Tuesday, December 13, 2011

9 Mornings Chapter 15




by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com



Tulad ng ipinangako ko  ito na po ang Chapter 15. Sa mga makakabasa nito ngayon alam ko pong may mga typos at kung anu-ano pang kapalpakan sa chapter na ito dahil hindi ko pa ito na proof read basta ko nalang itong ipopost ngayon dahil inaantok na ako. Mamayang gabi ko nalang po ito aayusin.


Migs0823 – Ito na ang ipinangako ko sayo kaya tuparin mo ang sabi mong bibigyan mo ako nang kokolet ngayong pasok. Wahihihihi


Aldrich & Jay – Ayan ah ito na siguro di na kayo magtatampo sa akin dahil tinupad ko na ang kahilingan nyong gawin agad ang chapter 15.


Sa mga ibang Readers at Silent Reader pati narin sa mga Anonymous hindi ko muna kayo babatiin ngayon sa next chapter nalang siguro guys para bibo. Hihihiihi



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





“Ano ba! May kamay ako, kaya kong mag lagay ng seat belt magisa!”


“Easy! Akala ko kasi hindi ka sanay na nagseseat belt since wala ka namang kotse.”


May pagkamayabang talaga ang taong ito. Kung hindi lang ako natatakot na masira ang reputasyon ko bilang guro talagang hinding hindi ako makikipagusap sa kanya. Ewan ko rin sa baliw kong puso na wala nanamang humapay sa pagkabog. Maybe because i miss this attitude of him pero hindi, ipinangako ko na hinding hindi na ako aasa pa sa kanya.


Patakbo itong tinungo ang driver’s seat at nang makapasok ay agad nitong binuhay ang makina nang kanyang kotse. Halo-halong emosyon ang nararamdamn ko sa mga oras na iyon. Takot, dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pabang makarinig ng panlalait at pangiinsulto galing sa kanya. At pagkalaito sa kanyang mga kinikilos na kakaiba. Pinilit ko nalang iwaksi ang isang yon dahil mas lalo lang tuloy akong naguguluhan.


“Malakas ka na pala ngayon uminum huh?” Wika nito habang nasa daan ang kanyang atensyon.


“Ano ba ang pakialam mo?” Pabalang kung sagot para mawala ang pagkalitong nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Iyon lang ang paraan para hindi tuluyang masakop ng nararamdaman ko sa kanya ang aking pagkatao dahil kung magkataon masasaktan na naman ako.


“At magaling kana ngayong sumagot. Iyan ba ang itinuturo mo sa mga estudyante mo?” Napapailing pa nitong sabi pero kita sa gilid ng mga mata ko na nakangisi ito. Talagang gusto lang ako nitong asarin. Puwes kung yan ang gusto mo pagbibigyan kitang kumag ka.


“Dahil yan ang bagay sa mga katulad mong mayayabang. Bakit Claude, ang akala mo ba gaya parin ako nang dati na hindi marunong lumaban?”


Tumawa ito nang pagak.


“Ako mayabang? Ikaw palang ang nag sabi sa akin ng ganyan. Yung ibang mga nakakasama ko kasi they find it more like nagsasabi nang totoo kaya naman lalo lang silang nahuhumaling sa akin.” Medyo nakaramdam ako nang kirot sa sinabi nito. Knowing na may mga nahuhumaling sa kanya ay mas lalong nagpabigat sa aking pakiramdam.


“San ba talaga tayo pupunta?” Ang sabi ko nalang para hindi nito mahalatang tinamaan ako sa sinabi nya.


“Somewhere private so we can talk.”


“And what made you think na makikipag-usap ako sayo?” Hindi ko na talaga kaya pa muli na naman kasi akong nilamon ng damdamin ko sa kanya. “Hindi ako masokista para hayaan kang saktan ako ulit ng masasakit mong mga salita at paratang.”


Hinintay ko itong sumagot ngunit hindi nangyari iyon. Hindi ko tuloy mahulaan kong anu ang tumatakbo sa kanyang isip. Isama mo pa ang pagpunta nito kanina sa bahay para humingi nang paliwanag ko na mas lalong nagpalito sa akin. Hindi magiging maganda para sa akin kung hindi ko ma a-anticipate ang mga plano ni Claude ayaw kong mabigla.


“Ihinto mo ang sasakyan Claude. Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na para matapos na ito.”


