Email: zildjianace@gmail.com
Facebook: geohundevil@gmail.com
Ito po ang magsisilbing closure sa dalawang storyang nagawa ko. Mga huling silip sa mga karakter na ako mismo ang lumikha. Sana po ay magustohan nyo itong special chapter na ito para po sa inyong lahat na sumubaybay sa The Right Time at After All. Ingat tayo lagi at kita kits tayo sa susunod kong gagawin. ZIldjian.
Jefofotz – Salamat sa suportang ibinigay mo sa akin masaya
ako at nagawa mo nang magpatawad.. So proud of you ^__^
Dhendhen – Natapos ko rin ang pangalawang gawa ko. Salamat
sa mga tulog mo sa akin sa pag pro-proof read mo sa gawa ko at sa mga
suggestions mo. Salamat din sa guidance basta sa lahat-lahat.
Sa mga taga comment ko mula sa unang gawa ko salamat ng
marami sa inyo guys! Walang book 2 kong wala kayo. J
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance
to any person, place, or written works are purely coincidental. The author
retains all rights to the work, and requests that in any use of this material
that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any
manner without my permission.
The Right Time
“Ervin Rome!” Ang malakas kong sigaw. Nasa loob ako nang
aming kwarto at si Rome naman ay nasa baba at abalang naglalaba.
Rinig ko ang mabilis nitong mga yabag na animoy tumatakbo.
“Bakit, Wifey?” Nakangiti nitong tugon sa akin.
“Anong bakit? Bakit mo nanaman denelete yung dinownload kong
online game?! Nakakarami ka na! Pangatlo na tong dinelete mo.” Inis kong sabi
sa kanya.
Napakamot naman ito sa kanyang ulo.
“Ikaw kasi sabi ko naman na ayaw ko na nagpapalipas ka ng
magdamag kakalaro kita mo namamayat kana. Baka sabihin nina daddy na ginugutom
kita.” Pagpapalusot nito.
“Nakakainis ka talaga!” Ang padabog kong sabi sabay bato sa
kanya ng binigay nyang throw pillow na Sponge bob.
Mabilis naman itong nakaiwas. Pinulot nito ang ibinato ko sa
kanya at lumapit sa akin.
“Naku ang asawa ko may sumpong nanaman. Angry birds nalang
laruin mo para di ka mapilitang magbabad kakalevel-up ng character mo.” Ang
nakangiti nitong paglalambing sa akin.
Ito ang dahilan kong bakit mahal na mahal ko si Rome. Kahit
may sumpong ako ay hindi ako nito pinapatulan pero pag sya ang sinumpong
talagang talo ako at pinapahirapan ako nitong suyuin sya. Mag aapat na taon na
rin kaming nagsasama ni Rome sa bago naming tinutuluyan araw-araw ay hindi ito
nakakalimot na iparamdam sa akin kong gaano nya ako kamahal.
“Ayaw ko sa angry birds sawa na ako don. Gusto ko bago
naman.” Nagmamaktol kong sabi sa kanya na isinipa-sipa pa ang mga paa ko sa
sahig.
“Sawa kana sa angry bird ko?” Ang pilyo nitong wika.
Tinampal ko naman ito at bahagyang namula.
“Eeeee! Hindi naman kasi yan ang ibig kong sabihin
nakakainis ka.” Natawa naman ito sa inasta ko.
“Basta, ayaw ko na naglalaro ka nang online game napagusapan
na natin yan wifey di ba?”
Tatango-tango naman ako na parang bata.
“Ganito nalang, pag nagpunta si Daddy ng manila magpapabili
ako nang PS3 para sabay nating lalaruin. Gusto mo yon?”
“Ano ba mga laro sa PS3? Basta ang gusto ko RPG game.”
“Maraming magagandang RPG game sa PS3 wifey, tanong mo pa
kay pareng Carlo.” Pangungumbinsi pa nito sa akin.
“Talaga? Sige sige bili tayo nun.” Nakangiti ko nang wika sa
kanya sabay bigay ng isang halik.
Sa simpleng bagay na iyon ay napapasaya ko si Rome. Lagi
nitong sinasabi sa akin na kahit anong pagod nya sa trabaho basta paguwi nya
nang bahay ay sasalubungin ko sya nang nakangiti at halik ay nawawala agad ito.
Hopeless romantic si kolokoy at ito lang ata ang nagiisang taong napagtitiisan
ang sumpong ko maliban sa mga magulang ko.
“Ang sarap naman nun. Oh sige maligo kana hinihintay na tayo
nina pareng Carlo sa bahay nila.” Sabay bigay nito nang kanyang ngiti na labas
ang dalawang dimples.
“Ano meron sa kanila?”
“Ikaw talaga, di ba ngayon ang birthday nang inaanak natin?
Dadaan pa tayo sa mall para bumili nang regalo.”
“Ngayon na ba yon?”
“Opo, at hindi tayo pweding ma late dahil paniguradong lagot
ka sa kumare mo.” At pareho kaming napahagikhik.
Pinatay ko na ang PC at kumuha nang tuwalya para maligo nang
may maalala ako.
“Hubby, di ba schedule natin ngayon?”
Bumakas sa mga mata nito ang saya marahil siguro hindi nya
inaakalang ako pa mismo ang magpapaalala sa kanya about sa ganun.
“Opo.” Nakangisi nitong tugon.
