Wednesday, November 2, 2011

After All Chapter 19

Humihingi po ako nang tawad sa mga readers ko dahil na delay ang posting ng chapter 19 na busy kasi mga hallowen party at sa pamilya ko. Sana po ay maunawaan nyo ako. Muli gusto kong pasalamatan ang mga taong walang sawang nagbibigay nang kanilang komento na sina -


Rover, Lilee, Rue (Katanashi no Rue the formless Cat.), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (Great Pink 5ive), Jayfinpa (Ayan na ayos ko na), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, Kristoffshaun, Migz, Icy, Billy, Ran(Randolf), Roman (roohmen), Mike, ICE, Ros Magno, Doormouse (ang cute nang pangalan), SF GIANTS, Jayson13, Jhe Ehm, Zenkie, Xndr, Beucharist, Rheinne, Robert_mendoza94@yahoo.com, rstjr029, J.V,  Tam, Fayeng, Dave17, kianTT, Rei, Sherwin, Louie@DXB, Coffee Prince, Cugertz, Jefofotz (jeffrey Paloma, Ram, Cedric, kokey (Ayan ah di ko na nakalimutan isama ka :D), jekxaranza@gmail.com, XNDER, Vinz24, jasper.escamillan, Ian, Ernes aka jun, Isaac, Kuya Nitro (salamat po sa pagcocomment kahit wala na ako sa BOL.), Lance CUPIDO (Ang makwela kong chatmate) at sa mga Anonymous at Silent Readers salamat guys.


Lance – Every other day po ang posting ko sa bawat chapters pero ngayon na delay ng dalawang araw dahil na busy :D


Jefofotz – PIKA BOOOO!!!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Dumaan ang mga araw, lingo, at buwan nakilala nang mga kaibigan ko ang mga kaibigan ni Dorwi doon ni Angela na kilala si Vincent. Nung una umurong ang dila ni Angela nang hayagang magpakita nang interes sa kanya si Vincent hindi nito alam kung paano magrereact. Napagalaman nalang namin isang lingo matapos ang pagpunta nang mga kaibigan ni Dorwin sa bar na liniligawan na pala ni Vincent si Angela. Sinusundo ito sa bar para magdinner, binibigyan ng flowers at chocolate. Hindi na nagpakipot pa si Angela dahil siguro sa sobrang tagal na nitong naghihintay na may isang taong magpapakita nang interes sa kanya ay sinagot nya ito sa pangalawang lingo. “Grab the opportunity” yon ang sabi nya nung magreact si Mina sa mabilisan nyang pagsagot kay Vincent.


Dalawang lingo matapos ikasal si Kuya Dan, pinsan ni Dorwin ay nagpasya nang bumukod sina Rome at Ace. Pagkatapos nang problema kay Amber ay naging mas malalim pa ang relasyon nang dalawa. Nag trabaho si Rome sa bagong negosyo nang mga magulang ni Ace para makapagsimula silang mabuhay na hindi humihingi sa kani-kanilang mga magulang. Balita ko ay nung una ay nagalangan ang mga magulang nila sa desisyon nang dalawa, pero dahil sa disidido na talaga silang bumukod ay wala rin itong nagawa kung hindi ang suportahan ang mga anak nila.


Sa unang buwan mula nang makita ko ang paguusap ni Dorwin at Niel ay wala akong nakitang pagbabago kay Dorwin tulad nang dati ay linalambing parin ako nito pero biglang nagbago ang lahat. Minsan nalang itong umuwi tuwing tanghalian, hindi na rin ito nagiiwan ng sticky note sa akin. Nung una ay akala ko may problema lang ito sa opisina kaya hindi ko nalang ito pinansin.


Kahit ganun ang naging takbo nang relasyon namin ni Dorwin ay hindi parin ako sumuko. Araw-araw ay pinaparamdam ko sa kanya kong gaano sya kahalaga sa akin kahit wala akong makuhang pagtugon mula rito ay hindi iyon naging dahilan para isuko ko ang nararamdaman ko sa kanya.


Kahit nasasaktan ako tuwing maghahanda ako nang pagkain para sa amin at tinatangihan nya ay hindi iyon naging rason para magreklamo ako. Ayaw kong dagdagan pa ang mga problema nito sa opisina.


Hindi ko na inisip na ang dahilan ng paunti unti nyang pagiiba ay si Niel dahil sa loob naman ng isang buwan hindi nagbago si Dorwin sa akin akala ko tapos na ang lahat sa kanila hangang sa mabalitaan ko nalang mula kay Vincent na hindi na matutuloy ang kasal ni Niel at ni Pualine umatras daw si Niel sa kasal at sinabing may iba itong mahal. Hindi alam nang mga barkada nito kung sino iyon pero ako alam ko na si Dorwin ang tinutukoy ni Niel.


Simula nang malaman ko iyon ay araw-araw na akong balisa, hindi makatulog at hindi rin makakain nang mabuti. Hindi ko maitago ang pananamlay ko tuwing magkikita-kita kami nang mga kaibigan ko pero tuwing magtatanong sila ay agad akong umaastang normal don naman ako magaling ang magpanggap na walang nang yayari.


Napakahirap, napakasakit dahil ni hindi manlang nakwento sa akin ni Dorwin ang tungkol sa pakikipaghiwalay ni Niel sa fiancé nito. Siguro ayaw nitong malaman ko para hindi ko sya pagdudahan.


“Hello?” Ang bungad ko taong nagpabalik sa akin mula sa malalim na pagiisip.


“Wala naman bakit?”


“Masakit ang..” Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil agad ako nitong binara.


“Sige, sige.” Ang nasabi ko nalang bago pinutol ang linya at napabuntong hininga.


