Sunday, May 24, 2015

Anino Ng Kahapon 22


Photo by: Justyn Shawn



Alam kong sobrang tagal na nung huli kong naipost ang sinundang chapter ng Anino Ng Kahapon. Humihingi po ako ng paumanhin at pang-unawa. Masyado po akong naging busy sa work. Nayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataong makapagsulat. Gayunpaman, gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay.  Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik sa mga kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo. 


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:




_____


Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!

Nakakaawa ang kalagayan ni Enzo.  Anong tulong ba ang maibibigay ko sa kanya?  Paano ko ba mapapagaan ang sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman?  Paano?

"Shhhhhh... Tahan na.  Ang importante gumagawa ka ng paraan para makalimutan mo s'ya, ang problema lang sa maling paraan mo ginagawa.  I've been there, alam ko kung gaano kasakit ang pinagdaraanan mo ngayon at kung gaanong kapait ang nararanasan mo. Magkaibang level nga lang. But what I know is kakayanin mo 'yan."  Mga salitang tanging naisatinig ko sa kanya habang patuloy ang paghimas sa kanyang buhok upang ito ay aluin.

"Sana nga ganon lang kadali makalimot at ganon lang kadali ang mag move-on; kaya lang hindi, eh.  The more na pinipilit ko, the more na nasasaktan ako.  Ang hirap kalimutan ng isang bagay na naging parte ng buhay mo..." Habang patuloy na umiiyak si Enzo sa aking balikat at patuloy pa rin ang pag-aalo ko sa kanya.  "Ang hirap ng bawat pikit ng mata mo yung mukha n'ya ang makikita mo, sa bawat pagtugtog ng paborito n'yang kanta papasok lahat sa alaala mo ang masasayang araw n'yong dalawa at kapag naalala mo yung masasayang sandaling 'yun wala kang ibang mararamdaman kung hindi sakit at pait. Wala ni isang masayang sandal ang pumapasok sa isip ko." at dito lalong bumuhos ang mga luha sa mata ni Enzo ng walang patid na tila patak ng ulan o ng tubig na umaagos galing sa bukal.

"Enzo, alam mo, walang bagay na madali.  Kahit simpleng pagdilat ng mata, lalo na kung may sore eyes ka..."  hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko ay bigla n'yang dinugtungan ang sinasabi ko.

"Kasi puno ng muta ang mata mo." Pagputol nito sa pagsasalita ko sabay biglang napatawa.

Alam kong kahit papaano ay medyo gumaan ang kanyang kalooban kahit pa alam kong corny ang joke ko ay nabili pa rin niya.

"Gusto mo ba talagang uminom ngayon?” Isang mabilis na tanong habang ang kanang kamay ko ay ipinatong ko sa kanyang kaliwang balikat. “Pero sana pagkatapos nating uminom, you will try to find the old you.  Hindi kasi ako sanay na nakikita kang ganyan. I want you to divert your attention to something na makakatulong sa'yo para makalimot sa nararamdaman mo towards Allan.  You should think of yourself as well. Hindi yung puro s'ya na lang ang iniisip mo, tapos nakakalimutan mo na ang sarili mo.  Look at you, mukha ka ng ngarag na ewan."  Si Enzo kasi ang tipo ng tao na kahit may problema ay tinatawanan lang;  ganyan ko s'yang nakilala.  Kaya lang nawala na ang dating Enzo. Ang Enzo na nasa harap ko ngayon ay isang malungkutin at puno ng pighati. "Sige na alis na muna ako, bibili ako ng maiinom." Sabay tayo upang kumuha ng bag na paglalagyan ng alak. Hindi pa man ako tapos mag paalam ay bigla itong tumayo at nagsabing sasama din sya. Agad ko s'yang pinaghilamos upang medyo umaliwalas naman ang mukha niyang parang pinagtaksilan ng panahon gawa ng kanyang pag-iyak.

Habang naglalakad kami papunta sa wine house ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa tanging ingay lamang ng mga nagdadaan na sasakyan at mga pag-uusap ng mga nakatambay ang iyong maririnig.  Hinayaan ko lang si Enzo sa kanyang iniisip, baka sakaling makatulong.

