Wednesday, June 4, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 25



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Nangawit ba ang mga paa niyo sa kahihintay? HAHAHA Konting-konti na lang mga paps at matatapos na rin ang kwentong ito. Phew! Aminado ako na hindi na biro ang pinagdadaanan ko sa kwentong ito lalo’t heto nga’t malapit na siyang magtapos. Pero asahan niyong gagawin ko ang makakaya ko mapasaya lamang kayo.


Muli ko na namang pasasalamatan ang mga taong walang sawang nagbibigay ng kanilang komento sa kwento ni Brian. Dahil sa inyo, mas na-inspire akong tapusin ang kwentong ito kaya naman palakpakan niyo ang mga sarili niyo. HAHAHA

Jayjay (Supah Minion), Bobby Evasco (Siya daw si Eros), Pancookie (Ang taga pressure sa akin), Monty, Makboy (Simula 9Mornings 1 kasama ko na siya), Beaucharist, Chie (Mojaco), MigiL, ManilaActor, Jec, BaguioWithLove (Kauuwi lang diyan ng Tita at pamangkin ko), BruneIyuki214 (Welcome Darling haha), Luilao, Migz (Salamat talaga sa suporta), Jayvin, Jco, Racs, TheLegazpiCity, RobertMendo, Pangz (Oi! Miss xu!), Ivarro, Tzekai Balaso, Chants, SlusheLove, At Lance.


Sa mga Anonymous at Silent Readers, salamat din sa inyo sa patuloy na pagbabasa sa kwentong `to!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




“Ang tigas talaga ng mukha ng pinsan mong `yon. Nabugbog mo na’t lahat, hindi pa rin nadala.” Komento ni Dave matapos niyang isalaysay ang mga ikinuwento sa kanya ni Eros nang sadyain ito ng tinamaan ng lintik niyang pinsang si Xander.


“Ano ba ang problema ng isang `yon sa’yo, pare? Bakit ba gustong-gusto niyang agawin sa’yo ang lahat ng meron ka?” Tanong naman ni Rome.


“Hindi ko alam.” Pagsasabi niya ng totoo dahil wala naman talaga siyang maisip o maalala na may nagawa siyang masama rito para paginitan siya nito ng husto.


“Baka hindi nasalo ng doktor noong iluwal siya dito sa mundo kaya may saltik.” Ngingisi-ngisi namang wika ni Claude.


“Tulad ng nangyari sa’yo, kuya?” Basag dito ng pinsan nitong si Matt dahilan para batuhin ito ng nilamukos na tissue ni Claude na ginantihan naman nito.


“Alam ni Xander kung gaano katindi ang damdamin ni Eros para sa’yo, and he tend to use it para mapapayag niya ito sa gusto niyang mangyari.  What a dirty trick.” Pagbabalik ni Vincent sa usapan.


Napatingin siya sa gawi kung saan niya pansamantalang iniwan ang kasintahan.


“Kaya nga malaki ang pasasalamat ko na hindi kinagat ni Eros ang kalokohang iyon ni Xander. Sa kanya lang ako naging ganito ka saya at ka-secured. Hindi ko `ata kakayanin na mawala siya sa akin.”


“Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng totoong pagmamahal. `Di ba ang saya?” Nakangiting wika ni Red.


“Sobra!” Nakangiti rin niyang tugon.


“Paano `yan? Paniguradong iisip na naman ng panibagong paraan ang pinsan mong `yon para sirain ang meron kayo ni Eros.” Si Chuckie.


“Kahit ano pang paraan ang maisip niya, hindi niya masisira ang meron kami.” Puno ng kompyansiya niyang sabi.


Napagkasunduan na nila ni Eros na kahit ano pang problema ang ibato sa kanila ng tinamaan ng magaling niyang pinsan ay magkasama nilang haharapin. Nangako rin sila sa isa’t isa na kahit kailan ay hindi sila bibitiw at hahayaang magtagumpay si Xander kaya malakas ang loob niya. Kasing lakas iyon ng tiwala niya kay Eros.


“Teka teka! Kailan ba nagsimula ang pakikibaka mo kay Eros?” Curious namang tanong ni Matt.


