by: Zildjian
email: zildjianace@gmail,com
RSTJR029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno,
Beucharist, Tam, Dada, Clyde, Russ, Readmymouth, ICY, Drek, popoy_III, Kristoffshaun,
Allure, Ice, Rue at Ram. Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers sa
walang sawa nyong pagbibigay ng komento sa aking akda.
Almondz – Salamat
sa pagmamarathon mo sa The Right Time ko sana ma enjoy mo rin ang sequel nun na
After All.
Jojie – Aasahan
ko ang promise mo ah. Tsalamat in Advance.
Migs – Migy boi
^__^ wala lang gusto ko lang. hahahaha
Jefofotz –
Chhhaaaaadaaannn! Haha wala lang din gusto lang kitang pangalanan may angal?
hkhkhk
DISCLAIMER: This story
is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works
are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and
requests that in any use of this material that my rights are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Katatapos lang nang huling exam ko
abala ako sa pagche-check sa loob nang faculty room habang ang iba kong kasama
ay nasa kani-kanilang last subject pa. Napatingin ako sa relo. Mag aalas syete na pala. Sabi ko sabay
nang pagkalam ng tyan ko.
Sinikap ko munang tapusin ang natitirang sampong papel na
hindi ko pa nagagalaw bago nag decide na umuwi na. Gusto ko nang kumain at
magpahinga dahil sa wala pa talaga akong tulog sa araw na iyon sinadya ko
talagang maging busy para makalimutan ko ang lahat nang bumabagabag sa akin.
Nang nasahuling test booklet na ako at malapit ko nang
matapos ay saka naman ang pagpasok ni Pat, nakangiti ito sa akin.
“Wew! Natapos rin.” Sabi nito. Kita ko ang dala-dalang mga
test papers at blue book na ginagamit ng mga estudyante sa paaralan na yon para
gawing answer sheet.
“Wala ka nang exam bukas?” Tanong ko sa kanya na nakangiti
rin.
“Wala na, pero kailangan kong pumunta parin para asikasuhin
naman ang gym para sa Christmas party ng mga estudyante natin.” Tugon nito sa
akin nang makalapit sa lamesa ako.
“Ganun ba?” Ang nasabi ko nalang at muling ibinalik ang
atensyon sa aking ginagawa.
“Dinner with me tonight?” Biglang paanyaya nito sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang ibig
sabihin nya medyo nagtaka ako dahil wala naman sigurong normal na lalake na
magyayaya nang dinner sa kapwa lalake.
“Your answer?” Sabi pa nito
habang nakangiti.
“Uhmm… T-tayong dalawa lang?” Nagaalangan ko namang tanong.
“Yep! Bakit, wala naman sigurong masama kung magdidinner
tayo together sabi mo kanina kukwentohan mo ako sa dinner date mo last night.”
Simpleng sagot nito.
Hindi ako agad naka sagot. Di ko naman sinasadyang mapa-oo
kanina sa kanya. Nagawa ko lang iyon sa pagkabigla sa ginawa nito kaninang
pagbulong sa akin.
“Hmmm. About that..”
“C’mon a promise is a promise hindi kana pweding tumangi.” Pagputol
nito sa sasabihin ko. Nakangiti, pero halata sa kanyang mga mata na hindi ito papayag
na mahindian. Hindi ko nga lang alam kung bakit intersado syang alamin ang
nangyari sa dinner na hindi naman talaga natuloy kagabi.
“Hindi naman natuloy yung dinner, hindi dumating ang kausap
ko.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Actually totoo naman ang part na hindi na
tuloy kung ang dinner lang talaga ang gusto nyang malaman.
“Ah ganon ba? Sayang naman pero dinner pa rin tayo.”
Pamimilit pa nito sa akin. Wala na akong nagawa dahil ako man ay gutom na rin
sa mga oras na iyon kaya agad kong tinapos ang ginagawa ko at sabay na kaming
umalis sa eskwelahan.
