Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat sa patuloy na suportang ibinibigay niyo sa kuwentong ito. Humihingi rin ako ng paumanhin kung medyo na delay ang posting ko. Na-busy kasi ako sa paghahanap ng trabaho kaya gano'n. Hehe
Simula na ng pag-ikot ng kuwentong ito repapipz. From here, sisimulan ko na ring bilisan ang pacing ng kuwento. Bakit nga ba pinamagatan itong 9 Mornings? `Yon ang aalamin natin sa susunod na mga chapters. Hehe
Isa rin sa gusto kong i-announce kasi sayang naman ang space dito sa author's note ko, ay ang pagpapalit ko ng POV. Makikilala niyo na ng tuluyan kung sino si Eros Drake at kung bakit, siya ang taong nakalaan para sa tinamaan ng lintik nating bidang si Brian. HAHAHA
Ilang minuto ng nagsisimula ang meeting ni Brian sa kanyang mga Department heads para sa quarterly report ng mga ito pero wala siyang maintindihan dahil nasa ibang daku ang kanyang isipan.
Hindi niya sukat akalain na makalipas ang ilang taon, ay muling magpaparamdam sa kanya ang taong iyon. At ang mas lalo pa niya ngayong ikinatataka ay kung bakit pa ito nagbabalik at kung kanino nito nakuha ang kanyang personal na numero.
Aaminin niya, may galit pa rin siyang nararamdaman para sa taong 'yon. At kung maaari, ayaw na sana niyang magtagpo pa ulit ang landas nila sapagkat para sa kanya, hindi na ito nag-i-exist pa. Pero gusto nitong makipagkita sa kanya at makipag-usap na siya ngayong ikinatataka niya ng husto.
'Bakit kailangan pa niyang makipagkita sa akin? Para ano pa? Para makipag kaibigan? Mangumusta?' Naitanong niya sa kanyang isipan.
Ipinagpapasalamat na lamang niya na isinama si Eros ng ina nito upang mamalengke matapos nitong mag-amusal. Hindi niya kasi nasisiguro kung maitatago niya rito ang bumabagabag sa kanya at ayaw niya itong mag-alala. Unang araw pa naman ng bagong relasyon nila.
'Bakit nga ba ako nagpapa-apekto ng ganito at hayaang masira ang magandang umpisa ng araw ko? Ano ngayon kung nagbalik siya? Inaakala ba niyang magtatatalon ako sa tuwa at papayag sa imbetasyon niya? Masaya siya!'
Napukaw lamang ang malalim na pag-iisip niya nang mapuno ng palakpakan ang loob ng conference room kung saan siya naroon. Tapos na pa lang mag-present ang huling Department head.
Agad na napako sa kanya ang tingin ng ibang naroon. Marahil ay hinihintay ng mga ito ang magiging komento niya.
"Job well done everyone." Ang kanyang sabi sabay nagpamalas ng magandang ngiti. Hindi ipinahalatang nasa ibang planeta ang kanyang isipan. "Kahit sa kabila ng mga nangyari ay na-maintain pa rin natin ang standing ng kompanya sa market. And that's because of your hard work guys."
Muling umalingaw-ngaw ang palakpakan.
"At dahil diyan, may magandang balita ako para sa inyo. Bukod sa 13 month pay na makukuha ng bawat empleyado ay napagkasunduan rin namin ng board of directors na bigyan ng additional five thousand pesos, each employee as a recognition for your hard work."
Hindi na napigilang maghiyawan ang mga ito. Ang iba pa nga ay hindi napigilang mapapalakpak ulit.
"Not only that, simulan na rin ninyong paghandaan ang nalalapit na Christmas party dahil sinisiguro ko sa inyong it'll be different from the previous Christmas party." Nakangiti niyang sabi saka binalingan ang head ng budget department. "Di ba Glenda?"
Malapad ang ngiting tumango-tango ang head ng budget department sa mga kasama nito.
"In-aprobahan ni sir kahapon ang dagdag budget para sa Christmas party natin. Ibig sabihin, mas magiging bongga ang magagaganap na party this coming eighteen."
