Thursday, October 17, 2013

9 Mornings Book2: Chapter 07




Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

On time ako ngayon! Haha! Well, magsisimula ng umarangkada ang k’wentong ito. Pero huwag niyo sanang ikataka kung bakit mabagal ang pacing ng k’wento. Sinasadya ko iyon mga paps dahil malayo-layo pa ang pasko. But rest assured, na pipilitin kong hind maging dragging ang bawat chapters.

Say present when your name is called! Hahaha!

Jayvin, Bon-Bon, Reymond Lee, Chris (Na-miss kita! Kala ko di kana mababalik dito), Mhi Mhiko, Richie, Makboy, Poging Cord, Cry, Dev Nic (Baby Vamps), Patryckjr, Russ (ever supportive), Marc, Rheinne, Bharu, Jemyro, Pangz (Batibot), KJ, Xzkyel Padilla,Philip Zamora, The LegazpiCity, Beucharist (Oo nga ang dami na.), DondeEstaMichifu, Monty, Jec, ManilaActor, PanCookie, Luilao, Mark13, JayJay (Supah Minion), Ryge Stan (Welcome back), Franz, Slushe.Love, Roan, Chie, Lance, Rascal, Bobby Evasco, Jasper Paulito (Nash ang name niyang model), Migz (Am glad you’re enjoying this book), Christian Jayson Agero, Paul Michael Tan, Pat (PatPat), Lexin (Maulan dito), Eusethadues (Bunso!), Jheslhee Oracquiao, at syempre si TC99M.

Sa Anonymous at Silent Readers maraming salamat sa pagbabasa guys!


Nagulat ako na umabot ng 51 comments ang chapter 06. 1st time mangyari iyon sa Chapter kung saan nagsisimula pa lang ang development ng k’wento. Sobrang thank you guys! Mas na-inspire akong magsulat. Happy Reading!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





“Ano kamo? I-date siya?” Ang nagulantang niyang wika saka siya bumaling kay Alex. “Papayag kaba sa kalokohang ito ni Dave, Alex? Gusto nilang paglaruan ko ang isang `yon.” Hindi sa natakot siya sa ideya. `Di lang niya na gustohan na may paglalaruan silang tao para lamang mapatunayan ang sarili niya sa mga ito. Hindi siya gano’n.


“Wala akong sinabing paglaruan mo siya.” Wika ni Dave. “Sabi mo wala kang nararamdaman sa kanya, `di ba? Na hindi ka matutulad sa amin. Patunayan mong kahit kasa-kasama mo siya, mapapanindigan mo na hindi ka nga susunod sa mga yapak namin. Na hindi ka magkakaroon ng romantikong damdamin sa kanya.”


“Hindi pa rin tama `yon!” Protesta niya. “Nagdeklara siya ng paghanga sa akin, Dave. Oras na makipaglapit ako sa kanya, malaki ang posibilidad na umasa siyang gusto ko ang ideya na may pagtingin siya sa akin.”


“Pero kung hindi mo talaga siya gusto, hindi `yon magiging problema sa’yo.  You will just going to befriend him that’s why you have to date him. Hindi ko sinabing landiin mo siya at paasahin.” Wika ulit nito.


Befriend him. Napakadaling gawin `yon kung hindi lang sana siya nawawala sa sarili kapag kaharap ito. Pero hindi niya magawang maisaboses iyon sa harap ng mga kaibigan sapagkat oras na gawin niya `yon, lalo lamang niyang bibigyan ng rason ang mga ito na paniwalaan ang sinabi ni Red.


“I agree with, Dave.” Wika naman ni Rome. “Sanay ka namang humarap sa iba’t ibang klase ng tao, `di ba? Madali lang sayo ang gagawin mo. Malay mo, baka kahit sa ganoong paraan lang, mapasaya mo pa ang admirer mo.”


“Sa tingin ko kay Eros, hindi siya ang tipo na ipagpipilitan ang isang bagay na alam niyang hindi pwede. If you can handle yourself well to him, nasisiguro kong walang magiging problema. Friendly dating will be a piece of cake for you.” Ani naman ni Vincent.


