by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/
Maraming maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na nagbibigay ng suporta sa 9 Mornings ko. Sa mga nabibitin pasensya na po hindi ko talaga sinasadya iyon (PERO JOKE LANG) hihihihi. Ito na naman po resulta nang aking kalokohan sana ay magustohan nyo. HAPPY READING AND KEEP THE COMMENTS COMING! ENJOY! _Zildjian
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno,
Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III,
Kristoffshaun, Allure, Ice, Rue, Billygard, Andy, Jayfinpa, Erwin F, Chris, Great Pink 5ive, Ramy from Qatar, Chase, Taga_Cebu, Robert_Medoza94@yahoo.com, Saimy,
Ramy from Qatar, Politotz at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at Silent
Readers sa walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are
purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests
that in any use of this material that my rights are respected. Please do not
copy or use this story in any manner without my permission.
Katatapos ko lang maibaba ang tawag na
iyon ramdam ko parin ang mabilis na tibok ng aking puso hindi ko alam kong para
saan, gulong-gulo masyado ang isip ko. Napaupo ako sa upuan na malapit sa mesa
kung nasaan ang telepono. Literal ang panginginig ng aking kamay. Bakit ganito? Akala ko ba tuluyan na akong
nakatakas sa nakaraan. Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili
nagpakahirap ako sa loob ng anim na taon pinilit kong makabangon, pero bakit
ganito? bakit sila nag babalik?
Kahit na anong pigil ko sa aking sarili hindi ko parin
mapigilan ang aking damdamin. Kung tutuusin dapat tapos na ito, dapat wala na
akong nararamdaman ngayon. Hindi ngaba’t pinilit kong itapon ang damdaming
iyon?
Sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayan na may tao palang
nakamasid sa akin mula sa aking likuran. Marahil ay hindi ko ito nakita kanina
pagpasok ko o baka hindi ko naramdaman ang pagpasok nito habang kausap ko ang
taong dahilan ng aking pagkalito ngayon.
“Rence?” Ani nang baretonong boses sa aking likod.
Dahan-dahan ko syang liningon at tumambad sa akin ang nagtatatakang hitchura ni
Pat.
“Ano ang nangyari sayo? Sino ang kausap mo? Bakit ganyan ang
hitchura mo?” Sunod-sunod nitong tanong sa akin siguro sa sobrang pag-aalala.
Imbes na sagutin sya ay natigilan ako. Para akong tangang
nakatingin lang sa kanya at walang maisip na sasabihin. Ang maamong mukha nito
na bakas ang pag-aalala ay napakagandang pagmasdan. Siguro dahil sa loob ng
anim na taon muli kong nakita ang ekspresyon ng isang taong nag-aalala para sa
akin.
“Rence?” Untang nito sa akin na sinabayan ba nya nang paghawak
sa aking kaliwang balikat. Doon lang ako natauhan at agad na napaupo ng tuwid.
“A-Ano nga ulit yon?” Ang wala sa sariling naiwika ko.
“Rence nag-aalala na ako sayo. Ano ba ang nangyayari? Sino
ang kausap mo sa telepono at nagkakaganyan ka?”
Nakakapagtaka ang pag-aalala sa akin ni Pat. Kung tutuusin
naman kasi hindi kami close para pagaksayahan nya ako nang oras para
alalahanin. Lalo pa’t wala syang masyadong alam sa akin.
“W-Wala kaibigan ko lang.” Mabuti nalang at gumana muli nang
tama ang utak ko. “Tapos na ba ang klase mo?” Pag-iiba ko nang usapan.
Bakas sa mukha nito na naguguluhan sya sa inaasta ko, pero
sa huli pinili nitong hindi na ungkatin ang kung ano mang bumabagabag sa kanya.
“Di ba sabi ko naman sayo na wala na akong exam ngayon. Nag
aayos nalang kami para sa Christmas party ng mga estudyante.”
“Oo nga pala. Nakalimutan ko pasensya na.” Sinubukan kong
bigyan sya nang magandang ngiti, pero imbes na ngiti ay ngiwi ang naibigay ko.
