Tuesday, June 23, 2015

9 Mornings Book2: Chapter 28



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories

Author's Note:


Kamusta kayo mga paps! Ang tagal ko yatang natigil sa pagsusulat na halos inakala na ng iba na patay na ako at di na masusundan ang kwentong ito. Masyado lang talaga akong naging uber busy sa buhay pero huwag kayong mag-alala. Nagbabalik na ako para tapusin ang lintik na kwentong ito. HAHA


ENJOY READING Y’ALL!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





Matapos maibahagi ng ama ni Brian ang lahat-lahat tungkol sa nakaraan at kung bakit ganoon na lamang kung suportahan ng kanyang ina ang mag-amang masasabi niyang sobra niyang kinamumuhian, ay hindi na niya alam pa kung ano ang kanyang dapat maramdaman. May ilang minuto na rin siya nitong iniwan mag-isa sa kanyang kuwarto para siguro hayaan siyang makapag-isip.


Naguguluhan siya na animoy para siyang bumalik sa edad na singko kung saan kailangan siyang gabayan kung ano ang tama at mali. Gusto niyang intindihin ang kanyang ina. Pilit niya iyong hinahanap sa kanyang puso subalit imbes na pagpapatawad at pag-intindi ang kanyang mahanap, ay galit ang nangingibabaw sa kanya, dahil wala ni isa sa mga ala-alang meron siya kasama ito na nagpaka ina ito sa kanya.


‘She was never been a mother to me. Para sa kanya, isa lamang akong pambayad kasalanan. Bakit ko pa siya kailangang patawarin?’ Ang punong-puno ng himutok niyang naiwika sa kanyang isipan saka marahas na napaupo sa kanyang kama at napahilamos sa kanyang mukha.


“Hindi.” Pagkaka-usap niya sa kanyang sarili.  “Hindi ko kayang patawarin ang isang ina na handang isakripisyo ang kanyang anak. Isang ina na mas pinili pang kampihan ang mga taong gusto akong saktan. Isang ina na imbes na pagmamahal, ay galit pa ang ipinaramdam sa akin na dahilan para masaktan ko ang taong mahal ako.”


Kasabay ng mga huling salitang kanyang binitiwan ay muling nanariwa sa kanyang isipan ang tagpo sa simbahan kung saan tuluyan niyang sinira ang meron sila ni Eros. Alam niyang nasaktan niya ito ng husto physically and emotionally. At kahit gustohin man niya ay hindi na niya magagawa pang bawiin ang masasakit na salitang nabitiwan niya rito. Wala ring sapat na paliwanag ang makakatulong sa kanya sapagkat aminin man niya o hindi, mali na nagpadala siya sa ibayong galit. At mali na hinayaan niya ang kanyang sarili na alipinin ng takot.



Natakot siya na tulad ng ibang taong minahal niya at pinahalagahan, ay sasaktan din siya ni Eros. Sapagkat alam niya sa kanyang sarili na oras na mangyari iyon, tuluyan na siyang hindi makakabangon dahil mahirap mang aminin, sa maikling panahon ng relasyon nila ay sobra na niya itong mahal at ngayon lamang niya iyon na-realize. Ngayong huli na ang lahat.


“Eros…” Punong-puno ng pagsisisi niyang pagsambit sa pangalan nito at muli niyang naihilamos ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Ang isang taong dinamayan siya at naging dahilan ng pagguhit ng mga ngiti sa kanyang mukha ay sinaktan niya. Ang taong nagparamdam sa kanya ng pagpapahalaga ay nadamay sa galit na meron siya sa mga taong walang ibang ginusto kung hindi ang saktan siya. Ngayon, tuluyan ng nagpagtagumpayan ng mga itong kunin sa kanya ang lahat. Wala na talagang itinira ang mga ito sa kanya.


Subalit tama bang sa iba niya isisisi ang kanyang kahibangan? Was it really their fault?


“No.” Ang napapa-iling niyang sagot sa katanungang nabuo sa kanyang isipan. “Kung meron mang dapat sisihin ay walang iba kung hindi ako. Mula mismo sa bibig ko nanggaling ang masasakit na salitang iyon. And now, I can no longer take those words back.”


