Dahil nasa mood ako ngayong mag post ay kahit bukas pa dapat
ang schedule ng chapter 22 ay ito na po. Maraming maraming maraming salamat sa
walang sawang pagsuporta nyo sa aking akda at salamat sa mga taong walang
sawang nagbigay ng kanilang komento sa bawat chapter na sina -
Rover, Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R.
J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko
na), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy,
Billy, Ran(Randolf), Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Doormouse (ang cute
nang pangalan), SF GIANTS, Jayson13, Jhe Ehm, Zenkie, Xndr, Beucharist,
Rheinne, Robert_mendoza94@yahoo.com,
rstjr029, J.V, Tam, Fayeng, Dave17,
kianTT, Rei, Sherwin, Louie@DXB, Coffee Prince, Cugertz, Jefofotz (jeffrey
Paloma, Ram, Cedric, kokey (Ayan ah di ko na nakalimutan isama ka :D),
jekxaranza@gmail.com, XNDER, Vinz24, jasper.escamillan, Ian, Ernes aka jun,
Isaac, Kuya Nitro (salamat po sa pagcocomment kahit wala na ako sa BOL.), Lance,
CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa mga Anonymous at Silent Readers
salamat guys.
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works
are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and
requests that in any use of this material that my rights are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Red
“Bakit mo kasi pinagtataguan yung tao?” Tanong ni Mina sa akin nang tuluyan nang makaalis si Dorwin.
Nasa likod lang ako nang bar. Napansin ko kanina ang
sasakyan ni Dorwin kahit na doon nya pinark ito sa malayo. Matagal na rin
kaming hindi nagkikita at ngayon ako naman itong hindi handang makipagusap sa
kanya. Masyado akong nasaktan sa ginawa nya sa akin. Parang naapakan ang
pagkalalake ko sa pambabaliwala nya sa mga ginawa ko.
“Ayaw ko lang syang makausap dahil baka matalo lang ako sa
nararamdaman ko sa kanya.” Sinsero kong sabi.
Napabuntong hininga ito.
“Walang patutunguhan yang ginagawa mo Red. Hindi habang
buhay matatakasan mo sya. By the look of his eyes masasabi kong sigurado na sya
ngayon.” Seryoso namang sabi nito.
“Natatakot na akong sumugal Mins. Binigay ko lahat pero ano ang
napala ko?”
“Sabihin na nating nasaktan ka nya. Why don’t you give both
of you a chance? Alam naman naming mahal mo pa rin sya. Wag mong i-deprive ang
sarili mo Red.” Ramdam ko na sinsero ito sa kanyang sinasabi. Alam ko namang
hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon pati rin mga kaibigan ko.
Natigilan ako sa mga sinabi nya. Oo, hanggang ngayon mahal
ko pa rin si Dorwin at hindi mag babago iyon. Kahit na ako lang ang nagmahal sa
aming dalawa hindi ko pa rin maikakaila na naging masaya ako sa piling nya.
“It’s been a month Red, isang buwan mo na ring tinatakbuhan
ang problema. I know hindi ako tulad ni Carlo at ni Ace na naging malapit sayo
pero nasasaktan ako sa nakikita ko sayo how much more sila?” Malalim nitong
sabi.
Napahawak ako sa mga kamay nito.
“Thanks Mins.”
Hindi mawala sa akin ang mga huling salitang sinabi sa akin
ni Mina. Nakakatatlong bote na ako nang RH naging sandigan ko ito sa loob ng
isang buwang pangungulila ko kay Dorwin. Kanina pa panay ang tawag sa akin nito
pero hindi ko ito magawang sagutin. Nag dadalawang isip parin ako kung dapat ko
pa ba syang kausap gayong pinalaya ko na sya.
Naka ilang subok pa ito hanggang tuluyan na itong sumuko
napagud narin siguro at malamang iniisip nitong wala syang pagasang sasagutin
ko ang tawag nya. Makaraan ang isang minuto ay nakatanggap ako nang text galing
sa kanya. May pagdadalawang isip ko itong binuksan para basahin.
Gulat ang aking naramdaman nung mabasa ko ang text nito sa akin.
Nawala bigla ang tama nang alak sa aking katawan.
Dali-dali akong nagbihis at naghanap nang sasakyan para
tunguin ang bahay nito. Hindi ako mapakali, magkahalong galit at pangungulila
ang aking nararamdaman habang nasa taxi.
Nang sa wakas ay huminto ang taxi sa tapat ng bahay na
naging malaking parte nang buhay ko ay hindi ko maiwasang manlamig at
pagpawisan. Gusto ko mang ihakbang ang aking mga paa ngunit hindi ito sumusunod
sa akin. Literal na nanginginig ang aking mga kamay.