Habang nasa byahe ay tinanong ako nito kung saan ko gusto at
kung ano ang gusto kong kainin. Nagisip muna ako bago sumagot.
“Bar-be-que?”
“Bar-be que? May alam akong place na masarap ang timpla nila
pati yung sauce.”
“Sige doon tayo.” Pagsangayon ko naman sa kanya.
Tinahak na nga namin ang daan para puntahan ang alam nitong
lugar. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito nalang ka bait sa akin ni
Pat. Kung tutuusin naman masyado akong mailap sa kanila maski sa mga usapan
bihira lang akong sumali’t nagkakasya nalang sa pakikinig. Bakit kaya ang tipo
ko pa ang gusto nitong maging kaibigan at maka close ano ba ang meron?
Narating namin ang lugar. Ang daming nakahilirang bar-be-que
stands nag lakad pa kami nang konte at nang matapat kami sa bandang dulong
stand ay sinabi nya sa akin na iyon ang sinasabi nyang masarap. Lumapit kami’t
pumili na, sa katunayan pork lang naman talaga ang gusto ko pero si Pat halos
lahat gustong tikman natawa nalang ako sa kanya. Nag-order din si Pat ng 1.5 na
coke.
“So, wala kang kapatid?” Ang tanong nito sa akin nang
makaupo na kami at hinihintay maluto ang orders namin.
“Wala, ikaw ba?” Matipid ko namang tugon sa kanya.
“Meron, half brother.” Di ko alam kung tama ang nakita ko sa
mga mata nito parang may bahid nang lungkot nang sumagot ito sa akin.
“Ah ganun ba? Girlfriend ba wala?” Pagbibiro ko para maiba
ang usapan.
Natawa naman ito at ngumiti sa akin nang ubod ng tamis bago
sumagot.
“Wala pa, pero may balak akong ligawan.”
Tatango-tango naman ako habang nakangiti.
“Siguro si Chatty.” Ang naisambit ko na ikinatawa naman
nito.
“Hindi si Chatty noh.” Tatawa-tawa pa nitong sabi.
“Eh sino?” Takang tanong ko sa kanya.
“Secret walang clue.” At tumawa nanaman itong muli.
Sa totoo lang nagenjoy akong kausap si Pat masaya syang
kasama, hindi ka talaga mabuburo pag sya ang kasama mo. Makwela, maloko at higit
sa lahat nakakaaliw ang tawa nito parang nakakawala nang problema. Kung kasama
ko sya nakakalimutan ko lahat ng alalahanin ko sa buhay.
Dumating na ang order namin agad kaming nagsimulang kumain.
May mga mangilan-ngilan na napapatingin sa amin may mga estudyante rin namin
kaming nakita at bumati sa aming dalawa. Nagagawa pang makipagbiruan ni Pat sa
kanila habang ako ay nakangiti lang.
Habang kumakain ay pinagpatuloy namin ni Pat ang kwentohan.
“So, mag-isa kanalang ngayon sa buhay ganun?” Ang sabi nito
matapos kung maikwento ang pagkamatay ng mga magulang ko. “Ang lungkot rin pala
nang buhay mo.” Ang dagdag pa nitong sabi.
Nagtaka naman ako sa huling sinabi nito parang ibig nyang
sabihin na malungkot rin ang buhay nya na taliwas naman sa ipinapakita nito sa
amin sa opisina.
“Bakit rin? Hindi ka naman siguro nag-iisa sa buhay.” Takang
tanong ko sa kanya.
“Mahabang kwento kung ikukwento ko sayo ngayon baka abutin
tayo nang pasko.” Ang wika nito sa sabay tawa.
“Madaya ka. Ako nga nagkwento ako sayo tapos ikaw hindi.”
Tampu-tampohan ko namang sabi. Ewan ko ba pero parang gumaan ang loob ko nang
makwento ko ang ilang bahagi nang buhay ko sa kanya kahit kulang.
