Monday, December 12, 2011

9 Mornings Chapter 14




by: Zephiel
email: zildjianstories@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/


Ito na ang Chapter 14 ng 9 Mornings. Hindi na muna ako babati sa inyo ngayon guys dahil sobrang antok na talaga ako.


Kung may mga typos at wrong usage of words man sa chapter na ito wag na kayong ma bigla trade mark ko na yan. Hahahahaha Enjoy reading nalang guys and keep the comments coming! Ingat tayo lagi! Zephiel.

Jefofotz – Natapos ko rin. Wew! Sumakit ulot ko dato.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





Parang apoy na biglang lumiyab ang galit sa aking buong katawan ng mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ngayon ng bahay ko. Bumilis ang pagtibok ng aking puso marahil ay dala ng sobrang pangigigil. Nakatunghay lang sya sa akin na para bang hinihintay akong lumapit sa kanya.


Muli kong naalala ang mga mapapait na mga sinabi nito sa akin. Ang aking naging pangako sa sarili na hinding hindi na ako magpapaapekto sa kanya. I composed myself at tinatagan ang aking loob. Ngayon ko sisimulan ang katuparan ng pangako ko sa sarili.


Kakaiba ang mga tingin nya ngayon kahit may galit parin sa mukha nito ay hindi na ganun katindi. Hindi ako nagpatalo sa pakikipagtitigan nya hanggang sa makalapit ako sa kanya. Muntik pa akong mapasinghap ng makitang may pasa sa gilid ng kanyang labi. Hindi rin makakailang kagagaling lang nito sa isang inuman dahil amoy ko pa pag singaw ng alak sa katawan nito.


“Let’s talk.” Ang wika nito. Mukhang ito na ang second round na hinihintay ko hindi ko lang akalain na ganito ka aga sya susugod.


Aktong tatalikod na ako sa kanya nang pigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak nya sa kamay ko. Even his touch is different mahigpit iyon pero hindi katulad ng kagabi na halos baliin na nya. Sinubukan kong makawala sa pagkakatawak nya, pero sadyang kulang ang lakas ko.


“I’m giving you the chance to explain yourself Laurence.” May bahid ng pagkairita nitong sabi kaya naman tuluyan ng umapaw ang galit ko sa kanya. Hindi kong bakit nagbago ang ihip ng hangin ang alam ko lang hindi ko nagustohan ang tono nang pananalita nya. Gusto pa nyang ipagpasalamat ko na handa na syang makinig? Para ano pa? Huli na ang lahat dahil kung sya ngayon ay handa nang makinig ako naman ay sawa nang magpaliwanag.


Lalo lang tuloy sumidhi ang galit. Ang pagiging arogante nya ay ang bagay na ayaw na ayaw ko sa kanya noon.


“Too late Claude, wala na akong balak na magpaliwanag sayo kaya umalis kana.” Walang emosyong wika ko sa kanya. Hindi na ako papatalo at magpapagulat pa tama na ang anim na taon kung pagdurusa sa isang kasalanang kung tutuusin ako ang biktima.


“Marami na akong isinakrepisyo sa pagkakamaling iyon na kung tutuusin hindi ko naman kasalanan tama na siguro yon.” Muli na namang bumuhos ang mga luhang inaakala ko kaya kong pigilan.


Natigilan ito at yon ang ginamit kong pagkakataon para tuluyang makawala sa kanyang pagkakahawak sa akin. Bakas sa kanyang mga mata na ang pagkalito.


“Kung ang ka miserablehan ko ang gusto mong makita ito oh nagiisa na ako. Nawalan ako nang tiwala sa mga tao pati si mama ay nawala narin sa akin. Sana masaya kana Claude.” Tuluyan na akong tumalikod sa kanya. Hindi ko parin mapigilan ang hindi masaktan dahil hanggang ngayon mahal ko parin sya, pero siguro ito na rin ang tamang panahon para tuluyang pakawalan ang sarili ko sa pagkakakulong sa nakaraan.


Halos lunurin ko na ang sarili ko sa kakaiyak. Gusto kong ubusin ang lahat ng sakit na meron ako sa loob ko. Parang sirang plaka namang bumabalik balik ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan nya sa akin. Ang taong inakala kong hindi ako sasaktan. Ang nagiisang taong pinagkatiwalaan ko nang aking puso.


Kay sakit na sa mismong taong minahal mo magmumula ang mga masasakit na salita. Lahat ng panhihinayang ay naramdaman ko. Panhihinayang para sa sarili ko dahil kahit ngayon kinakain parin ako nang konsensya ko kung bakit nawala si mama sa akin. Kung sana ay naging matatag ako noon sana ay hindi mapapadali ang buhay nito. Hindi ko na nagawang makipag kaibigan kahit na sino matapos ang nangyaring iyon sa akin. Parang na trauma at din a nagawang pagkatiwalaan ang kahit na sino pati ang ang matalik kong pinsan.


