naman ni Marx.
Alam niya iyon. Kilala niya si Jasper pero sa abot ng
kanyang makakaya ay gusto muna niya itong iwasan. Ayaw niya itong harapin na
may galit siyang nararamdaman para rito at baka kung ano pang hindi maganda ang
masabi niya.
“I’m sorry Ands.” Kapagkuwan ay wika ni Miles. “Hindi naman
mangyayari ang lahat ng ito kung hindi kami masyadong nangialam.”
“Hayaan na lang natin. Wala na tayong magagawa sa bagay na
iyan.” May pait niyang tugon rito.
Ilang araw pa ang mabilis na lumipas at sa bawat araw na
iyon ay wala siyang ibang iniisip kung hindi si Nhad. Gusto niya sanang
puntahan ito at muling subukang kausapin subalit natatakot siya na makita ulit
ang galit sa mga mata nito.
Sa mga araw din na nagdaan ay nagawa niyang hindi harapin o
kausapin man lang si Jasper. Nagpupunta ito sa bar na pinagtatrabahuan niya at
sa kanyang apartment, ngunit hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon na
makausap siya. Batid niyang nasasaktan niya ito sa kanyang ginagawang pag-iwas
pero para sa kanya, mas maganda na iyon kesa salubungin nito ang galit na
lalong umuusbong sa kanyang dibdib para rito habang tumatagal na hindi sila
nagkaka-usap ni Nhad.
Nasa mall siya sa araw na iyon. Dahil araw ng Linggo at wala
siyang trabaho ay doon niya naisipang ubusin ang oras para maiwasan ang
makapag-isip ng kung anu-ano na lalo lamang nagpapabigat sa kanyang damdamin at
para na rin maibsan ang pangungulila niya kay Nhad. Ngayon lamang niya napagtanto kung gaano na
niya kamahal ito. Kung mabibigyan lamang siya ng muling pagkakataon ay
sisiguraduhin niyang ipapakita niya rito kung gaano ito kahalaga sa kanya.
Habang pinagmamasdan ang mga taong masayang naglilibot sa
loob ng mall na iyon ay nag-ring ang kanyang cellphone.
“Bakit, Miles?” Ang bungad niya rito.
“Hello rin sa ‘yo.” Sarkastikong tugon naman nito sa
kabilang linya. “Asan ka Andrew Miguel?”
“Nasa mall.” Matipid niyang tugon.
“Hindi ka pa rin nagbabago. Diyan ka pa rin tumatakbo kapag
masama ang loob mo.”
Kilala na nga talaga siya ng kanyang mga kaibigan. Halos
alam na ng mga ito ang kanyang ugali.
“Ano ang atin Miles, bakit ka napatawag?” Pinili niyang
ibahin ang paksa.
“Wala naman, sinisigurado ko lang kung buhay ka pa.”
Imbes na maasar ay natawa pa siya sa tinuran nito.
“Huwag kang mag-alala, wala akong balak mag-suicide.”
“Sanabi mo `yan, ha. Anyway, if you need something feel free
to text or call us. Nandito lang kami’t abala sa pagtatago kay Jasper. The
unwanted sperm is trying to kill us for what we did.” He chuckled.
Walastik talaga ang mga ito. Imbes na matakot ay mukhang
nai-enjoy pa ng mga ito ang galit ni Jasper. Sabagay, hindi nga pala normal ang
mga kaibigan niya.
“Good luck na lang sa inyo kung gano’n. Sige na, inaabala mo
na masyado ang paglilibot ko.”
“Teka, isang tanong na lang. Wala ka pa bang planong
kausapin si Jasper, Ands?”
“Hindi pa ako handa.”
“Galit ka sa kanya?”
“Akala ko ba isang tanong lang?”
“Sagutin mo na lang. Galit ka ba sa kanya dahil sa nangyari
sa inyo ni Nhad?”
He let go a sigh.
“Oo.” Pagsasabi niya ng totoo.