Tahimik ang paligid. Halos rinig ko na ang mga ingay na gawa
nang panggabing insekto. Dahan-dahan kong tinawid ang kalsada at nung nasa
tapat na ako nang gate nito ay nanginginig ang kamay kong pinindot ang door
bell.
Hindi nag tagal ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang
taong laman parin ng aking puso kahit na ilang beses na nya akong nasaktan.
Bakas sa mukha nito ang galak ng makita akong nakatayo sa harap ng gate nya.
Habang dahan-dahan syang papalapit sa akin ay di ko maiwasan ang pangungulila
sa kanya pero naisip ko rin na hindi na dapat. Hindi ako ang mahal nito at
masasaktan lang ako kung ipipilit ko pa ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya ko ito. Ang nasabi ko sa aking
sarili at nagbigay nang malalim na buntong hininga.
“Red…” Alam kong marami itong gustong sabihin sa akin kita
ko sa mga mata nito, pero agad ko itong pinutol. Ayaw ko nang umasa pa
tatapusin ko na ang kabaliwan ko sa kanya.
“Asan sila?” Malamig kong tugon sa kanya. Pilit itinatago
ang aking emosyon.
Tinitigan lang ako nito gamit ang nangungusap nyang mga mata
na para bang nakikiusap na bigyan ko sya nang pagkakataong makapagpaliwanag. Walang
emosyon ang ibinalik kong tingin sa kanya. Napabuntong hininga ito siguro
natunugan na hindi pa ako handang makipagusap sa kanya.
“Nasa loob sila kumakain.” Sabi nito sabay bukas nang gate.
Hindi ko na hinintay na ayain ako nitong pumasok. Nang
mabuksan nito ang gate ay walang anu-ano akong pumasok at dumiretso sa loob ng
bahay.
“M-ma?” Ang kinakabahan kong tawag sa aking ina.
Nang humarap ito sa akin ay doon na tuluyang naglaho ang
galit ko sa kanya pero ang kapalit nito ay ang pagkahabag sa nakita kong
hitchura nang aking ina. Tuluyang umagos ang luhang kanina pa nangingilid sa
aking mga mata. Patakbo kung linapitan
ito at niyakap nang mahigpit. Para akong batang humahangulhol sa kanya.
“Ano ang nangyari sayo ma? Sino ang gumawa nyan sayo?”
Humihikbi kong sabi.
Napaiyak narin ito. Imbes na sagutin ang aking tanong ay
panay sorry ang sinasabi nito sa akin.
Inilayo ko sya nang bahagya para matingnan ang kanyang hitchura
at doon ko malapitang nakita ang mga mga pasa nito sa kanyang braso pati na rin
sa kanyang mukha.
“SINO ANG GUMAWA NITO SAYO?” Ang may kalakasan ko nang sabi
sa kanya. Galit, oo tama galit na galit ako.
“S-si papa kuya.” Ang tugon sa akin nang isa kung kapatid.
Napatingin ako rito at nang ibalik ko ang aking tingin sa
aking ina ay binigyan ko sya nang nagtatanong na tingin.
“Mula nung malugi ang negosyo nya ay sa amin na ng mga
kapatid mo ibinubuhos ni Raul ang kanyang galit. Lagi nalang itong naglalasing
at mas lalo pa itong nalulun sa pagsusugal dahilan para maubos ang lahat ng
ipon namin.” Umiiyak nitong pagamin sa akin.
“PUTANGINA NYA!” Ang galit na galit kong sigaw. Nanginginig
ang kamay kong ikinuyum ang aking mga kamao. Akmang tatalikod na sana ako para
puntahan ang aking amain para papagbayarin sa ginawa nito nang hawakan ako nang
aking ina.
“Anak wag.” Ang umiiyak nitong pigil sa akin. Marahil alam
na nito ang tumatakbo sa aking isipan.
“Hindi! Papatayin ko yang gagong yan! PAPATAYIN KO SYA!” Ang
nagwawala kong sabi. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong galit. Hindi ako papayag
na hindi maiganti ang ina ko.
Mas lalong humigpit ang hawak nang aking ina sa akin. Kita
ko ang pagmamakaawa nito sa kanyang mga mata habang patuloy parin ang pagagos ng
mga luha namin. Kahit na may kinimkim akong galit sa aking ina nung hindi ako
nito ipaglaban sa asawa nya ay hindi ko mapigilang hindi mahabag sa kanyang
sinapit. Napahagulhol nalang ako sa kanyang dibdib dahil sa wala akong magawa
kung hindi ang sundin sya.