Nasa ganoong ayos si Brian nang tumunog ang kanyang telepono na sa mga oras na iyon ay nakapatong sa bed side table niya. Hinayaan niya lamang iyon dahil malamang sa malamang ang tumatawag sa kanya ay isa sa kanyang mga kaibigan. Hindi pa siya handang salubungin ang galit ng mga ito lalo na ang matalik niyang kaibigan na si Dave. Subalit sadyang makulit ang tumatawag at ayaw siya nitong tantanan at nakakaramdam na siya ng iritasyon. Kaya naman inabot na niya ito para sana i-off ngunit laking gulat niya nang mabasa sa screen ang pangalan ng taong tumatawag.


Biglang nanuyot ang kanyang lalamunan at muli niyang naramdaman ang pamilyar na pagtibok ng kanyang puso na tanging ang taong iyon lamang ang nakakagawa dahilan para wala sa sarili niyang sinagot ang pagtawag nito.


“E-Eros?” Ang di makapaniwala niyang pagsambit sa pangalan nito ngunit mas nagulat pa siya nang magsalita ito.


“Brian? Brian, please let’s talk. Pag-usapan natin ang problema kung ano man `yan. Please.”


He was dumfounded. Hindi siya makapaniwala na matapos ang masasakit na salita at mabibigat na paratang na binitiwan niya rito ay heto’t gusto pa rin siya nitong makausap.


“Nandito ako sa labas ng bahay ninyo. Please, Bry, pag-usapan natin ang problema.” Nagsusumamong muling wika nito na sinundan ng mga impit na paghikbi.


Tila siya binuhusan ng napakalamig na tubig kasabay ng paggapang ng matinding konsensiya sa kanyang buong pagkatao. How can he hurt someone like him? No. How did he allow himself to hurt the only person that’s willing to be with him?


Sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay nagkaisa ang kanyang puso’t isipan at iyon ay puntahan si Eros. Kaya naman dali-dali siyang bumaba ng kama at lumabas sa kanyang kwarto. Lakad-takbo niyang tinungo ang kanilang gate. Pagkabukas na pagkabukas niya niyon ay agad na hinanap ng kanyang mga mata si Eros para lamang makita itong nakaupo sa may gutter at nakatingala sa kanya na may mga naglalandas na luha sa magkabilang pisngi.


“Bry..” May pananantya nitong pagtawag sa kanyang pangalan na tila ba sinusukat nito ang magiging reaksyon niya rito. But what really hurt him most ay nang makita niya ang nagkukubling takot sa mga mata nitong hindi marunong magsinungaling na nangingintab dala ng mga naipong luha na nagbabadya na namang maglandas sa namumula nitong pisngi. Lalo tuloy siyang nakadama ng matinding konsensiya.


Dali-Dali niya itong linapitan at yinakap ng mahigpit.


“I’m sorry.” Hindi siya ang tipo ng taong iyakin. Sa dami ng problemang ibinato sa kanya ng mundo at ng mag-amang Drason, ni minsan ay hindi siya umiyak pero sa puntong iyon hindi niya mapigilan ang mapaluha. “I didn’t mean to scare you and to hurt you.”


“Ano ba ang nangyari, Bry? Bakit biglaan kang nagkaganon?” Ang humihikbi nitong mga tanong.


“Hindi ko sinasadya ang lahat ng sinabi ko. I was consumed with my anger. Hindi ko pinag-isipan ang mga sinabi ko. I’m sorry.” Ang naisatinig niya saka lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.


 Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Pagsisisi sa mga nasabi niya rito. Matinding pagkakonsensiya dahil sa nasaktan niya ito at saya dahil sa kabila ng lahat ng mga masasakit na salitang nabitawan niya rito at kahit pa man nasaktan niya ito ay heto’t nandito pa rin ito ngayon at handang pag-usapan ang lahat. Ibang-ibang talaga ito sa mga taong kanya ng nakasalamuha at napakagago niya na pinagtulakan niya palayo ang isang tulad nito na walang ibang ginusto kong hindi ang mahalin siya.





Dinala ni Brian si Eros sa kanyang kwarto at doon niya isinawalat ang lahat-lahat dito. Wala siyang ni isang itinigo maski ang kanyang nararamdaman sa kanyang mga natuklasan at narinig mula sa kanyang mga magulang. Tuluyan na niyang binuksan ang kanyang sarili rito at ipinakita ang totoong Brian na hindi na nagtatapangtapangan at umaastang lahat ng problemang ibato ng mundo ay kayang harapin. He showed him the real him –Ang Brian na nasasaktan. Ang Brian na umiiyak.


