Thursday, December 15, 2011

9 Mornings Chapter 16




by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com


Maraming salamat po sa lahat ng taong patuloy na nagbibigay ng kanilang komento sa storyang ito. Ito na po ang chapter 16 ng 9 mornings ang ikalimang gabi sana po ay magustuhan nyo ito.


Sa susunod ko nalang po babatiin kayo isa-isa gawa nang nawala ang kodigo ko nang mga pangalan nyong lahat at ayaw may magtampo sa akin kaya para safe wala nalang muna akong babatiin ngayon. Wahihihihi


Apat na araw nalang ang natitira para matapos ang siyam na araw ng simbang gabi at ibig sabihin po nito ay apat na chapters nalang ang natitira at matatapos na ito. Sana hanggang sa huli ay subaybayan ninyo ang kwentong ito. Marami pa po akong pasog sa natitirang chapters tulad ng kay Alfie, Anna, Pat at ang ibang character na naging parte ng buhay ng ating bidang si Laurence Cervantes.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Ipinagpatuloy namin ang gabi ni Claude. Alam ko sa sarili kong mahal ko parin sya, pero natatakot ako na baka pag-tuluyan akong bumigay sa nararamdaman ko para sa kanya ay masaktan lang ulit ako, kami. Fragile masyado ang relasyon namin ngayon ni Claude lalo pa’t alam namin na pareho kaming may pagkakamali noon. Paano kung maulit ang pagkakamaling iyon? Kaya na ba naming panindigan ang isa’t isa? Konteng panahon, yon ang kailangan namin para makilala ulit ang isa’t isa dahil sa anim na taon naming paghihiwalay alam kong maraming nagbago sa amin hindi lang sa pisikal na anyo kung hindi pati na rin sa ugali.


Hindi ko maikakailang sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas ay naayus na namin ni Claude ang relasyon namin. But we cannot ignore our past that easily ang masalimuot na nakaraan na naging dahilan ng paghihiwalay namin.  Marami pang katanungan ang hindi nasagot, marami pang bagay ang hindi klaro sa amin. We have to start all over again kung gusto naming tumagal.


“Claude?” Ang sambit ko sa pangalan nya. Hindi pa rin kami nang hihiwalay sa pagyayakapan namin. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok nang kanyang puso at alam kong nararamdaman din nya ang sa akin.


“Hmmm?” Tugon nito. Sa yakap nya ngayon sa akin masasabi kong ayaw na ako nitong bitiwan parang kung pwedi lang habang buhay nalang kaming magkayakap ay gagawin nya.


“Yung inihaw ko.” Ang sabi ko sa kanya.


Agad naman itong bumitiw sa akin at ngumiti. Muli, nakita ko na naman ang ngiting bumighani sa akin anim na taon na ang nakakaraan. Ang ngiti nang nag-iisang taong nagawa kong ibigay ang lahat-lahat sa akin.


“Basta talaga inihaw hindi mo papalampasin.” Wika nito nang nakangiti habang pinapahid ang basa nyang pisngi. Ang maumo ang gwapo nitong mukha ay hindi nabawasan kahit ilang taon na ang nakalipas. Kahit medyo nag matured ang hitchura nito ay naroon parin ang dating Claude sa mga mata nya.


Napangiti na rin ako. Ngingitng hindi pilit, ang ngiting matagal ko nang ibinaon sa aking kaloob looban dahil sa pagkalugmok sa kalungkutan. Sobrang gaan nang nararamdaman ko sa mga oras na iyon para akong muling nabuhay. Parang binigyan ako nang muling pag-asa.


Ganito ba ang epekto sa akin nang taong ito? Kaya nyang hugutin lahat ng emosyon na meron ako sa loob ko?


“Bakit?” Ang wika nito dahil nakatutok parin sa kanya ang aking mga mata.


“Wala naman.” Agad kong bawi at muling itinuon ang aking atensyon sa aking iniihaw.


Naramdaman ko nalang ang pag lingkis nang dalawa nitong kamay sa aking bewang. Yumakap ito sa akin at hinalik-halikan ang aking ulo.


