By: Clyde
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
"Maawa ka sa akin, parang awa mo na! Huwag mong gagawin ang balak mo Carl!". pagmamakaawa ko sa kanya.
"Patawad, pero kung hindi ka mapapasa akin e di hindi ka maangkin ng iba." sigaw niya sakin.
"Carl, parang awa mo na please! Hindi mo alam ang ginagawa mo!" humahagulgol kong sabi sa kanya.
Ngunit nagbingi-bingihan pa rin siya at ipinagpatuloy niya ang ginagawa niyang panghahalay sa akin. Wala akong nagawa dahil mas malakas siya sa akin at mas malaking lalaki rin. Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak hindi dahil sa sakit na naidudulot ng ginagawa niya kundi ang sakit at pangliliit na nararamdaman ko sa sarili ko dahil sa pambababoy na ginagawa niya sakin.
Pagkatapos ay nakahandusay at nanghihina akong nakahiga sa tabi ng kama niya kung saan niya ako hinalay at binaboy. Sobarang awa ang nararamdaman ko sa sarili at sakit ang nararamdaman ko sa likod ko. Hindi ko parin napigilan ang umiyak ng umiyak at naramdaman ko nalang na pinapatahan ako mismo ng lalaking dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
"Sorry Sam! Wala kasi akong maisip na paraan para mapasakin ka. Ginawa ko na ang lahat para mapansin mo ako at mahalin pero mas pinili mo pa rin si Troy kaysa sakin. Binago ko ang sarili ko para sa iyo, binago ko katawan ko, pag-uugali ko, pati kaluluwa ko para mapansin mo pero hindi mo talaga binigyan ng pagkakataon na maging tayo!" malungkot na sabi niya sakin. At nung tiningnan ko ito sa mata'y bakas sa mukha nito ang kalungkutan at pagsisisi.
Galit na galit talaga ako sa ginawa niya sa akin ngunit may napansin akong kakaiba sa mukha niya nung sinabi niya iyon sa akin. Hindi ko man masabi kung ano pero alam kong may iba. Wala akong ibinalik na mga salita sa kanya dahil sa sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko kaya umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.
Pagkagising ko'y wala na siya sa tabi ko kaya minabuti kong linisin ang sarili ko sa banyo sa kanyang kwarto. Pinaagos ko ang tubig na nagmumula sa shower at muli ay umiyak ako. Hinayaan kong agusin ng tubig ang nararamdaman kong sakit at hinugasan kong mabuti ang katawan ko, hoping na malilinis nito ang karumihang ginawa ni Carl. Pagkatapos kong maligo, agad kong sinuot ang damit kong nakakalat sa sahig at pinulot ang cellphone ko at agad na umalis sa bahay niya.
"oh san ka galing nak?" tanong ng aking ina nung makita niya ako.
"Sa bahay lang po ng kaibigan ko" sagot ko naman. Kita ko sa mga mata ng ina ko ang pag-aalala. Kaya binigyan ko nalang siya ng isang ngiti upang sabihin na okay lang ako at walang nangyari kahit alam ko sa sarili ko na meron.
Nung nasa kwarto na ako ay narinig kong may nagtext sa cellphone ko at nakita kong si Troy ito.
Troy (Musta ang pinakamamahal kong baby?)
Ako (Eto okay lang po, good morning honey ko!)
Troy (Morning din! Tara punta tayo ng Mall at nood ng sine! miss ko na kasi ang baby ko)
Ako (sige po mamayang 2pm)
Troy (Kunin nalang kita mamaya ha.)
Mag-pipitong buwan na rin kaming magboyfriend ni Troy at masayang masaya ako sa piling niya. Napagdesisyunan kong itago ang nangyari sa amin ni Carl upang hindi na magkagulo pa. Tinetext man ako ni Carl pero hindi ko ito pinapansin. gustuhin ko mang magbago ng sim, ehh baka mapansin pa ni Troy ang biglang pagbabago ko at natatakot akong wala akong mailulusot pag nagkataon.Kinukulit man ako ni Carl na makipag- usap sa kanya'y sadyang galit talaga ako kaya hindi ko siya pinagbigyan kahit minsan pa man.
