Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
HAHAHAHA! Sa wakas naigapang ko rin ang chapter na ito! Konte na lang mga paps! As in matatapos na talaga ang kwentong ito! YEHEY!!! Inubos na ng kwentong ito ang laman ng 2MB kong utak at talaga namang hindi na siya nakakatuwa! HAHA Pero masaya pa rin ako kahit ganun dahil nakikita ko na ang pagwawakas nito! Buwahahahaha!!!
Siya nga pala bago magkalimutan pasasalamatan ko naa naman ang mga taong walang sawang nakikisabay sa akin sa pakikibaka ko sa kwentong ito na sina –
Macky, Reymond Lee, BaguioWithLove, Russ (Ang ever supportive kong si Russ!), KenKen Reyes, BruneIyuki (Dariling!), Migz (Hello Migz!), MigiL, Ivarro (mabago kaya ng chapter na ito ang mga hula niyo?), Jec, Jayvin, Jims Gregorito, Slushe.Love, Chie (Mojaco), Monty, Luilao, Alfred of T.O, Bobby Evasco, Racs, Tzekai Balaso, Windsong07, RobertMendoza, ManilaActor, Bharu (And you’re back!), MhiMhiko, Hao_Inoue (zildjianace@gmail.com ang email add ko), Nikko Ramos (AKA Pancookie), Brix (Welcome aboard), JayJay (Supah Minion), Roan, TheLegazpiCity, JhesLhee Oracquio, Patryckjr, Chants, at Randzmesia.
Syempre salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers ko.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“Ipinagdidiwang
natin ang kapaskohan, hindi lang bilang pagpupugay sa pagsilang ng ating
tagapaglitas sa mundong ito kung hindi, para na rin ipaalala sa bawat isa ang
tatlong bagay na dapat ay isinasapuso at hindi natin kinakalimutan –ang
magmahalan, magbigayan at magpatawad. To love unselfishly, to give without
expecting something in return and to forgive.” Ani ng pari bilang pagtatapos ng
pang pitong mesa de gallo.
Totoong ang diwa ng pasko ay patungkol sa pagbibigayan,
pagmamahalan at pagpapatawad. Pero paano mo magagawang maibigay ang mga bagay
na iyon sa iba, kung ikaw mismo ay pinagkaitan ng mga iyon? Tulad na lamang ni
Brian.
‘What did I do to deserve this?’ Puno ng pait na naitanong ni Brian sa kanyang isipan habang ang kanyang mga tingin ay deretso sa altar. ‘Ano bang klaseng sumpa ang ibinigay mo sa akin para lahat ng mamahalin at pahahalagahan ko ay sinasaktan ako?’
Alam niyang hindi tama ang kanyang ginagawa. Na mali na kuwestyonin niya ang Diyos sa mga
nangyari at nangyayari sa kanyang buhay pero masyado na siyang kinakain ng
kanyang galit. Oo. Nagpupuyos sa galit ngayon ang kanyang puso dahil sa mga
hindi inaasahan niyang narinig sa nagdaang gabi. Para itong sirang plakang
paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan na tila ba nananadya at inuubos ang
natitirang kabutihan sa kanya.
‘Is this your way of
telling me that I’m not worth loving? That I don’t deserve to be happy? Why?
Ano ba ang kasalanan ko sa’yo para gawin mong ganito ang buhay ko?’ Muling pagkaka-usap niya sa imahe ng Diyos
na nasa sentro ng altar.
He can feel his anger consuming him. Nagsisimula na ring
manginig ang kanyang buong katawan sa ibayong nararamdaman. Trinaydor siya ng
mundo kasama ng mga taong dapat ay proprotekta sa kanya. At sobrang sakit niyon.
Sakit na siya ngayong inuugatan ng kanyang galit.
“Bry?”
Kung hindi pa niya naramdaman ang mabining paghaplos sa
kanyang balikat ay hindi niya mapapansin ang pagtawag na iyon sa kanya ng
katabing si Eros. Wala sa sarili siyang napabaling rito na isa namang malaking pagkakamali
dahil nakarehistro na pala sa mga mata niya ang kanyang nararamdaman kaya agad
na lumatay ang pinaghalong gulat at takot sa mukha nito nang makita ang
nagsusumigaw na galit at pagkapuot na kanyang nararamdaman.
Mabilis siyang nagbawi ng tingin pero muli ring napabaling
rito nang maramdaman niya ulit ang paghawak nito sa kanyang balikat.
