Every story has it's end at ito ang ending ng pangalawa
kong akda na pinamagatang AFTER ALL. Thank you guys for supporting my story.
Nung una hindi ko talaga akalain na papatok ito sa inyo dahil nga katatapos ko
palang gawin ang Epilogue nang TRT ko nun, tapos agad ulit akong nag post. Napaka
challenging sa akin ng A.A di lang dahil pangalawang gawa ko palang ito kung
hindi dahil kakaiba ang naging atake nito compared sa smooth plot ng TRT. Halos
dumugo lahat ng pweding dumugo sa akin sa mga unang chapters nito, pero heto't natapos
ko rin sa wakas. Maraming maraming salamat sa inyo sa walang sawang suportang
ibinigay nyo sa akin. It wasn't a first timer's luck after all... :D Ingat tayo
lageh at kita kits sa susunod kung gagawin.. :D Zildjian
Rover, Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R.
J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko
na), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy,
Billy, Ran(Randolf), Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Doormouse (ang cute
nang pangalan), SF GIANTS, Jayson13, Jhe Ehm, Zenkie, Xndr, Beucharist,
Rheinne, Robert_mendoza94@yahoo.com,
rstjr029, J.V, Tam, Fayeng, Dave17,
kianTT, Rei, Sherwin, Louie@DXB, Coffee Prince, Cugertz, Jefofotz (jeffrey
Paloma, Ram, Cedric, kokey (Ayan ah di ko na nakalimutan isama ka :D),
jekxaranza@gmail.com, XNDER, Vinz24, jasper.escamillan, Ian, Ernes aka jun,
Isaac, Kuya Nitro (salamat po sa pagcocomment kahit wala na ako sa BOL.), Lance,
Jhe ehm, taga_cebu, Brixon, Marco, CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa mga
Anonymous at Silent Readers salamat guys.
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works
are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and
requests that in any use of this material that my rights are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Natapos ang gabi na walang Dorwin na dumating. Hindi ako makatulog ng maayos sa pagiisip sa nalalapit naming pagkikita. Napapangiti ako tuwing maiisip ko ang balak namin sa kanya. Excited? oo, excited ako sa pagkikita namin ni Dorwin. Excited ako sa magiging reaksyon nito sa gagawin namin. Nakatulog ako na may ngiti sa labi.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad kong tinungo ang
banyo para maligo balak kong magpagupit at bumili nang bagong damit para
mamaya. Gusto kong makita nito ang kakisigan ko para mas lalong kapani-paniwala
ang gagawin namin.
“Oh, san ang punta mo?” Bati sa akin ni mama nang makita ako
nitong nakabihis.
“Punta lang ma ng mall, balak kung magpagupit at bumili nang
damit.” Nakangiti kong tugon sa kanya sabay bigay ng halik sa pisingi.
“Aba, may pinaghahandaang date ang panganay ko. Sino ba yang
ka date mo, si Dorwin ba?” Nakangiti naman nitong pangangalaska sa akin.
Namula naman ako sa tinuran nito.
“Aba, namula?” Sabay tawa nito. “Nga pala anak, malapit na
ang birthday mo.” Tatawa-tawa pa nitong sabi.
Doon ko lang naalala na malapit na pala ang kaarawan ko.
Hindi ko ito napansin sa sobrang dami nang bumabagabag sa akin sa nag daang mga
araw.
“Oo nga pala. Hindi ko napansin ma.” Napapakamot sa ulo kong
sabi.
“Ano ba ang plano mo?”
“Hindi ko pa alam ma. Hindi naman kasi ako nang celebrate
nang birthday nung nakaraan.”
“Aba, dapat ngayon mag celebrate kana hindi ako papayag na
hindi ka magcelebrate ngayong taon na ito.”
Ngiti at tango nalang ang isinagot ko rito. Maganda nga
namang i-celebrate ko ang birthday ko ngayong taon para magpasalamat na rin sa
dyos na sa wakas buo na ang pamilya ko at magiging maayos na kami ulit ni
Dorwin.
“Ma, magisip-isip kana nang business para may
mapagkaabalahan ka. Hindi tulad dati na lagi kalang dito sa bahay, tatanda ka
agad.” Biro ko sa kanya.
“Tong batang to. Oh sige lakad na uuwi ka ba nang
tanghalian?”
“Hindi ma. Dadaan ako sa bahay nila Ace may gagawin kami
mamaya.” Nakangiti kong tugon at muling humalik sa kanya para magpaalam na.
Nang lalabas na sana ako ay muli ako nitong tinawag.
“Anak!”
Napalingon naman ako sa kanya.
“Salamat at napatawad mo pa ako.” Maluha-luha nitong sabi.
“Si mama, ang aga-aga nagdradrama. Sayo ata ako nag mana
eh.” Nakangiti kong sabi. “Mahal ko kayo wag mo nang isipin yon.” At tuluyan na
akong tumalikod baka mauwi pa kami sa iyakan.
“Umuwi ka agad!” Narinig ko pang sigaw nito na ikinangiti
ko.
Binaybay ko ang daan papunta sa mall. Inuna ko munang
magpagupit bago ako bumili nang mga damit. Ngingiti-ngiti akong nagpunta sa
bahay na tinutuluyan ngayon nina Ace at Rome para mapagusapan namin ang patungkol
sa plano ko sa amin ni Dorwin. Tinext ko na rin ang mga kaibigan ko para
sabihin na on the way na ako.
“Buti dumating kana.” Ang nakasimangot na bungad sa akin ni
Ace.
“Bakit ganyan ang pagmumukha mo?” Tatawa-tawa kong biro sa
kanya.
“Wag kanang dumagdag! Si Rome kasi nakakainis denelete yung nilalaro kong online game.” Di ko
maiwasang humagalpak ng tawa.
“Hindi ko naman sinasadya eh sorry na.” Ang rinig kong wika
ni Rome.
“Hindi daw sinasadya lokohin mo lelang mo! Pag hindi mo na
download yon mamaya hindi ka tatabi sa akin matulog!”
Sabay kaming napatawa ni Rome sa kanya. Ilang saglit pa ay dumating na ang iba pa
naming mga kaibigan. May dalang bagong experiment na ulam si Tonet hilig talaga
nitong mag luto.
“Bakit sambakol ang mukha nito?” Pagpansin ni Tonet sabay
turo kay Ace.
“Binura ko ang online game nya kasi naman lagi nalang nagpupuyat.
Minsan hinihintay lang akong makatulog tapos maglalaro ulit.” Nakangiting Tugon
ni Rome.
Tulad sa reaksyon ko kanina ay napatawa rin ang mga kaibigan
namin. Binigyan naman sila ni Ace nang masamang tingin.
“Anyway high way kumain na tayo nagugutom na ako.” Pagiiba
nang usapan ni Angela.
“Babes, baka tumaba ka nyan.” Biro naman ni Vincent.
