Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Alam kong marami sa inyo ang naiinis na dahil sa sobrang tagal na nasundan ang kuwentong ito. Sorry naman mga paps! Busy lang sa paghahanap ng trabaho kaya nahuli ako sana maintindihan niyo.
At tulad ng palaging nangyayari sa mga kuwento ko, heto na ang POV ni Eros Drake. Sana magustohan niyo ang chapter na ito at sana rin hanggang sa huling chapter ay nariyan pa rin kayo. Belated Happy Valentines sa lahat! Ingat tayo lagi!!!!
Hep! Teka muna. Bago ko nga pala makalimutan, gusto kong batiin rito si Sympatiko Silver! Ayan ha! Tinupad ko na ang pangako ko sa’yo!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Maganda
na sana ang tagpo sa panaginip ni Eros nang biglang gisingin siya ng malakas na
tunong ng kanyang alarm clock. Pupungas-pungas siyang napabalikwas ng higa at
naririnding pinatay ang bagay na sumira sa maganda niyang panaginip.
“Naku naman! Ang galing naman ng timing!” Naiinis niyang
naibulalas saka parang wala sa sariling tumingala at muling ninamam sa kanyang
isipan ang panaginip na naputol.
Napangiti siya ng matamis.
“Kahit talaga sa panaginip, ang guwapo-guwapo pa rin ng
Brian ko! At ang sarap niya talagang humalik!” Muli niyang usal saka
nanggigigil na isinubsob ang mukha sa kanyang unan. Paniguradong pag may taong
makakakita ngayon sa kanya ay iisiping isa na nga siyang ganap na baliw.
Pero masisisi ba niya ang kanyang sarili? Ang taong laman ng
kanyang panaginip ay walang iba kung hindi ang taong kanyang pinangarap noon pa
man. Ang taong ni sa hinagap ay hindi niya inakalang makakadaupang palad niya
at makakarelasyon.
Yes. Ang makilala ang isang Brian Ramirez at makadaupang
palad ito ay isang pangarap lang na hindi pwedeng matupad para sa kanya noon.
Because the dude is not just handsome, galing din ito sa may kayang pamilya.
Habang isa lamang siyang normal na tao. Ang malala pa, ni halos hindi siya
nag-e-exist sa mata ng lahat. Bakit? Dahil pangit siya. Walang sense of fashion
at pinagdamutan ng self-confidence. But that was before. Hindi na siya ngayon
ang taong dati ay siya sapagkat binabago na niya ang kanyang sarili na hindi
naman niya pinagsisisihan dahil maraming magagandang bagay itong naging hatid
sa kanya at ang pinakamaganda niyon ay ang makadaupang palad at makarelasyon
ang taong pinangarap niya noon.
Pero gayon pa man, kahit sa kabila ng magagandang nangyayari
ngayon sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasang mabahala. Hindi niya kasi
maiwasang isipin kung hanggang kalian ang itatagal ng mga ito. Lalo pa’t
napakabilis ng mga pangyayari.
Marahan niyang ipiniling ang kanyang ulo. Hindi ito ang
tamang oras para paghariin niya ang mga panggulo sa isipan niya. Ano mang oras
ay darating na ang kanyang irog at dapat ay nakapaghanda na siya.
Dali-dali siyang lumabas ng kanyang kuwarto. Agad niyang
naiyakap ang mga kamay sa sarili ng dumampi sa kanyang balat ang malamig na
simoy ng hangin mula sa nakabukas na bintana.
“Brrrrrr! Paskong-pasko na talaga!” Nanginginig niyang
naibulalas.
“Mabuti naman at gising kana. Ang akala ko’y kailangan pa
kitang hilain sa higaan mo. Maligo kana at baka mahuli tayo sa unang araw ng
misa de gallo.”
Napabaling siya sa gawi ng kusina para lamang matagpuan ang
kanyang ina na abalang hinahalo ang tinimplang kape. Nakalimutan niyang hindi
lamang pala siya sa bahay na iyon ang naging panata na ang kumpletuhin ang
simbang gabi. At nakalimutan rin niya na inaasahan na pala ng kanyang ina na
tulad ng nagdaang mga misa de gallo ay sabay silang magsisimba.
“Ah... Ano kasi ma…” Ang may pag-aalangan niyang wika.
