Monday, November 18, 2013

Author's Note



Author's update and note:



Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng ilan sa inyo na isa rin kaming biktima ng pamilya ko sa nag daang bagyo. Kung nanunuod kayo ng news specially CNN, isa ang Palo sa mga kalapiy lugar ng Tacloban ang maraming namatay.



Fortunately, kumpleto kaming nakaligtas sa pinaghalong malakas na hangin at biglaang pagtaas ng tubig. Hindi ko nga ma-imagine o mas matamang sabihin na hindi ko na maalala kung papaano namin nagawang mag survive. Halos lunurin ng tubig ang two storey naming bahay. At bukod pa doon, inanod ng tubig na yon ang mga natumbang puno at nagsiliparang bubong dahilan para halos lahat ng nagtangkang languyin ang baha para ma-save nila ang buhay nila ay kung hindi man sugatang aahon ay di na nakakaahon.



I dunno if we can still call our selves lucky that we survive the typhoon. Kasi mas malala pa pala ang makikita namin pagkatapos ng almost four hours na struggle. Lumulutang sa kung saan-saan na lang ang mga patay. Yong iba, isang buong pamilya habang yong ilan naman kung hindi isa ay dalawa na lang silang nabuhay. Mas malakas pa sa huni ng hangin ng bagyo ang mga iyakan nila at bakas sa mga mukha nila ang kawalan ng pag-asa, hinagpis, at pagkatuliro. Syempre dahil hindi lang buhay ang kinuha ng bagyo sa aming mga taga Leyte. Pati ari-arian namin kinuha rin.



"Papaano kami magsisimula at babangon?" Iyan ang naging katanungan naming lahat after ng bagyo. Sa isang iglap lang, kinuha sa amin ang lahat. Even I wala akong na save. Ni wala nga akong nakuhang damit dahil lahat inanod. All my gadgets rin lumubog sa tubig kasama ang laptop ko. Iyon nga lang, eh, halos mangiyak-ngiyak na ako ano pa kaya sa mga taong nagpundar, nangutang at nagsikap sa trabaho para lang makapagpatayo ng magandang bahay at makabili ng mga magagandang gamit at sasakyan? Iyong mga namatayan?



Kaya sana maintindihan niyo na pansamantala munang mapuputol ang posting ko ng 9 Mornings. Kahit kasi gustohin ko mang ituloy iyon ay hindi ko rin magagawa. Kailangan kong maghanap muna ng trabaho para matulungan ko ang parents ko. Bigla kasing hihinto ang kabuhayan namin dahil sa nangyari at mauubos ang natitira naming pera kung pulos gastos lang ang gagawin namin at walang papasok na pera. Wala na rin akong laptop na magagamit since inanodnrin siya ng tubig kaya imposible talaga.



Iyon lang po mga paps! Sa lahat ng nagparamdam ng pag-aalala para sa akin at sa pamilya ko, maraming salamat! At sa lahat ng tumangkilik sa mga kwentong gawa ko, salamat din guys. Mawawala muna ako at hindi ako sigurado kung makakabalik pa ba ako. Basta once na makaipon ako ulit, unang nasa listahan ko ay ang bumili ulit ng laptop para makapagsulat ulit ako.




Zildjian

39 comments:

Anonymous said...

Awww too bad. Pero we surely understand. And im hoping for your family's quick recovery.
MicG

patryckjr said...

i had been an avid follower of your blog.... and really enjoyed your storoes..... thanks for sharing.....
How can we help you Zildjian..... kahit pasasalamat na lng dun sa mga stories we had fun reading...
YOU CAN DO IT PAPS..... MAY HEAVEN PROVIDE YOU WITH EVERYTHING YOU NEED

robert_mendoza94@yahoo.com said...

thank GOD u and your family are safe! isang malaking pagsubok and dumating at alam kong malampasan nio yan, a person w strong character like you, im sure muli kayong mkakabangon dahil may pagkakaisa at love sa bawat isa sa inyo. basta dont lose hope and faith for HIM frend. isasama ko kau lage sa mga prayers ko. yngat lage and always think positive.

Yhad S. Beucharist said...

Isa ka sa mga alalahanin ko nung marinig kong taga tacloban ka pala, gusto ko man tumulong sa iyo eh hanggang panalangin na lang ang magagawa ko, mag-iingat kang palagi. Natutuwa kami at nagpapasalamat sa DIOS dahil buhay ka at ang iyong family, sana makabalik ka pa dito kuya, aasahan ka namin. :)

russ said...

sir Z..there is God above us..keep safe.