Panhihinayang para sa amin ni Claude. I thought I already found someone who could love me for real but I was wrong. Hindi ako nakayanang panindigan ni Claude, oo minahal nya ako noon hindi ko maikakaila iyon, pero hindi pala sapat na mahal mo lang ang isang tao.


Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod sa kakangawa. Kahit papaano ay nakatulong naman iyon para mabawasan manlang kahit konte ang bigat ng dinadala ko.






Pasado ala-dose na nang tanghali nang magising ako. Para akong robot na walang pakiramdam na tumayo at tinungo ang kusina para mag-init ng tubig. Kape ang kailangan ko dahil natutulungan ako nitong makapagrelax kahit papaano. Habang hinihintay kumulo ang tubig ay pinuntahan ko ang mga papel ng mga estudyante ko, balak kong tapusin lahat ng iyon.


Hindi pa man nangagalahati ang laman ng aking kape nang may marinig akong katok sa pinto. Nakaramdam ako nang konteng pag-aalalangan kung pagbubuksan ba iyon. Natatakot kasi ako na baka si Claude na naman yon ngunit nakangiting si Pat ang bumungad sa akin. Kuntodo porma ang loko at sobrang bango pa.


“Bukas kasi ang gate mo kaya tumuloy na ako.” Bungad nito sa akin. Siguro nakalimutan kong isara ang gate kanina sa pagmamadaling makaiwas kay Claude.


“Ano meron?” Wala sa sarili kong sabi dahil sa pagkagulat.


“Wala, boring kasi sa apartment ko kaya mangiistorbo sana ako. Hindi mo ba ako papapasukin?” Agad naman akong tumabi sa pagkakaharang sa pinto.


“Excited ka ata sa party mamaya.” Pagpansin ko sa porma nito. Parang teenager lang ito. Sa hitchura nya ngayon hindi mahahalatang 27 na ito.


“Dumaan kasi ako nang mall para maglibot at nang magutom ako bumili na rin ako nang pagkain naaalala kong nag-iisa kalang dito kaya imbes na doon kumain nag takeout nalang ako para sa ating dalawa.” Sabay taas nito nang kanyang kamay na may hawak na supot ng KFC.


“Hindi kana sana nag abala pa.” Muli na namang bumalik sa akin ang pagaalangan sa mga tao tulad ng dati. Simula kasi na mangyari ang insedenteng iyon sa buhay ko ay nawalan ako nang tiwala sa mga taong gustong makipag-lapit sa akin. Kahit sa bagong paaralan ko ay hindi na ako muling nakipag usap kahit na kanino. Kung anu-ano ang naging tawag sa akin noon na kesyo weird daw ako, emo, geek at marami pang iba ngunit baliwala iyon sa akin sa laki nang dinadala ko sa mga panahong iyon manhid na ako.


Si Ralf ay sinubukan akong kausapin walang araw na hindi ito dumaan sa bahay para makipagkulitan ngunit sadyang linamon na rin ako nang kalungkutan ni hindi ko na magawang ngumiti. Galit at pagkasuklam ang tanging nararamdaman ko noon dahil sa ginawa sa akin ni Alfie.


Walang gabi na hindi ako umiiyak at nagwawala sa tuwing maaalala ko ang mapapait na mga nangyari sa akin. Sa tuwing bumabalik sa akin ang masasakit na mga salita ni Claude, ang kanyang galit na galit na mukha lahat ng iyon isinisi ko kay Alfie.


Nag bago lang ang lahat ng mamatay si mama. Doon ko na realize na sobra ko na pala syang pinapahirapan. Nag decide akong mag bago at subukang kalimutan ang nakaraan ko kahit huli na para na rin mapanatag ang aking ina. Nag simula akong mag hanap ng trabaho at sinuwerte namang natanggap ako sa isang pribadong eskwelahan bilang history teacher. Doon ko nakilala ang mga bagong tao sa buhay ko.


“Okey lang para na rin may kasabay akong kumain.” Nakangiti nitong wika nang mailapag nya sa mesa ang kanyang mga dalang pagkain. “Nag tratrabaho ka? Pwedi mo namang gawin yan next year pahinga ka muna.” Dagdag pa nitong sabi nang mapansin ang nagkalat na papel sa mesa.


“Wala lang akong magawa kaya ito ang pinag-trip-an ko. Teka ligpitin ko lang to para makakain na tayo.”


“Sabagay, ako nga hindi ko kayang walang gawin habang mag-isa lang sa apartment ko eh kaya imbes na masiraan ako nang bait gumagala nalang ako.”


“Hindi ko alam na mahilig ka palang gumala.”


“Dalawang lugar lang naman ang pinupuntahan ko pag-gumagala ako.” Nailabas na nito ang mga binili nyang pagkain medyo tinamaan naman agad ako nang gutom.


“Dalawang lugar? Saan naman yon?” Kunyare hindi ko pinansin ang mga masasarap na pagkain sa mesa.


