Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
Author's Note:Pasensiya na sa mga taong naghintay sa chapter na ito. Alam kong masyado akong na delay ngayon dala ng pagiging busy ko sa katatapos lang na p’yesta namin. Hihihi Pero huwag kayong mag-alala, babawi naman ako ng todo ngayong ok na ulit ang schedule ko. xD
Ma-enjoy niyo sana ang chapter na ito at naway hindi niyo
kasawaan ang mag-iwan ng komento iyon lang kasi ang nagpapagana sa akin para
ipagpatuloy ko ang pagsusulat. Enjoy reading na lang mga paps! ^_^
Lexin – Dapat mag-comment
ka dito. Bayad mo sa pang-iiwan mo sa akin ng walang paalam LOL!
Ako si James –
Tulad ng pangako ko, heto na ang chapter 12.
At sa ibang nag-iwan ng kanilang komento sa chapter 11
salamat ng marami guys! Pati syempre sa mga Anonymous at Silent Readers ko.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Was
it just me?” Ang pabulong na tanong sa kanya ni Nhad habang magkasabay silang
kumukuha ng pagkain sa mahabang buffet table.
“Huh? Bakit?” Takang tanong naman niya rito.
“Normal na lang ba talaga sa mga kaibigan ng ate mo ang mga
katulad nila?” Ani nito sa mahina pa ring tinig sabay pasimpleng sinipat ang
mesa kung nasaan nakaupo ang mga kaibigan ng kanyang kapatid.
Dala ng kyuryusidad ay napalingon na rin siya sa mga ito at
doon niya nakita na sa kanilang dalawa rin nakatuon ang mga mata ng mga ito.
Kita niya kung papaano gumuhit ang ngisi ang mga kaibigan ng kanyang kapatid na
ngayon ay mga kumare at kumpare na nito.
Agad siyang nagbawi ng tingin. Kung ang mga kaibigan niya ay
nuknukan ng baliw, itong mga kaibigan naman ng ate niya ang mga master sa
kabaliwan kaya alam na niya kung ano ang mga nasa isip ng mga ito.
Mukhang mali ang
pagdadala ko sa kanya dito. Naiwika niya sa kanyang sarili patukoy kay
Nhad.
“I mean, tulad ng kuya Ace at kuya Rome mo.” Pagpapatuloy pa
nito.
Hindi niya maiwasang mapatingin rito na sa mga oras na iyon
ay sa grupo pa rin ng ate niya nakatingin. Bakas sa mukha nito ang hindi
makapaniwala sa nakikita subalit hindi rin nakatakas sa kanya ang inggit na
nagkukubli sa mga mata nito at nasisiguro niya kung para saan iyon.
“Huwag mo silang kainggitan Nhad.” Ang naiwika niya dahilan
para mapabaling ito sa kanya. “Marami rin silang mga pinagdaanan noon bago sila
humantong sa nakikita mo ngayon. At oo, normal na sa kanilang magkakabarkada
ang ganyang relasyon. Tanggap nila ang isa’t isa. Ganyan ka solid ang samahan
nila.” Mahaba niyang wika.
Ngumiti ito sa kanya. Ang ngiting palaging nagpapalakas ng
kabog ng kanyang puso.
“Iba ka talaga, pati ‘yon napansin mo sa akin. Well, tulad
nila ay ginusto ko rin ang maging masaya sa piling ng taong mahal ko. And
seeing how contented they are with their partners beside them, I can’t help
myself not to envy them.” Seryoso nitong wika.
Muli siyang napatingin sa grupong tinutukoy nito. At doon
niya napagtanto na hindi nga imposibleng kainggitan ang mga ito ng mga katulad
nilang wala ng ibang ninais kung hindi ang maranasan ang maging maligaya sa
piling ng taong gusto nila.
“Tama ka, nakakainggit nga sila.” Pagsangayon naman niya sa
sinabi nito. “Pero wala tayong
patutunguhan kung iyon ang paiiralin natin di ba? Kaya, imbes na mainggit tayo,
gawin na lang natin silang inspirasyon na p’wedi rin tayong maging masaya sa
tamang panahon at sa tamang pagkakataon. Dahil nandiyan sila na magpapatotoo na
walang pinipiling sekswalidad ang totoong pagmamahal.” Ang mahaba niyang
naiwika na sa mga ito pa rin na katingin.
