Monday, February 17, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 17



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:


Alam kong marami sa inyo ang naiinis na dahil sa sobrang tagal na nasundan ang kuwentong ito. Sorry naman mga paps! Busy lang sa paghahanap ng trabaho kaya nahuli ako sana maintindihan niyo.


At tulad ng palaging nangyayari sa mga kuwento ko, heto na ang POV ni Eros Drake. Sana magustohan niyo ang chapter na ito at sana rin hanggang sa huling chapter ay nariyan pa rin kayo. Belated Happy Valentines sa lahat! Ingat tayo lagi!!!!

Hep! Teka muna. Bago ko nga pala makalimutan, gusto kong batiin rito si Sympatiko Silver! Ayan ha! Tinupad ko na ang pangako ko sa’yo!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.






Maganda na sana ang tagpo sa panaginip ni Eros nang biglang gisingin siya ng malakas na tunong ng kanyang alarm clock. Pupungas-pungas siyang napabalikwas ng higa at naririnding pinatay ang bagay na sumira sa maganda niyang panaginip.


“Naku naman! Ang galing naman ng timing!” Naiinis niyang naibulalas saka parang wala sa sariling tumingala at muling ninamam sa kanyang isipan ang panaginip na naputol.


Napangiti siya ng matamis.


“Kahit talaga sa panaginip, ang guwapo-guwapo pa rin ng Brian ko! At ang sarap niya talagang humalik!” Muli niyang usal saka nanggigigil na isinubsob ang mukha sa kanyang unan. Paniguradong pag may taong makakakita ngayon sa kanya ay iisiping isa na nga siyang ganap na baliw.


Pero masisisi ba niya ang kanyang sarili? Ang taong laman ng kanyang panaginip ay walang iba kung hindi ang taong kanyang pinangarap noon pa man. Ang taong ni sa hinagap ay hindi niya inakalang makakadaupang palad niya at makakarelasyon.


Yes. Ang makilala ang isang Brian Ramirez at makadaupang palad ito ay isang pangarap lang na hindi pwedeng matupad para sa kanya noon. Because the dude is not just handsome, galing din ito sa may kayang pamilya. Habang isa lamang siyang normal na tao. Ang malala pa, ni halos hindi siya nag-e-exist sa mata ng lahat. Bakit? Dahil pangit siya. Walang sense of fashion at pinagdamutan ng self-confidence. But that was before. Hindi na siya ngayon ang taong dati ay siya sapagkat binabago na niya ang kanyang sarili na hindi naman niya pinagsisisihan dahil maraming magagandang bagay itong naging hatid sa kanya at ang pinakamaganda niyon ay ang makadaupang palad at makarelasyon ang taong pinangarap niya noon.


Pero gayon pa man, kahit sa kabila ng magagandang nangyayari ngayon sa kanya ay hindi pa rin niya maiwasang mabahala. Hindi niya kasi maiwasang isipin kung hanggang kalian ang itatagal ng mga ito. Lalo pa’t napakabilis ng mga pangyayari.


Marahan niyang ipiniling ang kanyang ulo. Hindi ito ang tamang oras para paghariin niya ang mga panggulo sa isipan niya. Ano mang oras ay darating na ang kanyang irog at dapat ay nakapaghanda na siya.


Dali-dali siyang lumabas ng kanyang kuwarto. Agad niyang naiyakap ang mga kamay sa sarili ng dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin mula sa nakabukas na bintana.



“Brrrrrr! Paskong-pasko na talaga!” Nanginginig niyang naibulalas.



“Mabuti naman at gising kana. Ang akala ko’y kailangan pa kitang hilain sa higaan mo. Maligo kana at baka mahuli tayo sa unang araw ng misa de gallo.”


Napabaling siya sa gawi ng kusina para lamang matagpuan ang kanyang ina na abalang hinahalo ang tinimplang kape. Nakalimutan niyang hindi lamang pala siya sa bahay na iyon ang naging panata na ang kumpletuhin ang simbang gabi. At nakalimutan rin niya na inaasahan na pala ng kanyang ina na tulad ng nagdaang mga misa de gallo ay sabay silang magsisimba.


“Ah... Ano kasi ma…” Ang may pag-aalangan niyang wika.