Pagdating namin ng wine house ay nagring ang aking cellphone. Bago ko pa man sagutin ang tawag ay inabot ko na kay Enzo ang perang pambili ng iinumin namin at sinabihang bahala na siya kung ano man ang gusto niyang bilhing alak. Itinuro ko na lamang sa kanya kung saan ang pasukan sa bilihan ng alak at nagpaiwan na lang ako sa labas.

"Hello..." bungad kong bati sa kabilang linya habang nakatayo malapit sa labasan ng bilihan ng alak.

"Hello Ron, si Criselle 'to.  Ask ko lang kung may kakilala kang visit visa? Hiring kasi kami ngayon sayang din kasi kung sa iba pa mapupunta ang post diba, sa kakilala ko na lang ipapasa."

"Uy!  Sakto ang tawag mo kasi may friend ako dito na halos kadarating lang at kailangan talaga niya ngayon ng work.  Text mo sa akin yung e-mail address mo para mapasa ko yung resume n'ya." paniniguro ko sa kausap bago tuluyang putulin ang tawag.

Matapos makausap ang friend ko ay siya namang saktong labas ni Enzo dala ang bag na naglalaman ng alak na binili.

“Sino ‘yung tumawag?” takang tanong nito sa akin habang iniaabot nito ang sukli sa akin.

“Ah yun ba? Friend ko naghahanap ng visit visa. May opening kasi sa company nila. At dahil wala ka pang work, irerecommend kita.” Tumingin ako dito sabay bigay ng isang magiliw na ngiti. “Pagdating sa bahay, ibigay mo sa akin ang copy ng resume mo para maipadala ko na sa email nya.” May diin na utos ko dito. Isang payak na ngiti lamang ang kanyang isinagot sa akin na tila isa tanda ng pagsang-ayon.

Pagdating sa bahay ay agad kaming kumain. Matapos ang hapunan ay agad akong nagbukas ng email upang maipasa ang resume ni Enzo sa aking kaibigan. Nang maipasa ang resume ni Enzo, iniaayos ko na ang sala upang doon mag-inuman. Tinawag ko na rin ang ibang kasama sa flat upang makasalo naming dalawa.

Alam kong kahit papaano ay nakalimutan ni Enzo ang tungkol kay Allan; sa tulong ng alak at mga pilit na tawang kanyang binitawan ng mga sandaling iyon. Kahit paminsan-minsan ay kumakawala sa kanya ang isang malalim na buntong-hininga tanda ng sakit na kanyang nararamdaman kasabay ng minsanang pag-iling.

Lumipas ang ilang araw ay natanggap na si Enzo sa company na pinagtatrabahuhan ng aking kaibigan bilang isang receptionist. Ako at si Christian naman ay lalong naging matatag ang samahan. May mga tampuhan pa ring namamagitan sa amin sinisiguro naming hindi matatapos ang araw na hindi namin ito pag-uusapan upang ayusin ang hindi pagkakaunawaan. Isa pa sa ipinagpapasalamat ko ay ang pag-intindi nito sa akin sa pagtulong at paggabay kay Enzo. Ni minsan hindi nawala ang tiwala n’ya sa akin. Lagi pa rin itong nand’yan para sa akin.

Paminsan-minsan ay hindi pa rin naalis kay Enzo ang makikita mong nakatahimik na tila malalim ang iniisip at nakatanaw sa malayo lalo na kung mag-isa ito at walang ginagawa. Kaya naman madalas, kahit walang kwentang bagay nagsisimula ako ng mapag-uusapan malibang lang ito.  

“Oy! Musta ang trabaho?” Pagpukaw ko ng atensyon ni Enzo habang ito’y nag-iisp.

“Ah, okay lang naman medyo pagod ang dami kasing dumating na guest halos fully book nga kami ngayon.” Na tila walang gana nitong sagot.