“Huwag mong sabihin na tutulad ka na rin sa mga kapatid mo
na kinalimutan na ang magsimba, Eros Drake?”
“Hindi, ma. Magsisimba ako. Kaya nga maaga akong bumangon.
Pero hindi ako sa kapilya magsisimba.” Depensa niya sa sarili.
“At saan ka naman magsisimba, aber?” Nakataas na ang kilay
na tanong nito.
Sasagot pa lang sana siya nang may pumarang sasakyan sa
tapat ng kanilang bahay. Hindi niya puwedeng ipagkamali kung kanino iyon. Tunog
pa lang ng makina nito ay kilalang-kilala na niya.
“Ayon! Kaya hindi ka sa kapilya magsisimba tulad ng
nakasanayan natin ay dahil hindi ka sa akin sasama kung hindi sa iba. Hindi pa
ba kayo nakokontento sa araw-araw niyong paglabas at pati sa pagsimba ay
kailangang magkasama pa rin kayo?” Biglang wika ng kanyang ina.
Napayuko na lamang siya tanda na wala siyang isasagot dito.
Ganito naman siya kapag natutumbok na siya ng kanyang ina. Hindi niya magawang
makapagrason.
Narinig niya itong napabuntong hininga.
“Hindi masama ang makipagkaibigan, Eros. Pero ang sobrang
ilapit mo sa isang tao ang sarili mo, ay ibang bagay. Pwede kang masaktan oras
na mawala siya sa’yo.”
“Hindi siya mawawala sa akin, ma.” Agad niyang tugon. Pinaghirapan
niya ng husto ang mapalapit rito to the point na pati ang personal na buhay
nito ay pinanghimasukan na niya makuha lamang niya ang atensyon nito. At
ngayong nagtagumpay na siya ay hindi niya hahayaang mawala pa ito.
Subalit hindi nawala ang pag-aalala sa mukha ng kanyang ina.
“Hindi ko alam kung dapat ko nga bang ipagpasalamat ang mga
pagbabagong nangyari sa’yo, Eros. Dahil sa totoo lang, natatakot ako sa kung
saan ka dadalhin ng mga pagbabago mong `yan.”
Naiintindihan niya ang tinutumbok ng kanyang ina. Alam rin
niyang hindi pa nito gaanong natatanggap ang ilang mga pagbabago sa kanya kaya
naman linapitan niya ito at agad na yinakap. Paraan niya iyon para sabihin dito
na wala itong dapat ikatakot. Na kaya na niyang dalhin ngayon ang sarili. Wala
na rin nagawa ang kanyang ina kung hindi ang mapayakap sa kanya.
“Nadala mo na naman ako sa mga paglalambing mo.” Kapagkuwan
ay wika nito na siyang kanyang ikinahagikhik. “Hala at papasukin mo na muna
iyang bisita mo’t nang makaligo kana at makapagbihis. Baka mahuli kayo sa
misa.”
Dali-dali nga siyang kumawala rito at nagmamadaling tinungo
ang kanilang pintuan para tunguhin ang taong siya ngayong palaging dahilan ng
pagguhit ng ngiti sa kanyang mukha. Agad niya itong nakitang nakasandal sa
sasakyan nito patalikod sa kanya.
“You’re thirty minutes early.” Nakangiti niyang pagkuha ng
pansin nito.
Agad naman itong lumingon sa gawi niya exposing to him the
pair of charismatic eyes na siyang nagpapanginig sa kanyang mga tuhod. Ang mga
matang una na niyang nagustohan sa taong ito.
“Morning Spidy! Inagahan ko na ang punta para masiguradong
matutuloy itong pagsimba natin.”
Lumapit siya sa gate kung saan nagsimula ang palayaw nito sa
kanyang Spidy para pagbuksan ito. Ilang dipa pa ang layo nila pero humahalo na
sa hangin ang pabango nito kaya naman nang tuluyan na niya itong mapagbuksan ay
wala sa sarili niyang sininghot-singhot ang bandang dibdib nito.
“Woah! Kay agang pangmomolestya naman niyan!” Humahagikhik
nitong wika na imbes na lumayo at mailang ay hindi man lang nag-abalang
umatras.