“Okey kalang ba?” Muli nitong tanong sa akin. “You look
sick.”
“Y-Yeah. Kulang lang siguro ako sa tulog…”
“Dahil sa simbang gabi.” Sya na mismo ang tumapos sa
sasabihin ko. “Siguro makakabuting umuwi ka agad ngayon tutal last day na nang
examination at itulog mo yan. Namumutla ka Rence, baka kung ano pa ang mangyari
sayo magpapasko na.”
Aaminin kong natutuwa ako sa ipinapakitang pag-aalala sa
akin ni Pat kahit na hindi ko alam ang rason nya. Hindi naman siguro
importanteng alamin ko iyon.
“Last period ko na sa araw na ito. Tutulong kami mamaya nina
Chatty mag decorate sa gym kaya hindi pa ako pweding umuwi.” Ngayon ay nagawa
ko nang ngumiti sa kanya.
“Kami nalang ang bahala. Anong oras ba matatapos ang exam mo
ngayon?”
Napatingin naman ako sa aking relo.
“Ngayon na.” Nakangiti kong wika. “Sige, puntahan ko muna
mga estudyante ko paniguradong nagkokopyahan na ang mga iyon.” Pagpapaalam ko
sa kanya. Agad akong tumayo at tinungo ang pintuan. Bago pa man ako makalabas
ay narinig kong muli ang pagtawag sa akin ni Pat.
“Hintayin mo ako sa room.”
Nagtatakang tingin naman ang ibinalik ko sa kanya.
“Bakit, ano meron?”
“I’ll drive you home but before that snack muna tayo.”
Nakangiti nitong sabi.
“Tutulungan pa…”
“Nope. Uuwi kana para makapagpahinga ka at makabawi nang
tulog. Puntahan mo na ang mga estudyante mong nag kokopyahan. I’ll be there in
no time.”
Wala na akong nagawa. Tumalikod agad ako sa kanya para itago
ang pag-guhit ng ngiti sa aking mga labi at tuluyan ng bumalik sa aking mga
estudyante. Pansamantala kong nakalimutan ang tungkol sa taong tumawag kanina
salamat kay Pat at sa kabutihan nito.
Di nga ako nag kamali dahil pagpasok na pagpasok ko sa loob
ng room ay parang nasa palengke ako. Nagkakagulo ang mga hunghang at nang
makita ako ay kanya-kanyang balik sa kani-kanilang upuan.
“And what do you think you are doing?” Nakakunot ang noo
kong wika sa kanila, pero sa loob-loob ko ay pinipigilan kong mapangiti.
Naiintindihan ko naman ang mga to dahil dumaan din naman ako sa mga kalokohang
ganun.
“Minus 25 points.” Wika ko sa kanila nang makabalik na ako
sa aking upuan. Umalma agad silang lahat at tuluyan na akong napangiti.
“I-submit nyo na ang mga papel nyo kung tapos na kayo at
lumayas na kayo sa harapan ko para makapag handa ang mga babae sa kanilang
susuotin para bukas.” Bumakas sa mga mukha nila ang di makapaniwalang tingin.
Ito ang kauna-unahang hayagang pagbibiro sa kanila.
“Good mood ngayon si sir! Himala!” Biglang sigaw ng isa sa
mga loko-lokong lalaki na nakaupo sa bandang likuran.
“May love life na siguro si sir.” Gatong naman ng babaeng si
Jessamine. Umugong ang kanya-kanyang panunukso nila sa akin.
“Pag di kayo tumigil ay sisiguraduhin kong bagsak kayong
lahat sa akin.” Agad naman silang nanahimik. Muli akong napangiti.
Hindi pa man nakakatayo ang isa sa kanila para ipasa ang
kanilang mga papel sa akin nang sumulpot si Pat sa pintuan. Hindi ko pa ito
mapapansin kung hindi sya binati nang mga estudyante ko. Lumapit ito sa akin na
nakangiti.
“Sandali lang. Kunin ko lang mga papel nila.” Wika ko sa
kanya. Umupo ito sa mesa ko mismo at hinarap ang mga estudyante ko.
“Submit nyo na yang mga papel nyo dahil nagugutom na ako.