Ngumisi ito sa akin napansin nya siguro ang palihim kong pagsulyap sa mga pagkain habang abala sa pagliligpit ng mga nagkalat na papel.


“Sabi ko na nga ba’t gutom kana.” Nakangisi nitong sabi. Hindi ko sya pinansin at nag panggap nalang na hindi ko narinig ang sinabi nya. Sino ba naman ang hindi gugutumin kung makakakita ka nang chicken bar-be-que at iba pang masarap na ulam. Alam talaga ni Pat ang kahinaan ko.


“Anyway, Sa Coffee shop na paborito ko para tumambay at mag wifi tapos sa gym hilig kasi namin ng half brother ko ang magbabad don noon eh.”


“Hah?” Di ko maiwasang maguluhan sa sobrang focus ko sa pagkain.


“Yung dalawang lugar na gusto kong puntahan.” Paglilinaw nito sa akin. Hindi parin mapalis ang ngiti nito.

“Okey.” Nang matapos kong mailigpit ang mga  kalat ay isinunod ko naman ang paglalagay ng plato sa mesa at nang maibaling ko ang aking tingin kay Pat ay nakita ko itong seryosong nakatingin sa akin. Yung tingin na parang may gusto itong sabihin.


“Bakit?” Pagpupuna ko sa kanya.


Umiling-iling lang ito saka ngumiti.


“Wala, may naalala lang ako. Tara kain na tayo kumakalam na sikmura ko hindi kasi ako nag almusal kanina eh.”


Ewan ko kung masyado lang ba akong gutom sa mga oras na iyon, pero parang may kakaiba sa tingin nya. Parang awa ang nakita ko sa mga tingin nyang iyon.


“Nagkita na ba kayo nang dati mong kaibigan?” Pagbasag nito sa katahimikan habang kumakain kami. Bahagya pa akong nabigla sa tanong na iyon ni Pat sa akin.


“Oo, kagabi.” Matapid kong sagot sa kanya.


“So, what happened?”


Simpleng tanong na hindi ko kayang sagutin. Hanggang ngayon ay di ko pa rin magawang buksan ang sarili ko sa ibang tao lalo na kay Pat. Siguradong lalayuan ako nito kung malaman nya ang tungkol kay Claude at sa eskandalong kinasangkutan ko noon at ayaw ko iyong mangyari. Si Pat lang ang tanging taong naging panatag ako. Isang pakiramdam na hindi ko maramdaman sa ibang tao simula nang insedenteng iyon na nangyari anim na taon na ang nakakalipas.


“I guess hindi maganda ang nangyari.” Wika nito nang siguro mapansin nyang wala akong balak na sagutin ang tanong nya.


“Sorry.” Iyon nalang ang naisambit ko.


“Okey lang. Oh, wag ka nang seryoso dyan papakin nalang natin tong mga binili ko.” Sumilay muli sa kanyang mukha ang napakagandang ngiti na ginantiyan ko naman ng isa ring ngiti.


“For sure masaya mamaya sa school. May bandang tutugtog na inarkila ng SSC members’ todo party sila mamaya.” Alam kung gusto lang nitong may mapagusapan kaya naman kinagat ko na rin iyon.


“Talaga? Mukhang masaya nga yan. Eh tayo ba meron din?”


“Hindi ko alam. Ayaw sabihin ni Miss Organizer surprise daw. Pero ang alam ko malaki ang budget natin.”


“Talaga? Nice.” Ang tatango-tango kong sabi.


Marami pa kaming napagusapan ni Pat hanggang sa mag desisyon na itong umuwi para makapag handa. Kailangan pa raw nyang siguraduhin na hindi papalpak ang mga sound system na sya ang naka assign. Parang nagpunta lang talaga ito sa bahay ko para aliwin ako at kulitin na ikinatuwa ko naman dahil talagang na enjoy ako ang company nya.


Hindi ko na binalikan ang trabahong naudlot kanina nung dumating si Pat. Bagkus ay muli akong nahiga, tinablan ako nang antok sa sobrang kabusogan.






Naalimpungatan ako sa malakas na tunog ng aking cellphone na naka patong sa side table malapit sa kama ko.


“Hello?” Ang medyo inaantok ko pang bati sa estorbong tumawag sa akin.


“Asan kana? Kanina ka pa namin hinihintay dito nagsisimula na ang program.” Pamilyar ang boses nito sa akin kaya naman inilayo ko ang aking telepono sa aking tenga para tingnan ang naka register na pangalan.


“Ah, Chatty sorry kagigising ko lang eh pasensya na.” Wika ko nang makitang si Chatty pala ang kausap ko.


“May balak ka pa bang pumunta rito? Kanina kapa hinahanap ni papa Pat.” Rinig ko ang mahinang ingay sa background nito marahil ay nasa loob sya ng faculty room.


“Anong oras na ba?”


“Ala-syete na iho kaya bilisan mo na dyan pa…”


“Rence, asan kana bakit wala kapa?” Biglang nagiba ang boses ng kausap ko.