“Bakit ganyan ka ma? Bakit nakukuha mo pang ipagtangol ang
lalaking yon sa kabila nang ginawa nya sayo? Bakit hindi mo ako hayaang ipaghiganti
ka?” Ang humihikbi kong sabi sa kanya.
“Hindi para sa kanya anak. Para sayo, alam kong malaki ang
naging kasalanan ko sayo. Hindi ko hahayaang makulong ka dahil lang sa kanya, dahil
lang pinagtangol mo ako. Mas lalo akong masasaktan pag nangyari iyon. Mahal na
mahal kita Red, mahal na mahal kita higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko kay
Raul. Hindi ko lang magawang maipakita sayo dahil sa takot kong ikaw ang
paginitan nya. Patawarin mo ako anak.”
Sa sinabi nyang yon ay muling nadurog ang aking puso. Napakasama
kong anak, imbes na intindihin sya ay nakuha ko pang magbitiw nang masasakit na
salita sa kanya. Hindi ko manlang inisip na baka para din sa akin ang ginagawa
nya.
“Sorry ma.” Ang humihikbi kong sabi. “Sorry sa mga nasabi ko
sa iyo noon.” Dagdag ko pang paghingi ng paumanhin.
Gusto ko mang isama sila mama sa apartment na inuupahan ko
ay hindi ko magawa dahil napakaliit nito. Hindi kami magkakasya sa folding bed
na higaan ko.
“Ma, sa hotel nalang muna kayo nang mga kapatid ko. Bukas na
bukas maghahanap tayo nang matutuluyan para sa ating apat.”
“Hindi mo na kailangang maghanap, malaki naman ang bahay
natin para sa kanila.” Ang nakangiting sabat ni Dorwin.
Napatingin ako sa kanya. Ano
daw? Natin? Ang di ko maiwasang maitanong sa aking sarili.
“Nagusap na kami nang mama mo at na kumbinsi ko na syang
dumito muna sa bahay natin.” Sabi nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti.
“Wag na, nakakahiya naman sa kinakasama mo.” Pasaring kung
sabi sa kanya na ang tinutukoy ay si Niel.
“Oo, nga naman Dorwin di ba nakakahiya sa asawa mo?”
Natawa ito sa tinuran nang aking ina.
“Ang anak nyo po ang asawa ko.” Walang ka gatol-gatol nitong
sabi.
Bakas ang pagkabigla sa mga mukha nang mga kapatid ko at si
mama. Ako naman ay literal na napanganga sa sinabi nito.
Ibinaling ni mama ang kanyang tingin sa akin nang makabawi
ito sa pagkabigla.
“Asawa?” Ang wika nito na para bang hinihingi ang paliwanag
ko.
Hindi ako magkaugaga sa paghahanap nang isasagot sa aking
ina. Lokong abogago to ah! Ang pabulong kung sabi at binigyan ko si Dorwin ng
masamang tingin.
“Ano kasi ma.. uhmm… wait!” Ang nasabi ko nalang sabay hila
kay Dorwin palayo sa kanilang nanunuring mga mata.
“Ano ang ginagawa mo?!” Galit kong sabi sa manihang boses.
“Bakit, totoo namang asawa kita di ba?” Sabay taas nito nang
kamay ko para ipaalala sa akin ang singsing na ibinigay nya na ngayon ay suot
ko pa rin.
Bahagya akong namula at napahiya ngunit agad akong nakabawi.
Hinablot ko ang kamay ko sa kanya.
“Tapos na sa atin ang lahat Dorbs, baka nakakalimutan mong
nakipaghiwalay ako sayo nung gabing lumayas ako sa pamamahay mo.” Kita ko ang
biglang paglungkot nang mga mata nito.
“Kaya mo ba ako pinagtataguan?”
“Oo, dahil ayaw na kitang makita pa. Tama na ang isang taon,
sawa na akong mahalin ka. Hindi na mauulit yon!” May diin kong sabi sa kanya.
Masakit para sa akin ang mga binitiwan kong salita pero iyon lang ang paraan
para tuluyan ng lumayo sa akin si Dorwin. Ayaw ko nang sirain ang relasyon nila
ni Niel dahil lang kinakaawaan ako nito. Hindi awa ang gusto ko mula sa kanya.
Batid kong lubusan ko syang nasaktan sa mga sinabi ko.
Dumaloy ang masaganang luha nito sa kanyang mapupulang pisngi. Hindi ko pa rin
maiwasang hindi masaktan sa tuwing makikita ko syang umiiyak kaya naman
tumalikod na ako sa kanya dahil baka di ko pa mapigilan ang sarili ko.
