Saturday, August 11, 2012

Bittersweet Chapter 13



Model: James
Created with the help of: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Author's Note:

Pasensiya na sa mga taong nainis dahil sa sobrang tagal ng kanilang paghihintay sa chapter na ito. Unang-una, kinailangan ko pa siyang ulitin mula sa umpisa dahil hindi ko nagustohan ang unang chapter 13 na gawa ko. At pangalawa, hindi biro ang haba ng chapter na ito kaya hindi ko siya natapos agad kaya sana naman ay maintindihan niyo si ako.

Pasasalamatan ko nga pala si James, na siyang magbibigay mukha sa karakter ni Nhad. Isa siya sa mga readers ko na napakabait para pumayag na gamitin ko ang mukha niya. Hihihi. 

Malapit na tayo sa climax ng k’wento at naway hanggang sa huli ay ma-enjoy niyo ang kwento ni Nhad at Andy. Sabay-sabay nating alamin kung bakit pinamagatan itong Bittersweet.

Lexin – Babatiin ulit kita dito! Hahahaha Kamusta ka? Kamusta ang buhay buhay diyan sa planet mars? LOL (May masabi lang ‘no?” XD


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Napakislot siya ng dumapi ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga. Animoy para siyang kinuryente ng ilang boltahe.Gano’n katindi ang naging epekto ng mainit na hininga nito sa kanya.


“Totoo ‘yon. Noon pa man ay gustong-gusto ko na kapag kumikislap ang mga mata mo sa tuwing pupurihin kita. Kaya nga palagi na akong pumupunta sa bar na pinagta-trabahuan mo, eh.” Pagpapatuloy nito na nilakipan pa ng nang-aakit na ngiti.


Hindi niya alam kung papaano magre-react dahil hindi niya alam kung seryoso ba ito sa mga sinasabi nito o sadyang malakas lang ang trip nito. Pero ayaw niyang mapahiya. Ayaw niyang makita nito na tinablan siya sa mga pang-aakit nito sa kanya kaya naman pabiro niyang hinampas ang braso nito.


“I-Ikaw talaga ang lakas mo talagang bumanat.” Ang hindi niya maituwid-tuwid na wika rito dala ng matinding pagkalabog ng kanyang puso.


Nalintikan na!


“Hindi ako bumabanat ngayon, Andy. Sinasabi ko lang ang matagal ko nang hindi masabi-sabi sa’yo dala ng palagi akong nauunahan ng hiya. I’m fascinated with that glimmer in your eyes. Dahil sa tuwing nakikita ko iyan, gumagaan lalo ang pakiramdam ko at tumitibok ang puso ko ng tulad nito.” Sabay gaya nito ng kamaya niya sa dibdib nito.


Ramdam nga niya kung gaano kabilis ang tibok ng puso nito na para bang katatapos lang nitong tumakbo ng ilang kilometro. Pero siguro ay dala ng magkahalong kaba at kakaibang damdaming sumasakop sa kanya sa mga oras na iyon ay maagap niyang inilayo ang palad niyang nakadampi sa dibdib nito.


“Nhad, huwag kang ganyan. Alam natin pareho ang dahilan kung bakit biglaan tayong naging malapit sa isa’t isa.” Ang pagpapa-alala niyang wika rito sa rason kung papaano sila nauwi sa gano’ng estado.


Ngumiti ito sa kanya, iyong ngiting palaging gumugulo sa kanyang buong sistema. Mukhang wala talaga itong balak na tantanan siya at talagang nakakabaliw ang ginagawa nitong lantarang pang-aakit sa kanya.


Lasing na siguro ito.Naiwika niya sa kanyang sarili habang hindi pa rin nagpapalit ang ekspresyon ng kanyang mukha at iyon ay ang pagkakunot ng kanyang noo.


“Oo nga. Dumikit ako sa’yo dahil kapag kasama kita nawawala sa isip ko lahat ng problema ko. Napapagaan mo ang damdamin ko ng walang kahirap-hirap.” Ang wika nito.


“Exactly.”Maagap naman niyang wika. “Kaya alam ko na hindi p’weding mahu ––”


“At dahil ikaw ang pumapalis sa mga masasamang nakaraan ko, hindiimposibleng mahulog ako sa’yo di ba?” Pagputol nito sa kanya na para bang wala itong interes sa iba pa niyang sasabihin. “You are my cure Andy and you’re the reason why I’m still here in this world. Hindi mo ba naisip na baka sinadya ng pagkakataon na pagtagpuin tayo ulit sa isang sitwasyon na pareho nating hindi inaasahan?”


“Hindi ko gusto ang pupuntahan ng usapan nating ito Nhad.” Hanggat kaya niya pang supilin ang kanyang damdamin ay gagawin niya. Mahirap iyon sapagkat ang taong umaakit sa kanya ngayon ay ang tao ring minsan nang pumukaw ng kanyang interes.


“Bakit, saan ba sa tingin mo patutungo ang usapang ito?” Wika nito sa nang-aakit na boses na nilakipan pa nito ng isang kindat.