“This month.” Ngingisi-ngising tugon ni Dave.


“Ngayong buwan lang?” Nagulat na wika ni Nhad. “Paano nangyari?”


“Kung may isa pang tao akong kilala na kayang pantayan ang galing ko sa pagmamanipula, si Dave iyon. So I’m pretty sure na kagagawan niya ito.” Wika ni Maki saka ito bumaling sa kanyang kaibigan. “Tama ba ako?”


“I was bored. So I try to do some experiment.” Kaswal na sagot ni Dave.


“At ako ang ginawa mong subject?” Di niya makapaniwalang naibulalas.


Ngumisi ito ng nakakaloko.


“Gusto ka lang niyang maging masaya.” Kaswal namang sabat ni Nico.


“Shut your mouth Nicollo.” Saway ni Dave rito.


“Totoo naman di ba? Sinadya mo silang pagtagpuin dahil alam mong kakabugin ng nararamdaman ni Eros si Brian. At malaki ang posibilidad na magkakagustohan sila. Sinadya mo ring hindi ipaalam kay Brian na matagal mo ng alam na hindi konektado si Eros kay Xander para magkaroon ng katuparan ang plano ni Eros na makuha ang interes ni Brian.”


Nangunot ang noo niya sa mga narinig kay Nico at napatingin kay Dave may pagtatanong sa kanyang mga mata. Bigla niyang naalala ang naging usapan nito at ni Chuckie noon sa bahay niya bago niya unang makilala si Eros.


“So, darating siya ngayon dito? Ilang porsyento ba na tama ka sa hinala mo Dave?”


“Hmmm… Ninety-nine.”


“Base sa experience o base sa mga nalaman mo?” Si Chuckie.


“Both.”


‘So, ang ibig sabihin ng porsyentong pinag-uusapan nila noon ay ang posibilidad na magkakagusto ako kay Eros?’ Naibulalas niya sa kanyang isipan matapos balikan ang ala-alang iyon.


“Kailan ka pa naging ganito kadaldal Nicollo?” Nakasimangot na wika ni Dave sa kausap.


 “Alam mo na noon pa na mangyayari ito?” Naiwika niya dahilan para matuon sa kanya ang tingin nito.


“Yep! Pero may kaunting pagdududa pa rin siya that’s why sinigurado niyang mangyayari talaga lahat.” Nakangiting sabat ni Red.


Nangunot ang kanyang noo sa pagtataka.


“Kung may nakakakilala man sa’yo ng husto, si Dave `yon. Alam niyang hindi mo basta-basta tatanggapin si Eros sa sestema mo kaya gumawa siya ng paraa mangyari `yon. Syempre, sa tulong namin.” Dagdag nito.


“Mga tarantado kayo! Sinadya niyong guluhin ang utak ko para makaroon ng katuparan ang lahat?”


“Gusto ka lang naming maging masaya.” Ngingiti-ngiting depensa ni Red. “Lalo na si Dave. He wants his best friend to found real happiness. Nagsasawa na raw siyang makita kang malungkot.”


“How sweet!” Sabay-sabay na komento ng iba nilang kaibigan.


“Wala akong sinabing ganyan, ha!” Alma nito na hindi maitago ang pagkabalisa dahilan para mapangiti siya. I-deny man nito, ay nakikita naman niya ang katotohanan sa mga mata nito. Sadyang ayaw lang talaga nitong ipakita ang pagmamalasakit nito sa kanya.


“Mahal talaga ako nitong bestfriend ko! Pa-kiss nga!” Ngingisi-ngisi niyang sabi. Hindi siya galit sa mga pangingialam nito sapagkat kung hindi dahil doon, wala siyang Eros ngayon.


“Sige nang balatan ka ng buhay ni Alex.” Nakangisi rin nitong tugon.



Naputol lang ang masayang pagbibiruan nilang iyon nang marinig nila ang sigawan ng ilan sa mga bisita dahilan para mabaling sa mga ito ang kanilang atensyon.


“Mukhang nagsimula ng magpamalas si bayaw ng kanyang talento.” Tila na excite na wika ni Vincent nang makita nila ang pagkukumpulan ng tao sa may bar.