“You’re not in the position to give orders to me Laurence. Ikaw ang bihag ko ngayon kaya ako ang masusunod kung ayaw mo ma eskandalo.” May galit nitong sabi.


“Ano ba talaga ang gusto mo?” Ang pikon ko na namang sabi at hinarap ko pa talaga sya para ipakita sa kanya ang ekspresyon ng mukha ko. Hindi ko talaga kayang tagalan ang angas at kayabangan nito na dati ko pang kinaiinisan.


“Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo malaman ang gusto ko di ba? I want to hear the whole story behind....” Parang nagisip muna ito kung dapat ba pa nyang dugtungan ang kanyang sasabihin at dahil nasa kanya ang atensyon ko hindi ko alam kung tama ba ang nakita kong paglungkot ng ekspresyon ng mukha nito. “The video scandal.” Kung hindi pa naka sarado ang mga bintana nang kotse nya ay hindi ko maririnig ang karugtong niyon sa hina nang pagkakasabi nito.


Hindi ako nakakibo nang muling marinig ulit iyon sa kanya. Ang eskandalong sumira nang buhay ko at nang mga pangarap ko, mga parangap na kasama si Claude. Ang eskandalong naging dahilan ng kamiserablehan ng buhay ko.


“Gusto…”


“Tama na.” Ang pabolong kong pagpigil sa kanya kasabay noon ang pagagos ng mga luha ko. Hindi ko pala kayang harapin iyon. Lalo’t sa lalaking minahal ko muling ng galing ang mga salintang pilit kong iniiwasang marinig. Hearing again ‘Video scandal’ still brings me to my tears and pain from before lalo na kung sa bibig mismo nang taong mahal mo manggagaling ang mga salitang iyon.


Naramdaman ko nalang ang mabining  paghawak ni Claude sa isang kamay ko. Doon ko lang napansin na naitabi na pala nito ang sasakyan.


“Okey. Kung hindi mo gustong sabihin hindi na ako mamimilit.” Muli kung nakita sa mga mata nya ang Claude na minahal ko ngunit imbes na ikatuwa ko iyon ay lalo lang tuloy akong nalunod sa kalungkutan. Dahil hindi ko pweding itago na ang taong kaharap ko ngayon ay isa sa mga taong hindi ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag noon at kahit ano pa ang mangyari hinding hindi ko na maibabalik pa ang dati.


Inagaw ko mula sa kanyang pagkakahawak ang kamay ko at ibinilang ang aking atensyon sa bintana ng sasakyan at tahimik na umiyak. Narinig ko itong napabuntong hininga bago muling paandarin ang sasakyan.


Ang akala ko ay ihahatid nalang ako ni Claude sa bahay pero hindi iyon ang nangyari. Ilang minuto ang nakalipas ay nagtaka ako na puro na tubig dagat ang nakikita ko sa labas ng bintana. Doon ko lang napansin na ang dinadaanan naming seminto ay sadyang ipinagawa para marating namin ang isang Sea Foods restaurant na itinayo mismo sa ibabaw ng dagat. Kilala ang restaurant na iyon hindi lang dahil sa magandang ambience nito at may kamahalan dahil ang tunay na dahilan ng pagsikat nito ay ang masasarap at presko nitong mga pagkaing sine-serve.


May pagtatakang napalingon ako kay Claude.


“I just wanted us to talk Lance. I just wanted you to hear me out this time dahil alam kung may kasalanan din ako sa mga nangyari.” May bahid nang pagsusumamo nitong sabi.


Medyo tinablan ako sa sinabi nito lalo pa’t ramdam ko ang sinseredad sa kanyang tinuran. Sabihin nang tanga ako pero hindi ko maikakailang gusto ko syang pagbigayan, gusto kung marinig ang mga sasabihin nya kahit masaktan pa ako kung yon lang ang tanging paraan para mapagbigyan ko ang bahagi nang sarili ko na nangungulila sa kanya.


Nang maiparada nya ang kanyang sasakyan ay agad akong lumabas para hindi nito marinig ang malakas na pagbuntong hininga ko.  Hinintay pa ako nitong makalapit sa kanya at sabay naming tinungo ang loob ng restaurant na iyon.


“Good evening sir welcome to Yolanda’s.” Ang bati sa amin nang isang nakaunipormeng waiter. Makikita sa uniporme palang nito na hindi basta basta ang restaurant na iyon.


“Good evening. Is the floating cottage available?” Tugon naman ni Claude dito. The confidence in his voice made him more handsome. Bakas na sanay ito sa mga ganung lugar.