Lalo lamang siyang nag-panic at lalo lamang nagrigodon ang kanyang puso.Iniisip niyang kapag nagpatuloy pa ang gano’ng klaseng usapan nila ay `di malalayo’t tuluyan na siyang bibigay.Kaya bago pa iyon mangyari ay humakbang siya paatras dito.


“Lasing ka lang Nhad.” He said. Wala siyang balak magpadala sa mga salita nito dahil alam niyang hindi pa ito handa sa isang relasyon. “At sigurado akong bukas pagkagising mo, hindi mo na maiisip ang mga sinabi mo sa akin ngayon. Excuse me, CR lang ako.” Saka niya ito iniwan na hindi na hinahayaan pang makapagsalita.


Nang marating niya ang banyo sa loob ng bahay ay agad niyang binasa ang kanyang mukha. Nagbabakasakaling sa pamamagitan niyon ay mawawalang parang bula ang hatid na damdamin ng mga narinig niya sa lalaking wala na yatang ibang alam kung hindi gulatin siya ng todo.


Aaminin niya.Hati ang kanyang nararamdaman. Dahil kahit pa man ilang araw pa lang silang nagkakasama ng lalaking kinabog ang kanyang sistema ay hindi niya maitatanging bumabalik ang pagkagusto niya rito lalo pa’t napaka-lambing nito sa kanya isama mo pa ang mga banat nitong walang katulad. Pero, may isang bahagi naman sa kanya na nagsasabing hindi siya p’weding umasa. Siguro dahil natatakot siyang masaktan.


Oo, hindi ako p’weding umasa sa kanya at lalong hindi ako p’weding mahulog sa isang iyon.Naiwika niya sa kanyang isipan saka muling binasa ng tubig ang kanyang mukha. Tama lang ang ginawa ko, hindi pa siya handa at hindi pa ako handang masaktan ulit kung sakali.Pangungumbinsi pa niyang lalo sa sarili.


Mukha namang nakatulong sa kanya ang ginawang paghihilamos para ma-relax ang kanyang sarili. At nang matapos niyang punasan ang kanyang mukha ay lumabas na siya ng banyo para balikan si Nhad. Hindi naman tama na iiwan niya na lang ito basta-basta.


Nang makabalik siya sa labas kung saan naroon ang mga bisita ay napansin niyang tapos nang tumugtog ang banda at naghahanda na ito para sa pangalawa nitong set. Binalingan niya ang mesa kung saan sila kanina lang nakap’westo ni Nhad at nakita nga niya ito subalit hindi na ito nag-iisa tulad ng kanyang inaasahan. Masaya na itong nakikipagtawanan sa mga kumpare ng kanyang dakilang kapatid.


Bago tuluyang lumapit sa mga ito ay nagpakawala muna siya ng buntong hininga saka nagplastar ng ngiti sa kanyang mukha. Doon naman siya magaling, sa pagtatago ng kanyang tunay na damdamin.


“Narito na pala ang babes mo.” Ang nakangiting wika ng kanyang kuya Red habang sa kan’ya napatingin.


Ano daw?


“Ayos pala itong boyfriend mo Ands, kalog din tulad namin.” Ani naman ng kanyang kuya Rome.


“Boyfriend?”Takang tanong naman niya.“Sinong boyfriend?”


“Siya.” Ang nagkakaisang wika naman ng mga ito sabay turo sa ngingisi-ngising si Nhad.


“Unang tingin ko pa lang talaga sa inyo kanina alam ko nang hindi lang kayo magkaibigan, eh. Bakit niyo pa kasi kailangang itago, eh ayos lang naman sa amin iyon. Suportado namin ang relasyon niyo.“Wika ng kanyang kuya Ace.


“Hindi po kami mag-boy ––”


Di na niya naituloy ang kanyang iba pang sasabihin dahil muli, inakbayan na naman siya ng lalaking  sa mga oras na iyon ay halata sa mga mata ang pagkagiliw.


“Babes, medyo tinamaan na ako.Saan ba tayo matutulog?” Wika nito sa kanya na nilakipan pa nito ng pagpapapungay ng mata.


Anak ng tinapa! Ano ang pinagsasabi nito?


“Malamang napagod ka sa pagmamaneho ‘no?” Pagsali naman ng kanyang kuya Dorwin saka nito binalingan ang kasintahang naka-akbay rin dito.“Mahal, puntahan mo si Angela at sabihin mong gusto ng magpahinga nitong si Andy at Nhad.”


Agad namang tumalima ang kanyang kuya Red at nang makabalik na nga ito ay bibit na ang kanyang dakilang kapatid habang naka-alalay naman rito ang kanyang bayaw.


“Anong nangyari sayo?”May pagtataka niyang naitanong rito.


“Sampalin kaya kita ng alak na gawa mong beki ka nang malaman mo kung gaano kalakas ang tama niyon.” Nakairap namang tugon nito sa kanya. “Umiikot na ang mundo ko. Hon, dalhin mo na ako sa k’warto.”


