Thursday, December 8, 2011

9 Mornings Chapter 12



by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/


Ito na ulit ang isa sa mga kagagohan ko guys ang CHAPTER 12 ng 9 Mornings. Di ko alam kong anong pumasok sa 2MB kong utak at naisipan kong mag English English ngayon. HAHAHA Pag tyagaan nyo nalang ang grammars ko dahil due to the incorrect dialing code sabog na ako. ^_^


Pasasalamatan ko nga pala ang mga ka chat ko lagi sac hatbox ko. Nangako kasi ako sa kanila na babatiin ko sila sa chapter na ito. Mahirap na matampuhin pa naman ang mga yon kaya ito na. HOY MGA KABAYAN SAY PRESENT WHEN UR NAME IS CALLED!


Katanashi no Rue (Rue), Jay!:) at ang kanyang doppelganger na si Jay, si Redlion, si Tristfire, si Beucharist, si Edrich na kaninalang nakachat ko. Si Rovi Yuno ang dyosa nang mga dyosa (Walang kokontra ang kumontra pangit!), si Allure a.k.a Louisa ang babaeng walang pahinga. Si Jojiemae ang babaeng posporo, si Cedric na minsan nalang magparamdam, si Kuya Nitro na broken hearted ngayon at looking for SOP este partner (ibibigay ko number nya pag nag react sya sa sinabi ko.), si Chucky ang chocolatety buddy na hubby ni jojiemae, si Eusethadeus na kanina lang nagawi sa chatbox ko, ang mga anons na laging nagtatanong kong may update na,  hmmmm sino paba? Teka iisip isip pa ako……. Ayon! Si Ice na may sarili na ding blog, si white_pal na kumanta pa talaga nang ala Mariah Carey, si Ram na busy ngayon sa kanyang studies ayiiee!! Si Bluecho rin pala ang matalinhagang nilalang. Hanggang doon lang ang kaya ng 2MB kong utak better luck next time. Wahihihihihi Yeah boi! Sa nga di ko na banggit next batch kayo di kayo kasali sa group 1 kaya wag kayong magtampo.


Special Mention si Jefofotz ang aking dakilang misis ang wag kayong magalala ako lang nakakaalam na misis ko sya kaya pagbigyan nyo na ako. Ang kumontra ulit pangit!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



“So, how did you know each other?” Ang tanong ni Chad nang makaupo kami ni Claude sa pangdalawahang mesa malayo sa mga tao. Sineryoso talaga nito ang sinabi nang kanyang asawa na hanapan kami nang magandang puwesto. 


Medyo umaambon sa mga oras na iyon ngunit hindi ito naging dahilan para mapigilan ang mga taong abala sa pamimili nang kung anu-ano para sa darating na pasko. Heavy traffic at puno nang mamimili ang mga gilid ng kalsada syempre dahil may Christmas bunos kaya sinasagad ang pamimili.


Tiningnan lang ito ni Claude gamit ang mga mata nito na walang ekspresyon na makikita. Even so, sya pa rin ang Claude na nakilala ko six years ago. Makisig parin ito kahit walang makikitang kong anu sa maamo nitong mukha.


“Laurence, Laurence right?” Baling ni Chad sa akin nang hindi ito makakuha nang sagot mula sa kanyang antipatikong pinsan. Tinanguan ko naman ito at ibinaling sa kanya ang aking tingin. Mas mabuti na iyon kesa mag ka stiff neck ako sa dahilang hindi ko magawang tumingin ng deretso sa mukha ni Claude na nakaupo sa harapan ko.


“Would you be okey if I leave you both alone?” Ewan ko kung anu ang pumasok sa kokote nito at naitanong nya iyon sa akin. Bago pa man ako makasagot sa kanya ay si Claude ang sumunod na nagsalita.


“You don’t have to act polite in front of us Chad. Wala akong balak na bumalik pa ulit sa lugar na ito. Hindi ka namin kailangan kaya bumalik kana sa asawa mo.” May bahid ng galit nitong wika na bahagya pang nakakunot ang noo.


For some strange reason na awa ako kay Chad. Kahit pinsan pa nya ito ay hindi magandang ipahiya ito sa harapan ng costumer nito. To think na pwedi nyang ipakaladkad si Claude sa gwardya nila. Pero hindi kinagat ni Chad ang hayagang pambabastos ng kanyang pinsan. Instead he just chuckled.