“Wag ka papakalasing mamaya ah para makapagperform ka nang
mabuti.” Sabay bigay ko nang pilyong ngiti bago tuluyang pumasok sa banyo.
“Hindi ako iinum mamaya!” Ang narinig ko pang sigaw nito na
ikinatawa ko.
Dumating kami sa bahay nina Tonet mag aalas dose na nang
tanghali. Dalawang taon na silang kasal ni Carlo at sa wakas ay nakabuo na rin.
Naging totoong magkukumpare at kumare na kaming magkakaibgan. Maraming bagay
ang nangyari sa nakaraang taon tulad nalang nang seventh bar na ngayon ay two storey
na. Ang bagong Resto ni Tonet at Carlo at syempre ang baby girl nila. Ang kasal
ni Angela at Vincent at ang bagong nesgosyo nina Mina at Chad. Hindi pa sila
nagpapakasal sa simbahan gusto muna nang mga ito na eenjoy pa nang konte ang
kaninalang relasyon.
Nakakatuwang isipin na nagsimula lang ang lahat ng ito noong
mga high school palang kami. Naghiwa-hiwalay man ng landas noong college ay
muli pa rin kaming pinagtagpo nang tadhana para ipagpatuloy ang aming
pagkakaibigan.
“Hello! Hello!” Ang magiliw naming bati ni Rome sa kanila.
Abala ang mga ito sa kamustahan. Bihira nalang kasi kaming
magkita-kita lalo pa’t may kanya kanya na kaming mga buhay at pamilya ngayon.
Tuwing sabado nalang o di naman kaya ay tuwing may okasyon nalang kaming
nagkikita kita. Si Alex na ngayon ang bagong nagmamanage nang bar at
tuwang-tuwa naman ito sa tiwalang ibinigay namin sa kanya.
“Late nanaman kayong dalawa.” Ang balik bati sa amin ni
Tonet na nakangiti.
“Kelan pa ba hindi na late ang mga yan!” Dagdag pa ni Angela.
“Wow ang laki na rin pala nang tyan mo noh? Kung ako sayo
bawas-bawasan mo na kadaldalan mo baka sayo mag mana yang anak mo.” Tukoy ko
kay Angela na pintong buwan na ring buntis.
“Tse! Sumbong kita sa asawa ko eh.” Pagbabanta nito sa akin.
“Magsumbong ka. Ikaw lang ba may asawa?” Sabay tawa ko nang
nakakagago.
“Taray! Kumain na kayo baka gutom lang yan.” Tatawa-tawa
nitong sabi.
“Asan na yung birthday girl? May regalo kami nang ninong
Rome nya.”
“Nasa kwarto tulog, napagud kakalaro nila nang daddy nya
kanina. Parang dalawang bata ang inaalagaan ko grabe.” Reklamo nito na
ikinatawa namin.
“Asan nga pala ang mga kumapare ko?” Tanong naman ni Rome sa
mga ito.
“San pa ba? Eh di nasa garden at lumalaklak na.” Ang malokong
sagot ni Angela.
“Kasama si Kuya Dorbs?” Wika ko naman.
“Naku wala pa sina Attorney at Red tinawagan ko na on the
way na raw sila. Mag pinsan talaga kayo pareho kayong slowpoke pati si Red na
hawa na.” Maarteng wika ni Tonet na tinawanan lang namin.
Dumating sina Kuya at Red. Tulad namin ni Rome ay bakas din
sa mga mata nito ang contentment sa relasyon nila. Simula nung magkabalikan ang
dalawa ay naging extra sweet pa sila kahit sa bar ay nakabakod si kuya Dorwin
halatang ipinagdadamot nito ang naturingang Campus Crush nung high school.
Naging masaya ang buong araw sa bahay nila Carlo. Napuno ito
nang tawanan, kwentohan at dramahan nang mapagusapan namin ang tungol sa una
naming pagkakakilala. Nakakatuwang isipin na umabot ang pagkakaibigan namin
hanggang sa ngayon.
“Mga pare dating gawi, ninong kayo sa panganay namin ni
Angela ah.” Bakas sa mukha ni Vincent ang pagkaproud sa panganay nya.
“Syempre naman! Hindi pweding hindi yan pare. Dapat yung mga
anak natin ay maging magkakaibigan din tulad natin.” Pagsangayon naman ni
Carlo.
“Tama! Para sila ang magpatuloy nang pagkakaibigan natin!”
Wika naman ni Chad.
“Maiba ako pare, wala pa ba kayong balak ni Mina na magkaanak?” Nakakaintrigang tanong ni Red kay Chad.
“Sinusubukan na naming bumuo ngayon pre, Papaunahin lang
namin ni Angela para naman hindi tayo magsabaysabay. Pag natapos manganak si
Angela baka mag pakasal na kami ni Mins.” Ang nakangiti nitong tugon.
“Eh kayo ba wala ba kayong planong magampon ni Attorney?”
Balik namang tanong nito kay Red.
“Tanungin nyo sya.” Ang nakangiting tugon nito.
Nabaling lahat ng tingin namin kay kuya.
“Dapat talaga ako ang sasagot noh?” Patawa nitong sabi.
“Uhmmmm.. May plano na rin kami actually nag hahanap na kami nang matinong baby
maker.” Wika nito.
“Eh ang daming babaeng nahuhumaling dyan sa asawa mo bakit
di nalang kayo pumili sa kanila?” Suhestyon naman ni Rome.
“Ayaw nya. Natatakot na maagaw ako sa kanya.” Tugon naman ni
Red na ikinatawa namin.
“Seloso ka pala kuya?” Pangaalaska ko pa rito.
“Basta akin ay akin walang pweding sumawsaw.” Tatawa-tawa
nitong tugon.
“Syempre naman ikaw lang ang dahilan ng bawat pagtigas
nito.” Sabi naman ni Red sabay gaya nito nang kamay ni kuya sa alaga nya.
Tawanan ang sumunod na nang yari dahil sa kalokohan ni Red.
Napakasaya ko dahil kita ko sa mata nang kaibigan ko kung gaano sya ka kontento
sa piling ng pinsan ko.
“Kayo pinsan wala ba kayong balak magkaanak?” Pagbabalik ni
kuya sa usapan.
“Gusto ko sana pinsan pero ayaw pa ni Rome.” May himig nang
lungkot kong sabi.
“Bakit naman pare?” Tanong ni Red kay Rome.
“Gusto ko kasing sya lang muna ang pagtuunan ko nang pansin.
Alam nyo naman ang wifey ko sobrang matampuhin at sobrang sumpungin.” Ang
naglalambing nitong sabi sabay bigay ng halik sa aking pisingi.
“Buti di kayo kinukulit nina Tita Evette at Tita Nancy.”
Dagdag pang pangungulit ni kuya Dorbs.
“Naku kuya kung sa pangungulit lang halos araw-araw kaming
puntahan ng mga mommy namin para lang kulitin. Pero sinabi ko sa kanila na
hindi pa ako nagsasawang alagaan ang baby ko. You cannot serve two masters at
the same time sabi nga nila.” Nakangiting wika ni Rome.
“KESO!!!” Basag nilang lahat.
Sa totoo lang kinilig ako sa tinuran nya. Alam talaga ni
mokong ang kahinaan ko at yon ang gusto ko sa kanya. Kahit ulanin pa sya nang
kantyaw sa mga kaibigan namin na kesyo takot ito sa akin ay hindi ito
nagpapaapekto ang lagi lang nitong sinasabi ay “Ganyan ako magmahal wala tayong
magagawa dyan.”
Nakauwi na kami nang bahay ni Rome. Tulad nang ipinangako
nito kanina ay hindi ito masyadong uminum. Hindi ko pa man naisasara ang pinto
ay agad na ako nitong sinungaban nang halik.
“Sandali lang lock ko muna ang pinto baka pasukin tayo nang
magnanakaw sige ka.” Sabi ko sa kanya na habang marahan syang tinutulak palayo.
Nang ma i-lock ko ang pinto ay muli nitong inangkin ang
aking mga labi bumaba ang mga halik nito papunta sa aking leeg at naramdaman ko
nalang ang paghagod ng mga kamay nito sa aking likod papunta sa maumbok kung
puwetan.
Bigla itong tumigil na ikinataka ko naman.
“Ready?” Tanong nito sa akin. Di pa man ako nakakasagot ay
binuhat na ako nito na parang bata at iniakyat sa kwarto namin. May pagiingat
ako nitong ibinaba sa kama.
“Kahit kailan hindi kita pagsasawaan Supah Ace.” Ang
mahinang wika nito bago muling angkinin ang aking labi.
Nawalan na ako nang pagtitimpi dahil sa mga halik ni Rome.
Mabilisan kong tinanggal ang suot nitong t-shirt at muli kong napagmasdan ang
maganda nitong katawan. Pinagsawa ako ang aking mga mata sa napakagandang
tanawin na nakangiti sa akin bago ko isinubsub ang aking mukha sa dibdib nito.
Rinig ko ang nakakabaliw na ungol ni Rome na maslalo pang nagpagana sa akin na
pagbutihan ang ginagawa kong pakikipaglaro sa kanyang magkabilang utong. Nang
hinidi na nito nakayanan ay kusa na nitong tinanggal ang kanyang pantalon at
brief sabay iginaya ang aking ulo pababa sa kanyang nahihintay nang alaga..
Nakailangang ulit rin kami ni Rome at pagod na pagod itong
bumagsak sa aking tabi na may mga ngiti sa kanyang labi. Kita rin ang contentment
sa kanyang mukha.
“Pahinga lang ako mga 15 mins then ulit tayo ha.” Ang wika
nito na ikinatawa ko.
“Ang hilig mo talaga. Bukas naman yung iba.”
Napamulat ito nang mata sa aking sinabi at binigyan ako nang
di makapaniwalang tingin. Nginitian ko naman sya at tinanguan para sabihin sa
kanya na hindi ako nagbibiro sa aking sinabi.
“Yes! Promise yan ah?” Parang bata nitong paninigurado.
“Promise!” Sabay bigay sa kanya nang isang halik at tuluyan
na akong nakatulog na nakaunan sa kanyang dibdib.
After All
“Mahal, alis na ako.” Ang sabi nito sabay halik sa akin.
“Bakit ang init mo? May sakit ka ba?” Dagdag wika pa nito bakas ang pagaalala.
“Hindi ko alam mahal, Nilalamig ako eh. Masama na talaga
pakiramdam ko kagabi pa nung umuwi tayo galing sa bahay ng lola mo akala ko
hangover lang nung birthday nang inaanak natin.”
“Teka, tawagan ko si Lor di ako papasok.”
Agad nga nitong tinawagan ang kanyang sekretarya.
“Lor, please cancel all my meetings today may sakit si Red.”
Ang rinig kong pakikipagusap nito sa kanyang sekretarya habang may hinahanap na
kung ano sa Cabinet. “Yes I know, thank you Lor.”
“Mahal, di mo naman kailangang mag absent gamot lang ang
katapat nito magiging okey din ako.” Sabi ko sa kanya na pilit ginagawang
normal ang aking boses.
Sumampa ito sa kama at may inilagay sa aking bibig.
Thermometer pala ang hinahanap nito kanina.
“Okey lang yan, di rin naman ako makakapag trabaho nang
mabuti kahit pumasok ako sa pagaalala sayo.” Malambing nitong wika na sinamahan
pa nang paghagod nito nang aking mukha.
“Ang taas ng lagnat mo mahal, punta na tayo hospital.”
Natawa ako sa reaksyon nito. Mabilis kasing magpanic si
Dorwin tuwing magkakasakit ako kahit normal lang na lagnat ay gusto agad nitong
ipasok ako sa hospital.
“Ikaw talaga, simpleng lagnat lang to.” Ang pangungumbinsi
ko sa kanya na sinamahan ko pa nang ngiti.
Kahit na masama ang pakiramdam ko ay tuwang-tuwa parin ako
sa ipinapakita nitong pagaalala sa akin. Ilang taon na rin ang nakakalipas nang
muli kung bigyan ng pagkakataon ang aming relasyon at masaya ako na hindi ako
nagkamali sa aking naging desisyon. Napaka lambing ni Dorwin at sobrang maalaga
nito talo pa ako.
“Nakukuha mo pang ngumiti dyan may sakit ka na nga eh. Teka
kuha lang ako nang gamot sa baba.”
Tango ang isinagot ko rito. Hindi ko namalayan na nakaidlip
na pala ako sa paghihintay sa kanya.
“Mahal?” Ang mahina nitong pagising sa akin.
Nang maimulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang
nakangiting si Dorwin, may dala itong mangkok na may lamang noddles.
“Pinagluto kita nang noddles para may laman ang tyan mo bago
ka uminum ng gamot at para na din pagpawisan ka.”
Dahan-dahan ako nitong pinasadal sa headboard ng kama at
sinubuan ng sabaw. Nakakatuwa itong tingnan habang hinihipan ang laman nang
kutsara.
“Sana pala araw-araw akong may sakit para lagi mo akong
susubuan.” Ang nakangiti kong sabi sa kanya.
“Asus, kahit naman wala kang sakit pwedi kitang subuan eh.”
“Talaga? Promise mo yan?”
“Promise! Oh sige inum kana nang gamot para makapagpahinga
ka na ulit.”
“Tatabihan mo ako?” Paglalambing ko sa kanya. Tumango naman
ito sa akin.
“I love you Damulag.”
“I love you more maharot.” Sabay kaming humagikhik.
Sa loob nang apat na taon ay naging masaya ako sa pigiling
ni Dorwin. Hindi ko masasabing perpekto ang aming relasyon dahil nan dyan ang
paminsan-minsan naming pagaaway sa mga konteng bagay na dahilan para mas lalo
pa naming mahalin ang isa’t isa. Nang muli itong bumalik sa buhay ko ay doon ko
nakita kung papaano mag mahal ang isang Dorwin Nevira. Napakaalaga nito mula sa paghahanda nito nang
mga isusuot ko hanggang sa paglalaba nito. Oo, sya na ngayon ang naglalaba nang
mga damit namin at ako naman ang naka toka sa paglilinis ng buong bahay.
Naging masaya at makulay ang aming relasyon, sobra pa sa
inaasahan kong kaya nyang maibigay. Hindi ako nagkamali nang taong mamahalin
dahil na kay Dorwin lahat nang katangian na hinahanap ko noon sa mga babae ko.
Moody, makwela, at maparaan yan ang Dorwin ko.
Nagising ako mga alasingko na tadtad ng pawis ang aming
bedsheet. Nakatulong ang gamot na ibinigay sa akin ni Dorwin para humupa ang
lagnat ko. Agad ko syang hinanap sa aking tabi ngunit wala na ito. Pumasok ako
sa banyo para tingnan kung may iniwan itong note sa akin ngunit wala rin. Nang
matapos makapaghilamos at makapagpalit ng damit ay bumaba na ako. Doon ko
naabutan ang mga kaibigan nito na abala sa panunuod ng t.v.
“Pare, buti at gising ka na.” Bungad ni Niel nang mapansin
ako nitong pababa nang hagdan.
Nakapag patawaran na si Niel at Dorwin bago pa man kami
magkabalikan noon. Sabi nito sa akin ay sapat na raw ang nakita nyang pagbabago
kay Niel para patawarin nya ito sa naging kasalanan nito sa kanya. Hindi ko man
alam ang buong detalye ay may tiwala ako sa sinabi ni Dorwin na ako nalang ang
mahal nya ngayon at magkaibigan nalang sila ni Niel.
“Oi, mga pare napadalaw kayo?” Bati ko sa mga ito.
“Wala lang, napadaan lang kami aayain ka sana namang mag
basketball kaso sabi nang asawa mo may sakit ka raw.” Tugon naman ni Brian.
“Wala kayong mga trabaho?” Pagbibiro ko sa kanila.
“Leave ako ngayon manganganak na si Misis.” Si Chuckie
“Kanina pa tapos ang trabaho ko.” Sabi naman ni Brian.
“Pinilit lang nila akong sumama.” Natatawa namang sabi ni
Niel
Nagpalinga-linga ako hindi ko kasi makita si Dorwin.
“Wag mo nang hanapin wala dito, nagpunta nang grocery store
bibisita daw mamaya ang byenan mo.” Buska ni Brian sa akin.
“Magaling ka na?” Tanong ni Chuckie.
“Yup, magaling magalaga ang asawa ko eh.” Nakangiti kong
sagot sa kanya.
“How sweet!!” Pangaasar naman ni Brian na ikinatawa naman ng
dalawa.
“Maganda yan pwedi na tayong makapaglaro tutal maaga pa
naman.” Pamimilit ni Chuckie atat talaga itong makapag laro.
“Tama, para pagpawisan kapa.” Sangayon naman ni Niel.
“Sige, tawagan ko lang si Damulag at palit lang ako nang
damit.” Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumangayon. Matagal-tagal na
rin kasi nang huli kaming makapag basketball nitong mga kumag na to.
Tinawagan ko si Dorwin para makapagpaalam. Nung una ay ayaw
nitong pumayag dahil kagagaling ko palang daw sa sakit pero nakumbinsi naman
ito ni Niel at ng dalawa. Agad akong nagpalit nang damit at short na pang
bastketball na uniform ko noong college.
Two on two ang naging laro namin. Simula noong makahiligan
naming magbasketball ng mga kaibigan ni Dorwin lagi na kami ni Niel ang
magkateam dahilan para pareho kaming mapanatag sa isa’t isa. Sa apat na beses
naming paglalaro ay hindi pa nanalo ang dalawa sa amin ngunit hindi
maikakailang magagaling rin ang mga ito.
Nang matapos kami ay agad na akong umuwi para tulungang
maghanda si Dorwin sa pagdating ng papa nito na sa tuwing walang masyadong
trabaho ay bumibisita sa amin para kami ay kumustahin.
“Kamusta ang paglalaro mahal?” Bungad nito sa akin.
“No match.” Ang mayabang kong sabi sabay bigay nang halik sa
kanyang pisngi.
“Ang yabang mo. Palit ka muna nang damit pero wag kang
maliligo mag alcohol kalang baka balikan ka nang lagnat mo.” Malambing nitong
utos sa akin.
“Pwedi punasan mo katawan ko mahal? Ayaw ko kasi sa alcohol
eh.” Paglalambing ko sa kanya na sinamahan ko pa nang paghalik-halik sa kanyang
batok habang nakayakap mula sa kanyang likuran.
Humarap ito sa akin.
“Naglalambing ang maharot, oh sige mauna kana sa taas
tapusin ko lang tong ginagawa ko.” Nakangiti nitong wika sa akin.
Parang bata naman akong sumunod sa kanya at tinungo ang
aming kwarto. Walang anu-ano kong hinubad lahat ng aking saplot at hinintay ang
pagakyat ni Dorwin.
“Aba, seryoso ka sa sinabi mong punasan kita?” Humahagikhik
nitong sabi nang makapasok ito sa aming silid.
Ngumiti naman ako rito nang ubod nang tamis saka tumango na
parang bata na dahilan para mas lalo itong mapahagikhik.
“May iniisip kang masama noh?” Panunudyo nito sa akin.
Bahagya akong umiling at namula.
“Asus! Teka, kuha lang ako nang bimpo at palanggana. Mag
kumot ka muna baka magkasakit ka nanaman ulit.”
May katapusan rin pala ang kamalasan sa buhay. Tulad ko,
puro mapapait ang naging simula ko noon nung hindi pa kami nagkakakilala ni
Dorwin, pero nang dumating ito sa buhay ko ay talo ko pa ang nanalo sa loto.
Nang makabalik ito ay dala-dala na nito ang mga gagamitin
nya. Humiga ako patihaya sa kama para agad na nya itong simulan. Di pa man
dumadampi sa aking katawan ang bimbo ay may kung anu-ano nang kapilyohan ang
tumatakbo sa isip ko kaya naman agad na tumayo si junjun.
Napatawa nang malakas si Dorwin.
“Sabi ko na nga ba may binabalak ka nanaman eh.” Halos
maluha-luha na ito sa kakatawa.
“Sabi ko naman sayo. Ikaw lang ang dahilan nang bawat
pagtigas nito.” Nakangisi ko namang sabi sa kanya sabay kabig nang batok nito
para bigyan sya nang halik.
Hindi pa man nagtatagal ang halikan namin nang marinig namin
ang tunog nang door beel. Agad na
humiwalay si Dorwin at tumayo.
“Si Papa na yan saglit pagbukasan ko lang.” At mabilis na itong bumaba.
Bad timing. Nasabi
ko nalang sa aking sarili saka tinungo ang banyo para mag half bath gusto kong presentable
ako sa mga mata nang papa ni Dorwin.
Nakakatuwa lang minsan dahil para ring babae ang karelasyon
ko. Minsan hindi ko na naiisip na pareho kaming lalake ni Dorwin. Kahit sa mall
ay napakalambing namin wala akong rason para ikahiya sya sa harap ng maraming
tao sapagkat hindi naman importante sa akin ang sasabihin nila at hindi ang
tipo ni Dorwin ang dapat ikahiya.