Papalit-palit ang mga naglalarong emosyon sa mga mata ni Eros habang mataman itong nakikinig sa kanya na tila ba nararamdaman nito ang mga nararamdaman niya sa mga oras na iyon while Eros is consoling him sa pamamagitan ng mabining pagpisil sa kanyang kamay na hawak-hawak nito.


“I’m sorry, Spidy. Hindi ko sinasadya ang lahat ng mga nasabi ko. Hindi ko sinasadyang saktan ka. I was too focus sa galit na nararamdaman ko sa mama ko. Sa katotohanang isang pambayad kasalanan lamang ako para sa kanya. That she never really loves me.”


“Minahal ka niya, Bry. `Di ba ngat sa kwento ng papa mo, nang ipanganak ka mas lalo pa silang naging masaya ng mama mo na siyang dahilan kung bakit kinainggitan sila ng Tita Rossel mo? It just so happened that your mom is now too focused na makabawi sa inaakala niyang kasalanan nila sa Tita Rossel mo at pamilya nito na hindi na niya nakikita na nasisira na pala niya ang pamilyang binuo nila ng papa mo.” Punong-puno ng pagpapaintinding wika nito.


“Paano mo nagagawa ito, Eros? Nasaktan kita at inakusahan ng kung anu-ano pero imbes na kondenahin mo ako ay heto ka’t pinapagaan pa rin ang loob ko na para bang wala akong nagawang kasalanan sa’yo.”


“Uunahin ko pa bang intindihin ang sarili kong nararamdaman ganitong ang taong mahal ko ay nasasaktan at nahihirapan? Kung kokondenahin ba kita dahil nasaktan mo ako, magagawa ba niyong ayusin ang problema?”


“Hindi ka ba napapagod na lagi na lang ikaw ang umiintindi sa atin? Na palagi na lang ikaw ang nagbibigay? At hindi ka ba natatakot na baka abusuhin ko ang mga pagintindi mong `yan?”


Marahan itong umiling biglang pagtugon.


“Why do you have so much faith in me, Eros?”


“Why not? Faith doesn’t require any proof, Bry. Ang kailangan lang ay maniwala ka at magtiwala, at may tiwala and naniniwala ako sa pagmamahal mo sa akin.”


He was taken aback sa naging sagot nito. Handa nitong ipagkatiwala ang lahat sa kanya kahit wala itong kasiguradohan at pinanghahawakan? Ganoon siya nito kamahal?


Inabot niya ang dalawang kamay nito at marahan iyong pinisil saka niya sinalubong ang mga mata nito.


“I don’t even know if I deserve someone like you. I have already hurt you twice. Una ay noong isisi ko sa’yo ang nangyari sa atin at ang pangalawa ay nang makapagbitiw ako sa’yo ng masasakit na salita’t paratang. Tapos komplikado at magulo pa ang buhay ko. But as much as I wanted to just let you go para maiwasan kitang madamay sa gulo ng buhay ko, ay hindi ko kaya. Selfish as it may sound pero ngayon lang may taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal na ipinaparamdam mo ngayon sa akin and it feels so damn good na hindi ko siya kayang mawala. At `yon din ang gusto kong iparamdam sa’yo Eros. Gusto kong maging masaya ka sa akin at sa tingin ko, mangyayari lamang iyon kung pipiliin ko ang tahimik na buhay.”


Nangunot ang nuo nito at napuno ng pagtataka ang mga mata.


“What do you mean?”


“Kakausapin ko si mama. Ibibigay ko na kina Xander ang kompanya.”


“Pero pag ginawa mo iyon mawawala na sa’yo ang lahat, Bry. Lahat ng pinaghirapan mo ay mapupunta sa kanila.” Gulat na gulat nitong naibulalas at bakas ang matinding pagtutol sa boses nito.


Nginitian niya ito ng ubod ng tamis at kinantilan ng halik sa labi.


“I no longer care. Mas importante sa akin ang mabigyan ka ng isang masayang relasyon. Isang tipo ng relasyon na malayo sa gulo.”


 “Hindi ko yata maaatim na mawawala sa’yo ang lahat ng pinaghirapan mo at ipinaglaban mo ng dahil lang sa akin. That’s too much, Bry.”


Sa sinabi nitong iyon ay lalo lamang niyang napatunayan na tama ang kanyang naging desisyon. That Eros is worth losing everything.