“Buti nga sa’yo. Sugapa ka kasi sa alak kaya ‘yan ang napala mo.” Ani naman ng kanyang kuya Ace na sinigundahan naman ng kanyang kuya Dave.


“Tigil-tigilan niyo ako’t masakit na ang ulo ko.” Nagbabanta naman nitong wika sa dalawa saka ito bumaling sa kanilang dalawa. “Kaloka! Akbayang walang humpay! Sumunod na kayo sa amin kung gusto niyo ng magpahinga.”


“Mga pare, hatid ko lang itong asawa ko.” Pagpapaalam naman ng kanyang bayaw sa mga kaibigan nito.


“Nhad pare, yung usapan natin, ah.” Ang ngakangiti namang wika ng kanyang kuya Red na tinugon naman ng magaling nalalaki ng isang tango at ngiti.


Kailan pa sila naging close?


Tuluyan na nga nilang tinungo ang loob ng bahay habang hindi pa rin inaalis ang pagkaka-akbay sa kanya ni Nhad. Palihim niya itong siniko para sana sawayin ito pero hindi nagpatinag sa kanya ang loko. Saktong pagkapasok napagkapasok nila sa loob ng silid na nakalaan para sa kanilang dalawa ay siya na mismo ang nagtanggal ng kamay nitong naka-akbay sa kanya.


“Anong pinagsasabi mo sa mga iyon?”Nang-aakusa niyang tanong rito.


“Wala.” Nakangisi naman nitong tugon sa kanya.


“Wala? Kung gano’n bakit biglang naging magkasintahan at bakit babes ka ng babes sa akin? Ang lakas mo ring makapang-trip ‘no?”


“Aba malay ko. Sila ang nag-assume na magkasintahan tayo. Sumakay lang ako.” Hayon na naman ang pilyong ngiti nito na talagang malapit na niyang kainisan.


“Bakit mo `di itinama?”May diin at halatang nagpipigil niyang tanong rito. Ewan ba niya, di naman siya gano’n kadaling mapikon pero sa nakikita niya ngayon dito na parang nananadya ito ay talagang nagpapakulo ng dugo niya. Isama mo pa’t kilala niya ang mga kaibigan ng kapatid niya. Malamang bukas, alam na ng ate niya ang tungkol sa kalokohan nitong isang `to at paniguradong uulanin siya ng tanong ng kapatid.


“Bakit ko naman itatama? Eh gusto ko‘yong ideyang boyfriend kita.” Nakangiti pa rin nitong tugon sa kanya. “Ikaw ba, ayaw mo bang maging boyfriend ako?Sabi nga nila bagay daw tayo.”


Halos mapa-palatak siya. Suko na talaga siya sa lakas nitong humirit. At nararamdaman na niyang malapit na siyang bumigay lalo pa’t nakaplastar na naman ang kinagigiliwan niyang ngiti nito. Kaya bago pa siya tuluyang madala sa mga salita nito ay pinutol na niya ito.


“Lasing ka lang Nhad, itulog mo iyan at bukas babalik ka rin sa tamang huwisyo.” Wika niya at akmang tutunguhin na sana niya ang higaan para doon sumapa ng pigilan siya nito at pihitin papalapit dito. Ang sunod na lamang niyang naramdaman ay magkahugpong na ang kanilang labi.


Hindi siya agad nakakilos dala ng pagkagulat. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito habang nito naman ay agresibo siyang hinahalikan hanggang sa wala na siyang nagawa. Tuluyan na nitong naibuka ang kanyang mga labi at ang malala pa, ay nadala na rin siya, sa halik nito.


“Ganito ba humalik ang isang lasing?” Hinihingal nitong naisambit nang sa wakas ay maghiwalay ang mga labi nila. “God! Such a good kisser you are Andy.”


At doon na siya parang binuhusan ng napakalamig na tubig. Ipinagkanulo siya ng kanyang pinipigilang damdamin dito dahilan para wala sa sarili siyang gumanti ng halik. Dala ng ibayong hiya ay dali-dali siyang padapang sumampa sa kama. Narinig pa niya itong napahagikhik subalit wala na siyang lakas ng loob na muli pang balingan ito.





Hindi na namalayan ni Andy na nakatulugan na pala niya ang hindi inaasang pangyayari kagabi. Kung hindi pa siya nakakaramdam na may mabigat na bagay na nakayakap sa kanya ay hindi pa siya magigising. At nang inimulat niya ang kanyang mata ay siya namang kanyang ikinagulat ng husto.


Nakayakap sa kanya si Nhad, habang siya naman ay nakayap rin dito. Ngunit hindi lang iyon, wala itong suot na pangitaas. At ang malala pa ay sobra ang pagkakadikit ng kanyang mukha sa matipunong dibdib nito. Amoy na amoy niya ang pabangong ginamit nito na dahilan para matuyuan siya ng laway.


Maingat at halos pigil ang paghinga niyang tinanggal ang pagkakayakap nito sa kanya. Ayaw niyang magising ito dahil paniguradong isang malaking kahihiyan kung makikita nito ang pamumula ng kanyang pisngi at ang matinding panginginig ng kanyang tuhod sa hitsura nila sa umagang iyon. Nagtagumpay naman niya at mabilisang inilayo ang mukha sa dibdib.