Pag di ako nakatiis kayo ang kakainin ko.” Nakangising wika nya sa mga ito.
Ganun talaga si Pat, sobrang malapit sa mga estudyante kaya paboritong paborito
sya nang mga ito. Parang mga kabarkada ang turing nya sa mga estudyante
importante lang naman daw ay respetuhin sya nang mga ito pag nasa loob sila
nang eskwelahan.
Nagtawanan ang mga kalalakihan at ilan sa mga kababaihan ang
kinilig siguro dahil nakakabiruan nila ang hunky teacher nilang ito. Dalawang
P.E teacher lang kasi ang meron sa eskwelahan namin si Pat at si Arman, kaya halos
lahat ay kilala sya at gustong ma under sa kanya dahil sa balitang kalog ang
binatang professor nilang iyon.
Sumunod naman ang mga estudyante sa kanya. Isa-isa itong
tumayo at lumapit sa lamesa. Nakakatuwa itong tingnan habang kinukuha ang mga
papel at nakikipagkwentuhan sa mga estudyante tungkol sa Christmas party.
“Ang sarap talaga nito.” Tukoy nito sa linalantakan nyang
lasagna. Dinala ako ni Pat sa isang fast food chain. Ngingiti-ngiti nalang
akong pinagmamasdan syang sarap na sarap sa pagkain.
“Pat, anong oras daw ba tayo kailangang pumunta sa
eskwelahan bukas?”
“Ikaw, kung anong oras mo lang trip. Ako mga 5pm para ma assist
ko ang SSC para sa program nila. Ako rin ang nakatoka sa sound system.”
Nakangiti nitong wika.
Napatanong nalang ako sa kanya at ipinagpatuloy nalang ang
pagkain wala akong maisip na paguusapan namin sa oras na iyon. Nagaalangan ako
kung dapat ko pa bang hingin ang opinion nya sa isang bagay na gumugulo ngayon
sa akin. Kanina habang nasa byahe kami papunta sa kainan na yon ay binalikan
kong muli ang tungkol sa taong tumawag sa akin gusto kong hingin ang opinion ni
Pat tungkol doon.
“Natahimik ka na naman dyan Rence.” Wika nito. Napatingin
ako sa kanya at nag sulubong ang aming mga mata. “Ano ang iniisip mo?” Dagdag
pa nitong sabi.
Pasimple akong nag buntong hininga. Wala akong ibang taong
pweding mahingan ng tulong kung hindi si Pat lang dahil panatag ang loob ko
kanya. Sya lang ang nakikinita kong taong pweding makatulong sa akin.
“Pat?” Wika ko. Hindi ito sumagot nanatili lang itong
nakatingin sa akin na para bang sinasabi na ipagpatuloy ko ang sasabihin ko. “A-Ano
ang gagawin mo kung isa sa mga kaibigan mo ang nagbalik at gustong makipagkita
sayo? Pag bibigyan mo ba?” Mahina kong
sabi. Nakaramdam kasi ako nag pag aalangan.
Natigilan ito sa di malamang dahilan kaya nagpatuloy ako.
“Mahigit anim na taon kayong hindi nag kita. Hindi pa
maganda ang paghihiwalay nyo noon makikipagkita kaparin ba o hahayaan mo
nalang?”
Hindi ito sumagot sa akin. Nakatingin lang ito parang
tinitimbang kong magsasalita ba sya o hindi.
“Never mind Pat.” Bawi ko nalang. “Di ko rin alam kong bakit
naitanong ko iyon sayo. Wag mo nalang pansinin.” At muling ibinaling ang aking
atensyon sa pagkain.
“Puntahan mo sya Rence.” Ang biglang wika nito. May
pagtatakang napatingin ako sa kanya. “Kung may hindi pagkakaunawan kayo noon
siguro panahon na para ayusin nyo ito ngayon. Makakatulong din sayo iyon.”
Seryoso ang mukha nito na ipinagtaka ko. Kung hindi ko lang ito kilala ay
sasabihin kong may alam ito tungkol sa nangyari sa akin sa tono nang boses
nito.