“Magaling kana ba anak?” Ang wika nang papa nito nang
makababa ako nang kwarto at makapagbihis na.
“Okey na po, magaling magalaga itong anak nyo eh at nakapag
papawis na rin po ako kanina.” Nakangiti kong tugon rito.
“Asus! Baka naman kung anong pagpapapawis ang ginawa nyo.”
Nanunudyo namang banat ng kambal nito.
“Dave.”
“Nagbibiro lang naman. Si papa talaga sobrang sensitive.”
“Ikaw, ang utak mo puro kahalayan ang laman.” Pangaalaska
naman ni Dorwin sa kapatid nya.
“Nag salita ang hindi mahalay. Kambal kaya tayo kaya pareho
lang tayong mahalay.” Sabay tawa nito nang nakakagago na ikinatawa narin namin
nang papa nila.
“Ah ganun? Sandali lang.” Sabay kuha nito nang kanyang
tsenilas at akmang ihahampas na sa kanyang kambal nang magtago ito sa likuran
ng kanilang ama.
“Papa oh si Dorwin nanakit nanaman.”
“Kayong dalawa puro kayo kalokohan. Oh sya, tara na sa hapag
nang makapag hapunan na tayo.” Napapailing nalang ang papa nila sa kalokohan
nang dalawa pero bakas sa mukha nito ang pagkagiliw sa mga anak.
Tinungo na nga namin ang hapag para makapagsimula nang
kumain.
“Red anak, Kinukumusta ka pala nang mama mo at ng mga
kapatid mo. Dumaan ako nung isang araw sa bagong grocery store nyo.”
Pagsisimula nito nang usapan.
“Naka schedule na po kami ni Dorwin na dumalaw next week pa.
Medyo naging busy lang po kami this week kasi birthday nang inaanak namin kaya
di kami nakapunta.”
Papa na rin ang gusto nitong tawag ko sa kanya tutal naman
daw ay itinuturing na nya akong myembro nang kanilang pamilya. Nung una ay
medyo naasiwa ako at medyo nahihiya ngunit habang tumatagal at sa kakatama nito
sa akin ay nahiya na rin akong magkamali kaya nakasanayan ko na.
“Inform me next week kung anong oras kayo pupunta sasama ako.” Ang nakangiti nitong sabi.
“Sure pa.” Sagot ko naman rito.
“Ako rin sasama ako. Wala akong gagawin next week.” Sabat
naman ni Dave.
“Himala! Bakit, hiniwalayan mo na ba ang syota mong malandi?”
Tugon naman ni Dorwin.
“Yep! Sabi mo hiwalayan ko eh.” Nakangiti nitong tugon sa
kapatid.
“Good! Buti naman at naniwala ka sa akin. Grabe yung babae
na yon pati sa asawa ko lumalandi, pasalamat sya napigilan ko sina Mina kung
hindi naku!”
“Ayon na nga hiniwalayan ko na relax na baka ma stroke ka.”
Pangaasar nito sa kapatid.
Dito ako bilib sa kanilang dalawa. Kahit sobra kung
magasaran ang magkambal na ito ay iba pa rin ang closeness nila. Magkapareho
man ang edad ay parang si Dorwin ang nakakatanda dahil kung ano ang sabihin nito
ay sinusunod agad ni Dave.
“At ikaw naman Mr. Sanoria.” Ang baling sa akin ni Dorwin.
“Wala akong kasalanan ah, nagexplain na ako.” Depensa ko
agad sa sarili ko na ikinatawa nang papa nito.
“Hangad ko lang na lagi kayong masaya dahil pareho ko na
kayong mahal.” Ang madamdamin nitong sabi. “Ikaw naman Dave pagsabihan mo ang
mga babae mo na huwag lumandi sa iba.” Pangangaral pa nito.
“Hindi ko naman alam na nakikipaglandian pala sa iba yung
babaeng yon. Hanap nalang kaya ako nang kapareho ni Dorbs wag lang sa ugali at
baka sa hospital ako pulutin.” Wika nito.
Hindi ko alam kung nagbibiro ito o kung ano basta ang
masasabi ko lang lihim akong natawa sa tinuran nya. Ang papa naman nito ay
napapailing nalang sa kalokohan ni Dave pero hindi ito nag bigay nang komento.
Naging masaya ang hapunan namin kasama ang ama at kambal
nang asawa ko. Marami pa kaming napagkwentohan at marami pang kalokohan ang
sinabi ni Dave.
“Alam mo mahal napaka swerte ko sayo.” Ang naglalambing kong
sabi habang kumukuha ito nang damit sa cabinet.
Tumabi ito sa akin sa kama.
“Bakit naman?” Nakangiti nitong sabi kita sa mga mata nito
ang tuwa sa naraning.
“Kasi, simula nang magkabalikan tayo naging maganda na ang takbo nang buhay ko. Naging successful ang itinayo kong grocery’s store para kay mama at ngayon malapit ko nang mapagtapos si Marky ng college.”
“Dahil mabait kang anak at kapatid kaya mo nagawa ang lahat
ng iyon. Kung may naitulong man ako sayo yon ay ang gabayan ka sa mga desisyon
mo tulad ng ginagawa mo sa akin.”
“Pero ikaw parin ang lucky charm ko.” Pamimilit ko pa rito.
“Oh sige ako ang lucky charm mo at ikaw naman ang only one
ko.”