“Red?” Ang tawag nito sa akin. May pagaatubiling humarap ako
sa kanya.
“Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ulit ako.” Sabi nito
na ikinabigla ko pero hindi ako nagpahalata. Sa halip ay binigyan ko sya nang
isang malungkot na tingin at umiling bago tuluyang tumalikod ulit sa kanya.
“Anak, napagdesisyunan ko na ang gusto mong mangyari.”
Bungad sa akin ni mama nang makababa ako sa hapag para mag almusal.
Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang puntahan ko
sila sa bahay ni Dorwin. Hindi na rin sila doon tumuloy ipinilit ko nalang na
mag hotel kami para na rin hindi na makaabala pa kay Dorwin at para makaiwas na
rin sa kanya.
Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako sa mga huling
sinabi ni Dorwin may parte sa akin na gustong maniwala habang ang isang parte
naman ay sinasabing wag akong magpapadala.
Kahit anong pilit
kong itanggi sa sarili ko ay apektado pa rin ako sa kanya. Nakarami ito nang
dalaw sa amin pero hindi ko sya binigyan ng pagkakataong makausap ako. Lahat na
ata nang alibi nagawa ko na para lang makaiwas sa kanya.
“Talaga ma? Itutuloy ba nating bawiin kay Raul ang bahay
natin?”
Na kwento rin sa akin ni mama ang lahat. Kaya pala sya
binugbog nang magaling nyang asawa dahil pinipilit sya nitong ibenta ang bahay
na ipinundar nang nasira kong ama, pero tumanggi si mama kaya bugbog sarado ang
inabot nya. Nang malaman ko ang dahilan ay napagdesisyunan kong tuluyang
palayasin ang aking magaling na amain sa pamamahay namin. Sinangayunan naman
ito nang dalawa kong kapatid sa awa na rin kay mama.
“Oo anak, nag pa medical na ako kahapon tinulungan ako nang
mommy ni Rome. Handa na akong ipaglaban ka at ang bahay na itinayo nang papa mo
para sa atin.” Maluha luha nitong sabi sa akin.
“Kailangan nalang nating magsampa nang kaso sa kanya at
maghanap ng abogado. Wag kayong magalala may ipon naman ako at hindi ko pa
nagagalaw ang perang ibinigay ni papa. Gagamitin natin ang perang iyon para
makapagsimula nang bagong negosyo.” Nakangiti kong wika sa kanya.
“May abogado na tayo anak. Si Dorwin ang ibinigay na abogado
sa akin ni Ace. Akalain mong abogado pala ang kaibigan mong yon?”
Napakunot ako nang noo.
“A-anong si Dorwin? Di ba pweding iba nalang ang kunin
natin?” Di mapakaling wika ko sa kanya.
“Anak, alam ko na ang tungkol sa inyo ni Dorwin na kwento na
lahat sa akin ni Ace. Naiintindihan kita anak, siguro dahil sa pagpapabaya ko
ay naghanap ka nang pagmamahal sa ibang tao. Minsan ko palang nakausap si
Dorwin pero alam kong mabait ang batang iyon.” Mahaba nitong turan sa akin.
“Ma..” Pinutol nito ang sasabihin ko.
“Alam kong mahal mo sya. Anak kita kaya hindi mo maitatago
yan sa akin. Ang gusto ko lang sana anak ay pagisipan mong mabuti ang magiging
desisyon mo. Kung ano man iyon ay susuportahan ka namin ng mga kapatid mo.
Ganyan ka namin kamahal.” Ito yung hinahanap ko sa kanya. Ngayong ramdam ko na
ang pagmamahal ng isang ina ay di ko mapigilang mapaluha.
“Maraming salamat sa pagintindi ma.” Ang aking sabi sabay
bigay nang isang ngiti.
Ipinagpatuloy namin ang aming agahan. Ang mga kapatid ko ay
maagang pumasok sa kanilang eskwelahan, hindi ako pumayag na huminto sila dahil
sayang, isang taon nalang gragradute na sila nang high school kaya sinabi kong
ako ang susuporta sa kanila sa abot nang aking makakaya. Mahal ko ang mga
kapatid ko hindi rason ang galit ko sa kanilang ama para idamay ko sila.
Sinampahan namin nang kasong violence against women and ang
aking magaling na amain. Naging matagumpay naman ito sa tulong na rin ng
medical certificate na ibinigay ng doctor at sa pagtistigo nang dalawa kong
kapatid laban sa kanilang ama. Si Dorwin ang humawak nang kaso nang aking ina ang
mga kaibigan ko ay ibinigay din ang kanilang suporta.