Ilang minuto pa ay dumating si Ace kasama si Chad, Carlo at Rome. Sinabi nito kanina na tatambay sila sa bahay gusto ko sanang tumanggi kasi para makapagisa pero mapilit si Ace wala na daw akong magagawa dahil on the way na sila.


“Asan ang mga babaeng hunghang?” Ang biro nang mapagbuksan ko sila nang pinto. Pinilit kong umastang masaya sa harapan nila tulad nang lagi kong ginagawa sa mga nagdaang araw.


“Nandito kami para makipaginuman pero bawal ang girls except sa wifey ko.” Ang nakangiting wika ni Rome.


“Ano kala mo sa akin babae?” Natatawang wika ni Ace sabay batok nito kay Rome.


“Aray! Wifey naman pangatlong batok mo na yan sa akin ngayong araw.” Tampo-tampuhang wika nito.


“Bakit may reklamo ka?” Nakangising banat naman ni Ace.


“May sinabi ba ako?


Natatawa nalang kami sa dalawa parang mga bata lang kung magharutan ang mga ito.


“Puro kayo lakolokohan.” Tatawa-tawa kong sabi. “Bakit banned ang girls ano meron ngayon?” Dagdag wika ko pa.


“Dahil may paguusapan tayong mga boys.” Seryosong wika ni Carlo.


Napatingin ako dito na may pagtataka.


“Mamaya na yan kumuha ka na muna nang mga plato para paglagyan ng dinala naming pulutan. Rome kunin mo ang RH sa kotse.” Parang boss lang kung makapagutos. Sumalot naman ang uto bago lumabas ng bahay.


“Ang ganda mo!” Ang biro ko sa kanya sabay pisil sa pisngi nito na parang nanggigigil.


“Sira! Takot lang yon sa akin.” At tumawa ito nang nakakagago.


“Sino ba kasi hindi matatakot sayo eh halos magkabukol na yung tao kakabatok mo.” Tatawa tawang sabat naman ni Carlo.


Nakakatuwang tingnan na pagkatapos nang mga problemang pinagdaan nang dalawa ay masaya parin sila sa isa’t isa. Nabawasan na ang walang kwentang tampuhan nila nakakapagadjust na si Rome sa ugali ni Ace kung sabagay isang taon na rin ang mga ito.


“Hoy! Yung mga plato asan na? Wala ka nanaman sa sarili mo.” Pagbasag ni Ace sa pagiisip ko.


“Sorry naman! Natutuwa lang ako na masaya na ulit kayo nang boyfriend mong isip bata.” Pagbibiro ko sa kanya.


“Ihampas ko kaya sayo tong case nang RH nang makita mo kung sino ang isip bata.” Sabat ni Rome narinig pala nito ang sinabi ko.


Tatawa-tawa akong pumunta sa kasina para kumuha nang plato at baso. Nagsimula kaming maginuman. Napagusapan namin ang tungkol sa paglipat nila nang bahay tatawa-tawa kami habang panay ang reklamo ni Rome sa pagiging makalat daw ni Ace pati daw mga brief nito ay hindi nilalabhan. Mulang mula naman si Ace sa pambubuking nang asawa nya. Tama nga sila makikilala mo lang nang tuluyan ang partner mo kung nakatira na kayo sa iisang bahay.


“Wag kayong maniwala dyan!” Protesta ni Ace. “Alam nyo bang hindi yan marunong maglaba? Yung mga puting damit ko na linabhan nya, ngayon ay kulay Rainbow na dahil pinagsama-sama nya sa washing machine ang mga dikulor at puti.” Humahagalpak kami nang tawa sa pagbubukingan ng kani-kanilang kapalpakan ang dalawa.


“Ikaw dapat kasi ang naglalaba dahil ako naman ang nagtratrabaho.” Depensa naman ni Rome.


“Bakit di kayo kumuha nang maid?” Sabat ni Chad.


“Ayaw nya sa maid. Natatakot sigurong sya ang magpasweldo.” Tatawa-tawang sabi ni Ace.


“Bakit ako matatakot may monthly allowance naman ako kina mommy at daddy tapos may trabaho na ako ayaw ko lang na iba ang magsisilbi sa wifey ko.” Paglalambing nito na hinalik halikan pa ang pisngi ni Ace.


“Cornetto!” Basag namin sa kanya na tinawanan lang nito.


“Maiba ako pare. San si Attorney?” Biglang tanong ni Carlo.


“Umalis kanina pa.” Matipid kong tugon.


“May problema ba kayo ni pinsan Red?” Seryosong tanong naman ni Ace.


“Wala.”


“Wag kang magsisinungaling sa amin babasagin ko bungo mo.” Pagbabanta nito sa akin.


Hindi ako sumagot sa halip ay tinunga ko ang laman nang baso at binigyan siya nang pilit na ngiti.


“Alam kong may problema ka pare sabihin mo sa amin baka makatulog kami.” Sabat naman ni Carlo.


“Tama si Carlo pare, It’s about time na kami naman ang tutulong. Laki na nang utang namin ni  Supah Ace sayo.” Pagsangayon pa ni Rome.


“Wala naman talaga. Simpleng di pagkakaintindihan lang. Maayos din namin ito.” Pagsisinungaling ko sa kanila ayaw kong ipaalam sa kanila na magdadalawang buwan nang nanlalamig si Dorwin sa akin.


“Nalaman namin mula kay Angela na hindi natuloy ang pagpapakasal ni Niel sa fiancĂ© nito. Alam ko ang tungkol sa naging relasyon ni Niel at Kuya na kwento sa akin ni Ate Claire. Kaya naisip ko na baka si Kuya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nito.” Mahabang sabi ni Ace.