Natuwa ako sa sinabi nito dahilan para halikan ko sya at
iparamdam ko sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat na minahal nya ako.
“I love you Red.” Ang wika nito nang maghiwalay ang aming
mga labi.
Imbes na sagutin iyon sa pamamagitan ng salita ay sinagot ko
ito sa gawa. Muling nag hinang ang aming mga labi at pareho naming ipinadama
kung gaano namin kamahal ang isa’t isa.
Good bye!! J
40 comments:
sweetness talaga! kaingggit silang dalawang pairs.
rei
wow..nice chapter kuya..haha..ang cute nila...im so proud of you kuya..hehe..good luck sa next na gagawin mo..lab u :*..
Nakakalungkot pero kailangan nang magpaalam sa mga character na napamahal na sa akin.
- Tam
Awwwwwwwwwwww. This is the meat! Super daming thanks Zild, you seriously made my day :-)
Daming typo nung sex scene nina Ace at Rome ah, nanginginig ka ba habang tinatype mo un? Hahahahaha joke :-) Dami kong tawa iniimagine kasi kita habang tina-type yun :-)))))))
WOW!!! Inspired ka talaga Mr.Author huh!! ang ganda-ganda talaga ng kwentong itoh na hindi ko makakalimutan kailan pa man,,,lalo na yung part nila Rome at Ace na may schedule ang araw ng kanilang sexual contact,,haha,,,pero yung kay Red at Dorwin naman ay kakakilig din,,,,biruin muh sa kabila ng kanilang pinagdaanan ay sila pa rin pala ang mgakakatuluyan,,,kakatawa ang bawat line ng Special Chapter na itoh,,,kakamiss itoh,,,wala na tuloy akung aabangan pa,,,sana may continuation itoh,,,pero iba naman ang magkakatuluyan,,,,(suggest lang naman),,,,,Ingat ka palagi Mr.Author,,,at sana ingatan ka palagi,,,
Beucharist
naiingit din ako. sana meron sa totoong buhay. at sana sa susunod ay ang istorya ko na ang iyong isusulat zildjian. maraming salamat for giving me the reason to keep on believing in love. bless you!
Great Pink 5ive - Aba't! dapat talaga pagtawanan ako? hihihihihi ganun talaga tinamaan ako eh.. :D salamat naman at na enjoy mo ang chapter na ito :)
Beucharist - Dahil gusto ko kayong matuwa at kiligin kaya ko ginawa ang chapter na ito. Salamat naman at naenjoy mo ito Beucharist salamat din sa suporta.. :)
Tam - maski man ako ay nalulungkot din dahil tuluyan na ako mamamaalam sa mga character na ginawa ko T_T
Rei - :D ako din naiingit sa kanila :D
Hindi ko talaga ito makakalimutan. Nagkataon nga na binabasa ko ulit iyung The Right Time nung nakitang kong nakapost na pala ang last part ng After All. Hehe.
Sa ngayon, aabangan ko na ang susunod mong storya. :)
Nagkataon nga na binabasa ko ulit iyung The Right Time nang makita kong nakapost na pala iyung finale ng After All. Hehe.
Sa ngayon, aabangan ko na ang susunod mong isusulat. :)
- Tam
and good morning haha kakabasa lang 3 33 am!!
wwwwwwwwwwooooooooooooooTTTTTTTTTT!!!!!
ISA PA@@@@@!!!!!
ADIK LANG,,, :_)
Z! maraming salamat talaga :) naging parte ng buhay ko tong mga kwento mo sa mga nakalipas na buwan. minahal ko na rin tong mga characters.
kung may isusulat ka pa sa hinaharap, asahan mo ang suporta ko. :D
ingat ka Z :)
Di ba Zekiel? Sabi sa iyo eh.... hohohoho... loko ka bakit nilagay mo pa yung "patawad" part diyan di naman ako galit sa iyo kahit kelan :) matatanda talaga lol
No ordinary love talaga ang song.. bagay na bagay! galing mo talaga pumili ng kanta Zekiel
thanks mr. author. ito ang first time ko magcomment sa story mo pero sinubaybayan ko pareho ito. ang maganda ang istorya ng kanilang pagkaka-ibigan sana lahat ganito para mapaya ang lahat.
waiting for your next story.
----januard
ganda po ng ending ng both stories :D sana po gumawa ulit kayo ng bago :D
Two storey po hindi two story?
sabagay story na ang naabutan ng 7th bar na yan hahaha "The right time" at "After all" nyehahahaha......
next story na!!!!!!!!!!! hehehheheh. congrats author
taga_cebu
khief - sorry naman typo.. hahahahaha
januard - aw salamat sa pagcomment po..
Marc - buti naman at nagandahan ka sa storya.. :)
taga_cebu - try ko po na gawin ang prologue :)
Nice story...