“Hindi ka parin talaga nag babago pinsan masungit ka parin.” Nakangiti nitong wika walang bakas nang pagkapikon ang gwapo nitong mukha. “Don’t get me wrong, im just worried sa kaibigan ng asawa ko. Kilala ko ang kalibre mo. Oh well, maiwan ko na kayo.” Ibinaling nito sa akin ang kanyang tingin. “Enjoy the food Laurence and it was nice meeting you.” Sabay talikod nito.


Hindi pa man nakakailang hakbang si Chad nang tawagin ito ni Claude. Huminto naman ito at lumingon muli sa kanyang pinsan na may ngiti pa rin sa kanyang labi. Kakaiba talaga ang isang to ni hindi manlang mapikon kahit konte.


“Tell your friends not to look on our way or else sisiraan ko itong bagong tayong restaurant ng misis mo.” Doon ako napalingon sa mesa nang mga dati kong ka klase at totoo nga ang sabi ni Claude dahil nakatingin silang lahat sa amin.


Ngumisi lang si Chad sa kanya at muling tumalikod. Sinundan ko lang ito nang tingin hanggang sa makalapit ulit ito sa mesa nang kanyang mga kaibigan at asawa. The guys wave their hands na para bang nang aasar pa. Marahil ay sinabi ni Chad sa mga ito ang bilin ng kanyang pinsan.


“Ano ang gusto mong kainin.” Pag-agaw nito nang atensyon ko. Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko sa mga taong nasa labas bago sumagot. Hindi ko talaga magawang makipag titigan sa kanya kasi hanggang ngayon sya parin ang taong nakakapag pabilis ng tibok ng aking puso.


“B-Busog pa ako.” Wika ko na hindi manlang ibinaling ang aking tingin sa kanya.


Kita ko sa gilid nang aking mata na sumenyas ito sa isang waiter. Nang makalapit sa amin ito ay agad nitong sinabi ang kanyang oder.


“Two coffee.” Ramdam kong tumingin muna ito sa akin at muling nagsalita. “And one slice blueberry cheesecake.” Sa aking narinig ay muling nagrigodon ang aking puso. Hanggang ngayon pala ay hindi parin nito nakakalimutan ang paborito kong dessert. Ibig bang sabihin nun ay pinatawad na nya ako? Pero hindi ko rin magawang umasa sa tuwing maaalala ko ang masasakit na salitang binitiwan sa akin nito noon bago kami mag hiwalay.


Nang makaalis ang waiter ay nag lakas loob na akong tingnan sya. Gusto ko na ring matapos agad ang anumang paguusapan namin sa gabing iyon nang makapagpahinga na ang lintik kong puso. Matagal na akong nagtatago sa aking problema at siguro tama na ang anim na taon para harapin ang taong naging dahilan ng ka misarablehan ng buhay ko.


“Anong kailangan mo sa akin at pinapunta mo ako rito?” Walang kaabug-abog na tanong ko sa kanya. He looked at me and ayon nag simula na namang mag wala ang aking puso. Kahit anong pigil ko ay hindi ko parin maikakaila na ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang lalaking hanggang ngayon ay nagmamayari parin ng aking puso. Inayos ko ang aking composure para hindi nito mahalata iyon.


“Wala.” Matipid nitong sagot.


Napakunot noo ako sa sagot nito. Bakit kailangan pa nya akong tawagan sa opisina kung wala rin manlang syang sasabihin sa akin? Ano ito lokohan? Gumapang ang inis sa aking mga boto lalo na sa nakikita kong reaksyon nito na parang wala lang sa kanya ang makita ako habang sa loob loob ko ay para na akong bibitayin ano mang oras sa sobrang kaba.


“Wala? Pwedi ba yon? Pinapunta mo ako rito para lang makipag kape? Nagpapatawa ka ba?” Hindi ko maiwasang mapataas ang aking boses sa pagkapikon. Inis ang bumalot sa akin sa lalaking kaharap ko ngayon. Ang lalaking hindi manlang nakuhang pakinggan ang paliwanag ko noon. Ang lalaking hanggang ngayon ay mahal ko parin kahit na labis ako nitong sinaktan.