“Hindi ka dapat nagagalit sa kanya, Ands. Kami ang may
kasalanan ng lahat.”
Alam niya iyon. Hindi kasalanan ni Jasper ang mga nangyari
pero hindi niya magawang hindi makadama ng galit dito. Siguro dahil hindi
maamin sa kanyang sarili na siya talaga ang nagkamali. He should have told Nhad
everything about Jasper bago pa man siya nakipagrelasyon dito.
“Kung hindi na talaga siya ang mahal mo harapin mo siya at
sabahin mo sa kanya ang totoo. Set the record straight to his face para madali
niyang magawan ng paraan kung papaano niya tatanggapin iyon.” Dagdag pang wika
nito.
“Madali para sa iyo na sabihin iyan dahil hindi ikaw ang
nasa sitwasyon ko.”
“Alam kong hindi madali pero, nakita mo naman ang nangyari
di ba? Habang pinatatagal mo ang lahat ay lalo lamang gumugulo.”
“Dahil pinagulo niyo ang sitwasyon para sa akin.” Ang hindi
niya na maiwasang panunumbat rito. “Kung sinabi niyo sana agad ang totoo, hindi
tayo aabot sa puntong ito.”
“Kung sinabi namin sa ’yo ang totoo, hindi mo malalaman na
kaya mo pa rin palang magmahal ng iba.” Maagap nitong tugon.
Hindi siya agad nakapagsalita because what Miles said was
true.
“Di ba tama ako Andy? Kung nalaman mo agad ang tungkol sa
pag-atras ni Jasper sa kasal, hindi mo na mabibigyan ng pansin si Nhad dahil
mauuwi ka na naman sa paninisi mo sa sarili mo. At alam ko na kahit malaman
mong hindi natuloy ang kasal ni Jasper, hindi mo pa rin siya babalikan. Wanna
know why? Because 3 years of suffering was already enough for you to forget
your feelings for him. Matagal mo nang binitiwan ang nararamdaman mo sa kanya
Andy. All you need is someone to help you realize that. And that someone is
Nhad.”
Again, Miles words hit him and put him into realization.
Kaya pala ang bilis niyang nahulog kay Nhad. Because his heart was already free
from Jasper.
“Ano ngayon ang gusto mong gawin ko?” Kapagkuwan ay
naitanong niya sa kausap na nasa kabilang linya.
“Harapin mo na siya. Once and for all tapusin mo na ang
paghihirap niyong dalawa.”
Ilang oras pa ang itinagal ni Andy sa loob ng mall na iyon.
Paikot-ikot lamang siya habang pinag-iisipan ng mabuti ang mga sinabi sa kanya
ni Miles. Nagtatalo ang kanyang isipan at puso kung ano ba ang dapat gawin at
kung may silbi pa ba iyon. He already lost Nhad, at sa totoo lang, unti-unti na
siyang nawawalan ng pag-asa na makakaayos pa sila na lalo lamang nagpapahirap
sa kanya na makapagdesisyon.
Pauwi na siya. Tuluyan ng nasakop ng dilim ang kalangitan. Ang
amoy ng panggabing hangin ay lalo lamang nagpapabigat ng kanyang damdamin. Nang
sa wakas ay pumara na ang kanyang sinasakyang jeep ay agad siyang bumaba. May
kalayuan pa ang kanyang lalakarin para marating niya ang kanyang apartment.
Ano ba ang dapat kong
gawin? Naitanong niya sa kanyang sarili.
Mahirap mang tanggipin pero tama ang kaibigan niya kanina.
Habang pinapatagal niya ang lahat ay lalo lamang nagugulo ang sitwasyon niya, where
in fact madali lang naman ang dapat niyang gawin iyon ay ang harapin si Jasper
at tapusin na ang kung anumang dapat niyang tapusin sa kanila.
Nasa gano’n siyang pagmumuni-muni habang naglalakad nang
maaninag niya ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa harap ng kanyang
tinutuluyan at ang taong nakasandal sa nakaradong pintuan sa may driver seat
nito. Agad na bumilis ang pagpintig ng kanyang puso.