“Alam ko na yon. Matagal na.” Simpleng tugon ko sa kanila.


“At alam mo bang nakita sila ni Chad last night na magkasamang nagdidinner?” Napatingin ako sa gawi ni Chad tumango ito hudyat na totoo ang sinabi ni Ace. Nagulat ako sa sinabi ni Ace mas lalong naghalo-halo ang mga emosyon sa dibdib ko.


Napaisip ako, nagkakaroon na nang mukha ang biglaang pagbabago ni Dorwin sa akin. Napaluha ako sa realisasyon na iyon.


“I know that this is hard for you but…”


“Noong matapos ikasal si Kuya Dan doon biglang nagbago si Dorwin sa akin.” Bigla kong pagputol sa gustong sabihin ni Carlo sa akin. “Para na kaming di magkakilala dito sa bahay. Hinihintay ko nalang na makipaghiwalay sya sa akin.” Di ko maiwasang makwento sa kanila dala nang sama nang loob sa narinig. Kaya pala umaga na syang umuwi si Niel pala ang kasama.


Kita ko ang pagaalala sa mga mata nila. Biglang lumapit sa akin si Ace at yinakap ako napayakap rin ako rito sa sobrang pait at sakit. Ano ba ang nagawa kong mali sa relasyon namin seneryoso ko naman sya bakit di nya ako magawang mahalin? Ano ba ang meron si Niel na wala ako? Kung pero pwedi ko namang i-withdraw ang ibinigay sa akin ng insurance company ni papa ah. Desperadong desperado kong mga tanong.


Ako ang unang bumitiw sa yakapan namin ni Ace.


“Mga pare pwedi nyo ba akong tulungan?” Ang tanong ko sa kanila.


“Sige pare, kami ang bahala kay Attorney, kakausapin namin sya.” Tugon ni Chad na tinanguan nilang lahat.


“Hindi pare, Tulungan nyo akong maghanap nang matitirhan aalis na ako dito. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari. Isang taon kong pinilit na mahalin ako nang buo ni Dorwin pero mukhang malabo nang mayari iyon. Suko na ako hindi ko na kaya.” Hindi ko maiwasang mapaluha.


Bakas sa mga mata nila ang awa. Si Ace ay muling napayakap sa akin.


“Araw-araw para akong sinasaksak sa tuwing ine-ignora nya ang mga paglalambing ko. Kahit ipinaghahanda ko sya nang pagkain ay tinatangihan nya. Kung susubukan ko namang makipagusap sa kanya ay lagi syang nagmamadali di pa man ako nakakapagsimulang magsalita. Ibang iba na sya sa Dorwin na kilala ko noon.” Ang parang bata kong pagsusumbong sa kanila.


“Tama ang desisyon mo pare. Wag mo nang hintayin na pati ang respeto mo sa sarili ay tuluyan nang mawala.” Ang nasabi nalang ni Chad.


Totoo pala ang sabi nila hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao. Isang taon kong ipinaramdam kay Dorwin ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi parin ito naging sapat para ipagkatiwala nya ang puso nya sa akin.


Nangako ang mga kaibigan ko na tutulungan nila akong maghanap nang matutuluyan. Sinabi ko rin sa kanila na ngayong gabi rin ako aalis sa bahay ni Dorwin inalok naman ako ni Carlo na sa kanila nalang muna matulog at bukas nalang kami maghahanap nang bagong matutuluyan ko. Pumayag ako pero sinabi ko sa kanya na tatawagan ko nalang sya, balak ko kasing kausapin si Dorwin bago umalis.


Natapos ang inuman namin na walang imik at malalim ang iniisip ni Ace. Sinabi ko sa kanya na okey lang ako na wag syang magalit sa pinsan nya dahil hindi lang naman ito ang may kasalanan ako naman talaga ang nagpumilit sa relasyon namin kahit na alam kong si Niel parin ang mahal nito. Buong akala ko kasi ay magagawa kong ipalimot sa kanya si Niel.


Pinauwi ko nalang muna sila. Nung una ay ayaw ni Ace, gusto nyang hintayin si Dorwin para kausapin pero napilit ito ni Rome ipinaintindi nito na kailangan namin ni Dorwin ng privacy para makapagusap sa huling pagkakataon.


Nagsimula akong magempaki kinuha ko ang mga damit ko sa cabinet at inilagay iyon sa malaking bag na pinaglagyan ko nung lumayas ako sa bahay. Mapait na ngiti ang gumuhit sa mukha ko sa kamalasan sa buhay. Pinalayas ako nang amain ko na hindi tinutulan nang aking ina at nagmahal ako sa dalawang taong iba naman ang mahal.


Nang tinungo ko ang drawer kung saan nakalagay ang iba ko pang gamit ay napansin ko ang maliit na box na pinaglagyan ko nang mga sticky note na bigay sa akin ni Dorwin noong maganda pa ang pagsasama namin. Doon na ako simulang lumuha habang binabasa ko isa-isa ang mga mensahe ni Dorwin sa tuwing aalis ito na tulog pa ako.


“Anong ginagawa mo?” Ang biglang sabi ni Dorwin.


Napalingon ako sa kanya at agad na pinahid ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Kita ko ang pagtataka nito nang makita ang malaking bag na nasa kama.


“Aalis na ako dito.” Matipid kong sagot sa kanya at tinungo ang bag para ilagay ang mga gamit na nakuha ko sa drawer kasama ang mga sticky note na binigay nya.


“Hindi naman kita pinapaalis dito.”


“Hindi mo nga sinasabi pero pinaparamdam mo naman sa akin.” Sarkastikong sagot ko sa kanya.


Naramdaman ko nalang na nakalapit na ito sa akin at nabigla ako sa sunod na ginawa nito. Ibinalik nito ang mga dami ko sa cabinet.


Kinuha ko ito at muling ibinalik sa bag ko. Pero talagang makulit itong si Dorwin kaya nagsimula na akong mainis.


"Ano ba!" Singhal ko sa kanya habang muling kinukuha ang mga damit kong ibinalik niya sa cabinet.


Nakipag-agawan naman si Dorwin sa mga damit ko. Kung tutuusin para kaming mga batang naglalaro. Yeah naglalaro nga kami ngayon, a game of staying in this relationship and suffer or let it go and be happy.


"Fine!" Sabi ko rito nang hindi ito nagpatalo sa pagkuha sa mga damit ko sa bag.


Lumabas na lang ako sa kwarto since alam ko namang hindi ito papayag na makuha ang mga damit ko. Sumunod ito sa akin at hinawakan ako sa braso.


"Where are you going?" Tanong niya.


"Getting out of your house. Getting out of your life." Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang sambitin ko ang mga huling katagang iyon.


"What do you mean, Red?" May boses na ngayon ko lang narinig sa kanya. Nagsusumamo? I don't think so.


"I'm breaking up with you!" Pinilit kong magpakatatag sa ginawa kong iyon.


"No, you can't do that to me Red! I love you, you love me! Why break up with me?" Ngayo'y dalawang kamay na nito ang nakahawak sa magkabila kong braso.


I can't resist Dorwin's reaction pero kailangan kong maging firm sa desisyon ko to revive myself from total doom.


"I can no longer feel you around." Walang anu-ano kong tugon.



"Then let me make it up to you Red. Please, wag mo akong iwan!" Hindi na nito napigilang lumuha. Nanlambot bigla ang puso ko. Naawa ako sa kanya.


"You don't have to Dorbs." Sabay haplos ko sa mukha niya. "Aalis ako hindi dahil sa hindi na kita mahal. Aalis ako kasi mahal kita and gusto kong makita kang masaya without me in it. Malaya ka na Dorwin."


At tuluyan na akong lumabas ng bahay niya. Parang gripo na umaagos ang mga luha ko. Naguguluhan, nasasaktan, mga naghahalong damdamin sa aking dibdib. Naguguluhan, dahil sa sinabi nitong mahal nya ako, kay tagal kong inasam na sambitin nya ang salitang iyon pero bakit ngayong nasabi na nya ay hindi ko na makuhang mapaniwalaan? Nasasaktan, sapagkat nang lumabas ako nang bahay na iyon ay umaasa parin akong tatawagin nya ang pangalan ko at pipigilan nya ako pero hindi iyon nang yari nakasakay nalang ako sa taxi walang Dorwin na tumawag o pumigil sa akin.


“Napakalaki kong gago!” Ang wala sa sarili kong nasambit dahilan para tumingin ang driver nang taxi sa akin gamit ang rearview mirror ng sasakyan.


Dumating ako sa bar namin. Nandoon pala silang lahat at halatang hinihintay ako. Agad na lumapit sa akin si Ace.


“Bakit ka umiiyak? Ano nang yari?” Walang anu-ano bigla ko itong niyakap at doon humagulhol wala na akong pakialam sa mga taong makakakita sa akin.


“Shhhh.. Tama na.” Pag-aalu nito sa akin.


“Sabi nya mahal nya ako pero bakit hindi ko maramdaman yon Ace? Ano ba ang tumatakbo sa isip ng pinsan mo?” Parang batang tanong ko sa kanya. “Minahal ko naman sya di ba? Ginawa ko lahat para sumaya sya pero bakit ganito, bakit lagi nalang ako ang nagbibigay? Sawang-sawa na ako Ace ayaw ko na.” Dagdag ko pang sabi.


“Hayaan muna nating makapagisip si Kuya kung ano ba talaga ang gusto nya.” Ramdam ko ang pagaalala sa boses nito.


Doon ko na inilabas lahat nang sama nang loob ko. Naginum pa ako kahit panay ang sita nila sa akin. Wala akong narinig na tanong mula sa kanila kahit sa mga babae naming kaibigan ay nakatingin lang sa akin na hindi alam ang gagawin. Inilunod ako ang sarili ko sa alak.


“This is freaking me out! Hahayaan nalang ba natin syang tuluyang masira ang buhay?” Ang narinig kong bulong ni Tonet kay Carlo.


“Tatawagan ko si Dorwin bukas susubukan ko syang kausapin.” Balik na bulong ni Carlo.


“Wag na wag mong gagawin yon tol. Hindi awa ang kailangan ko kung hindi pagmamahal at yon ang bagay na di kayang maibigay sa akin ni Dorwin tanggap ko na yon.” Sabi ko sa kanila.


Hindi na ito nagsalita pa. Ako naman ay patuloy na lumaklak habang iniisip ang mga nangyari kanina sa bahay ni Dorwin. Mahal nya ako? I don’t think so sinabi lang nya yon para hindi ako umalis o baka nga para lang mabawasan ang konsensya nya. Pero bakit iba ang naramdaman ko kanina at tsaka bakit sya umiyak kung nagsisinungaling lang sya? Ang mga tanong na ngayon ay patuloy paring gumulo sa akin isip. Hindi ko mapigilang mapahawak sa aking ulo sa pagkadismaya sa mga katanungang hindi ko mahanapan nang sagot.


Hindi ko nalang namalayan na sa sobrang kalasingan ay nakatulog pala ako sa lamesa. Siguro bumabawi na ang katawan ko sa mga araw na hindi ako makatulog dahil sa dami nang iniisip. Namalayan ko nalang na nasa loob na ako nang sasakyan.


“Matulog kalang dyan gigisingin nalang kita pagnasa bahay na tayo.” Ang rinig kong wika ni Carlo.


“Salamat tol.” At muli kong ipinikit ang aking mga mata umaasang sana bukas iba na ang maging takbo nang buhay ko.








Itutuloy:


59 comments:

kristoff shaun said...

worth it ba ang pag aantay ko para sa story na ito? haha makapagbasa na muna...

Jayzon13 said...

yey! meron na! basa mowd muna. :)

Anonymous said...

waaaaaaaaa.... di ako xur kung ako ng 1st... anyway.... nyc nyc nyc... hehehe... basa muna... ']


gel

Zildjian said...

Ahahahaha mga bantay salakat talaga kayo :D salamat sa mga comments guys.. :D at sorry kung pinaghintay ko kayo.. ^_^

Unknown said...

ano ba yan super wala na haha nagugulo din ako.. btw good job

Lawfer said...

haaay... mag-uusap dw d nman tlaga cla nag-usap >_> anu kya un?
magddrama xa d man lang pinakinggan ang panig ni dorwin? tpos xa mag-eemo ngaun? sarap batukan :(

kristoff shaun said...

INIIMAGINE KO KUNG AKO YUNG NSA KALAGAYAN NI RED SUSME HINDI KO KAAKYANI NKKLK TLAGA HAYYY...

zenki said...

hay ang buhay ni red napakalungkot akin ka na lang hehehehe....

ano na ang mangyayari sa relasyon nila....

tnx mr. author

Anonymous said...

ang bigat sa pakiramdam author.. hindi ako makahinga sa sobrang sakit... huhu
ganyan ba talaga kapag sobra kang nagmamahal?
Red kaya mo yan! Dorwin magpakatotoo ka nga! Nakaka-asar ka na ah!
Da best ka author! ILOVEYOU NA TALAGA! HEHE

/vince24

Jayzon13 said...

parang cra naman to si red, hndi man lang humingi ng explanation kay dorwin, bigla na lang lumayas! hmpft!

buti pa si ace at rome, sweet! hehe

worth it naman ang paghihintay mr author :p

Zildjian said...

Rue - hahaha epekted? Batet? haha tsalamat sa comment Katanashi!


Kristoffshaun - sana worth ang paghihintay mo.


Zenki - may mga ganyan talagang pangyayari sa buhay nang isang tao. Nasa atin nalang yon kong paano nayin hahawakan ang sitwasyon.

j.v said...

Naku pang ilan ba ako hahahahah hysss akala nya si carlo yun pero hindi hnd, si dorwin yun at asa sasakyan sya ni dorwin para ibalik sa bahay nila?

Pink 5ive said...

"I can no longer feel you around." That's a sentence of emotions. :-(

j.v said...

Hyssss pang ilan naba ako nagcomment heheheheh

Si dorwin yun at iiuwi nya na si red sa kanilang nest.. Hehehehehe hyssss kung hnd man talagang kawawa na si red..

Anonymous said...

ang ikli nman..bitin

Zildjian said...

Anonymous - sorry naman hahaha 3k words talaga ang minimum ko bawat chapter.. :D hintay nalang po sa friday.. :)

Anonymous said...

uu nga Z! kala ko maguusap muna sila Red at Dorwin..

pero i understand where Red's coming. di na niya siguro napigilan pa yung sobrang emotional baggage na nararamdaman nya kaya parang bulkan nalang itong sumabog.. lol

i wanna know Dorwin's side..

maraming thanks Z!

-rover:D

RJ said...

waaah napaluha mo ko Z dun sa part na nag-aagawan ng damit si red at dorwin :'(

haist sabi ko na nga ba. though hindi ko pa rin alam kung anong side na dorwin kaya hindi muna ko gumagawa ng conclusion. pero nakita ko na na mangyayari to :( amp ang lungkot naman.

antagal ko to hinintay haha! sembreak pa naman kaya parang ang haba-haba ng oras :D

ang reklamo ko lang sa mga technical na bagay. kelangan mo sir magpa-proofread hehe. minsan okay lang, pero minsan din kasi nakakawala ng moment e hehe

yun lang sir, at sana pala mamaya na mapost yung next chapter. haha jowk lang! :D

take your time. kung ganito ba naman ang bawat chapter na tagos sa dibdib e okay lang po kahit matagal hehe

keep it up Z! ingat :)

Zildjian said...

Rover - ahihihii ganyan talaga eh.. mahirap ang sitwasyon ni Red.


R.J - Sorry naman sa mga typo hahaha.. pino-proof read ko naman eh pero alam mo yon parang automatic nag auto correct sa isip mo kaya di ko minsan napapansin :(

Dark_Nurse said...

Z,


Sorry kung hindi ako muling nakapagcomment kung tama ako sa TRT mo lang ako nakapagcomment at isa lang yon. Na busy kasi ako sa trabaho at ngayon ko lang ulit nabasa ang story mo.


TRT - Grabe ang nangyari kay Ace at Rome napakaganda nang pagkakagawa kahit walang masyadong twist. I was shocked na isang buwan lang akong nawala ay marami kanang taga hanga at marami nang nagcocomment sa mga chapters mo. The ending was very graceful and i commend you for that.


A.A - Nang mabasa ko kanina ang chapter 1 hindi ko na mapigilang hindi tapusin hanggang sa latest update mo. I was expecting na katulad rin ito nang TRT but again i was surprised! Ang ganda nang pagkakagawa kahit may mga typos ka. Each chapter is good at laging may bago until here sa Chapter 19 mo. Ang masasabi ko lang kay Red ay tama ang ginawa nya kung hindi nya ginawa yon for sure pati sarili nya ay masisira. God! ang ganda nang bawat conversation very realistic! Keep it up and more power to you..

jey said...

thanks sa update ng story zildjian. galing mo talaga...

Ross Magno said...

Sobrang nakakaawa naman si Red dito.

Masyado na siyang depressed at pagod na sa buhay.

Parang lahat na lang ng tao ay gusto niyang tulungan at pasiyahin kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili niyang kaligayahan.

Lagi na lang siyang nagpaparaya...

Minsan naaabuso pa ang sobra niyang kabaitan, tulad na lang ng amain niya.

Subalit ayaw niyang ipakita ang kaapihan at lungkot na dinaranas niya dahil ayaw niya ng kinakaawaan at maging pabigat sa iba...

Parang simple lang naman ang nais niya ang magmahal at mahalin rin siya ng tapat.

Sa case naman ni Dorwin nagsilbing “comfort zone” . saving grace...panakip butas...taga-absorb ng problema niya si Red.

Yung tipong isa siyang spare tire na naghihintay lagi sakaling mag-fail ang relationship nito kay Neil.
yun tipong anuman ang mangyari ay laging may taong naghihintay sa kanya sa pamamahay nito na handang ibigay ang pagmamahal na walang kapalit.

Pero minsan ang puso ng taong labis labis na umiibig ay may karapatan ding mapagod at magsawa...

Pero parang may nararamdaman din sa kanya si Dorwin na higit pa sa awa.

tingin ko umiibig na rin si Dorwin sa kanya...

Abangan

russ said...

cant wait for the nxt chapter!!!..sad naman ako di ako kasali huhuhu sa batian portion..

Anonymous said...

nakaka-awa si red,,,,anuh ba kasing nangyayari kay Dorwin,,,pagkatapos iiyak-iyak sya ngayon ng humiwalay na si Red,,,,pero ndi pa naman siguro huli para magkabalikan uli sila,,,hayy naku,,,,

Mr.Author--->sensya na sa mga nasabi kuh nung isang araw,,ndi ko po sinasadya,,,naiintindihan naman kita eh,,,

Beucharist

Anonymous said...

Hay buhay
Ang hirp tlga magmhal
Mixed emotions ka pag nagmahal
Dapt magpakatatag at minsan nagpapakatanga na nadin .. (bitter??) haha

Nakakaiyak nmn
Kawawa nmn c red ..

Vin

Anonymous said...

@ zildjian: yup, may mga circumstances talaga sa buhay natin na akala natin kaya nating harapin...we always look up to ourselves that we can face anything-and that is fooling ourselves! pero pag anjan na yung taong sanhi ng ating pighati, the only thing that happens is that all the hurt that you have acquired for the past months of him being cold to you flashes into your mind and what's worst your friend just saw your love of your life having dinner with this neil so do you think that you can compose and get a hold of yourself? no! actually, keeping your composure is the hardest thing to control. confrontation is the hardest thing for us to face, we don't want reality being slapped into our faces and we are afraid of what that person dearest to us might say. i can understand what red's going through, he was crying and was reading all the notes-sticky notes that dorb's given to him for the months that they have been together-the happy moths that they have been together before dorb's stepped in to the room...so tell me now, how can he talk to him in that state and by just looking at him reminds him of all the happy memories that both of them shared-isn't that torturing to the highest extent?! just thinking about it, kills red already! hanga nga ako kay red dahil ang tatag pa din nya...nasabi nya yung gusto nyang sabihin kahit sobrang devastated na sya!
and btw, i can't blame red for feeling that way, their reltionship was one sided...walang assurance from dorb's na mahal nya rin ito-he never had said it but he showed it(pero it wasn't enough). he waited for many months hoping that dorwin might love him the way he loves him and red's been very vocal of what he feels for dorwin and yeah they have been very happy until neil came back! everything went kaboom!!! and he also saw them talking during brian's birthday, then saw neil kissed dorwin, after the incident...dorwin became cold and neil broke up with his fiance! so, tell me...if your in red's shoes, ano kaya mararamdaman mo? even when dorwin told him that he loves red too-during that confrontation! are you going to believe it?! may be yes...but half of you won't believe it anymore! when the heart gets tired and gets hurt the only thing that it needs is time and space for it to heal and to recover!hahaha chos lang sa comment >.< sobrang nadala lang ako sa kwento at sa comments ;) hehehe

take care always author...at dahil delayed ka sa pag update(walang excuse excuse!!!ho ho) dapat mamaya meron na yung kasunod nito!ahahaha take care and God bless zildjian :)

Billygar said...
This comment has been removed by the author.
Zildjian said...

Russ - waaaaaaaaaaaaaaa?? bakit? dapat nasa batian kita kasi una kayong mga tagapag comment sa akin. naku!!! sorry :( hayaan mo special mention ka sa chapter 20 hihihihi


Beu - Walang kaso sa akin yon.. Di naman ako matampuhing tao lol!


Vin -Bitter? hindi naman vin nagsasabi kalang ng 22o :)

Ross - yay ang haba nang comment :D


jey - you're very much welcome :)

Billygar said...

Waaaah. Napaiyak naman ako dito. Naaawa ako kay Red.. huhuhu...Pati ako nasasaktan. hahaha. Ang galing mo talaga Z. Napaiyak mo ako sa kwento mo. huhuh. ^___^. Keep it up sir!!! Saludo ako!!!