“Wag mo akong pagtaasan ng boses Laurence. Wala kana sa posisyon.” Para akong binuhusan ng katutunaw lang na yelo. It strikes me. Pinaalala nito sa akin na hindi ko na sya pagaari. Bubulyawan ko na sana ito kung hindi lang dumating ang waiter na may dala nang in-order nya.


Nakakainis, kung bakit ba kasi kailangan ko pang umasa ulit na magkakaayos pa kami. I should’ve learned my lesson. Ito nga pala ang taong kasing tayog ng Mount Everest ang pride. Hindi ito makikinig sa kahit anong sabihin ko. Hindi ba’t sya pa nga mismo ang nag sabi sa akin noon na hinding hindi sya ulit maniniwala sa kasinungalingan ko?


Claude is now back to his old self. Mayabang, arogante, walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bakit ko pa ba kasi naisipang harapin ito. I already lived my life away from his shadow. Why the hell do I have to torture myself over and over again? This man is a stone, a walking stone at kahit kailan ay hindi na ito babalik sa dating Claude na minahal ko. Pak!


Magkahalong sama nang loob at pagkapahiya ang bumabalot sa akin sa mga oras na iyon. Oo, aminado akong sapul ako sa sinabi nitong wala na akong karapatan sa kanya. Dapat pa ba nyang uliting sabihin  sa akin iyon. Hindi pa ba sya kontento sa mga panlalait at kung anu-anong masasakit na salita nito sa akin bago kami nag hiwalay. To think na wala akong kasalan sa kung anu mang nangyari noon. Kung tutuusin pinagbayaran ko na ang kasalanang ibinato nito sa akin na hindi ko naman talaga ginawa.


Binalot ko ang aking puso para maprotektahan ito sa nalalapit na pagkikipagbuno sa taong may hawak nito. I need to do the only thing na hindi ko nagawa noon. Kailangan kong magpaliwanag wala na akong pakialam kong pakikinggan nito ang paliwanag ko o hindi basta ang importante na sabi ko ang side ko sa kanya. Tama si Pat, this will also help me to move on and to let go.


Huminga ako nang malalim to gather all my strength. Kong kailangan kong mag monologue sa harap ng isang taong bato who cares. I’ve already lost everything ano pa ang dapat kong ikatakot? Walang mangyayari kong mananahimik ulit ako sa isang tabi. Nasubukan ko na ito noon at hindi iyon naging magandang ideya. Times up! It’s time to be the real Laurence once again kahit panandalian lang ay lalabas ako sa harang na ako mismo ang gumawa.


“About sa nangyari..”


“Drop it Laurence. Hindi pa rin ako interesado sa walang kwenta mong paliwanag. Ubusin mo nalang yang pagkain mo so we can leave this place.” Pagputol nito sa mga sasabihin ko. This is the reason why pinili kong manahimik at kalimutan nalang ang lahat dahil muli na naman akong nasaktan sa pangalawang pagkakataon. Sobrang sakit kapag ang taong mahal mo ay walang panahong pakinggan ang paliwanag mo.


Dama ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata at hindi ko na napigilan ang tuluyang pag bagsak nito. All these years hindi pa rin magawa ni Claude na pakinggan ako. Masakit, sobrang sakit at parang hinihiwa ang puso ko. Lalo na sa nakikita ko sa kanya ngayon na wala manlang ni katiting na emosyon sa kanyang mukha.


“Masakit ba?” Nabigla ako sa sinabi nito. “Kulang pa yan sa ginawa mong panggagago sa akin. Ginawa ko ang lahat para sayo Laurence. Isinuko ko pati ang pride ko bilang lalaki nang mahalin kita pero anung ginawa mo?” Doon na ako napahagulhol. Muli kong nasilayan sa mukha nito ang matinding galit na halos saksakin ako nito gamit ang matatalim na tingin nyang yon. Nawala ang mahinahon nyang aura at bakas ang panginginig ng kanyang mga kamay base sa pag-galaw ng hawak nitong tasa nang kape.