“Gustong gusto ko talaga itong pabango mo. Kung hindi ako
nagkakamali, ito na ang pabango mo first year college ka pa lang.” Sabi niya at
muli itong inamoy-amoy na parang tanga. Lalo tuloy itong napabungisngis.
“Alam mo bang kung noong unang mga araw mo ginawa iyang
ginagawa mo ngayon, malamang sa malamang nagtatakbo na ako sa pagkataranta.”
Sinalubong niya ang mga mata nito.
“Bakit naman?”
Pinanggigilan muna nito ang kanyang magkabilang pisngi bago
sumagot.
“Kasi sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw lang ang bukod
tanging kayang gawin ang isang bagay ng walang pag-aatubili.”
Nangunot ang kanyang noo.
“Is it bad?”
Sa tanong niyang iyon ay muli niyang nakita ang pamilyar na
eksrpresyon sa mga mata nito na kung hindi siya nagkakamali ay paghanga.
“It’s not. Sa katunayan, iyan ang isa sa mga dahilan kung
bakit tinamaan ako ng husto sa’yo.” Nakangiti nitong tugon.
Bigla naman siyang namula. Hindi pa talaga siya sanay sa
tuwing ipapaalala nito sa kanya ang relasyon nila. Paano ba naman, hindi niya
kasi sukat akalan na aabot sila sa puntong magiging sila. Brian Ramirez is Brian
Ramirez. Bukod sa angkin nitong kaguwapohan, magandang tikas ng katawan at
karangyaan sa buhay ay kilala rin ito bilang isang notorious na babaero. Pero
ilang araw na sila sa bago nilang relasyon. At sa loob ng ilang araw na `yon ay
hindi ito nagmimintis na iparamdam sa kanya na hindi panaginip ang mga
nangyayari na talagang karelasyon niya ito.
“Bakit nga pala hindi kapa nakakaligo? Akala ko ba bawal ang
ma-late sa misa? Kaya nga maaga akong bumangon, eh. Baka kasi isipin mong hindi
ako seryoso nang sinabi ko sa’yo kahapon na sasamahan kitang magsimba at iwan
mo ako.” Nakangiting usal nito with so much amusement.
“Maliligo na nga sana ako, eh. Kaso bigla kang sumulpot kaya
napurnada.”
“Kala ko wala ka lang talagang balak maligo.” Ngingisi-ngisi
nitong tugon. Umandar na naman ang pagiging alaskador nito.
“Wala nga sana, eh.” Balik pang-aasar naman niya.
Pinagpa-planuhan pa lang niya ang magiging hakbang para
makadaupang palad ito ay may nasagap na siyang balita na tulad niya ay marami
rin ang mga pagbabagong nangyari sa dating seryoso sa buhay na Brian Ramirez.
Sa loob ng bahay ay iniwan ni Eros ang kanyang irog sa
kanyang ina habang siya naman ay dumeretso na sa banyo para maligo. Rinig
niyang nag-uusap ang mga ito marahil ay inuulan na naman ito ngayon ng kanyang
ina ng kung anu-anong mga katanungan. Napapangiti na lamang siya.
Matapos maligo ay nadaanan niya ang mga itong pareho ng may
hawak na tasa ng kape. Hindi man sinasabi ng kanyang ina pero nasisiguro niyang
gusto na rin nito ang kanyang irog base na rin sa natural na pakikipagusap nito
rito. Madali naman talaga itong makapalagayan ng loob dahil bukod sa natural na
pagiging magalang nito ay madali rin nitong na-i-a-adjust ang sarili sa kausap
at pinag-uusapan. No wonder na nagawa nitong makakuha ng mga malalaking
investors at mapalago ang kompanyang iniwan ng mga magulang nito.
Saktong matapos siyang makapagbihis at ayusin ang sarili ay
ang pagkalampang ng kampana sa kapilyang malapit sa kanila. Hudyat na malapit
ng magsimula ang misa. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at tinungo ang mga
ito.
“Tara na?” Nakangiti niyang paanyaya.
“Akala namin nakatulog ka ulit sa kuwarto mo.”
Ngingiti-ngiti nitong sabi saka binalingan ang kanyang ina. “Paano Tita, mauna
na ho kami sa inyo. Hindi ba talaga kayo sasama sa amin?”
“Hindi na. Dito na lang ako sa kapilya magsisimba para rin
makauwi agad ako pagkatapos ng misa.”