“Salamat ng marami Dorwin ha, napakalaki nang naitulong mo
sa amin.” Ang sabi nang aking ina katatapos lang naming matanggap ang naging
desisyon ng korte.
“Wala pong anu man iyon.” Nakangiti nitong tugon.
“Doon nalang kayo sa bahay namin mag dinner mamaya.”
Masayang paanyaya nito sa aking mga kaibigan.
“Sure tita. Matagal na rin naming di nakakabonding yang anak
nyo.” Sagot naman ni Tonet rito.
“Attorney, ikaw rin di ka pweding mawala mamaya.”
“S-sige po.” Nakayuko nitong sabi.
“Tara na ma mag gro-grocery pa tayo para sa mga lulutuin
mamaya. Pano guys kita kits nalang tayo sa bahay.” Ang pagsabat ko naman hindi
ko tiningnan si Dorwin.
Tuluyan na kaming sumakay sa taxi. Alam kung gusto ni Dorwin
na sya ang maghatid sa amin pero nahiya itong mag offer sa takot na baka sa
pangapat na pagkakataon ay tanggihan ko sya.
“Ang babait talaga nang mga kaibigan mo. Napaka swerte mo sa
kanila anak.” Ang wika ni mama nung nasa loob na kami nang taxi at binabagtas
ang daan papuntang mall para mag grocery.
“Sila ang naging sandigan ko ma sa loob ng isang taong hindi
tayo magkasama.” Nakangiti kong sabi sa kanya.
“Pasensya..” Agad kong pinutol ang sasabihin nya.
“Ma, wag na nating ungkatin pa ang mapapait na nakaraan.”
Sabay akbay ko sakanya. Ngumiti naman ito sa akin at tumango.
Natapos kaming mag grocery ni Mama at agad na umuwi para
maghanda. Nagtulungan kami sa pagluluto na miss ko ring gamitin ang kusina
namin kaya naman ganadong ganado ako sa pagluluto.
“Beef steak?” Tanong ni mama nang mapansin ang niluluto ko. “Ang
bango! Muhang special yan ah.”
“Paborito ni Dorwin.” Ako man ay nabigla kung bakit ko na
sabi yon. Bumakas ang pilyong ngiti sa labi ni mama at pa sipol-sipol itong
ibinalik ang atensyon sa ginagawang spagette.
Makaraan ang ilang minutong pananahimik nito.
“Alam mo gusto ko sya.” Ang biglang sabi nito.
“Sino?” Takang tanong ko naman.
“Si Dorwin, gusto ko sya hindi dahil hindi nya tayo siningil
kung hindi magaan ang loob ko sa batang iyon.”
“Ah ganun ba? Nga pala ma utusan mo si Marky na bumili nang
RH sabihin mo nasa kwarto ang wallet ko.” Pagiiba ko nang usapan.
“Mahal mo sya?”
Napalingon ako sa sinabi nya.
“May mahal na syang iba ma. Ayaw ko nang ipilit ang sarili
ko.”
Kibit balikat ang isinagot nito sa akin. Ibinalik ko nalang
ang aking pansin sa aking niluluto.
Dumating ang mga kaibigan ko at sa muling pagkakataon ay
nakasama namin si Vincent. Masaya naming pinagsaluhan ang luto namin ni Mama.
Kanina pa ako hindi mapakali dahil hindi pa dumarating si Dorwin. Natapos nalang
kaming kumain pero walang Dorwin na dumating nakaramdam ako nang panhihinayang.
“Bakit kaya hindi dumating si attorney?” Pagsisimula ni
Angela sa usapan.
“Tinawagan ko na pero ayaw sumagot eh.” Sabi naman ni
Vincent.
“Dumaan kami ni Supah Ace sa bahay nya pero mukhang walang
tao.” Sabat naman ni Rome.
Nakaramdam ako nang pagaalala kung saan napunta ang
abogagong yon. Napansin naman ito ni Carlo.
“Bakit hindi mo tawagan pare? Baka sakaling sagutin nya kung
ikaw ang tumawag.”
“Baka may date sila ni Niel.” Tugon ko naman rito gamit ang
boses na nagbibiro, pero sa loob ko ay may kirot akong naramdaman.
“Hiwalay na sila ni Niel.” Simpleng sabi ni Vincent.
Napatingin kaming lahat sa kanya na parang hindi naniniwala.
“Hindi nyo pa alam? Naku, si Dorbs talaga kahit kailan
laging gustong solohin ang lahat. Naghiwalay na sila akala ko nga nagkabalikan
na kayo eh.”