“Huwag mong sabihin na tutulad ka na rin sa mga kapatid mo na kinalimutan na ang magsimba, Eros Drake?”


“Hindi, ma. Magsisimba ako. Kaya nga maaga akong bumangon. Pero hindi ako sa kapilya magsisimba.” Depensa niya sa sarili.


“At saan ka naman magsisimba, aber?” Nakataas na ang kilay na tanong nito.


Sasagot pa lang sana siya nang may pumarang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Hindi niya puwedeng ipagkamali kung kanino iyon. Tunog pa lang ng makina nito ay kilalang-kilala na niya.


“Ayon! Kaya hindi ka sa kapilya magsisimba tulad ng nakasanayan natin ay dahil hindi ka sa akin sasama kung hindi sa iba. Hindi pa ba kayo nakokontento sa araw-araw niyong paglabas at pati sa pagsimba ay kailangang magkasama pa rin kayo?” Biglang wika ng kanyang ina.


Napayuko na lamang siya tanda na wala siyang isasagot dito. Ganito naman siya kapag natutumbok na siya ng kanyang ina. Hindi niya magawang makapagrason.


Narinig niya itong napabuntong hininga.


“Hindi masama ang makipagkaibigan, Eros. Pero ang sobrang ilapit mo sa isang tao ang sarili mo, ay ibang bagay. Pwede kang masaktan oras na mawala siya sa’yo.”


“Hindi siya mawawala sa akin, ma.” Agad niyang tugon. Pinaghirapan niya ng husto ang mapalapit rito to the point na pati ang personal na buhay nito ay pinanghimasukan na niya makuha lamang niya ang atensyon nito. At ngayong nagtagumpay na siya ay hindi niya hahayaang mawala pa ito.


Subalit hindi nawala ang pag-aalala sa mukha ng kanyang ina.


“Hindi ko alam kung dapat ko nga bang ipagpasalamat ang mga pagbabagong nangyari sa’yo, Eros. Dahil sa totoo lang, natatakot ako sa kung saan ka dadalhin ng mga pagbabago mong `yan.”


Naiintindihan niya ang tinutumbok ng kanyang ina. Alam rin niyang hindi pa nito gaanong natatanggap ang ilang mga pagbabago sa kanya kaya naman linapitan niya ito at agad na yinakap. Paraan niya iyon para sabihin dito na wala itong dapat ikatakot. Na kaya na niyang dalhin ngayon ang sarili. Wala na rin nagawa ang kanyang ina kung hindi ang mapayakap sa kanya.


“Nadala mo na naman ako sa mga paglalambing mo.” Kapagkuwan ay wika nito na siyang kanyang ikinahagikhik. “Hala at papasukin mo na muna iyang bisita mo’t nang makaligo kana at makapagbihis. Baka mahuli kayo sa misa.”


Dali-dali nga siyang kumawala rito at nagmamadaling tinungo ang kanilang pintuan para tunguhin ang taong siya ngayong palaging dahilan ng pagguhit ng ngiti sa kanyang mukha. Agad niya itong nakitang nakasandal sa sasakyan nito patalikod sa kanya.


“You’re thirty minutes early.” Nakangiti niyang pagkuha ng pansin nito.


Agad naman itong lumingon sa gawi niya exposing to him the pair of charismatic eyes na siyang nagpapanginig sa kanyang mga tuhod. Ang mga matang una na niyang nagustohan sa taong ito.


“Morning Spidy! Inagahan ko na ang punta para masiguradong matutuloy itong pagsimba natin.”


Lumapit siya sa gate kung saan nagsimula ang palayaw nito sa kanyang Spidy para pagbuksan ito. Ilang dipa pa ang layo nila pero humahalo na sa hangin ang pabango nito kaya naman nang tuluyan na niya itong mapagbuksan ay wala sa sarili niyang sininghot-singhot ang bandang dibdib nito.


“Woah! Kay agang pangmomolestya naman niyan!” Humahagikhik nitong wika na imbes na lumayo at mailang ay hindi man lang nag-abalang umatras.



“Gustong gusto ko talaga itong pabango mo. Kung hindi ako nagkakamali, ito na ang pabango mo first year college ka pa lang.” Sabi niya at muli itong inamoy-amoy na parang tanga. Lalo tuloy itong napabungisngis.