“Ay! papa Pat, talagang nang aagaw ng cellphone?” Ang narinig ko namang tili ni Chatty.


“Oi Pat, ito papunta na nakatulog ulit kasi ako.” Di ko maiwasang mapangiti dahil rinig ko parin ang pagtatalak ni Chatty.


“Okey, bilisan mo ah. Bigay ko na kay chatty cellphone nya ang ingay kasi.”


“Hindi ko na talaga ipapahawak sa iba itong cellphone ko dahil hinawakan ito ni papa Pat!”Animoy kinikilig na tili ni Chatty.


“Mukhang na sobrahan ka na naman sa rugby ah.” Pangaasar ko sa kanya.


“Tse! Hindi ako tumitira nang rugby noh dahil hindi ako cheap.”


“Wala akong sinabi na cheap ka.” Pangaasar ko pang lalo sa kanya.


“Whatever! Bye na nga! Dalian mo na dyan!” Sabay putol nito nang linya.


Iyon ang rason kung bakit wiling-wili akong asarin si Chatty dahil mabilis itong mapikon. Agad naman akong pumasok ng banyo para maligo. Panigurado kasing uulanin ako nang sermon kay Chatty mamaya pag na late pa ako lalo.


Makalipag ang isang oras nakarating ako sa eskwelahan. Maraming mga estudyante ang bumati sa akin hindi pa man ako nakakapasok. May mga na ninigarilyo, meron ding naglalampungan at ang iba ay pinagplaplanuhan ang after party na gagawin nila since bawal mag dala nang alak sa loob.


“Sir, merry Christmas sama ka sa inuman namin mamaya.” Magiliw na bungad sa akin ng isang 4th year student.


“Merry Christmas din. Pass lang muna ako sa inuman Karl.” Balik bati ko naman sa kanya.


Nakakatuwang tingnan ang mga nagkakalat na mga estudyante. Lahat ay bakas ang kasiyahan sa kanil dahil wala na silang exam na iisipin at isama mo pa ang mahabang bakasyon.


Ngayon ay hindi namin kailangang magmukhang kagalang-galang, magsuot ng uniporme at humawak ng libro. Patas ang estado namin ngayon sa mga estudyante kaya nakikigulo kami. Nang marating ko ang gym ay nagsisimula nang tumugtog ang banda. Enjoy na enjoy lahat ng tao pati sina Chatty at iba pa ay nakikisaya. Bihira mo lang makikita ang mga matatanda pag ganitong okasyon mga bagong sibol ika nga ang uma-attend sa mga ganitong party.


Pabiro kong kinalabit sa buhok si Chatty kasama nito ang kanyang mga estudyanteng babae na busy sa kakatili sa bandang tumutugtog.


“Party party!” Pasigaw nitong sabi na sinamahan pa ng pag sayaw-sayaw pa sa harapan ko. Tilian naman ang mga kababaihan na kasama nito. “Inuman daw tayo mamaya!” Napaigtad pa ako sa pagsigaw nito malapit sa tenga ko.


“Hindi ba’t may party tayo bukas?” Tugon ko naman sa kanya.


“Boring bukas for sure kasi kasama ang matatanda! Kaya let’s enjoy the night! Yeah boi!


“Adik ka!” Ang sabi ko nalang.


“Rence! Sama ka sa amin mamaya ah! Ambagan naman kaya masaya to!” Wika naman ni Arman hindi ko napansin na nasalikod ko pala ito.


“Di ba bukas pa ang plano nang inuman natin?” Ang totoo gusto ko lang tumanggi baka mapasubo kasi ako at hindi makapagsimba. Sayang kung ngayon pa ako aabsent.


“Nag change plan si Pat gusto nya ngayon na daw.” Sabat ni Chatty.


“Pano sina Arthur, Jody at Erika?”


“Na inform na sila. In fact ikaw nalang ang hindi pa informed.” Si Arman. “Wait sabihin ko na si Pat na nandito kana para go na tayo.” At agad na itong tumalikod.


Mukhang mapapasubo ako sa mga ito.                      


“Wala ka nang takas kaya if I were you sumama ka nalang kung ayaw mong kaladkarin ka namin.” Malakas talaga ang radar nitong bruhang to. Nahulaan agad ang balak ko.


Hindi na nga ako nakatakas pa sa kanila dahil dumating na ang iba pang makukulit. Napag-desisyunan nilang sa seventh bar pumunta since acoustic night nila ngayon sabi ni Erika na isang number one costumer ng bar na iyon.


Dumating nga kami sa seventh bar ang kilalang acoustic bar sa lugar namin. First time kong makapunta at makita ang bar na iyon sa downtown area. Ito pala ang bar ng mga dati kong schoolmates. Ang nasabi ko nalang sa aking sarili. Tulad ng resto nina Angela at Mina magaganda ang Christmas decoration sa loob at labas ng bar.