“Alright! Andy and his notorious drinks!” Ngingisi-ngisi namang wika ni Rome.


“Ano pa ang hinihintay natin? Tara na’t simulan na nating gawing mas interesante ang gabing ito.” Aya naman sa kanila ni Claude at tinungo na nila ang mesa kung saan nila iniwan ang mga kasintahan nila.





Ang mesa na siguro nila ang pinakamagulong mesa sa party na `yon. Paano ba naman, pinaghalo iyon ng tatlong grupo na masasabi niyang pare-parehong may sira sa ulo. Ang grupo ng Seventh bar, ang grupo nilang magkakaibigan at ang grupo ng mga kaibigan ni Alex. Halos hindi na nga sila magkasya sa sobrang dami nila.


Hiyawan, tawanan, hiritan at lambigan. Ilan lang ang mga iyan sa mga tagpong nagaganap sa mesa nilang iyon. Bakas sa mukha nilang lahat ang kasayahan. Isang klase ng kasayahan na masasabi niyang tatatak sa bawat isa sa kanila.


Pasimple siyang bumaling sa kanyang katabi. Hindi maitatanggi sa mga mata nitong hindi marunong magtago ng emosyon ang ibayong kasayahan. Enjoy na enjoy ito sa company ng kanyang mga kaibigan at sa mga hindi matatawarang mga kalokohan ng mga ito na siya namang dahilan para wala sa sarili siyang mapangiti.


Who would have thought that he would found real happiness to someone like Eros? A person who easily charm its way to his friends and to his heart. Nakakatawa nga lang na sa isang kakaibang paraan sila nito pinagtagpo. Isang paraan na ang naging pasimuno ay si Dave. At kahit hindi man niya napaghandaan ang lahat, ay nauwi naman iyon sa isang pinakamagandang pangyayari sa kanyang buhay. Tama nga siguro sila, hindi pinaghahandaan at hinahanap ang taong para sa’yo. Kusa itong darating sa buhay mo in a very unique and surprising way.


“Bakit?” Untag ni Eros sa kanya.


Wala sa sarili siyang napakurap.


“A-Anong bakit?” Maang niyang balik mukhang nawala na naman siya sa sarili habang nakatitig rito.


“Bakit ka nakatingin sa akin?” Ang nangingiti nitong sabi. Wala na sigurong mas gaganda pa sa ngiti nito.


“Wala naman. Hindi lang ako makapaniwala that God gave me someone like you. To think na hindi naman ako ganoon ka-reliheyosong tao.” Nakangiti niyang sagot.


“Ang daming langgam!” Bilang sigaw  ni Angela na dahilan para mabaling dito ang kanilang tingin. Doon lang nila napansin na nasa kanila na pala ang atensyon ng mga kasama nila sa mesang `yon. At ngayon nga ay nakaguhit na sa mga ito ang mga nakakalokong ngisi. Pareho tuloy silang hindi napakali ni Eros.


‘Pambihira! Mga tsismoso’t tsismosa talaga ang mga `to!’


Naputol lang ang nakakailang na sitwasyong iyon nang pumailanlang ang pamilyar na intro ng isang kanta na sinabayan ng muling pagtitilian ng ilan sa mga taong naroon. Pare-pareho silang napatingin sa mini stage.




“My ideal for a perfect Christmas..”


“OMG! I love this song!” Nagkakaisang wika ng mga babae nilang kasama sa mesang iyon na sinangayunan naman nilang lahat sa pamamagitan ng pagtahimik at pakikinig sa kanta.


Sa kalagitnaan ng kanta ay hindi napigilan ni Brian na abutin ang kamay ni Eros at pahugpungin iyon. Sa ilang paskong nagdaan sa buhay niya, itong paskong paparating na siguro ang masasabi niyang pinakamaganda’t pinakaperpektong pasko sa tanang buhay niya.


“Masyado `atang keso ang mga tao sa mesang `to?” Napalingon sila sa nagsalita at doon rin niya napansin na tulad nila ni Eros, ay nagkakanya-kanya na rin pa lang lambingan ang mga kasama nila.