“Siya nga pala ma, baka tanghali na ako makauwi. Susunduin
ko ngayon sa airport si Russel at sasamahan ko siyang maghanap ng hotel na
tutuluyan niya habang nandito siya sa lugar natin.” Pagpapa-alam niya.
“Bakit kasi sa hotel mo pa patutuluyin iyong katrabaho mong
`yon, eh. Pwede naman siya dito sa atin makituloy habang nandito siya. Iyon nga
lang, kailangan niyong pagkasyahin ang mga sarili niyo sa kuwarto at kama mo.”
Napabaling siya kay Brian. Ang totoo kasi niyon ay ikinatuwa
niya ng husto nang magpresenta ang kanyang ina na doon na lamang sa kanila
tumuloy si Russel noong sabihin niya rito na magbabakasyon ito sa lugar nila. At
agad niya iyong sinabi sa kanyang kaibigan na ikinatuwa rin nito pero nang
malaman ito ng kanyang irog ay hindi matatawarang pagtutol ang naging reaksyon
nito.
“Doon siya sa inyo
tutuloy at sa iisang kuwarto at kama kayo matutulog habang nandito siya? No
way! Hindi ko pa kilala ang best friend mong `yon kaya hindi ko pa alam kung
mapagkakatiwalaan ko siya sa’yo. Ikuha na lang natin siya ng room sa isang hotel.”
Sumangayon na lamang siya dahil naiintindihan naman niya
kung bakit gaanon na lamang ang pagtutol nito. Hindi pa rin nawawala rito ang
ginawa ng pinsan nito sa mga dati nitong karelasyon. Kaya muli niyang sinabihan
ang kaibigan na ituloy na lang nila ang naunang planong maghanap ng hotel na
tutuluyan nito.
“A-Ayaw kasi niyang makaabala sa atin, ma.”
“Bahala kayo. Siya, umalis na kayo’t mahuhuli na kayo sa
misa.”
MALAPIT na sa
simbahan sina Eros at Brian. Sa gilid ng kalsadang kanilang tinatahak ay ang
mga taong naglalakad na may kanya-kanyang bitbit na upuan. Palagi kasing napupuno
ang simbahan kapag ganitong misa de gallo. Marami na ring mga nakahilirang
bilihin sa gilid ng kalsada na isang ring magpapatunay na nagaganap na nga ang
simbang gabi.
Nang saglit na mapahinto ang sasakyan nila dala ng pagtawid
ng ilan sa mga naglalakad ay bumaling sa kanyan si Brian.
“Alam kong gustong-gusto mo ang ideyang sa inyo tutuloy ang
kaibigan mo. Pero sana naiintindihan mo kung bakit tinutulan ko `yon.”
“Yeah, I understand.” Nakangiti naman niyang tugon. Wala
naman talaga siyang kinikimkim na sama ng loob sa pagtutol nito. Oo nanghinayang
siya. Gusto kasi niya ulit maka-bonding ng matagal ang kaibigan niyang iyon na
magiging madali sana kung nasa iisang bahay lang sila pero mas nangibawbaw sa
kanya ang pag-intindi sa kasintahan.
Inabot nito ang kanyang kamay at marahang pinisil iyon.
“Ayaw ko lang na mawala na naman sa akin ang taong pinahahalagahan
ko dahil hindi ko siya nagawang mabakuran at maprotektahan ng tama.” Ramdam
niya ang pagpapahalaga sa boses nito at ikinatutuwa niya iyon. Ngayon lang may
nagparamdam sa kanya ng ganoong klaseng pagpapahalaga.
“But please promise me na kapag sumobra na ako at masakal na
kita, ay sasabihin mo sa akin. Because that’s the only key for us to make this
relationship work.”
“Masusunod kamahalan.” Nangingiti pa rin niyang turan. Sapat
na para sa kanya na pinapahalagahan pa rin nito ang kanyang pwedeng maramdaman.
Oo nga’t medyo na-praning na nga ito sa pinaggagagawa ng pinsan nito dito pero
sa kabila niyon, hindi ito nakalimot na ipadama sa kanya na hindi lang ang
sarili nito ang iniisip.
Napatitig ito sa kanya na bakas ang paghanga sa mga mata
nito. Bigla tuloy siyang na-concious.