“Ang haba ng sinabi mo, ah.” Ang wika naman nito dahilan
para mapabaling siya rito. Kita niya na malapad na ang ngisi nito at wala na
rin ang kaninang nagkukubling negatibong emosyon sa mga mata nito. “But you’re
right, I’m glad na nakilala kita. Ikaw ang nagpapaalala sa akin sa mga bagay na
nakalimutan ko dala ng pagkabigo ko. You really are my cure, Andy.”
Syempre pinamulhan siya sa mga huling salitang binitiwan
nito at hindi niya napigilan ang makadama ng kiliti pero hindi niya iyon
pinahalata dito. Sa halip, pabiro niya itong sinutok sa braso.
“Binanatan mo na naman ako.” Tatawa-tawa niyang sabi kahit
pa man ang totoo ay gusto niya nang manginig dala ng sobrang kilig.
“Dahil alam kong kikiligan ka.” Ngingisi-ngisi naman nitong
tugon.
“Asa ka pa.”
“Denial! Ayan nga’t halata na ang pamumula mo, eh.” Sabay
nanggigil na pinisil nito ang kanyang pisngi.
Dala ng hiya sa pagkabuking nito sa kanya ay agad niyang
pinalis ang kamay nito at binalingan muli ang mga nakahilirang ulan sa mahabang
buffet table.
“Puro ka kalokohan. Bilisan na nga natin ang pagkuha ng
pagkain at nagugutom na ako.”
“Oi, umiiwas siya.” Ang nanunukso naman nitong wika na
nilakipan pa nito ng pabirong pagsiko sa kanyang tagiliran na tinugon lang niya
ng isang malokong ngisi sabay binusalan ang bibig nito ng lumpia. Napahagikhik
na lamang siya ng hindi ito makaiwas.
“Bad ka.” Ani nito nang sa wakas ay malunok nito ang lumpia.
“Salamat.” Tugon naman niya at nagpakawala ng malokong tawa.
Parehong puno ang platong bumalik sila sa umpukan ng kanyang
mga kuya at ate. Ayaw niya sanang sa lamesa ng mga ito umupo subalit napilit
siya ng kanyang ate. Hindi naman siya nakahindi dahil batid niyang linalambing
lamang siya ng kapatid at alam naman niyang mababait ang mga kaibigan nito na
naging malapit na rin sa kanya.
“Mukhang natapos rin ang harutan niyo, ah.” Nakangising
buska sa kanya ng kanyang kuya Dave nang makaupo na sila sa mesa ng mga ito.
Kita niya kung papaano ito pasimpleng kinurot sa tagiliran
ng katabi nitong kasintahan.
“Igagawa mo kami ng napakasarap na inumin ngayon Andy, ah.”
Ani naman ng kanyang ate Tonet. “Ngayon lang ulit ako iinum ng bonggang-bongga
at dahil iyon sayo.”
“Susubukan ko po ate.” Napapakamot niya sa ulong naisatinig.
“Ako rin, gusto ko ring matikman ulit ang mga likha mong
inumin. At ‘yong paborito ko dapat ang gagawin mo, ah.” Ani naman ng kanyang
kuya Red.
“Ako rin.” Pagsali naman ng katabi nitong isa sa pinakasikat
at matinik na abogado.
“Ayaw ko sa’yo kuya Dorwin, palagi kang nalalasing kapag
pinapatikim kita ng inumin ko. Baka pagalitan ako ni Kuya Red.” Pagbibiro niya
naman dito na siyang ikinatawa ng mga kaibigan nito.
“Ang tahimik naman yata ng kasama mo Andy. At hindi mo pa
siya pormal na ipinapakilala sa amin.” Pagsingit ng kanyang ate Mina ang
bestfriend o mas tamang sabihing pinaka-close sa ate niya.
“Nagugutom na kasi siya.” Pabiro naman niyang tugon saka
binalingan si Nhad na halata ang discomfort sa mukha. “Magsalita ka raw.”
“Ah… Eh… Kuwan.”
“Wala kang dapat ikahiya sa amin pare. Mas mag-i-enjoy ka
kung makikisali ka sa amin.” Nakangiting wika ng kanyang kuya Niel.