Ako naman ang natigilan. Pinilit kong i-absorb ang sinabi
nito. Tama nga naman si Pat siguro panahon narin para tapusin ang lahat. Para
narin tuluyan na akong makalaya sa nakaraan ko. Doon ko napagdesisyunan na harapin
ko ang taong iyon. Salamat kay Pat hindi nga ako nag kamali na sa kanya humingi
nang tulong.
“Siguro nga tama ka Pat. Salamat ah.” Wika ko sabay ngiti.
Ngumiti lang ito sa akin halatang pilit at bakas sa mukha na may malalim na
iniisip.
“May problema ba Pat?” Di ko maiwasang maitanong sa kanya.
“Wala. Sige tapusin na natin ang pagkain para maihatid na
kita sa inyo kailangan ko pa kasing bumalik sa eskwelahan para tulungan sila
doon.”
Ako naman ngayon ang nagtaka sa inasta nito. Parang balisa
na hindi mo maintindihan. May nasabi ba
akong hindi maganda? Di ko mapigilang maitanong sa aking sarili habang
nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya na agad naman nyang iniwasan at
ibinalik ang kanyang atensyon sa kanyang pagkain. Nagkibit balikat nalang ako.
Para akong naiihi na ewan habang pabalik-balik sa aking
cabinet. Kanina pa ako hindi mapakali kung ano ang dapat na suotin.
Mag-aala-syete na at kailangan ko nang makapag bihis kong ayaw kong ma late sa
usapan namin ng taong iyon.
Matapos naming mag meryenda kanina ni Pat ay agad ako nitong
inihatid sa bahay. Walang imikan kami sa loob ng kanyang sasakyan hindi ko alam
ko ano ang problema nya pero batid kong malalim ang kanyang iniisip base sa
hitchura nang mukha nito kanina habang nag dra-drive. Gusto ko man syang
tanungin ay pinili ko nalang na manahimik respeto na rin iyon sa kanya.
Dinampot ko ang aking cellphone at tiningnan ang kadarating
palang na mensahe.
“7pm sa Bestfriends resto.” Ang nakalagay lang sa mensahe
alam ko na kung sino ang taong yon at ang tinutukoy nitong bagong tayo lang na
restaurant. Muli kong binalikan ang
cabinet at naghalungkat ng damit. Hindi na ako nag abala pang mamili dahil
paniguradong aabutin ako nang walang taon.
Sa wakas ay narating ko rin ang resto na iyon. Ang
restaurant na pagmamayari nang dalawang magkaibigan na sina Angela at Mina mga
dati kong ka eskwela noong high school. Nakakatuwang isipin na umabot sa ganito
katagal ang pagkakaibigan ng dalawa.
Pinagbuksan naman ako ng gwardya at binati. May kaba ko
itong tinanguan at tuluyan ng pumasok. Nagpalinga-linga ako para hanapin ang
isang taong dahilan ng pagpunta ko sa restaurant na iyon. May mangilan-ngilang
taong abalang kumakain at ang iba ay halatang kagagaling lang siguro mag Christmas
shopping dahil may mga nakalagay na maraming pinamili sa bakanteng upuan sa
mesa nila.
Mararamdaman mo ang pasko sa loob ng restaurant na iyon. May
malaking Christmas tree sa kaliwang bahagi at ang nag gagandahang Christmas lights
na nakapagdagdag sa magandang ambiance nang lugar na iyon.
Nagulat ako nang may magsalita sa aking likod.
“Laurence? Laurence Cervantes is that you?” Napalingon ako
sa kanya at tumambad sa akin ang nakangiting si Mina. Naging ka klase ko ito
noong second year high school palang ako. Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na
tama ang hinala nya.
“Wow! It’s been a long time. Hindi kana payatin ngayon ah.”
Sabay hagikhik nito.
“Yeah it’s been a long time at lalo kang gumanda Mina.” Alam
kong nabigla rin ito nang banggitin ko ang pangalan nya. Marahil ay tulad ko
hindi rin nito inaasahan na maalala ko pa sya hanggang ngayon.