“Alam mo bang kung noong unang mga araw mo ginawa iyang ginagawa mo ngayon, malamang sa malamang nagtatakbo na ako sa pagkataranta.”


Sinalubong niya ang mga mata nito.


“Bakit naman?”


Pinanggigilan muna nito ang kanyang magkabilang pisngi bago sumagot.


“Kasi sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw lang ang bukod tanging kayang gawin ang isang bagay ng walang pag-aatubili.”


Nangunot ang kanyang noo.


“Is it bad?”


Sa tanong niyang iyon ay muli niyang nakita ang pamilyar na eksrpresyon sa mga mata nito na kung hindi siya nagkakamali ay paghanga.


“It’s not. Sa katunayan, iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit tinamaan ako ng husto sa’yo.” Nakangiti nitong tugon.


Bigla naman siyang namula. Hindi pa talaga siya sanay sa tuwing ipapaalala nito sa kanya ang relasyon nila. Paano ba naman, hindi niya kasi sukat akalan na aabot sila sa puntong magiging sila. Brian Ramirez is Brian Ramirez. Bukod sa angkin nitong kaguwapohan, magandang tikas ng katawan at karangyaan sa buhay ay kilala rin ito bilang isang notorious na babaero. Pero ilang araw na sila sa bago nilang relasyon. At sa loob ng ilang araw na `yon ay hindi ito nagmimintis na iparamdam sa kanya na hindi panaginip ang mga nangyayari na talagang karelasyon niya ito.


“Bakit nga pala hindi kapa nakakaligo? Akala ko ba bawal ang ma-late sa misa? Kaya nga maaga akong bumangon, eh. Baka kasi isipin mong hindi ako seryoso nang sinabi ko sa’yo kahapon na sasamahan kitang magsimba at iwan mo ako.” Nakangiting usal nito with so much amusement.


“Maliligo na nga sana ako, eh. Kaso bigla kang sumulpot kaya napurnada.”


“Kala ko wala ka lang talagang balak maligo.” Ngingisi-ngisi nitong tugon. Umandar na naman ang pagiging alaskador nito.


“Wala nga sana, eh.” Balik pang-aasar naman niya.


Pinagpa-planuhan pa lang niya ang magiging hakbang para makadaupang palad ito ay may nasagap na siyang balita na tulad niya ay marami rin ang mga pagbabagong nangyari sa dating seryoso sa buhay na Brian Ramirez.


Sa loob ng bahay ay iniwan ni Eros ang kanyang irog sa kanyang ina habang siya naman ay dumeretso na sa banyo para maligo. Rinig niyang nag-uusap ang mga ito marahil ay inuulan na naman ito ngayon ng kanyang ina ng kung anu-anong mga katanungan. Napapangiti na lamang siya.


Matapos maligo ay nadaanan niya ang mga itong pareho ng may hawak na tasa ng kape. Hindi man sinasabi ng kanyang ina pero nasisiguro niyang gusto na rin nito ang kanyang irog base na rin sa natural na pakikipagusap nito rito. Madali naman talaga itong makapalagayan ng loob dahil bukod sa natural na pagiging magalang nito ay madali rin nitong na-i-a-adjust ang sarili sa kausap at pinag-uusapan. No wonder na nagawa nitong makakuha ng mga malalaking investors at mapalago ang kompanyang iniwan ng mga magulang nito.


Saktong matapos siyang makapagbihis at ayusin ang sarili ay ang pagkalampang ng kampana sa kapilyang malapit sa kanila. Hudyat na malapit ng magsimula ang misa. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at tinungo ang mga ito.


“Tara na?” Nakangiti niyang paanyaya.


“Akala namin nakatulog ka ulit sa kuwarto mo.” Ngingiti-ngiti nitong sabi saka binalingan ang kanyang ina. “Paano Tita, mauna na ho kami sa inyo. Hindi ba talaga kayo sasama sa amin?”


“Hindi na. Dito na lang ako sa kapilya magsisimba para rin makauwi agad ako pagkatapos ng misa.”


“Siya nga pala ma, baka tanghali na ako makauwi. Susunduin ko ngayon sa airport si Russel at sasamahan ko siyang maghanap ng hotel na tutuluyan niya habang nandito siya sa lugar natin.” Pagpapa-alam niya.