“Okey lang yan pare, wala nang itataba yan.” Gatong pa ni
Carlo na ikinatawa naming lahat.
“Mga kaibigan ko ba talaga kayo?” Tampo-tampuhan nitong turan
sabay ismid sa amin.
Tinungo na namin ang hapag at nagsimula nang kumain.
Pinagusapan namin ang planong gagawin namin mamayang gabi pero nang tinawagan
ni Ace ang cellphone ng pinsan nya ay nakapatay ito. Nakaramdam na ako nang
pagaalala na baka hindi matuloy ang aming binabalak.
“Teka tawagan ko sa opisina nya.” Tumango naman ako
Ilang minuto ring nakipagusap si Ace sa telepono bago ito
bumalik sa hapag. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
“Bakit, ano ang sabi?”
“Hindi daw pumasok si kuya ngayon. Kanina pa daw tinatawagan
ni Ate Lor pero nakapatay ang cellphone.”
“San naman kaya pumunta yon?” Takang tanong ko sa kanya
“Baka masama lang ang pakiramdam kaya di nakapasok.” Ang
sabi naman ni Vincent.
Ayon nga ang aming inakala na baka may dinaramdam ito kaya
hindi nakapunta kagabi at kaya hindi rin nakapasok. Pinag patuloy nalang namin
ang paghahanda para mamayang gabi.
“Ako ang bahala kay kuya. Tonet ikaw ang bahala sa
arrangement na gagawin sa bar.” Si Ace.
“Kami naman ang bahala sa props. Ace please lang for once,
wag kang magpapalate ha baka mabulilyaso ang plano.” Wika naman ni Mina.
“Sige, tawagan ko na si Melba para magpanggap na syota ni
Red. I’ll make sure na magseselos ng todo si attorney.” Sabi naman ni Angela
sabay tawa nang nakakagago.
“Ganito ha. Dapat mauuna sina Ace at Dorbs sa bar tapos
darating ka Red na kasama ang kaibigan ni Angela okey?” Wika naman ni Tonet.
Tatawa-tawa naman kaming nakikinig lang sa plano nila.
“Baka naman magwala si Dorbs sa gagawin nyo.” Nagaalalang
wika ni Vincent.
“Yan ang purpose ang papagselosin si Attorney.” Excited na
tugon ni Mina.
“Kakaiba pala kayong gumanti.” Napapailing nalang na sabi ni
Vincent.
Nang matapos makapagplano ay naghiwa-hiwalay na kami para
asikasuhin ang mga dapat gawin mamayang gabi. Umuwi ako nang bahay para
makapaghanda na rin.
“Kuya ang saya mo ata ngayon.” Ang pagpansin nang bunso kung
kapatid na si Cathy. Nasa sala kami at nanunuod ng t.v ito ang ginawa naming
bonding moment.
“Wala lang.” Nakangiti kong tugon sa kanya.
“Si kuya in love.” Gatong pa ni Marky.
“Gusto nyo bawasan ko allowance nyo?” Pagbabanta ko sa
dalawa na ikinatawa ni mama.
“Kuya, pwedi po ba akong sumama sa mga kaibigan ko bukas?”
Si Marky na kita sa mga mata ang takot. Noon kasi ay lagi ko itong
sinisinghalan siguro dahil nag seselos ako sa kanila.
“Saan ang punta mo?” Nakangiti kong tugon sa kanya.
Nawala sa mga mata nito ang takot.
“May research kasi kami kuya sa English.”
“Baka naman mag dodota kalang.” Nakataas kong kilay na sabi.
“H-hindi ah!” Defensive nitong sagot.
“Ayon huli ka!” Sabat naman ni Cathy.
“Magsisinungaling kapa ha. Sige, pero dapat before 6pm nasa
bahay kana deal?”
Bumakas sa mukha nito ang tuwa. Gusto kong makabawi sa mga
kapatid ko gusto ko ring iparamdam sa kanila na kahit kami-kami nalang ay kaya
ko parin silang pasayahin.
“Salamat kuya.”
“Walang kaso tutal Sabado naman bukas basta iwas kalang sa
gulo at bawal kang uminum at manigarilyo hanggat di ka nakakagraduate nang high
school malinaw?” Tumango naman ito sa akin. “Bihis na ako may lakad ako ngayon.
Wag nyong iiwan si mama ah at wag na wag kayong magpapasok na kahit na sino
malapit na ang pasko uso na nakawan ngayon.” Dagdag ko pang bilin sa kanila.
Pumasok na ako sa kwarto para magbihis. Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si mama.
“Anak, maraming salamat ha. Kung buhay lang ang papa mo im
sure proud na proud ito sayo ngayon tulad ko.”
Ngiti ang isinagot ko rito.
“Pero wag mo masyadong i-career ang pagiging ama baka di kana
makapagasawa nyan.” Pagbibiro pa nito sa akin.
“Ma, tungkol sa bagay na yan..” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad itong sumabat.
“Si Dorwin? Di ba sabi ko sayo tanggap ko yon ang importante
masaya ang panganay ko.”
Napayakap ako sa kanya. Hindi mapantayan ang saya na
nararamdaman ko ngayon. Ang akala ko noon ay ako na ang pinakamalas na tao sa
buong mundo buti nalang pala hindi ako tuluyang bumitiw. Importante talaga sa
tao ang pagiging matatag sa mga problemang iyong haharapin hindi dapat sumuko
sa buhay dahil pasasaan ba’t darating din ang araw na magiging masaya ka. Ang
problema ay ibinibigay sa atin hindi para mawalan ng pagasa kung hindi para mas
lalong maging matatag at matuto sa buhay.
“Red si kuya hindi ko mahanap.” Bakas sa mukha ni Ace ang
pagaalala. Kapapasok ko lang sa loob ng bar.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Pinuntahan ko sya sa bahay nya pati na rin sa opisina pero
sabi ni Ate Lor hindi daw ito pumasok ngayon.”
Napakunot ako nang noo at nakaramdam ng kaba.
“Baka nasa bahay ng lola mo?”
“Pinuntahan na rin namin ni Rome doon pero wala. Tinulungan
na ako ni kuya Dave mag hanap pero hindi namin makita.”
“San naman mag pupunta yon?” Di ko na maiwasang magalala.
“Teka tawagan ko ulit si kuya Dave kung may update na.”
Tinawagan nga ni Ace ang kambal ni Dorwin . Habang ako naman
ay nakatingin lang sa kanya at di maiwasan ang mabalisa.
“Salamat kuya tawagan mo nalang ako kung may update na.”
Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
“Wala rin daw eh.” Sabi nito.
“Wala, sabi ni Brian hindi daw nagpunta sa kanya si Dorbs.”
Si Vincent kakapasok lang nito sa loob ng bar.
“Sa iba nyong kaibigan pare baka alam nila.”
“Si Brian na ang bahalang puntahan ang iba pa naming
kaibigan para magtanong.”