“Kuya Pat!” Magiliw na wika ni Nhad.


“And the new faces of Teletubbies! Sa wakas dumating rin kayo!” Dugtong naman ni Dave na ikinahagikhik nilang lahat.


“Anong Teletubbies? Hindi pang Teletubbies ang kaguwapohan ko `no!” Nakasimangot namang wika ni Zandro.


“Huli na ba kami masyado sa party na `to?” Wika pa ng isa sa mga ito na si Marx.


“Kasalanan ni Casper the unwanted sperm kung bakit kami na huli.” Si Miles


“Sinundo ko pa kasi si Pat.” Napapakamot naman sa ulong wika ni Jasper.


“Mabuti at dito niyo naisipang gawin ang party. Hindi ako mangangamoy usok.” Ani naman ni Keith.


“Sino sila?” Ang pabulong na tanong sa kanya ni Eros.


“They are part of our extended friends.” Tugon naman niya saka binalingan ang mga bagong dating. “Mga panget, meet Eros and his best friend Russel. Russel, Eros meet Andy’s best of friends; Miles, Keith, Marx and Jasper. And Nhad’s cousin who also happened to be Lance’s best friend Pat.” Pagpapakilala niya sa mga ito.


Isa-isang nakipagkamay ang mga ito sa kanyang kasintahan at kaibigan nito.


“Naniniwala ka ba na pangit ako, Eros?” Wika ni Zandro nang ito na ang makipag kamay sa kanyang kasintahan. “At bagay ba sa mukha kong `to ang maging myembro ng Teletubbies?”


“Hindi.” Nakangiti namang tugon dito ng kanyang kasintahan.


‘Pinatulan pa talaga.’ Napapailing niyang naisambit sa kanyang isipan.


“Talaga? Buti ka pa nakikita mo ang kagwapohan kong taglay. Mukhang magkakasundo tayo.”


“Pwede mo ng bitawan ang kamay niya.” Walang halong pagbibiro niyang sita kay Zandro,


Napabaling ito sa kanya na may pagtataka saka muling ibinalik ang tingin sa kanyang kasintahan na nagbigay lang ng nahihiyang ngiti. Nang mapagtanto nito ang lahat ay biglang nanlaki ang mata nito at napabaling sa kanya.


“Nag-transform ka na rin?” Naibulalas nito na ikinatawa ng mga tinamaan ng magaling niyang mga kaibigan.


“Bakit? May problema ka?”


“Wala! Uso na naman `yan ngayon, `di ba Andy?”


“Umupo ka na nga lang Zandro.” Napapailing pero halatang nagpipigil na matawang wika ni Andy sa kaibigan.


Mas lalo pang naging magulo ang gabing `yon dahil sa presensiya ng mga kaibigan ni Andy at pinsan ni Nhad. Kung anu-ano pang mga pang-aasar ang ibinato ng mga ito sa kanya na tinatawanan na lang din niya. Alam naman kasi niyang gusto lang makabawi ng mga ito sa mga pang-aasar niya noon. Ganoon din naman sila kay Dave noong bago pa lang ang relasyon nito at ni Alex.


Hindi rin nakatakas sa kanyang pansin na naging kumportable na rin si Russel sa kanyang mga kaibigan lalo na sa taong katabi nito na si Popoy. Minsan pa nga ay nahuhuli niya ang palitan ng mga ito ng matatamis na ngiti na ikinibit-balikat na lamang niya at hindi na pinagtuunan pa ng masyadong pansin.


Masasabi niyang ang party na sigurong iyon ang pinakamasayang party nilang magkakaibigan. Bukod sa kumpleto sila ay naroon din at kasama nilang nagsasaya ang taong may hawak ng puso niya. Sana hindi na lang matapos ang gabing iyon.





Kahit medyo sabog at may pagkahilo pa ring nararamdaman, hindi iyon naging sapat para mapigilan sina Brian na makapagsimba sa ika-anim na misa de gallo, kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan na balak ring kompletohin ang siyam na novena.