Muling umugong ang hiyawan. Bakas sa mukha ng mga ito ang saya dahilan para pansamantalang mawala sa kanyang isipan ang kanina lang gumugulo sa kanya. Ito ang isang dahilan kung bakit hindi niya mabitaw-bitawan ang kumpanyang 'yon kahit pa man mas maganda ang offer sa kanya ng kanyang ina sumunod lang siya sa mga ito sa ibang bansa. Dahil bukod sa katotohanang isa siya sa mga dahilan ng paglago niyon ay napamahal na rin sa kanya ang kanyang mga empleyado. Hindi lang kasi masisipag ang mga ito, loyalista rin ang mga ito sa kanya at sa kompanya.
Isa-isa ng nagsilabasan sa conferences room ang department heads na naging ka-meeting ni Brian sa umagang iyon. Excited ang mga itong ibalita sa mga empleyadong under sa mga ito ang magandang balita. Palabas na sana siya ng conference room para tunguhin ang kanyang pribadong opisina nang biglang sumulpot sa kanyang harapan si Melba.
"Oh, Melba bakit?" Nakangiti niyang tanong rito.
"Gusto ko lang itanong kung ano ang sumapi sa'yo at bigla ka yatang naging generous sa mga empleyado mo. Sa pagkaka-alam ko kasi, sa mga babaeng ide-ni-date mo lang lumalabas ang kagalantehan mo." As usual nakataas na naman ang kilay nito at tinatarayan siya. Pero hindi tulad ng dati, kapag nagkakaharap sila ay wala siyang makitang iritasyon sa mga mata nito kaya naman lalo pa siyang napangiti. Alam niya kasing nagkukunwari lang itong tinatarayan siya.
"Walang may sumapi sa akin, Melba. You guys deserve a higher bonus for working so hard this year despite sa mga eskandalong nangyari at nangyayari. Kaya inilaban ko sa board na madagdagan ang makukuha ninyo." Pagsasabi niya ng totoo.
Tumango naman ito na animoy nakontento sa kanyang naging sagot. Pero bakas sa mga mata nito na may nais pa itong sabihin kaya agad niyang napagtanto na hindi ang naunang sinabi nito ang totoong pakay nito sa kanya.
"It's very unlikely of you na magpaligoy-ligoy ka sa akin. Noon, kapag may gusto kang sabihin, ay deni-deretso mo ako kahit nasa harap pa natin ang ibang empleyado. What is it, Melba?" Nakangiti niyang muling wika.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakita ito ng pagkahiya sa kanya na ikinataas ng kanyang kilay. Mas sanay kasi siya sa mala-tigre nitong pag-uugali pagdating sa kanya na animoy makita lang siya ay nasisira agad ang araw nito.
"Uhmm... Actually, I'm here to apologize for being a cold hearted bitch to you. Kamakailan ko lang kasi na-realize na nagbago kana talaga, Brian. Na hindi na ikaw ang dating playboy na walang ibang alam kung hindi ang magbilang ng babae. And I also wanted to tell you that what you did last day was the bravest thing. Finally, hindi na puro pride ang iniisip mo."
He was taken aback. Hindi lang dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay in-appreciate siya nito bilang isang tao kung hindi pati na rin sa sincerity na nakikita niya sa mga mata nito.
"I just hope though na hindi mo lang ginawa 'yon so you can fully execute your revenge, Brian. Dahil kung 'yon lang ang rason mo, ngayon pa lang ay sinasabi ko ng mali ang paraan mo at pagsisisihan mo 'yan sa bandang huli. Pure vegeance has never been good to anyone."
Teka, ano ba ang nangyayari? Kailan pa ito nagkaroon ng concern sa kanya? Di nga ba't kulang na lang ay ibaon siya nito ng buhay sa tuwing magtatagpo ang landas nila? Bakit biglaan 'ata ang bagbabago nito. May na-miss ba siyang pangyayari? Nabendisyunan ba ito ulit kaya biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya?
"You're creeping me out, Melba." Pagsasaboses niya sa totoong nararamdaman.
Nagkibit balikat ito.
"Not as much as you creep me. Kilala ko ang hilatsa mo kahit hindi tayo ganoon ka-close noong college. Kaya naninibago ako sa mga ikinikilos mo ngayon."
"Bakit, ano ba ang bago sa mga ikinikilos ko?" Kunot-nuo naman niyang naitanong.