Napatango nalang ako. Sinubukan kong tawagan ito nagbabakasakaling macocontact ko ito pero nakapatay pa rin ang
cellphone nya.
“Hindi kaya sumama na ito kay Niel?” Bakas sa aking mukha
ang lungkot at paninibugho.
“Hindi gagawin ni pinsan yon Red. Kilala ko si kuya Dorwin
may paninindigan ito sa kanyang desisyon.” Depensa ni Ace sa kanyang pinsan.
“Eh nasaan sya?!” Hindi sinasadyang napalakas ang boses ko.
“Relax lang pre. Baka naman may pinuntahan lang ito.” Si
Chad na nakalapit na pala sa amin. Napabuntong hininga nalang ako. Nagiisip
nang posibleng puntahan nito.
Isang oras na ang nakakaraan pero hindi pa rin nila magawang
ma contact si Dorwin. Hindi ako mapakali para akong naiihi na ewan habang palakad-lakad
sa loob ng bar hindi alintana ang mga taong ngayon ay unti-unti nang dumadami.
“Kuya Dave!” Napalingon ako sa gawi sa taong tinawag ni Ace.
“Wala paba dito?” Sabi nito nang makapalit sa pinsan nya.
“Wala pa eh.”
“Baka nag tanan na yon.” Sabi nito na nakatingin sa akin.
Alam kong nag bibiro
ito pero hindi naging maganda ang dating ng biro nito sa akin. Walang anu-anong
lumabas ako nang bar at agad na tumawag ng taxi para umuwi. Hindi ko maiwasang
manibugho. Rinig ko pa ang pagtawag nila Ace ngunit dala nang inis ay hindi ko
sila pinansin at tuluyan nang umalis.
Kanina lang ay napaka saya ko pero ngayon sorbang bigat ng
pakiramdam ko. Imbes na dumeritso sa bahay ay pumunta ako sa isang bar para
maginum. Idinaan ko sa paglalasing ang aking pagkadismaya dahil ang akala ko
magiging ayos na rin ang lahat sa amin ni Dorwin pero mukhang nagkamali ako.
“Sabi ko na nga ba dito ka pupunta eh. Wag mo nang pansinin
ang pangaasar sayo ni kuya Dave para namang di mo kilala yon.” Napalingon ako
kay Ace.
“Bakit ka nandito san si Rome?”
Imbes na sagutin ako nito ay tumabi ito sa akin ng upo at
um-order ng kaparehong alak na iniinum ko.
“Naalala mo di ba dito mo rin ako kinaladkad pauwi noong
naglalasing ako dahil kay Rome?” Tumango lang ako rito.
“Ano ang sabi mo sa akin nun nang halos mawalan na ako nang pagasa sa amin?”
Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.
“Magiging okey din ang lahat?”
“Tama! Magiging okey rin ang lahat Red, malay mo may
importante lang na inaasikaso si kuya kaya sya umalis nang walang paalam.”
Pagaalo nito sa akin.
“Hindi ko alam Ace. Marahil sumuko na rin ito sa akin at
sumama nalang kay Niel.” Bakas sa boses ko ang lungkot.
“I doubt it. Magtiwala kalang sa kanya Red, di ba nga sabi
ni Vincent na kaya iniwan ni kuya si Niel dahil ikaw ang mahal nya kaya walang
rason para pagdudahan mo pa sya.”
Limang araw ang dumaan ngunit wala parin akong nakuhang
balita kay Dorwin. Nung una ay pinilit kong magtiwala sa kanya dahil na rin sa
pagmamahal ko sa kanya at sa mga sinabi sa akin ni Ace, pero habang tumatagal
ay nawala na rin ang pagasa kong magkakabalikan pa kami. Hindi ko ipinaramdam
sa pamilya ko ang mga dinadala ko ayaw kong magaalala sila para sa akin.
Hindi tumigil ang mga kaibigan kong hanapin si Dorwin ngunit
lagi lamang silang bigo. Nawalan na rin ako nang ganang magtanong sa kanila
iniisip ko kasi na siguro tama ang sinabi nang kambal nito na sumama na ito kay
Niel.
Mag aalas 3 na nang hapon nang may kumatok sa aming pinto.
Tinatawag ko ang mga kapatid ko para sana utusan na pagbuksan kung sino man ang
taong iyon, pero wala akong narinig na pagtugon kaya naman napilitan akong
tumayo at magkasalubong ang kilay na pinihit ang seradura.
“Anong ginagawa nyo rito?” Ang nabigla kong tanong nang
mapagbuksan ko ang aking mga kaibigan.
“Mag bihis ka may pupuntahan tayo.” Wika ni Ace na nakangiti
pa.
“Wala akong ganang lumabas kayo nalang muna.” Pagtanggi ko
sa kanila.
“Wag ka ngang KJ!” Sabat naman ni Mina.
“Anak sino yan?” Ang rinig kong sigaw ng aking ina mula sa
kusina.
“Wala ma, nanghihingi lang nang abuloy.” Tugon ko naman.
“Sapak gusto mo?” Ang pikon na wika ni Ace. “Rome, Carlo
kaladkarin nyo na yan.” Dagdag wika pa nito.
Napakunot naman ako nang noo sa tinuran nito.
“Yes boss! Pasenya na pare napagutusan lang.” Nakangising wika
ni Rome sabay hawak nito sa kaliwa kong braso sumunod naman sa kanya si Carlo.
“Teka! Ano ba to? Ang kulit
naman eh sinabi nang ayaw kong lumabas!” Bakas sa boses ko ang
pagkapikon. Wala talaga akong balak na lumabas sa araw na iyon dahil gusto ko
lang mapagisa.
“Ingatan nyo baka mabalian yan.” Tatawa-tawa namang sabi ni
Tonet.
“Sandali nga! Di pa ako nakakapag bihis ano ba!?”
“Keri lang yan may dala na kaming isusuot mo. Just behave
and cooperate.” Wika naman ni Angela.
“Tita, labas na po kayo.” Pagtawag ni Ace sa mama ko.
Lumabas nga ito kasama ang mga kapatid ko na naka beach
attire at may mga dala pang bag.
“What the hell?” Ang di ko maiwasan maisatinig sa
pagkabigla.
“Shutup birthday boy. Carlo, ipasok nyo na yan baka maka
takas.” Ani ni Mina na tuwang tuwa sa kanilang kalokohan. Doon ko lang na alala
na ngayon pala ang kaarawan ko.
“Tita, sa akin kayo sasakay.” Sabay bukas nito sa
compartment ng kotse nya.
“San ba tayo pupunta?” Asik ko sa dalawang ungoy na
pinagitnaan ako sa sasakyan.
“Secret walang clue!” Panggagago pa sa akin ni Rome.
“Matulog kalang muna pare medyo mahaba-haba pa ang byahe
natin.” Si Carlo na nakangisi sa akin sabay lapat ng panyo na may kung anong
amoy na di ko maintindihan.