Nang sa wakas ay nakatayo na siya ay doon lamang siya tuluyang nakahinga. Kumakalampag na rin ng husto ang kanyang puso sa matinding kaba. Hindi niya maiwasang hindi ito pakatitigan. Napakaamo ng mukha nito habang natutulog isama mo pa ang nakakapanghinang hubog ng katawan nito. Broad shoulder, powerful chest, at ang flat belly nito na kahit walang abs ay hindi naging hadlang para hindi siya mag-init at manuyot ang kanyang lalamunan.


Damn he’s hot! Paano nagawa ng Kenneth na iyon na pakawalan ang isang ito?


Marahan itong gumalaw upang magpalit ng posisyon na kanya namang ikinangiti.


Ang cute talaga ng mokong na ‘to.At ang sarap pa niyang humalik.Ang kanyang naisatinig habang wala sa sariling napakagat labi.


Nagpasya na siyang lumabas ng k’warto para sana uminum ng tubig subalit, hindi pa man siya tuluyang nakakababa ng hagdan nang makarinig siya ng pagtatalo. Napahinto siya at ipinasyang makinig kungsino ang mga iyon at kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito.


“Gees! Pinapalala niyong lalo ang hangover ko.” Boses iyon ng kanyang kapatid at halatang hindi na maganda ang timpla nito.


“Ikaw lang ang nagpapalala ng sitwasyon, Angela. Ano bang pumasok sa kokote mo at pinapunta-punta mo pa ang baklang iyon dito?” Ang tinig naman na nasisiguro niyang sa kanyang ina.


“Nahiya naman ako sa tawag mo sa kanya. Baka nakakalimutan mong anak mo at kapatid ko ang BAKLANG sinasabi mo. Iyan ba ang itinuturo sa inyo sa mga prayer meeting na pinupuntahan niyo? Ang maging mapanghusga?”Tila nanggagalaiti namang wika ng kanyang kapatid.


Noon pa man ay ito na talaga ang palaging nagtatanggol sa kanya sa kanilang mga magulang. At aaminin niyang nanikip ang puso niya sa narinig sa kanyang ina. Napakasakit pa rin sa kanya ang katotohanang hindi na talaga siya gusto pang makita ng kanyang mga magulang. Na pinandidirihan siya ng mga ito.


“Hindi tanggap ng diyos ang mga bakla Angela, iyan ang sabi sa bibliya! He’s a disgrace to our family! Nagsama pa siya ng lalaki dito at ikaw naman, sinuportahan mo pa ang kabaklaan niya.Nahawa kana sa mga kaibigan mong makasalanan!”


Tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Parang hinampas siya ng kawayan sa mga narinig na masasakit na salita mula sa bibig ng kanyang ina. Hindi niya tuloy maiwasang maitanong sa kanyang sarili kung gano’n ba talaga katindi ang kanyang naging kasalanan sa mga ito para halos isuka na siya ng mga magulang.


“Ang hindi tanggap ng diyos ay kayong mga taong kasing kitid ang utak ng uod! Si Andy, kahihiyan ng pamilya? Baka kayo ang kahihiyan sa pamilya natin. Anak niyo, hindi niyo matanggap. At huwag na huwag niyong idadamay sa usapang ito ang mga kumpare at kumare ko dahil mas tao silang tingnan kesa sa inyo.” Ang narinig niyang muling wika ng kanyang kapatid at bakas na dito ang matinding galit.


“Angela!” Ang nagbabantang boses naman ng kanyang ama.


“What?Pinipilit niyo akong patulan kayo. This is my house. Sasabihin ko ang kung ano mang gusto kong sabihin.At walang p’weding kumuwistyon sa akin kung sino mang hudyo ang patutuluyin ko rito. Ngayon, kung ang ipinunta niyo lang sa bahay ko ay para lamang lait-laitin ang kapatid ko sa harapan ko, you better leave. Baka hindi niyo magustohan pang lalo ang mga lalabas sa bibig ko. But allow me first to have a word with you, huwag niyong hintayin na kung kailan nahihingalo na kayo, doon niyo pa mare-realize iyang mga kamalian niyo. At huwag niyo ring hintayin na tuluyan ng mawala ang respeto naming magkapatid sa inyo.”


Ang sunod niyang narinig ay ang padabog na mga yabag palayo at ang pagbukas ng main door. Ito ang talagang ayaw niyang mangyari –ang siya ang magiging dahilan para magkasira ang kanyang nakakatandang kapatid at mga magulang. Ayaw na ayaw niya na may nagkakagulo ng dahil sa kanya kaya siya nagpasyang lumayo noon.


Rinig niya kung papaano nanggagalaiting napasigaw ang kanyang kapatid. Alam niyang hindi nito ginusto ang patulan ang mga magulang ngunit para maipagtanggol siya ay ginawa nito iyon. Lalo lamang tuloy  bumigat ang kanyang pakiramdam. Ipinasya na niyang tuluyang bumaba, gusto niyang humingi ng tawad dito sa gulong inihatid niya.