"Honestly? Lahat. Simula ng ilibre mo ako ng lunch nanibago na ako sa mga kilos mo, Boromeo,"
"Brian, Melba. Let's stick with Brian." Sabat niya.
"You became a different person. As if may kung ano kang bagong natuklasan. At habang tumatagal, unti-unting nagiging visible ang pagbabago mo. Sana lang isang espesyal na tao ang dahilan ng nakikita kong pagbabago sa'yo at hindi ang nalalapit na pagkakaroon ng katuparan ng paghihiganti mo kay Xander."
Sa muling pagkakataon ay nagulat na naman siya rito. Oo. Aminado siyang may mga nararamdaman nga siyang pagbabago sa kanya tulad na lang ng kakaibang kasayahang nag-uumapaw sa kanya at batid niyang hindi iyon dahil sa pagkakaroon ng katuparan ng paghihiganti niya kung hindi dahil kay Eros. Pero papaano nito iyon napansin? Ganoon na ba talaga siya ka-obvious?
"Pagbabago? Ano'ng ibig mong sabihin?" Wika niya na agad binawi ang sariling composure. Kunyari ay hindi niya ito maintindihan.
"Yes, pagbabago. Tulad na lang ng mga ngiti mo ngayon. Even noong college pa tayo, hindi pa kita nakitang ngumiti ng ganyan. 'Yong walang angas at pagfli-flirt. Iyong purong ngiti lang talaga na nagsasabing masaya ka. Totoong masaya."
Napatawa siya ng alanganin dahil nakuha niya ang sinabi nito. Noon, nakaguhit lang ang ngiti sa mukha niya dahil tingin niya ay kailangang maipakita niya sa lahat na masaya siya. He even used his smile to intimidate others and also to flirt. Iyan ang naging epekto sa kanya sa mga nagyari noon. Di niya sukat akalain na bukod pala sa kanyang mga kaibigan ay may isa pang tao na nakapansin niyon.
"At kung hindi ako nagkakamali, unang kita ko sa ngiti mong 'yan ay noong nasa isang restaurant tayo. When someone texted you at sinabi mong kaibigan mo lang na lalake. Ngayon, sabihin mo sa akin, KAIBIGAN mo lang ba talaga 'yon o KA-IBIGAN? At siya ba ang dahilan ng pagbabago mo or is it Xander?" Pagpapatuloy pa nito.
"Why the heck would I change like this for a shit head like Xander? Suwerte naman niya!" Biglang alma niya. Marinig lang talaga ang pangalan nito umuusok bigla ang ilong niya.
Gumuhit ang nanunuksong ngiti sa dating tigress na si Melba. Akalain mong alam pala nitong gawin iyon? Ang akala kasi niya puro pagtataray lang ang alam nito.
"Soooo! Inaamin mo ngang may mga pagbabago sa'yo. At 'yong KAIBIGAN na 'yon ang dahilan? Teka, KAIBIGAN nga lang ba?"
Shit! Me and my God damn mouth! Naibulalas niya sa kanyang sarili.
Ngayong aksidente niyang kinumperma rito ang lahat, paniguradong hindi na siya nito tatantanan. Likas pa naman rito ang pagiging mausisa kahit pa noong mga panahon na todo ang katarayan nito sa kanya.
"Do I really have to answer that? Nasa opisina pa rin tayo, Melba. Ibig sanibihin, boss mo ako dito at empleyado naman kita. Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin ag personal kong buhay."
Pilit niyang pinaseryoso ang boses. Nagbabakasakaling magugulat niya ito para matapos na sana ang usapang 'yon subalit, si Melba nga pala ang kaharap niya. Ang babaeng tigress na hindi nagpapagulat sa kanya.
"Kailan pa nagkaroon ng professional treatment sa pagitan nating dalawa, Boromeo? Kung balak mong umiwas ng tanong, ibang dahilan ang gamitin mo. 'Yong malapit sa reyalidad." Nakataas ang kilay nitong sabi habang pinupukol siya ng tinging nagsasabing 'Kala mo makakalusot ka?'
Pambihira! Wala talaga akong lusot.
"Alright!" Sumusuko niyang sabi. "Yes, inaamin kong may mga pagbabago nga sa akin and another yes na dahil 'yon sa special na tao. But I can't tell you the name of this special person, Melba. Dahil ayaw kong magulo ang bagong relasyon namin."