Bakit kailangan pang umarkila ito nang floating cottage kung pwedi namang sa isa sa mga lamesa nalang kami pumuwesto.


“Do you have a reservation sir?” Pormal na tanong ng waiter. Napagalaman kong hindi basta bastang pupunta kalang sa restaurant na iyon. Kailangang mong mag pareserve kung gusto mong makakain sa lugar nila.


May kinuha ito sa kanyang wallet na parang ID at iyon ang ipinakita nya sa waiter.


“I’m sorry Mr. Samaneigo, this way sir.”


Nagtatakang sumunod nalang ako sa kanya.


Regular costumer ba si Claude sa restaurant na ito? Impossible naman ata yon di ba kauuwi lang nito galing US?


Iginaya nga kami ni Claude sa sa labas ng Restaurant kung saan naroon ang floating cottage na pweding arkilahan. Masasabi kong hindi basta bastang floating cottage lang ang mga iyon dahil para na itong bahay kung tutuusin isama mo pa ang magandang desenyo nito at mga gamit na hindi maikakailang gawa sa mamahaling kahoy.


“Floating cottage ba talaga ito? Para kasing bahay na ito eh.” Ang di ko maiwasang maisatinig sa sobrang pagkamangha.


Kita ko namang napangiti si Claude sa sinabi ko dahilan para tuloy makaramdam ako nang discomfort. Hindi naman talaga ako sanay sa mga ganitong bagay. Hindi ako laking mayaman kaya kabigla-bigla para sa akin ang makakita nang mga ganito kagarbong floating cottage. Ang nasa isip ko kasi nang marinig ko ang usap-usapan tungkol sa Yolanda’s at sa floating cottage nito ay ang karawinang gawa lang sa kawayan.


“May electric griller po kami sa bandang likod sir kung gusto nyong kayo ang mag grill. It is our way po to give our customers the feeling being on the floating cottage and at the same time being at home. Mas mararamdaman nyo po kasi na parang nasa beach lang kayo at nag pipicnic.”


“So, pwedi kaming mag bar-be-que?” Parang ewan na kinalimutan ko nang kasama ko si Claude, na excite kasi ako masyado.


“Yes sir.” Nakangiting wika sa akin ng waiter.


“Ano ba ang mga pweding i-grilled na pagkain?” Wala na, tuluyan na akong nadala sa excitement ko. Si Claude naman ay nakangiti lang na nakamasid sa amin ng waiter habang ine-interview ko ito. Hindi ko nalang muna sya binigyan ng pansin dahil talagang adik ako sa mga grilled foods.


“Shrimp, pork, fish yung mga common sir, at madaling ihawin.” Halatang nalilito na rin sa akin ang waiter dahil sa kakatanong ko napapakamot na ito sa ulo.


“Bigyan mo kami nang pork.” Ang nakangiting wika ni Claude.


“Yon lang ba Sir Samaneigo?” Agad namang sagot ng waiter.


“Yeah yon lang dahil hindi na kakain yan ng iba basta may grilled pork. Paki dalhan narin ako nang alak dito.”


Nakakatuwang hanggang ngayon ay alam parin ni Claude ang paborito kong pagkain. Agad namang tumalima ang waiter para kunin ang order namin. Nang mabaling ko ang aking tingin kay Claude ay hindi parin ma palis ang mga ngiti nito.


“Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” Sita ko sa kanya. Pero ang totoo natuwa akong muling masilayan ang mga ngiti nito lalo na ang nag-iisang dimple nya sa kanyang kanang pisngi.


“Wala. Hindi ka parin pala nag babago basta tungkol sa inihaw lumalabas ang katakawan mo.”


Pasimpleng tumalikod ako sa kanya para itago ang pag guhit ng ngiti sa aking mga labi. It’s as if bumalik kami sa dati na komportableng nag bibiruan.


Nang makabalik ang waiter ay may hawak na itong tray kung saan nakalagay ang in-order namin na handa na para i-grill may dala rin itong apron na nakasabit sa kanyang kanang kamay siguro para maiwasang madumihan ang damit ng kanilang costumer. Kung kaya ko lang ma afford ang cottage na iyon sigurado akong pupuntahan ko ito isang beses sa isang linggo, pero alam kong hanggang pangarap nalang iyon dahil wala akong balak mag aksaya nang pera para lang sa sulsulan ang kapritso ko.