“Next time promise ako naman.” Ang nakangiti nitong sabi sa
akin sabay kindat.
Nagtaka ako kung para saan iyon siguro masyado lang akong
defensive alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ako straight tulad nya kaya
siguro kahit na natural na gesture ay binibigyan ko agad ng kahulugan.
“Natahimik ka bigla.” Pagpansin nito sa akin.
“Wala naman. May iniisip lang ako.”
“Ano naman yon?” Nakangiti nyang pangungulit. Natawa ako
nang bahagya sa hitchura nito bahagya pa nyang inilapit ang kanyang mukha sa
akin na para bang intersadong intersado na malaman ang isasagot ko.
“Parang kang ewan.” Ang nasabi ko nalang sabay tawa.
Bigla naman itong sumeryoso kaya napatigil ako sa pagtawa.
“Bakit?” Takang tanong ko sa kanya.
“Wala naman. Mas gusto ko lang na nakikita kang nakatawa
kesa naka simangot.” Ang sabi nito sabay ngiti.
Umakyat ang dugo ko papunta sa aking mukha at agad na namula
napayuko ako para itago ito sa kanya. Pero hinawakan nito ang baba ko para i-angat
ang aking mukha.
“Wag kang mahiya totoo yon.” Sabi pa nito.
Pa simple akong lumayo para matanggal ang kamay nito na
nakahawak sa aking baba malaking problema kung malalaman nya ang tunay kong
pagkatao at baka ma tsismis pa kami ng mga estudyante na nasa isang lamesa lang.
“Mag bayad na tayo.” Pagiiba ko nalang nang usapan at agad
na tumayo para bayaran ang in-order namin ngunit maagap nitong nahawakan ang
kamay ko.
“Ako na ang magbabayad tutal ako naman ang nagyaya eh.” Sabi
nito.
‘Wait mo nalang ako
tutal patapos na ang klase namin.’ Ang nareceived kong text back ni Alfie nang
sabihin ko sa kanya na sa karenderya ko nalang sya hihintayin katatapos lang
kasi nang klase namin.
Hinintay ko na nga sya
kahit na pinipilit ako ni Ralf at ng mga klase ko na sa kanila na sumabay dahil
gusto kong makabawi kay Alfie sa di ko pagsabay sa kanya kahapon. Nasa may
pasilyo lang ako nag hihintay sa pagdating nya.
Ilang minuto rin ang
itinagal nang paghihintay ko at sa wakas ay nakita ko na si Alfie na nalalakad
papunta sa akin na nakangiti. Napangiti narin ako sa kanya.
“Buti naman ako ang
napili mong makasabay ngayong lunch.” Ang sabi nito nang makalapit sya sa akin.
“Eh ikaw naman lagi
ang kasabay ko pwera lang kahapon biglaan kasi ang pagyaya sa akin ni Claude
kaya di na ako nakatangi pa.” Nakangiti kong wika sa kanya.
“Akala ko kasi hindi
na kita ulit makakasabay mag lunch since na uhmm.” Ang sabi nito na sinadyang
hindi bigkasin ang huling salita.
“Anong uhmm?” Takang
tanong ko sa kanya.
“Since na may manliligaw
kana.” Ramdam ko ang lungkot sa boses nito.
“Ano ka ba, naniwala
ka naman.” Tatawa-tawa kong sagot pero deep inside medyo nakaramdam ako nang
konting kilig nang muling maalala ang hayagang paganunsyo ni Claude na
liligawan nya ako.
“Hindi sya mukhang
nagbibiro.” Wika naman nito na parang may tampo na ewan. Di ko tuloy maiwasan
tanungin ang sarili ko kung ano ang mga tumatakbo sa isipan ni Alfie.
“Wag mo na pansinin
yon. Tara na kumain na tayo nagugutom na ako.” At sinimulan ko na ngang
humakbang para hindi na sya makapagsalita pa.