“Bakit kasi sa hotel mo pa patutuluyin iyong katrabaho mong `yon, eh. Pwede naman siya dito sa atin makituloy habang nandito siya. Iyon nga lang, kailangan niyong pagkasyahin ang mga sarili niyo sa kuwarto at kama mo.”


Napabaling siya kay Brian. Ang totoo kasi niyon ay ikinatuwa niya ng husto nang magpresenta ang kanyang ina na doon na lamang sa kanila tumuloy si Russel noong sabihin niya rito na magbabakasyon ito sa lugar nila. At agad niya iyong sinabi sa kanyang kaibigan na ikinatuwa rin nito pero nang malaman ito ng kanyang irog ay hindi matatawarang pagtutol ang naging reaksyon nito.



“Doon siya sa inyo tutuloy at sa iisang kuwarto at kama kayo matutulog habang nandito siya? No way! Hindi ko pa kilala ang best friend mong `yon kaya hindi ko pa alam kung mapagkakatiwalaan ko siya sa’yo. Ikuha na lang natin siya ng room sa isang hotel.”


Sumangayon na lamang siya dahil naiintindihan naman niya kung bakit gaanon na lamang ang pagtutol nito. Hindi pa rin nawawala rito ang ginawa ng pinsan nito sa mga dati nitong karelasyon. Kaya muli niyang sinabihan ang kaibigan na ituloy na lang nila ang naunang planong maghanap ng hotel na tutuluyan nito.


“A-Ayaw kasi niyang makaabala sa atin, ma.”


“Bahala kayo. Siya, umalis na kayo’t mahuhuli na kayo sa misa.”


MALAPIT na sa simbahan sina Eros at Brian. Sa gilid ng kalsadang kanilang tinatahak ay ang mga taong naglalakad na may kanya-kanyang bitbit na upuan. Palagi kasing napupuno ang simbahan kapag ganitong misa de gallo. Marami na ring mga nakahilirang bilihin sa gilid ng kalsada na isang ring magpapatunay na nagaganap na nga ang simbang gabi.


Nang saglit na mapahinto ang sasakyan nila dala ng pagtawid ng ilan sa mga naglalakad ay bumaling sa kanyan si Brian.


“Alam kong gustong-gusto mo ang ideyang sa inyo tutuloy ang kaibigan mo. Pero sana naiintindihan mo kung bakit tinutulan ko `yon.”


“Yeah, I understand.” Nakangiti naman niyang tugon. Wala naman talaga siyang kinikimkim na sama ng loob sa pagtutol nito. Oo nanghinayang siya. Gusto kasi niya ulit maka-bonding ng matagal ang kaibigan niyang iyon na magiging madali sana kung nasa iisang bahay lang sila pero mas nangibawbaw sa kanya ang pag-intindi sa kasintahan.


Inabot nito ang kanyang kamay at marahang pinisil iyon.


“Ayaw ko lang na mawala na naman sa akin ang taong pinahahalagahan ko dahil hindi ko siya nagawang mabakuran at maprotektahan ng tama.” Ramdam niya ang pagpapahalaga sa boses nito at ikinatutuwa niya iyon. Ngayon lang may nagparamdam sa kanya ng ganoong klaseng pagpapahalaga.


“But please promise me na kapag sumobra na ako at masakal na kita, ay sasabihin mo sa akin. Because that’s the only key for us to make this relationship work.”


“Masusunod kamahalan.” Nangingiti pa rin niyang turan. Sapat na para sa kanya na pinapahalagahan pa rin nito ang kanyang pwedeng maramdaman. Oo nga’t medyo na-praning na nga ito sa pinaggagagawa ng pinsan nito dito pero sa kabila niyon, hindi ito nakalimot na ipadama sa kanya na hindi lang ang sarili nito ang iniisip.


Napatitig ito sa kanya na bakas ang paghanga sa mga mata nito. Bigla tuloy siyang na-concious.


“B-Bakit?”


“Wala naman. Napapantastikuhan lang talaga ako dahil hindi ka mahirap kausapin at paliwanagan. Hindi mo ugaling gawing kumplekado ang mga bagay-bagay.”


“Dahil marunong akong umintindi, Brian.” Nakangiti na niyang balik.