So long na hindi niya ilalantad sa mga ito na isang lalake rin ang karelasyon niya ay wala silang magiging problema. Ang importante, hindi niya itinatanggi na may karelasyo na siya. Ginagawa niya iyon hindi dahil ikinahihiya niya ang relasyon nila. Prenu-protektahan lang niya si Eros laban sa mga taong isang kasalanan ang tingin sa meron sila.
Mula sa pagkakataas ng kilay ay gumuhit ang isang napakagantang ngiti sa mukha ng kanyang kausap.
"Don't worry I understand. Masaya akong makita kang hindi na lang ang pride mo bilang isang lalake ang binibigyan ng importansiya, Brian. At sana lang this time, maprotektahan mo kung ano ang meron ka. And your first step to that, is do what is right for both of you. Dahil maraming tulad ni Xander sa mundong ito, Brian. Mga taong handang sirain at agawin ang meron ka ngayon. Kaya bago pa mauhili ang lahat, isa-isa mo ng ayusin ang mga dapat mong ayusin."
Ang lalim ng mga binitiwan nitong salita dahilan para mapaisip siya ng husto. At habang inaarok niya ang mga sinabi nito at unti-unti iyong naintindihan ay siya namang paghampas sa kanya ng isang reyalisasyon -tama ito.
MATAPOS ang naganap na pag-uusap sa pagitan ni Brian at Melba ay hindi na napigilan ng una ang mapaisip ng husto. Kahit saang angulo niya tingnan, Melba was right at hindi niya pwedeng itanggi iyon.
Sa mga nakalipas ng taon at buwan, wala siyang ibang inisip kung hindi ang sarili niya. At dahil doon ay marami siyang nagawang pagkakamali at isa na doon ay ang hindi niya naipaglaban at naprotektahan ang kung ano'ng may roon siya.
No wonder na palagi siyang naiiwan at naagawan dahil ni minsan, simula ng iwan siya ng kanyang mga magulang ay nakapaguran na niyang mag-exert ng effort. Natatakot na kasi siyang ma-dissappoint ulit. Pero iba na ngayon. Hindi na niya uulitin pa ang mga pagkakamali noon dahil ngayon lang siya ulit nakaramdam na totoong kasayahan. Kaya naman kahit magkamatayan pa, hindi niya hahayaang maglaho iyon.
Muli niyang sinipat ang kanyang relo. Malapit ng mag-alas-tres. Ibig sabihin, nasa daan na ngayon ang taong katatagpuin niya sa restaurant na 'yon kung saan siya ngayon naroon. Kanina lang ay todo tanggi ang isip niyang makipagkita sa taong ilang taon na rin niyang hindi nakikita pero matapos ang naganap na usapan sa kanila ni Melba, biglang nagbago iyon.
Hinugot niya sa kanyang pantalon ang kanyang telepono. Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha nang makita niya na may reply na sa kanya si Eros.
'Okay! Ingat ka. Text ka na lang free kana.'
Hanggang ngayon ay napapantastikuhan pa rin siya sa kakaibang pag-uugali nito. Ipinaalam niya ritong pupunta siya sa isang restaurant para may kitaing tao pero sa halip na usisain nito kung sino ang katatagpuin niya, ay hindi iyon nangayri.
Agad niyang tinawagan ito.
"Oh? Akala ko ba may kakausapin kang tao?" Magiliw nitong bati ng mag-connect ang linya nila.
"Papunta pa lang siya."
"Ah, ganoon ba?"
"Hindi mo man lang ba itatanong kung sino ang taong katatagpuin ko? 'Di ka ba natatakot na baka may ide-ni-date akong iba?" He tease.
"Hindi. May tiwala ako sa'yo, eh."
Sa naging sagot nito ay hindi na niya napigilan pang mapangiti ng husto. Eros never fail to amaze him. Tama nga na tinawagan niya ito. Agad nitong pinalis ang kanina pang discomfort na nararamdaman niya sa nalalapit nilang pagtatagpo ng taong ilang taon na niyang hindi nakikita.
"Let's have dinner tonight?" Bigla niyang pagsaboses sa kanina pang plano niya. "May alam akong isang restaurant na siguradong papatok sa panlasa mo. At specialty nila ang paborito mong crab meat."