“Ang ganda ko talaga.” At muli tumawa ito. Mina still has
the sophisticated look on her kahit sa pagtawa nito ay hindi iyon nawawala. “Anyway,
kamusta kana Laurence? Gees!! Ang laki nang ipinagbago mo.”
Nawala ang pag-aalangan ko pati na rin ang kabang kanina ko
pa dala-dala nang makita ko ang mga ngiti nito.
“Mabuti naman ako. Panganay mo ba iyan?” Tukoy ko sa umbok
nang kanyang tyan. Marahil ay nasa seven or eight months na ito kung hindi ako
nagkakamali.
“Yep.” May bahid nang pagyayabang nitong sabi. “Wait
ipapakilala kita sa husband ko.” At nagpalinga-linga ito. Nang mahanap nito ang
kumpol ng mga taong sa tingin ko ay abala sa pagkukwentuhan sa isang mesa ay agad
nya akong hinila at dinadala sa mga ito. Wala na akong nagawa kung hindi ang
sumunod nalang.
“Dito lang pala kayo.” Bungad nito sa mga ito. Doon ko lang
napansin na kilala ko pala ang iba sa kanila. Mga dati kong ring schoolmates sa
St. Mary’s Academy.
“Hon, sino yang kasama mo?” Wika nang isang gwapong lalaki
na sa tingin ko ay ang asawa ni Mina.
“Guys tutukan nyo sya. Don’t you recognize him?” Ang
nakangising wika ni Mina. Muli, ay nakaramdam ako nang hiya. Kaharap ko ngayon
ang mga taong may ari nang isa sa sikat na bar sa lugar namin ang Seventh Bar.
Nabaling naman ang mga tingin ng mga ito sa akin. Para tuloy
akong subject sa isang experiment sa isang laboratory.
“Laurence? Di ba ikaw si Laurence Cervantes yung iyakin nung
1st year palang tayo.” Wika nang isa sa kanila. Ako man ay napatutok
at pinilit na kilalanin ang loko lokong iyon. Kita kong pinukpok ito nang
katabi nyang babae na sigurado akong si Antonet Garcia ang aming all time muse.
Imbes na ma offend sa sinabi nito ay napangiti nalang ako at marahang tumango.
“So its you. Kamusta na ang Valedictorian ng batch namin?”
Wika ni Tonet.
“Ay oo, ikaw nga yung lampang matalino noon.” Dugtong naman
ng maangas at ang campus heartthrob na si Red. Nakita ko itong tinitigan ng
masama nang katabi nyang lalake. “Hehe. Sorry.” Napakamot ito sa ulo halatang
takot sa katabi nya. Weird! Si Red, may
kinakatakutan na ngayon? Ang nasabi ko nalang sa aking isip.
“Okey lang.” Nakangiti ko namang sabi.
“Ay bongga ang laki nang pinagbago mo. Akala ko talaga nung
una bekish ka.” Namula ako sa tinuran ni Angela ang babaeng halatang hindi pa
rin nag babago sa pagiging taklesa.
“Wala ka talagang masabing maganda.” Wika naman ng isa kung hindi
ako nag kakamali sya ang transferee nung 3rd year kami na si Ace.
Ang laki na rin nang pinagbago nito ngayon.
“Wag mo na pansinin ang asawa ko may sayad lang talaga to.”
Hindi pamilyar ang lalaking iyon sa akin pero ngumiti parin ako para ipaalam na
wala lang iyon.
“That is Vincent asawa ni Angela, si Attorney Dorwin Navales
lifetime partner ni Red.” Tukoy nito sa lalaking kinakatakutan ni Red. Bahagya akong
nagulat sa sinabi nito. Lalake ang partner
ni Red ang campus heartthrob namin noon? What the pak!? Marahil ay nabasa
ni Antonet ang iniisip ko kaya nag salita ito.
“Wag kanang mabigla Laurence uso na yan ngayon. Si Rome,
kilala mo naman siguro ang matinik na transferee noon sya naman ang lifetime
partner ni Ace.” Napapatango nalang ako sa sobrang pagkabigla.
“At ito ang pogi kong asawa.” Sabay kandong rito ni Mina. “Hon,
meet Laurence, dati naming ka klase noon ni Angela.” Inabot nito sa akin ang
kanyang kamay na tinanggap ko naman. “Chad pare.” Wika nito.
