by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
Dapat sana sa new year ko pa sisimulan ang posting ng
Chances pero hetot nag bago na naman ang maligalig kong isip marahil dahil sa
epekto nang baha. Hahahaha
Sana ma enjoy nyo ang Chapter na ito dito ko na po
ipapakilala ang taong babago sa buhay ni Dave. Happy Reading nalang guys at
sana makapag-comment kayo.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
“Ang dami naman nitong dapat hiwain, dinner lang naman ito
ah.” Ang wika ko habang tinutulungan ang hilaw kung bayaw sa kusina.
Abala ito sa kanyang niluluto na beef stake na alam kong
paborito ni Dorwin. Kahit kambal kami ay may mga bagay parin na hindi kami
pareho, tulad nalang sa pagkain. Kung si Dorwin ay mahilig sa beef steak ako
naman mas gusto ko ang adobo.
“Monthsary kasi namin ngayon ng kambal mo.” Nakangiting
tugon nito sa akin.
Ito ang gusto ko kay Red, noon pamang una ko itong makilala
nang dalhin siya ni Dorwin sa family gathering namin ay agad ko siyang
nakasundo dahil sa ugali nito – yung tipong kahit alam mong hindi niya
nagugustohan ay ngingiti lang siya. Alam ko naman ang tunay na ugali ni Red
base na rin sa mga kaibigan nito. Siya ang tipong hindi ka papalusutin kapag
may hindi siya nagustohan sayo.
“May Monthsary pa kayo? Ano kayo mga teenager?” May bahid ng
panunuya kong sabi na sinamahan ko pa nang nakakalokong ngisi.
“Wag ka nalang kumontra, ganun talaga pag-nagmamahal ka lahat
gagawin mo para mapasaya ang taong mahal mo.” Nakangiti naman nitong balik sa
akin.
Napataas ako nang kilay. Ewan ko, para sa akin ang corny
nitong lalaking to.
“Corny mo!” Sabay kaming napatawa.
“Hindi kapa siguro kasi nag mamahal pre, once na mag-mahal
kana promise, natural nalang ang pagiging corney at based sa experience naming
mga tinamaan ni Kupido hindi naman ganun ka sama, mas malala pa nga si Rome sa
akin eh.” Tatawa-tawa nitong sabi habang tinitikman ang kanyang niluluto.
Hindi ako naniniwala sa ganun. Para sa akin, choice mo kung
magiging anu ka. Kung trip mong maging corney, magiging corney ka.
Kanya-kanyang trip lang yan, hindi ibig sabihin na in love kana eh masisira na
nito ang naging nakasanayan mo at sa totoo lang ayaw kong maging corney, nakakasuka.
“Si Rome maiintindihan ko ang isang yon ikaw ba naman ang
mapares sa isang baliw, kung hindi ka rin masiraan ng bait.” Ang nakakagago
kong wika patukoy kay Ace.
Tumawa nalang malakas si Red sa tinuran ko. Alam kong minsan
ng minahal nito ang tamihik ngunit tulad ni Dorwin tigre kung pinsan na si Ace.
“Pare, di ba dead na dead ka kay Ace noon?” Wala lang, trip
ko lang balikan ulit ang nakaraan gusto ko kasing makita kong anu ang magiging
reaksyon niya.
“Noon pare oo. Ngayon, ang kambal mo na ang taong
pinakamamahal ko at si Ace ay kaibigan ko nalang.” Nakangiti nitong tugon sa
akin.
Ang swerte talaga nang kambal ko, bukod sa magandang karera
bilang isang abogado ay ito’t my bunos pang kumag na mahal na mahal siya. Who
would have thought na possible palang mangyari ang ganito – ang may totoong
pagmamahalan na mabubuo sa isang relasyon na kontra ang maraming tao.
Malapit na talagang
magunaw ang mundo! Naku!
“Kayo na ang in love sa isa’t isa.” Ang nang-aasar ko nalang
na wika’t baka makagat pa ako nang langgam sa sobrang ka sweetan ni kumag.
Ipinag patuloy ko nalang ang paghiwa nang mga rekados na
gagamitin ni Red sa kanyang mga niluluto. Minsan di ko rin maiwasang mapangiti
sa nakikita ko kay Red. Kung titingnan mo kasi, katulad ko ito malaki ang
katawan at tigasin walang mag-aakalang isang lalake ang kinakatakutan nito
half-half pa.
“Wow, ang bango naman nyang linuluto mo mahal.” Bungad naman
ni Dorwin.
“Hindi bagay rito ang mga taong madaling mapikon. Doon
kanalang sa sala at pagtiisan mong kausapin si papa habang hindi pa kami tapos
dito.” Singit ko naman. Wala lang, gusto ko lang asarin ulit si Dorwin ito lang
kasi ang paraan ko nang paglalambing sa kanya.