“Gusto mong malaman kung bakit kita inimbitahan rito?” Ngumiti ito sa akin na parang demonyo.  “Dahil gusto kong makita ang kamesarablehan mo. Matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo at hindi ko nagugustohan na tumatawa ka dahil wala kang karapatang maging masaya!” May kalakasan na nitong sabi at alam kong sa amin na nakatingin ang lahat ng tao sa loob ng restaurant na iyon.


“Nakaganti kana. Ngayon masaya kana ba?” Sinalubong ko ang mga galit nyang mga mata. Patuloy parin ang pag-agos ng masaganang luha sa aking magkabilang pisngi. “Kung tapos kanang mag diwang sa nakikita mo ngayon I better go.”


I had enough. Sobrang sakit, kung pwedi ko lang kitlin ang buhay ko sa harapan nya ay gagawin ko kung yon ang magpapasaya sa kanya. Ginawa ko na lahat ng magagawa ko to explain myself to him but he rejected it again. Hinayaan ko ang pag-agos nang aking mga luha sa harapan nya. Showing my vulnerability to him hindi para mag paawa kung hindi para ipakita sa kanya sa huling pagkakataon ang Laurence noon dahil mula sa oras na ito isasarado ko na permanente ang puso ko sa kahit na sinong tao para maprotektahan sa mga taong mananakit rito.


Tatalikod na sana ako sa kanya para lumabas sa resto na iyon dahil hindi ko na alam kung hanggang saan ang itatagal ko sa mga masasakit na salita nito. He was not the Claude I used to love linamon na sya nang galit nya.


“Hindi pa tayo tapos Laurence.” May diin nitong sabi. Ramdam ko ang mahigpit nitong pagkakahawak sa aking kaliwang kamay halos madurog na ito.


Sinubukan kong makawala pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin kulang nalang ay durugin nya ang kamay ko.


“Tama na yan Cladue.” Napalingon ako sa taong nagsalita. It was Chad kasama nito ang iba sa mga lalaki sa grupo nila.


“Pare, hindi magandang manakit ng taong hindi lumalaban baka gusto mo ako nalang ang labanan mo.” Si Rome bakas ang galit sa mga mata nito.


“Bitiwan mo ang kamay nya pare. Pagusapan nyo nang mabuti yan.” Wika naman ni Red sa malumanay na boses.


“Anong pakialam nyo? Problema namin ito kaya wag kayong makialam kung ayaw nyong masali sa gulo.” I can’t believe Claude could be this evil. Tuluyan na syang inangkin ng galit at pride nya.


“Aba’t! Ang yabang ng hunghang na to ma sampolan nga.”


“Ervin Rome!” Tawag ni Ace sa kanyang partner. Nakaupo lang ito sa mesa nila kanina kasama ang mga babae nitong kaibigan.


“Eh ito kasing…”


“Bumalik kana rito kung ayaw mong ikaw ang ma sampolan ko.”


Wala na nga itong nagawa kung hindi ang mapakamot nalang sa kanyang ulo at tingnan ng masama si Claude bago tumalikod at bumalik sa kanilang lamesa. Lahat ng costumer na nasa resto na iyon ay sa amin na nakatingin. May mga bulong-bulongan pa akong naririnig pero hindi ko na iyon nagawang maintindihan sa tinding sama nang loob.


“Bitiwan mo ang kamay nya Claude.” Muling wika ni Chad. “Kung hindi mapipilitan kaming kaladkarin ka palabas kasama nang mga kaibigan ko.”


Ngunit hindi ito nag pasindak sa pinsan nya. Mas lalo lang nitong hinigpitan ang paghawak nya sa aking kamay kung hawak pa ba ang maitatawag doon.


“Tol, ayaw namin ng gulo lalo pa’t buntis ang asawa ko makakasama iyon sa anak namin.” Malumanay nang wika ni Chad. “Pagusapan nalang natin ito.”


Sa puntong iyon ay naramdaman ko na ang pagluwag nang pagkakahawak nito sa akin hanggang tuluyan na nitong bitawan ang aking kamay. Agad naman akong hinila ni Red palapit sa kanya.


“Mahal, dalhin mo sya sa lamesa natin.” Wika nito sa kakatabi nayang si Dorwin na agad naman akong inalalayan papunta sa lamesa nila.