“Napapagod na rin ako sa isang magulong buhay, Eros. Ilang taon na akong lumalaban at sa kasagsagan ng pakikipaglaban ko, maraming nawala sa akin at isa na doon ay ang mama ko. Hinding hindi ko na hihintayin pang pati ikaw ay mawala rin sa akin.”


Natahimik ito na tila ba nauwi sa isang malalim na pag-iisip habang ang mga mata nito ay nakatutok sa kanya. Batid niyang nagtatalo ang isip nito kung sasangayon ba ito sa naging desisyon niya o hindi hanggang sa magpakawala ito ng buntong hininga at muling magsalita.


“Hindi ko masasabing sangayon ako sa desisyon mo, Bry. Nang simulan kong subaybayan ang buhay mo ay marami akong nalaman sa’yo at kasama na doon ang effort mong mapalago ang kompanyang itinayo ng mga magulang mo. Kaya kung may isang tao mang karapat dapat na mamahala niyon ay walang iba kung hindi ikaw. Pero siguro nga panahon na para itigil mo na ang labang ito bago ka pa nito tuluyang baguhin. I don’t want to see you again being consumed with so much anger and being hurt.”


Genuinity and sincerity is visible in Eros eyes while he utters those words. It made his heart melt. Mawawala nga sa kanya ang lahat ng pinaghirapan at ipinaglaban niya but knowing na may isang Eros na mahal siya at susuporta sa kanya ay sapat ng kapalit.





Ang sumunod na nangyari sa kwartong iyon ay sinimulan ni Brian at Eros na pagplanohan ang bagong buhay na haharapin nilang dalawa hanggang sa pareho silang makatulog na magkayakap. Nang magising si Brian bandang alas-tres ng hapon at mapagmasdan ang mahimbing pa ring natutulog na si Eros na nakaunan sa kanyang braso ay agad siyang napangiti. Wala siyang ibang makapa sa kanyang sarili sa mga oras na iyon kung hindi contentment.


Marahan niyang isinuklay ang kanyang mga daliri sa medyo nagulo nitong buhok. Alam niyang malaki ang pagbabagong mangyayari sa buhay niya pero ang kaalamang makakasama niya ito ay nagpapawala ng mga agam-agam niya.


“Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang ginawa mo para mabago mo ako ng ganito, Eros. Una, binago mo ang paniniwala ko sa pakikipagrelasyon at ngayon naman nagawa mong baguhin ang mga ipinaglalaban ko na wala akong makapang ni konteng pagdadalawang isip.” Ang nakangiti at mahina niyang sambit.


Maingat niyang iniayos ang posisyon nito sa kanyang kama at bumababa ng higaan. Kailangan niyang makausap ang kanyang ama patungkol sa nabuo niyang desisyon. At may nais rin siyang ipakausap rito kaya naman wala na siyang sinayang na oras. Pagkalabas na pagkalabas niya ng kanyang kwarto ay agad niyang hinanap ang kanyang ama. Iisang lugar lamang sa bahay na iyon ang alam niyang gustong gusto nitong pwestuhan kapag ganitong oras at iyon ay sa garden nila. At hindi nga siya nabigo, naroon nga ito sa may coffee table na naroon at prenteng nakaupo sa isa sa mga upuan. May hawak itong tasa ng kape at dyaryo.


Agad itong nag-angat ng tingin nang siguro ay maramdaman nito ang kanyang presensiya.


“Oh? Ba’t gising kana?” Saka siya nito linampasan ng tingin as if in-expect nitong may nakasunod sa kanyang. “Natutulog pa si Eros?”


“Sumilip ka na naman sa kwarto ko.” Nang aakusa niyang sabi.


Ngumiti ito ng ubod ng tamis.


“Hindi ko nga alam kung bakit, eh. It has been five years since na iniwan ko ang bahay na ito pero kusa pa ring sumasanib sa akin ang dati kong routine na i-check ka sa kwarto mo pag napapadaan ako roon.”


“You should stop doing it dad. Baka kung ano pa ang makita mo sa susunod mong paninilip sa kwarto ko.” Weird pero tuluyan ng nawala ang masamang aura na bumabalot sa kanya kanina lang . Iba talaga ang nagagawa sa kanya ni Eros.


“Then help me by locking your room’s door, son.” Balik nito sa kanya. “Anyway, do you think early dinner together with Eros is a good idea?”