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa aking
mga narinig. Hindi ko rin mapigilang isipin na baka ako ang dahilan ng
paghihiwalay nila.
“Bakit sila naghiwalay?” Panguusisa naman ni Tonet.
“Niel was a jerk. Kaya pala sila pinaghiwalay ng daddy ni
Dorbs kasi may kinakalantari itong ibang lalaki. Galit na galit nga kami nung
malaman namin ito kay Dave eh. Na guilty kami kasi si Dorbs ang sinisi namin
nung hiniwalayan ni Niel si Pauline.” Paglalahad nito sa amin.
“Oh my god. Kawawa naman pala si attorney.” Sabi naman ni
Angela.
“Nope, ang kawawa ay si Niel. Dahil kahit anong pilit nyang
makabawi kay Dorbs ay di pa rin nya nagawang ibalik ang dati kasi iba na ang
mahal ni Dorbs at si Red yon. Halos gabi-gabing nagsusumbong sa amin si Niel
pero lagi lang syang binabara ni Brian.” Pagpapatuloy pa nito.
Mataman lang akong nakikinig. Ang bilis nang tibok ng puso
ko hindi ako makapaniwala na minahal rin pala ako ni Dorwin.
“Si pinsan talaga ang hilig sa mahirapang paraan.”
Napapailing namang komento ni Ace.
“Eh ikaw rin naman wifey gusto mo lagi akong nahihirapan.”
Basag naman ni Rome sa asawa nya.
“Ah ganun? Sige, hindi tayo ngayon magtatabi!” Pikon na
balik ni Ace rito.
“Wag ganun!” At nagtawanan ang buong barkada maliban sa akin
na nasa kalaliman parin ng pagiisip sa aking mga nalaman kay Vincent.
“Ready to give him another chance?” Pagbasag ni Mina sa
katahimikan ko.
Ngumiti ako nang ubod nang tamis sa kanila. “Let’s do it my
way this time.”
Pinagusapan namin kung ano ang mga gagawin naming hakbang
para sa plano ko sa amin ni Dorwin. This time sya naman ang papahirapan ko bago
nya ako makuha ulit. Tatawa-tawa naman ang mga kaibigan ko sa naisip kong plano
at halata sa mga mukha nito ang excitement sa mga manyayari.
“Matagal tagal na rin nating hindi nagagawa ito! Ang last
time eh yung kay Rome at Ace.” Ang wika ni Tonet na halata sa boses ang
kasabikan.
“Tama! Cheers tayo para dyan!” Sabat naman ni Mina.
“Grabe kayo. Talagang papahirapan nyo ang kaibigan ko.”
Tatawa-tawang wika ni Vincent.
“Aba dapat lang noh, pinahirapan nya rin ang kaibigan namin.
It’s pay back time.” Sagot naman ni Angela sa boyfriend nya sabay tawa nang
nakakagago.
Hinatayin mo lang ako
damulag. Ang bigla kong nasambit sa aking isip kasabay ng paguhit ng isang
ngiti sa aking mukha.
Itutuloy
47 comments:
basa mode
Sana nagkaroon ng eksena between Dorwin and Red pagkatapos ng kaso :-)
Anyway, I was surprised about this! Di ko ineexpect ang update na ito. Happy :-)
eeeeeeeeeeeeeeee......malapit na....malapit na ang ending.....LOL....hays.....kawawa naman si dorbs ko....LOL......hay nakku.....sana naman super kilig na sa next chaps.....eheheh
haha,,,anuh naman kaya yung naisip ni Red na plano!!! per,,very nice story,,,,ang ganda -ganda,,hehe,,,ngayon makakatulog na akuh ng maayos kasi alam kong malapit ng magkabalikan ulit sila Red at Dorwin,,,,pero kaalinsabay nito nalulungkot na rin akuh kasi wala na akung aabangan sa susunod pang mga araw kasi malapit na itong magwakas,,,how sad naman!!1 kakatuwa yung mga sandaling mahal na mahal nila ang isat-isa!!! at salamat na rin Mr.Author sa napaka-agang pag-update,,,mukhang nasa mood ka ngayun huh!!! cgeh,,,keep up the good work,,,hehe
Beucharist
Hale great pink 5ive - save ko ang best for last.. Chapter 23 will be the ending of AA kaya try kong bawasan ang conversation ni Red at Dorwin para naman sulit sa chapter 23.. hahahaha
ang ganda ng story mr author- chase
SUPAH LIKE : )
Nyay salamat sa mga comment nyo guys.. nakakatuwa naman at talagang hinintay nyo ito.. :D
Buecharist - naks! di ka talaga papahuli pag naguupdate ako.. nakakatuwa naman^^ salamat sa suporta ah.. APIR!!!