Anonymous said...

hi zildjian alam mo ang daming mali sa spelling ang hirap tuloy intindihin saka parang walang climax sa chapter na toh but still love ko pa rin ang story mo... dapat double tym sa pag update kasi nalate ka sa pag upload.. hehehe...

rstjr029

Migz said...

how can dorwin claim na mahal niya si Red eh two months nga niyang di pinapansin tapos nakikipagdate pa siya kay Neil, so cruel naman ni Dorwin.. It is just right for Red to leave the place and dorwin.. I really feel the pain of Red, and nakakainis lang dahil kung sino pa talaga iyong totoong nagmamahal eh siya pa ang nasasaktan.. very sad ang chapter na ito at very heavy in the heart.. I hope Red finds someone who can truly love him and reciprocate the love that he gives.. Wag na si Dorwin author, di sila bagay ni Red, masyado siyang selfish..

Unknown said...

Quote ko lang ang madamdaming sabi ni Red: "Aalis ako hindi dahil sa hindi na kita mahal.Aalis ako kasi mahal kita and gusto kong makita kang masaya without me in it. Malaya ka na Dorwin." Although simpleng word pero alam mo ang bigat ng dating.Hehehe..

Hug ko na lang si Red!Hehehe.pero seriously hindi madaling umiyak sa tao kung kinokonsensya ka lang unless magaling kang artista. Feeling ko si Dorwin ang gagawa namang ng paraan para magkabalikan sila ni Red. Ewan ko feeling ko lang kasi ay ginagawa ni Dorwin na matapos na sila ni Niel.Iba ang nasesense ko sa balikan nga bang nangyari kay Dorwin at Niel.Hehehe..ewan ko pero sana mali ako.hahahaha.

ramlicious said...

nakaka awa c red as in...ung pakiramdam na parang nanlilimos ka ng pagmamahal...dumating na ako sa point na ganyan..na halos kahit harap harapan k ng nasasaktan eh pinipilit mo pa rin mag hold on kasi mahal mo nga pero sabi ng sa lines kanina "hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao"..minsan kailangan mo din sumuko...susuko hindi dahil sa hindi mo na sya mahal...susuko ka kasi ayaw mong mapalitan na ng galit ung sakit na nararamdaman mo!!..hayz...

Anonymous said...

ouch naman. nasaktan na naaman si red. hays.

rei

FAYENG said...

hayyyyyyyyyyyyyyyyyyys! buhat naman..... pagi-ibig, irog, mahal, sweetheart, darling mga bwusit na terms.... nyahahahahahaha! KUDOS p rin sa writer... :D

Zildjian said...

salamat sa mga comments guys.. nakakataba naman ng puso ang dami na :)



RSTJR029 - sorry kung may mga maling spelling heheh pero atleast na gustohan mo parin :)

Anonymous said...

kelan ko kaya makikilala ang RED ng buhay ko... imagine almost four years na akong single hays nakakalungkot talaga... im still hoping na mahahanap ko na si RED ng buhay ko...

single4life?

Anonymous said...

Sana pinakinggan muna ni Red so Dorwin! Pero kung nangyari baka lumabas din na hindi na talaga mahal ni Dorwin si Red.

Buti na lang at may mga kaibigan si Red na palaging andiyan para sa kanya kahit may mga partner na sila.

- Tam

Lawfer said...

bgla qng naicp na my glit dw skn >_>

mssbi q lng red only saw d tip of the iceberg tas gnun na pgeemo nia :(

Louie@DXB said...

ang lakas mong mam bitin kuya zenkie :P


Louie@DXB

Anonymous said...

Dave17 i cn see myself in red's situati0n,mnsan nkkpg0d ng mgmhal..
Nkakainis k zildjian,pinaghntay u n nga aq,pinaiyak u p q,ambgat kya x pkrmdam..
Gumawa nman xna ng m0ve c d0rwin,pde b ptayin n lng c neil hehe..
Tnx x upd8,m0rep0wer

Anonymous said...

i must admit kua zek, it made me cry! eh kase may mysterious way pang kasabay. ahay! kua u never fail to heal myself, naalala ko sarili ko kay Red! super sakit nyan though nag 6 months kame pero sya paren ang una kong minahal ng buo. kua : )






rooh : )

Gerald said...

thank 4 dis chap.

I can relate sa pains and sentiments ni Rea, yeah 2mos you feel ignored iba n yata un tapos may mga pangyayari p n dapat mong katakutan. I agree s decision ni red to leave the place. Ano ka dyan sa bhay nia display? Have a little respect naman s sarili m dba? you've done ur part. Dont be a marty. If you feel You're being used. Let you free urself. There are so many fish in the ocean.

wizlovezchiz said...

hay Dorwin... nauunawaan kita... sobra :)

SF GIANTS said...

WTF!!!ANO ANG NAGYARI..BAKIT GANOON...ANG BILIS ATA NG MGA PANYAYARI AHH.....I HOPE NA "MAG KAAYOS" PA SI RED AT DORBS....KAYA SIGURO SYA PINIPIGILAN NI DORBS UMALIS NG BAHAY EHH BAKA DAHIL TALAGANG INIWAN NA NI DORBS SI NEIL....MR AUTHOR PAYUHAN KO LANG SILANG DALAWA KASI MAYBE ITS NOT TOO LATE PARA MAAYOS YUNG RELATIONSHIP NILA....

FOR DORBS... SIGURO NGA SA UNA MALI SI RED NA IPAG SIKSIKAN NYA YUNG SARILI NYA SAYO...AND DUMATING SA POINT NA MINAHAL KA NI RED WITH ALL HIS HEART...WALA SIYANG HINIGI NA KAHIT ANO SA IYO..PERO KAY RED ANG INAANTAY NIYA LANG EHH YUNG MAKAKUHA SIYA NG BALIK O SUKLI NG PAG MAMAHAL NYA SAYO...DAHIL SA TOTOO MAHIRAP MAG MAHAL NG ISANG TAO NA ALAM MO MAY MAHAL NA IBA..PERO MAS MAHIRAP MAG MAHAL SA TAONG MAHAL MO NA HINDI KA NAMAN PALA MAHAL....PERO IM SURE YOU HAVE A REASON KUNG BAKIT AND KUNG ANO ANG NGYARI AFTER KUYA DAN'S WEDDING...PERO SANA TALK TO RED....


FOR RED... I KNOW THAT THIS TIME EH NAHIHIRAPAN KA SA MGA NG YAYARI SA BUHAY MO...FAMILY AND LOVE LIFE...PARE ITO LANG YUNG TANDAAN MO...HINDI KAMALASAN YUNG NG YAYARI SA ATING BUHAY...KASI FOR ME LAHAT NG NGYAYARI SA BUHAY KO IS JUST TRIALS FROM ABOVE....THAT SA TAMANG PANAHON MALALAMAN DIN NATIN KUNG BAKIT GANOON ANG NG YARI..BUT YOU ARE STILL THANKFUL KASI ANDYANYUNG MGA TUNAY MONG KAIBIGAN NA HANDA MAG MAHAL SAYO AT PARA MAHALIN MO...PERO SANA GIVE IT A TRY TO TALK TO DORBS....MAYBE HE'S JUST STRESS DAHIL NGA KINUKULIT SIYA NI NEIL...AND IM SURE NA WALANG KINALAMAN SI DORBS...KAYA HINDI NATULOY ANG KASAL NILA NG WIFE TO BE NIYA...ONE SURE THING IS MAHAL KA TALAGA NI DORBS...PERO HINDI LANG NYA IYON PINAKIKITA O PINAPARAMDAM SA IYO..KASI MAY MGA TAONG GANYAN... IM HOPING NA MAGING OKAY KAYO NI DORBS...MAYBE NOT THIS TIME PERO SOON...



Yan na Mr. Author nakapag payo na ako..hehehe..mukang may mga tumaliwas sa payo ko dto sa chapter na ito ahh...hehehe...pero nag payo lng ako...wag sana masamaain nila redd at dorb yun...hehehe kausapin ba daw ang tauhan ng storya...

here'e 1m stars for you..kasi wala akong making pang rate dto ehh kaya yun na lng...keep it up..mr author...more stories and more power to you...till the next chapter..

SF GIANTS said...

approval pa daw! :(

mcfrancis said...

ok na ok ang chapter na ako emotional talaga!!!!!

Zildjian said...

SF - WOW! ang haba! hahaha :)) nice advice po sa kanila :D


Mcfrancis - ahihihihi at last bumalik na din ang sigla mo sa storya.. :D



MARAMING SALAMAT SA MGA COMMENTS NYO GUYS!!! Ang saya saya! :D

Anonymous said...

I uber hate Dorwin in this chapter. I mean all of us dont have that prerogative to use someone as if that person is not a human being. But of course, all stories has two sides. So before pa ko mag-react violently, I want to hear Dorwin's side first. (sana po mamaya na yun. Hihi..)
-icy-

kian said...

what can i say? masakit talagang tangapin ang mga bagay-bagay na sadyang pinilit mong paniwalaan advice ko lng kay red never regret anything kasi wala nman s'yang ibang ginawa kundi ibuhos ang sarili n'ya para magmahal kagyun pa man sana marinig n'ya rin ang side ni dorbs ... naks sino ba kausap ko dito .. whahaha:) LOL's anyway there's alot of way to say i love you ang what matters most is the thought inside those words that felt from deep within.

Anonymous said...

clyde po to


ngeks baka umabot naman yung time na si dorwin na ang maghahanap at hahabulin si red and this time sa perspective naman ni dorwin gusto kong malaman anu ang nasa isip niya at i miss ace yung siya yung nagstostory wal;a alng i just miss it

...job well done po

Ernes_aka_jun said...

ay naku.... nabitin ako sa ending... as usual itutuloy.. buti na lang hindi wakas hahaha...


grabe... tsk... sakit sakit kaya nyan.. lalo na at binigay mo na ang lahat na alam mo tas in the end di pa rin ikaw ang mahal(well as per this chapter ewan lang next chapter)...






have a nice day author

Anonymous said...

naaatat na ako sa susunod na chapter. :) - pilyong popoy

Anonymous said...

dave17 i see myself in red, minsan kkpagod n magmahal
kainis si dorwin, xna ipaglaban nya talaga si red kung talagang love nya

Anonymous said...

mababaw luha ko Zild!!! aga-aga pinaiyak mo na naman ako..weeew

-jojie

Lawfer said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

hayz tgal kong hinintay to. . . pero sobrang worth ung paghihintay. . . kinikilig ako dun sa hiwalayan moment dunno why?!? hahaha

di ko maisip kasi na my lalaki tlgang ganon noh?? hehe

lance. . .

Anonymous said...

naiyak naman ako para kay red..

Anonymous said...

kakaiyak!T_T
i hope ung time na nakita ni chad cna dorbs at neil having dinner ay ung time na nanindigan c dorbs pra ke red..tipong parang ke rome lang nung nanlamig siya ke ace kc nagpanggap na buntis c amber?kc i think sincere nmn c dorbs nung cnabi nya ke red dun sa confrontation scene nila...sana piliin pa rin niya c red kc he's worth it!T_T

-monty

Post a Comment