“Na miss kita nang sobra misis.” Ang malambing nitong sabi.


Nang marinig ko ulit ang tawag nito sa akin ay nakaramdam ako nang ibayong saya. Na miss ko ang tawag nyang iyon at mga alaala namin noon. Pero agad kong iwinaksi agad ang lahat dahil baka tuluyan lang akong bumigay sa kanya. Hindi ko naman intension na pahirapan o gumanti dahil walang rason para gantihan ko sya. Malinaw na sa akin ang lahat at tanggap kong pareho kaming nagkamali noon. Ang sa akin lang ay hindi ko na ulit gagawin ang pagkakamaling agad na bumigay sa kanya dahil alam kong hindi iyon makakatulong sa amin.


“Misis ka dyan. Hindi pa tayo ulit Claude gusto ko munang pagisipan ang lahat dahil ayaw ko na ulit magsisi.” Pilit kong pinahinahon ang boses ko dahil ayaw kong mahalata nyang gustong gusto ko ang nangyayari sa amin sa mga oras na iyon.


“Alam ko. Basta, hayaan mo lang ako.” Wika nito sa mahinang boses habang nakapatong ang kanyang baba sa aking kanang balikat. “Gagawin ko ang lahat na mawala ang takot na meron ka ngayon. Dahil ako naman ang dahilan ng lahat ng yan.” Wika pa nito.


Tagalang tinamaan ako nang kilig sa mga sinabi nya. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko baka hinarap ko na sya at siniil ng halik.


“Nakikiliti ako sa buhok mo. Lumayo ka muna nang konte.” Ang pagdadahilan ko nalang para ma divert ko ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.


Kay hirap tangihan ang paglalambing nito sa akin isama mo pa ang pabango nitong lalong bumabasag sa pagtitimpi ko. Claude’s manly perfume makes me shiver at alam kong nararamdaman nya iyon kaya mas lalo pa nyang idinikit ang sarili nya sa akin. Para tuloy akong timang na pinagpapawisan kahit malamig ang hangin sa pwestong iyon ng floating cottage.


Naramdaman ko ang pagdampi nang mga labi nito sa aking leeg. Napaigtad ako sa kuryenting dumaloy sa buo kung katawan at nang akmang ilalayo ko ang sarili ko sa kanya ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayap nya sa akin.


“Hayaan muna ako misis. Na miss lang kita nang sobra kay tagal kung inasam na mahawakan kang muli. Hindi mo alam kung gaano ka hirap para sa akin ang makuntento nalang pagmasdan ka mula sa malayo malayo.”


“Pagmasdan ako mula sa malayo? Stalker ka ba?” May pagtataka kong sabi na hindi ginagalaw ang aking ulo. Na conscious kasi ako sa sobrang lapit ng maing mga pisngi dahil nakapatong parin ang baba nito sa aking kanang balikat. Kung makikita ako ngayon ng isa sa mga estudyante ko paniguradong malaking eskandalo ang sasalubong sa akin sa bagong taon.


“Sabi ko naman sayo di ba? Mula nang dumating ako dito ay lagi na kitang sinusundan. Mula sa pagsimbha mo, pagpasok mo sa trabaho, hanggang sa mga taong nakakasalimuha mo ay alam ko.”Pagamin nito sa akin. Imbes na mahiya ay proud pa si gagong maging stalker.


“Kung ganun bakit mo ako inaway nung magkita tayo sa resto nina Mina?” May bahid ng pagtatampo kong sabi sa kanya.


“Hindi naman ako galit sayo sa mga oras na yon na dala lang ako nang galit ko sa sirili.”


“Galit sa sarili?” Pagkaklaro ko sa sinabi nya hindi ko kasi naintindihan dahil sa halo-halong emosyong nahahari sa akin. Kinikilig, nagaalangan, nagtitimpi, nagpapacute at kung anu-ano pang kalokohan.


Nagtawa ako nang humiwalay ang kamay nito na nakalingkis sa akin. Dahan-dahan ako nitong pinaharap sa kanya at nagsalubong ang mga mata.