Jhe Ehm - Welcome aboard!! hahaha first time mo mag comment noh? Sayang di na kita makakasama pa nang matagal malapit na rin kasi ang pagtatapos ng storyang ito.. Pero okey lang yon abangan nyo nalang ang susunod kung gagawin :))
Anons - Woi! pakilala naman kayo bago ko ipost ang Special chapter ng AA+TRT ko.. :)
wahahhahahh nanay pla ni red. buti namn ok na sila..... hys sana maayos narin tampurorot ni red at dorwin ano namn kay ang plan ng mga barkada nila... hyssssss exciting.....
kainis..
wahhahhahah buti naman at oky na problem ni red sa kanyang familya...
hysssss exciting ano kaya ang gagawin ng barkadang pahirap kay dorwin hahahahah.. naku tapus na ito...
same.lesson from yestetday....parang co incindence lang ung ngyari kay dorbs at red ahhh...sa chapter na all about dorbs is pinatawad nya ang dad nya tapos on this chapter pinatawad nmn ni red ang mom nya....author diba papahirapan pa nila si atty. dorbs...parang kulang sa isang chaptre ung pay back ahhh...dagdagan mo pa ng isang chapter make it 24 chapter...hehehehe sugestion lng nmn.....
SF Giants - naku tingnan ko lang ang magagawa ko.. balak ko kasing gawing special chapter ang Chapter 24 eh.. :)
J.V - iniisip pa nila kung anong magandang gawin para torture si Dorwin.. hahahaha
isunod mo na rin ang chapter 23
hehehehehehehehe
nice....
Aba may dahilan pala talaga kaya Abogado ang propesyon ni Dorwin... Akala ko nuong una ng malaman kong abogado si Dorwin ay siya ang magiging susi para makuha ni Red yung insurance ng daddy niya na nakalaan sa kanya. Di ko akalaing may twist at kakasuhan pala ng ina ni Red ang amain...nailigaw ako dun ah...
Red and friends wag nio na sanang masyadong pahirapan pa si Attorney/Damulag/Kolokoy/Abogago baka mamaya mabagok ang ulo nian at walang helmet...baka mag-change of heart bigla...hehe
Nice one Mr. Z
wowowowowowoweeeee............... talo mo pa si willie revillame.... hahahahahahah! handa ng chapter na 2.... kakilig basahin.... again and again KUDOS sa author!
Dave17 it0 tlgang c Red pakip0t,wahaha
excited aq x plan0 nila,lst tym kidnapan x res0rt,an0 kya ngaun,lag0t k d0rwin haha..
G0od n ok n c red at mama nya
labzu sir zildjian
bilis ng upd8 ah
Dave17 pde b iextend p,lst chpter n pla ksun0d huhu! Wat nxt series u?pra maabangan nmin
mamimiz q c red0rwin
Nyay! salamat sa mga comments nyo guys! nakakataba naman ng puso na kahit madaling araw na eh may nagcocomment pa rin.. :D
Dave17 - Hindi na ata pupwedi baka maging epic fail pa kung papahabain ko.. yaan mo may chapter 24 naman na special chapter kaya parang dalawang chapters pa rin :D
Dave17 wel abangan q tlga lst 2chpters u.. early m0rning lng freetym q at tym n mbilis net x cp q,d hul day pag0ng n net q eh hehe,bxta il0ve ur st0ry much mwa mwa
xna n lng my b0ok nit0
galing mo zildjian... i can't wait for the next chapter... thanks...
hay.. naku...cry na naman ako...ulit-ulitin ko kayang binasa baka kasi may na miss ako..
super ganda..thanks poh..
sarap talaga ng may mga kaibigan na tutoo...
sarap talaga ng may minamahal at may nagmamahal....
lahat talaga ay may katapuasan sana yung next mo na kwento ay sing-ganda rin nito..
love ko to talaga.....
best regards sa iyo mr. author...
zek,
tulog k pa?
anyways tinapos ko basahin to kanina hbang nagcha-chat tau...
malapit n ung ending...
prang alam ko ung plan ni red... ahehehe..
balit joke la... pkiss daw...
-ICE- xD...
ewan ko ba pero nung nababasa ko na yung nangyari si nanay ni Red e sa isip ko she asked for it..pero buti naman at nagkaayos na sila ni Red. at least, nabawasan na yung dinadala ni Red.
