Wednesday, November 6, 2013

9 Mornings Book2: Chapter 11




Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Chapter 11 guys! Grabe! Inabot ako ng madaling araw matapos lang ang chapter na ito. `Di bale, mahaba naman ito. Sana nga lang ay magustohan niyo siya. Hehehe


Gusto ko sanang pasalamatan ang mga taong nag-iwan ng kanilang comment sa Chapter 10 kahit natagalan iyon.


Reymond Lee, PanCookie, Ivan D., Marlon, Russ, Jhay Pin, Patryckjr, Tzekai Balaso, Mark13, Allen RN, Kimbelnel, Lee, MicG, Migz, Mhi Mhiko, Slushe.Love, Jasper Paulito, Pat (PatPat), Xzkyel Daniel Padilla, Kristoff Shaun,  Jamespottt, Marc Abellera, Neb, Jayvin, SilentReader, Jemyro, Philip Zamora, JR, Rober_Mendoza, Jake Wong, Luilao, Xrtian, TheLegazpiCity, Monty, ManilaActor, Beucharist, Jec, Bharu, JayJay (SupahMinion), MAKBOY, RandzMesia, Roan, Racs, Jheslhee, Ryge Stan, Franz, Eusethadeus (Bunso), TC99M,  and Lexin.


Hindi ko kasasawaang isa-isang isulat ang pangalan niyo guys tulad niyo na hindi rin nagsasawang mag-iwan ng comment sa bawat chapter ko. Maraming maraming salamat!!! ENJOY READING!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Pagdating nina Brian sa bahay ay magiliw silang sinalubong ni Manang Delia. Sinabi rin nito na naihanda na nito ang mesa kaya naman agad na niyang inanyayahan si Eros sa kusina.


Nang naroon na sila ay napabaling sa kanya si Eros.


“Bakit pang dalawang tao lamang ang platong nakahanda? Hindi ba sasabay sa atin si Manang Delia?”


“Naku sir, mauna na ho kayo. Mamaya na lamang ako pagkatapos ninyo.” Agad na tanggi naman ng kanyang kasambahay.


“Eros na lang po.” May galang nitong pagtatama. “Sumabay na kayo sa amin para sabay-sabay nating lantakan ang mga linuto niyo. Sabi ni Brian, masarap daw po kayong magluto.”


Bumaling sa kanya si Manang Delia. Nanghihingi ng tulong ang tingin nito. Hindi kasi ito sanay na sumasabay sa hapag kapag ganitong may bisita siya. At mukhang ayaw nitong mabastos ang kanyang kasama sa pagtanggi nito kaya siya ang gusto nitong magsabi niyon.


“Medyo may pagka mahiyain `yang si manang, Eros. At hindi rin siya sanay na makigulo kapag may bisita ako.” Wika niya.


 “Eh, `di huwag mo na lang isipin na isa akong bisita manang.” Nakangiti nitong wika. “Sige na sumaabay na kayo. Malungkot ang kumain ng mag-isa. Hindi ba Brian?”


“Hindi talaga kasi ako––”


“`Wag na po kayong tumanggi.” Nakangiti nitong pagputol kay manang Delia. “Sabi ng mama ko, mas lalo raw sumasarap ang nakahanda sa hapag kapag sabay-sabay itong pinagsasaluhan. Ayaw niyo ba niyon? Mas magiging sobrang sarap ang mga niluto niyo?”


Sa puntong iyon ay hindi na naman niya napigilang mapangiti. Mukhang hindi talaga ito titigil hanggat hindi nito napapa-oo ang kanyang kasambahay. At biglang nahaluan ng matinding paghanga ang ngiti niyang iyon nang marinig niya ang pagpayag ni manang Delia.





“Grabe! Ang dami kong nakain. Ang sarap talagang magluto ni manang Delia.” Ang naibulalas ni Eros nang pareho na nilang marating ang veranda. Inanyayahan niya ito doon para makapagpahangin at makapagpababa ng kinain.


“How did you do that?”


“Do what?” Nakangiti naman nitong balik tanong sa kanya.


“Sa tatlong taon na paninilbihan ni manang Delia dito sa bahay, ikaw pa lang sa mga taong dinala ko rito ang nagawang mapilit siyang sumabay sa hapag na hindi lang ako ang nakaupo roon. Kahit ang mga kabarkada ko, ay hindi nagawa iyon. At `di lang `yon, you easily charmed your way to her. Halos kayong dalawa na lang kanina ang nag-uusap. Close na close agad kayo.”


Talagang ikinagulat niya ang nangyari. Kahit siya na amo nito ay natagalan muna bago niya nagawang maging komportable sa kanya si manang Delia. Noong unang mga buwan nga nito sa kanya ay halos hindi siya kausapin nito kung hindi man kailangan. Kahit magbigay ng komento ay hindi nito ginagawa. Pinaninindigan nito ang pagiging kasambahay na hindi dapat nakikialam o nakikipag lapit sa amo nito.


“Hindi ko rin alam. I just acted the way a person should act sa harap ng isang tao.” Tugon nito.