Can't get over, sana my book 3 pa...
sa POV naman ni Neil...hehe
meron pa palang pahabol....
kahit panghuling banat nakakakilig pa rin.
natuwa talga ko sa special participation ni ANGRY BIRD..HEHEHe tnx zildjian.
author, u ROCK!!!...
the two stories are reaLLy inspiring, funny, it has a perfect baLance of romance and friendship... easiLy my top favorite stories...
i hope u cn mae a story about dave or nieL... i thnk they are an interesting characters.. or maybe dave nd nieL cn be Lyk together or sumthng... hehehe...
thank you for those amazing stories...
tiLL ur next story... :)
-edrich
whahahahahahaha natawa ako kina Rome at ace may schedule pala................ Kudos and hoping 4 more stories like this!
hello po Mr. Z! :) hinintay ko po talaga muna matapos yung 2 stories bago ko magcomment. eto pong blog niyo ang naging sandigan ko sa buong sembreak ko, naging inspirasyon ko para magpatuloy sa aking bi-life. nakakaingget talaga ang buhay ng mga characters dito, pero at the same time, super kakilig talaga. these two stories of yours will always be a part of my life. AFTER ALL, there will be THE RIGHT TIME that's waiting for us to be fulfilled. thanks a lot po Mr. Z and i'll let you know po na i will keep on supporting your future works po. excited for the next story! :)
-- kevz
Salamat sa comment ko kevin. Masaya ako dahil nagustohan nyo ang storyang gawa ko. Sana magkita kita ulit tayo sa susunod kong gagawin. Mamaya ko na po siguro ipopost ang prologue nito.
KUYA patuloy mo yung kwento kay dave naman or kay neil or silang nalang dalawa mag katuloyan maganda yun
parang gusto ko yung suggestion ni edrich.. lols...
pero oo nga, nice kung magkaroon ng story si Dave.. kakaiba kasi pag perspective ng isang kengkoy yung babasahin mo.. magiging sobrang light yung story, pero pag dumating naman yung heavy drama, talagang hebigat sa drama.. parang bipolar kasi yung mga kengkoy, yung na sa extremes yung emotions nila.. lol
Z!!! unang chapter pa lang ng the Right Time, talagang na-hook na ako sa pagsusulat mo. napakarealistic kasi at napakavivid nung pagkasalaysay, madaling maimagine. at, bawat linya may sense. in other words, super realistic. kaya lalong mas nakaka-hook :D
Z!!! (hahaha..) I wish you all the best at maraming thanks talaga sa unang dalawang obra mo. marami akong natutunan lalo na sa case ni Red. at sa wakas, nabigyan na rin ng happy ending si Red (*)^_^(*)
hihintayin ko mga next obra mo Z!!!
-rover:D
tnx sa magandang kwento na nashare mo samin. . keep up the good work.
am so proud of you Z!
wala na akong masabi pa... :-)
keep it up Z!
paalam lang akong maging silent reader muna ah. just a bit preoccupied recently. but know na sinusubaybayan ko ang kwento mo...and always will.
regards,
R3b3l^+ion
Z... i visited by first comment sa stories mo sa BOL. Chapter 1 ng TRT...
kaya ako nag comment uli simply because i said there na promising yung story mo, and that i was hoping that you would regularly update your stories.
at hindi ako nabigo dun. thank you. kaya ako proud sa yo dahil 2 stories na ang tinapos mo, and madami ka nang tagasubaybay.
salamat sa pag-share ng talent mo at sa pakkinig sa mga tagasuporta mo.
wish you all the best...always... in all ways...
regards,
R3b3l^+ion
R3b3l^+ion - Nyay! Na miss kita rebel akala ko kung ano na nangyari saU.
I understand at kung ano man yang pinagdadaanan mo ngayon kaya mo yan! :)
Salamat dahil kung hindi sa inyo ay di ako ma cha-challenge na pagandahin pa ang storyang to. Ako man ay di rin makapaniwala na natapos ko ang After All ni Red. woooohooohh!!! Apir!!! :)
meron pala nito hehe
so nice, so very nice!
Almondz - Sa blog palang ni jefofotz kilala na kita alam kong isa ka sa pinaka masugid nyang taga comment at laking tuwa ko nang makita kita sa MSOB na nag comment kayo ni andy.. Sana ay makita jpa rin kita sa bago kung gawa na pinamagatang 9 mornings.. Hindi man ito kasing kulit ng TRT ko at kasing weird ng AA ay masisigurado kong ginagawa ko ang lahat na mapaganda ang kakaibang atake na ginawa ko sa storya.. Ingat lagi
Z! ang ganda tlga!! hanggang ngayon kinikilig pa rin aq.. hahahaha! galing mo tlgang author :))
natatawa pa rin aq sa part na ng tropa nila ace ung lumandi kay rome :P buti nga sa kanya ^^
lagi akong mag aabang ng mga story na gagawin mu! :)
~edu
This is it! mahirap man pero kelangan magpaalam sa mga characters nang trt at aa.
Kuya Author, ang galing mo talaga!
Lagi akong mag aabang ng mga story na gagawin mo. :D
wow mr. Z:)
ang ganda ng chapter na ito at ng dalawang kwento na puno't dulo kung bakit ako nahumaling sa kwento mo..
Nagsimula ako sa kwento ni cloud at renz hanggang sinubaybayan ang kina dave at alex kaya sabi ko gusto ko basahin yung kay rome and ace at red and dorwin..hindi nasayang ang time kong nagbasa ng mga kwento mo..yehey yung chances simula first chapter and subaybayan ang sumunod na po pa..inaabangan ko yung wakas..pero sana wala ng wakas hehe..
goodluck and Godbless more..
jrard:)
ahehe..sila na mga mag-asawa!haha..i really love the two stories!^^
dko pa nachecked kung me book 3?pero kung meron e sure babasahin ko un agad-agad!haha...
-monty
nice talaga!
:)
kinilig ako!
rhon
Post a Comment