Hindi lang naman dahil sa may gusto siyang hilingin at gusto niyang samahan si Eros ang mga rason kung bakit niya ipinagpapatuloy ang pagsisimba. Nararamdaman rin niya na kapag nasa loob siya ng simbahan at matamang nakikinig sa misa ay nagiging panatag siya at gumagaan ang kanyang pakiramdam. Animoy sa loob ng simbahan ay nawawala ang mga bagay na nagpapasakit ng ulo niya tulad na lang ni Xander.


Patapos na ang misa nang maramdaman niyang may kung anong mabigat na bagay sa kanang balikat niya. Napatingin siya kung ano iyon at agad na napangiti nang makita ang nakahilig na ulo ng kanyang kasintahan. Tulog na ito.


‘Napagod talaga siya ng husto.’ Ang naisambit niya sa kanyang isipan at maingat na pinusisyon ang pagkakahilig nito sa kanyang balikat sa mas komportableng ayos. Siya man ay medyo ramdam na rin ang pinaghalong pagod at antok. Sa katunayan nga, ay kanina pa niya pinipigilan ang mapapikit.


Nang tuluyang matapos ang misa ay pinili nilang huwag munang makipagsiksikan sa mga tao. Nang sa wakas ay kaunti na lang ang tao ay binalingan na siya ni Dave.


“Nakatulog na pala si Eros. Ano tara na?”


“Oo. Napagod ng husto. Sige tara.” Pagpayag naman niya saka binalingan ang kasintahan. “Spidy gising na. Uuwi na tayo.”


Pupungas-pungas itong nagmulat ng mata’t tumuwid ng upo.


“Tapos na ba?”


“Yep! Napansin kasi ni father na nakatulog kana kaya tinapos na niya agad.” Nakangiti niyang sabi. “Tara na’t ng maihatid na kita sa inyo at maituloy mo na ang tulog mo.”


Nang marating nila ang kinalalagyan ng kanyang sasakyan, ay nagpaalam na siya sa kanyang mga kaibigan at agad na tinungo ang daan sa bahay nina Eros. Kahit anong pilit niya ritong pangungumbinsi na matulog lang muna habang nasa byahe sila ay nanatili itong gising. Baka raw pati siya ay makatulog kung hindi siya kakausapin nito.


“Rest well Spidy.” Pagpapaalam niya rito saka ito kinantilan ng isang matamis na halik. “Text mo ako kapag gising kana, ha?”


“Kaya mo pa bang magmaneho pauwi? Bumaba ka muna kaya at magkape na muna?”


“I’m okay.” Sa totoo lang ay gusto niya ang ideyang bumaba na muna pero nakikita niyang pagod na pagod na ito at kailangan ng makapagpahinga.


“Sigurado ka?”


“Yep! Sige na pasok kana nang maituloy mo na ang tulog mo.”


“Okay. Mag-iingat ka sa pagmamaneho, ha? I-text mo ako pag nakauwi kana.” At kinantilan siya nito ng halik saka ito tuluyang bumaba. Hinintay pa niyang tuluyan itong makapasok bago ngingiti-ngiting muling pinaandar ang makina ng kanyang  sasakyan.


Nang muling huminto ang sasakyan ni Brian ay sa tapat na ng bahay niya. Agad siyang bumaba para buksan ang gate dahil nga nagbabakasyon ngayon ang kanyang katiwalang si Manang Delia and for some strange reason, bigla siyang nakaramdam ng kaba.


“Parang may mali.” Naibulong niya at nagpalinga-linga para lamang makitang wala namang kakaiba sa paligid. Ikinibit balikat na lang niya ang nararamdaman at muling pumasok sa kanyang sasakyan para maigarahe na ito.


Naglalakad na siya papunta sa main door ng bahay nang muli niyang maramdaman na para bang may mali.


“Hindi naman siguro napasok  ng magnanakaw ang bahay ko.” Ang naiwika niya at dali-daling tinungo ang main door.


He was about to insert the key nang ma-realize niya na hindi na ito naka-lock.


“Oh, shit!” Naibulalas niya at tuluyang binuksan ang pintuan para lamang mapalitan ang kabang nararamdaman niya ng matinding pagkagulat.