Naputol ang kanilang usapan nang may bumusinang sasakyan sa kanilang likuran. Kaya naman tumuloy na sila sa kanilang pupuntahan. Nang sa wakas ay marating nila ang simbahan at makahanap ng pwedeng pag-parking-an ay agad silang bumaba ng sasakyan. Tulad ng inaasahan ay napakarami na ng tao kahit pa man hindi pa nagsisimula ang misa.


“I’ll just get the chairs.” Nakangiting wika nito saka tinungo ang compartment at kinuha doon ang dalawang folding chairs.


“Wow! May dala ka nga!” Naibulalas naman niya.


“Syempre! Boy Scout yata `to. Laging handa!”


“Ang buong akala ko, nagliliyab ka kapag nalalapit sa simbahan, Brian.”


Pareho silang napalingon sa nagsalita at bumulaga sa kanila ang nang-aasar na mukha ng isa sa mga kaibigan nito, si Claude na may bitbit ring folding chair. Sa tabi naman nito ay ang partner nitong si Laurence o Lance na nakaguhit ang magandang ngiti sa mukha.


“Oh! Nandito pala ang isa sa kampon ng mga demonyo. Ibang klase na talaga kayo ngayon. Tulad ng cellphone at computer, upgraded na rin pala kayo. Nagagawa niyo ng makalapit sa mga simbahan.” Ganting pang-aasar naman ng kamasa niya.


Hindi ito pinansin ni Claude. Sa halip, sa kanya ito bumaling.


“Kamusta ka Eros? Condolence pala. Balita ko nauto kana raw ng isang `to.”


Napahagikhik siya. Hindi talaga palalampasin ng mga ito ang makapagbato ng pang-aasar sa isa’t isa. Walang maniniwala na kilalang mga negosyante at mayayaman ang mga ito.


“Di ba’t tama ako mahal? Mas magiging exciting ang simbang gabi natin kung dito tayo sa north wing pupuwesto.” Pare-pareho silang napabaling sa nagsalita at bumulaga sa kanila ang dalawa pa sa mga kaibigan nito na sina Red Sanoria at Attorney Dorwin Nievera.


“Pareng Red! Dorbs!” Bati ng kanyang kasama sa mga ito.


“Bakit nandito pa kayo? Malapit ng magsimula ang misa.” Nakangiting wika ni Dorwin sa kanila.


“Binati ko lang ng condolence si Eros sa pagsagot niya kay Brian.” Nakangising tugon ni Claude sabay high-five nito sa bumungisngis na si Red.


Napasimangot sa mga ito ang kanyang kasama.


“Mabuti naman at naimpluwensyahan mo itong si Brian na magsimba, Eros.” Nakangiting pagkakausap naman sa kanya ni Dorwin.


Napakamot siya sa ulo’t napangiti ng alanganin. Ang totoo kasi niyon ay maski siya ay hindi niya inaasahang sasamahan siyang magsimbang gabi ni Brian. Sinubukan lang niya itong yayain noong isang araw at laking tuwa niya ng sinabi nitong sasamahan siya nito.


“Huwag niyo na ngang gawing big deal itong pagsimba ko. Ang mabuti pa ay pumuwesto na tayo’t malapit ng magsimula ang misa.” Ang napipikon ng wika ng kanyang kasama. Halata na kasing pinagtutulungan na ito ng mga kaibigan.


“Pagkatapos ng misa ay doon na kayo mag-almusal sa bahay.” Paanyaya ni Lance sa kanila.


Bigla siyang natakam. Kilalang chef si Lance at nasisiguro niyang masasarap na almusal ang ihahanda nito sa kanila. Isama mo pang makakasama niya ang ilan sa mga hinahangaan niyang pares ay lalong nagpa-excite sa kanya.


“Hindi `ata kami makakasama, Lance.” Tugon ng kanyang kasama rito. “Darating ngayon ang kaibigan ni Eros galing Maynila at kailangan namin siyang sunduin sa airport.”


Bumagsak ang kanyang mga balikat dala ng sobrang panghihinayang. Kailangan nga pala niyang sunduin si Russel ngayon at tulungan itong makahanap ng tutuluyan. Kung bakit naman kasi first flight pa ang kinuha ng kaibigan niyang `yon.


“Ganoon ba? Okay lang. Siguro naman bukas makakasama na kayo.” Nakangiting wika ni Lance. “Tara na. Mukhang magsisimula na ang misa.”