Nang makatawid kami sa kalsada kong saan ipinark ni Arthur at Pat ang kanilang mga sasakyan doon ko lang naaninag sina Mina na nag uumpukan sa labas.


“Dito pala ang mga may-ari.” Wika ni Erika nang mapansin rin ang grupo nina Mina.


“Sila ang may-ari nitong bar? Mga ka edad pala natin ang mga yan.” Tugon naman ni Jody.


“Mga anak mayaman kasi mga yan. Pero sila lang ang anak mayaman na mababait at very approachable.” Pagbibigay impormasyon naman ni Erika.


“Ang popogi ng mga boys.” Umandar ang pagiging malandi ni Arman ng makita sina Red. Sino ba naman kasi ang hindi lalandi kung ang matitinik na lalaki sa batch namin ang makikita mo na ngayon ay lalo pang naging makisig.


“Wag ka girl taken na ang mga yan. At take note mga lalaki rin ang partners’ nila.” Napalingon naman ang mga kasama namin kay Erika.


“Ows? Di nga?” Ang halos sabay-sabay nilang sabi.


“See for yourself.”


Gusto ko sanang mag tago sa likod nina Pat para hindi ako mapansin ng grupo ni Mina dahil baka biglang ma open ang topic tungkol kay Claude naroon pa man din ang madaldal na si Angela, pero bigo ako dahil nakita agad ako nito.


“Laurence? It’s nice to finally have you as our costumer.”Bati agad ni Mina sa akin. Napatingin naman sa akin ang mga kasama ko na may pagtataka.


“Hi Mina.” Mahiya-hiya ko namang tugon.


“Mabuti at napadpad kayo rito.” Wika pa nito.


“Actually, ideya nila ang pumunta rito nasali lang ako. Sya nga pala these are my co-teachers Erika, Jody, Arthur, Chatty, Arman and Pat.” Pagpapakilala ko sa mga kasama ko sa kanila.


“Hello guys nice to meet you.” Nakangiting wika ni Mina. “These are my friends and also the co-owner of our humble bar Antonet, her husband Carlo, Angela, Red, Dorwin, Ace, Rome and of course my handsome husband Chad mga dati kaming ka klase ni Laurence way back high school.” Nakipag kamayan naman ang mga ito sa mga kasama ko.


“Order lang kayo sa loob may 20% discount kayo for bringing Laurence here.” Nakangiting wika ni Antonet. Napa high five sina Pat at Arthur at nagpasalamat. Ang mga babae naming kasama ay umarangkada rin na magiliw namang pinatulan ng mga kaibigan ni Mina. Sobrang bait talaga nilang lahat.


“Mahal, samahan ko muna sila sa loob.” Wika ni Red. Ang lambing talaga nito sa partner nya ni hindi nito inalintana kung may makakarinig sa kanya.


“Red, tanungin mo si Alex kung may naka reserve sa VIP table. Kung wala, let Laurence group take it.” Wika ni Antonet.


Sinamahan nga kami ni Red sa loob kahit wala pang bandang tumutugtog ay marami nang tao at halos lahat ng mesa ay ukupado na.


“Hindi pa naman daw naka reserve ang VIP table kaya doon na kayo pumuwesto.” Wika ni Red, katatapos lang nitong kausapin ang isang lalaki sa may casher table.


“How much naman ang babayaran namin?” Malanding wika ni Arman.


“Don’t worry wala kayong babayaran except sa orders nyo.” Sabay bigay nito nang pamatay nyang ngiti. Rinig ko pang napasinghap si Chatty at Erika na nasa likuran ko sa mga oras na iyon.


“Salamat Red.” Ang sabi ko nalang bago pa umandar ang kalandian ni Chatty at imbes na makalibre ay mapalayas pa kami ni Attorney.


“Walang kaso. So, guys ma iwan ko na kayo enjoy the gig.” At tuluyan na itong bumalik sa grupo nila sa labas. Kita ko pang nag thumbs up si Mina sa akin na ikinapagtaka ko.


Meyn! Hangpogi!” Mahinang tili ni Chatty.


“Walang duda girl, pero taken na yan at si Att. Nivera ang partner nya.” May panghihinayang namang sabi ni Erika.


“Lahat ata nang gwapo ngayon gwapo na rin ang hanap. Oh hindi!” Si Chatty, eksihadora pa nitong sinabunotan ang sarili.


“Mga kilala mo pala sila Rence, ba’t di mo sinabi agad.” Maya-mayay wika ni Pat di na siguro nito natagalan ang kalokohan nina Chatty at Erika.


“Hindi naman kasi kayo nagtanong.” Nakangiti kong sagot.


Nagsimula ang inuman pati ako ay napasubo na rin. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakainum ng beer kaya naman sarap na sarap ako isama mo pa ang magagandang acoustic songs na tinutugtog ng banda na mas lalong nagpagana sa aking uminum.