“So this is what you do for the past five years? Ang abutan ng sikat ng araw sa kung saan-saan?”


“M-Ma?” Ang hindi makapaniwala niyang naisambit.




Itutuloy:




34 comments:

robert_mendoza94@yahoo.com said...

hala, mukhang magkakarun ng geyera! he he he

Reymond Lee said...

one of the main antagonist already appeared.i'm just wondering how the story continues.is she really an enemy?that, i wonder.

Anonymous said...

Omg.. ang nanay nya! May hadlang na panibago.. asar naman.. pero kaya ni idol yan.. heheh.. excited naq sa next chap.. great job kuya zeke.. ok sa alrigth.. :)

-Jec

MigiL said...

Saya ng party! parang gusto ko sumali ahahahaha! Ayan na ang mama ni Brian..hays may bagong ally na naman si xander >_< .. may alliance na tlga ang mga kontrabida although manipulate lng ni xander yung mama ni brian hahaha! di nila kaya ang Brian-Eros tandem! Go go go Brian-Eros team! :D thank you sa update kuya zeke! :D

Anonymous said...

eto na ...

May bagong gulo nanaman between her mOM...


Siguro mama niya ang relasyon nila haixt...


But i have trust of brian
di niya hahayaang mangyari yun..he loves eros...



To Xander... Go to hell ka na lang haha


kuya zeke..Thanks po sa chapter na to muah muah


-mhimhiko

chie said...

Nakakatuwa talaga ang usapan ng mga boys(top). Hahaha! Wala talagang palya ang mga kalokohan nila. Sana magkaroon din ng usapan ang mga boys(bottom), pero okay lang kahit wala. Hahaha! Gulo ko no? :)

Alam mo Zekoy kinilig ako kay Brian nung sinabi niya ang katagang..."Hindi lang ako makapaniwala that God gave me someone like you." Parang ang sarap pakinggan. Inggit na naman ako. :)

Well well. Mukhang hudyat na ng mga pagsubok ni Brian (at Eros) ang pagdating ng kanyang ina. May alam man ako sa mga mangyayari, pero excited pa din ako kung paano mo yun ilalahad. Sabi mo nga, di ka pa sigurado kaya posible pang magbago yung nasabi mo sa akin. :)

Can't wait for your next update Zekoy! :D

Unknown said...

Bakit ganun hindi ako na informed meron na book 5 kainis nmn ... Basa mode thanks zeke mwah...

Yhad S. Beucharist said...

Good night to everyone. Antok na ako, may pasok pa bukas. At para dito, ang chapter na ito ay "Hart" "Hart" ....

russ said...

Nandito ma c parents hehe patay kna....

bruneiyuki214 said...

thank you sa update..parang gusto ko na talagang paniwalaan tong very inspiring lines" hindi pinaghahandaan at hinahanap ang taong para sa'yo, kusa itong darating sa buhay mo in a very unique and surprising way." Haisssst sana maexperience ko na toh...i love you more darling zeke kelan birthday mo?

Anonymous said...

Things are getting more n more n morrrrrrrrrrreeeeeeeee Interesting! weeeeeeeeeeeeeee!!!

Update na boss! Mag chchristmas na nmn baka di pa to mptos. JOKE! hahaha

-PanCookie

Zildjian said...

September pa. Bakit? Hehe

bruneiyuki214 said...

really darling!!!!! pareho pala tayu...isasabay na lang din kita sa mass intention ko kung ganun.

Anonymous said...

ang sarap sa pakiramdam nung mga love quotes,kakainspire!!^^

ska ang ganda ng boses nung kumanta ng christmas song!!hihihi.

Naku,,nkakanerbs nmn anjn na nanay nya!surprising!haha

-monty

luilao said...

At nagkita kita na silang lahat!! Hahaha.. Gyera na itoooooo!! Ano kaya ang gagawin ng mama ni Brian? Hmmmm author okie lang maghintay ulit ng matagal basta mahaba ulit ang chapter hahaha.. Thanks again sa special mention!!! Weeeeee kaka inlove talaga.. Feeling ko si russell at popoy na ang nxt story hehehe

Migz said...