“I don’t think so. Paniguradong sisirain lang ni mama ang kakaibang appetite ni Eros.”


“Don’t worry about her. She will be out for a while.”


“Bakit, saan siya nagpunta?”


“She go out with her friends and will have dinner with them.”


“At hindi ka niya isinama?”


“It chose not to. Mas gugustohin ko pang makasamang kumain ang anak ko kesa makipagbolahan sa mga kaibigan ng mama mo.”


 He was touched. Mahal talaga siya ng ama niya. Sa puntong iyon ay nagdesisyon na siyang buksan ang tunay na pakay nia rito sa araw na iyon.


“Eros and I talked, dad.” Pagsisimula niya.


“About what?”


“About our future.” Nakangiti niyang sabi. “When Eros came into my life naranasan ko ulit maging masaya at makaramdam ng tunay na pagmamahal. He also manages to bring out the real me and made me hope again.”


“Kaya naman gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya sa piling ko.” Pagpapatuloy niya. “But I know that I cannot give him that kung patuloy akong makikipagmatigasan kay mama at sa mag-amang Drason na iyon. That’s why I made my decision, dad. Ibibigay ko kay mama ang gusto niya. I will give up the company para sa ikatatahimik nating lahat.”


Halatang nagulat ang kanyang ama sa kanyang huling mga sinabi. Ni hindi nga agad ito nakapagsalita at nang makabawi ito ay siya namang pamumuo ng mga luha nito.


“You’ve grown up to be the man I dreamed for you to be, Brian, and I couldn’t be more proud.” Ang mangiyak-ngiyak nitong sabi.


“May isa lang akong gustong ipapakiusap sa’yo, dad. Hindi ko pa ito nasasabi kay Eros dahil gusto ko munang masigurado ang lahat bago ko sabihin sa kanya at ipagpaalam siya sa mga magulang niya.”


“Anything!”


“Tulungan mo sana kaming makapagsimula ni Eros ng bagong buhay sa France.”





Itutuloy:

37 comments:

Anonymous said...

Atlast meron na hehe tnx kuya zeke binilisanlo talaa pagbabasa para lang makapagcomment

by its me

Mhimhiko

Anonymous said...

Naka-relate ako kay eros. That's just how i am when i was in a relationship, always the giving type. But it was not a happy ending, cause he chose to break my heart and leave me hanging. For him, i think, he never considered what we had. I really don't know why he left, but i was willing to wait. Was even willing to accept him whatever his reason was. Nevertheless, good job kuya zeke!

Anonymous said...

Eto na yun ehh..

yung bang

magdidecisyon na si Bry about sa Future nila ni Spidy .


pero sana bago yan..maayos na rin nila Bry at Dave bout sa Friendship nila..

tungkol naman sa mag amang Drason at kay Sabrina .ayan masaya na kayo...

-Mhimhiko

Unknown said...

At last may update na excited much talaga sana may kasunod na zeke sobrang tagal na hinintay dekada na po... Hahahahaha thank you talaga... Mwah...😘😘😘

Anonymous said...

Finally! NAIYAK AKO SA CONFESSIONS NI BORROMEO. SO DAMN FEELS. Feeling ko nag e.exist tlga sya somewhere and I hope maging masaya sila ni Eros Drake. Tama nga ang desisyon niya na sumuko na para maipanalo niya ang pag.ibig kay Eros who loves him so dear. The whole chapter was full of emotions. Kahit matagal ang gap ng update ay andun pa rin ang feelings. So deep. Ang husay mo humugot Author. Salamat sa napakahusay na update. Hoping for the finale. Thanks a bunch. Goodluck sa job at keep inspiring readers.

~Maharett ^_^

Anonymous said...

Sana tuloy tuloy na

Unknown said...

Hallelujah! An update at last... Next please :3

TheLegazpiCity said...

Sa wakas!!! Di ka pa din kumupupas Zeke, pabitin ka pa din...hahaha

Welcome back!!!

robert_mendoza94@yahoo.com said...

nice chapter and worth waiting for Zekie! tnx for the update.

Lawfer said...

uber bitin dpat back to back to back to back to back to back to back to back to back yan sa tagal mong d ngpost eh :o

blackfairy156 said...

Yehey!! Thank you sa update!!!

Alfred of T. O. said...

Salamat sa update Mr Zed. I lile what's happening in this episode. Sana , mabilis ang update. Take care.