“Nhad?” Ang halos pabulong niya sa hanging naisambit.
Habang papalapit siya ng papalapit ay lalo lamang niyang
napagtatanto na hindi nga siya nililinlang ng kanyang mga mata. Marahil ay
naramdaman nito ang kanyang presensiya dahil lumingon ito sa gawi niya.
“Saan ka nanggaling at ginabi ka?” Seryosong bungad nito sa
kanya.
Hindi siya agad nakapagsalita. Nhad is wearing an all white
uniform and he was dashingly handsome on it. Ito ang kauna-unahang pagkakataon
na nakita niya itong naka-uniporme.
“Tinatanong kita Andy, saan ka nanggaling?” Untag nito sa
kanya.
Doon lamang siya tila natauhan. Agad niyang binawi ang
kanyang composure na isa namang pagkakamali dahil nang matauhan siya ay kasabay
rin iyon ng pagsipa sa kanya ng katotohanan. The man who now standing dashingly
handsome in front of him ay ang taong tinanggihan ang kanyang paliwanag.
“Sa Mall.” Matipid niyang sagot.
“Anong ginawa mo roon, nakipag-date kay Jasper?” Bakas ang
pang-uuyam at pait sa boses nito.
Heto na naman ito at ang mga pamamaratang nito sa kanya.
“Nhad…”
“I don’t want to beg again Andy, nagsawa na ako sa
pagmamakaawang mahalin ako. Ginawa ko na iyon kay Kenneth and believe me, it
hurts like hell nang hindi niya ako mapagbigyan. Kaya ako nandito ay dahil may
gusto lang akong itanong sa ’yo. Isang tanong na nangangailangan ng isang
totoong sagot.” Kahit kalmado ay bakas naman sa mga mata nito ang tunay nitong
naramdaman. He’s hurting inside, kita niya iyon sa mga singkitin nitong mata.
“A-Ano iyon?” Ang nagpipigil niyang mapaluhang wika. Parang
pinupunit pira-piraso ang kanyang puso sa nakikita niyang pait at sakit sa mga
mata nito.
“Minahal mo ba ako?”
Iyon ang mga salitang tuluyang dumurog sa kanyang puso.
Aaminin niyang may reservation ang pagmamahal niya rito simula nang maging
sila. Natatakot kasi siyang masaktan at magamit ulit. Pero habang
pinuprotektahan niya ang sarili ay wala siyang kamalay-malay na tuluyan na
nitong nasakop ang kanyang puso.
“I’ll take that as a no.” Wika nito sa kanya nang hindi siya
makatugon. Akmang bubuksan na sana nito ang pintuan ng sasakyan para siguro
umalis ng magsalita siya.
“Walang namamagitan sa amin ni Jasper, Nhad. Ikaw ang mahal
ko, at ikaw ang gusto ko.”
“Sabihin na nating totoo iyan. Wala kayong relasyon ngayon
pero paano bukas o sa makalawa? Tulad ni Ken, once you realize na hindi ako ang
mahal mo, iiwan mo lang ako.”
“Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin
Nhad?” He helplessly asked. Wala na siyang alam na ibang dahilan para
mapaniwala ito.
“Hindi ko alam. Because as much as I wanted to believe you,
hindi na maaalis sa akin ang pangamba ko na iiwan mo pa rin ako sa bandang
huli.” Nhad said.
“Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon.” Desperado na kung
desperado pero wala na siyang ibang maisip. “Ipaparamdam ko sa ’yo na ikaw ang
mahal ko. Please Nhad, ako na ngayon ang nagmamakaawa sa ’yo, bigyan mo ako ng
pagkakataon. Gagawin ko ang lahat.” At doon na niya tuluyang pinakawalan ang
mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak. Hindi niya kaya ang mawala ito,
dahil ito ang kaligayahan niya. He’s willing to do everything para lamang
makuha niya ulit ang tiwala nito.