“B-Bakit?”
“Wala naman. Napapantastikuhan lang talaga ako dahil hindi
ka mahirap kausapin at paliwanagan. Hindi mo ugaling gawing kumplekado ang mga
bagay-bagay.”
“Dahil marunong akong umintindi, Brian.” Nakangiti na niyang
balik.
Naputol ang kanilang usapan nang may bumusinang sasakyan sa
kanilang likuran. Kaya naman tumuloy na sila sa kanilang pupuntahan. Nang sa
wakas ay marating nila ang simbahan at makahanap ng pwedeng pag-parking-an ay
agad silang bumaba ng sasakyan. Tulad ng inaasahan ay napakarami na ng tao
kahit pa man hindi pa nagsisimula ang misa.
“I’ll just get the chairs.” Nakangiting wika nito saka
tinungo ang compartment at kinuha doon ang dalawang folding chairs.
“Wow! May dala ka nga!” Naibulalas naman niya.
“Syempre! Boy Scout yata `to. Laging handa!”
“Ang buong akala ko, nagliliyab ka kapag nalalapit sa
simbahan, Brian.”
Pareho silang napalingon sa nagsalita at bumulaga sa kanila
ang nang-aasar na mukha ng isa sa mga kaibigan nito, si Claude na may bitbit
ring folding chair. Sa tabi naman nito ay ang partner nitong si Laurence o
Lance na nakaguhit ang magandang ngiti sa mukha.
“Oh! Nandito pala ang isa sa kampon ng mga demonyo. Ibang
klase na talaga kayo ngayon. Tulad ng cellphone at computer, upgraded na rin
pala kayo. Nagagawa niyo ng makalapit sa mga simbahan.” Ganting pang-aasar
naman ng kamasa niya.
Hindi ito pinansin ni Claude. Sa halip, sa kanya ito
bumaling.
“Kamusta ka Eros? Condolence pala. Balita ko nauto kana raw
ng isang `to.”
Napahagikhik siya. Hindi talaga palalampasin ng mga ito ang
makapagbato ng pang-aasar sa isa’t isa. Walang maniniwala na kilalang mga
negosyante at mayayaman ang mga ito.
“Di ba’t tama ako mahal? Mas magiging exciting ang simbang
gabi natin kung dito tayo sa north wing pupuwesto.” Pare-pareho silang
napabaling sa nagsalita at bumulaga sa kanila ang dalawa pa sa mga kaibigan nito
na sina Red Sanoria at Attorney Dorwin Nievera.
“Pareng Red! Dorbs!” Bati ng kanyang kasama sa mga ito.
“Bakit nandito pa kayo? Malapit ng magsimula ang misa.”
Nakangiting wika ni Dorwin sa kanila.
“Binati ko lang ng condolence si Eros sa pagsagot niya kay
Brian.” Nakangising tugon ni Claude sabay high-five nito sa bumungisngis na si
Red.
Napasimangot sa mga ito ang kanyang kasama.
“Mabuti naman at naimpluwensyahan mo itong si Brian na
magsimba, Eros.” Nakangiting pagkakausap naman sa kanya ni Dorwin.
Napakamot siya sa ulo’t napangiti ng alanganin. Ang totoo kasi
niyon ay maski siya ay hindi niya inaasahang sasamahan siyang magsimbang gabi
ni Brian. Sinubukan lang niya itong yayain noong isang araw at laking tuwa niya
ng sinabi nitong sasamahan siya nito.
“Huwag niyo na ngang gawing big deal itong pagsimba ko. Ang
mabuti pa ay pumuwesto na tayo’t malapit ng magsimula ang misa.” Ang napipikon
ng wika ng kanyang kasama. Halata na kasing pinagtutulungan na ito ng mga
kaibigan.
“Pagkatapos ng misa ay doon na kayo mag-almusal sa bahay.”
Paanyaya ni Lance sa kanila.
Bigla siyang natakam. Kilalang chef si Lance at nasisiguro
niyang masasarap na almusal ang ihahanda nito sa kanila. Isama mo pang
makakasama niya ang ilan sa mga hinahangaan niyang pares ay lalong nagpa-excite
sa kanya.
“Hindi `ata kami makakasama, Lance.” Tugon ng kanyang kasama
rito. “Darating ngayon ang kaibigan ni Eros galing Maynila at kailangan namin
siyang sunduin sa airport.”