Nakita niya itong pasalampak na kaupo sa couch nito habang hapo ang ulo.


“Ate..”


Agad naman itong napabaling sa kanya.


“Ate, I’m sorry.”Ang nakayuko at humihikbi niyang wika. Kung may tao man siyang pinapakitaan ng kanyang tunay na nararamdaman ay sa kanyang ate iyon. Ang taong naging tagapagligtas niya at tanging kakampi niya.


“Gaga ka talaga.Bakit ka nagso-sorry?Ikaw na nga itong nasaktan nila.”


“Dapat talaga di na lang ako nagpunta rito.Napilitan ka pa tuloy awayin sina mama.” Ang wika niya sa likod ng paghikbi.


Narinig niya ang mga yabang nito papalapit at kanya at ang sumunod na nangyari ay yinayakap siya ng kapatid.


“Makinig ka Andy, hindi mo kasalanan at lalong hindi mo ginusto ang kung ano kaman ngayon. At walang masama sa buhay na pinili mo. Kaya kita pinapanigan dahil iyon ang paniniwala ko.”Ang nang-aalu nitong wika.


“Pero ate, nagugulo ko na ng lalo ang pamilya natin.”


“Hindi ikaw ang gumugulo sa pamilyang ito kung hindi sila. Stop blaming yourself for pete’s sake. Matuto ka namang ipaglaban ang desisyon mong magpakabaklang adik ka. Takbo ka lang ng takbo, eh. Ipakita mo sa kanila na hindi mali ang pinili mong buhay. Bakla ka na nga emotera ka pa. Tahan na nga’t ang pangit mo pa naman kapag umiiyak ka.”


“Ate naman, eh!”


“Anong magagawa ko eh talaga namang ang pangit mong umiyak noon pa man.Siya, itigil na natin ang kadramahang ito. I had enough for this day.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ang kanyang luha. Kahit talaga baliw ang kapatid niyang ito, hindi naman niya maitatanggi sa kanyang sarili na napakas’werte dito. “Hayaan mo na sila mama, pasasaan ba’t mauuntog rin ang mga iyon sa kabaliwan nila.Ang importante, narito ako, ang pamangkin mo at ang kuya Vincent mo,okey?”


Napatango na lamang siya rito. Secured talaga siya kapag nasa piling siya ng kanyang kapatid na para bang kahit anong sakit ang maramdaman niya ay makakaya niyang malampasan basta’t kasama niya ito.


“Good girl.” Nakangisi nitong wika.“Kamusta pala ang hunky fafa mo?Bungga ba ang performance level kagabi? Nakailang rounds ba kayo?”


Dahil sa mas mataas siya kumapara dito ay pabiro niya itong binatukan.


“Puro ka talaga kalaswaan.” Ang napapangiti na niyang wika.


“Chusera! Sinilip ko kaya kayo kanina. In all fairnerr ang ganda ng posisyon niyo, ha.” Bakas ang panunukso sa boses nito.


Pinamulhan siya. Nakalimutan niyang dakila rin pa lang tsismosa ang kapatid niya.


“Sa susunod mag-lock kasi kayo ng pinto para di ko kayo mabobosohan. Pero kafatid, ang g’wapo ng jowa mo, ah?Siya na ba ang pamalit mo kay Jasper?”


“Hindi ko siya boyfriend sabi, eh.” Alma naman niya kahit pa man pulang-pula na siya sa panunukso nito lalo pa’t hayon na naman at ginugulo na naman ang isip niya sa nangyaring halikan sa kanila ng magiting na lalaki.


“Kapal talaga ng face mo. Ikaw pa itong may lakas ng loob mag-deny sa kanya. Hoy Andrew Miguel, kung ako sa’yo, hawakan mo ng mabuti iyong hunky fafa mong iyon.Ikaw rin, baka maagawan ka.” Saka siya nito iginaya sa kusina. “Manang, pakigising nga ang magaling kong asawa at paki sabi na rin sa yaya ni Geoff na bumababa na sila. Feel ko ngayon ang family breakfast.”





Mabilis na dumaan ang oras sa araw na iyon at inubos niya ito sa pakikipaglaro sa kanyang dalawang taong pamangkin at pakikipagk’wentuhan sa kapatid. Kung baga, sa buong araw na iyon ay itinuon niya ang kanyang atensyon sa kapatid at sa kanyang pamangkin dahilan para hindi sila gaanong makapag-usap ni Nhad at nakikita naman niyang naiintindihan nito ang pangungulila niya sa kanyang kapatid at pamangkin.


Kinagabihan ay niyaya sila ng kanyang kapatid na pumunta sa seventh bar –ang bar na isa ito sa mga may-ari. Iyon daw ang napagkasunduan ng mga ito kagabi. Napag-alaman din niya na pati pala si Nhad ay naimbitahan sa Saturday session ng mga kaibigan ng kanyang kapatid at nakapangako itong pupunta sa kanyang kuya Red na siyang nagma-manage sa naturang bar.