Anonymous said...

isa ako sa super umiidulo syo from the right time hanggang dito s 9mornings 2. nakailang ulit k nang binalikang basahn ung mga akda m sobrang hnd aq nagsasawa. ang galing ng utak m kuya. sobrang nakakalungkot lng na matatagalan pa ang pgsusulat at pgposting m ng mga gawa m pero wag na wag ka mawawala, intayin ka namin. kht matagal wag k lng titigil sa pgsulat at pglikha ng kwento na hatid ay saya at hope, thx kuya. kung mayaman lng aq provide k ung laptop bilang pasasalamat syo kaso hnd ih! slamat at ligtas k at family mo. ingat k parati at gudluck s endeavor m. -cm

Lone wolf said...

You'll make it throuh, have faith. This is my first time to post a comment as i was a silent reader. But i'm one of your biggest fan from your first work. Just pray lang po

Anonymous said...

now I understand kung bakit matagal tagal ring walang updates...I'm sure nakakapanlumo talaga ung pinagdaanan nyo ng family mo..Kahit ako di ko maimagine kung pano gagawin q sa naging sitwasyon nyo...But thank God He saved you & your family...God bless you sa paguumpisa nyo ulit...

-monty

Anonymous said...

Sir Z! Nasa inyo po ang suporta namin na mga readers mo. Salamat naman at ligtas ho kayo ng pamilya niyo. Have faith lang sir! God is with us all the time at siguradong sigurado ako na hindi niya kayo pababayaan. Ingat po sir Z!
-Neb (silent reader)

Anonymous said...

sad to know that. thank God ur all safe. i will wait for the time that you will write again. be safe always.

randzmesia

Anonymous said...

We understand.... When you were MIA for days, I had the feeling that you were one of the typhoon victims even though I did not even know where you live. God help us all. Wish you safety for the days to come....

Zildjian said...

Maraming salamat.. at least isa sa mga silent reader ang lumabas para magpakita ng pag-intindi.

Anonymous said...

Hi..... Want to extend my help. Kahit sa konting paraan makatulong ako sa family mo... How can i reach you?

-Raymund of Bacolod

Migz said...

You need not worry about us. We will wait for you and we will support you.. Attend to your personal needs first, do whatever is necessary for you to be able to get back to your feet.. You, your family and all the affected people will always be in our prayers.. Hope springs eternal, just be patient and pray ceaselessly.. Wishing you all the best.. God bless Zeke..

Ryge Stan said...

Sabi ko na nga ba, I was wondering kung sino sa author nun mga sinusubaybayan kong blog ang taga Leyte ikaw nga pala Zake. Don't worry I fully undrstand where your coming from now I'm glad your family and yourself is fine and I hope that on the following days you and your family may move on after that disaster. All the victims of Yolanda are included in my prayers that they may be able to stand again and start anew. and for those who lost their lives may they find eternal peace with our Creator.

God Bless Zeke and take care always.....

Anonymous said...

thanks God you and your Fam are ok. . . alam kong hindi lang ako ang tahimik na ipinagdasal ang kaligtasan mo. Take care always and Godbless

Anonymous said...

i will miss ur work zek but we really understand ur situation now...

just stand firm and dont lost hope sir

may God will bless u and ur family

jco

Anonymous said...

ok lang po.. masaya po kami na nakaligtas kau.. well.. nakakalungkot sabhin na ititigil nyo muna ung UD.. pero naiintindihan naman namin un.. kc po un talga po ang dapat.. pero sana po ee maipagpatuloy nyo pa ang kwento.. khit na medyo matagal ok lang naman un.. ingat na lang po kau palagi and god may bless you for all of what you will do.. :)

-jec

Anonymous said...

~Naiyak ako! :'( hndi ko maimagine un kuya! Kami nga sa aklan na halos buhatin ni yolanda ang bubong ng evacuation center ninerbyos na! Un pa kaya.

Kuya ZEKI! Eto lang ang mga masasabi ko. THANK YOU! Dahil nagawa kong madiscover yung blog mo, SALAMAT dahil sa 'yong mga napakagandang mga kwentong naishare oh naisulat. Natatandaan ko pa nong unang-una akong magawi sa blog mo at ng magbasa ako ng stories mo, isa lang ang nasabi ko. "Ang galing ng author na ito. Ma bookmark nga yong blog naito. (nya)" at salamat dahil naisipan mong magsulat oh d kaya ay ishare ang iyong nag-uumapw na galing bilang tagapagsulat sa aming mga nagbabasa. Isa lang ang hiling ko wagkang mawawala ah, (as our favourite author.) pagnakabawi kana, oh okey na kau ng family mo bumalik ka. Hihintayin ka naming mga tagapagbasa/tagapagsuporta/nagmamahal mong mga mambabasa. Hihi. :)

P.S
~Wag mong kakalimutang tumawa oh 'di kaya ngumiti! Dahil habang buhay may pag-asa! Pagsubok lang yan ni PAPA GOD kuya! Malalampasan din yan. :-)

~JAYVIN

Anonymous said...