Kanina pa halos ma-praning si Andy kung ano ang isusuot
niya. Hindi siya p’wedeng magmukhang ewan sa party na dadaluhan. Actually,
hindi naman siya ang tipong baduy manamit lalo pa’t kahit gaano ka-simple ang
kanyang suot ay hindi siya nagmumukhang ewan.
Nasa kasagsagan siya ng paghahalungkat ng kanyang maliit na
cabinet nang mag-ring ang kanyang cellphone. Mabilis pa sa alas-kwatro niya
itong hinalungkat sa kanyang kama dahil natabunan ito ng mga nagkalat niyang
damit na pinagpipilian. Wala na sigurong mas pa-praning pa sa kanya sa mga oras
na iyon.
“Hello?” Agad na bungad niya na may nakaguhit na ngiti sa
kanyang mukha.
“Ang tagal mo namang sumagot.”
“Sorry naman, natabunan ng mga damit ko itong cellphone ko,
eh. On the way ka na ba?” Excited na talaga siyang makita ito kahit pa man
mag-aapat na oras pa lang silang naghihiwalay.
“Yep, on the way na ako. Nakapagbihis ka na ba?”
“Ayon nga ang problema ko, hindi ko alam kung anu ang isusuot
ko.” May himig ng pagpapa-cute niyang sabi.
He heard him chuckled before he spoke again.
“Anything will do babes. Hindi naman formal party ang
pupuntahan natin kaya kahit ano ay p`wede mong isuot.”
Para siyang kiniliti sa singit nang muling marinig ang
endearment nito sa kanya.
“Gustong-gusto ko talaga kapag tinatawag mo akong babes,
kinikilig ako.” Parang timang niyang wika rito.
Again, he heard him laugh out loud. Halatang wiling-wili ito
sa kanyang ka-praningan na siya namang lalong nagpapasaya sa kanya. Nhad gave
him his chance with one condition. Bawal siyang makipag-usap o makipagkita man lang
kay Jasper na hindi ito kasama. Isang kondisyon na nahirapan siyang sundin
dahil wala pa ring tigil si Jasper sa kasusubok na makausap siya.
Ikinatutuwa niya na walang masyadong nagbago sa kanilang
relasyon maliban lamang sa paminsanang pagiging mapaghinala nito. Hindi niya
ito masisisi, nawala ang tiwala nito sa kanya at iyon ang gusto niyang maibalik
kaya ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya. He wanted to secure him with
his love.
Ilang minuto pa ay dumating na ito sa kanyang apartment. And
again, natulala na naman siya sa kakisigan nito. Ang gwapo nitong tingnan sa
suot nitong yellow v-neck t-shirt na
hapit sa katawan nito na pinarisan naman ng itim na pantalon at casual
shoes.
Agad siya nitong binigyan ng halik ng salubungin niya ito sa
may pintuan ng kanyang apartment.
“Ang g’wapo ng babes ko, ah.” Puri niya rito.
“Sige, bolahin mo pa ako at gusto ko iyan.” Nakangisi naman
nitong tugon. “Tara, kanina pa sila naghihintay sa atin.”
“Sure ka ba na ayos lang na sumama ako roon?” Ang biglang
tinakasan naman ng confidence niyang naiwika rito.
“Alam nila na kasama kita. Excited na nga silang makilala ka,
eh.” Nakangiti naman nitong pag-encourage sa kanya.
“Eh itong suot ko, ayos lang ba?”
Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago
siya nito muling kinantilan ng halik sa labi.
“You look great and cute as always.” Nakangiti nitong wika.
“Sure ka?”
“Yep!” Saka nito in-on ang makina ng sasakyan.
Ilang minuto lang ang kanilang linakbay at nasa tapat na
sila ng isang may kalakihang bahay. Halatang bagong renovate ito. Dito
gaganapin ang party na dadaluhan nila ngayon at kailangan pa niyang um-absent
mapagbigyan lang ang kasintahan sa hiling nito na sumama siya. Though kahit
hindi siya nito inaya ay sasama pa rin siya sapagkat ito ang bagong bahay ng
dati nitong kasintahan.