After one week, naramdaman ko ang pag-uubo ubo ko at pagkakaroon ng lagnat. Pinagkibit balikat ko lang ito at hindi pinansin ngunit nung lumipas pa ang isang linggo'y nararamdaman ko ang pabalik- balik na lagnat at ang mabilis kong pagkapagod. Lumipas pa ang isang linggo't napansin na ng aking ina't ng aking mahal ang mabilis kong pagpayat kaya't doon na ako nabahala sa aking kalusugan. Kaya, kumunsulta na ako sa isang doctor ukol sa aking kalagayan. Kalagayan na magpapabago sa takbo ng buhay ko.
"I'm sorry Mr. villones pero bad news ang naging resulta!" malungkot na sabi ng doctor.
"Bakit ho? ano po ang meron?" nagtataka at kinakabahang tanong ko sa doctor.
"I'm sorry but to tell you this but you have AIDS." sabi ng doctor
Tila gumuho ang paligid ko't nanlaki ang aking mga mata't automatikong napaluha ako sa mga sinabi ng doctor hanggang sa napahagulgol ako sa mismong klinika ng doctor.
"Hi-hindi pw-pwede! Pa-pa-paanong may AIDS, ehh....." nauutal at napahagulgol kong wika sa doctor.
Sumisigaw at umiiyak akong lumabas sa klinika niya't hindi alintana ang mga nakatingin sa aking mga tao. Sobrang lungkot at pait na ang nararamdaman ko. Hanggang sa dinala ako sa isang park at doon ko pinagpatuloy ang aking pag-iyak. Doon ko rin naitanong sa sarili kong saan ko nga ba nakuha ang sakit ko at naalala ko na tanging si Carl palang ang nakauna sa akin. Doon pa ako mas lalong napaiyak dahil hindi ko naisip na kaya niyang gawin iyon sa akin.
"Ganito ba ang gusto niyo sa akin, ang mamatay sa lecheng sakit na ito?" di ko mapigilang maitanong sa nasa taas. Alam kong wala akong karapatan para sabihin iyon sa kanya pero hindi na talaga ako makapag-isp ng tama."Ano ba ang nagawa ko sa kapwa ko't kailangan mong ibigay sa akin ang sakit na ito? Bakit hindi nalang sa mga masasamang tao? Bakit sa akin pa? bakit?" ang humahagulgol kong pagtatanong.
Pagkatapos kong mailabas lahat ng sama ng loob ko'y napag-isipan kong makipagkita kay Carl na agad naman niyang sinang-ayunan. Napagplanuhan naming magkita sa mismong parke na kinalalagyan ko. After 30 minutes, ay nakita ko siyang papalapit sa akin at kumakaway pa na may nakaplasta pang ngiti sa labi pero pansin ko rin ang pangangayayat nito. Doon pa lumakas ang kutob kong siya ang nagpasa sa akin ng sakit na ito.
"Sam! Miss na miss na kita! Bakit ngayon mo lang naisipan na makipapagkita sa akin? Alam mo bang--" di niya naituloy and sasabihin pagkat agad ko siyang..
Paaaaak! di ko napigilang hindi siya sampalin "Ikaw ba ang dahilan kung bakit may AIDS ako? Ikaw ba ang nagpasa nito sakin? Ikaw ba?" at agad naman akong napaiyak habang tinatanong ko siya dahil in the first place, it was pointless asking him kasi alam obvious naman na siya, at pinigilan niya ako na agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"Sorry Sam!Sorry!Sorry! Wala na talaga akong ibang maisip kundi gawin iyon dahil nasasaktan akong makita kitang masaya sa piling ni Troy. Masakit sa pakiramdam at sobrang bigat na makita kayong masayang masaya." at doon na siya napahagulgol
Pinagpapalo ko ang kanyang dibdib dahil hindi ko na talaga nakayanan ang nararamdaman ko. Sobrang bigat at sobrang sakit na ang nararamdaman ko at pakiramdam ko'y wala na akong silbi. binitawan niya ang yakap niya at sa sobarang panghihina ay napadapa nalang ako sa damuhan at doon ko pinagsusuntok ang lupa habang tumutulo ang mga luha ko. Inaasahan ko nalang na aagusin nito ang sakit kong nararamdaman. Naririnig ko si Carl na patuloy ang paghingi ng tawad kaya't,
"Ano ba ang magagawa ng sorry mo? Maibabalik ba nito ang panahon? Makakaya ba akong gamutin ng tawad mo? Hindi Carl! Hindi!" patuloy kong pag-iyak at naramdaman ko nalang na dumapa siya't yinakap ako na agad ko naman kinalas at umalis na sa lugar. Pumara na ako ng taxi para ako'y makauwi na. Habang nasa taxi ay narinig kong may dalawang text akong nareceive. Isa mula aky Troy at isa ay mula kay Carl
Troy:
Baby ko! Asan kaba? Pumunta ako sa bahay niyo't sabi ni mama mo na umalis ka raw? San ka ba pumunta? Nag-aalala na ako sa iyo. Reply ka kaagad kundi.joke lang, basta I LOVE YOU!
Carl:
Sam patawad! Nagsisisi ako sa ginawa ko at alam kong mali iyon. Alam mo bang nung nalaman kong kayo na ni Troy ay halos mabaliw ako't sa kung sino sinong tao ako nakikipagtalik? hindi ko alam ang gagawin ko sa mga panahon na iyon at bago ko pa man nalaman na may sakit akong AIDS ay nagawa ko na ang nagawa ko sa iyo. Aalis nalang ako papuntang America at dun ko na ipagpapatuloy ang buhay ko dahil alam kong hindi mo na talaga akong mapapatawad. Basta mahal parin kita at hindi iyon magbabago.
Wala akong pakialam kay Carl kaya't pagkatapos kong mabasa'y dinelete ko ito agad. Hindi ko naman magawang replayan si Troy kasi sobrang bigat ng dinadalam ko sa sarili ko at hanggang sa pag-iyak nalang ang nakaya kong gawin.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad napansin ni mama ang kakaibang kilos ko!.
"Anak, ano ba ang problema?" agad na nag-aalalang tanong ni Mama sa akin.
Hindi ko na siya nakayang sagutin pa't dumiretso na ako sa kwarto ko at nilock ito kasi gusto kong mapag-isa ngayon. Habag na habag talaga ang pakiramdam ko't hindi parin ako matigil sa kaiiyak. Hindi ko parin kayang matanggap na bilang na ang oras ko sa mundo. Napakasakit palang malaman na alam mo nang mamamatay kana.
Agad kong narinig ang cellphone ko na tumutunog at nakita kong tumatawag si Troy sakin pero mas pinili ko parin na hindi sagutin ito. Ilang ulit din niyang subuking tawagan ako kaya't sinagot ko na.
"Hello?" trying to sound normal
"Baby ko! San ka ba galing? parang napataas na rin ang boses niya at siguro dahil sa pag-aalala
"Nakatulog kasi ako kanina kapagod din kasi ang bumili sa Mall" pagaalibi ko.
"Bakit hindi mo sinabi sakin? Ehh dapat ay sumama nalang ako sa iyo" sagot niya naman
"Ayoko kasing disturbuhin kita, at may gusto rin akong sabihin sa iyo ehh" sabi ko naman
"Ako rin baby ko! may gusto akong sabihin sa iyo." nasasabik niya namang tugon
"Sige! mamaya punta ka rito sa bahay, mga 7pm" at agad na pagbaba ko ng celphone ko.
I decided na hihiwalayan ko mamamaya si Troy. Alam kong mahirap ang gawin ito pero ito na ang desisyun ko't wala na ring pag-asa ang pag-ibig namin. At yun, umiyak na naman ako ng umiyak.
Dumating na ang oras ng pagdating ni Troy. Nakita kong may palapit nang isang kotseng itim at alam kong kay Troy iyon. Lumabas ako ng bahay at doon ko siya sinalubong. Paglabas niya sa kanayng sasakyan ay doon nakita ko siyang nakaporma ata halata sa mukha niya ang kinakabahan pero nakangiti parin. Hindi ko mapigilang mapatanong sa sarili ko na is it because he's too perfect for me that's why I can't have him?
Agad siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Doon ko naramdaman ang pagmamahal niya sa akin at hindi ko mapigilan ang mapaiyak dahil hindi ko kayang iwan siya pero buo na ang isip ko't gagawin ko ito. Bahala na
"So, sino muna ang magsasalita sa gusto niyang sabihin? ikaw ba o ako?" malamig kong tanong sa kanya
"wait lang, may kukunin lang ako" at agad siyang tumungo sa likod ng kotse niya'y kinuha ang isang boquet ng bulaklakat ibinigay sa akin ito. Tinanggap ko naman ito.
Pagkatapos nito'y may hinugot siya sa kanyang bulsa't, isa itong dark blue na box at nang buksan niya ito'y nakita ko ang isang singsing.
Gusto ko nang mapaiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong hindi ko kayang tanggapin ito kaya't nagpakatatag ako't sinabi sa kanyang...
"Ayoko na Troy. Gusto ko nang makipaghiwalay. Hindi na kita gusto. Maghanap ka nalang ng iba." sabay balik ng bulaklak
Kita ko naman sa mukha niya ang pagkabigla at pagkalungkot. " Bakit Sam? Akala ko ba mahal mo ako?" sabi niya
"Ayoko na Troy. hindi na kita mahal, dati lang iyon at hindi na ngayon. Gusto ko nang tapusin ang meron sa pagitan nating dalawa" malamig kong tugon sa kanya.
"Bakit? Meron na bang iba diyan? Sino ba yung lalaking iyon?" mabilis niyang tanong sa sakin.
"Oo meron na. Mas mahal ko siya't di hamak na mas gwapo't mas mayaman siya" sagot ko naman at tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hablutin sa braso at nakita ko ang mukha niyang galit at pagkainsulto sa mga sinabi ko. Agad niya akong sinampal at doon na ako napaiyak. Nahimasmasan naman siya't nabigla sa kanyang ginawa niya sa akin. Agad niya rin akong binitawan at napaiyak na rin siya. Naaawa ako sa ginagawa ko sa kanya. Pero ayoko na talagng ipagpatuloy ang meron sami't alam kong hindi na pwede ehh.
"Bakit Sam? Wala naman akong pagkakamali't pagkukulang diba? Ginawa ko naman ang lahat ng gusto mo't ikaw palagi ang sinusunod ko. Bakit mo ito gagawin sakin?" naiiyak niyang sabi sa akin.
"Basta" sagot ko naman
"Sam! Sam! Parang-awa mo na, wag mong gawin to sakin. Please, give me another chance. Pag-usapan natin ito." nagmamakaawa niya't umiiyak niyang sambit.
"Umalis kana Troy, please" sabi ko sa kanya
Agad niyang hinampas sa pader ang bulaklak na ibinalik ko sa kanya't sinuntok pa niya ito. Nakita kong may umagos na dugo sa mga kamay niya't pero desido na talaga ako at wala na akong balak na bawiin pa iyon. Nakita ko siyang padabog na pumasok sa loob ng kanyang kotse at mabilis na umalis sa lugar namin. Agad naman akong pumasok sa bahay.
"Anak, ano ba ang problema? Narinig ko ang mga sinabi mo sa tao. Bakit mo ba siya iiwan?" tanong naman ng aking inang nakita kong nakaupo sa sala namin.
"Ma, may dapat kayong malaman tungkol sa kalusugan ko!""Ma, may AIDS po ako" at nagbreakdown na ako't napaiyak na.
"ha? papaanong nangyari? Hindi. Imposible!" At nung inangat ko ang ulo ko'y nakita ko ang ina kong napaiyak at mabilis siyang tumayo't niyakap ako. Alam kong nararamdmaan niya ang sakit na dinadala ko. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon. Agad naman akong kumalas mula sa pagkakayakap ng ina ko. Napagdesisyunan kong sabihin na rin sa kanya ang lahat lahat. Sinabi ko rin sa kanyang huwag nang sisihin si Carl at wala na akong pakialam sa kanya. Wala namang nagawa ang ina ko't inintindi nalang niya ako.
Napagpasyahan rin ni mama na doon na sa kwarto niya kami hihiga simula ngayon. Tanging hiling niya niya na lang daw ito sa akin kaya't sinunod ko na. Ayun magkatabi kaming natulog simula nung araw na iyon. Kinabukasa't paggising ko'y nakita kong nakahanda na ang pagkain sa lapag at nakita ko ang ina ko sa kusina.
"ohh nak, kumain kana! Ayan oohh paborito mo,itlog at hotdog. Mamaya, ipagluluto kita ng paborito mong sinigang." sambit niya naman.
"Ma naman ehh..Please naman, gawin parin nating normal ang buhay ko. Gusto ko papagalitan mo na naman ako at pagsesermonan sa mga ginagawa kong makulit. Gusto ko na sabay na naman tayong tatawa sa mga kalokohan ko" sagot ko naman sa ina ko
Nakita kong napaiyak ang mama ko't alam kong hindi niya rin tanggap na ang isa niyang anak ay mamamatay na. Pinatahan ko na siya't agad naman kaming natawa sa kalagayan namin kasi ako pa itong anak ang nagpapatahan sa ina ko.
"Ohh siya sige kain ka na diyan," sabay singhot sa ilong niya.
Lumipas ang dalawang linggo't nakatanggap ako ng isang tawag sa hindi ko kilala pero sinagot ko parin ito.
"Hello? sino sila?" tanong ko
"ikaw ba si Sam? Ito ang mommy ni Troy" sagot niya naman pero bakas sa boses nito ang pagpigil na pag-iyak at doon na ako nakaramdam ng pag-aalala.
"opo. pero Bakit po kayo napatawag?" tanong ko naman
"Sam, anak, Patay na si Troy!" at doon ko narinig ang paghagulgol nito't pati ako ay napaiyak na rin at nabitawan ang cellphone at natulala habang patuloy na umagos ang luha ko.
Agad akong nagbihis at pumunta sa bahay nina Troy at nakita ko nga ang isang kabaong at habang papalapit ako'y hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha ko.
Lumapit ako sa kabaong at doon na umiyak. "Troy! Troy! Grabe ka naman, ang sabi ko iwanan mo ako't maghanap ng iba hindi unahan sa pupuntahan ko! Grabe bakit mo iniwan ang mga nagmamahal sa iyo. Tingnan mo silang lahat, nagdadalamhati't walang tigil na umiiyak. Tingnan mo ako, gumising ka diyan gumising ka!" at naramdaman ko nalang na may isang taong humugot sa akin at nung humarap ako'y nakita ko ang isang babae at malamang ay ito na ang ina ni Troy.
Umupo kami saupuan at nag-usap. Doon ko nalaman na matagal na palang alam niya ang tungkol sa aming dalawa at palagi raw ako nitong kinukuwento sa kanya at simula nung gabi na huling pumunta siya sa bahay ay nag-iba na raw ito. Palagi na ito na itong balisa at wala sa sarili. Sinabi ko naman ang lahat sa ina niya pati ang dahilan sa ginawa ko. Doon kami sabay na umiyak.
Pag-uwi ko'y nakita ko ang isang kumpol ng mga tao sa kanto kaya't nilapitan ko ito. Nung papalapit ako'y nakita ako ni Aling Martha ang kapitbahay namin kaya agad niya akong nilapitan.
"sam! si Lorena, ang nanay mo, nasagasaan!" sigaw niya
"Ha? Si mama?" napasigaw ko naman at agad akong tumakbo papunta sa kumpol ng mga tao't nakita ko ang ina kong wlaang malay at duguan.
"Ma! Pati ba kayo? iniwan niyo rin ako? bakit ma? Parang-awa niyo na, gumising kayo, Hoy kayo, tulungan niyo akong dalhin siya sa ospital!" sigaw ko sa mga tao sa paligid pero walang kibo ang lahat.
Hindi nagtagal, naramdaman kong parang gumuguho ang paligid ko't naramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Agad naman akong nagising. Isang panaginip lang pala ang lahat!
"Anak, kanina pa kita gingising pero hindi kita nagigising.""Kaya ayan nilakasan ko na ang pagyugyog. Nakita ko rin kasi na umiiyak ka eh kaya ayan nag-alala ako at---" bago pa man matapos si Mama sa sasabihin niya ay niyakap ko siya ng mahigpit. Nawewerduhan man si mama pero hinayaan parin niya ako. Pagkatapos ng ilang minuto ay kumalas siya't sinabi na kumain na daw ako na siya namang sinunod ko.
Pero bago ako tumayo, Kinuha ko muna ang cellphone ko't tinawagan si Troy, ang boyfriend ko.
"Good Morning honey ko, Gising ka na!" sambit ko
"Bakit ang aga mo yata ngayon? Anong meron?" tanong niya
"wala naman! Gusto ko lang sabihin yun, bakit hindi mo ba ako love?" tanong ko naman
"Hindi! Love na love na love na love kasi kita" sabi niya
"Ikaw talaga honey ko, ang kulit mo!" sabi ko
"Syempre, kasi mahal ko yung kausap ko eh" sagot niya naman
"at dahil diyan, gusto kong manuod tayo ng sine!"masigla kong sabi sa kanya
"Mukhang may nakain ka atang iba baby ko, sana yan nalang ang kainin mo lagi" pangungulit niya
"ahh Ganun, sige hihiwalayan na kita! bahala ka sa buhay mong damuhog ka" sabi ko
"Baby ko naman eh, nagbibiro lang."
"joke lang, sige mamaya ha, 3pm, kunin mo nalang ako sa bahay" sabi ko
"Sige, Morning ulit baby ko, I love you" sabi niya
"I love you too honey ko, Bye!"
"bye, ingat"
At ibinaba ko na ang cellphone ko at bumaba na para kumain.
End……………………
4 comments:
wow,,, muntik mo na akong paiyakin clyde huh!!! at may angking talento ka rin pala sa pagsusulat huh! haha,, ang ganda ng kwento mo kahit short story lang sya,,, nakaka-inggit yung sweetness ng dalawang bida dito sa obra moh,, sana masundan pa itoh huh!! nakaka-inspire naman kayo,, hanggang sa huling obra moh Clyde,, gudnyt at Godless,,, ipag pray moh sana akuh na makapasok sa TOP 100 sa exam ko sa DOST HUH,,, BUKAS NA KASI IYON EH,,, SANA MABASA MOH AGAD COMMENT KO,,,,
Beucharist
lol drama na, iiyak na sna, bglang knabig xD
salamat sa comments nyu..hahahahah
sana meron pang ibang magcocomment at magvote.i really want to hear their feed back.
sorry sa kakulitan..
ganito kasi yan, dapat talaga drama and tragedy yan pero parang ayoko kasi tinamad akong magdrama and i wanted to finish it talaga.alam mo naman pagatakihin ng katamaran.alam na.
salamat nga pala sa pagcomment nyung dalawa ahnggang sa susunod nalang kung meron man.:)
thanks kuya zild sa pagpapayag mong magpost ako.
kay kuya ice din.
-clyde
haha! Ano daw??? Ok na eh, nadala na ako sa kwento, kaya pala OA yung lahat n lng namatay eh bangungot lng pala.
Kahawig ng AAO ni migs yung story na to.
Post a Comment