“Akalain mong tumatama ka pala minsan?” Buska naman dito ng
kanyang kuya Brian na siyang ikinatawa muli ng mga kaibigan nito.
“Mamaya niyo na lang kaya sila kulitin. Hayaan na lang muna
natin silang kumain bago pa makabalik ulit ang babaeng machine-gun ang bibig.”
Suhestyon ng kanyang kuya Ace.
“Tama si Supah Ace ko, pakainin na muna natin sila bago
natin i-interrogate.” Ang ngingiti-ngiti namang pagsangayon ng kanyang kuya
Rome.
“Asan nga pala iyon? At bakit di ko pa yata nakikita si
bayaw?” Takang tanong naman niya sa mga ito.
“Gumagawa ng panibagong lahi sa k’warto nila.” Nakangising
tugon sa kanya ng kanyang kuya Dave.
“Gago ka talaga Renzell Dave.” Ang pagsingit naman ng
kanyang bayaw na papalapit na sa kanila karga ang kanyang pamangkin.
Agad siyang napatayo. Talagang na miss niya ang pamangkin at
lalo siyang natuwa ng makita ang pagbabago dito simula ng huli niya itong
makita.
Walang pag-aatubili namang ipinakarga sa kanya ng kanyang
bayaw ang pamangkin.
“Ang laki mo na George.” Ang may panggigigil niyang
naisambit ng tuluyang makarga ang bata. “Naalala mo pa ba ako?”
“Naaalala ka niyan, dahil lagi ka naming ikinuk’wento sa
kanya.” Singit naman ng kanyang ate na papalapit na rin sa kanila.
Muli niyang ibinaling ang atensyon sa pamangkin at may
panggigigil itong hinalikan sa pisngi. Ngayon, masasabi na niya kung kaninong
lahi ito nagmana.
“Ang cute mo. Mabuti na lang at di ka sa mommy mo nagmana.”
Tuluyang umapaw ang pananabik niya sa pamangkin ng ngitian
siya nito at abutin ang kanyang damit.
“Tito.” Ang wika nito.
“Wow!” Ang galak na galak niyang naiwika. “Kilala niya ako.”
“Shunga ka talaga.
Kasasabi ko lang di ba? Palagi ka naming ikinuk’wento sa kanya.” Ani naman ng
kanyang ate. “Siya, mamaya mo na siya kargahin at kumain ka muna.” Sabay kuha
ng anak nito sa kanya.
Ayaw pa sana niyang ibigay ito subalit naisip naman niyang ilang
araw pa niya itong makakasama kaya hinayaan na lamang niya muna ito sa kapatid
at naupo ulit sa tabi ng wala pa ring imik na si Nhad.
“Mabuti at nag-decide kang totohanin ang pagpunta rito.
Akala ko kailangan pa kitang sugurin at kaladkarin, eh.” Ang wika ng ate niya
sa kanya saka binalingan ang nakamasid lang na kanyang kasama. “Nhad right?
Salamat at sinamahan mo siya dito. Alam kong isa ka sa mga dahilan kung bakit
narito ngayon itong mailap kong kapatid.”
“Ahh… W-Wala ho iyon.” Ang nag-aalangan namang tugon nito na
nilakipan pa nito ng alanganing ngiti.
“They look good together.” Biglang sabat naman ng kanyang
ate Mina na bakas ang mukha ang pagkagiliw sa kanilang dalawa. “At base sa
nasaksihan ko kanina habang pinanunuod namin silang nagbibiruan sa may buffet
table, they have a connection.”
“I agree.” Tatango-tango namang pagsangayon ng kanyang ate Tonet. “Habang tinitingnan ko sila kanina, `di ko maiwasang hindi maalala ang mga masasayang pinagdaanan natin bago tayo umabot sa puntong ito ngayon.”
“Para lang silang kami ni Supah Ace ko.” Nakangiting sabat
naman ng kanyang kuya Rome.
“Nakita ko sa kanila ang kaparehong kislap ng mga mata namin
ni Dorwin noong nag-uumpisa pa lang kami.” Ani naman ng kanyang kuya Red.
“Naalala ko sa kanila ang rason kung bakit si Alex ang pinili kong mahalin.” Nakangiti namang wika ng kanyang kuya Dave.