“Eh kung isaksak ko kaya sayo ang hawak mong kutsilyo nang
mawalan na ako nang sakit ng ulo? Alam mo bang Monthsary namin ngayon at dapat
nasa bahay kami habang pinagluluto ako nang asawa ko?” Sabi na eh, madali
talagang maasar itong si kambal ko mukhang naka one point na naman ako sa
kanya.
“Eh ano ba sa tingin mo ang ginagawa ngayon namin, di ba
nag-luluto naman kami dito at ipinagluluto kana ng ‘ASAWA’ mo slash ‘KUNO’ nang
paborito mong ulam.” Pang-aasar ko pang lalo sa kanya.
“Malaki ang pinag-kaibihan dahil sa bahay para sa akin lang
ang linuluto niya eh dito ayan at sumasawsaw kang kumag ka. Kung gusto mong
pagbigyan pa kita sa mga katarantaduhan mo umayos ka Dave.” Pikon na talaga
siya. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako deadbol.
Mabuti nalang at to the rescue naman ang hilaw kong bayaw.
Agad itong lumapit kay kambal at masuyong hinalikan sa labi.
Mga walang hiya, di na
ata kayang makapaghintay at sa harap ko pa talaga nag lalampungan.
“Hoy! Tigilan nyo nga yan sinisira niyo ang walang bahid ng
kamunduhang isip ko!” Sita ko naman sa kanila na hindi manlang nagpa-tinag.
“Sus, kaya pala high blood kasi gustong maka-gawa ng kamunduhan idinahilan pa
ang pagkain.” Bubulong-bulong ko pang dagdag.
“May sinasabi ka?” Taas ang isang kilay na wika ni Dorwin.
“Wala! Nag dadasal ako na sana ilayo ako sa mga masasamang
elementong tulad nyo.” Sa sinabing iyon ay naramdaman ko nalang ang pag-tama ng
kutsara sa likod ko. Binato na pala ako ni Dorwin sa sobrang pagkaasar sa akin.
“Mahal, wag mo na patulan yang kambal mo. Malapit nang
maluto ito, tawagin mo na si papa.” Pasimpleng saway naman ni Red dito.
Bago tuluyang tumalikod si Dorwin ay binigyan muna ako nito
nang nag-babantang tingin na sinagot ko naman nang nakakagagong ngiti sabay
kibit balikat.
Pinili ko nalang munang manahimik sa hapag habang abala ang
tatlong kolokoy sa pag-uusap tungkol sa kung anu-ano lang na maisipan nilang
pag-usapan. Nakakatuwang makita si papa na masayang masaya na nakikipag-kwentuhan
kay Dorbs at Red. Nakapag-decide na kasi ang dalawa na mag-hanap ng babaeng
pweding maging surrogate Mother ng kanilang anak.
Alam kong excited na si Papa na mag-kaapo, kahit na wala
itong sinasabi ay nararamdaman ko iyon. Kami ni papa ang naging mag-kasanga
nang tuluyang iwan kami ni Dorwin noon kaya naman alam na alam ko lahat sa
kanya sa isang tingin palang.
“Himala, tahimik ka ngayon.” Basag ni Dorwin sa aking pananahimik.
Nginitian ko ito nang isang klaseng ngiti na parang sinasabi
na gustong gusto ko ang nakikita ko. Nakuha naman agad ni Dorwin iyon at
tinugon ako nito nang kaparehong ngiti.
“You know what?” Wika ni Dorwin sa akin.
“What?”
“Mas gusto ko ang maingay at kingkoy na Renzell Dave.” Sabay
tawa nito na sinabayan naman ng dalawa.
Agad naman akong napasimangot sa pang-aasar nito sa akin.
Pero ang totoo sa loob ko ay masayang masaya ako para sa kapatid ko. Noong una
kasi nang malaman ko ang tungkol sa sexuality niya ay natakot ako, hindi para
sa sasabihin ng mga tao kung hindi, natakot ako na baka masaktan lang ang
kapatid ko kapag nag mahal na ito. Ayaw na ayaw ko itong nasasaktan dahil tulad
ng papa ko, mahal na mahal ko si kambal.
“Ayaw ko lang na maasar ka sa akin para tumagal pa kayo rito. Balak ko kasing
makipag-inuman sa bayaw ko eh.” Nakasimangot ko paring sabi.
“Hindi pwedi, moment namin ngayon iho kaya wag kang umepal.”
Ang nang aasar naman nitong wika.
“Moment? Eh sa iisang bahay at iisang kama na nga kayo lagi
eh.” Reklamo ko naman agad sa kanya.
“Monthsary namin remember? At kahit naman nasa iisang bahay
lang kami, di naman ibig sabihin nun na lagi na kaming may time sa isa’t isa. I’m
working and been busy these past few days pati si Red ay busy sa bar since sa
kanya na ibinigay ang pangangalaga sa bar ng anim na ulupong isama mo pa ang grocery
store nila.” Mahabang paliwanag nito sa akin.