"Talaga?" Tila natakam naman nitong sabi. "Sige, ba!"
Lihim siyang napahagikhik. Pagdating talaga sa pagkain, 'di ito umaatras.
"Great! Susunduin kita mga around six."
"Ang aga naman!" Alma nito pero halatang excited na rin tulad niya.
"Tama lang 'yon para makarami tayo."
"Makarami ng alin?"
"Makarami ng crab meat." Ngigiti-ngiti niyang wika.
"Ah... Kala ko naman kung ano na."
"Bakit, ano ba ang nasa isip mo?" May panunukso niyang wika.
"W-Wala!" Ang tila natilihan nitong sabi.
"Ikaw, ha. Iba ang iniisip mo. 'Wag kang ganyan." Panunudyo pa niyang lalo rito.
"Wala kaya akong ibang iniisip." Depensa naman nito. Sa tono pa lang ng boses nito, batid niyang namumula na ito ngayon.
"Asus! Siguro iyong nangyari sa atin sa kwarto ko ang iniisip mo, 'no? Sabagay, hindi naman kita masisisi. Maski ako hindi ko mapaniwalaan na nakailang beses tayo noong gabing 'yon."
"Ewan ko sa'yo!"
Hindi na niya napigilang magpakawala ng malutong na tawa dahilan para mabaling sa kanya ang tingin ng ilan sa mga taong kumakain sa restaurant na 'yon. Komportableng-komportable na talaga siya sa taong kausap niya ngayon. Taliwas sa mga naunang ingkwentro nila noon.
"Oh, siya. Bago mo pa maisipang umatras sa date natin mamaya dahil sa pagkapikon, ay magpapaalam na ako. See you later spidy. I love you!"
Hindi ito tumugon.
"Eros?" Pagtawag niya rito.
"N-Nandito pa ako."
"Napasobra ba ang biro ko?" Nag-aalala niyang wika.
"D-Did I hear it right? Nag-I love you ka?"
"Yes. Why?" Nakakunot-nuo niyang tanong dala ng pagtataka.
"Wala naman. Ang sarap lang kasi sa pandinig." Tila nahihiya nitong sagot.
Mula sa pagkakanot ng kanyang noo ay unti-unting gumuhit ang isang magandang ngiti sa kanyang mukha.
"Akala ko naman tuluyan ka ng napikon sa akin. Yes, I love you. The very reason why we're in this new relationship, right?"
"You're right." Kapagkuwan ay wika nito. Bumalik na uli sa nakasanayan niyang sigla ang boses nito.
"So, I'll see you later?"
"Yup!"
"I love you."
"I love you too."
Totoo nga pala talaga. Ang sarap nga sa pandinig na marinig ang mga salitang 'yon. Lalo na't ramdamdam ang sinseredad sa boses nito. Nailayo na niya ang telepono sa kanyang tenga pero hindi pa rin nawawala ang ngiting nakaguhit sa kanyang mukha. Wala na ngang duda, tinamaan na talaga siya ng husto ni kupido.
Subalit, tila bulang biglang naglaho ang masayang pakiramdam niyang iyon nang pumasok sa entrance ng restaurant ang pamilyar na tao. Binati ito ng waiter na tinugon lang nito ng isang ngiti saka ito nagpalinga-linga sa kabuohan ng restaurant. Nang mapadako ang tingin nito sa kanya at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay siya namang muling pagkabuhay ng galit niya sa taong iyon.
DALI-DALING lumapit kay Brian ang taong isa sa mga dahilan ng kanyang pagbabago. Ang taong isa sa pinahalagahan niyo noon.
"Brian? Is it really you?" Bakas ang pinaghalong paghanga at pagkamangha sa mga mata nito. "Totoo nga ang sabi sa akin ni Monica, you really did change a lot."
"It's been a long time, Abigail." Walang emosyon niyang wika.
Akmang ilalapit sana nito ang pisngi sa kanya ring pisngi para sana mag-beso nang ilayo niya ang sarili. Bumakas ang pagtataka sa mukha nito.
"Allergic ang mukha ko sa kahit na anong make-up." Malamig niyang sabi. "Take a seat."