“Magusap nga tayo.” Ang narinig ko pang wika ni Chad. “Pare, sumunod nalang kayo. Magpaalam muna kayo sa mga asawa nyo.” Nakita ko nalang itong lumabas kasama ang pinsan nya sa exit door.


Parang bangag akong inalalayan ni Dorwin na maupo. He offered me a glass of water na tinanggihan ko lang. Masyadong pre-occupied ang isip ko sa mga nangyari dahilan para mawalan ako nang kakayahang magisip ng tama. Para akong timang na nakayuko at naka tutok lang sa tiles ng restaurant na iyon.


“Sasamahan namin si Chad papunta nang seventh bar.” Wika ni Red ng makalapit ulit ang mga ito sa amin. “Rome pare, sama ka? Pagkakataon mo nang magulpi ang lalaking ungas na yon.”


“Red.” Saway ni Dorwin rito.


“Sama ako. Gusto kong malaman kong anu ang drama meron ang kurimaw na yon.” Tugon naman ni Rome.


“H-Hindi nya kasalanan yon.” Mahina pero sapat na para marinig nila iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ipinagtatanggol si Claude sa kanila sa kabila nang mga ginawa nito kanina. Kusa nalang iyong lumabas sa aking bibig.


Nagtatakang nabaling ang tingin nila sa akin.


“Hindi kasalanan? Eh muntik ka na ngang kainin ng buhay ng taong yon tapos hindi kasalanan? Uy Ace may naka mana pala sa katangahan mo dati.” Banat ni Angela pero hindi ako tinablan ng pangaasar nito.


“Angela shut up kung ayaw mong ihagis kita sa labas nitong restaurant nyo.” Di ko alam kong asar ito o kung nagbibiro lang dahil hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ni Ace.


“Red, sundan nyo si Chad kami na ang bahala kay Laurence dito.” Utos ni Dorwin sa kasintahan nya. “Alamin mo kung ano ang problema nang isang yon para mapigilan ko ang sarili kong ipakulong sya.” It was attorney Nivera’s commanding voice. Walang bahid ng pagbibiro sa boses nito.


“It’s not his fault. I’m sorry to drag you guys into this. I better go.” Walang sabi sabing tumayo ako at lumabas ng restaurant na iyon. Mabuti nalang at wala ni isa sa kanila ang pumigil sa akin.


Iyak lang ako nang iyak sa loob ng aking kwarto. Ang sakit nang muli kong masilayan ang galit sa mga mata ni Claude. Lalo na ang makita itong walang kaamor-amor sa akin tuluyan na ngang nawala ang Claude na minahal ko kaya dapat lang din na tuluyan ko na ring kalimutan ang nakaraan ko sa kanya. Alam kong babalikan pa nya ako dahil ito mismo ang nagsabing hindi pa kami tapos.

Kailangan kong bumangon muli kung kinakailangang kalimutan ko nang tuluyan ang dating Laurence ay gagawin ko. Hindi na pweding pairalin ko pa ang puso ko dahil paniguradong masasaktan lang ako. Hindi na ako umaasang maitatama ko pa ang minsang pagkakamali na hindi ko ginawa. Iyon ang mga bagay na huli kong itinatak sa aking isip bago tuluyang lamunin  nang sobrang pagod at makatulog na.






Mabigat ang pakiramdam nang imulat ko ang aking mga mata. Mukhang nakasanayan na nang aking katawan ang bumangon ng alas dos ng madaling araw para magsimba. Ayaw kong bumangon, ayaw ko na ring magsimba pa. Wala nang rason para gawin ko iyon, pero kahit anong gawin ko hindi ko magawang makatulog ulit.


Napilitan akong umupo sa gilid na aking kama at nahagip agad ng aking mga mata ang litrato nang aking ina. Ang taong hanggang sa kahuli-hulihan ng kanyang paghinga ay inilagaan at prenotektahan ako. Sadya yatang mababaw ang aking luha dahil muli na naman itong umagos.


“Ma, bakit kailangang mangyari sa akin ito? Nag mahal lang naman ako di ba? Ito ba ang kapalit ng bawal na pagmamahal ko noon? Pinarurusahan ba ako nang diyos ngayon? Bakit kailangan ko pang magsimba kung sya mismo ang may gawa nito sa akin? Bakit kailangan ko pa syang sambahin ko sya mismo ay gusto akong pasakitan?” Sunod-sunod ang pag-agos ng aking luha pero hindi iyon nakatulong na maibsan ang bigat nang aking kalooban.