“`Yon lang? Eh, bakit hindi agad iyon nangyari sa amin?”


 “Kasi minsan, mas madali kang maiintindihan ng isang tao at mapalapit sa kanya, kung may pagkakapareho kayo.” Nakangiti nitong tugon.


“Pagkakapareho? Ano naman `yon? Pwedeng paki-specify.”


“Pareho ng pinagdaanan sa buhay.”


“Bakit, ano bang klaseng buhay ang pinagdaanan mo?” Ito ang kauna-unahang pagkakataon simula ng magkakilala sila na magiging mausisa siya patungkol sa buhay nito.


“Marami.” Nakangiti nitong tugon.


“Pwede bang tigil-tigilan mo ako sa matitipid mong sagot. Lalo kitang hindi naiintindihan, eh.”


Natawa ito. And again, nakita na naman niya ang ekspresyon sa mga mata nito na nagpapakabog sa kanyang puso – the genuinity in those eyes.


“Baka kasi ma-bored ka pag inisa-isa ko.”


“Try me.” Sulsul naman niya.


“Hindi yata ako sanay na nagiging mausisa ka sa akin.” Nakangiti nitong wika.


“At hindi rin ako sanay na nagpapakipot ka at nagpapapilit.” Nakangising balik naman niya rito.


Muli itong tumawa at kahit anong tanggi niya sa kanyang sa sarili, ay gustong-gusto ng kanyang pandinig ang tawa nito. Nagdadala iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanyang buong sistema. Isang klase ng pakiramdam na nagsisimula na niyang magustohan.


“Sige na nga. Mapilit ka, eh.” Tawa-tawa nitong sabi. “Tulad ng ilan, pinaghirapan ko ang kung ano ako ngayon. Ang pinagkaiba ko lang sa kanila, ay dahil mas mahirap ang daang tinahak ko.”


Tinanggal niya ang kanyang necktie habang hindi inaalis ang mga mata rito para mas maging komportable siya habang nakikinig.


“Walang gustong makipagkaibigan sa akin kasi weirdo raw ako.Maski mga ka-edad kong kapit bahay namin ay ayaw sa akin. Kung ilang beses na akong na-bully ay hindi ko na ma bilang. Akala ko ayos lang `yon. Na `yon talaga ang kapalaran ko at dapat tanggapin ko na lang. So `yon ang ginawa ko hanggang mag-college ako.”


“Tumapak ka ng college na wala kang naging kaibigan maski isa?” Ang hindi niya makapaniwalang naitanong.


“Meron naman. `Yong mga pinsan ko at mga kapatid ko.”  Nakangiti nitong tugon.


“May mga kapatid ka?”


Talaga ngang wala siyang masyadong alam sa taong ito. Ilang araw na silang palaging magkasama pero ngayon lang niya nalaman na may kapatid pala ito.


“Yep, dalawa. Pareho na silang may asawa at may sariling pamilya.”


“So ikaw ang bunso?”


“Pangalawa ako.”


Gusto sana niyang itanong kung bakit naunahan pa ito ng bunsong kapatid nitong mag-asawa nang bigla niyang maalalang half-half pala ito.


“Nasabi mo sa amin noong unang dalhin ka ng mga kaibigan ko dito sa bahay na sila ang naging inspirasyon mong magbago. Hindi ko lang sinabi sa’yo pero hindi bumenta sa akin ang sinabi mong `yon. Para sa akin, kulang ang sinabi mo sa amin noong gabing `yon. Tama ba ako?”


Biglang naglaho ang pagkinang ng mga mata nito pati narin ang nakaguhit na ngiti sa mukha nito dahilan para makaramdam siya ng kaba. Napasobra ba siya ng sinabi? Nagkamali ba siya ng pagpili sa dapat niyang itatanong rito?


“H-Hindi mo kailangang sagutin kung ayaw mo.” Agad niyang pagbawi.


‘Shit! I should’ve not brought that up!’ Nagulat siya sa biglang pumasok sa kanyang isipan. Bakit niya sinisisi ang kanyang sarili? Ganitong-ganito ang palaging nangyayari sa kanya sa tuwing biglaan itong malulungkot dahil sa kanya. Wala sa sarili niyang sinisisi ang sarili niya.


Nagbawi ito ng tingin sa kanya.



“Tama ka. Kulang nga ang sinabi ko sa inyo na dahilan kung bakit ako biglang nagdesisyong bitiwan ang paniniwala kong wala na akong pag-asa pang mapansin.” Wika nito na nasa kawalan ang tingin. “Dahil ang totoo, hindi lang dahil sa kinaiinggitan ko ang atensyong nakukuha ng mga kaibigan mo ang dahilan ko.”


Muli itong bumaling sa kanya. This time, bumalik na ulit ang ngiti sa mukha nito at ang kakaibang kinang sa mga mata nito.


“Gusto ko ring mapansin ako ulit ng kaisa-isang tao na kahit sa kabila ng kabaduyan at kawerduhan ko, ay hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako. Kaya nagsumikap akong baguhin ang sarili ko kahit mahirap. Kahit hindi ko alam kung papaano magsisimula. That turns out to be my greatest decision sapagkat nabago ko ang inakala ko noong kapalaran ko.”


 Bakit wala siyang makapang pagkatuwa sa kanyang sarili sa naging achievement nito? Hindi ba dapat maging masaya siya para rito? At bakit parang namigat ang kanyang pakiramdam? Dahil ba sa kaalamang isang tao ang dahilan ng pagpupursige nito at hindi siya iyon? O dahil sa nakikita niya sa mga mata nito ngayon?


“M-Mahal mo ang taong iyon hindi ba?” Kusa na mismong namutawi sa kanyang bibig ang nakikita niyang ekspresyon sa mga mata nito.


Alanganin itong ngumiti at sa puntong iyon, nasagot na nito ang kanyang katangungan.


“Tara. Ihahatid na kita at baka mag-ala spiderman ka na naman mamaya.” Muling wika niya saka siya nagpatiuna patungo sa kanyang sasakyan.





Hindi maintindihan ni Brian ang sarili. Kahit anong pilit niyang iwaksi sa isipan an napag-usapan nila ni Eros kagabi ay hindi niya magawa. At ang malala pa, habang paulit-ulit ang mga binitiwan nitong salita sa kanyang isipan ay siya namang lalong pagbigat ng kanyang damdamin.


‘Sino kaya ang taong `yon? Ano ang ginawa niya para ma-impluwensiyahan niya ng husto si Eros na magbago?’ Piping naitanong niya sa kanyang sarili.


Oo. Hindi niya nagawang maitanong iyon kagabi kay Eros dahil bukod sa hindi niya maitindihang biglaang pagbabago ng mood niya ay nakadama rin siya ng  takot sa pwedeng magiging sagot nito kung sakali. At hindi niya maintindihan kung bakit gano’n.


‘You’re just too scared to ask dahil hindi mo matanggap na may taong mas nakakahigit sa nararamdaman sa’yo ni Eros. Kaya hindi kaya ng pride mong itanong sa kanya ang pangalan ng taong `yon.’ Wika ng isang bahagi ng kanyang isipan.


Heto na naman. Nagsusumiksik na naman ang mga salitang `yon sa kanyang utak dahilan para mapailing siya para maiwaksi iyon. Paanong may parte sa kanya ang nag-iisip ng gano’n?


‘Totoo naman di ba? Paghanga lang ang nararamdaman niya sa’yo at pagmamahal naman ang nararamdaman niya sa taong `yon. Nakita mo mismo `yon sa mga mata niya at kahit hindi niya deretsahang sinabi, katumbas na ng ngiti niyang `yon sa salitang oo.’ Sulsul pa ng isang bahagi ng isipan niya.



“Kalokohan!” Hindi niya maiwasang maisatinig. “Ano naman sa akin ang nararamdaman niya sa kung sino mang timawang `yon?”


Nababaliw na nga talaga siya. Nakikipagtalo siya sa kanyang sarili at iyon ay dahil lamang sa isang tao – si Eros.


Lalong sumakit ang kanyang ulo ng umalingawngaw sa buong silid ng kanyang opisina ang tunog ng telepono. Agad niya iyong dinampot.


“Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na huwag muna akong disturbohin, Enes?” May iritasyon niyang sabi.


“At bakit hindi ka pwedeng disturbohin?”


Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makilala niya ang pamilyar na boses na `yon.


“M-Ma?”


“Tinatawagan kita sa bahay pero palagi kang wala. Sa cellphone mo naman hindi kita ma-contact. Are you avoiding my calls, Brian?”


“Busy lang ako, Ma.” He said in an inpatient voice.


“Busy saan? Sa inuman o sa pagpa-plano kung papaano mo magagantihan si Xander?”


Sinasabi na nga ba’t doon mauuwi ang usapan. Kaya ayaw niya munang makipag-usap rito.


“Please not now, Ma. Marami ng bagay ang nagpapasakit ng ulo ko kaya kung pwede lang, huwag mo ng dagdagan pa `yon.”


“I dare you to say that again. Tama nga ang Tito Leo mo.Hindi kana marunong gumalang sa mga taong nakakatanda sa’yo.”


“So tama nga ako. Sila na naman ang dahilan kung bakit kayo napatawag. Ano na naman bang mga kasinungalingan ang sinabi nila sa’yo?” Hindi na rin siya nakapagtimpi.


“Na ipina-audit mo ang pinsan mo at binastos mo ang Tito Leo mo. Now tell me, kasinungalingan ba `yon?” Naghahamon naman nitong balik sa kanya. “Why did you do that to them, Brian? Mas mahalaga pa ba ang galit mo kesa sa kapamilya mo? Na mas gugustohin mo pang ipahiya sila para lang makaganti ka? Iyan ba ang pagpapalaki namin sa’yo ng papa mo?”


“Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay nararapat sa kanila.”


“I was right after all. Isang malaking pagkakamali na ibinigay sa’yo ng Papa mo ang kompanyang `yan. It gives you power. Power that you can use para sa paghihiganti mo. Nahihiya ako para sa’yo, Brian. Ikinahihiya ko ang mga ginawa mo sa pamilya natin. Kung nakakapagsalita lamang ang Tita Rossel mo, nasisiguro kong iyon din ang mararamdaman niya sa ginagawa mo ma mag-ama niya.”


Nasaktan siya sinabing iyon ng kanyang ina. Ikinahihiya nito ang ginagawa niyang pagtatanggol sa kanyang sarili? Siya pa ba ngayon ang masama para dito? Anong alam nito sa mga pinagdaanan niya? At ano ang alam nito sa nararamdaman niya?


Subalit hindi niya magaang sumbatan ito. Ina pa rin niya ito kaya kikimkimin na lamang niya ang sobrang sama ng loob para dito. Hindi rin naman kasi ito makikinig sa kanya. After all, anak lamang siya nito at walang silbi kung magpapaliwanag pa siya dahil kahit mahirap mang tanggapin,  wala sa kanya ang simpatya nito.


“`Yon lang ba ang sasasabihin niyo, Ma? Kasi kung tapos na kayo, baka pwede na nating tapusin ang usapang ito.” Sa halip ay wika niya.


“No. I’m not done yet. I want you to stop this nonsense, Brian. Stop ruining our family just for you to get your revenge. Itapon mo ang resulta ng auditing team na `yan.”


“Hindi ko magagawa `yon.”


“You choose, Brian. Titigilan mo ang kahibangang ito o ako mismo ang uuwi diyan para pigilan ka? I had enough of your mischief.”


Mischief? Iyon ba talaga ang tingin nito sa ginagawa niya? Tuluyan na ngang umalpas ang galit niya. Naghalo-halo na ang sama ng loob na nararamdaman niya sa mga oras na `yon.


“Then feel free to come. Dahil kahit ano pa ang sabihin mo, ibabagsak ko ang mga taong tinapakan ang pagkatao ko para maipagtanggol ang sarili ko. Dahil walang ibang pwedeng gumawa niyon para sa akin. Maski ang sarili kong ina.” Saka niya padabog na ibinababa sa handler nito ang telepono.





Sa isang bar ni Brian natagpuan ang sarili pagkatapos niyang mag-quota ng sama ng loob sa araw na iyon. Doon siya dinala ng kanyang mga paa. Sa pangalawang beses sa buhay niya ay nakaramdam siya ng matinding sama ng loob. Una ay noong agawin sa kanya ang babaeng pinaglaanan niya ng lahat at ngayon naman ay nang marinig niya sa mismong bibig ng kanyang ina how disappointed she was to him. At wala ng mas sasakit pa doon.


Mali bang ipagtanggol niya ang sarili? Mali bang parusahan niya ang mga taong nanakit sa kanya at patuloy pa ring nanakit sa kanya? Ayos lang sana kung pisikal siyang sinasaktan ng mga ito. Pero hindi, ang pagkatao niya at respeto sa sarili ang tinitira ng mga ito. Tapos ngayon, siya pa ang masama?


“Putang ina talaga!” Sobra-sobra ang galit na nararamdaman niya. Hindi niya matanggap na pati ang sarili niyang ina ay nagagawang paikutin ng mga ito. Na magmumukha siyang masama dito.


“Lahat ba ng pahahalagahan ko ay aagawin niyo at gagamitin laban sa akin? Ano ba ang kasalan ko sa inyong mga putang ina kayo!”


Oo, aamin niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, pakiramdam niya talunan siya. Sapagkat nakakaramdam siya ng galit ngayon sa kanyang ina. At iyon ang hindi niya matanggap. Hindi niya kayang tanggapin na unti-unti ng nauubos ang respeto niya sa sarili niyang ina. Dahil mahal na mahal niya ito.


Muli niyang sinalinan ng alak ang kanyang wala ng laman na baso. Gusto niyang magpakalango. Gusto niyang mamanhid ang buong katawan niya para hindi na niya maramdaman ang ibayong sama ng loob. Subalit habang tinatamaan siya ng alak na iniinum ay lalo lamang niyang nararamdaman ang sakit.


“Dave.” Wala sa sarili niyang naisambit.


Tama. Kailangan niya ang mga kaibigan niya ngayon. Kailangan niya ang taong makakaintindi sa kanya. Someone who can console him at iyon ay ang pinaka nakakasundo niya sa kanilang grupo. Agad niyang kinuha sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at tinatawagan ang kaibigan niya, pero bigo siya. Hindi niya ito ma-contact.


Nahilamos niya ang mukha. Ayon na naman ang pakiramdam na pinaka ayaw niya – ang maramdamang nag-iisa siya; walang matakbuhan, mahingan ng tulong, makasama, at karamay. Bakit ba nangyayari ang mga iyon sa kanya? What did he do to deserve this? Nagkahalo-halo na ang lahat; disapointment, anger, helplessness, and self-pity. Mag-isa na lang ba talaga niyang haharapin ang lahat?


As if God’s way of answering his question, umilaw ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang screen ay sumalubong sa kanya ang pangalan ng taong simula nang maghiwalay sila kagabi ay iniwasan na niyang makausap –si Eros. Tumatawag ito.


Inisang tabi niya muna ang issue niya rito. He needed someone. Hindi niya kayang mag-isa sa gabing iyon. Baka ano pa ang gawin niya sa sarili niya kaya naman walang pag-aatubili niya iyong sinagot.


“Eros.” Maski ang sarili niyang boses ay hindi niya nakilala.


“Brian? Ano’ng nangyayari sa’yo? Lasing kaba? Bakit ganyang ang boses mo?” Sunod-sunod naman nitong tanong.


“Eros puntahan mo ako.” He said it with a pleading voice. “I need you.”


“Asan ka?” Bakas na ang pagpa-panic sa boses nito. “Sabihin mo sa akin para mapuntahan agad kita.”


Sinabi nga niya rito ang lokasyon niya pati na rin ang pangalan ng bar na kanyang kinaroroonan. Agad naman itong nagpaalam at nangakong pupuntahan siya. Itinuloy niya ang pag-iinum umaasang pamamanhirin niyo ang kanyang bong pakiramdam at nang halos maubos niya ang lamang ng black label na in-order niya ay siya namang pagdating ni Eros.


“Ano’ng problema, Brian?”


Sinalubong niya ang tingin nito. Bakas sa hindi marunong magsinungaling na mga mata nito ang matinding pag-aalala. Halata rin ang pagmamadali nitong mapuntahan siya sa suot nitong simpleng damit na pinarisan ng pajama.


“Masama ba akong tao, Eros? Mali bang ipaghaginti ko ang sarili ko sa mga taong nananakit sa akin?”


“B-Brian…” Mukhang hindi nito napaghandaan ang aagarang tanong niya.


“All my life ako ang palaging nagpapasensiya. Kahit noong inagawan ako ng babaeng pinahalagahan ko ay wala silang narinig ni katiting na masamang salita mula sa akin. Sinarili ko ang sama ng loob na nararamdaman ko kahit pa man gustong-gusto ko ng magwala at pumatay sa araw na `yon. Pero ubos na ang pasensiya ko. Hindi ko na kayang hindi na lang ulit kumibo. Kaya ako nagdesisyong lumaban. Pero bakit imbes na maintindihan ako ng sarili kong ina, ay ako pa ang masama sa kanya? Mali ba talaga itong ginagawa ko?”


Mataman itong tumitig sa kanya. Naroon ang pinaghalong awa at pag-aalala sa mga mata nito.


“Kahit kailan ay hindi naging mali ang ipaglaban ang sarili. Pero hindi ko rin kayang sabihin na tama ang ginagawa mong paghihiganti. Pero kung iyon lang naman ang natitirang paraan para maturuan mo ng leksyon ang mga taong patuloy na nananakit sa’yo, importante pa ba ang pagpapakatama? At hayaan silang patuloy tayong sirain? Di ba katangahan na `yon?”


“Nahihirapan na kasi ako, Eros. Ang hirap lumaban na mag-isa.”


“Hindi ka nag-iisa. Nariyan pa ang mga kaibigan mo Brian. Alam kong hindi ka nila pababayaan.” Nang-aalo nitong sabi. “Tara na nga’t umuwi na tayo. Grabe ka! Ikaw lang ba ang nakaubos ng alak na `to?” Dagdag pa nitong sabi sabay taas ng bote ng black label.



“Dito na lang muna tayo. Pag-umuwi kasi ako sa bahay, maiiwan ulit akong mag-isa. Palagi na lang gano’n. Sawang-sawa na ako.”


“Kailangan mong umuwi. Tingnan mo nga ang sarili mo, oh. You’re a mess.”


Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi nito. Um-order pa siya ng panibagong alak at muling nagpakalunod niyon. Halatang gusto siya nitong pigilan pero hindi nito iyon ginawa. Hinayaan siya nito.


Ramdam na ni Brian ang tama ng alak. Hindi na rin niya magawang umupo ng tuwid. Namamanhid na rin ang kanyang pisngi. Nang muling sana niyang sasalinan ang kanyang baso ay maagap na inagaw ni Eros ang alak sa kanyang kamay.


“Tama na.” There’s a hint of authority in his voice. “Hindi mo na kaya. Umuwi na tayo.”


“Kaya ko pa!” Sinubukan niyang agawin ang alak dito pero inilayo lamang nito iyon sa kanya.


“No. Uuwi na tayo.” Pa-utos nitong sabi.


“Uubusin ko muna `yan.” Pamimilit naman niya.


Nagulat siya ng wala anu-ano nitong ininum ang lahat ng laman ng bote.


“Ayan! Ubos na. Tara na at umuwi na tayo.” Wika nito saka ito sumenyas sa waiter ng bill niya. Desidido na talaga itong umuwi.


Wala siyang nagawa kung hindi ang sumanggayon. Medyo na hihilo na rin siya. Siguro naman sapat na ang tama ng alak para agad siyang makatulog mamaya at hindi na makapag-isip ng kung anu-ano. Nang subukan niyang tumayo ay bigla siyang nabuwal dahilan para mapabalik siya ng upo.


“See? Iyan ang dahilan kung bakit kailangan na nating umuwi.” Wika nito saka ito lumapit sa kanya at inalalayan siyang tumayo.


Naka-alalay ito sa kanya palabas ng naturang bar na `yon hanggang sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan.


“Asan ang susi?” Tanong nito sa kanya.


“Ikaw ang magmamaneho?” Hindi niya makapaniwalang naibulalas.


“`Wag kang mag-alala tinuruan ako ng best friend ko.”


Hindi na masyadong maaninag ni Brian ang daan. Tumitindi na kasi ang pagkahilong nararamdaman niya at medyo nanlalabo na rin ang kanyang mga mata. Napasobra nga talaga siya ng inum. Paano ba naman, halos isa’t kalahati ng black label ang naubos niya.


Sobrang pagkahilo ang agad na naramdaman niya nang muli siyang magmulat ng mata. At iyon ay nang maramdaman niya ang mainit na palad na sa kanyang likuran.


“Itayo mo lang siya para matulungan kitang akayin siya papasok ng bahay. Ano ba kasi ang nangyari sa batang `yan at nalasing ng husto.” Boses iyon ng isang babae. Kung hindi siya nagkakamali ay kay manang Delia iyon.


Pilit niyang inaninag ang taong halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha sa kanyang mukha. Kahit medyo may kalabuan ay nakilala niya ang taong `yon. It was Eros. Ibig sabihin ay kamay nito ang nararamdaman niya sa kanyang likuran at nasa bahay na niya sila.


“Grabe ang bigat niya!” Alma nito habang pilit siya nitong ibinababa ng sasakyan.


Gusto sana niyang kusang tumayo na lamang para hindi na ito pahirapan pa pero ayaw sumunod ng kanyang katawan. Ang tanging nagawa lamang niya ay ang maiyakap ang kanyang mga kamay dito.


Nang sa wakas ay mapagtagumpayan na siya nitong maitayo ay saka naman niya naramdaman ang pagsuporta ng isang tao sa kanya.


“Dahan-dahan baka pare-pareho tayong masubsob sa simento.”


“E-Eros?” Pagtawag niya sa taong sinusuportahan siyang makatayo sa pamamagitan ng pagkayap nito sa kanya.


“Oo ako nga `to. Malapit na tayo sa k’warto mo.”


“Salamat at hindi mo ako iniwan.” Yes. He’s really thankful na hindi siya nito iniwan. Na buong pasensiya nitong sinamahan siya kahit halos hindi niya ito kausapin kanina at hindi ito uminum.


“Ayos lang `yon.”


“Sige, dahan-dahan na natin siyang ihiga.” Ang boses ulit ni mamang Delia.


Naramdaman nga niya ang pagsayad ng kanyang katawan sa malambot niyang kama.


“Kukuha muna ako ng bimpo at maligamgam na tubig. Hindi iyan makakatulog hanggat hindi nawawala ang pagkahilo niya.”


“Sige ho, manang. Pagbalik niyo ay aalis na rin ako.”


“`Wag.” Ang agad na sabi niya. “`Wag kang umulis. Dito kalang. `Wag mo akong iwan.”





Itutuloy:

54 comments:

Anonymous said...

Helllo Kuya Zeke!!!! I followed you at Wattpad and saw that you were currently finishing 9 Mornings book 2, eh since hindi mo pa na-ipload sa Watty, I went here at minarathon ko. All I could say is this is gènial! Walang-kupas! -introvert26-

TheLegazpiCity said...

Ayan na, request na walang iwanan...ayieee...On the other side, mukahng di naman totoong ina ni Brian un ei..Just a comment...hahaha

Unknown said...

bukas ulit zild hahha! para mahilo ka! :D lab lab

Zildjian said...

Thank you for coming by. Oo nga, eh. Hindi ko pa nasisimulan ang posting nito sa wattpad. Medyo tinatamad pa kasi ako. HAHAHA

Anonymous said...

Ganda ng development zid.. Naalala ko si dave. Hahha.. Galing mo tlga!! -arc

luilao said...

Gusto kona malaman kung sino ang karibal ni boromeo bwahaha.. Sana selos to d maxx ang mangyayari weeeee.. I so love this!!!

patryckjr said...

nahighblood ako sa Mama niya ha.......

Anonymous said...

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!

Mababaliw na ako. Hahahahaha.
Kilig to the bonessss. Woooot!! HAHAHAHAH!!
Selos ang gagoo. hihi

-PanCookie

russ said...

Umm k.abang2 sir Z my manyayari kya?..heheh im so no pala wer so excitd s next part.

At saka d rkn kami mgsasawa sa iyo. Atleast s conments man lang u fel n die hard supporters kami s iyo.. Idol eh!

Anonymous said...

Simula na ng love story ni brian at eros may mangyari kaya? Kawawa nman c brian pati ina nadadala sa kasinungalingan ng pinsan at tiyo nya. Nice zeke. Tnx

Randzmesia

manila_sex_actor said...

Wow...

Lasing tlg kung lasing sure ako may mangyayaring kakaiba...

slushe.love said...

Na-sad ako sa part na galit agad ung Mommy nya saknya. Di man lang nagtanong kung ano ba ang nangyayari. Go Brian! Fight for what you think is right, kahit feel mo nag iisa ka lang. Minsan talaga meron mga bagay na mag isa mong ipaglalaban pero worth it in the end. :) Go Brian! Go Eros! Wag muna kayo mag KEME ha. hihihih ;))

Reymond Lee said...

good job zeke!hitik na hitik sa detalye.

Unknown said...

nagcomment ako sa last chapter zeke... good thing nakabalik ka na pagsusulat... miss you...

Unknown said...

Haist grabe naman yung mama nia I'm thinking of something had happen in the past kaya ganyan at may dahilan din kung ano ang pinanggagalingan ni xander at tito nia something to personal para ganyan amg gawin nila and ang mam nia na masyado yung support nia sa dlawa so brian felt alone buti nalang eros is so mabait at mukhang may something pa behind the curtain. Sana everything goes well alam ko yunh feeling na everything is against you sobrang nakakadown yun pero yakang yaka nia yun. :-) :-) :-) thanks as always so amuse superb galing talaga salamat. :-) :-) take care! :-) :-)

Anonymous said...

YES!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! KAKILIG... NILABAS NA NI BRIAN KAY EROS ANG WEAKNESS NYA... IBIG SABHIN.... HEIS BEGINNING TO FELL FOR HIM..... db?? kasi di mo ipapakita sa isang tao ang khinaan mo .. kung di kumportable ang loob mo sa kanya!!!.... gogo!! eros... tulungan mo si brian... while your at it.... nakawin mo na rin puso nya!!! hahah!!

to Kuya Z.. sorry po at hindi ako nakapost nung chap 10... but........... bumabawi po ako ngayong chap 11... so far kuya Z... ang galing mo po talaga.. how can you generate this thoughts inside your mind???? in -born talent na to??? wala ako nito eh... but THANKSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!! ILUV YOUR STORIES............!!!!!!!

-KJJJJJJ

Anonymous said...

Pano ka naman maiintindihan ng ina mo brian kung dimo nmn pinapaliwanag ang mga tunay na pangyayari. Ayaw mong ipagtanggol ang sarili mo. Ngayon kung dimo masabi ng diretso, bakit dimo idaan sa sulat or email mo. Maraming paraan, mas maganda nga kung sa sulat mo idaan para masabi mo lahat ng sama ng loob mo. Nagiging one sided kasi ang ina mo kasi sinasarili mo ang problema, pero sa mga kaibigan mo lang sinasabi na daapt sana e sinasabi morin sa pamilya mo. Kaya lumalabas, ikaw pa kontrabida sa pamilya.

Brian, mukang makikipaglaro ka ng pitik bulag kay eros ah. Baka paggising mo sa umaga e magulat ka pa. Haha!

bharu

Unknown said...

Great work!

Allen RN said...

wahhhh..kakakilig namn ito..wahhhhhh..thumbs up/

Anonymous said...

hahahaix bitin nanaman aku pero ok lng ang ganda talaga ng story na ito update na po agad2x hehehe



Franz

Unknown said...

ayan n nga sinasabi ko eh.... tapos uumagahin si EROS at bibihisan niya ito at makikita niya ang junjun ni Boromeo... hehehehehehehe... Zeke ipasilip mo namn kung gaano kalaki ang kay Boromeo hehehehehe....

Lance Abella said...

Kawawa nman si brian..sino kya yung dati lover ni eros baka nman si xander yun..thanks sir zildjian idol ko ang mga novel ninyo..

Yhad S. Beucharist said...

nice job! take care.

Unknown said...

Wah, ano na kaya gagawin nila sa kwarto . . .


bat wala mga kaibigan nia at miyembro ng seventh bar sa chapter na to

Anonymous said...

May mainit na tagpo kaya tayong mababasa sa susunod na kabanata? Excited na ako hihihi
MicG

Migz said...

This is intense Zeke, really really intense and I am loving it so much.. To Brian, fight for what you believe is right and do not cower from the influence of your mom.. Make sure not to forget Eros though.. Great job Zeke, even if this chapter is filled with tensions you still managed to make it light.. Simply Amazing storytelling.. Keep it up..

Anonymous said...

anak ng nanay nya si xander, di ba zek?

galing mo talaga. kakaexcite ang sunod na mangyayari sa mga lasing.

update na zek.

-Lance

Unknown said...

Kagabi ko pato nabasa ngaung lng ako mag comment kc nawalan ako ng keme...

Ito ang inaabangan ko pag tpis ng dinner...kwarto naman... This is it... Papakililigin mo na ba kmi sa next chapter mo kuya zekiel... Hayyyy:-) BEDSCENE JUMPAKAN nato....:-)

Anonymous said...

ito na ....... :) makboy

James Chill said...

Ansabe ng pag eemo ng mga punkista sa serendra sa pageemo ni Brian.. Lol...

Havey! Walang kupas mr. Author!

Anonymous said...

Nakaka asar naman ung mama ni Brian. Anong klaseng ina yon? mas kinakampihan pa ung pamangkin at yung bayaw or kapatid na lalaki? si tito Leo nya, un bsta un, mas pinili pa nya ung kampihan kesa sa sariling anak? ka asar.. kung ako yan nasagot ko na yun.. well kung hindi naman anak si Brian ng mama nya, di na ko magtataka kung bakit galit un sakin at maghihinala ako na may namagitan sa mama ni Brian at sa tito Leo nya at ang anak tlga ay si Xander...

anyway great job sir Z!! gnda grabe..

-- Jhay Pin

Lexin said...

Nagsselos ako dun sa mahal ni eros, nabbadtrip naman aq sa nanay ni brian..
Haha! Nakakadala naman...

Anonymous said...

nice.. great job idol.. :D

grabeh namang magulang yan.. parang d naman nya anak ung kinakausap nya.. d ako makakatiis kung ganun nanay ko.. buti na lang hindi.. hahaha :)


-jec

Anonymous said...

The last line Brian said to Eros was the most sweetest thing I would want to hear from the person I love the most ahahaa VERY EXCITING story. You did it again Mr. Author, you are indeed my favorite author :) neeeeeext!

Ivan D.

Anonymous said...

Been waiting for this! nice! :)

-DondeEstaMichifu

Anonymous said...

Next na po author!!! Ur so galing! Kinikilig ako kay brian-eros! At naiinis ako sa mama ni brian! Pakisunog! Ahahaha

Unknown said...

Hehe daming nag comment... This is one of Brian's weakest moment and Eros is there.. galing magkakamabutihan na nga ang dalawa...bitin parin.. hehehe.. sayang anu kaya ang mangyayari... wew... Next please kuya Zek

Tzekai said...

Hay! Ang mga nanay talaga,mga bungangera,pero naiintindihan ko mama ni Brian,basta ang importante mainlove na si Brian kay Eros! Hahaha! Thanks dito kuya Zeke :) - TZEKAI

Anonymous said...

Eee ayan na hahah nakakaexcite ung mga susuniod na mangyayari


---potpotchie

Ryge Stan said...

hi zake nice chapter. Kung minsan talga tinuturuan tayo ng mga taong nakapaligid sa ating ng isang leksyon sa buhay kahit sa pinakamasakit na paraan. I know tama lang ang ginawa ni Brian sa mga kamaganak niyang walang kwenta but to think na pati ang nanay niya ay nakakalaban na niya then there is something wrong na dapt makita ni Brian.

Wew can't wait to read the next chapter mukhang maaction hehehe.

Have a great day zake and keep it up.

Anonymous said...

~Bakit ganun ung mama nya? Parang hindi anak ung turing kay brian ah? Unfair!

~Gawd! Cno si bestfriend? Magpapakita to for sure! Haha jealousy si brian!

~Bsta nabavibes kona magpapatawad dn si brian. Like 9mornings book 1.

~JAYVIN

Anonymous said...

I'm seriously enjoying this! First time magkasama sa bed ni eros and brian. Sana pumayag sya magstay hehe... eros is a really good influence to brian. Sana hindi na manggulo ang magamang bakulaw....tsk. thanks for this zekey :)


Pat

Jasper Paulito said...

Landi ni Brian. Hehehe
Naglasing para makatsansing

Anonymous said...

nacucurious ako sa naging past ni eros...looking forward aq na malaman un!^^

-monty

Anonymous said...

kalurkey naman si mother dear.. poor Boromeo.. sadness.. :'(

syempre to the rescue naman si Eros.. whaaatt.. kiligness ang wag mo akong iwan na

drama ni Boromeo.. hehehe

well, hope everyone is safe after Yolanda's wrath..

God bless.. -- Roan ^^,

MigiL said...

Galing tlga! bilis din ng update! :3 thanks kuya zeke! :D

Anonymous said...

Dear author. Im excited and waiting :) ahaha

James Chill said...

Mr. Author your from tacloban right? I pray that you and your family is okay...

Anonymous said...

next chapter please. good work and thanks ...

Unknown said...

ang pagkabaliw ni Boromeo! bow! lolz.. ahahaha...
next na zeke! :p

robert_mendoza94@yahoo.com said...

ang sobrang galit ay nkaka sira ng pagkatao, pero ung patuloy kang gaguhin at gawing tanga sobra sobra na at dpat ng lagyan ng tuldok!. cguro much better na sabihin nya sa mama nya pag uwe ang lahat ng katarantaduhan na pinaggagawa ng mag ama sa business nila at mas importante sa knyang personal na buhay, ng sa ganun ay maintindihan ng parents nya at matulungan sya maiayos at maitama ang lahat.. nakakapanggigil lng , huh!. . . cenza na zild at mejo ndala ako sa pinagdadaanan ni Brian. he he he. tnx again sa update Zild. always yngat po.

Anonymous said...

ang ganda grabe



jubert

Unknown said...

hala, e2 na ba un..?? a drunk man speaks a sober heart!!! tlga naman nga!!

Anonymous said...

zek, taga leyte ka di ba? hope you and your entire family is fine. ingat.

Post a Comment