“Ang lalim na naman ng iniisip mo. Si Allan pa rin ba?” Ngunit imbis na sagutin ang tanong ko eh isang pilit na ngiti lamang ang ibinalik nito sa akin.

Nanatili ang sandaling katahimikan sa aming dalawa.

“Alam mo Ron, nagpapasalamat ako sa ‘yo kasi ikaw lang ang tanging nakakaintindi sa pinagdadaanan ko ngayon. Ikaw lang ang naging kakampi ko sa mga panahong inaalipin ako ng kalungkutan.” Matapos magsalita ay bigla itong nagpakawala ng napakalalim na buntong hiniga. Dama ko pa rin sa kanya ang lungkot. Pero sadya yatang mahirap makalimot sa isang taong pinili mong maging parte ng iyong buhay.

“Sinabi ko naman sa ‘yo, alam ko ang pinagdadaanan mo kasi nanggaling na ako d’yan. Alam ko ang pakiramdam kung paano masaktan, ang umiyak magdamag hanggang sa makatulog , at paggising kinabukasan ay parang ipagpapatuloy lang ulit ang pag-iyak. Ang lunurin sa alak ang sarili para lang makalimot. Alam ko yan Enzo, alam na alam.” Ito ang mga salitang binitawan ko habang hawak ko ang kamay nito. At alam kong naiintindihan ni Enzo ang sinsiridad sa mga katagang aking binitawan. Dahil napagdaanan ko kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon. Sabi ko nga sa ibang level nga lang.

Unti-unti bumabalik na ang kanyang sigla. Bihira mo na lang itong makikitang nakamukmok at nag-iisip. Madalas mag-aaya itong kumain sa labas, manood ng sine, o kaya naman maglakad-lakad sa park. Isang magandang senyales na nakakalimutan na n’ya paunti-unti si Allan.

Isang araw, habang nagpapahinga kami sa kwarto ay nagpaaalam ito sa akin dahil lilipat na daw siya sa accommodation nila para mas makatipid. Kung sabagay, totoo naman, hindi na n’ya kailangan pang magbayad ng upa isipin pa ang gastos sa pagkain; doon libre na ang bahay at ang pagkain. Hindi ko na siya pinigilan pa dahil alam ko rin namang kakayanin na niya ang mag-isa lalo pa ngayong nagsisimula na siyang buuin ang kanyang sarili.

“Ron, maraming salamat sa lahat. Hindi ko makakalimutan ang tulong mo.” Tipid nitong wika sa akin habang nag-iimpake ng kanyang mga gamit.

“Sus! Ano ka ba wala ‘yun. At saka, akala mo naman hindi na tayo magkikita. Parang tatlong stop light lang naman layo ng accommodation n’yo dito. Isa pa, pwede ka pa rin namang pumunta dito para bumisita.”

Simula ng nakalipat si Enzo ay hindi pa rin naman nawala ang minsanang pagdalaw nito sa amin at minsanang inuman. At malaki na talaga ang kanyang pinagbago. Lalo na s’yang naging masayahin. Naging palakwento na ulit. Nakita ko na ulit ang dating Enzo na aking nakilala.

Mabilils na lumipas ang panahon. Nakapagbakasyon na kami ni Christian sa Pilipinas. Nakilala na s’ya ng mga kapatid at magulang ko. Naging magiliw ang pagtanggap sa aming relasyon gayun din ang pamilya n’ya sa akin. Napakasarap sa pakiramdam ang matanggap kami ng buo ng mga taong nagmamahal sa amin. Walang ibang makapagguguhit ng tamang imahe na aking nararamdaman.

Sana hindi matapos ang saya at ligaya na aming pinagsasaluhan. Sana walang wakas ang aming pag-iibigan. Sana… Sana… Ito ang hiling ko. Kahit alam ko na walang permanente sa mundo kung di ang pagbabago.

Day off namin noon at nataong nasa bahay din si Enzo dahil may kaunting salo-salo; isang kaugalian naming magkakasama sa flat upang palipasin ang aming oras. Biglang may kumatok sa pintuan. Lumapit ako dito upang pagbuksan, nagulat ako dahil si Christian ang iniluwa nito.

“Buddy, ‘bat di ka nagsabi na pupunta ka?” takang tanong ko dito habang pinapapasok ko s’ya sa loob ng bahay. Pati ang mga kasama ko sa bahay at si Enzo ay nagulat sa biglaang pagdating nito.

“Biglaan lang, we need to talk kasi. And I can’t tell it over the phone. Mas maganda na personal tayong mag-usap. Kaya I decided to come over.” Kinabahan naman ako sa tono ng kanyang pananalita. Parang may isang napakahalagang bagay ang dapat naming pag-usapan na hindi talaga maaaring sabihin over the phone.

“Tungkol saan kaya ang pag-uusapan namin?” ang unang tanong na pumasok sa aking isip.

“Sige, pasok ka muna. Kumain ka na ba? Kain ka muna.” Agad kong kinuha ang kanyang gamit at inilapag ito sa kwarto habang s’ya naman ay pinatuloy ko sa sala.  

Pagkatapos ay sinamahan ko si Christian sa kusina upang kumain.

Mataman ko lang s’yang pinagmamasdan habang ito ay kumakain.

“Hindi mo ba ako sasabayan?” tila naglalambing na tanong nito sa akin.

“Hindi na, halos katatapos ko lang ding kumain bago ka dumating.. Kung alam ko nga lang na darating ka ‘edi sana hinintay na kita para sabay na tayong kumain.” Sagot ko dito sabay bigay ng isang matamis na ngiti. Nagpatuloy na lang ito sa kanyang pagkain.

 Matapos niyang kumain ay dumiretso muna kami sa kwarto upang makapag-usap habang ang mga kasama ko sa bahay at si Enzo ay tuloy pa rin ang inuman, kwentuhan, at tawanan.

Pagpasok sa kwarto ay agad na umupo si Christian sa gilid ng kama habang ako naman ay nakatayo at nakatingin ng seryoso sa kanya.

“Buddy… a-a-ano ba yung sasabihin mo? Ki-naka-bahan naman ako. Ano ba yun?” Agad kong kinuha ang kanyang mga kamay. Halata sa boses ko ang kaba dahil na rin sa pautal-utal kong pagsasalita. Hindi ko kasi alam kung ano ang mga bagay na maari kong marinig.

“Budz, ‘wag kang masyadong kabahan. Pumunta lang ako dito para magpaalam.” Pauna nitong wika habang marahang pinipisil ang aking mga kamay upang sabihing okay lang ang lahat. “Uuwi kasi ako ng Pilipinas. Biglaan lang, may emergency na nangyari.” Pagpapaliwanag nito. Makikita mo sa kanya na kalmado s’ya habang nagsasalita ngunit mababanaag mo na tila may tinatago itong higit pa sa kanyang sinabi. Alam ko… Kilala ko s’ya eh.

“Halos kababalik lang natin. Payagan ka kaya ng company mo?”  ang sunod kong nasabi. Dahil alam kong maaring hindi s’ya payagan dahil nga kababalik lang naming galing bakasyon.

“Oo, sa totoo lang naka book na ang flight ko sa makalawa.” Tila isang pasabog naman ang aking narinig.

“Teka, nakabook na!?!”paulit-ulit kong tanong na iniisip.

“Start na ang leave ko kanina kaya agad akong pumunta dito para personal na makapagpaalam.” Dama kong may lungkot sa kanyang pananalita. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Hindi ito ang Christian na kakilala ko. Alam ko, meron s’yang hindi sinasabi sa akin. Kung ano man ito dapat kong malaman. Pero paano? Kung s’ya na mismo ang naglalagay ng pagitan sa aming dalawa. Ayaw kong lagyan ng kulay ang bawat galaw at salitang binibitawan n’ya. Sana lang mali ang pakiramdam ko.