Nang marating namin
ang karenderyang paborito nang lahat ng estudyante sa campus na yon ay bigla
namang nastatwa si Alfie sa may pintuan.
“Oh bakit?”
Nagtatakang tanong ko.
“Ang daming tao sa Jollibee
nalang ulit tayo kumain.” Ang tugon nito.
“Huh? Eh wala na akong
pera di pa ako binibigyan ng allowance ni mama.” Pagtutol ko naman sa ideya
nyang iyon.
“Ako na ang bahala
libre nalang kita.” Nakangiti nitong sabi sabay hila sa akin. Wala na akong
nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.
Medyo may kalayuan din
ang Jollibee mula sa eskwelahan namin kaya naman sumakay kami nang jeep.
Tagaktak ang pawis ko dala nang sobrang init.
“Wala ka bang panyo?”
Ang tanong ni Alfie sa akin.
“Wala, nakalimutan ko
mag dala sa sobrang pagmamadali.”
Nabigla nalang ako
nang dukutin nito sa kanyang bulsa ang kanyang puting panyo.
“Ito, gamitin mo
nalang ang panyo ko di naman ako pawisin eh baliktarin mo nalang.” Nakangiti
nitong sabi.
May pagaatubili ko
itong tinanggap ayaw kong mapahiya sya lalo na sa mga sakay ng jeep na
nakarinig sa usapan namin.
“Salamat ah.” Nakangiti
kong wika. Tango naman ang isinagot nito sa akin.
Nawewerduhan ako sa
gestures na ipinapakita sa akin ni Alfie sobrang lambing at sweet nito sa akin
parang nanliligaw na ewan, pero siguro sadya lang talaga itong ganun kaya
ipinagkibit balikat ko nalang.
Nang marating namin ay
ang Jollibee ay sinalubong naman kami nang mahabang pila. Si Alfie na ang
pumali at ako naman ay pinaghanap nalang nya nang mauupuan namin at baka daw
maubusan pa kami. Ukupado na lahat ng upuuan at lamesa sa 1st floor
kaya sinubukan ko sa 2nd floor at swerte namang nakahanap ako nang
vacant.
Tulad nga nang
napagusapan namin ni Alfie, doon ko nalang sya hinintay tenext ko sya na nasa
second floor ako. Hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa pagkakaupo nang biglang
mag ring ang aking telepono. Napakunot noo ako nang makitang number lang ang
tumatawag sa akin. Atubili ko itong sinagot.
“Helo sino to?”
“Asan ka? Sabay ulit
tayo mag lunch katatapos lang nang klase namin.” Ang sagot nang isang pamilyar
na boses.
“C-Claude?”
“Oo, ako nga to. Bakit
wala ka dito sa karenderya?” May bahid nang pagkadismaya nitong sabi.
“Dito kasi kami ni
Alfie sa Jollibee dami kasing tao kanina dyan sa karenderya.” Di ko alam kung
bakit ako nag papaliwanag sa kanya kusa nalang itong namutawi sa aking bibig.
“Ganon ba?” Ramdam ko
ang disappointment nito. “Anong oras kayo babalik? Akala ko pa naman
makakasabay ulit kita ngayong lunch.”
“Hindi ko alam wala na
kasing klase si Alfie after nito at alas tres pa ang sunod kung klase.” Tugon
ko naman sa kanya.
Rinig ko ang malalim nitong
buntong hininga sa totoo lang medyo nakaramdam ako nang awa. Pero hindi ko
naman pweding basta nalang iwan si Alfie.
“Sige.” Ang matamlay
nitong sabi.
Nakonsensya naman ako
at agad na nagisip nang magandang ideya para makabawi sa kanya. Ewan ko ba pero
ayaw ko talaga na may nalulungkot lalo pa’t ako nang dahilan.
“Ganito nalang.”