NATAPOS nila ang unang simbang gabi. Bawat isa sa kanila ay taimtim na nakinig ng misa at nagdasal. Nasaksihan rin niya ang naiibang pagbati ni Claude ng peace be with you sa misis nito.


Aaminin niyang iba ang dating sa kanya ng simbang gabing iyon. Hindi lang kasi magaan ang pakiramdam niya kung hindi dama rin niya ang ibayong saya. Siguro dahil sa wakas, kasama na niyang nagsimba ang taong hiniling niya sa mga nagdaang simbang gabi.


“Ganito pala ang pakiramdam ng nakakapagsimba.” Nakangiting wika ni Brian nang matapos silang makapagpaalam sa mga kaibigan nito at nang makapasok sila ng sasakyan. “Napakagaan sa pakiramdam.”


Napangiti siya. Napansin nga niya ang lalong pag-aliwalas ng mukha nito matapos ang misa. Para bang napawi ang mga alalahanin nito’t mga problema.


“Ibig bang sabihin niyan ay sasamahan mo ulit ako bukas?”


“Hindi lang bukas. Sasamahan kitang tapusin ang siyam na simbang gabi. May wish `ata ako.” Nakangiti nitong sabi saka siya nito ginawaran ng halik.


“Ano naman ang wish mo?” Malapad ang ngiting tanong niya rito ng maghiwalay ang kanilang mga labi.


“Secret muna.” Ngingiti-ngiti nitong wika saka binuhay ang makina ng sasakyan nito. “Anong oras nga ulit ang arrival ng kaibigan mo?”


“6:30.”


“Alright. Naroon na tayo bago pa lumapag ang eroplanong sinasakyan niya.” Tugon nito saka pinaandar na ang sasakyan.


Habang nasa nasadaan ay nagsissimula na itong magtanong sa kanya patungkol sa kanyang kaibigan na magiliw naman niyang sinasagot.


“So, simula ng mapadpad ka sa Maynila para doon magtrabaho ay iyong Russel na `yon na ang naging kasa-kasama mo?”


“Oo. Pareho kasi kaming baguhan sa kompanyang pinapasukan namin kaya kami ang naging magkasangga. Siya rin ang tumulong sa aking makahanap ng matutuluyan at naging guide ko sa Maynila.”


Tumango-tango ito.


“Is this his first time sa lugar natin?”


“Yep. Maraming beses na naming pinagplanuhan ang pagbabakasyon niya rito sa atin kaso hindi natutuloy-tuloy gawa ng palaging natataon na marami siyang trabaho sa tuwing uuwi ako rito.”


“You’re best friends right? So, is it safe to assume na pareho kayo ng sexual orientation?”


“Yep! Though malaki ang pagkakaiba namin.” Tugon niya at napahagikhik.


Iniwan nito pansamantala ang tingin sa kalsadang binabaybay nila at bumaling sa kanya na nakakunot-nuo.


“What do you mean?”


“Mahirap ipaliwanag, eh. Later, makilala mo na rin naman siya.”


HALOS humaba na ang leeg ni Eros kakahanap sa imahe ng kanyang kaibigan sa mga taong palabas ng airport. Gawa ng malapit na ang pasko ay dagsa ang mga nagsisiuwian sa lugar nila at double naman niyon ang mga taong sasalubong sa mga ito kaya nahihirapan siya ng hustong mahanap ang kaibigan. Naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Dali-dali niya itong hinugot sa kanyang bulsa.


“Asan kana?” Magiliw niyang bati sa kaibigan. “Bakit hindi kapa iniluluwa ng pintuan?”


“Nakipagtaguan pa kasi sa akin ang CR nitong airport niyo. Pero palabas na rin ako. Saan ka ba banda?” Tugon naman nito sa kabilang linya.


“Nandito lang ako sa labas nakikipagsiksikan sa mga tao. Lumabas kana riyan at nagugutom na ako!”


“Hanggang dito ba naman sa lugar niyo pagkain pa rin ang iniisip mo? Heto na palabas na!” Natatawang tugon nito.


Hindi nga nagtagal ay naaninag na niya ang pamilyar na pigura ng kaibigan.