“Pare-pareho lang tayo ng naramdaman.” Pagsangayon naman ng
kanyang kuya Carlo. “Weird man kung iisipin but seeing them together reminds us
about our past –the good one.”
Sabay-sabay na napatango ang mga kaibigan nito tanda ng
pag-sangayon habang siya naman ay halos matunaw na sa hiya sa mga oras na iyon.
Ngunit hiya nga ba ang nararamdaman niya? Napatingin siya kay Nhad at doon
nakita niya na sa kanya rin pala ito nakatingin.
“Bagay daw tayo.” Ani nito na nakangiti sa kanya.
“Bagay na bagay.” Nagkakaisa namang wika ng mga kasama nila
sa lamesa.
“Ligawan kaya kita?”
Hindi niyan inaasahan ang sunod nitong sinabi kaya naman
dala ng gulat ay nasamid siya at ang sunod na nangyari ay ang pag-abot nito sa
kanya ng baso ng tubig habang may kakaibang ngiting nakaguhit sa mukha nito.
Magdadawang oras na silang naroon sa bahay ng ate niya. At
habang tumatagal ay lalong nagiging masaya ang birthday party ng kanyang
pamangkin. Kanina, matapos ang hindi inaasahang proposal sa kanya ni Nhad ay
medyo nakaramdam siya ng pagkailang rito. Gusto niyang isiksik sa kanyang
isipan na nagbibiro lamang ito at sinasakyan lamang ang mga kaibigan ng ate
niya subalit, may parte naman sa kanya ang hindi niya maintindihan kung iyon ba
ay excitement o takot sa maaraming kalabasan ng lahat.
“Andy, paalis na sina mama. Hindi mo ba sila lalapitan man
lang?” Ang pagbasag sa kanya ng kanyang kapatid.
“Hindi na ate.” May bahid ng lungkot naman niyang tugon.
“Mukha namang hindi nila nagustohan na narito ako.”
Ilang saglit lang matapos ang nakaka-gulat na sinabi ni Nhad
ay dumating ang kanyang mga magulang na dahilan para maputol ang panunukso ng
mga kaibigan ng ate niya sa kanila. At tulad ng una na niyang inaasahan, muli
niyang nakita ang pagkadisgusto sa mga mata ng kanyang mga magulang ng makita
siya ng mga ito.
“Hindi naman ––”
“Pagamit muna ako ng CR. Kanina pa gustong sumabog ng pantog
ko.” Pagputol niya sa iba pa nitong sasabihin saka deretsong tinungo ang banyo
ng bahay na iyon.
“Huwag na nating ipilit ang hindi p’wedi. Masasaktan lang
lalo ang kapatid mo.” Ang narinig pa niyang wika ng kanyang bayaw.
Hindi niya maintindihan ang sarili. Inaasahan niya na ang
gano’ng klase ng pagtanggap sa kanya ng mga magulang subalit hindi pa rin niya
maiwasang hindi masaktan. Oo, muli na naman siyang nasaktan lalo pa’t hindi
manlang siya kinumusta ng mga ito. Muli na naman niyang naramdaman na wala na
talagang pakialam ang mga ito sa kanya.
“You’re strong Andy.” Ang biglang wika sa kanya ng taong
hindi niya napansin na nakasunod na pala sa kanya sa loob ng cr na iyon.
Dali-dali niyang pinahid ang mga luhang sumasalamin sa
kanyang tunay na nararamdaman sa mga oras na iyon; galit at pighati. Galit siya
hindi sa kanyang mga magulang kung hindi dahil sa katotohanang kahit
magdadalawang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin siya matanggap ng mga ito.
Pighati, sapagkat muli na naman niyang naramdaman na nag-iisa na lang talaga
siya at wala siyang ibang maaasahan kung hindi ang sarili niya.
“Hindi mo naman kasalanan kung hindi ka pa rin nila kayang
tanggapin. You only did what is right Andy. Naging totoo ka lang sa sarili mo.
I may not have the right to say this pero sasabihin ko pa rin. The problem is
not you. Not with the life you chose to take. It’s your parents at ang
kakitiran ng mga utak nila.” Mahaba at seryoso nitong pagpapatuloy.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko Nhad. Gusto ko lang namang
ulit maramdaman na may pamilya ako.” Ang naiwika niya rito dala ng sobrang
frustration.
Lumapit ito sa kanya at mahigpit siya nitong yinakap.
“May pamilya ka pa rin Andy. Nariyan pa ang ate mo at ang
bayaw mo kasama ang anak nila. Sila ang pamilya mo na tanggap kung ano ka.
Huwag mong kakalimutan iyan.”
Siguro ay dala ng kanyang nararamdaman ay tuluyan na rin
siyang napayakap rito.
“Huwag ka nang malungkot. Pinapatawag ka na ng ate mo at mga
kaibigan niya. Gusto na raw nilang matikman ang mga inuming gagawin mo.” Muling
wika nito sa kanya gamit ang boses na nang-aalu.
Tinupad nga nito ang dahilan ng pagsama nito sa kanya at
iyon ay ang pagaanin ang kanyang loob. Sa pamamagitan ng pagyakap nito sa kanya
at marahang paghagod ng kanyang likod ay nakuha na naman nitong pagaanin ang
kanyang loob kasama ang pagkailang na naramdaman niya rito kani-kanina lang.
“Salamat Nhad.” Ang paulit-ulit niyang naisambit.
Magaan na ulit ang kanyang pakiramdam nang tunguhin nila ang
mesa kung saan naroon ang mga kaibigan ng kanyang ate. At iyon ay dahil ulit sa
lalaking ngayon ay nakaabay na sa kanya.
“Anong ingay iyon?” Pagpansin niya sa naririnig na echo at
guitara.
“Isa rin sa mga dahilan kung bakit ka na nila pinapatawag.
Dinala ng ate mo ang bandang tumutugtog sa bar nila para daw lalong pang pasayahin
ang gabi at ngayon nagse-setup na sila sa may hardin.” Nakangiti namang tugon
nito sa kanya.
“Wow may banda? Ang dami talagang alam ng kapatid kong
iyon.” Nakangiti na rin niyang sabi.
“She just wanted the best for her son at para na rin daw
hindi mo pagsisihan ang papunta rito. `Di mo naman nasabi sa akin na mahilig ka
pala sa mga banda.”
“Hindi ka naman kasi nagtanong.” Ngingiti-ngiti niyang wika.
“Oi, kanina lang indecent proposal pa lang. Ngayon, may
paakbay-akbay na kayo.” Buska sa kanila ng kanyang kuya Dave ng mapansin sila
nitong papalapit na.
“Mukhang idinadaan yata sa bilis si Andy natin, ah.” Ani
naman ng kaibigan nitong si Brian. Alam niya talagang ang dalawang ito ang mga
baliw sa grupo ng kanyang bayaw.
Binalingan naman niya ang naka-akbay pa rin sa kanyang si
Nhad para tingnan kung ano ang reaksyon nito at nang makitang ngingiti-ngiti
lang ito ay doon na niya pabirong siniko ang tagiliran nito.
“Bakit?” Nakangisi nitong tugon.
“Bakit ka riyan. Tanggalin mo na ang pagkaka-akbay mo sa
akin kung ayaw mong dumugin ulit tayo ng tukso ng mga ‘yan.”
“Hayaan mo lang sila.” Ngingiti-ngiti nitong tugon at lalo
pa niyang naramdaman ang paghigpit ng pagkaka-akbay nito.
Lakas rin ng sayad ng
isang ‘to. Napapailing na lamang niyang naiwika sa sarili.
Isa-isang nagsitayuan ang mga ito.
“Saan kayo pupunta?” Takang tanong niya.
“Tapos na ang childrens party. Oras na para mag-party naman
ang matatanda.” Nakangising wika sa kanya ng kanyang kuya Red. “Sa labas na
tayo, naroon ang banda ng seventh bar at doon mo ipapamalas sa amin ang galing
mo sa paggawa ng inumin.”
“Bongga talaga ito!” Ang excited namang wika ng kanyang ate
Mina.
Nang tuluyan silang makalabas ay doon lamang niya
naintindihan ang ibig sabihin ng kanyang kuya Red. Ang mga pambatang upuan na
kanina lang ay naroon sa malawak na hardin ay napalitan na ng mga bar tables.