“Bry, what’s wrong?” Naroon pa rin ang takot sa mga mata
nito pero may humahalo ng pag-aalala doon. Pero imbes na pagaanin niyon ang
kanyang pakiramdam tulad ng laging nagiging epekto niyon sa kanya sa tuwing
ipapamalas nito iyon, iba ang nangyari. Sa halip, mas lalo pang nasindihan ang
kanyang galit at pagkasuklam.
“Isa ka rin sa kanila.” Malamig niyang sabi saka marahas na
inalis ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanyang balikat.
Isinirado na ng kanyang galit ang kanyang isipan. Binura
niyon lahat ng mga pinaniniwalaan niya maliban sa isinisiksik niyong bagong
paniniwala na wala siyang dapat pagkatiwalaan. Na lahat ng tao ay walang ibang
nais kung hindi ang pasakitan siya. At ngayon nga, para sa kany,a ay isa ito sa
mga taong iyon.
Kaya kahit kita niya ang pagrehistro ng iba’t ibang emosyon
sa mukha nito; gulat, pagkalito at sakit, hindi siya nakaramdam ng maski
katiting na pagsisisi at konsensiya. Nangibabaw sa kanya ang pagkagustong
alisin ang mga taong nakakasakit at makakasakit sa kanya.
“Tama ako di ba? Isa ka sa mga taong paaasahin lang ako at
sa bandang huli, ay magpapamukha sa akin kung gaano ako katanga at ka-gago na
pinaniwalaan ko kayo.” Punong-puno ng pangungundenang muling wika niya rito.
“H-Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, Bry.” Halatang natatakot at naguguluhang pagdedepensa nito sa sarili.
“Sinungaling!”
Dala ng matinding emosyong ay napalakas ang kanyang
pagkakasabi dahilan para mapapikit ito marahil dala ng takot at nang muling
buksan nito ang mga mata’y tuluyan ng kumawala roon ang matatabang luha na
mabilis na naglandas sa magkabila nitong pisngi.
“Ano’ng nangyayari sa’yo, Bry? Bakit ka biglang
nagkakaganyan?” Ang lumuluha’t naguguluhang wika nito. Pero maski ang pag-iyak
nito na palaging nagpapalambot sa kanya ay hindi na rin kinilala ng kanyang
puso.
Akmang aabutin sana nito ang kanyang mukha nang maagap niya
iyong hulihin.
“Huwag mo akong hawakan!” Kung anong diin ng pagkakasabi
niya sa mga salitang iyon ay siya ring diin ng pagkakahawak niya sa kamay nito.
“Hindi niyo na ako ulit masasaktan pa.”
“Ano’ng nangyayari rito?” Si Dave at maagap nitong binawi
mula sa mahigpit niyang pagkakahawak ang kamay ni Eros saka ito inilayo sa
kanya. Tulad niya ay agad nitong napansin ang pamumula ng kamay nito dahilan
para pukulin siya nito ng nakakamatay na tingin.
Tumayo siya at tinapatan ng kaparehong tingin ang kaibigan o
mas tamang sabihin dating kaibigan. Dahil simula sa mga oras na iyon ay pinuputol
na niya ang lahat ng ugnayan niya sa kahit na sinong tao para wala ng
makapanakit pa sa kanya.
“Problema mo?” Asik sa kanya ni Dave.
“Kayong lahat ang problema ko! Pare-pareho kayong lahat na
walang mga kwenta!”
“Aba’t gago ka, ah!” Tila napikon namang wika ni Dave at
walang seri-seremonyas na nagpakawala ng isang suntok na sana ay lalanding sa
mukha niya kung hindi iyon napigilan ng biglang dating rin na si Dorwin.
“Wala na ba kayong ni katiting na paggalang man lang sa
simbahan?” Wika nito habang nakakulong sa mga palad nito ang kamao ng kambal
nito saka ito bumaling sa kanya. “At ikaw, kung masama ang gising mo, `wag mong
ibunton iyon sa taong hindi ka lalabanan.”
Sa sinabi nito ay wala sa sarili siyang muling napabaling
kay Eros. Malungkot at puno ng pagkalito ang mga mata nitong patuloy pa ring
lumuluha habang nakatingin sa kanya. Alam niyang nasaktan niya ito verbally and
physically at sa kaalamang iyon ay may kung anong kumirot sa kanyang puso
dahilan para magbaba siya ng tingin at walang imik na tinalukuran ang mga ito.
Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya pero hindi na niya nagawa pang
lumingon.
Halos takbuhin na ni Brian papunta sa kanyang sasakyan.
Unti-unti ng bumabalik sa kanya ang mga emosyong kanina lang ay nawala dala ng
matinding galit at nagsisimula na siyang makaramdam ng matinding pagsisisi. Pagsisisi
na alam niyang huli na.