Bumagsak ang kanyang mga balikat dala ng sobrang
panghihinayang. Kailangan nga pala niyang sunduin si Russel ngayon at tulungan
itong makahanap ng tutuluyan. Kung bakit naman kasi first flight pa ang kinuha
ng kaibigan niyang `yon.
“Ganoon ba? Okay lang. Siguro naman bukas makakasama na kayo.”
Nakangiting wika ni Lance. “Tara na. Mukhang magsisimula na ang misa.”
NATAPOS nila ang
unang simbang gabi. Bawat isa sa kanila ay taimtim na nakinig ng misa at
nagdasal. Nasaksihan rin niya ang naiibang pagbati ni Claude ng peace be with
you sa misis nito.
Aaminin niyang iba ang dating sa kanya ng simbang gabing
iyon. Hindi lang kasi magaan ang pakiramdam niya kung hindi dama rin niya ang
ibayong saya. Siguro dahil sa wakas, kasama na niyang nagsimba ang taong
hiniling niya sa mga nagdaang simbang gabi.
“Ganito pala ang pakiramdam ng nakakapagsimba.” Nakangiting wika
ni Brian nang matapos silang makapagpaalam sa mga kaibigan nito at nang makapasok
sila ng sasakyan. “Napakagaan sa pakiramdam.”
Napangiti siya. Napansin nga niya ang lalong pag-aliwalas ng
mukha nito matapos ang misa. Para bang napawi ang mga alalahanin nito’t mga
problema.
“Ibig bang sabihin niyan ay sasamahan mo ulit ako bukas?”
“Hindi lang bukas. Sasamahan kitang tapusin ang siyam na
simbang gabi. May wish `ata ako.” Nakangiti nitong sabi saka siya nito
ginawaran ng halik.
“Ano naman ang wish mo?” Malapad ang ngiting tanong niya
rito ng maghiwalay ang kanilang mga labi.
“Secret muna.” Ngingiti-ngiti nitong wika saka binuhay ang
makina ng sasakyan nito. “Anong oras nga ulit ang arrival ng kaibigan mo?”
“6:30.”
“Alright. Naroon na tayo bago pa lumapag ang eroplanong
sinasakyan niya.” Tugon nito saka pinaandar na ang sasakyan.
Habang nasa nasadaan ay nagsissimula na itong magtanong sa
kanya patungkol sa kanyang kaibigan na magiliw naman niyang sinasagot.
“So, simula ng mapadpad ka sa Maynila para doon magtrabaho
ay iyong Russel na `yon na ang naging kasa-kasama mo?”
“Oo. Pareho kasi kaming baguhan sa kompanyang pinapasukan namin
kaya kami ang naging magkasangga. Siya rin ang tumulong sa aking makahanap ng
matutuluyan at naging guide ko sa Maynila.”
Tumango-tango ito.
“Is this his first time sa lugar natin?”
“Yep. Maraming beses na naming pinagplanuhan ang
pagbabakasyon niya rito sa atin kaso hindi natutuloy-tuloy gawa ng palaging natataon
na marami siyang trabaho sa tuwing uuwi ako rito.”
“You’re best friends right? So, is it safe to assume na pareho
kayo ng sexual orientation?”
“Yep! Though malaki ang pagkakaiba namin.” Tugon niya at
napahagikhik.
Iniwan nito pansamantala ang tingin sa kalsadang binabaybay
nila at bumaling sa kanya na nakakunot-nuo.
“What do you mean?”
“Mahirap ipaliwanag, eh. Later, makilala mo na rin naman
siya.”
HALOS humaba na
ang leeg ni Eros kakahanap sa imahe ng kanyang kaibigan sa mga taong palabas ng
airport. Gawa ng malapit na ang pasko ay dagsa ang mga nagsisiuwian sa lugar
nila at double naman niyon ang mga taong sasalubong sa mga ito kaya nahihirapan
siya ng hustong mahanap ang kaibigan. Naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang
cellphone. Dali-dali niya itong hinugot sa kanyang bulsa.
“Asan kana?” Magiliw niyang bati sa kaibigan. “Bakit hindi kapa
iniluluwa ng pintuan?”