“Enjoy the night sir.” Ang wika nang waiter bago ito lumabas at may tinawag na apat na lalaki. Iyon pala ang tutulak sa floating cottage para tuluyan na itong lumayo sa pangpang. Nakita ko pang ngumiti at kumaway pa ang waiter sa amin.


Muli na kaming naiwang dalawa ni Claude at ayon muli ko na namang naramdaman ang pagkailang sa presensya nya kaya bago pa man ma sira ang gabi ay tinungo ko na ang electric griller para simulan ng magihaw.


Si Claude ay tahimik lang na sumunod sa akin dala ang kanyang baso na may lamang alak. Tahimik lang kaming pareho walang gustong magsalita. Dahil sa presensya ni Claude sa likod ko ay nagsimula akong maging uneasy kaya kahit gusto kong simulan ang usapan ay hindi ko magawa.



“Lance?” Mahinang sambit nito sa aking pangalan. Ang sarap sa pandinig ko ang pagsambit nito nang pangalan ko dahilan para magwala na naman ang aking hindi na ata matatahimik na puso.


“I’m sorry, I know I didn’t give you the chance to explain yourself to me dahil nasaktan ako. Sobra kitang mahal lance, hindi na atim ng ego ko na may ibang nakahawak at umangkin sayo kaya naging bingi ako sa paliwanag mo.” Mahina pero sapat na para sa akin na marinig ang mga sinabi nyang iyon. I felt the sincerity, pagsisisi, at kalungkutan sa boses nito. But I remained silent.


“Alam kong nakapagbitiw ako nang masasakit na salita. Alam ko rin na nasaktan kita physically and emotionally. I’m sorry for being a jerk, im sorry for all the misery that you’ve been through. Masyado lang akong nilamon ng pride ko at pagmamahal ko sayo.” Sa puntong iyon ay naramdaman ko na ang pag-crack nang boses nito. Gusto ko mang lumingon ay pinigalan ko ang aking sarili dahil sa takot na bumigay ako.


“I admit my hatred consumed me. Ang akala ko kasi na linuko mo ako at nawalan na ako nang kakayahang makapagisip ng tama noon.”


“Noong panahon na sinabi kong may importante akong gagawin kaya hindi kita masasamahang magsimba? Yon ang panahon na inipon ko ang pamilya ko para sabihin sa kanila ang tungkol sa atin para bago pa kita dalhin sa bahay sa napagusapan nating araw ay wala kanang pro-problemahin. Sobrang saya ko nang maintindihan nina mommy ang relasyon natin kahit hindi madali ay nagawa ko silang kumbinsihin na ikaw talaga ang mahal ko. Ang sabi ko siguradong masusurpresa ka pag nalaman mo ang tungkol doon, pero ako ang na surpresa nang mareceive ko ang… ang… bagay na iyon.”


Sa puntong iyon ay di ko na napigilang mapaluha. Lalong sumidhi ang panhihinayang at pagsisisi sa akin dahil sa mga narinig ko. Kung hindi sana ako nagpunta sa birthday ni Alfie sana ay masaya parin kami ni Claude hanggang ngayon.


“Sobra akong nasaktan Lance. Pakiramdam ko linuko ako nang buong mundo. All I want is for us to be happy and to be free kahit manlang sa mga pamilya natin pero nang makita ko ang bagay na yon ay gumuho lahat ng pangarap ko para sa atin. You might think na galit ako sayo, pero ang totoo galit ako sa sarili ko for not being right enough for you. Parang nawala ang confidence ko sa sarili and I kept on asking myself kung saan ako nag kulang.”


“Umalis ako para makalayo sayo, pero hindi rin nakatulong dahil walang araw na hindi kita iniisip. Alam ko ang mga nangyari sayo dahil nag hire ako nang private investigator. Nasaktan ako sa mga pagbabago sa buhay mo at naduwag akong magpakita sayo dahil imbes na ako ang maging katuwang mo sa problemang iyon ay ako pa ang naglugmok sayo sa kalungkutan. Kaya pinili ko nalang lumayo at kalimutan ka.”


Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko sa aking mga naririnig sa kanya. Sobra kaming pinaglaruan ng pagkakataon. Halos magkatumbas lang ang sakit na dinanas namin, masyado lang talaga akong mahina. Walang ibang dapat sisihin sa kamiserablehan ko kung hindi ako mismo.