Ok lng matatagalan pa basta ang importante ligtas kayo at ng family at isa pa kaht matagal kapa makakabalik sa pg susulat ok lng ang impotante wag kang sumuko at wag mawalan.ng pag asa. I will pray for you abd also your kababay ni tacloban for the safe and hope to.recover fast and start with a new life

Take your time always i know we can wait.

Franz

Zildjian said...

Feel free to contact me via mobile 09052228694

Unknown said...

I'm so sorry to hear that sir sa news kitang kita yung nakakapanlumong nangyari dian thank God that you and your family re okay basta pray lang makakarecover kayo we can wait don't lose hope malalampasan nio lahat toh at lahat mg naapektuhan ng bagyo be strongkya mo yan were all here to support and help you. God BLESSEDyou may the love and guidance of the Lordbe with you always.

Anonymous said...

kung may work lang ako, matutulungan kita kahit papano. Ang hirap ng ganyang sitwasyon. Ang lawak ng napinsala. Ipamudmod nalang ng gobyerno ang mga donasyong pera. Para makapagsimula mga nasalanta ng bagyo.

bharu

Anonymous said...

Goodbless You Author! I will pray for you. I know this is not a goodbye but a temporary farewell. See you soon.

chie said...

Zeke, alam kong late mo na to mababasa, pero I'm still praying for you and for your family. I've sent you a message about 2 or 3 days after the storm to check on you, pero di ka naka-reply which I totally understand. Buti na lang nang chineck ko ang profile mo eh I've found out na kahit papaano ay okay ka at ang family mo. Wala man akong maitulong financially sa'yo at sa family mo, pero I'll keep on praying for you, your family at sa lahat ng mga nasalanta ng bagyo.

Take care always Zeke.

Anonymous said...

Kuya Zeke ipagppray ko po na makabalik kayooooo :(((((( -Introvert26

Unknown said...

Hi there Zek, idol na author, i was very concerned with ur welfare and whereabouts. Sna maging ok na ang lahat kung mapera't mayaman lng ako inampon ko na sana family mo at magsponsor ng laptop at busines na masi2mulan mo. I pray to God na kalingain ka ng kanyang mga kamay at makabangon ulit. There is rainbow always after the storm. Stay strong please.

Zildjian said...

Salamat sa lahat ng concern niyo guys. Ayos na po ako at ang family ko. :) Kita kits uli tayo sa mga susunod na araw. Hehe

Unknown said...

Zildjian I know that its hard to imagine how devastated and hard your situation right now. Bright side: your family is safe. You will eventually rise from all of these, everyone will. God never sleeps, He never cease to listen and gives grace, just hang in there. When you are ready and settled comeback and we are waiting. I have been following your blog since the time I have come across it:) silent reader din ako. Keep the faith:)

Unknown said...

Isa ako sa mga silent reader mo.. kababasa ko lang nitong bago mong akda.. naiyak ako sa pinagdaaan nyo.. marami rin akong mga kamag anak dyan sa leyte at roxas city ang nasalanta.. salmat sa dios.. at nakaligtas kayong buong pamilya.. God is good all the time. ... may awa ang dios mkkbangon kayo agad... ingat lang lagi.. at salmat sa mga akda mo...

Zildjian said...

Salamat sa lahat ng concern niyo guys!! Lalaban tayo! hehe

luilao said...

Okie lang yan author.. We know makaka bangon rin tayo!!!

luilao said...
This comment has been removed by the author.
luilao said...

Nag double comment kasi kaya dinelete ko.. Maghihintay pa rin po kami sa mga gagawin mong story.. Sure po yun..

Anonymous said...

Godspeed idol. -Arc

Anonymous said...

I really miss the story. Pero Im more worried about your condition boss.
Hope you'll be ok na and your family.
-PanCookie

Zildjian said...

Salamat sa pag-aalala PanCookie. Okay naman na kami medyo struggle nga lang ngayon.. Hehe

Anonymous said...

i just got to visit thos website today and im vry brokenhearted to know about this.. i'm one of your silent readers.... im praying for your family's fast recovery.. and im still waiting for the completion of this story.... :)

politotz

Anonymous said...

alam ko poy na makakabawi ka kasi i know naman na your a strong person...just always pray to god and continue to believe na pagsubok lang ni god ang nangyari to make you a tough and better person...i`m so thankful na buhay kayo ng family mu and thats one thing na maipagpapasalamat mu ke god...always remember na dito lang kami sa yo lagi to support and pray for you..good luck sa muli mung pagbangon..

_iamronald

Post a Comment