Umpisa ko alam ko kasing hindi pa nya pinuputol ang linya dahil rinig ko pa ang
ingay nang ibang mga estudyante sa loob ng karenderyang iyon. “Bar-be-que
nalang tayo mamaya after nang mga klase natin sa hapon.” Sinadya kung hindi
palabasing dinner na namin yon dahil ayaw kong isipin nya na kumakagat na ako
sa kung ano mang kalokohan at trip meron sya hindi parin kasi ako makapaniwala
na seryoso si Claude sa sinabi nyang panliligaw.
“Talaga?” Nag iba
bigla ang tono nito mula sa pagiging matamlay ay naging magiliw at excited ito.
“Ayaw mo di wag.” Biro
ko namang sagot.
“Sino nag sabing ayaw
ko nang maupakan.” Ganting biro rin nito. Tumawa nalang ako at nagpaalam na sa
kanya napansin ko kasi si Alfie na palinga-lingang hinahanap ako.
“Ang dami naman nitong
in-order mo.” Ang naisambit ko nalang nang makita ang mga dala nya. May
dalawang large fries, large coke, swirly bitz, burger, apat na extra rice at
tig dadalawang manok sa amin.
“Yung iba snack natin
habang nag kukwentohan tayo tutal mamaya pa naman ang klase mo kaya tambay lang
muna tayo dito.” Nakangiti nitong sabi sa akin.
Buti nalang pala at
hindi ako nangako nang oras kay Claude dahil kung hindi paniguradong hindi ko
matutupad. Sinumulan na naming kumain ni Alfie habang nag kukwentohan tungkol
sa nang yari sa kanilang subject kanina. Masaya naman akong nakikinig at
nakikitawa sa mga kalokohan nila nang mga classmates nya hanggang sa umabot
kami sa seryosong usapan.
“Lance, kung tututuhanin
ba ni Claude yung panliligaw nya sayo may pag-asa ba sya?” I was caught off
guard sa tanong nyang yon sa akin. Na tahimik ako dahil maski ako hindi ko alam
ang sagot.
“Okey ganito nalang.”
Ang sabi pa nito nang walang narinig na pagtugon mula sa akin. “Uhmm.. K-kung..
Kung ako ba manligaw sayo may pagasa ba ako?”
Doon ako pinagpawisan
sa tanong nyang yon. Kahit fully air-conditioned ang fast-food chain na iyon ay
hindi ko maiwasang pagpawisan. Napatingin nalang ako sa kanya.
“Example lang naman
yon. Wag ka namang masyadong seryoso.” Sabay tawa nito. Nakahinga naman ako
nang maluwag. Ako man, kung mangyayari man na manligaw sa akin si Alfie hindi
ko alam ang gagawin dahil napalapit na rin ito sa akin at kung ako ang
masusunod pipiliin ko ang relasyon na alam kong magtatagal kami. Mabuting tao
at kaibigan si Alfie pero hindi ko nakikinita ang sarili ko na magiging kami.
Ewan ko ba ang gulo!
“Natahimik ka bigla
Lance?” Pagbasag nito sa pagiisip ko.
“Sorry naman. Ikaw
kasi eh na bigla ako sa mga pinagsasabi mo.” Sabay ngiti pero epic fail dahil
imbes na ngiti ay napangiwi ako.
“Ikaw talaga. Binibiro
kalang sineryoso mo naman agad.” Sabi nito at muling ibinalik ang kanyang
atensyon sa pagkain. Ganun na rin ang ginawa ko ipinagpatuloy ko nalang ang
pagkain.
Naging okey naman ang
sumunod naming topic dahil tungkol ito sa mga paborito at mga ayaw ni Alfie.
Doon ko napaglaman na takot pala ito sa palaka tatawa-tawa pa ako habang
kinukwento nito sa akin ang dahilan ng phobia nya. Noong bata pa raw sya ay na
pagtripan nang kuya nya na lagyan ng palaka ang short nya sa sobrang takot ay
nagsisigaw daw sya habang tumatakbo dahilan para hindi nya mapansin ang
aparador nila at na bangga daw nya ito para daw syang bolang tumilapon sa lakas
ng impact. Ang lakas nang tawa ko halos pagtinginan kami nang ibang kumakain.