“Mission accomplished!” Ang huli kong narinig na sabi ni
Rome bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Nagising nalang ako na nasaloob nang isang hindi pamilyar na
kwarto. Hapo ang aking ulo ay dahan-dahan kong tinungo ang pintuan para tingnan
kung nasaang lupalop ako nang mundo ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang
nang bumukas ang pinto.
“Buti naman at gising kana. Mag palit kana nang damit.”
Nakangiting bungad ni Carlo sa akin.
“Kung sapakin kaya kitang gago ka!” Asar kung tugon sa kanya
na tinawanan lang nito.
“Sorry naman kailangan yon para sa surpresa namin.” Depensa
naman nito na nakataas pa ang dalawang kamay.
“Wala ako sa mood para ma surpresa!” Angil ko rito sa
sobrang pagkapikon sa ginawa nitong pagpatulog sa akin.
“Tingnan lang natin.” Sabay tawa nito nang nakakagago.
Wala akong nagawa kung hindi magbihis sa gustong ipasuot ni
Carlo sa akin. Isang asul na board short at puting sando.
“Ayan mukha kanang tao ulit.” Bungad naman ni Mina kasama
nito si Angela at Tonet.
“Asan ba kasi tayo?” Pambabaliwala ko sa pangaasar nito.
“See for yourself birthday boy!” At iginaya nila ako sa
labas.
Gulat, tama gulat at pagkamangha ang naging reaksyon ko nang
makalabas kami nang kwarto tumambad sa akin ang isang mala paraisong lugar.
“Welcome to Canigao Island!”
Napakaganda nang lugar bigla kong nakalimutan ang problema
ko kay Dorwin sa sobrang pagkamangha. May mga tao akong napansin na masayang
naliligo sa kulay asul na tubig. Yung iba naman ay busy sa pagtatayo nang kani-kanilang
tent.
“Hindi pa well develop ang lugar na ito. Konte palang ang
rooms na naitatayo pero hindi maikakailang maganda rito di ba?” Si Tonet.
Napapatango nalang ako sa mga sinabi nito sa kawalang masabi.
“Lets go, may isa pa kaming surpresa sa iyo.” Sabay hatak
nito sa akin.
Napapatingin ang ibang tao sa amin. Hindi ko alam kung dahil
ba sa see through na suot nang aking mga kaibigang babae na kita ang two-piece
nilang suot o dahil sa pagkaladkad sa
akin ni Tonet.
Namangha ako sa ayos nang kanilang function hall native ang
dating nito pero napaka attractive. May mga pulang balloons na nakadikit sa
bawat poste nito.
“Surprise!!” Ang magiliw nilang sabi.
Doon na nagsilabasan
ang iba pa naming mga kaibigan kasama ang mga kapamilya nila. Nakita ko rin ang
mama ko kasama ang mga kaibigan ko. Pero ang mas lalo kung ikinabigla nang
makita ko ang mga kaibigan ni Dorwin pati na rin si Niel lahat sila ay sa gawi
namin nakatingin.
“A-ano ang meron?” Di ko alam kong ano ang nararamdaman ko.
Kung kinakabahan ba ako o kung masaya ako.
“Ano pa eh di birthday mo. Slow?” Maarteng tugon ni Angela.
“Alam kong birthday ko pero bakit nandito sila?” Ang tukoy
ko sa mga kaibigan ni Dorwin sa mahinang tinig.
“Hindi lang sila ang nandito. Look.” At tinuro nito sa akin
sina Ate Claire, ang papa ni Dorwin, at ang kambal nito. Kumaway pa ang gagong
si Dave sa akin.
Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magsalita nang
pigilan ako ni Tonet.
“Later kana mag tanong. Kain na muna tayo.”
Sumunod nalang ako sa kanila at nahihiyang tinanggap ang
lahat nang pagbati mula sa mga kaibigan ko at sa mga kamaganak nila. Lumapit
din sa amin ang mga barkada ni Dorwin para bumati sa akin si Niel naman ay
matapos makipag kamay ay humingi nang tawad hindi ko alam kung para saan.
Gulong gulo ang isip ko sa mga nangyayari pero inisangtabi ko nalang muna iyon
para hindi masira ang inihandang surpresa nang mga kaibigan ko.
“Grabe naman itong ginawa nyo.” Ang nasabi ko nalang habang
kumakain kami.
“Hindi naman kami ang nag plano nito eh.” Tugon naman ni
Tonet.
“S-sino?”
Hindi na ito sumagot sa akin sa halip ay itinuro nalang ang
isang lalaking papalapit sa amin. Para akong na statwa sa aking kinauupuan nang
makita ko si Dorwin. Nakangiti ito nang ubod ng tamis sa akin.
“Happy birthday.” Bati nito sa akin.
May pagaalinlangan akong tumango sa kanya bago ibinalik ang
aking nagtatanong na tingin sa aking mga kaibigan. Kita ko ang pagpipigil nang
tawa ni Carlo at Rome.
“Mga walang hiya kayo!” Doon na tuluyang humagalpak ng tawa
ang dalawang hunghang na sinabayan naman ng iba pa. “Nakaplano ang lahat nang
ito?” Ang di ko makapaniwalang na ibulalas.
Tatango-tango naman na parang mga ensonteng bata lang ang
mga baliw.
“Naunang humingi nang tulong sa amin si Dorwin kaya sorry
nalang tol mukhang ikawa ng nasurpresa nya sa halip na ikaw ang susurpresa.”
Ang tatawa-tawang pagamin ni Carlo.
“At kaya sya biglang nawala ay dahil pinaghandaan nya ang
lahat ng ito hindi dahil nakipag tanan sya kay Niel.” Dagdag pa ni Ace.
Hindi ako makapaniwala na palabas lang pala lahat. Mula sa
pagplano namin para sa gagawin kong pakikipag balikan kay Dorwin hanggang sa
pagkawala nito. Ang galing umarte nang mga tarantadong kaibigan ko.
“Mga tarantado kayo naguyo nyo ako don ah.” Napapailing
nalang ako ngunit hindi ko maitatangi ang saya na aking nararamdaman.
“Ganun talaga! Ganti ganti lang yan Red. Nung una ako ang
nadali nyo at ngayon patas na tayo.” Sabay halakhak nito nang nakakagago.
“Usap tayo?” Aya ni Dorwin sa akin. Tumango naman ako sa
kanya at binagtas namin ang dalampasigan.
“Napatawad mo na ba talaga ako?” Ang tanong nito habang
naglalakad kami na abot ng alon ang aming mga paa.
“Alin? Sa pakikipag kontsaba mo sa mga kaibigan ko o ang mga
nang yari sa relasyon natin?” Seryoso kong tugon sa kanya.
Rinig kong napabuntong hininga ito.
“Sorry kung nasaktan kita noon. Sorry kung hindi ko
naiparamdam sayo kung gaano kita kamahal.” Halos hindi ko na marinig ang
sinasabi nito sa sobrang hina marahil ay dahil sa hiya.