Sumunod naman ito kahit halatang napahiya.
"I have heard that finally, you became successful in handling the company na itinayo ng parents mo. I know from the start that you will become a great businessman." Muling wika nito pilit tinatapalan ang pagkapahiya.
Hindi siya tumugon. Nanatili lang nakapako ang tingin niya rito. Tulad ng huling magkita sila nito mahigit pitong taon na ang nakakalipas ay maganda pa rin ito. Sophisticated at puno ng confidence. Mga katangian nito na siyang nagustohan niya rito noon. Oo, noon iyon. Dahil ngayon, para sa kanya, ang magandang panlabas na anyo nito ay isa lamang maska para maikubli ang walang kasing pangit nitong pagkatao.
Hindi rin maitatangging pinaghadaan nito ng husto ang pagkikita nila. Mula sa suot nitong damit na halos maluwa na ang nagmumurang dibdib nito, sa kuntodo make-up nito hanggang sa mga kaloreting nakasabit sa tenga at leeg nito.
Ngumiti ito siguro nang mapansin na nakatutok ang tingin niya rito. Siguro, iniisip nitong atraksyon ang dahilan sa pagkakapako niya ng tingin rito.
"So, how are you, Bry? Buti naman at pinagbigyan mo itong pakikipagkita ko sa'yo. Honestly, nagulat pa nga ako nang matanggap ko ang text mo. Akala ko kasi you still hate me."
"I do." Walang paligoy-ligoy niyang sabi. "I do still hate you hindi lang dahil ginago mo ako kung hindi, dahil hindi ko lubos akalain, na magpakagago ako sa isang tulad mo."
Halatang nagulat ito.
"Kaya ako nandito at nakipagkita sa'yo dahil gusto kong gawin ang hindi ko nagawa noon."
"A-Ano 'yon?"
"To ask you why did you do that to me? Was I not enough to you for you to whore your self to Xander? Hindi ba sapat ang respetong ibinigay ko sa'yo at pagpapahalaga?" Punong-puno ng panunumbat niyang tanong.
"P-Pinagsisisihan ko na ang nagawa ko, Brian. I admit, nabulag ako sa pangsi-seduce ni Xander sa akin. You're too focused that time sa study mo. To the point na halos bihira na lang tayong magkita."
"So, kasalanan ko pa ngayon?" Hindi niya maiwasang sabi.
"No! Kasalanan ko kasi nagpadala ako."
"Exactly!" Hindi na niya naiwasang mapataas ang kanyang boses. "I was a good boyfriend to you. Lahat ng gusto mo ibinigay ko. Atensyon, fidelity, pati pag-intindi binigay ko sa'yo. Pero anong ginawa mo? Ginago mo ako! At ang masakit pa pinsan ko pa ang pinatulan mo!"
Naglandas ang mga luha mula sa mga mata nito.
"Pero alam mo kong ano ang mas masakit? Iyong malaman ko na tulad mo, hindi rin ako pinahahalagahan ng sarili kong ina. Ni hindi nga niya ako nagawang kampihan sa ginawa niyo sa akin."
Nagsimula ng manginig ang kanyang buog katawan dala ng matinding galit. Everytime na maaalala niya kung papaano panigan ng kanyang ina ang walang hiya niyang pinsan ay hindi niya maiwasang kumulo sa galit.
"Since that day, I change. Sapagkat wala akong ibang pwedeng aasahan kung hindi ang sarili ko. Pinilit kung kalimutan ang lahat pero hindi 'yon nangyari. Nanadya pa si pareng tadhana nang muling maulit ang pang-aagaw ni Xander sa pag-aari ko. Pero sa puntong 'yon, pride at ego ko na lang ang nasaktan niya. Dahil protektado ko ito." Wika niya sabay turo sa kanyang puso.
"Bry..."
"But someone manages to snach my heart from my posession and protection." Agad na rumihestro sa kanya ang mukha ni Eros. "Una ko pa lang siyang nakilala, agad akong nakaramdam ng takot sa kanya na di ko maipaliwanag, pero mali pala ako, hindi takot ang nararamdaman ko sa kanya kung hindi pagkilala. Kinikilala siya ng puso ko bilang sunod na magmamay-ari nito matapos mong itapon noon."
