Sunday, October 13, 2013

9 Mornings Book2: Chapter 05




Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Dyaaaaraaan! Heto na ang chapter 05 ng 9 Mornings. Wew! Habang tumatagal ang k’wentong ito ay nagsisimula na niyang pasakitin ang ulo ko. Haha Pero masaya pa rin ako dahil sa magagandang feed back niyo na talaga namang nagpapagana sa akin lalo.


Rheinne, Mhi Mhiko, Euse Thadeus (Bunso), Allen RN, Marc, Bon-Bon, Tzekai Balaso, ReadmyMouth (long time no see. Hehe), TheLegazpiCity, Pat (PatPat), Jheslhee Oracquiao, Ryan.M, DondeEstaMichifu (Where is Michifu daw ang translation ng pangalan niya), TC99M, PanCookie, Jayjay(SupahMinion), Mars (Welcome back), Russ, Mark13, Cry (yow), Lance, Bobby Evasco, Jubert Co, Raymond Lee, Roan, Jayvin, Pangz (Batibot), Poging Cord (Na applicable talaga sa kanya), Slushe.Love, Luilao, Lexin (Nahuli ka!) at syempre kay Migz.

Anonymous at Silent Reader salamat din sa pagbabasa.


Tulad ng request niyo. Kasama sa bagong cover ng k’wentong ito ang picture ni Eros. Sana ma-enjoy niyo ang pagbabasa! Ingatz!!   


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Naging sunod-sunod pag-ubo ni Brian na tila ba may kung anong sumabit sa kanyang lalamunan dahilan para mapatayo si Eros at daluhan siya.


“Ayos ka lang ba?”


Nang dumapo ang kamay nito sa kanyang likuran para himasin `yon ay napa-igtad siya at napatayo sa pagkataranta.


“A-Ayos lang ako.” Tila na hindik niyang wika niya rito. “Bumalik kana sa upuan mo.”


“Sigurado ka?” Bakas ang pagtataka at pag-aalala sa mga mata nito para sa kanya.


Napabuntong hininga siya.


“You’re not supposed to give that kind of compliment directly with a guy.” Hindi niya napigilang sabihin.


Rumehistro naman dito ang pagtataka.


“Why not? Masama na ba ngayon ang magbigay ng papuri?”


Ito pa ang isa sa mga ikinagugulat niya sa taong ito. Wala siyang mabakasang pamimilosopo o sarkasmo sa mga mata nito sa halip, purong ka-inosentehan ang nakikita niya na para bang isang bata ang kaharap niya. Hindi niya tuloy magawang magalit.


“Masama kung sa kapwa mo lalake sasabihin `yon. Please go back to your seat.”


‘Drat! Hindi dapat ako nagpunta rito! ’


Sumunod naman ito at bumalik nga sa dati nitong puwesto kahit halatang naguluhan ito sa kanya. Maling-mali talaga itong pakikipagkita niya rito ng wala sa oras. Wala pa mang ilang minuto silang nagkakasama ay kung anu-ano na ang nangyayari sa kanya.


Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili. Bakit siya nagkakaganito sa isang `to? At ano iyong naramdaman niya kanina nang dumapo ang mga kamay nito sa kanyang likuran? Para siyang kinuryente.


“I’m sorry. ” Nang muling ibaling niya ang kanyang tingin dito ay sinalubong siya ng malungkot nitong anyo. And again, hindi na naman niya napaghandaan `yon. “Akala ko kasi okay lang. Nagsasabi lang naman ako ng totoo at palagi rin naman namin iyong ginagawa sa opisina kahit sa kapwa namin lalake.”


“Okay lang naman talaga. It’s just that, hindi ako sanay na may pumupuri sa aking kapwa ko lalake.” Hindi na naman niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag dito. Pambihira! Hindi na talaga niya maintindihan ang nangyayari sa kanya.


“Sorry.” Nakayuko nitong tugon.