Katahimikan ang sunod na namayani sa amin. Hindi ko rin kasi
alam kung ano ang sasabihin ko. Marami akong gustong itanong pero di ko alam
kung paano magsisimula. Hanggang sa mapagdesisyunan kong itanong ang nagiisang
tanong na gusto kong sagutin nya.
“May tanong lang ako.” Pagbasag ko sa katahimikang namayani
sa amin.
“Ano iyon?”
Huminto muna ako. Malayo na pala ang nilakad naming dalawa.
“Sa loob ba nang isang taon nating pagsasama minahal mo ako
kahit konte?”
“Hindi ko masasabing hindi at hindi ko rin masasabing oo dahil
gulong gulo pa ako sa mga panahaong iyon, pero nung umalis ka doon ko naramdaman
kong gaano ka kahalaga sa akin na hindi ko pala kayang maging masaya kung wala
ka.” Ramdam ko ang sinseridad nito sa kanyang sinabi.
“Kung sakaling mahalin kita ulit, maipapangako mo ba sa akin
na ako nalang ang laman ng puso mo?”
“Kung mamahalin mo ulit ako sisiguraduhin kong masusuklian
ko na ito. Nagsisisi ako sa lahat ng nagawa ko sayo, alam kong hindi ko
pinahalagahan ang pagmamahal mo sa akin pero sana naman bigyan mo ako nang
pagkakataong makabawi.” Nangingilid ang luhang wika nito.
Niyakap ko ito. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang nakikita syang umiiyak siguro si Dorwin ang kahinaan ng puso ko kaya kahit ano pang naging pagkukulang nito sa akin ay kaya ko parin syang patawarin.
“Wag kang umiyak di ba sabi ko ayaw ko na umiiyak ka?” Pagaalo
ko sa kanya.
“P-patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo Red, patawad.”
Tuluyan na itong humagulhol habang nakayakap sa akin.
“Shhhh.. Tahana wag kanang umiyak.”
“Will you give me another chance?” Humihikbi nitong sabi.
“Only if you stop crying.” Ang pabulong kong tugon sa kanya.
Agad itong humiwalay sa akin at pinahad ang kanyang mga
luha. Natawa ako sa inasta nito, para itong batang napangakuan ng candy at agad
na tumahan sa pagiyak. Sa sobrang pananabik ay iginaya ko ang mukha nito
papalapit sa akin para bigyan ng isang masuyong halik.
“I love you damulag.” Ang sabi ko nang mahiwalay ang aming
labi. Ngumiti ito nang ubod ng tamis ang ngiting dahilan kung bakit ako na
hulog sa kanya.
Parang hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig.
“Oh akala ko ba mahal mo ako? Bakit di mo sagutin? Nakangiti
kong wika sa kanya
“S-sigurado ka ba?” Bakas ang pagaalangan nito sa mukha.
“Ayaw mo ba? Ito na ang last chance mo.”
Bumakas ang tuwa sa mga mata nito at ngayon sya na mismo ang
kumabig sa akin para magtagpo ang aming mga labi. Nauwi sa isang malalim na
halikan iyon gumapang ang mga kamay ko sa kanyang likod papasok sa kanyang
sando.
“Hoy! Tigilan nyo muna ang tukaan nyo dyan! Hinahanap na kayo ng mga kaibigan nyo mag sisimula nang tumugtog yung banda!” Malakas na sigaw sa amin ng kambal nitong si Dave. Agad na naghiwalay ang aming mga labi at nang magtama ang aming mga mata ay sabay kaming tumawa.
“I love you.” Ang bulong nitong wika sa akin at binigyan ako
ulit ng masuyong halik kahit na nakaharap ang kanyang kapatid sa amin.
“Kung makapaghalikan naman kayo parang walang ibang tao sa
paligid!” Basag pa ng kambal nito sa amin sabay talikod sa amin.
“Ingit lang yan.” Ang bulong sa akin ni Dorwin.
Tatawa-tawa kaming sumunod rito at muling tinungo ang
function hall kung saan naroon ang mga kaibigan at mahal namin sa buhay.
Magkahawak kamay kaming humarap sa kanila. Bakas sa mga mukha nang mga kaibigan
namin ang saya na ngayon ay nasa iisa nang lamesa. Kita ko pang nag thumbs up
ang papa ni Dorwin sa kanya kasama nito ang mama ko at mga magulang nina Ace at
Rome.
Inaya ako ni Dorwin na lumapit sa kanila
“Mukhang effective ang tinuro ko sayo anak ah.” Sabi nito na
ang tingin ay nasa magkahawak naming kamay.
“Sobrang effective pa, thank you.” Nakangiti nitong tugon.
“Who would have thought na ang mga anak natin ang
magkakatuluyan Anabeth.” Baling nito sa kay mama.
“Talagang mapaglaro ang tadhana Ruben.” Nakangiti naman
nitong tugon sa papa ni Dorwin.
“Magkakilala kayo?” Magkasabay naming naitanong ni Dorwin.
“Bestfriend ko ang papa mo nung high school kami at
kamukhang-kamukha mo sya iho nung magkasing edad lang kayo. Kaya naman panatag
na ang loob ko sa iyo nung una kang dalhin ni Dorwin para ipakilala sa amin
bilang kasintahan nya.” Nakatinginan kami ni Dorwin sa tinuran nang papa nito
at pareho kaming napangiti.
Totoo nga ang sabi nila hindi mo kailangang hanapin ang
taong mamahalin mo dahil panahon na mismo ang magtatakda para kayo ay magtagpo.
Maraming kaming pagsubok na pinagdaanan ni Dorwin. Nagkakilala kami sa maling
pagkakataon pero heto’t dumating din ang tamang panahon para sa amin. Nasaktan
ko sya at nasaktan nya ako ngunit hindi iyon naging hadlang para isuko namin ang
aming pagmamahalan. Hindi man normal ang tingin ng iba sa relasyon namin ang
importante sa mata nang mga taong nagmamahal sa amin ay normal kami.
“Mahal, patayin mo na ang ilaw.” Malambing kong utos sa
kanya.
Nasa loob na kami nang kwarto na renentahan nya para sa
aming dalawa. Ang mga kaibigan namin at kamaganak ay may kanya kanyang kwarto
na rin.
“Saglit lang mahal may surpresa ako sayo.”
“Surpresa? Ano naman yan?” Ang excited kong sabi.
“Basta! Pikit ka muna dali!”
Sumunod naman ako sa kanya.
“Open mo na mata mo.”
Napakunot ang noo ko nang makita ang susing hawak nito.
“Para saan yan?”
“Bigya ni papa yan. Na kwento ko kasing wala kang sasakyan.”
Ang nakangiti nitong sabi.
“Di ba nakakahiya?”