Anonymous said...

Hi author! Hahahha technically, bago lang ako dito kasi natagpuan ko ang site mo nung panahon ng hiatus mo sa pagbabasa. Halos natapos ko na ata lahat ng stories mo. At nakaka-amaze ka. Ang galing. Nakakabilib. Yun lang ang masasabi ko. At thank you for your stories, na kahit sa imahinasyon lang, napapasaya ako. Nakaka-good vibes. Nakakatuwa naman at balik writing ka na ulit! More power and God bless

- Giyermo

Uriel08 said...

Finally meron na! Nice chap Z.. :)

Anonymous said...

Maligayang pagbabalik sa mundo ng pagsulat!!!

So happy that finally, may karugtong na ang kuwentong sinusubaybayan ko.

Macky

Migz said...

I love you Author!.. Hehehe.. Thank you for coming back and updating this story.. Missed reading this and as usual, still very much worth reading.. Hopefully until the end na ito..

Anonymous said...

Yes. After 83477449202726252 years. Haha. Di joke lang. Pero sa wakas, may bago nang update. Slamat author.

-Kev

Anonymous said...

JUICE COLORED!! Thanks sa pag-update... Kahit na napakatagal na masundan ang kwento nina Brian at Eros kiligness overload pa rin!!! Waahhh!!

God bless -- Roan ^^,

jasper paulito said...

Grabe! isang taon!!!! Pero sobrang grabe ang update n to! Love it zeke. Salamat

slushe.love said...

Ito na e. Emote na emote na tapos....itutuloy? hahaha..

Thanks sa update!

Unknown said...

salamat sa update baby bear...i miss reading your stories.,.love you

luilao said...

yun hehehe... sarap ng feeling...

Anonymous said...

naiiyak ako dahil sa suporta na pinakita ni Eros kay Brian. Ung dad ni Brian naman is too good to be true. Want to hav a dad just like him. Idol ko si DadS uper nice. Thanks po sa UD^__^

Anonymous said...

Baka isang taon nanaman yung next update.......

Unknown said...

Tagal Ng update.

Unknown said...

Owww!! Finally your really back.. Bpo ka pa din ba sa mnl? 😆😆😆
Sana bumalik na din ung ibang nagsusulat. Haha
So can't wait.. Babasa na muna ako. 😂😂😂

Anonymous said...

Si eros na di nagsasawang umunawa at uunawa pa kahit mali na ang ginagawa sa kanya, kahit masaktan pa sya ng paulit-ulit. Kahit siguro lokohin sya uunawain pa rin nya. May ganoon bang tao, ang tanga tanga lang. Opo meron ganyang tao, at isa ako dyan ahahaha. Ganyan ang nangyayari sa isang tao kapag tinamaan ng pana ng pagibig. Magbubulag-bulagan ka kahit alam mo n ang totoo kahit alam mong di sya nagsasabi ng totoo.

Pero isang araw magigising ka nalang na ang lahat ay tapos na. Matatauhan karin pala. Yan ang ginamit kong sandalan, dahil nung mga sumunod kong relasyon, dina ako nagpapaapekto. Kung ayaw nya, ayaw ko narin.

Kay eros at bry, good luck. Kay bry, masarap ang pakiramdam ng nagpapatawad at nagpapakumababa.

Bharu

Reymond Lee said...

bravo! excellent as always!

Anonymous said...

Nice one!!!

Anonymous said...

Nice one!!!!

Anonymous said...

Good day poy, musta na still remember me, iamronald, sorry if ngaun lang i nakapag comment ha dito na ksi ako sa malaysia, by the way good to here na matatapos mu na naman ang isang mung obra...miss you and potpot....congrats and more power

Always iamronald

Anonymous said...

1 year nanaman po ata ang next update :(

Anonymous said...

See you all next year! Lol

Anonymous said...

Natapos na naman ang pasko at panibagong nine mornings. Baka sakaling sa 9 mornings ng 2016 may kasunod na update na ito.

Migs said...

bilisan mo daw magupdate! ahahaha! miss you zekie! balita ko mayaman ka na! pakain ka naman! ingat lagi and as always napakatindi sa ganda ng story mo. ;-) -Migs

Anonymous said...

kailan po ang update?

Anonymous said...

Happy Anniversary!!! Kumusta ka Mr. Author?

Post a Comment