Tuloy-tuloy lang ang kasiyahan nariyang ang tawanan, asaran at kung anu-ano pa. Minsan naman ay kung alam namin ang kanta ay sumasabay kami. Doon ko muling naranasan ang tumawa nang totoo, para akong bumalik sa dati, sa panahon na hindi pa nangyayari ang mga mapapait na bagay sa akin. Tawa kung tawa, kanta kung kanta, yan ang ginawa namin ng mga kasama ko.


Natapos ang unang set ng banda kaya kwentuhang wagas naman ang inatupag namin. Kung anu-ano lang ang napag-tritripan naming pagusapan kwentong lasing kung baga. Minsan kapag nagsasalubong ang tingin namin ni Pat ay ngumingiti ito sa akin. I don’t know kung anu ang ibig sabihin ng mga ngiti nyang yon hindi ko na pinilit alamin sa sobrang pagka-wili ko sa mga kalokohan namin.


Nang hindi ko na mapigilan ang pagkaihi ay nagpaalam ako sa kanila dali-dali kong tinungo ang CR.


“Malakas ka na palang uminum ngayon.” Nabigla ako sa pamilyar na boses na nagsalita. Nang lingunin ko ito ay tumambad sa akin si Claude na naka sandal sa may pintuan ng CR.


Paano na punta tong taong to rito?


“Anong ginagawa mo rito?” Asik ko sa kanya.


“Kelan kapa naging sugapa sa alak? Hindi ka naman ganun dati ah.”


“Pakialam mo?” Mukhang nakatulong ang epekto nang beer sa akin para magawa kong sagutin si Claude ng pabalang. “Umalis ka nga dyan lalabas ako.”


“Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap ng matino.” May pangaasar na wika nito.


“Ano ba ang problema mo?” Pikon kung sabi. Kung kelan kasi pansamantala ko nang nakalimutan sya ay saka naman ang biglang pagsulpot nya.


“Problema ko? Hindi mo pa ba alam?” Ngumisi pa nito nang nakakagago at nagsimula nanamang magwala ang puso ko. Na miss ko ang ganun, na miss ko ang Claude na lagi akong inaasar. Pero agad kong isinangtabi iyon.


“Wala akong balak makipag-gaguhan sayo. Padaanin mo ako hinihintay na ako nang mga kaibigan ko!”


“Nope, Hindi kana babalik sa mga kaibigan mo dahil sasama ka sa akin.” May angas nitong sabi.


“Ako?” Literal ko pa talagang tinuro ang sarili ko. “Sasama sayo? Naka drugs kaba?”


“Yes and No. Kung ayaw mong ipangalandakan ko ang naging relasyon natin sa mga co-teachers mo sasama ka sa akin.” Ngumisi pa ito nang nakakagago talagang nang iinis si loko.


Ito ba ang bagong laro nya ngayon para makaganti? Ang di ko mapigilang maitanong sa aking sarili.


“Wag mo akong takutin dahil hindi ako natatakot. Sino ba ang masisira nang reputasyon kung malalaman nila ang tungkol sa atin.” Ni hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko tinamaan nga ata ako sa pananakot nya.


“Obviously ikaw. Sino ba ang teacher sa ating dalawa?” Basag nito sa akin na sinamahan pa nang nakakaloko nitong tawa.


“Ano ba ang kailangan mo sa akin?”


“You already know what I want to you.” Tama nga naman gusto nitong makita akong mesirable para makaganti sya sa akin. Kaya alam kong hindi ito mag dadalawang isip na ibulgar ang naging relasyon namin basta masira lang ako.


“S-Saan tayo pupunta?” Wala na akong nagawa kung hindi ang umayon nalang. Hindi ko na kakayahin ang isa pang kahihiyan ngayon.


Sumilay ang ngiti nito sa kanyang mukha. Simbolo nang pagbubunyagi nito sa ginawa kong pagsuko.


“Somewhere more private. Lets go?” Inilahad nito sa akin ang kanyang kamay. May pagaatubili ko naman itong tinangap.


“Relax, masyado kang nanlalamig. Act normal sa mga kaibigan mo magpaalam ka sa kanila nang maayos.” Wika nito nang pabalik na kami sa umpukan ng mga kasama ko.


Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa kanya nang malapit na kami sa mesa nang mga kasama ko pero hindi nya ito binitawan lalo lang nitong hinigpitan ang kanyang pagkakahawak.


“G-Guys?” Ang pagtawag ko sa kanilang pansin. Bakas ang pagkabigla sa kanila nang makita si Claude at ang kamay naming magkahugpong. “Im sorry but I have to go. May imporante kasi kaming lakad nitong…” lumingon muna ako kay Claude na nakangiti lang sa kanila. “Nitong kaibigan ko.”


“Ganun ba?” Bakas ang pagtataka sa mukha ni Pat.


“Yung share ko…”


“Ako nalang muna ang magbabayad, bayaran mo nalang ako bukas.” Pagputol ni Pat sa sasabihin ko. “Ingat nalang kayo.”