“At itong kolokoy namang to ang asawa ko.” Tukoy naman ni Tonet kay Carlo.
“Nice to meet you.” Wika ni Rome na hayagan pa talagang naka
akbay kay Ace. Bahagya akong na inggit sa grupo nila. Napakasaya nilang tingnan
at halata sa mga hitchura nila ang contentment sa kani-kanilang mga partners.
“Nagkalaman kana ngayon.” Wika naman ni Red at ngumiti sa
akin. Natawa nalang ako nang batukan ito nang ipinakilala sa akin na si
Attorney Nevera. I know him kilala sya na isa sa pinakabatang attorney at hindi
matatawaran ang galing nito. “Pasensya kana sa isang to. Wala lang magawa kaya
malakas mangasar.” Wika nito with his apologetic voice.
“Okey lang. Sanay na ako sa kanya nung highschool.” Nakangiti
kong wika.
“Bully ka pala nong high school mahal?” May pananakot sa
boses nito. Napangiti ako sa tawag nito kay Red. Sino ang mag aakalang under
ang tinaguriang tigasin nang room naming noon. Ang sweet nila.
“Hindi ah! Biro biro ko lang yon. PEKSMAN!” Nagkatawanan kaming lahat sa inasta nito.
“Patay ka mamaya pare.” Pangaasar naman ni Rome sabay
hagikhik pa nito.
“Wag kanang makisali kumag at baka ikaw ang malagot mamaya.”
Basag naman sa kanya ni Ace.
“Wifey naman.” At muling kaming nagkatawanan.
“Nakakatuwa naman kayo.” Wika ko sa kanila. “I never thought
na makikita ko pa kayo ulit.”
“Ang tagal na nga rin noh. So, what do you do for living?”
Si Tonet.
“Nag t-teach ako sa isang private collge.” Nakangiti kong wika.
Di ko mapigilan ang matuwa sa kanila ganito pala ang feeling pag nakikita mo
ulit ang mga taong sa nakaraan mo. At doon ko na naaalala kung ano ang pakay ko
sa restaurant na yon. “Oh im sorry guys.
It was really nice seeing you again but I need to go. May kausap kasi ako
ngayon masyado akong na wili nakalimutan ko.” Ang nagpapanic kong sabi.
“Sya ba ang kausap mo?” Si Red at may tinuro ito sa likod
ko.
Dahan-dahan naman akong napalingon at muli ay naramdaman ko
ang pagrigodon nang aking puso nang makita ko si Claude. Walang ekspresyon ang
mukha nito na nakatingin sa akin.
“K-Kanina ka pa ba?” Ang naisambit ko nalang sa
pagkataranta.
“Si Claude pala ang kausap mo.” Wika ni Chad.
Napalingon ako sa kanya na may pagtataka.
“Magkakilala kayo?”
“Yep. He’s my causin.” Napatingin ako sa mga kaibigan at
dati kong ka klase noon nakangiti ang mga ito.
“Mukhang may naaamoy ako.” Biglang wika ni Angela.
“Ako rin meron.” Gatong naman ni Mina. “Hon, why don’t you
go and help your causin find a very nice table for both of them.” Tumayo ito sa
pagkakakandong sa kanyang asawa para makatayo ito.
“Pinsan tara dito tayo.” At lumakad na ito para ituro sa
amin ang lamesa.
Itutuloy:
39 comments:
haha,, talagang hindi ka pa rin makapag-move on sa mga naunang mga obra moh huh,, Mr.Author,, well masaya naman akuh kasi naaalala ko pa rin naman sila!! grabeh talaga ang impack nito sa akin,, nambitin ka na nga,, sinamahan mo pa ng masayang pagpapa-alala sa mga nauna mong obra,, pero sa totoo lang miss ko na sila? lalo na yung kalibugan ni Rome at Red,,, hahaha,, cgeh,, tuloy lang ang pag-update!!!
Beucharist..........
It's true na dapat di sinu-suppress ang emotions kasi in the end it will backfire.. Nice one Z.