“Ito pala ang sikat na seventh bar.” Naiwika sa kanya ni Nhad ng marating nila ang naturang bar. Bakas sa mukha nito ang paghanga. Kumapara kasi sa mga bars sa lugar kung saan ito lumaki ay di hamak na mas advance ang seventh bar. Maikukumpara na ito ngayon sa mga sikat na bar ng Manila at iyon ay dahil sa kanyang kuya Red at mga kaibigan nito.


“Ito nga wala ng duda.”Ani naman ng kanyang kapatid.“Saan niyo gustong pumuwesto? Dito sa labas o doon sa loob? But im sure mas gusto ni Andy sa loob dahil tutugtog ngayon ang bandang tumugtog kagabi sa party.”


Nasa gano’n silang pag-uusap ng dumating naman ang ilan pang kaibigan ng kanyang kapatid. Ang kanyang kuya Carlo, at Ate Tonet kasunod ang kanyang Kuya Chad at Ate Mina.


“Part two ito ng party natin kagabi. Di tayo masyadong nakapag-usap-usap.” Nakangiting wika ng kanyang ate Tonet sabay beso sa kanyang kapatid at bayaw. “Hello Andy, and Andy’s boyfriend.” Bati nito sa kanila ni Nhad.


 “Hey Love birds.” Bati naman sa kanila ng kanyang ate Mina. “You really look good together. Pareho kayong yummy.”


Anak ng tinapa! Bakit ba mag-boyfriend ang tingin ng mga ito sa amin?


“On the way na sila pareng Chuckie kasama nina pareng Niel at Brian. Si Dave at Alex, on the way na rin daw.”Sabat naman ng kanyang bayaw.


“Si pareng Red?”Ani naman ng kanyang kuya Carlo.


“Sinundo si Attorney. On the way na.” Tugon naman ng kanyang kuya Chad.“Sina Ace at Rome, kilala na natin ang dalawang iyon.”


Walastik at kamangha-mangha talaga ang samahan ng mga kaibigan ng kanyang kapatid. Simula noon highschool pa lamang ay magkakasama na ang mga ito at heto nga’t may ilan pang dumagdag sa mga ito at iyon ay ang mga kaibigan ng mga asawa nito.


Isa-isang nagsidatingan ang iba pang mga meyembro ng seventh bar hanggang sa ma-kumpleto ang mga ito. Walang pagbabago, kasing kulit pa rin ang mga ito noon.Sa loob rin nila napiling pumuwesto para ma-enjoy niya ang bandang tutugtog sa gabing iyon.


“Ganito pala talaga kasikat itong bar niyo.” Ang naiwika ni Nhad sa mga ito. “Ang daming tao.”


“Syempre, magaling ang humahawak.”Ang nagyayabang namang tugon ng kanyang kuya Red.“At dahil na rin sa likas naming kabaitan at kakisigan.Di ba mga kumpare?”


Nagkaka-isa namang sumang-ayon ang mga tinutukoy nito dahilan para makatanggap ito ng tig-iisang batok mula sa mga asawa nito.


“Pero siyempre, di namin magagawa ang lahat ng ito kung hindi kami ginabayan ng mga mahal namin.” Ang bumabawi namang wika ng kanyang kuya Red sabay bigay nito ng nakaw na halik sa katabi nitong asawa. “I love you Damulag ko.”


Kita niya kung papaano gumuhit ang ngiti sa mukha ng kanyang katabing si Nhad saka siya nito binalingan.


“Do you think magiging masaya tayo tulad nila kung sakaling maging tayo?”


Natural nabigla na naman siya sa ginawa nito dahilan para mapatanga na lang siya dito.


“Teka teka!” Pagkuha ng pansin ng kanyang ate Mina. “Ang gulo, eh. Hindi ba’t kayo na?”


Umiling naman rito si Nhad.


“Ayaw niyang sumubok sa akin, eh. Siguro napapangitan siya sa akin.”


“Wala akong sinasabing pangit ka, ah!”Protesta naman niya.


“Ayon naman pala, eh.”Ani naman ng kanyang kuya Red. “Kung gano’n bakit ayaw mo sa kanya, eh mukha namang gusto mo siya?”


“Yeah Andy, why are you holding back?” Sigunda naman ng kanyang kuya Rome.


“Nag-iinarte lang iyan.” Pagsali naman ng kanyang ate Angela. “Nagfi-feeling maganda.”


“Hindi ako nag-iinarte, bakit ba pinagkakaisahan niyo ako?”Alma naman niya.


“Sige nga, kung di ka talaga nag-iinarte, sagutin mo siya ngayon.” Panunukso naman sa kanya ng kanyang kuya Dave na as usual sinigundahan naman ng kanyang kuya Brian.


“Ako na naman ang nakita niyo.” Ang tila naman nagtatampo niyang wika sa mga ito saka niya binalingan si Nhad. “Ikaw kasi, eh!”


“Siya siya. Huwag na natin silang pilitin. Pasasaan ba’t doon din sila mauuwi.” Ani naman ng kanyang ate Tonet.