Napabuntong hininga siya sa kawalang maisip kung ano ang gagawin rito. Nagsisimula ng sumakit ang ulo niya. Napaka hirap nitong i-handle at ang masama pa, na-aapektuhan siya sa nakikitang pagkalungkot nito. Kinukulam ba siya nito?


“What kind of coffee do like?”


Nagtaas ito ng tingin. Naroon pa rin ang lungkot sa mga mata nito.


“I’m not mad or anything. Hindi lang talaga ako kumportable kaya nagulat ako. As a proof, ililibre kita ng kape para hindi muna isipin ang nangyari at makapagsimula na tayong pag-usapan ang tungkol sa mga pictures na ibinigay mo sa mga kaibigan ko.”


Dahandahang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito at hayon, sa muling pagkakataon ay nakita na naman niya sa mga mata nito ang kakaibang ekspresyon na nagpapatulala at naghahatid sa kanya ng ibayong kaba.


“Mocha frappe.” Malapad ang ngiting wika nito.


Tumayo siya. Ayaw na niyang pagurin pa ang sarili sa pag-iisip sa kakaibang ikinikilos niya. Ang gusto na lamang niyang mangyari ay ang makuha niya ang pakay rito para matapos na ang lahat at tuluyan ng maghiwalay ang mga landas nila.


“I will just get you your frappe.”


“Gusto mo bang samahan kita?”


“No need.” At agad na nga niyang iniwan ito. Baka magpumilit pa itong sumama at hindi na naman niya magawang makatanggi.





Dala na ni Brian ang Mocha frappe nang bumalik siya sa veranda. Napapailing na lamang siya sa pinaggagawa niya. Nasisiguro niyang kung may isa man sa kanyang mga kaibigan ang makakakita sa kaakaibang ikinikilos niya sa gabing `yon, paniguradong uulanin siya ng tukso.


Malinaw na hindi niya kontrolado ang sarili kapag kaharap niya si Eros. Ngunit ang hindi malinaw sa kanya ay kung bakit gano’n na lang siya na-aapektuhan sa taong `to. Kinikilabutan tuloy siya.


“Here.” Wika niya ng marating niya ang puwesto nila.


“Thanks.” Bakas naman ang tuwa nitong balik.


“So, can we now discuss about the pictures? I don’t have much time. Kailangan ko pang pumasok bukas.” Malaki ang naitulong ng pagkuha niya ng order nito. Medyo naka-relax na siya.


“Sure! Ano ba ang gusto mong malaman?” Ngingiti-ngiti naman nitong tugon.


“Ipinakita sa akin nina Dave ang mga pictures na `yon. Some were taken here while the others were taken in some establishments in Manila. Ayon kina Dave, may trabaho ka at hindi naman pagiging detective ang trabaho mo. So how did you get those pictures?”



“Honestly, it was by accident nang makita ko sila sa isang Mall sa Manila. Agad kong nakilala ang pinsan mo dahil na rin sa involvement niya noon kay Abagail. Out of curiosity, nilapitan ko sila.”


“And?”


“Nagpakilala ako bilang kababayan nila at dating ka-schoolmate ng pinsan mo.” Galing din si Xander sa kaparehong koleheyo na pinapasukan nila ng mga kaibigan. “Hindi niya ako nakilala.”


Hindi na siya nagtataka. Maski nga ang mga kaibigan niya ay hindi agad nakilala ito kahit pa man nasa kaparehong department ang mga ito noon.


“Hindi naging kumportable sa akin ang kasama niya nang malamang galing ako sa kaparehong lugar nila and since may history ang pinsan mo na gumawa ng mga milagro, inalam ko kung sino ang kasama niya.” Biglang naging seryoso ang mukha nito. “That’s when I found out that Cassandra Llemos was engaged to you that time.”


Sa muling pagkakataon ay nakaramdam siya ng galit. Alam rin niyang ideya ni Cassandra ang magpunta sa Manila para maitago ang kalokohang pinaggagagawa nito sa kanya. Kasi kung si Xander lang, nasisiguro niyang ipapangalandakan pa nito `yon.