“Naiingit kasi ako sa kanila.”


Gusto kong matawa nang muling makita ang pag-pout nito nang kanyang pangibabang labi. Ganito ito pagnagtatampo laging nagpapacute na bagay na bagay naman sa kanya at isa sa mga kinahuhumalingan ko sa kanya noon pa man. Pero, pinigilan ko ang sarili ko na ipakita ang pagkasabik kong iyon.


“Naiingit ka saan?”


“Sa kanilang lahat. Dahil bukod sa nakita kong masaya kang nakikipagusap sa kanila ay naingit din ako sa sweetness ng mga ka tropa nang pinsan ko. Alam mo yung kaya nilang ipangalandakan sa mga tao na mga relasyon nila lalo na yung si Red at Rome.”


“Kilala mo si Red at Rome?” Ang may pagtataka kung sabi.


“After natin sa Bestfriend dinala ako ni pinsan sa bar nila para mapakalma at makausap tungkol sa inasta ko sa restaurant ng misis nya. Doon ko nakilala si Rome at Red na sumunod sa amin sa bar agad nga akong sinapak ni Rome eh.” May himig ng pagsusumbong nito sa akin. Kaya pala may pasa ito nang magpunta sa bahay ko.


“Buti nga sayo.” Ang sabi ko naman akala siguro nya maaawa ako sa kanya.


“Mabuti nga sa akin.” Sangayon pa ni gago na sinamahan pa nang isang matamis na ngiti. “Dahil tuluyan akong nagising sa kahibangan ko. Nang ma kwento ko sa kanila ang tungkol sa atin kasama na rin ang.. ang… mapait na nakaraan natin nalaman kung nangyari rin pala ito sa partner ni Rome na si Ace at si Chad na pinsan ko ang may kagagawan.”


Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.


“Naingit ako kay Rome dahil nagawa nya ang isang bagay na hindi ko nagawa sayo noon ang protektahan ka. Im sorry.” Ramdam ko ang pagsisisi nito.


“Sana hindi pa huli ang lahat para makabawi ako Lance. Ibabalik ko ang dating meron tayo hindi ko na hahayaang mawala kapa sa akin dahil hanggang ngayon mahal na mahal parin kita.” At muli ako nitong yinakap nang mahigpit ako man ay tuluyan na ring nadala at napayakan na rin sa kanya.


Nang sa wakas ay matapos ang drama namin ni Claude ay nagsimula na kaming kumain bahagya pang nasunog ang  inihaw ko sa kadramahan namin at para siguro hindi ako malungkot si Claude pa mismo ang unang tumikim at pinuri ang aking inihaw. Bakas sa mga mukha namin ang saya sa mga oras na iyon para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.


Konteng kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin noong maghiwalay kami ang nangyari sa gabing iyon. Doon ko nalaman na lahat ng sinabi sa akin ni Claude ay totoo alam nya lahat ng nangyari sa akin sa nakalipas na anim na taon. Talagang nag hire ito nang investigator para mabantayan ako. Hindi na namin o mas matamang sabihin na pareho naming iniwasang ma buksan ulit ang topic tungkol sa eskandalo marahil ay ayaw ni Claude na masira ang gabi namin. Ang gabi nang aming bagong simula.


Nang mapansin ko ang aking relo ay nagulat ako na mag aalas-dos na pala nang madaling araw. Sadya talagang mabilis ang oras kapag nageenjoy ka.


“Claude kailangan ko nang umuwi.” Ang wika ko habang pareho naming pinapanood ang pagsayaw ng buwan sa tubig. Nakayakap si Claude mula sa aking likod at gaya nang kanina nakapatong ang baba nito sa aking kanang balikat habang nagkukwentuhan kami.


“Bakit?” Alam kong na bigla ito sa biglaan kong pagyayang umuwi. Kahit ako ay gusto ko pang magtagal doon pero kailangan kong tuparin ang obligasyon ko. Sayang ang effort ko sa pagising ng madaling araw para magsimba.


“Kailangan ko pang magsimba.”