"I'm sorry, Brian. Maniwala ka pinagsisisihan ko ng husto ang nagawa ko noon." Ang lalong humagolhol na naisaboses nito.
"You should be. 'Coz now, I have finally realize that it was not my loss that time, it was yours. Dahil pinakawalan mo ang taong minahal ka ng husto."
Lalo itong nag-iiyak pero wala siyang makapang remorse para dito. Gusto niyang ilabas ang lahat ng galit na kinimkim niya ng mahigit pitong taon para tuluyan na niyang mapakawalan ang sarili. Para sa kanya at syempre, para kay Eros.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako? Sabihin mo lang at gagawin ko dahil mahal pa rin kita, Brian."
"Stay away from me." Walang paligoy-ligoy niyang sagot. "Dahil wala ka ng aasahan sa akin."
Itutuloy:
65 comments:
first...read muna..heheh atleast una.
Harsh!!! But cool! I like it!!!
Nagagandahan ako kaso my something! Hindi pang siguro gumagana nuerons ko! Haha..
Great mr. Author!
Great Job! Sorry.. Hehe
kakaiba na talaga ito..may abegail na
opo, maganda!
Oh.. that was hurt.. It hits a thousand times.. but indeed.. its so nice.. I really starts to like this art na nman.. next chapter please?
Ang Galing kuya Idol kaya idol kita eh! hahahaha! susundan ko yang yapak mo! hehehe! :D
nice!!!!!
me first!!! BRAVO BRIAN!!!
Walang pagaalinlangang "Stay away from me!" Galing no! Confident sya. Eros talaga grabeng magpaibig.
Thanks Zeke. Katatanong ko lang bat ala pang update tapos pagkatapos kong maligo meron na! At may 9 nang comments. Grabe. Hinihintay talaga ang update ng story nina Brian at Eros. Congrats.
harsh naman :)) but yeah... he deserves better, thats why andyan na si Eros for Bryan... yay :D
Yey basa mowd.. Thanks for d update!! Kaka kilig! Hahaha
Iyakan na ba nyan zeke?.. Excited sa xmas party na magiging reunion ng mga characters, kasama din yung mga ugok na "teletubbies" sabi ni Dave,hehe.. Miss them all.. Thanks sa update.. :)
Lee
Woot wooottt!hahaha as always kilig! Guato ko talaga yung set up nila brian at eros parang ganyan kasi nararamdaman ko ngyon iihhhh!! Hahahaha anywaysits a good thing na brian is setting things right and clear tama naman na sa bawatbrelasyun dapat pakawalan mo muna lahat ng bitbitin mo na nakasakit sayo. At yung tiwala ng mahal mo isa yun sa magbibigay ng lakas ng loob para gawin mo yung bagay na tama. :-) :-) :-) :-) kudos!! Salamat zild. :-) :-) :-)
walang masyadong eksena dito sa chapter na to.kumbaga sa kanta,bridge na tayo.humanda na lang tayo sa pampasabog na last chorus.
next please......bitin ehhehehehheeeee
Wow galing ng istorya. Worth to wait, para malapit na ang climax. Keep it up pre.
geriboi29
Wow ha!
sa wakas may update din.... nakakamiss talaga ang 9 mornings...
ramy from qatar
ayun tapos ko na din.. ganda.. excited nako sa date nila ni eros.. :) kilig much.. >.<
-jec :)
Update pa ulit agad2x karakaraka ;) i like it nakakabitin nga lng :)
Franz
You never fail to amaze me Zeke. -Arc
bitin kuya z.... at ano na nman ang balak nitong bruha na to at biglang bumalik....
but still woth wait prin....hehehehe... sana di masaktan ng todo si eros wawa nmn sya...:(
sheeettttt sarrap ng ganti ni Brian........ hahahaha......
Ouch... but hey! It's a well written story :)... looking forward for the chapters ahead zekey! ;)
Thanks kuya zeke..galing!
Thank you for the update Boss Z.
Very well said Brian, nice ang ganda ng chapter na to...