“Matatagalan siguro ako bago makabalik.” Bigla na lamang itong yumuko na tila ayaw ipakita ang ekpresyon ng kanyang mukha. Ako naman ay napabitaw sa kanyang mga kamay. “Hindi ko alam kung kaylan. Sana lang habang wala ako ingatan mo ang sarili mo. I will call you as often as I can. May internet naman din, we can chat sa free time mo, just send me message. Alam mo naman ang number ni mama diba. Always remember, mahal na mahal kita Ron. Babalik ako para sa’yo.” Matapos magsalita ay bigla itong nagtaas ng mukha at tumayo. Inilapit ang mukha sa akin at isang marahang halik na puno ng damdamin ang kanyang ibinigay. Bagay na lubos na nagpalungkot sa akin.

“Ano ba kasi ang nangyari at kaylangan mong umuwi ng biglaan?” taging tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata. Ngunit, wala siyang isinagot sa akin. Tanging mga titig na tila punung-puno ng sasabihin ngunit tila hindi maisatinig.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Walang siyang matibay na dahilan bakit kailangan n’yang bumalik ng Pilipinas ng biglaan. Nakakapanibago.

Hinayaan ko na lang ang kanyang desisyon at pinanghawakan na lamang ang pangakong babalik s’ya para sa akin.

Matapos makapag-usap ay bumalik kami sa sala upang makisalo sa inuman.

Nanatili akong tahimik at naghahanap ng kasagutan sa huling tanong na aking iniwan sa kanya. Halos hindi ko naririnig ang kanilang usapan. Basta ang alam ko nagkakatuwaan sila. May nagkukwento at may tumatawa. Lutang. Iyan ang tanging nararamdaman ko.

Sa sobrang okupado ng aking isip, hindi ko namalayan na tumabi pala si Enzo sa akin. Kung saan s’ya nanggaling; hindi ko alam.

“Hoy! Ang lalim ng iniisip mo. Kasama mo naman s’ya.” Paggulat nito sa akin na s’yang nagbalik sa akin sa katinuan.

“Ay ikaw pala. Nasan na si Christian?” tila paglilihis kong sagot dito.

“Nag-CR. Masyado kasing malalim ang iniisp mo. Kami dito nagkakatuwaan na ikaw tulala. Natuklaw ka ba ng ahas?” alam kong nararamdaman ni Enzo na may buamabagabag sa aking kalooban. Tanging pilit na ngiti lang ang naisagot ko dito.

Mula sa hallway ay nakita naming paparating na si Christian. Pagdating nito ay agad itong umupo sa aking tabi at si Enzo naman ay bumalik na sa kanyang dating kinauupuan.

Pinilit ko ang sarili na makisabay sa kanilang kwentuhan upang hindi na mapansin pa ng mga kasama namin ang pagiging lutang ko hanggang sa matapos ang inuman. Pakiramdam ko ito ang pinakamahabang gabi ng buhay ko. Sa dami ng tumatakbo sa aking isipan.

Matapos ang inuman ay agad na kaming pumasok ng kwarto upang makapaglinis ng sarili at maghanda sa pagtulog.

Nakahiga na si Christian at mabilis na nakakuha ng tulog. Samantalang ako, gising pa rin at pilit pa ring hinahanapan ng kasagutan ang tanong kung bakit nya kailangang umuwi ng biglaan.

Kinabukasan, nagulat na lang ako ng gisingin ako ni Christian ng isang halik sa aking labi. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na ang pag-iisp.

“Good morning! Kamusta ang tulog mo?” tanong nito sa akin habang nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin lang sa aking mukha na tila kinakabisabo ang bawat detalye nito.

“Okay naman.” Pupungas-pungas kong sagot dito. Alam kong mugto ang mata ko dahil sa kulang ako sa tulog kaya para maitago ito ay binigyan ko ito ng isang napakatamis na ngiti.

“Tumayo ka na d’yan at ng makakain na. Uuwi na rin kasi ako after nating kumain para maiimpake ko na ang mga gamit ko.” Pagkumbinsi nito habang kinukuha ang aking kamay upang ako ay itayo mula sa pagkakahiga.