Ang akala ko ay hindi ako nito papakawalan dahil hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin. Pero ilang sigundo lang ay unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nya hanggang sa iharap ako nito sa kanya at nang muling mag salubong ang aming mata mata ay walang anu-ano ako nitong siniil ng halik. Syempre na bigla ako kaya hindi agad ako nakaiwas.


Nang maghiwalay ang aming labi ay ngumiti ito nang sobrang tamis halatang tuwang-tuwa si gago. Nang makabawi sa pagkabigla ay agad na dumapo ako makay ko ulo nito.


“Loko ka! Naisahan mo ako don ah.” Ang pigil kong pagtatago sa kilig na naramdaman ko.


Tumawa lang sig ago at pinagigilan ang aking pisngi.


“Tara magsimba na tayo.” Wika nito na tatawa-tawa pa.


“Anong tayo? Ako lang, umuwi kana sa inyo nang makapag pahinga ka.” Kunyaring pagsusuplado ko sa kanya dahil ang totoo gusto ko ang ideyang sabay kaming magsisimba.


“Nope. Sasama ako.” Nakangisi nitong sabi sabay kuha nang cellphone nya sa kanyang bulsa. “Paki dala na kami nang misis ko pabalik.” Wika pa nito marahil ay ang restaurant ang tinawagan nito.


Ilang minuto lang ay naramdaman ko nalang ang pagalaw ng floating cottage. Iginaya naman ako ni Claude papunta sa front part ng floating cottage na iyon at doon ko nakita ang apat na lalaki na hinihila ang lubid na konektado sa cottage na sinasakyan namin.


Nang sa wakas ay makabalik na kami sa pangpang ay sinalubong agad kami nang waiter kanina. Agad namang kinuha ni Claude ang kanyang wallet ay kumuha nang limang daan at ibinigay iyon sa waiter.


“Pamasko ko sayo. Wag mo nang ipagamit sa iba ang cottage na iyan sabihin mo sa manager nyo. Yan na lagi ang tatambayan namin nitong misis ko.” Sabay akbay nito sa akin. Aba! Galante ang gago!


“Salamat po sir. Opo, sasabihin ko po.” Tuwang-tuwa namang tugon ng waiter. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa laki ng tip na binigay ni Claude.


Tatalikod na sana kami at tutunguin na ang kotse nang may bigla akong maalala.


“Hindi mo pa nababayaran ang in-order natin at yung renta sa floating cottage.” Ang wika ko sa kanya.


Ngumisi ito sa akin.


“Bakit ko kailangang magbayad eh ako ang may ari nyan.”


Literal akong napangaga at napahinto sa paglalakad dahil sa magkahugpong ang aming kamay ay napahinto rin ito. Napalingon ako sa magandang restaurant na iyon ang kilalang sea food restaurant at muli kong ibinaling ang aking tingin kay Claude na may pagtataka.


“Ibenenta na ng may ari sa akin ang share nya. Actually, hindi sa akin kundi kay mama at since na ako na ang humahawak sa mga negosyo namin akin na yan.” Sabay kindat pa nito sa akin.


“Eh yung kapatid mo?” Nang maalala ko si Louisa.


“Naku, pasaway ang isang yon at walang hilig sa negosyo kaya nang mag punta ako nang US para lumayo “kuno” sayo nag change course ako to business management.” Nakangiti nitong sabi.


“Dapat talaga quoted ang “kuno”? Panggagaya ko pa sa pag-quote nya sa salitang iyon.


Tumawa lang ito at muling pinaghugpong ang aming kamay.


“Tara na, malalate tayo sa misa.”


Talagang marami na ang nagbago sa loob lang ng isang taon. Kung noon ay mayaman sina Claude mukhang ngayon ay na times ten pa ata ang yaman nila. Nakaramdam ako nang inggit sa kanya hindi dahil sa kayamanan nya kung hindi dahil sa tatag na meron sya alam kung hindi biro ang humawak ng mga negosyo lalo na sa edad nito ngayon na twenty six palang.