Tama nga ang sabi nila we are the one who is responsible if we became miserable because it was us who chose that path at hindi ang ibang tao. Kung sana nakayanan kong dalhin ang problema ko noon at ginamit iyon para lalong maging matatag hindi ko sana daranasin ang lahat ng kahirapang pinagdaanan ko.


“But six years was not enough para makalimutan ka nang puso ko Lance. Hinanap agad kita nang makabalik ako 1 month ago. Sabi ko sa sarili ko na kuntento na ako basta makita lang kita pero mali na naman ako. Seeing you with your new life, new circle of friends brings back all the memories of us in the past. Hindi ko pala kayang nakikita kang ngumingiti at masaya sa piling ng iba. I know selfish ang dating sayo pero nag seselos ako dahil dapat ako ang nagpapangiti sayo, dahil gusto ko ako ang kasama mo sa tuwing kakain ka nang lunch imbes na sila.”


Sa wakas ay nagawa ko na ring harapin sya at nang makita ko syang lumuluha ay nakaramdam ako na gusto ko syang aluin, gusto ko syang yakapin at sabihing mahal na mahal ko parin sya, pero hindi ko magawa. Natatakot akong masaktan ulit.


“Tama na Claude.” Ang wika ko sa likod nang paghikbi. “Mas lalo lang nating pinapahirapan ang mga sarili natin. Wala na tayong magagawa, huli na ang lahat para sa atin.” The last seven words really hit me. Huli na dahil masyado na naming nasaktan ang isa’t isa and Im not sure kung maibabalik pa ba namin ang meron kami noon.


“Hindi!” Ang may diin nitong pagtutol sabay nang kanyang mahigpit na pagyakap sa akin. “Hindi pa huli ang lahat Lance.” Wika pa nito sabay ang paghagulhol.


“Claude..”


Nabigla ako sa sunod na ginawa nito. Napadausdus ito pababa hanggang sa mapa luhod ito sa harap ko.


“C-Claude anong..”


“Please Lance, bigyan mo ang nang pagkakataong maitama ang lahat, nagmamakaawa ako sayo. Kung kailangan kong manligaw ulit gagawin ko. Kung kailangan kung suyuin ang buong mundo gagawin ko. Wag mo lang akong isusuko.” Ang nagmamakaawa nitong sabi.

Ito ang unang pagkakataon na makita ko si Claude na nagmamakaawa. Sanay ako sa Claude na tigasin, matatag, mayabang, at maangas. Tuluyan nang nasira ang depensa ko. Hindi ko sya kayang tiisin dahil mahal ko parin sya hanggang ngayon.


“Hindi mo naman kailangang mahalin agad ako. Hayaan mo lang akong mahalin ka ulit para mapatunayan ko ang pagmamahal at pagsisisi ko. Kahit walang pagtugon galing sayo titiisin ko basta.. basta.. pagbigyan mo lang ako Lance.” Ang humihikbi nitong pagmamakaawa sa akin.


Hindi ko makakalimutan na iyon din ang sinabi nito sa akin noon. Iyon din mismo ang mga salita nyang dahilan kung bakit ipinagkatiwala ko sa kanya ang aking puso. Pero iba na ang sitwasyon namin ngayon dahil komplikado na ang lahat. Isang pagkakamaling desisyon lang ay siguradong masasaktan namin ang isa’t isa.


Inalalayan ko syang tumayo at nang makatayo na siya ay agad ko namang syang yinakap ng mahigpit.


“Hindi ko maipapangakong kaya ko pang maibalik ang dati Claude natatakot ako.”


“Aalisin ko lahat ng takot na meron ka Lance.”





Itutuloy:

50 comments:

Migs said...

Woooooo! :) this series never fail to put a smile on my face.

Good job sir Zek :)

Anonymous said...

nice author. ang ganda mong gumawa ng story.
kudos!!!!

taga_cebu

LightRundel said...

shet...godlike!sobrang ganda ng story..pwedeng mag request ng song sa chater 16?pls hope pagbigyan mo q.. kung alam mo lng by roxie..

thanks..sobrang gnda..!hyy sarap magmahl..

Anonymous said...

Ganda sobra hehe
philip-

Anonymous said...

whaaaahhh.... bitin nanaman... sabagay ito ung nagbibigay ng excitement... gAling moh poh author....>empire<

Anonymous said...

wow! nakakakilg na nakakaiyak! wow talaga! hihi..

first time magcomment...

-jemyro

Midnytdanzer said...