 “You were in Manila. Paano mo nakuha ang mga pictures nila dito?”


“Tinulungan ako ng kaibigan ko.” Walang pagdadalawang isip na pag-amin nito.


Napakunot-noo siya.


“Tinulungan? Ano ang napala niyo sa ginawa niyong  `yon and why did you go that far? Hindi naman tayo magkakilala.” Gusto niyang hulihin ito. Hindi siya gaanong kumbinsido sa mga narinig dito.


“Nothing. Gusto lang namin makatulong at gusto ko lang makabawi nang hindi kita matulungan noon kay Abigail.”


“Kung gano’n, bakit sa mga kaibigan ko pa naisipan mong ibigay ang mga pictures na `yon? Bakit hindi na lang sa akin? Ako naman ang gusto mong tulungan hindi ba?” Nanunubok niyang tanong rito.


Nagbaba ito ng tingin.


“Gusto ko rin kasing ipakilala ang sarili ko sa kanila na alam kong mangyayari dahil sa ginawa kong pagbibigay ng mga pictures na `yon.”


Ito marahil ang sinasabi ni Dave na binuksan nito ang curiosity ng kanyang mga kaibigan.


“So are you saying that giving those pictures to my friends has a double purpose? Na hindi lang para matulungan ako kung hindi para rin makuha mo ang atensyon ng mga kaibigan ko?”


Nakayuko itong tumango.


“Bakit?”


Nagtaas ito ng tingin at deretsong tumitig sa kanyang mga mata.


“Gusto ko kasing mapalapit sa’yo sa tulong ng mga kaibigan mo.”


Literal siyang napanganga sa sinabi nito


“Malaki kasi ang posibilidad na kung sa’yo ko agad ibinigay ang mga pictures na `yon, hindi mo na pag-aaksayahan ng oras na harapin o kilalanin man lang kung sino talaga ako.”


“B-Bakit intersado kang mapalapit sa akin?” Alam niyang isang malaking kahibangan na nagtanong pa siya ng gano’n dito pero huli na para bawiin pa niya `yon.


Binigyan siya nito ng nahihiyang ngiti.


“Kasi una pa lang kitang makita sa eskwelahan, nagka-crush na agad ako sa’yo.”


Kung kanina ay literal siyang napanganga, ngayon naman ay wala siyang mapiling pwedeng maging reaksyon sa narinig dito. Wala pa siyang nakikilalang tao na hayagang ipapaalam ang paghanga nito sa isang tao si Eros lang and honestly, he was astonished by it.


“Pero syempre hanggang doon lang `yon.” Muling usal nito na sinamahan pa nito ng alanganing tawa. “I’m well aware naman na hindi ka intersado sa kapwa mo lalake. Sinabi ko lang sa’yo ang totoong nararamdaman ko at para na rin klaruhin na wala akong kinalaman sa ginawa nina Xander at ex-fiancé mo sa’yo.”


Hindi pa rin niya nagawang makatugon rito. Nanatiling napako ang kanyang tingin sa taong kakaiba sa lahat ng mga nakilala niya.


“Hindi mo naman siguro mamasamain ang sinabi ko di ba?”


There was a hint of hopefulness on that question na nagawa siyang mapatugon.


“O-Ofcourse.”


‘Pambihira! Ano ba itong pinasok ko?’


Muling sumilay ang napakagandang ngiti sa mukha nito na tila ba isang napakalaking bagay rito ang simpleng sagot niyang `yon.


“Salamat. Akala ko tuluyan ng matatapos itong pagkikilala natin.”


Iyon naman talaga ang balak niya. Ang tapusin na ang kung ano mang kaugnayan nito sa kanya at mangyayari na `yon. Tama si Dave, wala itong kinalaman sa kalokohan ng kanyang pinsan.


Binalingan niya ang kanyang relo.