Sakto Naman ang pagdating namin ni Claude sa simbahan dahil kasisimula lang ng misa. Wala kaming choice kung hindi ang tumayo nalang sa labas  dahil puno at ukupado na ang loob ng simbahan. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong magpa-late. Pero, since na kasama ko naman si Claude ay hindi na ako nagreklamo pa.


Taimtim kaming nakinig ng misa. Napaka saya ko sa mga oras na iyon dahil kasama ko ang taong mahal na mahal ko. Paminsan-minsan ay nagkakatitigan kami at sabay kaming napapangiti palihim din itong nakahawak sa aking kamay na hindi ko naman tinutulan.


Humingi ako nang tawad sa panginoon sa ginawa kong paglimot sa kanya. Doon ko na realize na hindi tama na isisi ko ang mga kamisirablehan ng buhay ko sa kanya dahil ako naman itong pumili kung bakit ako nagkaganun.


Nang matapos ang ikalimang araw ng misa de gallo ay agad akong inihatid ni Claude sa bahay. Kita na sa kanyang mga mata ang pagod at antok dahil tulad ko pareho pa kaming walang tulog. Dahil na rin sa takot na mapahamak sya ay inaya ko syang magpahinga muna nang konte sa bahay. Agad namang na recharge si loko at nagliwanag ang mukha.


Dumating kami sa bahay ngunit ng makapasok ito ay biglang napalis ang ngiti at masayang aura nito sa kanyang mukha. Bumakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata.


“Anong problema?” Ang di ko maiwasang maitanong sa kanya.


Hindi ito sumagot sa akin.


“Claude?” Pagtawag ko sa pangalan nya para pilitin syang magsalita.


“Wala. Naisip ko lang kong gaano ka naging malungkot tumira magisa dito.” May bahid ng lungkot nitong sabi.


“Nag dra-drama ka na naman eh. Pweding pass muna tayo sa dramahan? Baka ma dehydrate ako sa kakaiyak eh. Di ba sabi mo naman  babawi ka?” Patawa kong sabi.


Tumango-tango ito at ngumiti na rin. Alam kong malaki ang guilt nya sa sarili sa mga nangyari sa buhay ko ang sarili nya ang sinisisi nya sa pagiwan nya sa akin noon sa gitna nang problema.


“Bakit wala kapang Christmas decoration?” Pag pansin nito.


“Hindi talaga ako nag lalagay ng Christmas decoration si mama sya lang naman ang may tyagang mag kabit ng mga iyon eh.” Nakangiti kong wika sa kanya habang tinatanggal ang sapatos at medyas ko.


“Sige mamaya bumili tayo nang mga decorations at Christmas tree dito natin sisimulang baguhin ang lahat-lahat.”


Natuwa naman ako sa tinuran nito seryoso talaga sya sa gagawin nyang pagbawi sa akin.


“Christmass party namin mamayang hapon kaya hindi pwedi.”


Naupo ito sa tabi ko at muli na naman akong ninakawan ng halik.


“Nakakarami kana Mr. Samaneigo!” Galit galitan kong sita sa kanya.


Pero imbes na tumigil ito ay hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at muling siniil ng halik. Hindi ko na nagawang pumalag dahil tuluyan na akong dala sa halik nito sa akin. Ilang minuto rin ang itinagal ng halikan naming iyon at nang maghiwalay ang aming mga labi ay agad ako nitong kinarga na parang bata. Hindi na kabigla-bigla na nakaya akong buhatid ni Claude ng walang kahirap-hirap sa laki ng katawan nito.


“Tulog na tayo misis.” Wika nito na may pilyong mga ngiti. “San ba ang kwarto mo?” At nagpalinga-linga ito.


“Hoy dito ka sa baba ako sa taas ako.” Ang wika ko naman na isa palang malaking pagkakamali dahil nadulas ako at nasabi kong saang banda ang kwarto ko.


Ngumisi ito sa akin at walang anu-anong tinungo ang kwarto ko. Nang marating namin ang aking kwaro ay dahan-dahan ako nitong ibinaba sa aking kama kasunod ang pagpatong nito sa ibabaw ko.