“Nakipagtaguan pa kasi sa akin ang CR nitong airport niyo.
Pero palabas na rin ako. Saan ka ba banda?” Tugon naman nito sa kabilang linya.
“Nandito lang ako sa labas nakikipagsiksikan sa mga tao.
Lumabas kana riyan at nagugutom na ako!”
“Hanggang dito ba naman sa lugar niyo pagkain pa rin ang
iniisip mo? Heto na palabas na!” Natatawang tugon nito.
Hindi nga nagtagal ay naaninag na niya ang pamilyar na
pigura ng kaibigan.
“Russ! Nandito ako Russel!” Sigaw niya na nilakipan pa niya
ng pagkaway-kaway rito. Hindi naman siya nabigo dahil nakuha niya ang atensyon
nito.
Agad itong lumapit sa kanya.
“Sa susunod na nagbalak kang sumigaw baka naman pwedeng
ilayo mo muna iyong telepono sa bibig mo. Muntik ng sumabok ang eardrums ko.”
Napabungisngis siya.
“Sorry naman. Na-excite lang masyado.”
“Ano pa nga ba ang magagawa ko.” Nakangisi nitong sabi sabay
yakap sa kanya. “Sa wakas! Nakadalaw rin ako dito sa kaharian mo!”
Napayakap na rin siya dito.
“Welcome sa kaharian ko!”
“Ehem!”
Agad silang napahiwalay sa isa’t isa dahil sa taong kumuha
ng pansin nila at nang mapalingon siya ay sumalubong sa kanya ang si Brian.
“You must be Russel. I’m Brian boyfriend ni Eros.” Pagkakausap
nito sa kanyang kaibigan sabay lahad ng kamay.
Kita niya kung papaano gumuhit ang pagkagulat sa mukha ng
kanyang kaibigan pero gayon pa man ay nagawa pa rin nitong makipag kamay.
“Y-Yes. I’m Russel. Nice to meet you Dude.”
“Ikinuha lang kita ng makakain, pagbalik ko ng sasakyan wala
kana.” Baling naman nito sa kanya.
“Dumating na kasi ang eroplano.” Nakayuko niyang sabi. Sa
sobrang excited niyang makita ang kaibigan ay hindi na niya nahintay pa ito o
nakapagpaalam man lang dito.
Inabot nito ang kamay niya at marahan siyang hinila palapit
rito at inakbayan.
“Next time, `wag kang bigla-biglang mawawala, ha?” Wika nito
sa kanya saka nito binalingan ang kanyang kaibigang hindi pa rin nakakabawi sa
pagkabigla. “Are we good to go?”
Tango lang ang naisagot ng kanyang kaibigan rito. Hindi
tuloy niya maiwasang lihim na mapangiti.
“Good! Let’s have breakfast first. Kanina pa kasi
nagrereklamo itong kaibigan mo na nagugutom na siya then pwede na nating puntahan
ang hotel na tutuluyan mo.”
“Sasamahan mo pa kami sa paghahanap ng hotel?” Siya naman
ang nagulat. “Hindi ba’t kailangan mo pang pumasok sa opisina?”
“Nasabi ko na sa sekretarya ko na hindi ako papasok ngayong
araw. And nope, hindi na natin kailangang maghanap ng hotel dahil nagawa ko na
`yon kahapon.”
Napapantastikuhan siyang napabaling rito.
“I’m your boyfriend. Obligasyon kong tulungan ka na
ma-provide sa bisita mo ang lahat ng kailangan niya lalo pa’t baguhan siya sa
lugar natin.”
Wala na siyang nasabi pa. Masyado na kasi siyang nahihiwagaan
sa inaasta nito. Una, ay wala sa plano nila na sasamahan sila nito buong araw
at pangalawa, ang hindi maitatagong posissiveness sa mga mata nito.
Nang umikot na ito patungong driver’s seat ng sasakyan nito ay
saka lamang muling nabigyan ng pagkakataon ang kanyang kaibigan na makausap
siya.
“Marami kang dapat ikuwento sa akin, Eros Drake.”