“I think I better go. Maaga pa ako bukas sa opisina. Thanks for clearing things out at pasensiya na rin kung napaghinalaan kita.” Kailangan na niyang makalayo rito sa lalong madaling panahon.


“Sasabay na ako sa’yo sa labas. Kailangan ko na ring umuwi. Hindi ako nakapagpa-alam sa bahay.” Tumayo na rin ito saka dinampot ang Mocha frappe na binili niya. “Sa daan ko na lang uubusin `to.” Dagdag pa nitong wika na nakangiti.


Tango lang ang ibinigay niyang tugon rito. Nagiging uneasy pa rin siya sa tuwing ngingiti ito sa kanya. Wala naman siyang makapang pagnanasa sa mga ngiti nitong iyon sadyang hindi lang niya maipaliwanag kung bakit gano’n ang epekto niyon sa kanya.


Nang makalabas sa coffee shop ay agad na in-unlock ni Brian ang kanyang sasakyan. Saka niya binalingan si Eros.


“Paano? Mauna na ako sa’yo.” Paalam niya rito.


“Sige. Mag-iingat ka na lang sa pagmamaneho at salamat sa frappe.”


“No probs.” Tugon naman niya saka na siya humakbang para tunguhin ang kanyang sasakyan. Sa wakas ay natapos rin ang nakakagimbal na gabing `yon ng buhay niya.


In-start na ni Brian ang kanyang sasakyan at akmang i-aatras na niya iyon nang makita niya mula sa rearview mirror si Eros sa kabilang kalsada. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay.


“Wala ba siyang dalang sasakyan?”


Napailing na lamang siya saka tuluyang in-atras ang sasakyan pero imbes na pakanan ang pag-atras niya ay kusang nagmaniobra ang kanyang kamay pakaliwa at natagpuan na lamang ang sarili sa tabi nito. Agad niyang ibinaba ang bintana.


“Hindi mo ba alam na kapag ganitong oras na ay wala ng jeep na dumadaan sa kalsadang ito?” Wika niya rito.


Yumuko naman ito para sumilip sa kanya.


“Ay, hindi na ba? Saan ba ako dapat sasakay?” Nakangiti naman nitong wika.


‘At talagang nagawa pa niyang matuwa.’ Piping naisambit niya. Hindi na talaga niya alam ang gagawin sa isang ito.


“Never mind. Sumakay ka na lang at ihahantid na kita.” Naiinis siya sa kanyang sarili. Kanina lang ay gusto na niyang tuluyang makaiwas rito pero heto siya ngayon at nagkukusang ihatid ito. Nagiging inconsistent na siya.


“Ihahatid mo ako?” Bigla na namang bumakas ang excitement sa mukha nito. “Sigurado ka?”


“Mukha ba akong hindi sigurado? Halika na.”


Malapad ang ngiti nang pumasok ito sa kanyang sasakyan. Napapalatak na lamang siya sa mga nangyayari sa kanya. Siguro naman, hindi masamang bagay ang ihatid ito. After all, ito na ang huling beses na magkikita sila nito.





‘Salamat sa frappe at sa paghatid. Mag-iingat ka pauwi.’     


Hindi maintindihan ni Brian kung bakit pagkabasa niya ng text na `yon ni Eros ay agad rumehistro sa isipan niya ang nakangiting imahe nito na kahit anong gusto niyang palisin `yon ay hindi niya magawa. Napabuntong hininga na lang tuloy siya.


“Kanina ka pa panay pakawala ng malalim na buntong hininga, ah. Sigurado ka bang ayos ka lang?”


“Ayos lang ako.” Tugon niya na hindi man lang binabalingan ito. Nanatiling nakapako sa kanyang hawak na cellphone ang kanyang tingin.


“Kaninang umaga, nadatnan kita sa opisina mo na mukhang pinagsakluban ng mundo. Ngayon naman, dumating ka rito na wala sa sarili at nakatulalang nakikipagtutukan diyan sa cellphone mo. Hindi normal `yan sa’yo. Dapat ko na ba tawagan sina Dave?”