Ayaw ko pang bumangon. Ayaw ko pa kasi syang umalis sa tabi ko. Lalo pa’t sa kanya na mismo nanggaling na hindi n’ya alam kung kailan s’ya makakabalik. Pero wala akong magawa, ang lakas mangulit nito. Nand’yang pilit akong itatayo, kikilitiin, o kaya naman ay kakagatin sa balikat.

Nang tuluyan na akong tumayo mula sa pagkakahiga ay dumiretso kami sa kusina upang kumain. Iba ito sa nakasanayan naming sabay na pagkain. Mas madalas ang katahimikan sa aming dalawa ‘di tulad noon na puno ng kwentuhan at tawanan kahit na kumakain.

Matapos makakain ay nag-ayos na ito ng sarili upang makabalik na ng Dubai. Ako, naiwan sa kwarto na puno pa rin ng katanungan. Pinilit kong maging isang normal na araw ang araw na iyon. Kahit na bigat na bigat ang kalooban ko sa nalalapit na pag-uwi ni Christian.

Isang araw na lang at malapit ng umuwi si Christian papuntang Pilipinas. Tinawagan ko ito upang ipaalam na ihahatid ko s’ya sa airport ngunit s’ya mismo ay tumutol sa aking ideya. Mahihirapan lang daw s’yang makita akong nalulungkot. Kahit labag sa aking kalooban ay hinayaan ko na lang ang gusto n’ya tutal naman pwede naman kaming mag-usap over the phone, thru text, or chat. Ito na lang ang pampalubag loob ko.

Nakarating ng maayos si Christian sa Pilipinas at katulad ng pangako n’ya, kung may pagkakataong makakatawag s’ya ay ginagawa n’ya. Lagi din kaming nag-uusap sa chat. Wala yatang araw na hindi n’ya ako kinakamusta at walang araw na hindi nito ipinadarama ang pagmamahal niya sa akin kahit na magkalayo kami ngayon. Ito lang ang tanging naging hugutan ko ng lakas upang kumapit ng husto sa aming pagmamahalan.

Halos hindi ko naramadaman ang distansya sa pagitan naming dalawa ni Christian; sa tulong na rin ng mga kaibigan ko na itinuring ko na ring kapamilya lalo na si Enzo.

Lumipas ang isang buwan ay hindi pa rin nakakabalik si Christian. Marami pa raw siyang importanteng bagay na aasikasuhin. Medyo naging matumal na rin ang pag-uusap naming dalawa. Hindi ko naman inalintana gawa ng sabi nga n’ya madami s’yang importanteng bagay na inaasikaso. Kaya naman, itinuon ko na lang ang aking isipan at katawan sa paggawa ng bagay na makakatulong upang maibsan ang pangungulila ko sa kanya. Nariyang mag overtime ako sa work kung hindi man ay lumabas at magdisco sa gabi kasama ang barkada.

Habang tumatagal ay lalong dumadalang ang aming pag-uusap. May mga araw na sadyang hindi ko s’ya nakakausap. Hindi ko yata ito kakayanin. Pero, dapat kong tiisin. Hindi lang kasi isa o dalawang kilometro ang layo naming sa isa’t-isa kung hindi milya-milyang karagatan at kabundukan.

Minsan tumawag ako sa mama n’ya pero bigo akong makausap si Christian. Maraming dahilan akong narinig. Nandiyang wala sa bahay, pumunta ng probinsya, tulog at hindi pwedeng istorbohin, at kung anu-ano pang mga alibi ang aking natanggap.

“Christian, ano ba ang dapat kong malaman? May itinatago ka ba sa akin? Bakit kung nagkakausap naman tayo at tinatanong kita ay hindi mo naman ako bigyan ng matibay na sagot?” ito ang mga katanungang tumatakbo sa aking isipan. Sa pagkakaalam ko, masaya na tayo at mahal natin ang isa’t-isa. Ngunit ano itong nangyayari sa atin? Da[at pa ba akong humawak sa pangakong mahal mo ako at babalik ka para sa akin. Pero kailan at hanggang saan?



Itutuloy…

1 comments:

robert_mendoza94@yahoo.com said...

wow! at last may update na din Zekie. he he he

Post a Comment