Marami pa kaming
napagusapan ni Alfie hanggang sa maubos namin ang lahat ng binili nya at
magdesisyong umalis na sa lugar na iyon. Magkaiba ang sasakyan namin ni Alfie
dahil ako ay pabalik na nang school habang sya naman ay uuwi na sa boarding
house nya. May mga project din daw syang kailangang tapusin.
“Dito!” Ang may
kalakasang sabi ni Cluade nang matapat kami sa isang grill house. Ito ang pinag
dalhan nya sa akin. Napalunok naman ako nang laway dahil mukhang mahal sa
hitchura palang ng lugar. Iba kasi ang nasa isip ko nang sabihin kong mag
bar-be-que kami yung pang masa lang pero itong lugar mukhang pangmayaman wala
pa naman akong sapat na pera.
“Okey kalang?”
Pag-agaw nito nang aking pansin dahil natulala pala ako.
“Hah?”
“Hala wala sa sarili.
Sabi ko dito na tayo masarap dyan sigurado akong magugustuhan mo. So, tara na?”
Sabay bukas nito nang pintunan ng sasakyan nya.
“Sandali.” Ang
pagpigil ko dito’t hinawakan sya sa kanyang kaliwang kamay. Napalingon naman
ito sa akin na may pagtataka.
“Claude ano kasi
w-wala akong masyadong perang dala mukha pa namang mahal ang napili mong lugar
akala ko kasi don lang tayo sa mura.” Pagsasabi ko nang totoo mabuti na ang
ganun kesa mamaya mangapa ako nang ibabayad.
“Asus yon ba ang
bumabagabag sayo? Don’t worry my treat.” Nakangiti nitong sabi sa akin.
“Hindi naman ata patas
yon. Ako ang nagyaya so dapat ako ang manlilibre.” Ang nahihiya ko pa ring
sabi.
“Okey na sa akin na
kasama kita. So, lets go?”
Wala na akong nagawa
kung hindi ang tumango sa kanya naisip ko nalang na ambagan ang babayaran nya
mamaya kahit na hindi na ako mag lunch bukas.
Pumasok na nga kami ni
Claude sa loob ng grill house na iyon. Di nga ako nagkamali halatang may mga
kaya ang mga taong nan doon sa hitchura palang at pananamit mahahalata mo na.
Iginaya kami nang waiter sa isang lamesa na pangdalawahan at may ibinigay sa
aming menu. Ito ang pinaka unang pagkakataon kong makapasok sa ganitong klaseng
lugar mula sa table setting hagang sa decoration ay pang mayaman. Nang tingnan
ko ang menu ay nanlaki ang mata ko napaka mahal ng bawat order nila
nakakapanlumo.
“Lance, may napili ka naba?”
Tanong sa akin ni Claude.
“Pwedi bang ikaw
nalang ang pumili.” May bahid nang pag-aalala kong sabi. Sa totoo lang hindi ko
kilala ang mga pagkain na nasa menu nila.
“Sige.” Tugon nito
sabay ngiti.
Sinabi na nga nito sa
waiter ang napili nyang pagkain at nang makaalis ito ay agad akong nagsalita.
“Claude masyado naman
atang mahal dito. Sana sa Jollibee nalang tayo marami pa tayong mabibili doon.”
Ang nagalala kong sabi.
Natawa naman ito sa
akin.
“Okey lang yan.
Special sa akin ang gabing ito kaya dapat lang na nasa espesyal na lugar tayo.”
Nakangiti nitong wika sabay kindat sa akin.
Agad akong napayuko
dahil biglang naginit ang magkabila kong pisngi ayaw kong makita nya na namula
ako sa ginawa nyang pagkindat sa akin.