Agad niyang binalingan ito.


“At kailan kapa nagkaroon ng interes na makisali sa mga ganitong klaseng usapan?”


Nginisihan siya nito.


“ Ngayon lang. Na-e-excite ako, eh.”


Pambihira!


“Ang gagawin mo lang naman ay ang i-date siya para mapalapit ka sa kanya. Ang pinagkaiba lang, ay ang pakikibagayan mo ngayon ay ang taong may crush sa’yo.” Nangingiti namang wika ni Chuckie.


“Isa kapa! Ikaw ang kahuli-hulihang tao sa isip ko na sasangayon sa kalokohang `to. Pero mukhang nag-e-enjoy ka rin.”


“Let’s just say na masyado na kaming nabo-bored. Simula ng patinuin ni Alex si Dave, makilala ni Dorbs si Red, at talian ni Francis si Niel, naging boring na ang barkadahan natin. Sila lang namang tatlo noon ang mahilig magdala ng excitement sa grupo natin.” Tugon nito.


Samot-saring gulo nga ang pinagdaanan nila dahil sa tatlo nilang kaibigan. Pero iyon din naman ang dahilan kung bakit naging mas matibay ang samahan nila.


“At ngayon ako naman ang pagkakatuwaan ninyo, gano’n?” Nakasimangot niyang wika.


“Not really. Gusto lang naming malaman kung hanggang saan mo kayang panindigan `yang sinasabi mo na hindi ka tutulad sa amin.” Wika ni Dave. “Nababanas na ako sa kakaulit mo sa mga katagang `yon na para bang sinasabi mong mali ang mga pinili naming buhay.”


“Hindi `yon ang ibig kong sabihin!” Depensa naman niya.


“Huwag na nating pahabain pa ang usapan.” Wika naman ni Dorwin. “Tinatanggap mo ba ang hamon namin o hindi?”


Crap! Mukhang hindi na lang ang patunayan sa mga ito na wala siyang ibang nararamdaman kay Eros. Kailangan rin niyang itama sa isipan ng mga kaibigan na hindi niya kinukwestyon ang mga pinili nitong buhay.


“Ilang beses ko siyang kailangang pakisamahan?”


“Hanggang matapos ang buwang `to.” Nagkakaisang tugon ng mga ito.


Napabuntong hininga siya. Ayaw man niyang aminin pero mukhang na corner na siya ng mga ulupong na `to. Siguro, kailangan lamang niyang tatagan ang sarili. Hindi naman siguro niya ikapapamahak kung makikipaglapit siya kay Eros.


“Deal.” Deklara niya.


“Finally! May nakaka-excite na ulit na mangyayari sa buwang ito.” Nangingiting wika ni Claude. “Ano sa tingin mo Misis?” Baling naman nito sa asawang si Laurence.


“Gusto kong makilala si Eros.” Nakangiti namang tugon nito.“For a person who declares his affection face to face without expecting anything in return? He must be something.”


“Gusto ko rin siyang makilala.” Si Ace. “Bukod sa gusto ko ang pangalan niya, bihira na rin ang tulad niyang gutsy sa mundong ito.”


“Kung gano’n, bakit hindi natin simulan na ngayon mismo ang misyon ni Brian?” Ani naman ni Rome. “Mas maagang masisimulan, mas masaya.”


“Magandang ideya.” Tatango-tango namang wika ni Dorwin saka siya nito binalingan. “Why don’t you invite Eros Drake Cuevas to come here para pormal namin siyang makilala.”


“H-Ha?” Nalintikan na! “G-Gabi na. Hindi na pwedeng lumabas `yon.” Drat! Kailangan ba talagang agad-agad magsisimula ang pakikibaka niya? At nasungitan nga pala niya si Eros kanina sa pag-aakalang si Dave `yon. Malamang dinibdib nito ang mga sinabi niya.


“Bakit hindi na siya pwedeng lumabas? Hindi naman siguro nasa minor age ang taong `yon para magkaroon ng curfew.” Si Rome.


“Subukan mong tawagan.” Utos ni Dave sa kanya.


“P-Pero…” Wala siyang mahapuhap na idadahilan.


 Ang totoo ay kanina pa niya ito gustong tawagan nang basta na lamang siya nitong babaan. Bumigat kasi ang pakiramdam niya sa kaalamang dinibdib nito ang kanyang mga sinabi na kung tutuusin ay hindi naman talaga para rito. Katulad `yon ng naramdaman niya kagabi nang maringgan niya ng disappointment ang boses nito. Pero hindi niya magawang i-dial ang numero nito. His pride is telling him not to dahil hindi naman niya kailangang magpaliwanag dito na siya namang pinakinggan niya dahilan para makaramdam siya ng matinding pagkapikon sa sarili. Para kasing may nagsasabi sa kanyang mali ang ginawa niya na ayaw namang tanggapin ng isipan niya.


“Ang napagkasundan ay napagkasundaan. Ngayon natin sisimulan ang misyon mo kaya wala kang karapatang tumanggi o magdahilan. Tawagan mo si Eros at ayain mo siya ngayon dito. Kung siya mismo ang tatanggi, ay hindi namin siya pipipilitin.” Wika ni Dave.


Hindi talaga siya palulusutin ng mga ito.


“Fine!” Ang napilitan niyang sabi sabay hugot ng cellphone niya sa bulsa saka tinawagan ang numero nito.


‘Mga kampon talaga ni Satanas ang mga `to! Lord,huwag mong hayaang magtagumpay ang mga demonyito kong kaibigan at sana tulog na si Eros at hindi na sagutin ang tawag ko.’


Pero hindi pinakinggan ang kanyang dasal. Pagkatapos ng pang-apat na ring, ay nag-connect ang kanyang tawag.


“Hello?”


 Ilang araw pa lamang niyang nakikilala ang taong ito at dalawang beses pa lamang niya itong nakakausap sa telepono pero parang kay tagal na niyang kilala ang boses nito na tila ba tanging ito lamang sa mundo ang may gano’ng klase ng boses.


“H-Hi.” At hayon. Simula pa lang ay na-uutal na naman siya at ang malala pa, sa harap pa ng kanyang mga kaibigan. “N-Na disturbo ba kita?”


What-a-lame-way-to-start-a-conversation ang nakita niyang ekspresyon ng mga mukha ng kanyang mga kaibigan habang nakatingin ang mga ito sa kanya na tinugon naman niya ng pagme-make face.


“Hindi naman. Napatawag ka?” Ani nito sa kabilang linya. Hindi nakatakas sa kanya ang excitement sa boses nito at `di niya inaasahan `yon.


‘`Di ba dapat nagtatampo ang isang `to?’ Nasanay siya sa mga taong medyo may pagka-emotional. Iyong tipo ng tao na madaling magtampo dahil gusto ng mga itong suyuin at mapansin. Ibig bang sabihin hindi gano’n ang Eros na `to?


“Uhmm…” Isa-isa niyang tiningnan ang mga kabigan. Nasa kanya ang atensyon ng mga ito. “A-About what had happened earlier.  I didn’t mean to be blunt to you. Inakala ko kasing si Dave ang tumawag kaya nasabi ko ang mga `yon.”


“`Yon ba? I really don’t mind. Kasalanan ko naman talaga `yon. Wrong timing ang pagtawag ko.” Ani nito sa kabilang linya na sinamahan pa nito ng magiliw na tawa.


‘Kakaiba talaga ang taong `to.’ Hindi niya naiwasang komento sa kanyang isipan. But he can’t deny the fact that he felt relieved sa kalaamang hindi nito dinibdib ang kagaspangan niya kanina nang inakala niyang si Dave ito.


“I’m with Dave and the rest of our friends. It’ll be great if you can come and join us.” Nasabi niya iyon hindi dahil sa `yon ang utos ng mga kaibigan niya kung hindi dahil natuwa siya na wala itong tampo sa kanya the very reason why he was smiling widely when he was saying it.


“S-Sigurado ka?” Tila naman hindi makapaniwalang wika nito.


“Oo naman. Hindi naman kita yayain kung hindi. So, susunduin na ba kita?” Nagulat siya na `yon ang mga namutawing salita sa bibig niya. Pero huli na ang lahat para bawiin pa `yon.


“Sige!” Bakas ang siglang tugon nito. “Doon na lang kita sa may kanto hihintayin.”


“S-Sige.”


Wala sa sariling pinutol niya ang tawag. Hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya habang ang tinamaan naman ng magaling niyang mga kaibigan ay nagpalakpakan.


“Wow! May pasundo-sundo ka pang nalalaman. Parang gusto ko na tuloy paniwalaan na totoo ang nabakasan naming pagkagiliw sa boses mo habang kausap siya.” Komento ni Dave.


‘I was not faking at all.’ Ang gusto niya sanang sabihin dito.


Ano’ng nangyari? Bigla na lamang siyang naging kumportable sa pakikipagusap dito. Na para bang kay tagal na nilang ginagawa `yon. Dahil ba masyado siyang na-overwhelmed sapagkat hindi ito nagtatampo sa kanya? Ibig sabihin ba gano’n siya ka-apekdo rito?




Lulan si Brian ng kanyang sasakyan at binabaybay ang daan papunta sa bahay ni Eros para sunduin ito. Naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari sa kanya. Pangalawang beses na siyang nagkagano’n na animoy na-i-engkanto siya. Bigla-bigla na lamang siyang nawawala sa sarili at nakakapag bitiw ng mga salita na taliwas naman sa gusto niyang mangyari.


Baka naman dahil `yon talaga ang totoong gusto mo? Ang mapalapit sa kanya.  Ang  wika ng isang bahagi ng kanyang isipan.


Of course not!  Kontra naman niya. Bakit ko naman gugustohing mapalapit sa isang `yon?


Dahil tama ang mga kaibigan mo, may parte sa’yo na gusto mo siya. Muling usal ng isang bahagi ng isipan niya.


No way! Wala akong gusto sa kanya at hinding-hindi ako tutulad sa mga kaibigan ko!


Nahihibang na nga siguro siya dahil pati sa kanyang sarili ay nakikipagtalo na siya. Pero iyong naramdaman niya kaninang pagka-relieved nang malamang hindi ito nagtampo sa kanya? It felt so great dahilan para mawala siya sa sarili.


Ano ba talaga ang meron sa’yo Eros? Hindi niya maiwasang maitanong sa sarili.


Ngayon lamang siya nakatagpo ng tao na nagbibigay ng gano’ng klaseng epekto sa kanya. At ang masama pa, dahil sa kalokohan ng kanyang mga kaibigan, ay kailangan niyang makipaglapit dito. Tama bang pinatulan niya ang kalokohan ng mga ito?





Kahit malayo pa ay agad nakilala ni Brian ang taong kumakaway sa kanya sa may kanto. It’s no other than Eros. Nagbusina siya bilang pagtugon rito na siya namang dahilan para patakbo siya nitong sinalubongin.


“Hi!” Magiliw nitong bati nang dumungaw ito sa bintana ng sasakyan.


“Kailangan mo ba talagang tumakbo?” Puna niya sa ginawa nito. “Hinintay mo na lang sana akong makalapit sa’yo.”


“Na-excite ako, eh.” Nakangiti nitong tugon. “Sigurado ka bang gusto mo akong isama sa inuman niyo? Hindi ba nakakahiya?”


Heto na naman ang mga pangiti-ngiti nito sa kanya. `Di ba nito alam na pinanginginig niyon ang mga tuhod niya?


“Kung hindi ako sigurado, hindi na sana kita pinuntahan pa, `di ba? Tsaka `wag kanang mahiya, kami-kami lang naman ang naroon. C’mon, hoop in, nagsisimula ng mabulabog ang mga kabahayan dito sa ingay ng mga aso.”


Sumakay na nga ito na abot tenga ang ngiti.


“Saan ba kayo nag-iinuman? Namumula kana, ah. Marami kana sigurong nainum.”


“Sa Seventh bar.” Sinadya niyang hindi tumugon sa huling mga sinabi nito. Hindi pa rin siya nagiging kumportable kapag masyado siya nitong pinapansin.


“iyong bar na katabi ng coffee shop na pinuntahan natin kagabi? `Di ba mga kaibigan niyo rin ang may-ari niyon?”


“Kilala mo rin sila?” Ang napabaling niya ritong tanong.


Magiliw itong ngumiti.


“Sino pa ba ngayon dito sa atin ang hindi nakakakilala sa kanila? Kahit noong hindi pa sila nabubuo, may kanya-kanya na silang titulong hinahawakan. ”


“Sabagay.” Pagsang-ayon niya. Minsan na rin niyang narinig iyon kay Dave at Dorwin.


“Pero hindi ko pa sila nakikilala ng personal.” Wika nito.


“Well, ihanda mo na ang sarili mo dahil makikilala mo na ang ilan sa kanila ngayong gabi.”


“Talaga?” Tila bigla itong na-excite. “Ang suwerte ko naman kung gano’n.”


Napilitan siyang iwan ng tingin ang kalsada para bumaling rito. Hindi nga siya dinaya ng kanyang pandinig. He looks really happy.


“Mukhang matindi ang pagkagusto mong makilala sila, ah.” Pagpansin niya.


“Kasi naging inspirasyon ko rin sila.” Nakangiti nitong tugon.


“Inspirasyon saan? Sa pagdi-desisyon mong baguhin ang sarili mo?”


“Basta.” Ngingiti-ngiti nitong sabi.


Napapantastikuhan talaga siya sa naiibang pag-uugali nito lalo na sa palaging nakangiti nitong mga mata. Nakakadala kasi iyon at nakakagaan ng pakiramdam.


“Bakit mo nga pala ako bigla-biglang inaya?” Kapagkuwan ay tanong nito.


“W-Wala naman.” Ang nauutal niyang tugon dahil alam niyang kasinungalingan `yon.


“I see.”


Muli siyang napabaling dito dahil sa matipid nitong tugon para lamang mahuli niya itong nakatingin rin sa kanya.


“B-Bakit?” Nahalata ba siya nitong nagsisinungaling?


Ngumiti ito ng ubod ng tamis.


“Wala. Ang sarap mo lang kasing pagmasdan kapag nagse-seryoso ka. Lalo na kapag nagsasalubong iyang mga kilay mo. Mas lumalabas ang kapogi-an mo.”


Natural hindi naman niya napaghandaan ang mga sinabi nito dahilan para agad siyang mag-iwas ng tingin rito.


“I-I told you not to give me those kind of compliment. H-Hindi ako sanay na marinig `yon sa kapwa ko lalake.” Ang hindi niya maituwid-tuwid na wika. Bigla na naman kasing gumapang sa kanya iyong  kakaibang pakiramdam na hindi niya mabigyan ng pangalan.


“Sorry.” Heto na naman ito sa mga sorry nito. As if naman magagawa ng sorry nitong ibalik sa normal ang tibok ng puso niya.


“Malapit na tayo.” Naiwika na lamang niya saka lalo pang binilisan ang takbo ng sasakyan. Hanggang saan kaya siya dadalhin ng pinasok niyang ito? Makakaya ba niyang tumagal kasama ang taong kayang yanigin ang buong sistema niya sa hindi malamang dahilan?





Bitbit na ni Brian si Eros nang makabalik siya sa Seventh bar. Halatang inabangan talaga ng kanyang mga kaibigan ang pagdating nito. Paano ba naman, malinis na ulit ang kaninang magulong mesa, may nakahanda na ring mga bagong pulutan at bucket ng beers.


“Akala ko aabutin pa kayo ng sampong taon sa daan.” Nakangising wika ni Dave.


“Hi Dave, Chuckie, Vincent.” Bati ni Eros sa mga kaibigan niyang una na nitong nakilala.


“Yow!” Balik bati namang tugon ng tatlo.


Binalingan niya ang mga kaibigang hindi pa kilala ang kanyang kasama.


“This is Eros.” Pagpapakilala niya sa kasama.


“So, ikaw pala si Eros.” Bati rito ni Rome saka ito naglahad ng kamay. “Bagay ang pangalan mo sa’yo.”


“He’s Ervin Rome Ruales.” Pagbibigay niya ng pangalan ng kaibigan na inuna pang magbigay ng compliment kesa magpakilala.


“The Architect.”  Nakangiti namang pagkilala nito rito.


“Mukhang tama nga si Kuya Dave. Marami kang alam sa mga background namin.” Puna ni Rome rito. “By the way I want you to meet my wifey, Ace.” Dagdag pang wika nito.


Nakangiting inilahad ni Ace ang kamay rito.


“Nice to meet you, Eros.”


“It’s good to know na hanggang ngayon, kayo pa rin ng partner mo.” Tugon naman dito ng kanilang bisita.


“Napagtitiisan ko pa siya.” Ngingisi-ngising balik dito ni Ace.


“Pwede ba akong mag-assume na kilala mo na rin ako?” Wika naman ni Red dito saka ito nag lahad ng kamay. “Masarap ba ang frappe sa Keros Café?”


“Red Sanoria.” Pagkilala nito sa kanyang kaibigan. “Paano mong ––”


“Kita ang veranda ng Keros Café mula sa bintana ng opisina niya.” Hindi na niya pinatapos pa ang tanong nito. Sinagot na niya `yon.


“Malakas ang pakiramdam ng mahal ko sa mga interesting bagay na nangyayari sa paligid niya.” Ani naman ni Dorwin. “I finally meet you Mr. Cuevas.”


“Attorney Dorwin Nievera. Hindi ko inaasahan na pati ikaw ay makikita ko ngayon dito.”


Makukuha pa kaya nitong matuwa kung sasabihin niya rito na isa sa mga dahilan kung bakit kumpleto ang mga ulupong na `to ngayon ay dahil pinagpustahan sila ng mga ito?


“Ikaw pala si Eros na harap-harapang nagdeklara ng damdamin kay Brian.” Ang nakangisi namang pagsali ni Claude sa usapan. “Alam mo bang hangang-hanga sa’yo ang Misis ko sa ginawa mo?”


Pambihira! Kung may ayaw man siya sa ugali ni Claude, iyon ay ang pagiging maligalig rin nito minsan. Pero hindi `yon ang inalala niya kung hindi ang magiging reaksyon ni Eros. Paano kung isipin nitong isinawalat niya ang pagtatapat nito sa kanya para gawin itong katawa-tawa? Hindi ba nag-iisip si Claude?


Pero taliwas sa kanyang inaasang pagkapahiyang reaksyon. Eros is smiling shyly to his friends’ habang napapakamot ito sa ulo.


“Una ko pa lang talaga siyang makita, crush ko na siya. But it took me years to finally have the courage to tell him that.”


Napasipol ang kanyang mga kaibigan habang siya naman ay literal na napanganga.


“And how does it feel na nasabi mo na nga sa kanya?” Tanong ni Laurence.


“It feels great and I feel proud to myself as well. At tulad ng sabi ko kay Brian, it doesn’t matter kung hindi kami pareho ng nararamdaman, ang importante lang naman, eh, nasabi ko `yon sa kanya.” Nakangiti nitong tugon.


Paghanga. Iyon ang nakita niya sa mga mata ng kanyang mga kaibigan sa narinig kay Eros. Pero kailangan bang pag-usapan siya ng mga ito na parang wala siya roon? At bakit hindi siya nakaramdam ng pagkainis? Bagkus, parang pati pa siya ay napahanga rin dito.


“I told you he will surprise you.” Nakangising wika ni Dave sa kanilang mga kaibigan.






Itutuloy:

47 comments:

Anonymous said...

-chapter 8 na pls..hehehe

-lester from cebu

Unknown said...

Present



wew, ang ganda na tlaga ito.

at talagang kumpleto ang barkada ah

manila_sex_actor said...

nice

very nice

very very nice

NAKAKAKILIG!!!

Anonymous said...

goshhhh!!!!! kilig much

i miss ang kabarkadan grabe... nakaka excite talaga

jubert

Anonymous said...

ibang ung na-iimagine kung mukha ni eros. Naka nerdy eyeglass pero astig a porma
ako zeke ndi mu namiss

- Poging Cord

Reymond Lee said...

nice!intricate details i would say!congratz!

Anonymous said...

galing naman, thanks s upadate

bharu

Anonymous said...

Pati ako napapahanga kay Eros. Haha

~wah si lance at claude! Haha (adik sa 9mornings1! Fave ko yun eh)

~so, boromeo? Ano yung pasmile-smile ha? Lol

~Jayvin

luilao said...

Winner!!!!! Yun lang ang gusto kung e comment... Kilig to d maxxx...

Anonymous said...

Ang sabe npa nganga nnman sa chapter na to....

Hahahaha
Go team eros lolss....

Tnx kuya zekkkk sa mabilis na update...
Gudluck sa mga susunod hehehe

#ryan.m

Zee said...

Hahaha! Kuya Idol kinikilig ako dito sa chapter na to! hahaha! Sana may maging Brian din ako! hahaha! :D
Next chapter na kuya idol excited much eh! hahaha! :D

Anonymous said...

landian na bwahahahahhaha

makboy

Anonymous said...

I'm so happy with whats happening in the story. This is the Trademark of Zildjian ang magpakilig! Haha. Eros is a one of a kind character di ko pa naencounter ang tulad nya sa mga previous stories dito. Naeexcite ako sa mga upcoming scenes. U never know how much these stories affected me zekey...


Yours,
Pat
Tagasubaybay

Anonymous said...

---------------YUNG feeling kahit nagbabasa ka lang ng mga pangyayari,, NAPANGANGA KARIN NI EROS SA KADIREKTA NIYA............................. GRABE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 1st time ako naaddict sa ganitong story na bawat oras chinecheck mo kung may post na si KUYA Z o wala pa........................ WHOOOOOOOOOH...... kahit ngayon di parin maalis yung kilig sa puso at mukha ko!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! you're the BEST AUTHOR.... you can really take me your FANTASTIC AND HEAVENLY WORLD OF STORIES!!!!! :) MADE MY NIGHT!!!!!


-KJJJJJJJJJJJJJJ TNX!!!

russ said...

Sana lahat ng tao my guts hehe nasibihin n may crush cla s isang tao.. Tulad ni eros.. Sana lahat ng tao gaya dn nila brian na tanggap agad..
Nice nice nice

Lexin said...

Ayos sa olrayt supah ace!

Unknown said...

Hahaha Eros reminds me of someone. Thanks po dito kuya Zeke kht hndi nabanggit ang pangalan ko sa taas wahahaha! Ingat ka po dyan,kami dto sa cebu mejo okay na,ako na trauma pa :/ anyway Godbless kuya zeke!

Unknown said...

hahaha... iniimagine ko yung sarili ko sa katayuan ni eros... nyahahaha.... :) kaso hindi applicable... LOL :D nice work daddy zeke... :) next na agad!!! :)

Yhad S. Beucharist said...

Great!! Looking forward to the next chaptet.

robert_mendoza94@yahoo.com said...

ha ha ha, nkakagulat ang character ni Eros talaga.

James Chill said...

Hahaha... Brilliant! Bloody brilliant!!!!

Richie said...

Wow bilis ng update... Salamat idol

Unknown said...

Honestly, kya masarap basahin ang nga storya mo kc wla n paligoy-ligoy. Pngkaraniwang ngyayari at mganda ang mga dialogues. nkaka-exite ang mga eksena o nkakakilig!

Anonymous said...

Yey! Yey! Yey! Great! Great! Great! Hahaha kilig much naman ako dito naka transparent ni eros haja kahit naman sino sabihin mga yun ee litiral na NGA-NGA ang mangyayari pero talaga nga bang wala siang hidden agenda? Haha pero ang sarap sarap talaga ng barkadahan nila haha ang saya syay at super cool lang. Thanks sa update God Blessed you! Superb! Bravo! :-) :-) :-) :-)

-marc

Anonymous said...

Next Please

Dave of Baguio

Anonymous said...

nice1 zeke.. hehehe mukhang inspirado ah ang bilis...

pangz

Anonymous said...

KILIGGGGGGGGG!! ampota!!!
HAHAHAHAHAHAHAHA.

un lng. Update na boss.

-PanCookie

Anonymous said...

Hehehe..baka nman may sayad yang si eros..hehe

crismardo

Jasper Paulito said...

Eros... sana kasing tapang mo ako....

Jace said...

Cant wait for the next episode..
Naeexcite din ako pagnalaman na ng mga Girls ang plano para kay Bryan! Ahahaha!! Eeksena nanaman ba ang babaeng may machinegun na bibig? Ahaha!!


Next na!! Agad-agad!! :D


-SupahMinion(antok na ko!!)

slushe.love said...

Bongga talaga ng story na to. Love it. :) Sana my courage din ako ng kagaya ni Eros. :)

Migz said...

Wow Zeke, I almost fell from my chair while reading this especially the part where Eros said "It feels great and I am proud of myself.." That is going to be a classic line.. and that was totally unexpected.. hehehe... Nice, really really nice... I am "soooo" loving this...

Ryge Stan said...

wahaha nakatuwa naman tong chapter na to can't help but to smile. Good job...

Have a great one zeke and keep it up.

Anonymous said...

may chapter7 na pala, babasahin ko na lang mamaya, ahahahahha

Anonymous said...

Waahh ngaun lbg nkpgiwan ng comment

Wee next chapter n po plsss

-potpotchie

Anonymous said...

yung pinipigilan ko ang sarili kong basahin to kasi gusto ko pag binasa ko tapos na siya para di bitin, pero di ko mapigilan ang sarili kong basahin to. ahaha And again naistress nanaman ako :( NEEEXXXXXT ahahaha. Thanks sa new story, your really the best writer :D

Unknown said...

I told you mafantastikuhan ang mga ulupong kay eros pero paano nga kaya kung nalaman ni eros na pinagpustahan siya... showy sa emosyon si eros malamang sa malamang mahirapan talaga si Brian sa akin (Eros) hehehehehehe thank Zeke...

Anonymous said...

hahaha!sobrang kilig ng chapter neto!pati aq abot gang tenga ang ngiti!nangawit nnga aq eh!haha..i just love eros, napakaprangka nya pero genuine at gusto ko kung pano niya yanigin si boromeo, nkakatawa!hihihi..

-monty

Anonymous said...

Next chapter plz...

Anonymous said...

bitin...!! hehehe

super love ko na talaga si Boromeo.. looking forward sa sweetness nila..!!

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

exciting na zek. next na! kaloka si eros.

-lance

Anonymous said...

yes mg kakaalaan na talaga hehe pero bitin parin ako hahaix update napo.agad kua tnx


Franz

Anonymous said...

kahit ako mapahanga.. d ko lubos maisip na may tao pa plang ganun ang attitude.. siguro d ko pa cla nakikilala.. hehehe.. aabangan ko talaga ung next chapter.. nice work po :D


-jec

Anonymous said...

HALA. Anyare? hahahaha. Nganga eh. xD
Nakakatuwa talaga tong story na to, sir! :D
Muy bien! Hasta Luego!

-DondeEstaMichifu

Anonymous said...

di nga?? hahahaha


pangz

Anonymous said...

Hmmmm Exciting

Unknown said...

Hayyy jusko di pa pla na publish ung comment ko kagabi...ang haba pa nman..

By the way kinikilig ako sa chapter na to...habang umiinom super basa ako at hnd ako nalasing sa alak kundi sa kakiligan... Nko brian wag n kcng mag padala sa pride... Eros tlga lagomg vocal sa feelings nya kaya prang like ko nrin sya... At mag sisimula na ang chemistry nila... Ayyy sana hnd isipin ni Eros na pinagpustahan sya....:-)

Post a Comment