“A-Akala ko ba matutulog na tayo?” Ang kinakabahan kong sabi.


“Yep, pero bago yon may gusto muna akong gawin.” Tugon naman nito na sinamahan pa nang pilyong ngiti.


Mag-rereact at tututol pa sana ako nang tumayo ito at walang anu-anong tinangal ang kanyang pangitaas na saplot. Mag sisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako naapektuhan ng makitang muli ang kahubdan nito. Literal na nanlaki ang aking mata nang i-unbutton nito ang fly nang kanyang pantalon. Ngumisi pa si loko nang makita ang reaksyon ko at kumindat.


“Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Sita ko naman sa kanya ngunit nag bingibingihan lang si gago at tuloy-tuloy na ibinababa ang kanyang pantaloon.


Napa ‘Shit’ ako nang makita ang kahubdan nito. Sexy nitong tingnan habang nakaboxer lang ito nang itim. Ang mga balahibo nito sa hita hangang sa kanyang binti ay lalong nagpapadagdag sa kanyang appeal.


Agad itong sumampa sa kama at pumatong sa akin.


“Game?” Nakangising gago nitong wika na hindi ko na nasagot dahil agad nitong inangkin ang aking mga labi na agad ko namang tinugon ng walang pagaalinlangan.


Masyado malakas ang hatak ng taong ito sa akin at napakadali lang sa kanyang sirain ang depensa ko siguro dahil gusto ko rin talagang likas lang akong pakipot pero ngayon bahala na si batman at robin.


Nagsimulang maglakbay ang lakbay ang aking kamay sa kanyang matipunong likod.  Naramdaman ko narin ang kanyang kamay na dahan-dahang itinataas ang aking damit at nang tuluyang matanggal ito ay muling nagsalubong ang aming parehong nangungusap na mga mata. Pagkasabik, pagmamahal, at kaligayahan ang nakikita ko sa mga mata ni Claude hanggang sa muling mag lapat ang aming labi.


Mapusok ang mga halik nito’t mapang-angkin na sinuklian ko naman hangang sa naglalakbay ang mga labi nito pababa sa aking leeg, papunta sa aking tenga. Napuno nang impit na mga ungol ang apat na sulok ng aking kwarto.


“I love you misis.” Ang wika nito sa humihingal na boses. Tinugon ko naman ng isang mapagmahal na halik sapat para malaman nito ang totoong sinisigaw ng aking damdamin.







Itutuloy:

41 comments:

CHIPPY said...

Yan na!!!!
Ang favorite series ko this Christmas!!!

I LOVE U AUTHOR!
MORE UPDATES PLEASEE!!!

Anonymous said...

masyadong maganda ang chapter na to. Ano kaya pasabog ni author sa mga susunod pa?@dereck@

Anonymous said...

Wala na... bow na talaga ako sa'yo kuya! haha
Ganda talaga ng story... Salamat at nagkabati na sila, hindi halata kay Claude ang kasabikan. Haha

-jake of cebu-

Anonymous said...

naman!! Dun p talaga binitin. Haha! Next na! Ang ganda talaga nito!!!

--ANDY

M.V. said...

Super... ang ganda... pero kinakabahan ako sa posibleng twist ulet ng kwento... pero hintayin ko na lang... heheheh

Anonymous said...

Hay sarap!

Nid kong mbuo ang simbng gabi ngaung taon at bka sakali... ; ))

Congrats Z! Ganda at Galing ng mga stories m!

Advance Merry Christmas Z! Advance Merry Christmas Everyone!


--->doki<---

Anonymous said...

Thanks God,, dahil nagka-ayos din ang dalawa. Sana magtuloy-tuloy na ang mga itoh, masarap talaga sa pakiramdam na may umaaruga at may nagmamahal sa iyoh,,


Beucharist.......

singledon said...

hay naku, sira na work schedule ko.hindi ko mapigilan maiyak.sarap tlaga magmahal.alam mo z for d past 2 days wala akong tulog masyado kahihintay ng chapter 16. thnk u very much z. love u. mwahhh mwahhhh.tsup tsup. makapagsimba na nga ng simbang gabi baka mahanap ko si mr right guy. hahaysss kailan pa kya sya dumating?


singledon

Anonymous said...

ang ganda ng chapter na ito.... full of excitement at romance ang naganap kay laurence at claude...sana wala ng magaganap na bagayan nilang dalawa....sana handa na silang dalawa harapin ang mga pag subok sa pagamamahalan nila.

ramy from qatar

politotz said...

oo nga

kristoff shaun said...

hihi intense ha!

Erwin F. said...

Ayan ha! Kinilig ako! Kakaaaning!

Claude ikaw na mayaman!

Lance di na uso mayumi ngayon.

Z iheychu! Pinagulong mo ako sa kama nanaman sa kilig. Huhuhu!

Asan na ba claude ko? Dali mamaya na simbang gabi. Ayoko maging single sa pasko!

Huhuhuhu!

wastedpup said...

Da best ka talaga Z. Walang kupas. Walang katulad. Hanggang mamayang pagsisimula ng misa de gallo masses. Ingatz ikaw. God bless.

ram said...

sulit na sulit ang update na ito haba at puno ng kasweetan at drama na din.

Zildjian said...

Salamat guys! hehehe ang sarap talaga nang feeling na napapasaya at napapakilig ko kayo. Alam nyo yon? yung feeling na lahat ng pagpupuyat ko ay worth it kapag nagugustohan nyo ang chapter na gawa ko.. hayaan nyo't gagalingan ko pa nang konte para masulit ko naman ang kaligayahan nyo since pasko ito babawasan ko nang drama sa remaining 4 chapters hanggang sa maumay kayo sa kilig :))

Anonymous said...

bitin bitin bitin author. hehehehhe


taga_cebu

Anonymous said...

Just in time for the real start of 9 Mornings tomorrow. Kakainspire magsimba! Sana makumpleto ko ulit ngayong taon. :)

Maraming salamat po sa isang npakaganda niyong akda! Di na tuloy mawala ang ngiti sa aking labi. :)


-->nIx

Midnytdanzer said...

Kinilg naman ako. Sana meron gnito sa tutoong buhay hindi puro pagnanasa lang sa akin, haaay... lol

Pero blik sa kwento... parekoy, pwde ba hanggang dito na lang the end na? Hahaha kinakabahan ako at dipa lang nalulungkot na sa mga susunod 4 na chapters dahil papasok na ang mga kontrabida.

alluere said...

kaloka akala ko light chapter nato....

grabe kilig ko parang kinikilito clitoris ko.....

ahahahahha...

Anonymous said...

one word to describe this chapter...

NAKAKAKILIG!!!...

yey!!..
bati nah cLa ni cLaude...
ang saya!!...
cnt hLp but smiLe whiLe reading this chapter...
mamaya nah pLa ung simbang gabi...
makes me excited to attend it coz of this story...
sana dun ko nah rin m.meet ung guy for me...
hahaha!!...
joke Lng po...


- edrich

Anonymous said...

Ayieeeeeee..... Kinikilig ako.... Haha... Pampatanggal inis... Haha... Perfect! Ang galing galing mo po author!!

-jemyro

Anonymous said...

WALA NA BA?
ANG BITIN!! AHAHA..

ganda kuya Z. IKAW NA!
sulit ang paghihintay.

Godbless po. :D

-ichigoXD

Gerald said...

Haissst... kayu na maligaya ngayong Pasko. May pinsan p b yang c Claude? Try ko rin tapusin ang 9Mornings umpisa bukas bka magkaayos pa kmii ng "Tatay" (my ex) ko. Nainspire ako.

Anonymous said...

i really love this story!! bagay sa xmas, waah, galing, ok na sila, sna tuloy na tuloy na tuloy na tlaga hanggang xmas!! pamasko mo author, haha

-john el-

Ross Magno said...

Ikaw na talaga Zephiel...
the best ka talaga...

ang galing mo talaga magpakilig...
parang 360 deegrees ang inikot ng story mula sa pagkapoot hanggang sa pagbalik ng kanilang tunay na nararamdaman...