“Ma, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang mag-isa kunin nyo na ako ni papa.” Doon na ako humagulhol. Alam kong pagtatawanan ako nang kahit na sino mang makakita sa akin ngayon. Even my students would laugh at me seeing how devastated I am. Anim na taon, anim na taon kong pinilit itago ang tunay kong damdamin dahil ayaw ko nang masaktan pero bakit nagkaganito. Ano ba ang malaking kasalanang nagawa ko sa mundo to deserve this kind of life. I don’t deserve to be this miserable naging mabait akong anak, naging mabuting kaibigan at mabuting lover. Why do I have to suffer this much?


Sa hindi malamang kadahilanan biglang may dumamping malamig na hangin na parang lumukob sa buo kong katawan at ang unang pumasok sa aking isip ay ang aking ina dahil sya lamang ang nagiisang tao noon na yumakap sa akin nang mga panahon na nararamdaman ko ang ganitong pakiramdam. Ang pakiramdam ng isang taong ayaw ng mabuhay.


Pinahid ko ang aking mga luha. Tumayo sa aking kama at wala sa sariling pumasok sa banyo para maligo ni hindi ko nagawang tanggalin ang mga saplot sa aking katawan. Kusa nalang pinihit ng aking kamay ang shower at tuluyan ng dumampi ang malamig na tubig sa akin.


Tuluyan na akong lumabas ng bahay at nag simula nang maglakad patungo sa simbahan. Napagdesisyunan kong tuparin ang huling hiling ni mama sa akin, ang subukang kompletuhin ang simbang gabi. Hindi ko alam kong bakit iyon ang inihiling nya sa akin bastat ang alam ko lang ang puso ko mismo ang nagdidiktang pagbigyan sya.






Itutuloy:

42 comments:

dada said...

T_T

RJ said...

gusto ko umiyak sir kasi bitin hahaha :D

anyway. ang hirap ng sitwasyon ni Laurence kasi parang wala naman talagang balak makinig sa kanya si Claude e. pero, nagtataka lang ako kung nasaan si Mike at Ralf. Or kung bakit nagbalik pa si Claude.

wew, ang lungkot naman.

keep it up sir. :)

CHIPPY said...

OH YEAH!
Thanks for the update...
I really love this series.

Keep it up po
Lots of Love

politotz said...

sobrang bitin...unsa ako!

Anonymous said...

=( so sad. Ano kasi ang ngyari? May kinalaman yun kay alfie siguro, tapos si anna or ann? Ang may kasalanan.

--ANDY

Anonymous said...

yey!!...
thank you kuya Z sah greetings!!...
hehehe...
and thank you for weLcoming me...

grabe, ang bigat ng chapter nah ito...
i mean, too much hurt nd sadness...
i riLy feeL Laurence's pain...
i hope mkaka.move on nah c Laurence...


-edrich

Anonymous said...

Nice

Atty. D

eusethadeus said...

when po ang next na chapter zephie??,ü like na like., mdyo nkarelate ako dun sa eksena sa resto.,ü and thanks din sa pagbati., bka mtgalan na ko ulit bago mgbasa, need to review eh.,ü

Anonymous said...

ang sakit nang pinagdadaanan laurance, tinanggap nya ang panghuhusga sa kasalanang di ginawa... mas masakit din na di ka man lng binigyan ng pagkakataon na mgpaliwanag... sana nga lng ay hindi maging huli ang lahat para sa lahat lalo na claud na malaman ang katutuhanan...


ang ganda...


saimy

kristoff shaun said...

hay my god nakakaloka si claude naawa naman ako kay laurence tsktsk..

M.V. said...

ganda ng story... bigat lang sa dibdib... hehe.. couldn't wait for the next chapter... :-)

politotz said...

wow ako ang unang nag comment..ganda naman nito idol zildjian..hehehehehe update...heheheheeh

Anonymous said...