“At paano ka naman nakakasiguro girl?”Ang kanyang Ate Mina.


“Dahil henyo ako.”Tugon naman nito sabay tawa ng nakakaloka.





Madaling araw na nang matapos sila. Kulitan, kuwentohan at kung anu-ano pang kalokohan ang pinaggagawa nila sa bar. Muli rin niyang nakita at personal pang nakilala ang apat na meyembro ng Skyband na sina; Tommy, ang bokalista. Markus Iñigo, ang leadguitarist. Lexin, ang base.At Emman ang drummer. Bawat isa ay masasabi niyang may angking tikas pero sa kanya, tanging si Nhad lamang ang kayang kumabog ng kanyang sistema.


“Ayaw mo ba talaga akong maging boyfriend, Andy?” Kapagkuwan ay tanong sa kanya ni Nhad ng pareho na silang makahiga.


Heto na naman kami. Ang naisambit niya sa kanyang isipan.


Nagpakawala siya ng buntong hininga. Marahil ay dapat na rin niya itong tapatin para matapos na ang lahat at hindi na rin siya lumabas na nagi-inarte.


“Nhad, hindi sa ayaw ko sa’yo o nagi-inarte ako. Hindi ka pa handa para sa relasyon, kagagaling mo lang sa hiwalayan na halos sumira ng buhay mo. Ayaw kong maging panakip butas at lalong ayaw ko ring masaktan sa huli. Aaminin ko, oo gusto rin kita. Infact matagal na kitang gusto. But I guess this is not the right time for us.” Mahaba niyang pagpapaliwanag rito.


Gumalaw ito at naramdaman na lamang niya ang pagyakap nito sa kanya.


“It may not be the right time for us pero gusto ko pa ring subukan natin Ands. Gusto kong maramdaman kung papaano maging masaya katulad ng mga kaibigan ng ate mo. Ikaw ba, ayaw mo bang sumaya kasama ako?” May bahid ng paglalambing nitong wika.


“Sinabi mo na matagal mo na akong gusto di ba? Kung gano’n, puwedi bang iyan ang maging rason mo para subukang sumaya kasama ako? You maybe right na hindi pa ako handang makipagrelasyon ulit pero ang kagustohan kong sumaya kasama ka ang magiging dahilan para maging handa ulit ako.” Pagpapatuloy pa nito.


Ramdam niya ang sensiredad sa boses nito at aaminin niyang nadala siya sa mga sinabi nito. Lalo na ang huling mga salita nitong binitawan. Nakuha niya kung ano ang ibig sabihin ng mga huling salitang binitiwan nito. Handa itong sumugal kasama siya at ang iwasang masaktan siya ang magiging daan para tuluyan itong makalimot sa masalimuot nitong nakaraan. At hindi niya maiwasang makadama ng kiliti.


“Paano kung hindi tayo mag-workout Nhad?”Kapagkuwan ay naitanong niya.


“It will work out. I know it will.” Ang tila sigurado naman nitong sagot.


 Tinimbang niya sa kanyang sarili kung ano ba talaga ang gusto niya. Kung handa nga ba siyang makipagsapalaran kasama ito. Kung kaya nga ba niyang masaktan ulit kung sakali.


Parang video na bumalik sa kanyang ala-ala ang mga ngiti nang lalaking noon ay lihim na niyang hingaan. Ang mga ala-ala nila habang dinadalaw siya nito sa kanyang apartment at ipinagluluto ng mga paborito niyang pagkain. Kung papaano siya nito napapangiti at kung papaano nito napapabilis ang tibok ng kanyang puso. Sino nga ba ang ayaw sumubok at sumugal sa pag-ibig? Lahat naman ng tao ay handang masaktan sumaya lamang at hindi siya naiiba sa mga ito lalo pa't ang kasama niyang susugal ay ang taong minsan na niyang hinangaan.


I guess he’s worth the risk. Wala naman sigurong nagbabawal na sumugal ulit. Naisambit niya sa kanyang sarili kapagkuwan at inabot ang palad nito para iyon ay paghugpungin.


“Gusto ko ring sumaya, Nhad. Kasama ka.”


Para naman itong nabigla sa kanyang naging pagtugon dahil bigla itong napabalikwas ng higa.


“S-Sigurado ka?” Ang tila hindi makapaniwala naman nitong naisatinig.


Ngayon naman ay gusto niyang matawa. Mukhang hindi lang ito ang magaling manggulat sa kanilang dalawa.


“Ayos lang kung ayaw mo.” Nakangisi naman niyang tugon rito.


“Hindi, ah! S’yempre gusto ko.”


“Akala ko ayaw mo, eh.” He said while grinning.


Pero imbes na sumagot pa ito ng salita ay bigla itong pumatong sa kanya at siniil siya ng halik na wala namang pagdadalawang isip niyang tinugon. Radam niya pangangailangan ng pagtugon sa mga halik nito hanggang sa biglaan nitong papagpalitin ang kanilang posisyon. Siya na ngayon ang napapaibabaw rito.


“So, I guess I can call you babes now right?” Ang humihingal na wika nito.