You really prove na
Pain is inevitable but suffering is a choice...
And life is too short to waste it with hatred...

Anonymous said...

great chapter- chase

russ said...

go go go love scenes na author...heheehe..sana habaan mo mga 300 pages lang naman..kaya mo yan..hehe

Billygar said...

nice work Z. Galing mo talaga. Bravo...

--makki-- said...

magnetizing story! ang galing mo talaga Mr. Z.

RJ said...

nice nice nice sir :D

haha di ko alam sasabihin ko. galing e! keep it up Z.

haha ito na ata pinakamaikli kong comment sayo. :) ingat.

Pink 5ive said...

Kinikilig kaming dalawa ngayon kung alam mo lang.
Next chapter na :-) Curious na rin ako kung ano magiging papel nung magpinsan at nina Anna at Alfie.

Congrats in advance! Di pa tapos pero nakikita kong maganda ending nito. :-)

robert_mendoza94@yahoo.com said...

sarap sa pakiramdam aman na nag kaauz na cla. tama nga ung kasabihan na LOVE IS LOVELIER THE 2ND TIME AROUND. NICE! NICE! FREND.

IAN said...

over naman ang chapter nato over sa ganda!,,

next na! ... inggit much ako kay laurence..

4 chaps na lang? pamasko mo na lang saamin author ung book 2! ,, hahaha... piling ko mabibitin ako sa ending ,,, huhuhu...

a zillion thumbs up sa chapter na to! :D!

(IAN)

LightRundel said...

nkaka kilig..sobra..kung may word na lagpas sa sobra ayun na yun..hi sa lht..erwin f crushie mo q?wee?haha!

author thanks ng sobra..nc storyu b uti nlng at d ka kgya ng ibng author na ang ending eh cancer,lukemia...haha!

Anonymous said...

The best!! nsbe na ng lht ang mga ssbhn ko kaya yan lng ang mssbe ko ehehe!! looking forward for the next chap..

LOL cancer leukemia xD


bharbzz,,

ezr0ck said...

wow ... love it! ♥ (ayun may heart dito .. hehehe)

Bharbzz said...

read for the 2nd time!! hnd ko p rn maiwasan mapangiti,mapaluha at kilig kht pangalawang beses ko ng mabasa ang chap 1-16!! e2 pa rn ang pnka gs2 ko sa 3story mo aftr ko nbasa ang 1st 2 story ..e2 p rn ang pnka mganda for me!!

22loi ko n ang pg babasa neto..I'm sure lalo ko pa etong mggs2hn..

thankz ult kuya zep!!

Unknown said...

nga po pala...nagbabalik ang inuman sa kwento mo ahh...hahaha

whaaaa!!! ang halay naman..weeew! wag po..wag po..hahaha

Unknown said...

hahahaha di ko maiwasang mapahagalpak sa tawa sa inasta ni Chatty..hahahaha

Sa pagkakaalam ko lang ha...may gusto din si Pat kay Laurence pero sana naman di gawin ni Pat ang ginawa noon ni Alfie..weeew. at sa palagay ko din na alam na din ni Pat ang lahat nung naiwan sila sa Seventh Bar..Si Pat ba ang partner ni Dave soon??? at sino kaya ang tumawag???well...abangan..hahaha

Anonymous said...

_ paraNg kung ilalagay ntn sa reality ang story ay npaka unrealistic, kc gnun nlng un para sa part ni Laurence?gnun lang kdali kalimutan ang lahat?...hahay..pero I REallY like this story huh...sa lhat ng nabsa ko now lang ako nagcomment dahil nadala ako sa flow..well done author...:D

Anonymous said...

yey!!ayos na sila!!haha..i enjoyed this chap...ang hirap dn ng pinagdaanan nila ha...natawa lang aq nung parang batang nagsusumbong c claude ke lance nung cnuntok x ni rome agad sa 7th bar!haha..ang cute nya cgurong tignan hbang nagsusumbong!^^

-monty

Post a Comment