Nang makapasok siya sa kanyang sasakyan ay agad niyang
linisan ang lugar. Kung anu-ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Naghahalo-halo
na rin ang kanyang nararamdaman dahilan para makaramdam na rin siya ng
pagkalito sa sarili. Nagsisimula na ring magtalo ang kanyang puso’t isipan kung
tama ba ang ginawa niyang pagtulak sa mga taong siyang natitirang nagpapahalaga
sa kanya lalo na si Eros.
“What? Are you out of
your mind? Sinuportahan mo ang relasyon ng anak mo at ng baklang `yon?”
“Bakit ko sila
pagbabawalan? He loves my son and my son loves him.”
“Naririnig mo ba ang
sinasabi mo, Bart? Alam mong kasalanan sa Diyos ang kung ano mang meron sila
and you just allow it? Ano’ng klase kang ama!”
“Sa bibig ba mismo ng
Diyos galing na makasalanan ang relasyong meron ang anak ko, o sa bibig ng mga
taong tulad mo’y makikitid rin ang utak? At wag na wag mong kukwestyonin ang
pagiging ama ko sa anak ko, coz as far as I know, nagampanan ko `yon ng tama
unlike you!”
“Let me just remind
you kung ano ang pakay natin rito, Bart. We’re here to convince our son na
sumama sa atin sa France. Sa tingin mo, paano natin ngayon magagawa iyon kung
hayan at kinukonsenti mo ang ––”
“Don’t drag me to your
selfish plans, Sabrina! Nandito ako para bisitahin ang anak ko, hindi para
makisali sa’yong gipitin siya!”
“How dare you to accuse me na ginigipit ko ang anak natin! Ganoon na ba kasama ang tingin ninyong mag-ama sa akin na hindi niyo na nakikita na ginagawa ko lang ang lahat ng ito para sa ikabubuti ng pamilya natin?”
“Really? Ikabubuti ng
pamilya natin o ikabubuti ng pamilya ng kapatid mo?”
“Oh, bakit di ka
nakasagot? Did I somehow hit the right spot? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa
ko para sa kanila para matuldokan na ang kung ano mang nangyari noon, ha,
Sabrina? Nangako ka sa akin! Nangako kang kakalimutan mo ang lahat oras na
lumayo tayo rito! Hindi pa pala!”
“Ibigay mo sa kanila
ang kompanya at kakalimutan ko ang lahat. Dahil hindi ako matatahimik hanggat
hindi ko nasisiguro na nasa maayos silang lagay! Iyon man lang makabawi tayo sa
kanila.”
“No! Ginawa ko na ang
magagawa ko sa mag-amang iyon. Hanggang doon na lang ang maitutulong ko sa
kanila. Hindi ko rin kailangang bumawi sa kanila dahil wala akong kasalanan.
Wala tayong kasalan!”
“Wala? Nakakalimutan
mo na ba na nawalan ng asawa at walang kinalakhang ina si Xander dahil sa atin?
Sa pagiging makasarili natin noon!”
“It was not our fault,
Sabrina! Kailan mo ba maiintindihan`yon? It was Rossel’s choice to end her life
for a selfish reason at iyon ay dahil hindi niya matanggap na ang babaeng
pinakasalan ko, ay ang kapatid niya kahit pa man may asawa’t anak na siya.
Hinayaan na kita noong isakripisyo ang mga pinaghirapan ko, ang kompanya at ang
makasama ang anak ko para sa mag-amang `yon dahil mahal kita at gusto kitang
matulungang kalimutan ang lahat. Pero ang idamay at isakripisyo pati ang anak
natin? Sumusobra na iyang kahibangan mo!”
“Bart, please!
Pagbigyan mo lang ako hindi na ako hihiling ng iba pa sa’yo.”
“Nagmamalasakit at
nagpapaka-ina ka sa kanila pero sa sarili mong
anak, ni magpakita ng maski katiting na pagpapahalaga ay hindi mo
magawa?”
“Dahil wala ng ibang
gagawa niyon para sa kanila, Bart.”
“Paano ang anak mo,
ha, Sabrina?”
“I will make it up to
him basta pagbigyan mo lang ang hiling ko. Besides nariyan ka naman.”