“Russ! Nandito ako Russel!” Sigaw niya na nilakipan pa niya ng pagkaway-kaway rito. Hindi naman siya nabigo dahil nakuha niya ang atensyon nito.


Agad itong lumapit sa kanya.


“Sa susunod na nagbalak kang sumigaw baka naman pwedeng ilayo mo muna iyong telepono sa bibig mo. Muntik ng sumabok ang eardrums ko.”


Napabungisngis siya.


“Sorry naman. Na-excite lang masyado.”


“Ano pa nga ba ang magagawa ko.” Nakangisi nitong sabi sabay yakap sa kanya. “Sa wakas! Nakadalaw rin ako dito sa kaharian mo!”


Napayakap na rin siya dito.


“Welcome sa kaharian ko!”


“Ehem!”


Agad silang napahiwalay sa isa’t isa dahil sa taong kumuha ng pansin nila at nang mapalingon siya ay sumalubong sa kanya ang si Brian.


“You must be Russel. I’m Brian boyfriend ni Eros.” Pagkakausap nito sa kanyang kaibigan sabay lahad ng kamay.


Kita niya kung papaano gumuhit ang pagkagulat sa mukha ng kanyang kaibigan pero gayon pa man ay nagawa pa rin nitong makipag kamay.


“Y-Yes. I’m Russel. Nice to meet you Dude.”


“Ikinuha lang kita ng makakain, pagbalik ko ng sasakyan wala kana.” Baling naman nito sa kanya.


“Dumating na kasi ang eroplano.” Nakayuko niyang sabi. Sa sobrang excited niyang makita ang kaibigan ay hindi na niya nahintay pa ito o nakapagpaalam man lang dito.


Inabot nito ang kamay niya at marahan siyang hinila palapit rito at inakbayan.


“Next time, `wag kang bigla-biglang mawawala, ha?” Wika nito sa kanya saka nito binalingan ang kanyang kaibigang hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla. “Are we good to go?”


Tango lang ang naisagot ng kanyang kaibigan rito. Hindi tuloy niya maiwasang lihim na mapangiti.


“Good! Let’s have breakfast first. Kanina pa kasi nagrereklamo itong kaibigan mo na nagugutom na siya then pwede na nating puntahan ang hotel na tutuluyan mo.”


“Sasamahan mo pa kami sa paghahanap ng hotel?” Siya naman ang nagulat. “Hindi ba’t kailangan mo pang pumasok sa opisina?”


“Nasabi ko na sa sekretarya ko na hindi ako papasok ngayong araw. And nope, hindi na natin kailangang maghanap ng hotel dahil nagawa ko na `yon kahapon.”


Napapantastikuhan siyang napabaling rito.


“I’m your boyfriend. Obligasyon kong tulungan ka na ma-provide sa bisita mo ang lahat ng kailangan niya lalo pa’t baguhan siya sa lugar natin.”


Wala na siyang nasabi pa. Masyado na kasi siyang nahihiwagaan sa inaasta nito. Una, ay wala sa plano nila na sasamahan sila nito buong araw at pangalawa, ang hindi maitatagong posissiveness sa mga mata nito.


Nang umikot na ito patungong driver’s seat ng sasakyan nito ay saka lamang muling nabigyan ng pagkakataon ang kanyang kaibigan na makausap siya.


“Marami kang dapat ikuwento sa akin, Eros Drake.”






Itutuloy:  

35 comments:

Unknown said...

Nxt chapter pls! Lol

Unknown said...

I love this chapter zeke! It always makes me smile and giggle in ever word and phrases where eros and brian always chat and compliment each other :)

Anonymous said...

ahahah... i like the part ung cnabi ni russel na nakipagtaguan pa ung cr.. hahahah... next time ka pg ako mag ccr,ntgalan ako s pghhnap ssbhin ko sa mga kaibigan kong inip na s pghhntay skin na nakikipagtaguan ung cr.. haha.. anyway ang oa ko.. wow.. hehe.. i love this chap.. gusto ko pang malaman kung cnu c russel at ano ang malaking pinagkaiba nya kay eros.. hehe!!

welcome sa kaharian ko! haha

-- kinsler quincy

James Chill said...

Bitin!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hehehe

Unknown said...

basa mode!!! Thanks kuya zeke!!!!

Anonymous said...

As always. You never fail to amaze us. Thanks for sharing.

russ said...