Itutuloy:
35 comments:
Nxt chapter pls! Lol
I love this chapter zeke! It always makes me smile and giggle in ever word and phrases where eros and brian always chat and compliment each other :)
ahahah... i like the part ung cnabi ni russel na nakipagtaguan pa ung cr.. hahahah... next time ka pg ako mag ccr,ntgalan ako s pghhnap ssbhin ko sa mga kaibigan kong inip na s pghhntay skin na nakikipagtaguan ung cr.. haha.. anyway ang oa ko.. wow.. hehe.. i love this chap.. gusto ko pang malaman kung cnu c russel at ano ang malaking pinagkaiba nya kay eros.. hehe!!
welcome sa kaharian ko! haha
-- kinsler quincy
Bitin!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hehehe
basa mode!!! Thanks kuya zeke!!!!
As always. You never fail to amaze us. Thanks for sharing.
Alam.ko may next chapter na bukas hehehhehe.. Asa lang sir Z heheheh.. Ganda
SUPER KILIG!!!! dami ko tawa sa mga pang aasran ng mga magkaibigan grabeh yan ang na miss ko sa tory mo Zeke... SPELL POSSISSIVENESS ---> BRIAN!!!! naku naku ano kaya ang malaking papel ni russel sa story... Zeke next Chapter na PLEASE!!!!!! MWAH THANKs YOU....
At last may update din! Kudos author!
Gustung-gusto kitang intindihin kung bkit hindi k madalas mag-update... Pero nxt chapter n please! Excited n ako malaman ang susunod na pangyayari, hahaha.
kilig much grabe hahaha
jco
nice..
pangz
pnung iba c russel kay erros? anung ibig sbihin nia dun? o.O
kala q cross dresser or something alike peo mukang ndi nman kc uber pa dn sa pambabakod c brian o.O
isang malaking question mark pa rin si Russel sa isipan ko?
sa anong instance sila mag kaiba? hahahaha,, tawa nalang!
Worth ang paghihintay... Hoping na may update... Ramy from qatar
C russel parang c brian ang image. C eros kc yung parang babae aa relationship nla ni brian... kaya yun cguro ang pagkakaiba kaya todo mkabakod c brian. ^_^
Yun un eh! Talk about kilig. ahaha xD I am intrigued about this Russel guy. I am excited for the next chapter, will the jeolousy scenes will takes place na? hihi, anyways. thanks for updating sir zild. :)
Ivan D.
Whew. ahaha, kung sa kacheesyhan madami tong chapter na to. ahahaha. And i smell jelousy on the next chapter. ahahha Who is this Russel Guy? Elaborate the character, which I know you will on the next chap. hehhee Excited lang ako. THANK YOU PO sa chapter na ito, sana po wag masyado matagal ung susunod. heheh
Awww. Boromeo is Jealous! ahaha his cute though. ahaha
Vince'
Thanks po sa update, waiting for the next one :)
Nice story...thanks Mr Author.
tagal ng kasunod bwahahahah... makboy
anu nga kaya ang itsura ni russel...hahaha
nice chapter! congratz!
Hmm russel seems mysterious anu kaya ang hatid niya sa bugay ni Eros at Brian, I hope maganda. over all this is but a nice chapter.
Have a great one Zake
sana c RUSSEL magkagusto kay BRIAN ^_^
Mas ok kasi sakin yung bida ang pinag-aagawan kesa naman sya yung nang-aagaw diba?
~Reagan
sana c RUSSEL magkagusto kay BRIAN ^_^
Mas ok kasi sakin yung bida ang pinag-aagawan kesa naman sya yung nang-aagaw diba?
~Reagan
nakakakileggg!!magkakasama silang lahat!!!;)
pati ang fave q na sina dorbs at red!^^
mr author,,i'm really sorry!!hahaha..natawa kc q dun sa comment ni Bobby about sa possessiveness na yan!haha...
-monty
Ang saya saya.. Kilig na kilig ako.. Ganda na ng weekend!!
Ang saya saya.. Kilig na kilig ako.. Ganda na ng weekend!!
Selos, agad-agad? Boromeo? Haha
May gusto si russel kay eros? Hmmm...
~JAYVIN
wala pa po bang update?
Zeke wala pa po ba ang next chaper? kelan namin malalaman kung paano magselos itong si Brian? waiting po kami.... next chapter na po, please
I kept on checking this blog, honestly can't wait for the next chapter. Been waiting for like 1 month already, I hope that Kuya Zeke is okay. God bless.
Bka binaha ulit....
Post a Comment