Sa tabi naman nito ay ang mahabang mesa kung saan naroon ang iba’t ibang klase
ng alak at mga shot glass. Nagkakalat na rin ang mga naka-unipormeng waiters na
siyang nagsisilbi sa mga bisitang naroon.
“Wow.” Naibulalas niya. Hindi niya inaasahan ang malaking
pagbabago ng set-up sa hardin ng kapatid niya.
“This is the true party for us. Kanina, para sa mga bata
iyon at ngayon tayong matatanda naman ang mag-i-enjoy.” Wika ng kanyang bayaw.
Nabaling ang tingin ng mga taong naroon sa kanila. Nakangiti
ang mga ito. Ang iba ay pamilyar sa kanya habang ang iba naman ay hindi. Kung
hindi siya nagkakamali ay mga kaibigan, katrabaho, at empleyado ng kanyang
kapatid at kaibigan nito.
“First of all, my hushand and I would like to thank Claude
and Laurence Samaniego for providing us the best food and services. Hindi man
sila makakadalo ngayon at masasamahan kami sa pagdiriwang na ito, ay hindi
naman nila kinalimutan ang obligasyon nila sa kanilang inaanak sa pamamagitan
ng pagpapadala nila sa catering crew ng Yolandas dito.” Ang narinig niyang
boses ng kanyang kapatid at ng muling mabaling ang tingin niya sa mini-stage ay
naroon na ito.
Palakpakan.
“Kung bakit naman kasi ngayon pa naisipang mangibang bansa
ng dalawang iyon, eh. Ayan tuloy hindi tayo kompleto.” Rinig niyang komento ng
kanyang kuya Ace.
“At syempre, gusto ko ring pasalamatan ang mga kaibigan ko
na tumulong sa amin para mapaghandaan ng husto ang birthday ng anak namin.
Guys, thank you so much.” Pagpapatuloy naman ng kanyang ate.
Muli, nagpalakpakan ang mga bisitang naroon.
“Mukhang nagiging emosyonal na ang numero unong baliw sa
atin, ah. Sign of aging na ba ito?.” Ngingisi-ngisi namang wika ng kanyang ate
Mina na ikinatawa ng mga kaibigan nito.
“And tonight. My friends, and also our extended friends want
to enjoy this evening. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapag-enjoy dala
ng may mga tali na kami at mga anak na ubod ng kulit. At ngayong tulog na ang
mga tsikiting kasama ang mga yaya nila. Party time na!”
Umugong ang sigawan sa mga bisitang naroon dala ng
excitement. Maski siya, nakakadama na rin ng excitement sa mga oras na iyon.
“Pero syempre kulang ang party kung walang inuman at walang
performer na magpapasaya pang lalo sa gabi natin di ba? Kaya naman dinala namin
ni Red dito mismo ang mga taong magpapagana sa gabi natin ngayon. Everyone, I
would like to introduce to you our barista for this night who also happened to
be my only brother, Andrew Miguel Mijares.”
Muling umugong ang palakpakan na siya namang dahilan para makadama siya ng pinaghalong excitement
at kaba. At syempre, hindi niya maiwasang hindi makadama ng tuwa sa ginawang
pagmamalaki sa kanya ng kanyang kapatid sa harap ng mga bisita nito.
“Do your best babes.” Ang bulong naman sa kanya ni Nhad na
nilakipan pa nito ng nakakalokong ngisi. “Make us all proud.”
“Babes ka riyan.” Balik bulong naman niyang wika rito saka
pasimpleng tinanggal ang pagkaka-akbay nito sa kanya at tinungo ang mahabang
mesa kung saan naroon ang mga iba’t ibang klase ng inumin.
Lahat ng tao ay sa kanya nakatingin lalo na nang simulan na
niyang paghalo-haluin ang mga malalakas na alak. At tulad ng palaging nagiging
reaksyon ng mga costumers niya sa bar na kanyang pinagta-trabahuan tuwing
ipapamalas niya ang talento ay napabilib niya ang mga ito. Ang ilan ay hindi
maiwasang mapa-sipol ng simulan niyang ipamalas ang kanyang mga kakaibang stunt
sa paghahalo habang ang ilan naman ay hindi mapigilang mapa-palakpak.