Sad:[ Ano kayang nangyari noon? kaya mo yan Laurence... @dereck@

Anonymous said...

naguguluhan pa rin akuh kung anuh ba talaga ang naging kasalanan ni Lance na hindi naman nya ginawa na syang dahilan kung bakit galit na galit sa kanya si Claude... nakakalungkot mang isipin pero tama ata si lance na nilamon na sya ng kanyang galit at pride dahil sa kanyang ipinakitang pag-uugali sa chapter na ito.. hayy Mr.Author naman kailan pa namin malalaman ang sagot sa katanungan namin kung bakit ganun na lang ang galit ni Claude kay Lance... naiinip na kami,,..


Beucharist......:(

Anonymous said...

haaist, bitiin!!!! grabe si claude,, how rude!!

-john el-

Anonymous said...

masakit isipin na ang taong mahal sa u ay may galit pa din...tama na yan laurence tanggagpin mo na lang na kung ano man ang gusto ni claude... but life must continue to live... isipin mo ang sarili mo... ganun talaga ang nag mahal handa sa mga pag subok....at handang mag sakripisyo kahit kapalit ay pighati ng ung damdamin.... may bukas pa na nag hihintay sa u... kung hindi man talaga para s u si claude may mga frends ka rin na nag mamahal s u,,,


ramy from qatar

Anonymous said...

ang bigat ng chap na to. T.T Bumalik lahat ng ala-ala ko sa mga dating stories. Parang tinambak lahat. Galing tlaga! :))

-->nIx

juss said...

ay nkaka iyak... pati ako nsasaktan hbng binabasa ko to.. ramdam ko un sakit n nraramdaman nya dhil ky claude... pls po.. nxt chapter n po..

Zildjian said...

Hehehe maraming salamat sa comments nyo guys.


Wala tayong magagawa sa hunghang na Claude na yon yaan nyo at malapit nyo nang mabasa ang huling kwento sa nakaraan :) Chillax lang mga kabayan :D hiihihihihi

ram said...

kailan ipopost yung part na magpapaliwanag kung ano ang naging kasalanan ni laurence?

Pink 5ive said...

Agrees with ram, gusto ko na malaman kung ano nangyari :-)

Story's getting better. Next chapter na Zild :-)

wastedpup said...

Da Best series this Christmas. :))

Anonymous said...

nasa chapter 12 na tau wala pa rin ang reason kung bakit nagkahiwalay sina laurence at claude... fast track naman ng konti please... :)

rstjr029

darren said...

:(( grabe naman si claude !

Ross Magno said...

napaka-effective ang paraan mo para iparamdam ang ang feeling ni Laurence...

Ano kaya ang role d2 ni Pat, mukhang may nalalaman siya sa past ni Laurence.

Billygar said...

sigh..... bakit ba pag bida iyakin? hahaha...sana next time may bida na palaban, yong tipong mataray talaga. hehehe...nadadala ako sa emosyon ni Laurence...huhuhu..

Unknown said...

Wow kakalungkot naman..kung kailan pasko saka magiging ganun. Hay..ano nga bang kasalanan ni Laurence kay Claude at ganun na lang kung magalit..next chap na please...

Erwin F. said...

Wala pa akong tulog....

Pero ng nabasa ko ito grabe nabuhay dugo ko. Di lang isip sarado kay Cluade pati puso.

Dorwin for president!

Mahiwaga pa din para sa akin bakit need niya makumpleto ang simbang gabi.

Sige meme na ako. More than 48hrs na ako gising pesteng marketing plan yan.

popoy_iii said...

hindi ako naniniwala sa 9 mornings... but zild, make me believe.

Anonymous said...

Zepie...

Broken Hearted? Sino? Ako? Broadcast kung broadcast... Thanks Zep ang ganda ng story mo... Ang sarap basahin sa umaga kasi nakakapagpagaan ng feeling as in nawawala agad ung mga negative chi pag ganito ung una mo mababasa sa umaga.

Misis talaga ah.... Ooopppsss di nga pala namin alam yun he.he.he. wala ako nabasa...

Pero balik tau sa story mo... sana lang ung takbo ng story eh hindi ung paniniwala ng mga pinoy na after makumpleto ung simbang gabi at magwish eh magkakatotoo. Hehe pasensya na bigyan kita tuloy ng sakit ng ulo ngaun... Pakisabi na lang kay Law ako single na pede na uli ha.ha.ha.