Z akala ko ba may plano si Dorwin para makuha ulit si Red? or behind the scenes siguro un..anyway gusto ko na ring malaman kung ano naman tong plano nila Red kaya next chapter na please :D
ingat sir, keep it up! :)
salamat naman tapos na ang kanilang tampuhan sana magkaayos na sila agad wala ng paligoy ligoy pa
Yrhry an saya..
Magiging ok na kaya tlga? Dana nmn..
Happy happy na ..
Vin
Maraming salamat sa mga comments guys.. hehehe :)
Ice - adi kamamata ko pala lol.. nayakan pak haim na jack piraw ak. hahaha :D
sana nga totoo nang mahal ni Dorwin si Red para maging masaya na din ang takbo ng buhay ni Red. sobrang dami na niyang sacrifices and it is about time that he will experience contentment and happiness.. i really like you zildjian, you never cease to make your readers happy.. thanks for writers like you..
Migs - Thank you.. mabuti naman at napapasaya ko kayo heheh yon ang importante ang ma enjoy nyo ang gawa ko.. :D
Super LIKE... To he highest level... I miss commenting to your page... Thanks for everything... Zildjian...
mabilis na ba talaga ang update nitong story na shock ako haha btw malapit na ang end there's a new story nanaman na aabangan love lots ZILDJIAN!
mangingidnap nanaman ba ulit sila?
ay ano daw!!!! kilig kilig na. hahaha kakaexcite...
naku sana bukas eh asa mood ka ulit magpost para everyday na post mo... everyday na kami magbabasa... :)
love it!!!
woohoho!!!
yun lang.. hahahaha
todo comment nalang ako sa last chapters.. basta supah like ko talaga ang story.. whew lang!
-rover:D
nice one author.
taga_cebu
Ang ganda talaga! May emosyon.... hehehe. sana next chapter na. Nakakakilig Mr. Z. Saludo talaga ako sau. Ikaw na!....
haahhah super hapy talga ako sa episode na ito..ITS PAY BACK TIME..!!!!!!!!!11
salamat guys.
taga_cebu - welcome aboard! hehe
Dormouse - at ikaw ay muling napacomment :D abangan nyo nalang po ang susunod na chapter :) kung ano ang binabalak ni Red :D
paganda ng ganda ang story aylavet! actually mas maganda pa tong kwento na toh kesa kay Rome and Ace eh... kasi dito matured na sila ung kila Ace and Rome nag-aaral pa sila...
rstjr029
bakit wala pa c dorwin?... may ngyari bng masama sa kanya?....
another problem nnman to...
-mars
Ang ganda talaga... its worth the wait.. kaya lang nakakalunkot kase it will end na... sna habaan pa xa.. If only I can have it for hard copy.. hehehe... Galing po ng author..
>Brixon
Brixon - welcome aboard! hehehe
Baka po mamaya ko na i-post ang last chapter nito. abangan nyo nalang po guys.. :D
Hi Zildj!
First time ko mag comment. Pero lam mo, paulit ulit ko kaya binabasa ang mga kwento mo. at itong after all ang talga namang kinahuhumalingan ko. seryoso. at biglang nag-iba ang dating sa akin ng kantang after all. naging fave song ko bigla. makes me smile and shed a tear at the same time. galing mo magsulat. sure there's a lot of room for improvement pero for someone na nagsisimula pa lang, you really got talent there dude! keep the ball rollin! I'll wait anxiously for the big bang ending that you promised. i'll be expecting a lot. hehehe joke.
P.S. Oh, sya nga pala, sana wag mo naman masyado pahirapan si Dorwin. I see myself in his character. Parang ako ang mahihirapan kapag pinahirapan mo cya ng husto. hehehe.
WOW! MUKHANG EXCITING ANG SUSUNOD NA CHAPTER AFTER NG MGA MAKABAGBAG DAMDAMIN NA MGA EKSENA, HE HE HE
ang ganda ng chapter na to..hehehe kaka excite..hehehehe pero naguluhan lang talaga ako sa umpisa ng chapter na to...di ko alam kung saan sila ng uusap, sa bahay ba ni Dorwin, sa bahay nila red o sa hotel, ewan ko lang kung ako lang yung may problema pero yun talaga napansin ko..hehehehe
naguluhan man ako sa umpisa pero enjoy naman...ang galing! nabitin pa nga ako ehh..hahaha
-jojie
naiyak talaga ako sa scene between red at nanay
niya!T_T
pero natawa nmn agad aq nung cnabi ni dorbs na si red ang asawa niya sa harap ng nanay ni red!!haha..un ung gustong-gusto ko ke dorbs...simpleng bumanat pero wagas!haha..
yeheeeyyyy!!RedWin na talaga it..wala ng duda!haha
-monty
Post a Comment