“Wag mo nang itago
yang pamumula mo nakikita ko pa rin.” Ang sabi nito sabay tawa.
“Kainis ka naman
nahihiya na nga ang tao dinagdagan mo pa.” Maktol kong sagot.
“Ikaw kasi. Bakit ba
kasi ayaw mo pang aminin sa akin na gusto mo rin ako. Ako nga umamin na sayo
eh.”
“Ayan na naman.
Umandar na naman ang kayabangan mo.” Nakataas ang isang kilay kong sabi.
Tinawanan lang ako ni gago.
Dumating ang order
namin. Amoy palang masasabi mong masarap na.
“Wow paniguradong masarap to.” Ang naibulalas ko takam na takam sa nakikita kong nakahain na pagkain.
“Yep! Kumain kalang
nang marami para tumaba ka at mas lalo pang maging cute.” Sabi nito kahit hindi
pa nakakaalis ang waiter. Pinandilatan ko naman sya at suminyas na naririnig
sya nang waiter.
“Sya ang liniligawan
ko pre.” Sabi pa nito sa waiter. “Ang cute di ba?”
“Gago!” Mahiya-hiya kong
sabi na tinawanan lang nya. Nang tingnan ko naman ang waiter ay nakangiti lang
ito sa akin.
Nang makaalis si
mamang waiter ay sinimulan na naming kumain ni Claude totoo nga ang sabi nito
napaka sarap at tama lang ang pagkaka luto nang Steak at ang sauce nila ang
sarap din pwedi nang gawing ulam. Konteng kwentohan ang naganap sa aming dalawa
puro papuri lang sa ulam ang sinasabi ko habang si Claude naman ay masaya akong
pinagmamasdan.
“Rence.. Rence..” Ang mahinang sambit nang isang pamilyar na
boses sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata.
“C-Claude?”
“Sinong Claude? Ako to si Pat. Nananaginip ka siguro.”
Nakangiti nitong sabi.
“Pat?” Napaupo ako nang tuwid. “Asan tayo?” Pupungas-pungas
kong sabi, nagpalinga-linga pa ako na para bang tinitingnan kong nasaan ako.
Bahagyang natawa si Pat sa akin.
“Nasa tapat na tayo nang bahay mo. Nakatulog ka habang nasa
byahe tayo.”
Doon ko napagtanto na nasa tapat na nga kami nang bahay ko.
Nakatulog pala ako sa sasakyan nya habang pauwi. Dala siguro nang walang tulog
at pagod na rin.
“Sorry Pat pagod lang. Tara pasok ka muna nang makapag kape
ka.” Paanyaya ko sa kanya.
“Naku hindi na. Mag pahinga ka nalang, kita nalang tayo
bukas sa school.”
“Pasensya na talaga. Ang huli kong naalala nagkukwentuhan
tayo di ko namalayang nakatulog na pala ako.”
“Okey lang yon I understand. Oh siya sige pasok kana.”
“Salamat ulit Pat at ingat sa pagmamaneho.” At tuluyan na
ako lumabas sa sasakyan nya. Bumusina pa ito tanda nang pagpapaalam at umalis
na.
Ano ang nangyayari? Bakit
pati sa panaginip ibinabalik ako sa nakaraan. Ang di ko maiwasang maitanong
sa sarili bago tinungo ang pintuan ng bahay ko.
Itutuloy:
20 comments:
Hahayz nc chapter Z...
Hmm may phobia di aq zah palaka ahaha parehas kami ni alfie lol...God Bless Z!
yes!! update again!!!
exciting masyado ang mga nangyayari!! paano kaya namatay parents ni Clyde?? hmmmm??
can't wait!!
oh my haha im so excited for the next one anu kaya ang nangyari sa past ni laurence? hmmmm..
hhhmmm. ang sweet ni pat...kinikilig ako sa kanila. hahaha..
ganda ng daloy ng kwento, mging mga pangungusap ng bwat tauhan... d q lng tlaga maicp kung my damdamin bng kalakip ang kwento kc ewan q lng, d q kc madama... bkt kya?
ampalaya, hbng cnusulat m b to my nraramdaman kbng isinasalin d2 o pawang likot lng tlaga ng kaisipan?