Good luck Zake sana makahanap ka ng bago work, Take care and have a great one
Bitin...
wow kahit bitin zeke... ang angas ni brian... hahahahahahaha.... zeke next chapter na!!! tapos na ang simbang gabi... valentines na po.... :) thank you zeke sa update...
thanks! sarado na aklat nya kay abigael. sino nmn kaya ang susunod? si xander na kaya at ang ama nito? magkakapatawaran na kaya sila?
bharu
hmmmm... parang hindi nakaganti si Abi dun sa mga banat ni Bryan... parang may kulang... parang mas gusto ko yung magiging palaban si Abi sa mga sinabi ni Bryan... hmmmm... well... nakakaexcite pa din yung next chapter... ahaha.. :D
-Supahminion
oo na ikaw na talaga! grabe ang atake mo sa bawat mga eksena sa chapter na ito! hehehe.... :D sobrang good as in the best talaga! sobra akong nadala... hehehe... akala ko tuloy nakilala mo yung naging bahagi ng past ko... muntikan ng maging ganito ang abutin ko kasi dati... hehehe.... basta yun na!
good. keep on writing...
Nice naman ng mga linya ng boromeo! Hahaha :)
Ivan D.
Wiii! Sweet and more kilig moments nina eros and bryan! Ano kaya yung gagawin nyang ex ni boromeo! Tsk. Hahaha
Vince :)
Ahai! Next please :) nice nice
Thanks for the update! Basa muna ako :) hehehe
Mickey Mouse
Sana may selos moments na! Hahaha :) pero ano kaya ang gagawin nung abigail! Hmmmm :(
Ganda ganda! Hihihi :) next na :) great chapter author :)
Kakaiba talaga tong si Eros! Ahahaha. Nakakaaliw. Kung iba yan magiging possesive and paranoid na yan sa partner nila. Ahahaha :) anyay! More more kilig please? Galing mo talaga kuya! I sill be waiting for the next chapter :)
#BOOM! Isang malaking samapl sa ex bu boromeo yan! Ahahaha ten points for bryan! Ahahaha
Waah! Ouchie ouchie! Wawang abigail! Baka maging si ana sya sa 9mornings book 1. Well, feling ko un ung mangyayari. Abangan natin!
~JAYVIN
ang harsh.. hehe!! excited na ako sa POV ni eros.. :D
--kinsler quincy
nawindang aq sa eksena ni bry at melba!!haha..ang tindi ni ate melba at natumbok niya c bry dun ha!!hihihi
at sa sobrang affected aq sa part na un para aqng eng-eng na natawa sa loob ng sasakyan!so ang kasunod,,,,edi pinagtinginan alang nmn aq ng mga kasakay q!;D
at ung last part,ang bigat sa dibdib na nakakaamaze para ke bry!^^
he really changed na talaga pati sa pag-reasoning..nice.:)
-monty
Zeke... Dahil sa bagot at wala ako magawa so work maghapon... Binasa ko uliito mula Prologue... Kaya dapat bukas may update na uli... Kung hindi magwewelga ako...
waaaa. wala pa din :( waiting.
Ahai! Meron na kaya manaya? Hoping si ako! Hahahaha
sino ba yang mga pictures na ginamit mo kuya zild?
Huhu. next na po kuya author :(
My oh my! I love you BOROMEO :) hehehe
ano to ako yung last?, hehehe update kana po kuyaaaaa..
hi po,... update na po...
boss, next na please? Salamat. hehehe
Im so excited for the next chapter. Haiiiiii/ ahahaha. Super thanks in advance sir. :)
Macky.
Grabe talaga yang si Eros ahahaha. Sooo kakaiba ang kanyang personality. ahaha sana po sir meron na. hehehe :) Thanks.
Vincent
Sampal naman sa babae yung mga sinabi ni Bryan. Thoiugh totoo. ahahaha xD Oh mergerd. ahahaha ano ang mangyayari? Bakit bumalik yang si Abi? Di kaya na seset up lang yang si boromeo? ahahaxD Di ko na alam iisipin. ahaha xD
Mark
Update please? hehehe. Wala atang oras na di ko chinichek blog mo sir! hehehhe
Ivan D.
Awwww wala pa din :( Ako na demanding. ahaha sorry sir! Excited lang sa susunod na kabanata. ahaha xD
Sana meron na :) #Hopefull :) ahahah xD
Walang update... Busy ung author.....
10 mornings na Lang...
Huhuhu :(
Ang galing mo Mr.Author! IloveU
Post a Comment