-icy-
Im dying, Ican't wait for the next update!
For the first time nagcomment ako sa isang blog..haha
Matagal na akong nagbabasa pero ngayon lang ako nagcomment..
Galing mo author..
Bentot.
Icy - Yeah wag masyadong kimkimin ang problema dahil ikaw rin ang kakainin nito :D
Bentot - Wow naman.. hehe salamat at d2 kapa talaga sa blog ko unang nag comment.. :D Welcome Aboard! :D
Beucharist - Na miss ko kasi sila kaya ito nag pakita ulit ang mga hunghang :D
Cute!!
Ganda!! Lalo na yung huling part haha!! Namiz ko mga yun.
Next na!!! Please!! Hehe!
--ANDY
Ay ang cute naman nandun pa din ang barkada!
Rome and Ace
Red and Dorwin
awwww!
Ayan na! Confrontation na!
Im excited!
Wow. The most unexpected but well-thought and executed cross-over. The best ka talaga kuya author. Love u po. :))
wow! nagulat naman ako at biglang umapir ang tropa nila ace at red sa eksena. pero sa totoo lng, tuwang tuwa ako kc namiss ko na ang mga karakters na to. thnx mr. author for this chapter i looovveee it and i love u na rin idol!!!
wow!! nagbalik silang walo :D hahaha!!! galing mo po kuya!! connected ang lahat tulad nung kay kuya Jeffrey :]
Wow galing naman hehe na miss ko din cla lol...
Hmm anu kaya mangyayari zah usapan.,....update n ulit Z please! Please! Hehe
God Bless Z!
Kill me!!! Sobrang bitin ako! Kinilig nnmn aq sknla red at dorwin! Sana pinatay mo nln aq Z!! Update na update na!! Hahaha!
-VinZ
KILL MEEEEE!!! sobrang nakakabitin! Kinilig nnmn aq sa AFTER ALL CASTS!! hahaha! Sana pinatay mo nln aq zild! Hahaha! Update na update na pls! :D
Ito na! Maghaharap na ulit sa Claude at Laurence. Nabitin naman ako dito, sir. Next na po.
- Tam
bilib na tlga ako sayo Z. hehehe. cant wait for the next chapter.wag mo tagaln pls.
ay nabusog ako sa chapter na ito ang galing mo talaga zild one of the best chapters ito for me and who would have thought ha!! kaabang abang ang mga susunod na pangyayari..
Wastedpup, Singledon, VinZ - Welcome aboard guys!! hehehehe
Hindi ko talaga akalain na papatok ang chapter na ito sa inyo. Kahapon kasi habang sinusulat ko ito ay hindi ako makapag-decide kong dapat ko bang lagyan ng flashback ang chapter na to. Sabaw na sabaw ako kanina habang sinusulat ang 1st 1k words nito hanggang sa mag decide akong kumain. Don nalang pumasok sa akin ang ideya na isamang muli ang mga character ko sa dalawa kong storya sa 9 mornings. Oh di ba? Na guyo ko na naman kayo sa aking walang kwentang kalokohan.. HEHEHEHE hanggang sa susunod na chapter mga kabayan!
i nver thot the crossover wud be possibLe...
gaLing mo tLga kuya Z!!...
u nver faiL to amaze me...
prang i get the feeLing nah sasama nah c Laurence sah barkadahan nLa ace...
feeL ko Lng nman...
hehehe...
good job kuya Z...
keep it up...
-edrich
wow... galing mo talaga... sana araw-arawin ang update...
saimy
i like the way the mood shifts in this chapter...from serious to hilarious to serious again!haha alam mo yung feeling na ang bigat sa pakiramdam habang binabasa mo yung first parts then suddenly biglang light kasi nag-shift bigla yung mood nung story! nakakatuwa yung ganun, kasi para kang baliw lang na seryoso sa pagbabasa tapos bigla kang mapapasmile or mapapatawa nalang dahil sa takbo nung storya tapos bigla kang ma-a-alarm kasi biglang dumating yung taong kikitain nung bida tapos super shift na yung mood mo kasi di mo na alam yung susunod kasi binitin ka na ni author zeke!haha and i super like it(yung pambibitin) ahahahaha
-tristfire :)
that's awesome! connecting stories..( ang liit nga ng mundo ) two thumbs up!