Kaya siya hindi magkanda-ugaga kanina kakahanap ng matinong
maisusuot dahil gusto niyang maipagmalaki siya ng kasintahan. At para na rin
maipakita sa ex nito na hindi pipitsugin ang bagong boyfriend ng dati nitong
ex.
“Let’s go?” Wika nito nang patayin na nito ang makina at
sabay silang bumababa ng sasakyan.
Marami na ang tao sa loob. Ayon kay Nhad, regalo raw ang
bahay na ito ng mga magulang ni Martin para sa dalawa at ngayon ang araw na
lumipat ang mga ito rito mula sa pangungupahan sa isang apartment kaya
nagpa-party ang mga ito.
“Sabihin mo nga ulit sa akin ang rason kung bakit tayo
nandito at nakiki-party sa ex mo?” Naitanong niya. Hindi kasi niya maiwasang
magtaka kung ano ang pumasok sa kokote ng kanyang boyfriend at pumayag itong
dumalo sa party ng dati nitong kasintahan.
“Wala naman. Naisip ko lang na it’s about time na
makipagkaibigan na ulit ako sa kanila. Wala na akong rason para hindi, masaya
na ako sa buhay ko ngayong narito kana. Unless ––.”
“Unless iiwan kita at sumama ako kay Jasper tulad ng ginawa
sa ‘yo ni Ken.” Siya na mismo ang nagpatuloy sa walang kamatayan nitong
dialogue.
“It’s possible right?”
Heto na naman ito. MInsan talaga ay hindi na niya alam ang
gagawin kung papaano niya aalisin ang mga pangamba nito. Nakakasama minsan ng
loob sa tuwing pinagdududahan o kinukuwestiyon nito ang kanyang nararamdaman
pero wala siyang magagawa kung hindi ang hintaying dumating ang araw na
ipagkakatiwala ulit nito sa kanya ang puso niya.
“Tara na sa loob at maki-party na tayo.” Ang naiwika na lamang niya.
Halos hindi magkamayaw ang kaba ni Andy nang tuluyan na
silang makapasok sa bagong bahay nina Ken. Agad na nahagip ng kanyang mga mata
ang mga pamilyar na tao na minsan na niyang nakita sa hospital.
“Nhad my love!” Wika agad ng mga ito na kung hindi siya
nagkakamali ng pagkaka-alala ay Chelsa ang pangalan nito. Agad sila nitong
sinalubong at mahigpit na yumakap sa kanyang kasintahan. Natawa pa siya nang amuy-amuyin
nito na parang aso si Nhad. Kung hindi pa ito hinahablot ng isang kasama nito ay hindi pa nito
pakakawalan ang kanyang kawawang kasintahan.
“You’re harassing him Chelsa.” Ani ng babaeng humablot dito.
“Mabuti naman at dumating na kayo Nhad, kanina pa naghinhintay sa inyo sina
Matt at Ken.”
Napakamot naman sa ulo ang kanyang kasintahan.
“Pasensiya na kung na-late kami.”
“Walang pasi-pasensiya. Hindi ako tumatanggap niyon.” It was
Kenneth. Mukhang agad sila nitong napansin. Sabagay, sino ba sa loob ng bahay
na iyon ang hindi makakapansin sa kanila sa naiibang klase ng pag-welcome ng
babaeng si Chelsa.
Bumaling sa kanya si Kenneth na nakangiti. Ngayon niya
napatunayan kung bakit halos mabaliw ang kasintahan niya rito. Maaliwalas at
maamo ang mukha nito, isama mo pa na maganda rin itong ngumiti.
“Hi, Andy.”
Nagulat siya sa natural na pagtawag nito sa kanyang
pangalan. Hindi naman sa ito ang una nilang pagkikita pero hindi pa sila nito
pormal na nakakapagkilala.