“No. Kung hindi mo
kayang magpaka-ina sa kanya, ako, kaya kong magpaka-ama. Kaya titigilan na
ninyo ang ginagawa ninyo sa anak ko, dahil kung hindi, ako mismo ang makakalaban
ninyo. Marami ng kinuha ang mag-amang iyon kay Brian at isa kana doon. ”
Ang muling pananariwa sa kanyang isipan sa naganap na
pagtatalo kagabi ng kanyang mga magulang. Masakit masampal ng katotohanan na
ang sarili niyang ina. Ang taong nagluwal sa kanya sa mundong ito ay handa
siyang isakripisyo para sa ibang tao. Tuluyang pinatay niyon ang pilit niyang pinaniniwalaan
na mahal siya nito. Na kahit papaano ay may pagpapahalaga ito sa kanya.
Matatanggap pa sana niya ang lahat kung hindi sana niya ito
tunay na ina. Pero hindi, totoong ina niya ang taong walang pagmamahal at
pagpapahalaga sa kanya. Inabandona siya nito para sa ibang tao at iyon ang
dahilan kung bakit sobra siyang nasaktan at nilamon ng galit na dahilan para
pagdudahan na rin niya ang mga taong malalapit sa kanya. Dahil kung ang mismong
ina na nga niya na siyang nagluwal sa kanya ay hindi siya magawang mahalin at
handa siyang saktan, ano pa kaya ang ibang tao?
Subalit nang makita niya kanina ang malungkot na mga mata ni
Eros ay tila ba muling nabuksan ang isip niya. Muli niyong ipinaalala sa kanya
ang mga bagay na pilit ng itinatanggi ng kanyang isipan dala ng sobrang galit
at isa na doon ay ang pangakong hindi niya ito kailan man sasaktan.
“I’m sorry.” Ang punong-puno ng pagsisising naibulong niya.
Alam niyang wala na siyang mukhang maihaharap pa rito. Sinaktan niya ang
nag-iisang taong nagpasaya sa kanya sa mga nagdaang araw at iyon ay dahil
nagpaalipin siya sa galit.
Nang marating niya ang bahay nila ay naroon na ang kanyang
mga magulang sa sala. Pero tulad noong nakaraang gabi, hindi niya tinapunan ng
tingin ang mga ito. Dere-deretso siyang pumasok sa kanyang kuwarto.
Sa totoo lang, gusto niyang harapin ang mga magulang niya at
ilabas ang galit na meron siya. Gusto niyang manumbat pero naisip din niya na
para saan pa? Ano pa ang silbi niyon? Maibabalik ba niyon sa ayos ang lahat?
Magagawa ba niyong alisin ang katotohanang pambayad kasalanan lang siya para sa
kanyang ina? At magagawa ba niyong bawiin ang mga masasakit na salitang nasabi
niya kanina kay Eros?
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may kumatok sa pintuan ng
kanyang silid at iniluwa doon ang kanyang ama.
“I brought you coffee.” Bungad nito saka lumapit sa may bed
side table niya at doon inilapag ang dala nitong kape. “Hindi mo naman sinabi
sa akin na nagsisimbang gabi ka pala. Sasama sana ako. May katagalan na rin noong
huli kong ma-experience ang simbang gabi.”
Iniiwas niya ang tingin dito bilang pagsasabi na hindi siya
intersado sa kahit na anong klaseng usapan pero sadya talagang may taglay ring
kakulitan itong ama niya.
“Si Eros ba ang kasama mo? Bakit `di mo siya dinala rito?
Masarap pa naman ang breakfast na ginawa ko.”
“Leave me alone. Gusto kong matulog ulit.” Sabi niya na
hindi ito tinatapunan ng tingin. Alam niyang his father doesn’t deserve this kind
of treatment from him pero dala ng sama ng loob ay pati ito ay idinadamay niya.
“Then how about I tell you a story para makatulog ka?”
Napapantastikuhan siyang napabaling rito? Ano’ng tingin nito
sa kanya, bata? Ibubuka na sana niya ang bibig para muling itaboy ito nang
maunahan siya nito.
“There’s this guy na gwapo, matalino, maparaan –lahat ng
magagandang traits ay nasa kanya na not to mention that he’s also a famous
varsity player kaya naman halos pagkaguluhan siya ng kababaihan sa koleheyo.
Isang araw, nakatanggap siya ng sulat mula sa isa sa mga babaeng nagkakandarapa
sa kanya na nagkataon rin na tipo niya. He dated this pretty girl hanggang sa
maging sila. Nang pareho silang makapagtapos ay nagbalak silang magpakasal,
pero hindi natuloy iyon nang mabuntis ng ibang lalake ang babae.”
Sa hindi malamang dahilan ay pinili niyang manahimik at
makinig. Biglang nakuha ang interes niya ng kwentong iyon ng kanyang ama.