Rue - hahaha ewan ko lang kung may damdamin ba ako dyan habang sinusulat yan :)) basta ang alam ko kailangan ko itago lahat para sa isang bagsakan :))
billygar - hehehe :D si pat tlaga ang center of attraction d2 noh? :P
Shaun - Abangan nyo nalang po :))
Dada - si Jefofotz din takot na takot yon sa palaka. wahahahaha
yehey may update na.. kaso ang iksi naman hehehehe.. habaan mo naman next tym zildjian. thanks...
rstjr029
I therefore conclude na lahat ng mga main protagonist sa mga gay romance story ay...(eto ba dapat ang rules para maging bida?)
1. may pagkatanga
2. sobrang sensitive na minsan ay wala na sa hulog. minsan sila na ang dahilan o gumagawa ng conflict sa story
3. at ang panghuli sobrang 'haba ng mga hair'. lahat na lang ng lalaking may magandang katangian ay nahuhumaling sa kanila at pinag-aagawan pa..wew
kakainis kasi...
kakainggit haha...
nakakakilig naman nito Mr.Author, hehe,, ang galing mo talaga,, the best,,, pati na rin ung chapter 5,, nakaka-baog ang ganda ng kwento,, kailan kaya ulit sila magkikita ni Clyde,,, hayy,, sa susunod ulit,, goodluck
Beucharist....
nice chapter kuya Z...
kaLa ko ng.dedaydream c rence...
un pLa, panaginip nah...
hahaha!!...
gaLing!!!...
kuya Z, kaiLan LaLabas c cLaude?...
at nsaan c aLfie?...
hehehe...
sensya nah, na.eexcite nah aku sah story eh...
peace (^^,)v
-edrich
edrich - malapit na po syang magpakita abangan nyo nalang po.. :D
Beucharist - Thank you Beu ehehe..
Ross Magno - lol! hahaha talagang may isinulat kapang nalalaman ah :D
hehehe ako po'y nabitin :D
at akala ko talaga si Claude na nga yung gumising kay Laurence. sa totoo lang, ganitong klaseng kwento yung mga paborito kong basahin — yung may pagka-"brooding" yung protagonist.
hindi ko na mahintay kung ano kalalabasan nito. kasi, yung TRT at AA, alam mo talaga na sa huli, magkakatuluyan yung mga bida. pero ito, hinde. bawat chapter so far puro development. ang sarap basahin, at the same time, nakakabitin talaga haha!
ang galing Z. keep it up!
anu paba masasabi ko?.. edi good job..lol
-ram
ang ganda! May bago n nman ako aabangan.
@zildjian, lagyan mo po ng mark between past and present nkakalito po kasi, haha!
--ANDY
natawa ako kay ross magno! Haha! Pero agree ako sa conclusion nya.
--ANDY
Andy - Welcome aboard hayaan mo at may naisip na akong paraan para hindi kayo malito sa present at past hehehe :)) salamat sa pag comment..
hhehehe mas naging ka.abang abang talga every episode zildjian
Sa work ko pa talaga binasa tong chapter na to.. Haha! Can't wait for the mystery to be unfold.. Sorry di ako masyado makapag-comment. Busy lately eh..
-icy-
naks ha... dinner date nila pat at laurence....hay naku laurence isang sign yan na may gusto si sir pat s u...at malamang na madevelop ito sa tunay na pag ibig nya s u...hay haba ng hair mo... he he he
ramy from qatar
napakasweet nmn ni claude nung nanliligaw pa lang siya ke rence!haha..kahit ako kikiligin ng sobra eh..hihi..
at nacu-cute-an ako sa pagflashback ng author...^^
_monty
Post a Comment