“Siguro.” Nakangiti naman niyang tugon.


“Great!” Ani nito at muling inangkin ang kanyang labi.








Itutuloy:

29 comments:

Anonymous said...

1st basa mode _dereck_

Anonymous said...

:) ngiti na lang ang reaction ko sa chapter na ito! pero nice chapter ah, parang ang bilis naman ata ng mga pangyayari!



Beucharist!

TheLegazpiCity said...

overflowing sa kilig at pagmamahal...galing naman...

love love love...

patryckjr said...

hahaha..bumigay din sa wakas....

Lawfer said...

hangbilis!

iba na tlaga pnahon ngaun, dnadaan na sa bilis tsk tsk
dpat cguro mgpraktis nq sa takbuhan at nang d naman aq naiiwang kmakain na nga ng alikabok naiwan pang luhaan
*emo mode*

bwahaha

bt anyway, haun na ang karugtong...hanep hapdi ng mga cnbi ng parents ni andy x.x peo gnun tlaga, kea nga dming closet dhl takot, d lahat snuswerteng mgkaron ng kpatid at kybgang 2lad ng ky andy

gling! sang kembot nga jan ampalaya xD

jm said...

hehe... worth it ung pag hihintay ko... kakamis talaga ung barkada ng seventh bar.. hahha... :) good job mr. Z

Anonymous said...

huwaw..nala fiorst base si nhad ng ganoon lang...dinaan sa bilis ahh....pero by the way iba ka talaga zeke... keep up the good work

_iamronald

marL said...

wow naman, pbb teens na sila hahaha pero KILIG much ako dito sa chapter na to kaya napa comment ako hehehe

so since now mag co.comment na ko every chapter para mas damang-dama ko at para na rin masuklian ko ung mga pagod mu kuya zild sa pag susulat mu hehe
minsan lang kasi akong mag comment eh but updated lagi ako, everyday akong bumibisita dito sa blog me hehehe

Anywaysssss,, next chapter na po excited much na ko eh hahahaha

ryan lee said...

Ouch nmn s mga cnabi ng parents ni andy.... Relate lang ako...! Peeo sobrang kilig ah grabeh ung si nhad ah....

Unknown said...

over nman c mother, dinamay pa ang bible..

anyway, ayan na cna andy at nhad.. :p good vibes na ako.. :p

Anonymous said...

sa part na yun talaga binitin? Haha ang sakit sa pantog! Lol!

Hayan na! Sila na! Excited na ako sa fave part ko, yung conflict. Haha!

Lexin said...

ok na ok dito sa Mars at umaabot ang blog mo,hehe..
Ganda naman ng umaga ko dahil sa chapter na to, kagaling bumanat ni nhad..
Thanks Zeke..

foxriver said...

love it love it love it.

--makki-- said...

waaaaaaaahhhh!!! dirty kitchen secene!!! laaaaaapppiiittt nnaa!! bwahahaaha!

Jamespottt said...

lababo scene na yan!!!!!!!!!!!

Anonymous said...

gosh! nakakakilig!
super kinikilig ako dahil sa part na tuh!
SOBRANG KILIG !

<---- demure

JayAr said...

hahahahaha ito n b ung hinhintay ni KB????nyahahaha

j20green said...

Great . Very good chapter. Npkaganda. Astig ka Z. Excited n sa nxt.

Anonymous said...

Love this chapter!
mcernjames

Anonymous said...

gREAT


--JUBERTCO

kiero143 said...

aaaaaayyyyyy!!dami agad ng comment hehehe


BRAVO!!BRAVO!!....sila na din..hehehe NHANDY?? hahahaha ang pangit wahahahah


ganda tlga...hehehe kakakilig...next chapter na poh...heheheh

Anonymous said...

parang same ng kwento ni dorwin at red..remember, red is heartbroken din at that with ace and dorwin with neil..pero i know there will be a twist in this story..ganyan naman si kuya zeke eh..pero gandang chapter nakakakilig, sana may gumawa rin sakin nun..hahaha..

-J

Anonymous said...

Grabe naman db!!!! Haiiiss... Next na.... Naloloka na ako hahaha..... Katulad ng pagkaloka ko sa mga naunang stories.....


Pat
Tagasubaybay

robert_mendoza94@yahoo.com said...

weeehhh, at last. ha ha ha.

Anonymous said...

Next chapter na po please! :D

Anonymous said...

Hi Zildz this is Randy,, you inspired us again!!! I love Angelas character!!! Hanes ang mga banat. Ni nhads. Gwapo nmn ni James,, favor please.. Pwd q b za mkilala.. ??

Unknown said...

jusko. call me crazy, pero di ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti hbang nagbabasa. ibang level ung kilig factor nito! bwhahaha!

Anonymous said...

nice babessssss
-yume

Anonymous said...

iiihhhh....nakakaihi sa kilig tong dalawang mokong neto!haha..hay,,gusto q ung willingness na pinakita ni nhad to take the risk..very nice.^^

ang saya-saya cguro pag gnun ang mga frends mo..nkakawala sa katinuan!haha

-monty

Post a Comment