Hahaha.. Another twist? Nice one Zeke, this makes it even more interesting.. I will always support you Zeke because you are one talented/brilliant writer.. Keep up the great work..

manila_sex_actor said...

Nakakabitin

Ilang years kaya uli ang susunod n chapter

Anonymous said...

The weather is so hot so I turned on the AC para mas mafeel ang story while the Christmas song play.... It really does ease a stressful day.....

Anonymous said...

patayin ang mama ni brian hahaha
nice 1 zek


jco

Anonymous said...

"Andaming langgam!" Si Angela talaga kahit kelan agaw eksena... At dumating na yung mama ni Brian! Ano na ang mangyayari sa next chap?

~JAYVIN

Anonymous said...

Pahirap ng pahirap ang laban nila Brian at Eros! Yakang yaka nila yan! hahaha ty sa update! :D

Anonymous said...

Taga dito rin ung tita mo author? Kasi sabi mo kauwi lang ng tita mo dito.

Anweis highways anu ba yan daming pasabog ngaun naman ang nanay ni brian ang contrabida na dumating hindi po ba pwedeng one problem at a time ang lulusutan nila ni eros. At pansin ko parang dadami pa ang isusulat mong book kasi feeling ko gagawan mo rin si russel at popoy ng kwento nilang dalawa (hihihi can't wait) and napansin ko din maraming characters na parang bago lang sa paningin ko.

Keep it up author

From: baguio with love

Ryge Stan said...

goodness dumating na ang resbak ng pinsan Brian, hehehe mukhang mas lalong gumulo ang sitwasyon sa pagdating ng Mama ni Brian, but I hope Andy and Brian will endure everything.

Have a great day zake and keep it up

Anonymous said...

oh my..!! bakit parang monster-in-law ang magiging aura ng nanay ni Boromeo.. hala lagot na.. hahahaha.. super scary..!!

eto na ba ang simula ng mas matinding conflict.. oooohh can't wait na..

all things just keeps getting better... tama ba yun?? oh well..

God bless-- Roan ^^,

Anonymous said...

Sweet sweet...... Pakagat sa langgam ang mga nakapaligid... Bwahahahah..... Makboy

TheLegazpiCity said...

ito na ang mga pasabog ni zeke...dala na ni mudrakels..hehehe

hello pala kay pangz and makboy,,,,

Anonymous said...

Hala patay na dumating ang isang kontrabida...abo kaya ang dala nito na ikasisira ng relasyong eros at bry? Exciting!tnx zeke.

Randzmesia

Jace said...

sana nilagyan mo ng POV ni Eros kausap naman yung iba.. ahahaha.. XD

well... lalo ko nagustuhan dito si Dave.. ahahaha.. :P

simulan na ang DIGMAAN!!! nanjan na ang Mama ni Boromeo.. :D

-SupahMinion

Unknown said...

Haha the grand reunion :) bilib talaga ako sayo kuya zeke. Mahirap magsulat pag madaming characters at dapt lahat may linya pero nagawa mo ;) tas laging nakaka kilig si brian at eros,kelan ba sila hindi nakaka kilig? Haha at yung mga kasama nila nilalanggam na,lalo na si popoy at russel. Taos nagimbal ako sa mama ni brian. Ano kyang mangyayari?

Chase said...

exciting na nakakatakot XD ty po sa update :)

Anonymous said...

OMG ngaun lang nakapagbasa ng update..... and what an exciting cliffhanger idol..... So kakayanin ba ng tapang ni Brian at ng charm ni Eros ang bagyong dala ng bias na mudra ni Brian?! Susunod!!!!

p.s. kudos ulit sa magandang update Idol, I consider this a nice gift from you on my birthday....

--Ivarro

Anonymous said...

hmmmm...


pangz

Anonymous said...

anak ng nanay nya si xander kaya ganun ito kaprotective sa kanya. at ang nanay nya ang maghihiwalay sa kanila ni eros. tama ba hulalysis ko zek?

-lance

Alfred of T. O. said...

Patay si Boromeo....Dumating na ang isa sa mga kontrabida ng buhay niya...ride on ka na lang Bor...Thanks Mr Author for your story.

Post a Comment