“Hindi naman ako ang humingi nito sa kanya kusa nya itong
ibinigay sa akin at sabi nya advance wedding gift daw nya sa atin.”
Dahil sa tuwa ay hinalikan ko sya hangang sa mauwi ito sa
isang maalab na halikan. Nang maghiwalay ang aming labi ay kapwa kami
humihingal.
“Papatayin ko pa ba ang ilaw?” Ang wika nito na may kasama pang
pilyong ngiti.
“Wag nalang miss ko na ang ungol mo eh.” Ang pilyong tugon
ko naman sa kanya. Kita kong namula ito na dumagdag sa sobrang panggigigil ko
sa kanya.
“Ang kyut mo pag namumula!” At muli naming pinagsaluhan ang
isang mainit na halik na nauwi sa isa ring mainit na pagtatalik at muli kong narinig ang parang musikang
ungol ni Dorwin.
Hindi porket nabigo ka sa una mong subok ay susuko kana.
Minsan sa pangalawa mong pagsugal ay doon mo makakamtan ang tunay na kaligayan
na iyong inaasam. Yon ang natutunan ko nang mahalin ko si Dorwin.
Pareho lang kaming nag hahanap nang pagmamahal at ngayong
nahanap na namin ito ay sisiguraduhin naming dalawa na hindi kami bibitiw kahit
na ano mang problema ang dumating sa buhay namin. After All we were destined to
love each other. J
WAKAS
60 comments:
yesh finally!
OH MY GOSH HINDI NA POST ANG COMMENT KO I THOUGHT NA HANGGANG CHAPTER 25 TO...
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah? infairness....unpredictable ang mga plano ng mga loko....hays....ako na kinikilig....
pero at the same time.....tapos na talaga sya....huhuhuhu....good job author....napakilig mo ako....ahah
inggit na naman ako, :( - ponsy
sweet naman. hays. kainggit
rei
nagsisimula ka na ba for your third novel? can't hardly wait. :)
- ponsy
GANDA NG KWENTO INGIT NMN AQ S KNILA
;)
NICE KUA ZILD
SANA GAWA K P ULIT NG BAGONG KWENTO HEHE
;)
-CEDRIC
ponsy - nasimulan ko nang gawin ang prologue nang bago kong storya pero sa ngayon ine-edit ko pa xa.. :D
wow!!!! sulit ang pagaantay ko hahaha....sabi ko na nga ba ngaung gabi popost to,,,,
wow.. another superb story ended..... a new one begins... hahaha
next story....
YES!!!!!!!!!!!
GOOD NIGHT AUTHOR
ang ganda ng story... thanks zildjian...
jey - salamat! kita kits nalang sa susunod kong gagawin :)
ganda ng ending sabi k na nga ba may kidnapping na mangyayari ulit eh.
ganda ganda..... last na pala to. ang cute nila dorwin at red.
:')
congrats Z :) nakatapos ka na naman ng isang magandang kwento. sa totoo lang nung nakita kong finale parang ayoko na basahin e hehe kasi pag binasa ko wala na kong babasahin pa.
at kaya pala hindi mo sinagot yung comment ko tungkol dun sa plano ni Dorwin. ito pala yun haha kala ko hindi na matutuloy.
haaaay angsarap talaga maka-experience ng pagmamahalan hehe kahit lang sa pamamagitan ng mga kwentong nababasa ko ^_^ salamat sayo Z. isa tong kwento mo sa inaabangan ko sa araw-araw. kahit na sinabi mong every other day ka magpopost, araw-araw ko pa rin chinecheck :D
sa wakas naman kasi naging masaya na si Red (kahit hindi sa piling ko haha).
congrats ulit, saka salamat.
ingat sir at keep it up! :)
good luck for the next story
aabangan ko yan
After All ...
R.J - salamat sa walang sawa mong pag bibigay komento sa gawa ko. ikaw ata ang isa sa mga tao na mula chapter 1 hanggang finale ay hindi nakalimutang mag comment.. Salamat ng marami!
mcfrancis - ikaw rin! hahaha di ka nawala sa mga nagcocomment :)
Dormouse - bakit ba ang cute ng pangalan mo >.< nakakatuwi sya basahin paulit-ulit.. salamat sa pagbabasa ah.. kita kits :D
woooooh! sarap sa pakiramdam :) super happy ako sa ending ng story :) can't wait for the next story...so looking forward to it zildjian :)
-tristfire
nag iba man ung plot..maganda pa rin.. thumbs up.. :)
-ram
Thank you Mr. Z. Napasaya at pinakilig mo ako sa kwento mo. You are one of the best. Antayin ko next story mo. :)
Tristfire - salamat sa pagbabasa mo sa kwento ko. Mabuti naman po at napasaya kita sa ending ng A.A...
Ram - sabi naman sayo iibahin ko ang plot na sinabi ko saU eh :D
Billy - Thank you billy.. abangan nyo po ang special chapter don ko i-announce ang sunod kong kwento. :)
wow.so nice..
Kudos!
mamimiss ko ang story nito. mula pa sa The Right Time hanggang dito sa After All. Minsan napapagalitan na nga ako kasi, inaabangan ko ang kasunod lagi. Congratulations for a job well done. You made a well crafted story. Brilliant.
------ISAAC--------------
Cugertz - ayayay! salamat po.
Isaac - Hehehe ako man ay mamimiss ko ang mga character sa dalawang storyang nagawa ko.. Sad pero kailangan na silang mamaalam :(
Ayeeeeeeeeeeeeeee! nice ending! Bravo bravo bravo! KUDOS again sa author!
ANG GALING MO ZILDJIAN GRABE WOOH!!
Wala akong masabi sa basta ang saya ko para kay Red at Dorwin, sa lahat ng problema nila. Personal man o sa relasyon nila, nalagpasan nila lahat ito ng hindi nakakalimot sa pagmamahalan nila.
Excited na akong mabasa iyang third story mo! Hmm.. Tungkol san naman kaya iyan this time? :D
- Tam
Fayeng - salamat nang marami at nagustohan mo ang finale...
Tam - Pag naipost ko na po ang special chapter doon ko po sasabihin kong kelan ko i-popost ang susunod kung kwento.. :D
Congrats!!! i was totally not expecting this ending but i respect you as an author. hindi naman porket hindi ito ang inaasahan ko eh hindi na ito maganda. in fact, maganda siya. as i have said, keep the ball rolling! great talent zildj! and like what Dorwin said, Natulungan mo ako sa paraang hindi ko maipapaliwanag. pero maniwala ka man o hindi, natulungan mo ako sa pinagdadaanan ko ngayon. sa lahat ng kwentong nabasa ko, patok na patok ang isang ito sa panlasa ko. may tamang tamis at anghang. hehehehe. its nice to know you through your stories. hindi man ako magpakilala sa yo ng lubos, at least bear in mind na may isang tao kang hindi lang basta napasaya, kundi natulungan sa pinagdadaanan nito. maraming salamat sa pagsusulat mo ng kwentong ito. i'll continue following your stories. Congratulations again Zildj!