Alam.ko may next chapter na bukas hehehhehe.. Asa lang sir Z heheheh.. Ganda

Unknown said...

SUPER KILIG!!!! dami ko tawa sa mga pang aasran ng mga magkaibigan grabeh yan ang na miss ko sa tory mo Zeke... SPELL POSSISSIVENESS ---> BRIAN!!!! naku naku ano kaya ang malaking papel ni russel sa story... Zeke next Chapter na PLEASE!!!!!! MWAH THANKs YOU....

Unknown said...

At last may update din! Kudos author!

Anonymous said...

Gustung-gusto kitang intindihin kung bkit hindi k madalas mag-update... Pero nxt chapter n please! Excited n ako malaman ang susunod na pangyayari, hahaha.

Anonymous said...

kilig much grabe hahaha


jco

Anonymous said...

nice..


pangz

Lawfer said...

pnung iba c russel kay erros? anung ibig sbihin nia dun? o.O

kala q cross dresser or something alike peo mukang ndi nman kc uber pa dn sa pambabakod c brian o.O

Yhad S. Beucharist said...

isang malaking question mark pa rin si Russel sa isipan ko?

sa anong instance sila mag kaiba? hahahaha,, tawa nalang!

Anonymous said...

Worth ang paghihintay... Hoping na may update... Ramy from qatar

Anonymous said...

C russel parang c brian ang image. C eros kc yung parang babae aa relationship nla ni brian... kaya yun cguro ang pagkakaiba kaya todo mkabakod c brian. ^_^

Anonymous said...

Yun un eh! Talk about kilig. ahaha xD I am intrigued about this Russel guy. I am excited for the next chapter, will the jeolousy scenes will takes place na? hihi, anyways. thanks for updating sir zild. :)

Ivan D.

Explorer_Dan said...

Whew. ahaha, kung sa kacheesyhan madami tong chapter na to. ahahaha. And i smell jelousy on the next chapter. ahahha Who is this Russel Guy? Elaborate the character, which I know you will on the next chap. hehhee Excited lang ako. THANK YOU PO sa chapter na ito, sana po wag masyado matagal ung susunod. heheh

Anonymous said...

Awww. Boromeo is Jealous! ahaha his cute though. ahaha

Vince'

Anonymous said...

Thanks po sa update, waiting for the next one :)

Alfred of TO said...

Nice story...thanks Mr Author.

Anonymous said...

tagal ng kasunod bwahahahah... makboy

TheLegazpiCity said...

anu nga kaya ang itsura ni russel...hahaha

Reymond Lee said...

nice chapter! congratz!

Ryge Stan said...

Hmm russel seems mysterious anu kaya ang hatid niya sa bugay ni Eros at Brian, I hope maganda. over all this is but a nice chapter.

Have a great one Zake

Anonymous said...

sana c RUSSEL magkagusto kay BRIAN ^_^

Mas ok kasi sakin yung bida ang pinag-aagawan kesa naman sya yung nang-aagaw diba?

~Reagan

Anonymous said...

sana c RUSSEL magkagusto kay BRIAN ^_^

Mas ok kasi sakin yung bida ang pinag-aagawan kesa naman sya yung nang-aagaw diba?

~Reagan

Anonymous said...

nakakakileggg!!magkakasama silang lahat!!!;)
pati ang fave q na sina dorbs at red!^^

mr author,,i'm really sorry!!hahaha..natawa kc q dun sa comment ni Bobby about sa possessiveness na yan!haha...

-monty

luilao said...

Ang saya saya.. Kilig na kilig ako.. Ganda na ng weekend!!

luilao said...

Ang saya saya.. Kilig na kilig ako.. Ganda na ng weekend!!

Anonymous said...

Selos, agad-agad? Boromeo? Haha

May gusto si russel kay eros? Hmmm...

~JAYVIN

Jasper Paulito said...

wala pa po bang update?

Jasper Paulito said...

Zeke wala pa po ba ang next chaper? kelan namin malalaman kung paano magselos itong si Brian? waiting po kami.... next chapter na po, please

Anonymous said...

I kept on checking this blog, honestly can't wait for the next chapter. Been waiting for like 1 month already, I hope that Kuya Zeke is okay. God bless.

Anonymous said...

Bka binaha ulit....

Post a Comment