“Wow! Ang galing niya!” Naibulalas ng isa sa mga ito kasabay
ng hiyawan at palakpakan sa hardin na iyon.
“Kapatid ko ‘yan! Ngayon naman, para mas maging masaya ang
gabing ito kasama ang alak na gawa ng kapatid ko ay dinala ni Red ang
tinatangkilik na ngayong banda ng seventh Bar para kantahan tayo ng mga kantang
magpapabaliw sa atin ngayong gabi. Everyone, the Skyband!”
Kasabay ng palakpakan ng mga bisita ay ang pagsimula namang
pagtugtog ng banda na lalong nagpasaya sa mga taong naroon sa party na ‘yon
lalo na ng magsimulang kumanta ang bokalista.
Abala na siya sa pakikinig ng banda habang ang mga kaibigan
ng kanyang ate ay nagkanya-kanya na ng usapan. Nakikita niya kung gaano kasabik
ang mga itong makapag-bonding at iyon ay naiintindihan naman niya. Minsan na
lang din kasi ang mga itong makumpleto dala ng trabaho at pagiging busy sa
kanya-kanyang pamilya.
“Ang mgakanta ba talaga ng banda ang kinahihiligan mo o ang mga hitsura ng meyembro?” Basag sa kanya ni Nhad. Silang dalawa lamang
ang naka-ukupa sa isa sa mga bar chair na naroon.
“At ano ang ibig sabihin mo sa tanong mong iyan?” Nakangiti
naman niyang balik pagtatanong rito.
Binigyan siya nito ng mapang-akit nitong ngiti.
“Baka lang kako kaya hindi mo maiwas ang tingin mo sa banda
ay dahil sa mga hitsura ng bumubuo nito at hindi dahil sa talagang hilig mo ang manuod ng mga local bands na nagpi-perform.”
“Sira! Bakit naman ang mga mukha nila ang titignan ko eh
nariyan naman ang mukha mo na mas komportable akong tingnan?” Huli na ng
marealize niya na nadulas na siya ng tuluyan na siguro ay dala ng tama sa kanya
ng iniinum na alak.
Kita niya kung papaano kuminang mga mata nito at kung
papaano gumuhit ang amusement sa mga ito.
“Did I hear it right? Komportable kang tingnan ang mukha ko?
Does it mean that you’re attracted to me?”
“Attracted agad? `Di ba p’weding nag-e-enjoy lang akong
pagmasdan ka?” Depensa naman niya.
“I miss that glimmer in your eyes.” Ang wika nito sa halip
na patulan ang kanyang walang k’wentang pagiging defensive. “Iyan ang kinang na
nakikita ko noon sa tuwing pupurihin ko ang mga inuming gawa mo.”
Again, hindi niya napigilan ang kanyang pusong magrigodon sa
kaalamang napapansin pala nito noon kung papaano siya sumasaya sa tuwing
makakatanggap siya ng mga papuri mula rito.
“And wan’t to know how do I find it?” Wika nito sa
naglalambing na boses na talagang lalong nagpakaba sa kanya.
Kinakabahan siyang tumango.
Inilapit nito ang mukha sa kanyang tenga.
“I find it attractive.” Ang pabulong nitong wika.
Itutuloy:
35 comments:
wahaha!!!...start na...ayan na ang kiligan moments...wahahaha...next chap siguro sila na no...wahahaha...may cameo pa dito ang skyband...wahahaha...naks!...namiss ko ang barkada...lalo na si renzell dave...wahaha...ano na next???..sila na ba sa susunod na chapter???...wahahah...nice one zeke!...
-Berto-
bitin.... sa kilig moments na eh lakas bumitin hehehe.... sana mabilis na mag update....
nakakakilig naman!!!
-frontier
Kung makabanat naman 'tong si nhad oh! naks! sabi nga ng kanta "Start over again, but this time let's do it right" ayiiiieeee!
nice one poy!
Ang early mo namang napa-comment. Hihihi
Kilig nmn haha at bagay pa tlga abg kanta nice one
heto na ang true romantic scene..parating na..tnx Z
Kinikilig ako!!!
Hihihi....
Queckenstedt
Nakakamis talaga ang seventh bar, pati ung mga owners nila, although my senti moments dito hindi ko pa rin maiwasang mapa"haaaaay" ambilis ng panahon, kelan lang sina ace at rome, dave at alex, red at dorwin, at claude at laurence dati ang ganun.. nakakagaan ng pakiramdam, PLUS super kilig moments with nhad and andrew, the best ka talaga kuya zild.
waAaAaAaAh....wala na parang ako yung mas kinikilig sa istorya nilang dalwa hahahahah....ageh maupay na gudla nga ng update ka na...heheheh
next next next please...hehehe can't wait for the next scene whahaahaha...maghahalikan kaya silang dalawa??aaayyyiiieeee....kilig to the vones...wahahahhaha
Ohhhhh my sobrang bitin n sobrang kiligggggg..... Ganda ng chapter nxt plsssss..... Idol
hihihihi.... muka kung tanga dito sa harap ng laptop habang nagbabasa :p
kilig na kilig muntanga... from start to finish super kilig.... plus nag refresh pa sa memory ku ung mga una mung gawa :) galng talga :)
hehe...
wah!Syet bumabanat n si Nhad! BABES? Yor really are my cure! hahahaha Totoo n b yan...or nadala lng sa sitwasyon?...hmmm
nampoteks
kinilig aq xD
bwahahahaha tagal q nang d npapatalon mula sa kama para lang ipagpag ang kilig sa katawan q xD
mamats mamats X3
not to mention bamboo music na kinababaliwan q nuon
maiinlab yata aq sa otor neto LOL
pakk! grabehh tuuuhhhh!
Kilig much! kinikilig ako ng sobra!
ANG GANDA GANDA!
namiss ko sina ace at rome si red at dorwin!
at lahat sila! specialy dave at alex!
promiseeeee!
<---- demure ♥
Dahil sa gusto ni zild na mag comment ako, ang ma comment ko ai "COMMENT" hahaha! joke lang :D nice chapter! :D weeee skyband dumating na sila! itong si nhad makabanat wagas! si andy naman mainarte wagas HAHAHA!
grabe ..hulu man daw at magaling maganda pa din..ahahaha..nice one zeke ibang level na ang relation nina nhad at andy ahh...
_iamronald
nice one zeke... buhay na buhay..
pangz
Astig!!!
Sulit sa paghihintay.
Hindi man lng naginvite si zeke sa fiesta. Hehe!
Thumbsup zeke, gusto ko ang chapter na to, malaman. :)
Ehe, pasensya zeke, napatambling nalang ako kagabi dahil biglang nag-blackout...
anyway, kahit masungit parin si sigang habagat ngayong araw na to, hindi parin napigil ang kilig na hatid ng kwento mo, palong palo!! *salute*
Manahimik ka! hahaha Alam kong in love ka ngayon. May nakapagsabi sa akin na isang paru-paru. :D
Hehe Ayos lang iyon. :)
err andaming kiligsssss!!!!
errr, andaming kiligssss!!!!!
ang saya ko kasi nag-update ka na ulit! salamat po kuya! Godbless po!!
Beucharist!!!!!!
super ganda ng part na to more kilig moments between andy and nhad _dereck_
well malapit na ang anniversary mo sa pagsusulat.. nakakamiss talaga silang magtropa..
forte mo talaga ang mga kilig moments ZILD. HE HE HE. WOW AT MAY BUNOS PA COURTESY OF THE ORIGINAL GROUP ! SAYANG NGA LNG AT WALA UNG 2. W THE BAND OF THE SEVENTH BAR. EXCELLENT JOB ZILD.
Wew kakakilig naman tong chapter na to hehehe.
nice one zild job well done.
Take care and have a nice day....
nice job author...............................ras
wow....
kakakilig itong chapter na ito.....
next chapter na ulit....
-ronej
Dalagang Pilipina ang drama ni Andy..wootwoot..hihihi
wow galing sweet nman
-0yume
hahaha..ang charot ni nhad sa last part ha!?i really enjoyed this chap...lalo na nung minentioned ung ibang chars sa naunang mga stories...ang cute nila!hehe
hhmm,,bka kaya bittersweet un title kc gagawa c andy ng isang mix na un ang ittwag nya??haha..guess lang.^^
-monty
Post a Comment