Marco - Maraming salamat at nagustohan mo ang gawa ko. Nakaka overwhelmed naman ang comment mo. Sana ay magkita ulit tayo sa susunod kung kwento.. :) salamat ulit as ingat lagi..
ANSARAP TALAGA ANG MAGMAHAL AT MAY KATUMBAS DIN NA PAGMAMAHAL.. . . TNX SA NAPAKAGANDANG KWENTO MO FREND. . . EXCITED NA AKO PARA SA SUSUNOD NA KWENTO! HA HA HA. CONGRATZ! ! !
Thanks for the story zild! Medyo nakulangan ako sa bandang gitna but it still remains a nice ending for the story :-) (may lagnat kasi ako haha. basahin ko ulit kapag magaling na me)
Keep writing! Aabangan ko ang next stories mo :-)
wow naman nice ending.. ganun napaniwala rin ako dun sa plano nila kay dorwin ah pero na isiip ko na na baka my plano rin si dorwin ng hnd ma reach ang fone at hnd sya makita ang hnd ko lang inaasahan ay kasabwat din ang mga kaibigan ni red ahahhaahahah, hanep sana my mga kaibigan din ako tulad nila,
....
congrats po... post mo na sa BOL
hahaha,,,ang cute naman ng ending!!! tamang tama ang mga nasabi moh Mr.Author,,,na hindi ka dapat maghanap ng taong magmamahal sa iyoh,,,dahil tadhana ang magtatakda kung kailan kayo magtatagpo,,,agn ganda huh!! Salamat naman at natapos na itoh,,, wala na akong ibang masasabi pah,,,,kundi salamat Mr.Author kasi hindi ka nagsawang magsulat para sa aming tagasubaybay moh,,, ang mga akda moh ang nagbigay sa amin ng inspirasyon na may darating na karapat dapat na taong mamahalin rin kami,,,,hanggang sa huli ulit,,,,
beucharist
haaaaaay......
Huhuhu grabe ka author na inlove na tlga aq s story na to. Npka ganda at full of lessons pra s mga katulad q na naun pln nagccmulang umibig. Great job mr. Zild!
_VinZ_
hey zild, ngayon lng ako magcocomment although sinubaybayan ko tong story mo, even TRT. hehehehe Anyway, just want to thank you for this wonderful story. You're great! Count me as one of your avid readers. Will watch out for the next story! Gudluck!
nako tapos na......wla na aq masusubaybayan...:(..... pero it was a great story and a great lesson in life most specialy about love family and friends.......thanks Zildjan....for a great story...
zek, sori kgabi... binibiro lng kita...gusto ko lang sbihin sau n just be prepare f there are negative comments kc un ung magiging inspiration mo to improve ur work...db u cant please anybody...just take those negative comments as positive...
ganda tlga ng ending..f i will rate this from 1-10, bigyan kita ng 11...hindi kta binibiro...continue inspiring others with ur work...
true ung cnbi mo na ung love, d man hanapin kusa itong darating...naks, prang meron pinaghugutan...
d2 lng ako plagi... i will support u.. kung san k masaya... supurtahan t ka..
-ICE- xD....
hahaha mganda maganda. sana madami pang ganito ang iyong maisulat.
finally....happily ever after..kaboom!!! kakarelate naman ako nito
thanks Zildjian super ganda ng story... pati yung mga lines sa huli super love it...
Wow...
Finally After all nagkatuluyan din yung dalawa.
Akala ko may Chapter 24 pa...Di ako kaagad nakapagbasa kasi nagkasakit ako ng dalawang araw...
Anyway highway ang ganda ng ending akala ko si Dorwin ang masosopresa, si Red pala sa huli ang masosopresa.
Tunay nga ang kasabihan na wag kang susuko sa buhay kapag nabigo sa pag-ibig may sadyang darating din sa iyo...
Sana may book 3 pa... Maganda siguro kung mabigyan ng justification yung character ni Neil. Sana maipakita naman yung good side niya at tunay na nararamdaman. May dahilan naman ang lahat kung bakit nagkakamali ang bawat tao. Dapat mabigyan din siya ng chance para magbago at makahanap ng para sa kanya.
Congrats Mr. Zildjian.
This chapter is somewhat funny in the good sense Kuya Zildjian!
Reminiscing from where it all began, how a people first met, it's funny how the world does it so they both meet and at times, create a special 'chemistry' as some may call it. Though a sad reality of life is how sometimes, their are so many twists and turns so that both may realize that they are both meant for each other.
People have to go through different challenges, some to the levels where one leaves the other and the person left goes through different changes with his/her attitudes and the way he/she interacts with people as well as daily routines and emotional stability. The good thing is, the world also sometimes brings you together again whether going back as friends, going back as a couple or back to friends and slowly going back to being a couple.
Advantage of the world we live in is that if a relationship withstands the tests of time or when people go back to a couple is that they LEARN how to build a better and stronger structure of happiness built with a strong foundation no earthquake, floor nor any natural calamity can destroy because that is within them.
Life is sometimes ironic isn't it? In the sense that sometimes, we find all the qualifications we have with the most unexpected people in our lives. It's a wonder that these 'unexpected' people come out as a couple in the end.
Well, a lesson I've learned here is to make certain with your feelings, pick what will really make you happy and not just love out of sympathy. "After all", who would want love out of sympathy? How would that stand in the future? It's best to be genuine and true to yourself than to stand behind where you will be unhappy.
When you find the 'right' person, make sure first that it is 'The Right Time','After All', that's one way to know if you how much you love each other.
Nice story Kuya Zildjian!
Can't wait to read your upcoming projects such as your special Christmas tribute.
Keep it up and never give up!
Always supporting,
- Jay! :)
ADDITIONAL COMMENT ko for the characters! WOAH! :D :
Supah Ace - Super happy at napapangiti or napapatawa ako sa mga pinaggagawa mo at mga sinasabi mo. Sobra! Super memorable ka and I really super duper hope that you will come out in the next projects of Kuya Zildjian! :D
Rome - Nakakatawa ka! hahaha! Sige na! Ikaw na ang masunurin... I'll never forget that life-sized teddy bear you bought! hahaha! I also hope to see you in the next projects of Kuya Zildjian! :D
Red - Ano ba yan! Naisahan ka pa ng mga kaibigan mo. Unpredictable pala sila... hahaha! They managed to turn the tables and instead of helping you get Dorwin back, they helped Dorwin win you back without you realizing it. Ang galing nila. hahaha! But at least the end product is something which would have ended up eventually in any way whether if they had helped you or helped Dorwin, the end product is that your both "met in the middle" as they say. :)
Dorwin - Dorbs! Ang galing mo! And bilib na bilib ako sa'yo kahit na sa una ang parang pinili mo si Neil, it's great that you had a reflection within yourself who you really wanted and a reconciliation with your father at that! Super many happy, laughing and sad, crying moments with you! Hope to see you again in the future projects of Kuya Zildjian!
To the original group: Angela, Mina, Tonet and Carlo, Cha: SUPER galing niyo pa lang mag-acting at natiis niyo na naging malungkot si Red but at least the end product was something were he felt SUPER happiness. You are real friends to count on at any times whether good or bad. I hope to see you in the future projects of Kuya Zildjian as well! :)
Marky - What a big help in the reconciliation of your father and sibling. I wouldn't forget the 'lambing' moments you had with Dorwin where in you will make a certain type of look on your face that Dorwin just can't resist. :D ... Hope to see you in the future projects of Kuya Zildjian as well but next time, having another role besides the sibling of Dorwin. hehehe.
And to the rest of the supporting characters of the story: I say bon voyage and hope that you will come out in the later projects of Kuya Zildjian. Of course, the story wouldn't be complete if there are some minor gaps, so you fill those gaps and make the story complete. :)
May we see you soon again! Paalam! :D
Always supporting,
- Jay! :)
kuya zekie angayana sa imong story ha...hehe...silent reader la ak tikang han story nira supah ace and rome at idinagdag mo pa si red at dorwin...wala na po ako masabi..now lang ako nag comment kasi tinatamad ako mag comment..aheheh pati kay bossing jeffy minsan lang ako mag comment.pero NINDOTA GYUD KAAYO AY han imo ginhimo...
more kuya more..WE WANT MORE...WE WANT MORE...WE WANT MORE.
=
=
=I WANT MORE...haha
Thank you very much Zildjian... Your the best... Looking forward for more... more... stories to come... Pa kiss nga... Mwuaaaahhhhh...
teddyRICHIE - waaaaaaaaaaaaaa????? aanhi kanaman ngean richie :D hihihi tapang la ito.. :)
Mike - Welcome Mike salamaat sa pagbabasa :)
dave17:sad ngayon q lang nabasa huhu pero super ganda njo bitin ng onti
Tapos na pala ito Zildjian.Hindi ko na nabasa nitong nagdaang araw dahil busy ako lately.Sorry :(
Natapos ko na rin siya pati yung Special Chapter. Nakakatuwa naman ang pagtatapos ng ending ng love story nina Red at Dorwin. Mas gusto ko ito kaysa sa una. Bakit kamo ang dami kasing makatotohanang kaganapan dito na nangyayari sa tunay na buhay.
Hindi mo talaga aakalain na ang taong magpapaligaya sa iyo ay nasa tabi mo lang. Minsan kasi naiinip tayo kaya lagi tayo natitisod o nagkakamali. Pero ika nga ay pag talagang kayo kayo talaga. at naniniwala talaga ako diyan. Ang isang bagay kasi hindi minamadali kusa naman iyan ibibigay sa iyo.Basta kailangan mo lang ay maging handa at maging matatag. Kasi pag sumusuko ka na sa laban ikaw talaga ang uuwing luhaan.
At least kahit paano natutunan nila Red at Dorwin ang madapa sa putik at matutong hugasan ito. Mahirap maalis ang putik sa katawan pag hindi mo ito sasabuning mabuti. May amoy pa kasing kakapit siya kung tubig lang. Malalim kahit ako nalalaliman sa sinabi ko hehehe..
Happy ako na natapos mo ng matiwasay ang story mo.Abangan ko naman ang iba mo pang story. Goodluck!
inumpisahan kong basahin ito kagabi, and in less than 24hrs tapos ko na...
maganda ang theme ng kwento, punong puno ng values (o pagpapahalaga sa wikang Filipino), paninindigan, pagtanggap, pagpapatawad at pagmamahal.
maganda ang impluwensya na ipinakita ng magkakabarkada, ika nga e walang iwanan at bawat isa ay sumusuporta.
hindi rin nawawala ang famiy values na kung saan magulang ang unang tumatanggap ano man ang katauhan ng kanilang anak.
higit sa lahat, SECOND CHANCE. kapag nagkamali ang isang tao, kaibigan o kapareha...makakabuti kung makikinig muna sa mga paliwanag at hindi basta basta maniniwala sa minsang nakita o narinig lamang.
punong puno ng magagandang halimbawa ang kwento mo Author, saludo ako sayo...
nawala ang comment ko ampupu
ayun tapos na ako mag-marathon, less than 24hrs hehe
anyway, masasabi ko na maganda ang theme ng kwentong ito. punong puno na values, moral values towards family, friends and partners.
duon ako humanga sa aspeto ng pagkakaibigan nila kung saan may damayan at walang iwanan, iilan lang ang ganung circle of friends.
im looking forward sa mga susunod mo pang akda. KUDOS!
sa wakas nabasa ko rin lahat ng chapters na namissed ko basahin...sobrang ganda talaga Z..nakakarelate ako sa mother ni Red..parang mom ko din...
Next story na...Goodluck
hnd mo nnmn ako binigo sa pgtuloy ng pgbabasa sa ikalawang kwento mo Mr.Author..npka ganda pa rn!!
I already read 9 Mornings chap 1-16 ngunit uultin ko para lalo kong ma enjoy!! dhl naumpisan ko na ang 1st and 2nd story mo kaya mas lalo kong ma eenjoy ang pagbabasa ng 3rd story mo!!
Like in the 1st story "TRT" mrme nnmn akong natutunan kaya thankz ng mrme..
bharbzz,,
salamat sa story na to huh?
looking forward to read another story of yours:)
Godbless. . .
lanc3. . .
woaahh..
natapos ko din:')
talagang pinagpuyatan at proud ako inabot ako ng madaling araw..
Antok na ako..
Comment ako mamaya..
Jrard:)
ahahay di ko pala napublish kaninang madaling araw:)
waaaahhh.... natapos ko na second series...
naiyak ako sa love story nila...
kakaiba sa una ang entrada ng kwento..
sabik na akong basahin 3rd series
RedWin!!!!:)
ang ganda-ganda ng story!!kinabahan nmn ako kung bkit di makita c dorbs ah!un pala me surprise ang lolo ko ke red..
ang ganda ng message nung story.^^
-monty
there's a song in this story na talagang nahulog ang loob ko...un ung kinanta ni red sa opening ng 7th bar nila... The Man I Was With You by jimmy bondoc...e2 nga panay patugtog q eh! I just love the message of the song... At nainlove aq ke Red!!!!!!hahaha...
-monty
napakaganda! pati ako nadala at nasurprise ni dorwin! happy for red and dorwin:) very nice author!
:)
maganda ang love story. pero SUPER OA ang last 2 chapter. hindi na sila mga bata para umakto ng ganyan. halatang pinahaba at minadali pa ang kwento kaya lumabas na OA. para s akin lang po itong pananaw. Nagandahan nmn ako s istorya. nag marathon pa ng ako khpon pro diko kinayang tapusin basahin.
jp-lipu
Post a Comment