Itutuloy:
27 comments:
Was about to go to sleep na sana, but when i clicked the refresh button, bigla nawala antok ko! great post as usual Mr. Z! Can't wait for the next one.
-Sie
HMMMMpt!!! next na agad? kilig nman ako sa part na e2...
will ganyan tlga ang pag ibig.. mayroong selos at kilig.. wehhhhhhhh.... di nga?? hahahahahhaha
next na agad yan..
i think nhad is up to something...
paranoid si nhad...
good at binigyan sya ni NHAD ng second chance. next chapter na ule. he he he he
ayown!
ms ok to, malaman, unlike the prev na nabitin tlaga aq lol
thanks ampalaya and sleep well :)
ganitong scenario ang mga gusto ko, sana pagselosan ni nhad c andy. Ahaha
marky
Alam na alam k yung nararamdaman ni Nhad. :'(
nkakatuwa.. :D
i think nhad must see a psychiatrist kasiparang me tama na siya..sobrang praning na siya dahil lang ba sa past niya nagagawa niya sa tao yung ganun...and for andy naman, masyado na ba siyang martir at gagawin niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig...at mukang me balak nga ata si nhad sa pagdala niya ke andy sa party nila ken..
nice zeke....next na kagad..
_iamronald
yey. nicely done zeke! :) haha. drama ni nhad, pero we can't blame him, kasi nandun na ung fear na baka maulit lang na iwanan siya. next na! haha.
speechless,pero php code pumapasok sa isip ko, nice one kuya zild... next na po
Bumawi si author... Hehe medyo disappointing kc yung last chapter na parang kasisimula lang ng romance ng dalawa bigla ng nasira... Anyways, galing neto... Bilib ako sayo... Tuloy, can't wait for the next chapter... =)
ang hirap ng ganyan...ang mawala ang tiwala ng partner mo....
next chapter na hehehe...
The Past meets the Present ang peg ?? hahaha I love this chappje :))
Cant wait sa pagtatagpo ni jasper at nhad...hmmmmm nice nice mr Z.
-rom-
At ang inaantay kong chapter.. bow.. nice nice...
wow...bkt kaya ang praning ng mga tao ngayon...hahaha...ang adik ni nhad...insecure talaga...hahaha...si andy ngmamartirmartiran nanaman...wahaha...nice one zeke...hahaha
-Berto-
waaaaaaaaaahh! Nice one poy! Dope!
hmmmm.... I think eeksena n SI Jasper sa next chapter...hehehe next n poh... Thanks for the very good story Mr. Author...:)
let me guess..bisita din nila si jasper sa party na ito kung kayat may bugbugan, sampalan at another round ng iyakan..tama? Z...
galing u talaga Z at mabait pa
hmm... magcocomment na nga ako, LOL! Hi Z, astig ka talgang bata ka, kaya idol na idol kita eh! as expected ang galing ng kinalabasan.. ako ba inspiration mo niyan kagabi? hahahaha! sana makipagchat kna ulit samin..mwah! ;)
Ganda po Kuya Zeke.
hanu ba yan..kakainis na si nhad ha..may issues sa buhay..kakainis na talaga..
-J
hi kiel,,,galing mo tlga...next chapter n...hehehe
andy walang nmng kagugulat gulat sa pag hahihi ni kenneth para kang ewan..............................sana kau nlang ni jasper kung wla ka nmn kc gusto dti kay jasper bkit ka pumatol sa kanya................................rj
wow.. excited na ko sa next chapter ^_^
i think nhad has this tendency na maging dependent sa past nya...tama c andy,,nkakasama ng loob kung un ang madalas nitong dialogue sa knya...dpat makita ni nhad un...it can spoil everything kc he'll lose his trust lalo kay andy...
Pero parang may mali...di kaya c nhad nmn naun ang mangggmit just to prove something ke ken at pra mkaganti ke andy??hhmm..la lang..haha
-monty
Post a Comment