“S-Sige.”


“Lets go.” Wika ni Claude sabay hila sa akin palabas ng naturang bar na iyon. Hindi na ako lumingon pa sa mga kaibigan ko sa sobrang hiya. Hindi ko palalampasin itong ginawa mo sa akin Claude!


“Pinsan mauna na kami.” Pagpapaalam nito kay Chad nang mapadaan kami sa lamesa nila sa labas ng bar. Itinaas lang nito ang bote nang kanyang iniinum bilang pagtugon.


“Si Chad ang nagsabi sayo kung nasaan ako?” Asik ko kanya habang kinakaladkad ako papunta sa parking area.


“Maybe.”


Arggghh!!! Lakas mangasar ng hayop na to!







Itutuloy:

41 comments:

Anonymous said...

hahahahah sa wakas ako ang nauna mag comment hahaha............... BITIN! PERO SUPER GANDA NG STORY LOVE IT!- CHASE

CHIPPY said...

AMEN!
Sa wakas andito na!
YEHEY!

I love it author!
FIRST AKO! :D

Anonymous said...

At biglang bumalik ang kilig moments... Haha ano kaya ang mangyayari sa susunod sana maganda! Hehe bumalik ang mapang-asar na Claude na kinagustuhan ng ating bida sa kanya.

Thumbs Up Mr. Author!

- Jake of Cebu -

Anonymous said...

One of the best stories i've ever read.. I can't wait sa BOL kaya dito ko na sya binabasa. Sobrang nakaka relate ako sa story. :) Good job Mr. Author!

CHIPPY said...

Anlakas Mambitin!
Meyn! Kaka-frustrate mg.hintay.
HUHUHUHUHU. T.T
Araw-araw Gabi-gabi kong chini-check tong blog mo.

Sorry kng demanding
This story is very interesting
KAINIS ka AUTHOR!
I LOVE U NA. XD

Anonymous said...

tututukan ko itong story na ito. congrats author

taga_cebu

Mig said...

Hahaha, taena mababaliw ako nito eh. :))

Good Job sir Zeph :D
I can't wait for the next chapter! Haha.

Erwin F. said...

Z! Ayan na more kaladkad more fun!

Nakakatuwa na mukhang makakaayos sila laurence at claude ulit. :D

kristoff shaun said...

haha so close to deadline ang sarap mang pressure :D some part of me kinilig, napaluha, napasinghap mixed emotions for this chapter...

i love you zild pihado hindi ka nanaman nakatulog sa pagsusulat at pangungulit ng misis mo hikhik!!

M.V. said...

na-wow mali naman ako... sa chapter 13 ko nai-post ang comment ko para dito sa chapter 14... hahaha

ka-tangahan lang po... cenxia na... hehehe

pero inis talaga ako sa pagiging weak ni laurence sa chap na to... hehehe

Anonymous said...

ha aha ha.. naku laurence ito na ang tamang panahon para makaganti ka sa kanya... remember magaling si claude mag blackmil sa u... kaya dapat ingat wag mag patalo sa emosyun mo sa kanya.... jaz play yur cards to him dapat ikaw ang manalo sa labanan na ito... tama na ang dating laurence na ayaw lumaban sa away... ngayun ipakita mo sa kanya na matapang kang harapin sya.... gud luck


ramy from qatar

Unknown said...

Nakakatuwa ano naman kaya ang mangyayari sa dalawa..can't wait..update na kaagad.

Anonymous said...

hayan umpisa na naman ng nakaka-kilig na pangyayari sa buhay ni laurence hahaha, konting pakipot lang laurence, next na agad author haha:)@dereck@

Anonymous said...

hahaha,, kung kailan naman ngayon handa ng kalimutan ni Laurence si Claude ngayon naman siya biglang nagpaparamdam.. Nakakapagtaka minsan ang tadhana, pero alam ko may dahilan ang lahat ng ito kaya nangyayari ang mga itoh.. anuh kaya ang mga mangyayari sa susunod? at saan kaya pupunta sina rence and Claude? thanks for updating again..

Beucharist......

LightRundel said...

hyy kinikilig aq sobra/..thumbs up..sana bukas my update oh..pls..ty..nc story..u own my votes hehe!

wizlovezchiz said...

http://youtu.be/n2zH_nNcsjY

Anonymous said...

nakakabitin...hehehe


From JUbail, KSA

Anonymous said...

wow.... nakakakiligggg....


saimy

Anonymous said...

Nice one author.. Galing talaga.. Post agad ng next chapter.. Thanks.. All the best..
--genco

Midnytdanzer said...

I LOVE IT... Sobrang kilig. Tama ang timpla.
Sana pamasko mo na sa amin bago magpasko happy ending ito para happy lahat. Next pls...

Anonymous said...

ang galing! kaabang-abang talaga!
--makki--

wastedpup said...