:) the best ka nga talaga!
--makki--
wow talagang napakaliit ng mundo hahaha
At talagang pinagtagpo mo uli ang kapalaran ng "After All casts" at "9 Mornings" ah.
At talagang may connect pa at pinsan pala ni Chad si Claude.
Ano kaya ang pakay ni Claude kay Laurence...formal closure kaya?
nice to read pa rin na may say pa rin ang mga magbarkada..hehehehheh ganda tlga..
galin! galing! galing!!!!! na mis ko yung mga dating karakter,.,waah!! ganda tlga!!
-john el-
hahaha. ang husay mo Z. na-miss ko tuloy ang barkadahan nila red. Akala ko non sa ibang lugar na ang setting mo sa story na ito. Natuwa naman ako na isinali mo ang masayang barkadahan nila red, ace, tonet and the rest. Saludo na naman ako sayo!!! Next Chapter na parang awa mo na. hehehe..
NAKU.
haha grabe talaga ang pambibitin Z! ano bang kasalanan namin sayo ha? hahaha!
at si Claude nga. ano kayang pakay niya... kasi naman binitin pa talaga e haha :D hanggang ilang chapter nga pala ito Z? hanggang Pasko ata hula ko hehe
pero nangangati talaga kong malaman ang pakay ni Claude. at tanong lang sir, magfaflashback ka pa ba ng past nila? di pa kasi nakikwento kung ano talaga yung nangyari e. pero sir actually kahit hindi mo rin ikwento yung paghihiwalay nila, para sa kin, magwowork pa rin naman yung kwento. kasi andun talaga yung emotion ng mga characters.
kataka-taka nga lang talaga yung reaction ni Pat. hmmm...
keep it up sir (except the pambibitin habit haha) :)
ano ba yannnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn..kuya zekeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee..bakit bitinnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn? :(
-Jay
my god...The Right Time and After All characters.. i miss them all...ace, rome, darwin, red, mina, chad, angela, antonet and carl....huhuhuhuhu :(( pero bitin sya...heheheheh
Edrich - It's possible with globe HAHAHAHA.. Di joke lang pumasok lang talaga sa kokote ko ang isali ulit ang mga hunghang sa 9 mornings :D mukhang epektib naman :D
R.J - Woot! Ahihihih wala kayong kasalanan sa akin talagang masaya lang mangbitin ng tao :D nasa mood ako :)) yaan mo di ko na kayo bibitinin sa susunod :))
waaaaaaaaaaaaaaa! andito yung favorite kong mag ttropa! nice nmn :))
next chapter na!!! kinikilig tlga ko sa tropa nila ace :D
goodluck po Z! :)
~edu
NAKAKABITIN!!!!!!! T.T
Prang mababaliw ako.
I want the next chapter PLEASE!!!!
Zild!!! Utang na loob!! Next 5 chapters na!!! Lol!!! Bitin talaga ih!!
--ANDY
I sensed that Pat "knows" something...
ang galing.. nakonek sa previous stories... thumbs up!.. next please???...
inferness me konek pa rin ung last story mo sa 9 Mornings.. hehehe... looking forward sa next chapter...
rstjr029
waw ganda ng karugtong.... sila sila pa rin...may mga koneksyun pala... parang nokia.... ha ha ha ... galing mo talga.... wala akong masabi....
ramy from qatar
wow! ang ganda ng twist ha, simple pero rock ang dating at hindi pilit. daleng mo tlaga . he he he
hahaha... nakaktuwang basahin ang pagbabalik eksena ng mga magkakaibigan..hehehe na miss ko tuloy ang kulitan, tawanan, iwakan at pag-iibigan nila..
well, ano kaya ang mangyayari sa pag-uusap nina Claude at Laurence??? abangan..
nice work Kuya Zild ^_^
shaks!!!i miss red and dorwin!!^^
khit kelan tlaga yang c angela!haha...nice story bridging!:)
-monty
Post a Comment