“Syempre, nasaktan ang lalake sa pananarantado sa kanya ng
babaeng iyon kaya nagpakalayo-layo siya. Three years after, bumalik ang lalake
at doon niya nabalitaan na ikinasal na ang babae sa lalakeng nakabuntis rito at
nagsilang na ito ng isang batang lalake. Dahil doon, nagpasya na ang lalake na
kalimutan ang babae at hayaan na itong maging masaya sa piling ng iba. Inabala
na lang niya ang sarili sa ipinundar niyang maliit na negosyo. Isang araw,
habang abala si lalake sa pagpapatakbo ng kanyang maliit na negosyo ay may
naging costumer siya na isang magandang dilag na nakakuha ng pansin niya. But
what really surprise him is noong makilala niya ang magandang dilag na iyon –
ang nakababatang kapatid ng ex-girlfriend niya. Syempre hindi makapaniwala si
lalake na ang dati’y dalagitang katapid ng dating nobya niya ay ganap ng dalaga
at mas nahigitan pa nito ang ganda ng kapatid nito.”
Sandali itong huminto at inabot sa bed side table niya ang
kanilang family picture.
“Nag-usap sila at nagkamustahan. Doon niya nalaman na nasa
huling antas na rin pala ito sa koleheyo. Matapos ang maikling pag-uusap nilang
iyon, ay hindi na naalis pa isipan ng lalake ang kapatid ng kanyang dating
nobya kaya naman sinadya na niya itong puntahan
sa koleheyong pinapasukan nito para ayaing lumabas at dahil nga sobrang
guwapo ng lalaking iyon, ay pinaunlakan siya ng babae. Doon nagsimulang mabuo
ang pagmamahalan nila na nauwi sa pagpapakasal matapos grumaduate ang babae sa
koleheyo. Biniyayaan sila ng isang guwapong anak na minana ang lahat ng
magagandang katangian ng lalake.”
“At ang anak na iyon ay ako?”
Nakangiti itong tumango ito bilang pagkumperma.”
“Hindi namin alam ng mama mo na hindi pala bukal sa loob ng
Tita Rossel mo ang pagtanggap nito sa relasyon namin. Buntis na ang mama mo
sa’yo nang puntahan ako ng Tita Rossel mo at magmakaawang balikan ko siya at
iwan namin ang mga asawa namin. Of course hindi ako pumayag. Mahal na mahal ko
ang mama mo. When she came into my life, doon ko na-realize that she was the
one that I’m destined to be with. Itinago ko sa kanya ang ginawang pagpunta ng
Tita Rossel mo sa akin dahil ayaw kong magulo ang relasyon nilang magkapatid at
hindi na rin naman ako muling pinuntahan ng Tita mo. Pero nang ipanganak ka at
makita ng Tita Rossel mo kung gaano kami kasaya ng mama mo, tuluyan na siyang
nag bago. She begun hating everything hanggang sa kitlin niya ang sariling
niyang buhay.”
Kita ni Brian kung papaano maglaro ang iba’t ibang emosyon
sa mga mata ng kanyang ama. Naroon ang lungkot, galit, at panhihinayang.
“Pero hindi doon tinapos ng Tita Rossel mo ang lahat.
Nag-iwan siya ng sulat. Sulat na puno ng paninisi sa mama mo at sa akin. Kami
ang sinisi niya sa pagpapakamatay niya at sa pagkasira ng pamilya niya. Puno
iyon ng pangungunsensiya at pangungundena. Binago niyon ang mama mo.”
Ibinuka niya ang kanyang bibig para subukang magsalita pero
wala siyang makapang salita sa kanyang isipan. Ni hindi niya alam kung ano ang
dapat niyang maramdaman.
“Alam kong narinig mo kagabi ang pagtatalo namin ng mama mo.
At hindi kita masisisi kung galit na galit ka ngayon sa kanya dahil ako man,
aaminin kong may galit rin akong nararamdaman sa mama mo dahil hanggang ngayon,
hindi pa rin niya makita na sinadya iyon ng kapatid niya para sirain ang meron
kami ng mama mo. At kaya ko ibinaahagi sa’yo ang buong katotohanan, because I
want you to know where she’s coming from, Brian. Baka sakaling maintindihan mo
siya kung malalaman mo ang lahat-lahat.”
“H-Hindi ko alam.” Ang naguguluhan niyang naisatinig.
“Alam kong hindi ganoon kadali, anak. Pero sana kahit kaunti
lang, mabawasan ng mga nalaman mo ngayon ang galit na meron ka para sa kanya.
Hindi ko naman ito hinihiling sa’yo dahil kinukonsenti ko ang mama mo kung
hindi dahil ayaw kong tuluyan kang lamunin at baguhin ng galit mo sa kanya.”
Itutuloy: