Tuesday, October 15, 2013

9 Mornings Book2: Chapter 06




Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:


Tulad nga ng sabi ko sa inyo, ang k’wentong ito ay regalo ko sa inyong lahat ngayong pasko. Kung bakit maaga kong sinumulan ang posting ay dahil hindi ako nakakasiguro na hindi ako magmimintis ng posting. Ma-enjoy niyo sana ang k’wentong ito.


Reymond Lee, TheLegazpiCity, Tzekai Balaso, TC99M, Jec, Cris Mardo, Franz, Dev Nic (Baby Vampy), Richie, Xzkyel Daniel Padilla, Bon-Bon, NathanJohn, Cry, Lexin (Hindi kana huli ngayon), Mhi Mhiko, Jayvin, Pat (PatPat), Poging Cord (kapag may kumontra, pa-salvage natin. Hehe), Monty, Marc, Bharu, Luilao, Migz, Slushe.Love, Russ, Bobby Evasco, James, Mark13, Ryge Stan, JayJay (Supah Minion), ManilaActor, Beucharist, KJ (Yan din a kita nakalimutan), EuseThadeus (Bunso), PanCookie (Ano ang sasabihin mo sa partner mo? Hehe), Philip Zamora and ofcourse Jubert.

Anonymous and Silent Readers maraming salamat din sa pagbabasa ng chapter 05.


Hinabaan ko ang chapter na ito dahil umandar ang pagiging abnoy ko. Sana magustohan niyo rin siya guys! Happy reading!!! Ingatz!!  


 DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



“Good mornings, sir.” Magiliw na bati kay Brian ng kanyang sekretarya na naka-puwesto sa labas mismo ng pintuan ng kanyang opisina.


Pinihit niya muna ang seradura gamit ang kanang kamay saka naman niya inialis ang suot na aviator style ray ban gamit ang kaliwa bago bumaling rito.


“Good morning. Kung may tumawag sa isa sa mga kaibigan ko, sabihin mong lumabas ako para sa isang meeting. At kung magtanong sila kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag at text nila, sabihin mong naiwan ko ang cellphone ko rito sa opisina.”


“Ayos lang ba kayo, sir? You look wasted.” Takang tanong nito na tila ba hindi narinig ang kanyang sinabi.


“Can I count on you, Enes? Ayaw kong may dumesturbo muna sa akin ngayong araw.” He ignored her comment. Wala siya sa mood makipagtsismisan ngayon dito dahil kulang siya ng tulog at masakit ang ulo niya.


“Y-Yes, sir.” Tila nakuha naman agad nito na wala siya sa tamang aura sa araw na `yon.


“Thank you.” At tuluyan na nga siyang pumasok sa kanyang pribadong opisina.


Pagkaupo na pagkaupo niya ay agad siyang nagpakawala ng malim na buntong hininga. Dapat ay hindi na lang sana siya papasok sa araw na `yon pero dahil alam niya na sa mga oras na ito ay nagsisimula ng ipagkalat ni Red ang mga ikinumpisal niya rito sa nagdaang gabi, hindi magandang ideya na manatili siya sa kanyang bahay. Nasisiguro niyang dudumugin siya ng mga tsismoso niyang kaibigan.


Naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit naisipan pa niyang mangumpisal kay Red patungkol sa mga nalaman niya kay Eros at sa kakaibang epekto nito sa kanya. Ang balak niya lang sana ay ang tungkol lang sa pagkasangkot nito sa kalokohan ng kanyang pinsan ang ibabahagi rito pero hayon at natagpuan na lamang niyang ibinabahagi na rin kay Red ang deklarasyon ni Eros ng paghanga sa kanya at ang kakaibang epekto nito sa kanyang sistema.


Kaninang pagising lamang niya na-realize ang malaking pagkakamaling `yon. At isinisisi niya ang lahat sa lintik na alak na ininum niya. Iyon na nga ba ang ayaw niya kapag nalalasing siya, dumadaldal siya ng wala sa oras at nakakalimutan niyang magpreno. Ngayon tuloy, kailangan niyang pagtaguan ang mga kaibigan para makaiwas sa madugong interrogation ng mga ito.


“Shit!” Napasapo sa nuo niyang wika. No wonder kinaaasaran ni Dave ang paminsanang pagiging walang preno ng bibig niya.


Isa pang bumabagabag sa kanya ay ang mga narinig kay Red matapos niyang maisalaysay ang lahat dito. Ang dahilan daw kung bakit gano’n na lamang ang nagiging reaksyon niya kapag kaharap si Eros ay dahil may parte raw ng pagkatao niya ang kinikilala ang damdamin nito para sa kanya. Alam niyang imposible `yon. Kilala niya ang sarili at alam niya kung ano ang gusto niya. Kahit kailan ay hindi pumasok sa kokote niya ang posibilidad na magkakagusto siya sa kapwa niya lalake.


‘Kinikilala ang damdamin niya? No way! That won’t happen. Not in this life time!’


Nahihibang lang siguro si Red, o baka masyado lang itong nadadala sa matinding emosyon nito kaya kung anu-ano ng kabulastugan ang pumapasok sa kokote nito. Oo nga’t isa siya sa mga magpapatunay na kayang baguhin ng tinatawag ng ilan na pag-ibig ang paniniwala at desposisyon ng isang tao. Dahil nasaksihan niya mismo iyon sa matalik niyang kaibigang si Dave. Nagawa nitong ipagpalit ang napakagandang modelong girilfriend nito at tuluyang iwan ang mga dating kalokohan para pasayahin at mahalin ang isang simpleng half-half na manager. Hindi siya kontra sa pinili nitong buhay, dahil naniniwala siya na karapatan ng isang tao ang magdesisyon sa kung ano ang bagay na magpapasaya rito. Pero hindi rin naman ibig sabihin niyon na susunod siya sa yapak nito.


Inayos niya ang sarili. Tama. Hindi siya dapat maapektuhan sa mga sinabi ni Red. Siguro he’s just fascinated sa naiibang pag-uugali ng Eros Drake na `yon. Sa pagiging transparent nito na bihira lang sa isang tao. Iyon marahil ang dahilan kung bakit bigla-bigla siyang nawawala sa sarili. Nagugulat lang siya sa ugali nito.


Naputol ang kanyang malalim na pag-iisip nang pabalang na bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at iniluwa niyon ang kahuli-hulihang tao na gusto niyang makita –si Xander. Sa likuran nito ay ang kanyang sekretarya na bakas ang takot.


“Sir, sinubukan ko siyang pigilan at sanabing ayaw niyo munang magpadisturbo ngayon pero hindi talaga siya nakinig.” Paliwanag ng kanyang sekrata.


“It’s okay, Enes. Ako na ang bahala sa kanya. Pakisara ulit ng pintuan.” Tugon niya naman dito.


Agad namang tumalima ang kanyang sekretarya at isinara ang pinto. Hindi lingid sa mga ito ang pagkadisguto nilang dalawa ni Xander sa isa’t isa.


“What is this?” Kunot-noo nitong tanong sabay padabog na ibinaba sa kanyang mesa ang hawak nitong papel.


“Hindi ka na ba marunong magbasa?” Patuyang tugon naman niya rito.


“Don’t give me that crap, Brian! Pinapa-audit mo ako? Nakakalimutan mo bang isang stock holder rin ng kompanyang `to ang ama ko? Wala kang karapatan!” Bakas ang matinding galit sa mukha nito.


He gave him a smug smile.


“At nakakalimutan mo na rin bang empleyado kita at ako ang chairman ng kompanyang ito?  I have all the right.”


“Not without the approval of the board!” Dumagundong ang boses nito sa buong k’warto na agad na nagpa-akyat ng dugo niya.


“Noon siguro, oo. Pero since ang majority ng stocks ay ako na ang may-ari, kaya ko ng mag-release ng order para i-audit ang sino mang taong gusto kong ipa-audit. With or without consent from any member of the board.”


“Damn you! Ito ba? Ito ba ang paraan mo para makaganti sa akin? Ang i-frame-up ako na pinagnanakawan ko ang kompanyang isa ang mga magulang ko sa may-ari?” Namumula na ito sa galit.


“Hinay-hinay ka sa mga paratang mo, Xander. Kung balak kitang i-frame-up, hindi ko na sasayangin ang oras kong ipa-audit kapa. ” Salubong ang mga kilay na balik niya rito.


“Nagngingit-ngit ka pa rin ba dahil wala kang nagawa ulit nang inagawan kita ng syota? Na sa muling pagkakataon, all you can do is to watch at ilihim sa buong mundo kung gaano ka kawalang k’wentang tao dahil ipnagpalit ka sa ibang lalake ng babaeng pinili mo? How does it feel, Brian? Ano ang pakiramdam na tinatapak-tapakan ang pagkatao mo at hindi mo magawang umalma dahil malalagay ka sa kahihiyan?”


“I’m pretty sure na masasagot ang tanong mong iyan sa mga susunod na araw, Xander. Because I will give you the same feelings I’ve felt sa pananarantado mo sa akin. Make it ten folds.”


“Pagsisisihan mo ito ng husto, Brian. Mark my word!” Punong-puno ng pagbabanta nitong sabi.


“Kung may dapat mang magsisisi sa atin, nasisiguro kong ikaw `yon. Now, why don’t you escort yourself out? But allow me give you a fair warning. Sa susunod na basta-basta ka na lang pumasok sa pribadong opsina ko na hindi kita pinapatawag, asahan mong sa labas ka ng building na `to dadamputin.”


“You cannot treat me like a trash! Hindi lang ikaw ang may karapatan sa kompanyang `to!” Mukhang wala talaga itong balak magpatalo.


“Dare me.” Naghahamon niyang wika.


Marahil ay nakita nito na ano mang oras ay tototohanin na niya ang sinabi ay tinungo na nga nito ang pintuan. Pero bago ito tuluyang lumabas, ay binigyan muna siya nito ng isang nagbabantang tingin. Ngunit hindi siya matatakot dito.





Pinaghalong matinding pananakit ng ulo at antok ang naramdaman ni Brian kaya nagdesisyon siyang maagang umuwi. Wala naman talaga siyang gagawin sa opisina sa araw na `yon. Sadyang gusto niya lang na makaiwas sa mga tsismosong kaibigan kaya siya nagpumilit na pumasok na maganda naman ang kinalabasan dahil nagkaharap sila ni Xander.


Pagdating niya sa bahay ay hindi na niya nagawa pang magpalit ng damit. Agad na sumubsob ang kanyang katawan sa kanyang kama. Nagpapatunay lamang na masyado niyang pinagod ang sarili sa nagdaang gabi. Sino ba ang hindi? Na-torture na nga ang utak niya sa pag-iisip sa Eros na `yon, sinamahan pa ng wala sa oras niyang pangungumpisal kay Red.


Batid niyang pansamantala lang niyang matatakasan ang mga kaibigan. Kilala niya ang hilatsa ng mga ito. Hindi palalampasin ng mga ito ang mga sinabi niya kagabi kay Red. Kaya kahit pa man mag-migrate pa siya sa North Pole at magtago sa kumpol ng mga penguin doon, ay masusundan pa rin siya ng mga ito. Kaya minabuti na lamang niyang ihanda ang sarili sa pamamagitan ng pagbawi ng lakas.


Madilim na ang paligid nang mapabalikwas si Brian hapo ang nuo. Dang! Pati sa panaginip ay sinusundan pa rin siya ng imahe ni Eros at ang malala pa, nakikipagngitian pa siya rito sa kanyang panaginip. Ano ba ang ginawa nito sa kanya? Bakit hindi na niya magawang matanggal ito sa kanyang isipan? And why is his heart pounding so fast that sent some strange feeling to his system.


“Hindi na ito talaga nakakatuwa. Parang pinagpapantasyahan ko na lokong `yon. Pambihira!”


“Brian? Gising kana ba? Malamig na ang hapunang inihanda ko sa’yo.” Boses iyon ni Manang Delia na sinamahan pa nito ng mahinang mga katok.


Napabaling siya sa kanyang relo. Mag-aalas-otso-y-medya na pala. Mahigit apat na oras ang kanyang naging tulog.


Nagpasya siyang tumayo para pagbuksan ito. Weird pero ang gaan ng pakiramdam niya. Taliwas kanina na halos kasing bigat ng sampong sako ng bigas ang kanyang pakiramdam.


“Bata ka. Puwede bang sa susunod kapag ganitong kailangan mo pang pumasok sa trabaho, iwasan mo muna ang maglasing at umagahin ng uwi? Ni hindi mo nagawang magpalit ng dami sa sobrang kapaguran.” Bungad nito sa kanya.


Parang ina na rin niya ito. Pero ngayon pa lang siya nito sinermonan ng gano’n. Hindi kasi ito mahilig makialam sa kanya. Siguro dahil ni minsan ay hindi naman siya naging pabaya. Kagabi lang kung saan lango siyang umuwi.


Ngiti lang ang itinugon siya rito. Ang sarap pala sa pakiramdam na may taong mag-aalala para sa kanya. Wala naman kasi ang mga magulang niya para gawin `yon. Kaya naging self-sufficient siyang tao.


“Tumawag si Dave. Itinatanong kung nakauwi ka na raw. Ang sabi ko, kanina kapa dumating at nakatulog dala ng pagod. Tawagan mo raw siya agad.”


“Sige ho, tatawagan ko.” Hindi talaga siya titigilan ng mga ito hanggat hindi siya nagpapakita.


“Bago mo gawin `yon, kumain ka muna. Ni hindi mo nagawang mag-almusal kanina at hindi rin ako sigurado kung kumain ka ng tanghalian.” Iginaya siya nito sa kusina. Misyon nito sa buhay ang siguradohing kumakain siya ng tama.


“Kailan ho ba kayo uuwi para magbakasyon manang? December six na ngayon di ba?” Kapag ganitong buwan ay hinahayaan niya itong umuwi sa pamilya nito. “Kung gusto niyo, para maiba naman ang pasko sa bahay na `to, dalhin niyo rito ang pamilya niyo at dito na lang kayo magpasko.”


“Naku! Magugulo ang bahay na ito sa mga apo ko. Masyadong malilikot ang mga `yon. Saka nakakahiya sa’yo.”


“Mas masaya nga siguro `yon. eh. Kesa naman parang haunted house ang bahay na ito tuwing magpapasko.”


Bumakas ang lungkot sa mga mata nito.


“Kaya ayaw kitang iwan, eh. Dahil alam kong oras na umuwi ako, mag-isa ka na namang maiiwan dito sa bahay.”


“`Wag niyo akong alalahanin. Marami akong kaibigan na pwede kong bulabugin. So, hindi ko ba talaga kayo mapipilit na dito na lang magpasko?”


“Hindi namin pwedeng iwan ang nanay ko. Alam mo namang matanda na `yon at hindi na kaya ang bumayahe pa.” Bukod sa ito ang sumusustento sa lahat ng pangangailangan ng mga anak at apo nito. Isa rin sa pinaglalaanan ng sahod nito ay ang may sakit nitong ina.


“Di bale, dahil walang kupas pa rin sa sarap ang luto niyo, may bonus ulit kayo sa akin.” Nakangiti niyang wika rito.


“Sobra-sobra na ang ibinibigay mo sa akin, Brian.”


“Huwag na kayong tumutol. Pasasalamat ko `yon sa pagtitiis niyo sa akin.”


Nagpapasalamat na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.


“Anong oras ka na naman kaya uuwi ngayon? Pihadong uumagahin ka na naman dahil Byernes.”


“Huwag kayong mag-alala, hindi na ako uuwing lasing mamaya.” Nangangako niyang wika rito.





Brian is on his way to Seventh bar. Doon niya kakikitain ang mga kaibigan na kanina pa naghuhurumintado sa kanya. Hindi nagustohan ng mga ito lalo na ni Dave ang hindi niya pagsagot sa mga tawag nito. Paano ba naman, eh, bukod sa iniiwasan niya ang mga ito ay nakatulog pa siya.


Muling nag-ring ang kanyang cellphone. Napapailing na lamang siyang kinuha iyon sa kanyang bulsa.



“Nasa daan na ako. Tigilan mo nga ang pangungulit sa akin at baka madisgrasya ako ng wala sa oras!” Pikon niyang tugon na hindi na inabalang tingnan kung sino `yon. Naka-focus sa daan ang kanyang tingin.


“N-Nagmamaneho ka pala. Pasensiya na.”


Pamilyar ang boses na `yon pero hindi `yon boses ni Dave tulad ng inaasahan niya. Nailayo niya tuloy sa tenga ang telepono at napatingin sa screen.


Oh shit! Natilihan niyang naiwika sa sarili.


“E-Eros?”


“Y-Yeah, ako nga `to. N-Nag-aalala lang ako sa’yo kasi hindi ka nag-reply sa text ko kagabi at kaninag umaga. Pasensiya na kung nadisturbo ko ang pagmamaneho mo. Sige mag-iingat ka na lang. Pasensya na ulit.”


“W-Wait!” Pero huli na sapagkat pinutol na nito ang linya. “What the fuck?”


He was sure nagulat niya ito sa iritasyon ng boses niya kanina pero hindi naman `yon para dito. He thought it was Dave. Pero teka, ano naman sa kanya kung ano iniisip nito? Hindi ba’t mas mabuti nga `yon para tigilan na siya nito?



Dammit!


Dumating si Brian sa Seventh bar na hindi na maipinta ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung bakit tila sobrang napikon siya dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Eros. Ni hindi niya alam kung saan siya naiinis. Dinagdagan pa `yon nang makita niya ang presensiya ng buong myembro ng Seventh bar kasama ang kanyang mga kaibigan sa labas kung saan naroon ang mga umbrella table na parobitong puwestohan ng mga ito.


“Talk about right timing!” Ngayon nga pala ang araw kung saan kumpleto ang mga sugo ni Satanas sa bar na `yon.


Agad siyang sinalubong ng mga ito.


“Bihira ka `atang mahuli ng dating, Bry.” Wika ni Tonet. Isa sa mga kaibigan ni Red at ang pasimuno sa pagtatayo ng Seventh bar. Katabi nito ang asawang si Carlo na nagtaas ng kamay bilang pagbati sa kanya.


“You look pissed off, pare.” Pansin naman sa kanya ni Chad. Nakayakap mula sa likuran ng asawa nitong si Mina na nginitian siya bilang pagbati.


“Kamukha mo itong si supah Ace ko kapag may sumpong.” Ngingiti-ngiti namang wika ni Rome na agad nakatanggap ng pabirong batok mula sa kasintahan nito.


“Baka may regala.” Si Angela. Ang sira rin sa ulong asawa ng kanyang kaibigang si Vincent.


“Ano ang meron at narito kayong lahat ngayon?” Walang gana niyang tanong sa mga ito. Bihira na lamang makumpleto ang mga ito at nangyayari lamang `yon kung may espesyal na okasyon o may pagkakatsismisan ang mga ito.


“It’s about the Christmas party.” Si Dorwin ang tumugon sa kanya. “So take a seat ng masimulan na nating pag-usapan. Hindi kami makapagsimula dahil wala kapa.”


Ibig bang sabihin ay hindi siya isasalang sa hot-seat sa gabing iyon? Binalingan niya ng nagtatanong na tingin si Red. Imposibleng hindi nito i-tsismis ang mga narinig nito sa kanya. Magkakasakit ito.


“Huwag kang mag-alala, pagkatapos nating pag-usapan ang tungkol sa Christmas party ay tayo-tayo naman ang mag-uusap sa nangyari kagabi.” Nakangising wika ni Dave. Mukhang nabasa nito ang laman ng kanyang isip.


‘Sabi na nga ba.’ Piping naisambit niya.


“So what about the party?” Naitanong na lamang niya.


“We came up with a great idea.” Excited na wika ni Tonet. “Kaya I’m sure na mas bongga ang party nating ito compared sa mga nakaraan.”


“Gusto ko `yan.” Sumasangayon agad na wika ni Claude. “Mahalaga sa amin ni Misis ko ang buwang `to kaya dapat lang maging masaya ang party na `yan.” Tukoy nito sa asawang si Laurence.


“How about the others?” Si Alexa ang asawa naman ni Chuckie. “Kailan natin sila i-inform?”


“Si Andrew Miguel na at si Alex ang bahalang magsabi sa kanila.”


“Pwede ko rin namang tawagan si Matt.” Si Claude tukoy sa pinsan nito. “But how about their availability?”


“Leave it to Maki and Jay.” Nakangiting wika ni Alex.


“The manipulative couple.” Napapangiwing sabi Rome.


“Magiging masaya nga `to kung makakasama natin ang mga `yon. But how about Pat at ang mga bagong mukha ng Teletubbies?” Tanong naman ni Dave.


“Teletubbies?” Si Laurence.


“Miles, Keith, Marx, Zandro and Jasper.”


Natawa ang mga ito. Maski siya na masama pa rin ang timpla ay lihim na napangiti nang ma-imagine niya kung ano ang magiging reaksyon ng apat sa bagong titulong ibinigay sa mga ito ni Dave.


“Leave them to Andy and Pat.” Nangingiting wika ni Laurence.


“Wew! Ang dami na pala natin.” Di maiwasang maiwika ni Vincent. “I’m sure magiging masaya ito.”


“So, may napili na ba kayong araw?” Tanong ni Dorwin sa mga babae sa grupo nila.


“Sa Twenty.” Sagot naman ng mga ito.


“Kaninong bahay naman ngayon ang bubulabugin natin?” Tanong naman ni Claude.


“Nicollo Algree offered their resort for the venue.” Agad na sambit ni Dave.


“Maganda nga doon. Hindi lang tayong mga adults ang makakapag-enjoy pati na rin ang mga bata.” Si Carlo.


“Then that settles everything. May date na tayo at venue. Ang gagawin na lang namin nina Mina, Angela at Alexa ay ang puntahan si Nicollo para mga arrangement na gagawin namin sa resort.” Wika ni Tonet.



“Ako naman ang bahala sa bandang tutogtog pati sa sound system.” Wika naman ni Red.


“Lance will provide us with different cuisine foods.” Si Claude. “At syempre ako ang inspirasyon niya.”


“Then kami na ang bahala sa iba pang kailangang gawin.” Ani naman ni Niel na sinangayunan naman ng mga kaibigan niya.


At hayon na nga. Tuluyan ng napagkasundaan ang magaganap ni Christmas party nila. At tulad ng nakasanayan, bawat isa sa kanila ay may partesipasyon. Iyon ang isa sa pinakamagandang bagay sa barkadahan nila. Lahat ay nag-e-effort.


 Isa-isang nagpagpaalam ang mga pamilyado sa kanila. Unang umalis ay si Carlo at Tonet na sinundan naman nina Mina at Chad. At ang magagaling niyang kaibigang si Vincent at Chuckie? Hayon at inihatid lang ang mga asawa ng mga ito at nangakong babalik agad. Syempre, alam na niya kung bakit. Gusto ring makitsismis ng mga ito.


“Bakit kanina kapa walang kibo, Brian?” Si Dorwin.


“Naubusan na siguro siya ng sasabihin sa dami ng mga isinaliwalat niya kagabi.” Ngingisi-ngising wika ni Dave.


Sinimangutan niya ito saka niya binalingan si Red.


“Wala kang k’wentang kaibgain!”


Humagikhik lang ito hindi nagpa-apekto sa sinabi niya.


“This Eros Drake. Kanina ko pa naririnig sa inyo ang pangalang `yon simula ng dumating kami ni Lance. Sino ba siya at ano ang meron sa kanila nitong si Brian?” Takang tanong naman ni Claude.


“Admirer ni Brian.” Nakangising tugon ni Dave.


Napasipol si Rome at Niel habang bumakas naman ang interes sa mga mata nina Ace, Laurence at Alex.


“Ayan! Nakabalik na sina Chuckie at Vincent. Pwede na nating simulan ang pangalawang topic sa gabing ito.” Malokong wika ni Dave.


“Hindi niyo talaga ako tatantanan, `no?” Ang napipikon na niyang sabi. “Nakipagkita lang ako sa kanya para klaruhin kung may kinalaman nga siya kay Xander. Walang ibang ibig sabihin `yon!”


“Kung gano’n, ano itong sinabi sa amin ni Red na hindi ka raw mapakali sa presensiya ni Eros? At sabi mo pa nga raw sa kanya, nawawala ka sa sarili mo kapag kaharap siya. Lalo na noong magdeklara siya ng paghanga sa’yo.”



“Nagdeklara ng paghanga? Ang tapang naman niya!” Wika ni Rome.


“I’m just simply fascinated by him. Iyon lang `yon.”


“Facinated?” Nakangiting wika ni Claude. “Ginagamit ang salitang iyan ng isang taong nakuha ng husto ang interes niya sa isang bagay o tao. So, ibig sabihin interesado ka nga sa taong `yon.”


 “Facinated ako sa kakaibang ugali niya hindi sa taong `yon.” Depensa niya saka siya bumaling kay Dave. “Di ba maski ikaw, ikinagugulat mo ang kakaibang pag-uugali niya?”


“Yep. Pero hindi ko na-expirience na nangatog ang tohod ko at matulala sa kanya noong magkaharap kami. Sa pagkaka-alala ko, kay Alex ko lang naramdaman ang mga gaanong bagay.”


“Same here. Kay Ace lang din ako nagkaganyan. Pag-ibig nga yan!”  Sabat naman ni Rome.


“Tigilan niyo ako!” Tuluyan na siyang napikon. “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako tutulad sa inyo?”


“Then let’s make a bet.” Naghahamong wika ni Dave.


“Hindi ako makikipagpustahan sa’yo Dave. Hindi pa ako gano’n ka desperaadong ipahamak ang sarili ko. Kilala kita at ang mga katarantadohan mo.”


“Mukhang takot siya.” Wika ni Vincent. “Naniniwala na ako ngayon na posible nga ang sinabi ni pareng Red sa atin.”


“Hindi ako natatakot! At ano ang mga sinabi sa inyo nitong si Red?” Pambihira! Pinagkakaisahan talaga siya ng mga ito.


“Na ang rason kung bakit gano’n na lamang ang reaksyon ng katawan mo kapag kaharap mo si Eros ay dahil may parte sa’yo ang may pagtingin rin sa kanya.” Si Chuckie.


Nahihintakutan siyang napatingin rito.


“You can’t be serious right? Huwag mong sabihin naniniwala ka sa kalokohang `yan.” Binalingan niya si Red. “Kasalanan mo `to!”


“Huwag mong sisihin si Red, Brian.” Pagsali ni Dorwin sa usapan. “Base sa reaksyon mo ngayon, kahit ako, masasabi kong malaki ang posibilidad na tama siya.”


Maang siyang napatingin rito. Hindi makapaniwalang pati ito ay papatulan ang kahibangang iyon.


“This is crazy.” Napapailing niyang sabi.


“Then prove it. Patunayan mo sa amin na mali kami.” Wika ni Dave.


Napaisip siya. Hanggat wala siyang ginagawa ay hindi siya titigilan ng mga ito. Sige papayag siya pero sisiguradohin niyang may mapapala siya sa mga ito.


 “At kapag napatunayan ko na mali kayo?”


“I will double my investment to your company.” Wika ni Dave.


“I will agree to be one of your company’s affiliates.” Tugon naman ni Claude.


“Libre ka na dito sa Seventh Bar hanggang bumula ang bibig mo.” Ani naman ni Red.


“Tatanggapin ko na ang alok mo sa kompanya niyo.” Si Dorwin.


Kahit kailan ay hindi nila nakaugaliang magkakaibigan na umasa sa impluwensiya ng bawat isa. May tiwala sila sa kani-kanilang kakayahan na kaya nilang magpaunlad ng negosyo na hindi nangangailangan ng suporta sa isa’t isa. Pero ibang usapan ang nangyayari ngayon. Kusang nagprepresenta ang mga ito.


“What do you want me to do?”


Ngumisi ng nakakaloko si Dave.


“I-date mo si Eros.”





Itutuloy:



54 comments:

Anonymous said...

Basa basa. :)

~Jayvin

bon-bon said...

Wahahaha . Grabe , hindi ako excited . Haha

i lab u tlaga kuya Z . Galing2 :D

- franci

Reymond Lee said...

GREAT!basa mode muna ako.this will be a long haul of reading session.

Chris said...

Hi kuya!! Musta? Haha!! Sori ngaun lng ako nagcomment. Silent reader lng ako fir the past chapters. Wala ka pa ring kupas!! SOBRANG GALING mo pa rin :))

Unknown said...

Ang saya ng laro ng mga kolokoys ah. . .


hehehe. . .buhay na buhay din ang mga naunang characters

Richie said...

Galing mo talaga idol... Thumbs up!!!!
Excited na ako sa date ni Brian at Eros......

Anonymous said...

galing galing ... update na ulit ... heheheheh :)

makboy

Anonymous said...

ang saya mabilis ang update. Poging zeke tuloy mulang yan para masaya ang pasko. Wala na niyang kokontra kasi i-sasalvage mu e.

- Poging Cord

Anonymous said...

All i can say is....shet. :( :))

-Cry

Unknown said...

magsisimula na ang kalbaryo ni brian hahaha


ang galing mo talaga pogi..idol ^_^

Reymond Lee said...

not missing a detail.im sure the ending will be spectacular!

patryckjr said...

Excited me sa mga gagawin ni Bry para makaganti ke Xander... second na yung loveydovey nila ni Eros..hehehe..... baka agawin din ni Xander si Eros....

russ said...

naks sir Z.. mukhang simple lang naman ang date di ba pero pag kay brian na yan.. tripleng hirap hehe.. deal sa uspan yan..

Anonymous said...

Hahaha pamatay! Haha at wala talaga kokontra ksi sobrang ganda ng story ito na ang umpisa mag date na sila haha saya lang ng barkadhan nila hahaha ai sana may ganyan din ako hehe I mis my friends tuloy. :-) at for sure mas magiging masaya tung kwento salamat po sa update sir! :-) :-) God Blessed!

-marc

rheinne said...

So nice ambilis ng updates..yung continuity ng story sa utak q tuloy tuloy din hehehehe...congrats Z..keep up the good story

Anonymous said...

patay kang bata ka, nakipagpustahan pa talaga. at may date pa talaga. me ganon!? e pwede nmn wag makipagdate. brian lalo kalang mahuhulog kay eros. hehe

bharu

James Chill said...

Hahaha... Cant stop giggling!... Investment ang pustahan... Masaya to... Haha

Anonymous said...

hmmmm...


pangz

Anonymous said...

OMKJ!!! OMKJ!!!! .........................KILIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG TO DEATH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
, yung feeling na inimagine mo kung ano ang reaction ni BRIAN nung sinabing "idate mo si Eros".............................grabe............................................grabe,....................... kumpleto talga pasko ko kung sunod -sunod posting nito......................


haha.............. tnx kuya Z.!!!! THe best ka talga!!!!!


- KJ

Zee said...

I Love Their Bet Kuya Idol! hahahaha :D

Unknown said...

Ang sarap ng samahan nila mula pa noon hangang ngaun! Bwat storya ng bawat partner ay suportado nila! Wish I belong to their circle of friends.

TheLegazpiCity said...

Date for a Cause...Cause he will regret it....hahaha

Yhad S. Beucharist said...

Nakakatuwa buo pa din ang barkadahan. No wonder nqpaka supportive pa din nila at habang tumatagal dumadami ang member katulad ng blog na ito, dati nasa 20 lang kami ba follower nito ngayun nasa 200 na. Nakakatuwa!! :-)

Anonymous said...

Mula sa unang pito... ngayon ang dami na nila! :)
Excited for the reunion... and the date! Hahaha! XD
Muy Bien! :D

-DondeEstaMichifu

Anonymous said...

shaksss!!!! Pamatay ung dare!!hahaha..exciting ung next chapter!!;P

-monty

Anonymous said...

hahah.. bigat ng pustahan.. aabangan ko ung next chapt.. mukhang magiging maganda ang date ni BRYAN at EROS..

-jec

manila_sex_actor said...

nakakakilig naman ang usapan nila

Anonymous said...

Ayan! Magdadate na sila. hahahahaha.

Thanks sa mabilisan na pagupdate boss. ^^,

About sa sasabihin ko sa partner ko, akin na lng un. nyahaha

-PanCookie

luilao said...

Sana live in one month bwahahahaha.. At sana merong 3rd party na magseselos to d maxxx hahaha.. Si xander at eros hehehehehe

MARK13 said...

Ang galing talaga,napakamanipulative ng mga kaibigan ni Brian. Lalong nakaka-excite ang mga susunod na chapters,hahahaha :D

Jace said...

Wala kay Brian at Eros ang utak ko.. Hahaha!!

Nyeta ka Dave!! Natawa ako sa bagong mukha ng teletubbies!! XD

grabe lang sa pustahan ha!! :P

namiss ko ang babaeng machinegun ang bibig!! Angela!! :)

nice chapter SupahIdol!! :)

-SupahMinion

Ryge Stan said...

waaah patay tayo dyan hahaha nagkapustahan na. I hope matalo si Brian hehehe kasi sya rin naman ang mananalo dito.

Have a great day.

Anonymous said...

hahahaix bitin nanaman pero.ang ganda at lalo pa gumaganda d talaga ako.ng sisi na basahin ang yong mga likha kasi subrang ganda talaga sana more storeis to come pa po


Franz

slushe.love said...

Naloka ako dun. Paka bongga naman nung bet nila. haha :)

Anonymous said...

waaahh.. kiiiiiiiiLiiiiiiiiiiggggggggnnnnneeeeeeeeeeessss...!!!!

this really made my day.. soo not feeling well...

gusto ko ang pustahan part.. hehehe

dali i-date mo na Boromeo si Eros Drake.. now na.. hehehe

God bless.. -- Roan ^^,

chie said...

Natutuwa ako kasi ang bilis mo na ulit mag-update, Zeke kaso nakakalungkot kasi di ko masabayan ang mga post mo sa pagbabasa kasi busy. :(

Ang ganda talaga ng samahan nila. Nakaka-aliw! :)

Anonymous said...

bilis zek, ang saya. tuloy mo lang. galing mo talaga.

-lance

rascal said...

hahaha.date mo na kaya...hmmmm excting

Unknown said...

ito na yun... hahahaha paano kung nalaman ni Eros na ang mangyayari eh Bet on Eros sigurado ako maloloka yun... ABANGAN... thanks zeke...

Jasper Paulito said...

ano ba ang problema ni Xander na yan? Nanggigigil ako sa kanya....
at Z, sino tong nasa cover? ang gwapo niya talaga!!!!
ang mata, ilong, ang medyo makapal na lips, at ang shape ng mukha, lalaking lalaki!!!
type na type. pati ang balbas... guwapong gwapo talaga.... sino siya?

Migz said...

Hahaha.. I love this chapter, you are so dead Borromeo... And I am so loving this story... At least the emphasis is not so much on drama... This story makes you really feel light and happy even though conflicts exist... You sure do know how to satisfy you readers Zeke... You are making each chapter a must wait and a must read... Nice, really really nice...

Unknown said...

ayan na!!! andami qng smile sa chapter na 'to, mga 27.. lol

Paul Michael Tan said...

first time ko mag-iwan ng comment... maganda ang flow ng bawat eksena at hindi boring basahin... may kilig akong nararamdam... :=)))

Anonymous said...

may duda akong c xander e may gusto kay brian. lahat nlang kasi ng syota inaagaw nya. malamang ang susunod na kwento after nitong book 2 e tungkol kay xander. at isa siguro sa teletubies ang magpapatibok ng puso ni xander haha. aabangan ko yan. hehe

bharu

Anonymous said...

"Teletubbies". ~haha adik talaga tong si dave! Tawagin bang ganon ang kampon ni andy. Haha

~madami dami nadin nga sila.

~parang ng tampo si eros. At si bryan affected. Lagot! Pag-ibig nanga'yan! Haha

~wat-a-bet! Haha

~Jayvin

Anonymous said...

Reading this while enduring the aftershocks of the earthquake and I had a good time and I was smiling again while reading this... I'm excited for their date!!! :)

Pat
Tagasubaybay

Unknown said...

Zek... kakabitin ka talaga.... exciting ang sususnod ....

Lexin said...

Oh yeah! Umiinit ang panahon..hehe..

Unknown said...

edi ako na ang late nakapagbasa... hahahah... pero excited na ako sa next chapter... next na agad daddy zeke... :)


-eusethadeus

Unknown said...

Naman nakakalokong mga deal ito ahhh... Nko brian wag kna kc mag deny.... Kinikilig tlga...ako

Anonymous said...

talagang ang tigas ng paninindigan nitong c borromeo na d xa magkakagus2 sa kapwa lalake. pero pagkaharap naman c eros eh nganga na xa ngangatog pa ang tuhod.

aayiiiee! magdi date na cla nxt. punyamels! kikiligin pati bone marrow to nito.


TC99M

Anonymous said...

ang ganda promis

jubert

robert_mendoza94@yahoo.com said...

yay! mukhang kakainin ni Brian sa bandang huli ang kanyang sasabihin, maxado syang defensive at nasa denial stage pa. he he he, nice Zild!

Anonymous said...

Naaala ko ang sarili ko Kay Eros....

Gnito din ang nangyari sakin...

Post a Comment