Aalma pa sana ako nang bigla namang sumabat si papa.
“Bigyan mo sila nang time anak. Importante sa isang relasyon
ang oras para sa isa’t isa para lalo pa itong maging matatag.” Nakangiting wika
ni Papa.
Napasimangot nalang ulit ako’t padabog na ipinag-patuloy ang
pagkain. Napa iling-iling nalang si papa sa inasal ko. Basta talaga sa pamilya
ko nailalabas ko ang pinakatatago kong ugali – ang pagiging isip bata minsan at
spoiled.
Natapos ang dinner namin at agad na nagpa-alam sina Dorwin
at Red si papa naman ay siguro dahil na rin sa edad nito ay agad nang pumasok
sa kanyang kwarto para mag-pahinga. Naiwan tuloy akong mag-isa. Kaya naman
naisipan kong tawagan si Brian, isa sa mga kaibigan namin ni Dorwin.
“Hello pre, inuman tayo. Asan ka?” Bungad ko agad kay Brian
hindi paman ito nakakapagsalita sa kabilang linya.
“Wala, gusto ko lang uminum ngayon. Bakit, pag nag-yaya ba
ang isang tao nang inuman may problema na agad?”
“Bakit doon? Mas madaming chikas sa mga disco bar.”
“Ulol! Sige na nga tagal ko na ring di nakakapunta sa bar na
iyon.”
“Sige, sige. See you there then after 30 minutes.” At agad
ako nang pinutol ang linya.
Mabilisan akong naligo at nag-bihis nang matapos ay
pinuntahan ko si papa sa kanyang kwarto para mag-paalam. Kanina ko pa talaga
gustong uminum at dahil nga hindi ako napagbigyan ni kambal at Red ay si Brian
nalang ang i-istorbuhin ko.
Nang dumating ako sa bar na ngayon ay ang bayaw ko nang
hilaw ang may control ay agad kong nakita si Brian sa may bar counter. Alam
kong wala si Red doon ngayon dahil abala na ito ngayon sa kamunduhan nila nang
kapatid ko. Alam kong malibog ang dalawang yon hindi na kataka-taka kung bakit
nila ako tinangihan sa inuman.
Talagang napalago na nilang pito ang bar na ito katulad
nalang ng mga waiter nito na naka uniform na, ang bouncer nilang mukhang paa at
ang pangalawang palapag kung saan naroon ang opisna ni Red. Alam kong
tulong-tulong sila minsan pero, mas malaki ang naitulong ni Red sa pamamahala
sa naturang bar dahil kung hindi dahil sa kanya paniguradong hindi nito maaabot
ang kasikatan na meron ito ngayon dahil ang ibang myembro ay busy na sa
kani-kanilang negosyo at buhay pamilyado.
“Ang tagal mo naman. Ikaw ang taya ngayon ha, dahil ikaw ang
nag-yaya.” Agad na bungad ni Brian sa akin nang makalapit ako’t makaupo sa
katabi nyang upuan.
“Kung nakakatamay lang ang pagiging kuripot siguro matagal
kanang patay hayup ka.” Buska ko sa kanya na tinawanan lang nito.
Si Brian ang pinaka-close ko sa mga kabarkada namin ni
Dorwin dahil siguro pareho kaming may sira sa ulo at nasasabayan nito ang mga
kalokohan at trip ko sa buhay kaya okey na okey kami.
“Bakit di ka pa um-order?” Ang wika ko. “Penge nga nang
lason para sa kasama ko at whisky naman para sa akin.” Wika ko sa taong nasa
loob ng bar counter.
“Wait lang po sir, may emergency call lang po ang bartender
namin.” May galang na tugon sa akin ng isang empleyado na kakaiba ang uniform
sa mga waiter.
Di ko ugaling bigyan ng pansin ang mga kapwa ko lalaki pero
ang isang to ay nakuha akong mapatitig sa kanya nang matagal. Masasabi kong
maamo ang mukha nito, sa kilos palang nito alam ko nang isang tapik ko lang sa
likod niya ay susuka na agad ito nang dugo para kasing mahina ang dating nya
parang.. parang walang buhay? Walang buhay? The fuck?! Bago yon sa akin ah.
Kaya bago pa kung anu-ano ang pumasok sa kokote ko pina andar ko nalang ang
pagiging abnormal ko at agad napag-tripan ang pobreng sa tingin ko ay ang
manager ng bar na iyon.
“Ikaw ba ang manager dito?” Ang may angas kong tanong sa
kanya.
“Yes sir, I’m Alexis Vanzuela.” May bahid ng hiya nitong
pag-papakilala sa kanyang sarili na sinamahan pa nito nang isang nag-aalangan
na ngiti marahil na takot sa akin ang kolokoy.
“I don’t care about your name. I want my drink and so give
it to me now.” Pangaasar ko pang lalo gusto ko kasing makitang maasar ito.
Medyo naging misyon ko na ata sa buhay ang mang-asar ng tao pag wala ang kambal
ko na paborito kong asarin.
Narinig kong napahagikhik sa tabi ko si Brian malamang
natunugan na nito ang trip ko sa gabing iyon. Ang pobreng manager naman at tila
ba natilihan ngunit panandalian lamang iyon dahil agad na bumalik ang walang
ekspresyon nitong mukha.
“Sorry sir but I was not been trained to creat wines or any
kind of drinks.” Sabay talikod nito sa akin.
Napanganga ako sa ginawang pagtalikod na iyon sa akin ng
manager na iyon na hindi naman nakalampas kay Brian dahil tumawa ito nang
malakas na sinamahan pa nang tatlong palakpak na para bang ng aasar.
“Ano ka pare, di tumalab ang pagiging sira ulo mo sa isang
yon ah. Wala na pare, mukhang laos kana ata.” Tatawa-tawa parin nitong wika.
Hindi ako nakapagsalita agad para kasing na insult at natuwa
sa inastang iyon nang manager ng bar. Natuwa? Ewan ko kung bakit ako natuwa
siguro dahil bukod kay Red may isa pa palang taong hindi agad nag-papaapekto sa
akin para tuloy akong na challenge.
Mukhang masaya ito ah.
Sabi nang demonyo kong isip at gumuhit ang isang nakakagagong ngisi sa aking mukha.
Itutuloy:
23 comments:
Of all your stories this I love the most I don't know why. Hmmm... may kutob ako kay Alex :)
It made me smile sa first part ng chapter. I really missed Red and Rome and their sweetness to their loved one.
ah.. ang kalokohan ay bumalik nah! XD Kakabasa ko lang ulit sa RIght time kuya Z at naalala ko ang kakulitan nila rome at ace ky dave. :D :D :D
Excited na po ako sa susunod!
-->nIx
heto na naman si alex pa talga ang pinagdeskatahan ni dave..going to be a lovely trouble
wala po bang epilogue ung 9 mornings?? may kasal pa diba? pls mr author gumawa ka naman... hehhe
-FUGI
...at dito na magsisimulang magulo ang buhay ni Dave...
aaayyyeee!!!...
ang cute ng story...
gusto ko ung supLado-ish character ni aLex...
nd prang mysterious type...
definiteLy a story to Look forward to next year...
good job kuya Z!!...
nd take care po kuya Z...
- edrich
Naks nakahanap ng katapat si Dave..excited na ako..si Alexis kaya ang magpapatino kay Dave? Abangan ko next update..
hmmm...sana hindi si Alex ang partner ni Dave. sana bagong character. haha parang di ko lang talaga mapigilang manghula sa kwento na to :)
ngiting abot hanggang tenga :D very interesting story..
waaah ngaun lang pero anyway,,,kilig much mr author- chase
pahiya ka dave noh...@dereck@
may katapat ka dave ngayun....sa katauhan ni alex...... naku ano kaya ang plano mo kay alex....
ramy from qatar
exciting ang story. maiinlove ba si dave sa isang half-half, este sa isang Alexis? sana may flashback minsan kay rome at ace, sa tropa nila. good job mr author. congratulations
----------------isaac----------------------
Maraming salamat sa pagbabasa mga pepz :)) iibahin ko naman ngayon ang style ng greetings ko.. wahihihi... Salamat sa comment!
wahaha pareho kmi ni dorwin, ibabato anu mang madampot :3
Z...what happens sa 9 mornings...dba dapat may case pa kay anna?
Haha masaya to :))
galing galing :) parehas kayong talented ni jeff :) pero po sana mabilis yung update :) medyo nakakawala ng gana pag matagal update ee yun lang :) no offense ha
wahhh. ahaha. bat ganun c alex lang pala ang katapat ni dave. pero mas gusto ko rin na ibang character makalove team nya. d ko pa masyado feel c alex koya Z. ahihihi.
pero malay natin. o cya MERRY CHRISTMAS PO(BELATED) and ADVANCED HAPPY NEW YEAR!!
GODBLESS AND INGAT PO LAGI!
-ichigoXD
sipag ni zephiel ah! thanks sa chapter na to, ganda lalo na yung last scene. hihi!
--ANDY
exciting!
hahaha..kakaaliw naman..hahahaha mga sira ulo nagsisilabasan na...whahahahaha
iihhhh,,c alex pala??!!!hahahaha...masaya toh!!edi panis kang dave ka!!taray ni alex! Go gerlll!!!haha...nxt chap na!
-monty
Post a Comment