Hay naku... Kainggit... Kaya lang wala pa c Anna at Pat...ang mga panggulo hahaha
Tnx po sa update.

Zildjian said...

Sa mga bagong dating sa blog ko maraming salamat sa suportang ibinibigayn nyo sa akin.. Salamat ng many :))


Migs: lol kasi siguro dahil sa marami akong typos.


Midnyt: hehehe darating din tayo sa kanila :))


Jemyro: Welcome po sa blog ko!



taga_cebu: Naks! salamat naman po sa papuri :D


Light: Susubukan ko po :)

Erwin F. said...

Z bitin nanaman. Amfness!

Naiyak ako. Muntanga kaw ako sabi ng boss ko.

Lightrundel crushie! andito ka pala din. Haluuuu! Hehehehe!?

Anonymous said...

yey!!...

thank you kuya Z dahiL pinagbigyan moh kami!!...
this definiteLy made my day...
ur the best kuya Z!!... :)


- edrich

politotz said...

super kilig naman nito...waahhahhaha!!

Anonymous said...

haha,, no comment muna.. speechless eh.. pero sana maganda ang ending.. Good job Mr.Author!!


Beucharist....

Anonymous said...

ang sarap lang magmahal! Yun na!

Toni

kristoff shaun said...

for 6th time i keep on reading haha baliw baliwan portion lang!!

CHIPPY said...

Napaluha ako sa Lines ni Claude.
XET! I want a man like him. >.<

Anonymous said...

waaaaaaaaaaahhhh killliiigggggggggg much! - chase

Anonymous said...

ok lang kahit walang bati, basta parating may update hehe:) Ano kaya mangyayari sa susunod naadik nako sa story mo, ang galing mo talaga author...@dereck@

ram said...

ay grabe ang chapter na to. panalo.

Anonymous said...

Tatlong beses kung binasa to....galing
talaga ni Otor..hehehe


Mr. Jubail, KSA

-ShalnarK- said...

Oh may gad!! 2 days lng aq nawala dalawang sobrang lufet na chapter na agad ang na update dto. Maxado aq nadala s kwento na to ah. How i wish.. haha. Kudos Z :)

Anonymous said...

Wew. Ang ganda ng series na to! Kaso wala pa ang kontrabidang si Anna! Huhuhu.

- Tam

Anonymous said...

sobrang kilig talga... hay paano yan lance parang sinsero na si claude sa yo... wag mong isipin ang ibang tao bastat alam mo ng mahal pa rin ni claude...sana may update agad...

ramy from qatar

RJ said...

:)

ganda ng chapter na to Z! at dahil diyan di ko muna sasabihin na nabitin ako wahaha sinabi ko pa rin pala :D

alam mo yung kantang "Always" ng Switchfoot? iyun yung tumutugtog sa utak ko habang binabasa ko tong chapter na to. :) swak e.

basta sa chapter na to, para sa kin na-redeem at na-justify ni Claude yung sarili niya. iba-iba lang talaga siguro mag-react ang bawat tao sa heartache.

haist. si alfie kasi e.

keep it up Z. :)

Anonymous said...

grabe ka namn author mambitin, andun na eh! andun na sa mamentum tappos bglanbg nwala, haist, ilang gabi na naman ako magpupuyat nito kakahintay ng update

galing author, sana tuloy tuloy na na maging ok sila

-john el-

--makki-- said...

love will lead you back ika nga nila.. ayayay! ayan na magkakabalikan na sila.. <3 <3 <3

ang ganda talaga ng story na to... :)

russ said...

hayan naman pala eh..hehe ang sweet..author favor ding sana every night kumpletohin mo ang gabi ko sa pamamagitan ng akda mo plssssssssssssssssss...
solve na ako kahit pagod ako sa kakaakyat ng poste sa mall..hehehehe

Ross Magno said...

Minsan sa sobrang kamiserablehan ng ating buhay ay nagpapakalayo-layo tayo sa pisikal mang paraan or emotional.

Gusto na lang nating biglang maglaho sa mundo.

But the truth is...ayaw nating mawala bagkus nais natin matagpuan...

In fact we are just another lonely spirit looking to find our happiness...and to be love...

Anonymous said...

super ganda ng story tlaga.. sarap mainlab..

thanks author!.. da best ka..

=rj_malate=

Billygar said...

ikaw na Z ang the best!!! ang galing ng pagkagawa mo. Marunong ka magpakiliti sa mga readers mo. hehehe...