Anu na naman balak ni Claude kay Lance? Mauulit na naman ba ang dati? Mukhang may concern sa tono ni Claude ah. Sana di na nya muling saktan pa si Lance. At si Pat. I really thought si Claude ang half brother.nya. Mukhang magiging si Alfie ah. Hehe. Sorry po. Lumilikot lang ang utak ko. Super galing nyo kasi eh. :)

wastedpup said...

Anu na naman balak ni Claude kay Lance? Mauulit na naman ba ang dati? Mukhang may concern sa tono ni Claude ah. Sana di na nya muling saktan pa si Lance. At si Pat. I really thought si Claude ang half brother.nya. Mukhang magiging si Alfie ah. Hehe. Sorry po. Lumilikot lang ang utak ko. Super galing nyo kasi eh. :)

Ross Magno said...

Biglang nag-change mood si Claude ah. mukhang sinunod niya ang payo ng kanyang pinsan na si Chad na bigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag si Laurence...

Pinsan kaya ni Claude si Pat?

russ said...

hahahha grabe paganda na paganda talaga author..hanep naman..tama ang guapo ay for guapo na rin hehehe..uso na kasi..

Anonymous said...

resolution at last! <3

-tristfire

Billygar said...

Bitin ako Z.. hahaha. Nakakakilig naman. Tama Laurence wag kang papaapi jan kay Claude ha. Asarin mo si Claude. hahaha. Keep it up Z. Good job.

Anonymous said...

waaa nakailang balik ako sa page nito yesterday and finally eto na.. waaa super ganda.. as in sinusubaybayan ko na xa.. how i wish everyday mu updates. waaaa...

thanks author for the nice story.. thumbs up!

IAN said...

ayos! may update na ung inaabangan ko! :D!

basa mode muna me ! ^^



(IAN)

Anonymous said...

ooohhhh mmmmyyyyyy gooooddd!!!! grabeee!!! kilig ung last part!! does dis min na makikipig ayos na si claude with lawrence? cnt wait..

sa first part..naawa aq ky lawrence..grabe ung pinagdaanan nya..haays..he deserve to be hapi

gling mo tlga author..ur one of the few na tlgang worth waiting ung mga next chapter.

-john el-

Anonymous said...

bitin kuya Z!!...

kuya Z, taLent moh nah tLgang mang.bitin noh??...
hehehe...
u kip ur readers wanting for more...
no wonder you have many foLLowers nd readers...

its good to see Lance happy agen...
at ano nman kya ang agenda nitong c cLaude??...
hay naku!!...
he's so confusing...
he's so mad at Lance nah he aLmost emotionaLLy kiLLed him nd now, he wnts a private time wid Lance??...
make up ur mind cLaude!!...
hehehe...
so excited nah for the nxt chapter...
good work kuya Z!!...
keep it up...


-edrich

IAN said...

grabe ka naman author mambitin!... super duper ganda ng chapter! :D! super enjoy ako sa pagbabasa ! :D!
naku anu na kaya ang mangyayari sa ssunod???

exciting! :D!. next na! :D!

a million thumbs up sa chapter na toh! :D!

(IAN)

robert_mendoza94@yahoo.com said...

NICE ONE. HE HE HE. . . MORE ! ! !

Anonymous said...

paganda ng paganda. Woooh!

Bitin na bitin. Zildjian wag mo n patagalin yung next. Haha!

Anonymous said...

Solid bitin koya. dito kuna binasa.. Keep it up.
I'm a fan. update napo agad. haha.

-ichigoXD

RJ said...

bitin ako :)

di ko inasahan na magpapaka-stalker si Claude. di ko rin alam kung gusto ko yung mga nangyayari. ang gulo rin naman kasi nito ni Claude e. basta naaawa talaga ko kay Laurence. biktima siya ng mga pagkakataon. masyado kasi siyang mabait at mapagparaya.

ang ganda nga pala ng trademark mo Z, keep it up! saka kung ano man yang hinuhugot mo para sa kwentong to, hugutin mo lang nang hugutin haha :D

ingat Z :)

Pink 5ive said...

Eto ang namiss ko. Haha. Yung The Right Time laging suspense yung next na mangyayari. I'm impatiently waiting for the next chapter :-))

Half-brothers sina Claude at Pat no?

Unknown said...

aww2 ganda super ! ayan na ! sana maayos n anila prob nilang dalwa ! sobrang kilig ako ! wahahh

Anonymous said...

whaa! Highest level ang pambibitin ah?! Nung nagsabog ng courage si God sa mundo, wala bang nasalo si Laurence?
-icy-

Unknown said...

hahaha ayan na... ayan na naman ang mga plano nila...hahahaha panigurado magkakaayos na sila..hahaha super dami na ata ng tawa ko...i really enjoyed this chapter.. kudos for you Kuya Zild ^_^

Anonymous said...

ahihi..parang nung umpisa lang kung magmaa aso at pusa sila!^^
i sense something na maganda..hehe..sana magkaayos na sila..

-monty

Post a Comment