Ay di pala pede kasi mas interesado ako kay ice na naging ice water na! joke.

Anonymous said...

kuya zeke, kaya ba ganyan yan kasi di gumagana isip mo kagabi? hahaha..anyways, naenjoy ko tong chapter na to..grabe ang emotions..naramdaman ko ng sobra, muntik ko ng makalimutan ang sarili ko..akala ko ako na si lance dahil nararamdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni claude sa kamay ko, ang pagtitig niya sakin ng masama, ang lamig ng tubig na bumuhos sakin sa mga sinabi niya at sa luhang dumaloy mula sa mga mata ko..

thumbs up..and can't wait for the next chapter..

thanks din sa pag-greet kuya..

-Jay

Lawfer said...

bunos???
boto? my elexon b?
it strikes me... binuhusan ka nga tas strike kpa jan, past tense po o.o
nilamon po ndi linamon
at “walang sabi sabi” ngsalita nga xa bgo tumayo db? o.o

d q nlagay mga to dhl gs2 ktang batikusin.. kabayo kta, nilalatigo kta ndi para ipahya.. nlalatigo kta kc gs2 kta tumakbo, ndi para sumbay sa mga ibng writer,kundi para mlampasan cla.. sayang taya q kung mahuhuli ka lng loko

about sa kwn2, i hve to congratulate u.. ejo bumlik ung dting aura ng kwento m 2lad sa TRT na nkakapenetrate sa nkkbsa...d dn xa flat kya d boring

LightRundel said...

hyy naku duon chapter 6 plang buti nahap ko ung 7-12 asan na ung 13?hahaha!kaw ha mei misis k na pla hahaha!pinagloloko mo kmi haha!

Zildjian said...

Rue - Wahihihihi mga typos ng kalokohan ko hayaan mo na yan dyan na intindihan naman nila.. Kasalanan ko bang di ma pansin yan :D bunos? Waahahahaha


Kabayo mo mukha mo! :D wala akong balak lampasan sila sabi nga nila nananalo ang kabayo hindi dahil gusto nila kung hindi dahil nasasaktan sila kakapalo ng sumasakay sa kanila.. bad yon gagalit si daddy god! :D


at sa wakas na nagustohan mo na ulit ang kwento wahihihihihi


Light - Wehh? Napadpad ka sa kaharian ko! ahihihi sabi ko nga ako lang nakakaalam na misis ko yon kaya wag kana kumontra sige ka papangit ka. :)) WELCOME ABOARD!!!

-ShalnarK- said...

Kla q every other day ang update bat wla naun? XD

Anonymous said...

sige lang laurence may tamang panahon din at mag babago ulit si claude sa u... malalaman din nya lahat.... ask ko lang kung ano ba talaga ang nagawa mong kasalanan sa kanya... ano ba ang nangyari at sobrang galit sya s yu....

ramy from qatar

Anonymous said...

huhu wala pa update:) so addicted....

russ said...

ang gnda talga hehehehe..tumayo na sana ko kala ko kasi mention ng author ang name koh heheheh..assuming..nextchapter na pls

robert_mendoza94@yahoo.com said...

haizt, kabitin aman. kawawa aman c laurence. next chapter please.

Anonymous said...

ang bigat naman nito....


sakit sa dibdib...


nababaliw na ako d2 .....

MAS LALO AKONG NAGNANASA NA MABASA ANG NEXT CHAPTER...

At ang mga susunod pa...


galing mo po kua author!

-bentot-

Unknown said...

napakahirap talagang mag explain sa taong mataas ang pride at self-centered..weeew!!! pakibatukan nga po si Claude..hahahaha
pero...ano nga ba nangyari kung bakit nag-iba na ang trato niya ka Laurence at pagpalit ng nararamdaman nya para dito...pag-kapoot ang kanyang ginagawa o paraan lang nya iyon para subukin ang tinitibok ng kanyang puso na itinatanggi naman ng kanyang isipan??? hmmmn abangan...

Anonymous said...

kakalungkot nmn ung naranasan nato ni laurence...pero di prn narereveal ung totoong dahilan ng kanilang naging conflict...

astig talaga nila rome at red!^^

-monty

Post a Comment