Anonymous said...

KOYA. parang may kulang. ewan d ko maexplain.

pero maganda sya. :D

haha.. update po agad :D

-ichigoXD

Anonymous said...

Sobrang nakaka kilig Z!!!! D ko na maaantay ang next part! Update agad please po!!!!! Hehehe.

Edu

Anonymous said...

"misery" please, not "miserability".

Zildjian said...

Anon: salamat sa pag-correct :D na palitan ko na po.. :))


Sa mga nag comment naman salamat sa inyo guys! Maraming maraming salamat sa patuloy sa pagsuporta sa kwentong ito.. :)

Anonymous said...

ang ganda sobra. Haha, sana ngpakipot p si lance para mahirapan p si claude. Haha!

Nice job zildjian.

--ANDY

wastedpup said...

WoW. As in super WoW. Alam pala lahat ni Claude ang nangyayari kay Lance. Hmmm. Naiisip ko tuloy, kelan ang balik ni Alfie at anu ang istorya sa likod ng pagkuha niya ng Video Scandal na iyon...

Anonymous said...

Wow! 360 degrees ang pag-ikot ng emotions ni Claude for Laurence. Things that you do when you're inlove talaga noh? Di kaya, Claude's up to something? Oh no!!

Uhm.. Z, just want to comment on your grammar like yung sinabi ni Claude na, "sorry for all the misery", since gumamit tayo ng ALL pertaining to more than one subject, misery should be miseries instead. Saka prepositions lang po (in, at, on), it's not that impacting though. But I think we should re-check it. Thanks.

-icy-

Zildjian said...

ICRY: pacnxa na sabog na sabog na ako sa mga oras na yan kaya hindi ko nagawa nang tama. Pero salamat parin sa pagsabi sa akin saka ko nalang po aayusin ang chapter na ito kapag natapos ko na ang chapter 16 para di ako mawala sa scene.. :D

Anonymous said...

Chapter 16 please..

Anonymous said...

mr author kala ko updates ngaun.. kasi napansin ko na every other day ka ng popost... ang last mong post ay nung 12 tas (pinos mo ung chapter 15 kahapon dahil pinagbigyan mo ung mga kaibigin mo, pero d counted un kaya dapat magpost k ngaun.) hahahhahah demanding b??? ganda kasi ng lahat ng stories mo from the right time hanggang after all tas ung kings tear (na bigla nawala, BAKIT???) tas ngaun eto naman 9mornings??? wala dull chapter lahat punong pun o ng emosyon... un lang naman.. chapter 16 n po.. hahahha (kung ano ano lang nasabi ko ih.. hahhaha)

-fugi

juss said...

teary eye after reading... nasasaktan akong naiinlove at the same time... galing mo po talaga! can't wait for the next chapter.... pls plss plssss.... next n po...

Anonymous said...

Mister

May special reuest na ngaun? hehehe
Pwede bang si Yellow na lang ang special request ko for this Christmas? hahaha

I'm expecting him on my stockings on the 24th.
Good jod Zephie. Can't wait on the next chapter.


KN

IAN said...

huuuuh!!!!! ang igsi bitin! hehe ^^...

galing mu talaga! ,,, :) hanga ako sayo! :D!..
pero bigla kong naisip si pat eh,, kawawa naman sya !. :( jahaha xD.. next na po! ..

a million thumbs up sa chapter na toh! :D!

(IAN)

Anonymous said...

when ung chapter 16?- chase

Pink 5ive said...

Malapit na ngang matapos :-O

rheinne said...

superkilig naman talaga ako oh

popoy_iii said...

*sigh.

robert_mendoza94@yahoo.com said...

whoahh! very touching. i love the story so much. tnx my frend for a wonderful part. go! go! go!

Anonymous said...

I thought mabibitin na ko sa chapt 14
and2 lng pla ang kasunod!!

The best ka po!!

bharbzz,,

Unknown said...

syete ka Kuya Zild!!! di ko matuloy tuloy ang pagbasa ko gawa nang natatakpan na ang mata ko ng luha (chos!) at kinukurot din ang puso ko..wweeeew!! drama..hahahaha

Anonymous said...

kakaiyak!!T_T
lalo na ung part na nasa floating cottage sila..ung moment na nagmamakaawa c claude for a 2nd chance...natunaw ang puso ko!!hehe...grabe,,ang ganda-ganda talaga!^^

_monty

Post a Comment