Sa puntong `yon ay napabaling na siya rito.


“Napaka-concerned mo naman sa akin. Kinikilig tuloy ako.” Pilit niyang pinasigla ang boses. Wala siyang balak ibahagi kahit kanino ang nangyayaring kakaiba sa kanya.


Mataman siya nitong pinakatitigan. Iyong klase ng tingin na tila ba inaarok siya nito.


“Tumatapak ka lang dito sa Seventh bar kung may kasama ka. At ang pagdating mo ngayon ng walang pasabi at mag-isa ka lang ay hindi mo normal na gawain.”


Pagkatapos niyang maihatid si Eros sa bahay nito ay natagpuan niya ang sarili sa Seventh bar. Ang bar na hinahawakan ni Red. Nagbabakasakaling maililihis niya ang kanyang isipan sa pagkabagabag kay Eros. Pero kahit ang magandang ambiance at presensiya ni Red ay hindi nakatulong na mawala ang imahe ng taong masasabi niyang binulabog ang kanyang buong systema.


Dapat nga ay natutuwa siya ngayon dahil tulad ng sabi ni Dave, nabawasan na ang mga taong proproblemahin niya at sisentensyahan. Pero imbes na `yon ang mangyari parang lalo pa yatang lumala ang sitwasyon dahil binabagabag siya ngayon ng imahe ni Eros sa kanyang isipan.


“Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang dalawin ako sa opisina ko? Na-miss lang kita bigla kaya naisipan kong puntahan ka rito. Tsaka gusto ko ring makalibre ng inum ngayon.” Nakangisi niyang tugon rito.


“Pareho talaga kayo ni Dave.” Napapailing nitong wika. “Ang hirap niyong kausapin.”


“Ganyan talaga kapag mga guwapo.” Ngingiti-ngiti naman niyang tugon. “Bakit ikaw lang mag-isa rito? Asan ang mga kabaro mong kasing ligalig ko?”


“Bukas pa susulpot ang mga `yon. Minamadali pa nilang tapusin ang mga commitment nila sa buwang `to para magkaroon sila ng mahaba-habang bakasyon.” Tugon naman nito.


“Excited na rin pala sila sa paparating na pasko.” Tatango-tango niyang sabi.


“Gusto nilang kumpletuhin ang simbang gabi.” Nakangiting wika ni Red. “`Yon din ang gusto ng mahal ko.”


“Mahal? Hanggang ngayon uso pa rin sa inyo ni Dorbs ang baduy na endearment na`yan? Gees!”


“Hindi mo pa kami ma-iintindihan sa ngayon. Pero oras na makilala mo ang taong mamahalin mo, tuluyan mo ng makakalimutan ang salitang baduy.”


“Ni minsan ba pare hindi mo naisipang kaliwain si Dorbs?” Out of nowhere ay naitanong niya. “Kilala kang batikan sa mga babae noon. What made you settle for Dorbs?”


“Kapag narinig ni Dorwin `yang tanong mo, nasisiguro kong hindi ka lang niya itatakwil bilang kaibigan, baka pugutan ka pa niya ng ulo.”


“Alam ko. Pero curious lang ako. Ano ba ang meron sa pag-ibig na `yan at nagagawa niyang maging faithful ang isang tao?” Tanong niya.


“Si Dorwin ang taong bumago ng buhay ko. Siya rin ang kumumpleto sa akin at nagparamdam kung gaano ako ka importante. Walang rason para maghanap pa ako ng iba. Masaya na ako sa kanya. Tungkol naman sa tanong mo sa pag-ibig. Wala pang konkretong sagot kung bakit gano’n na lang ang epekto niyon sa isang tao. Ang tanging alam ko lang, basta tunay na pagmamahal ang nararamdaman mo, ay awtomatikong aayusin ka ng pagmamahal mong `yon para maging karapat-dapat sa taong pinili mo.” Mahaba nitong wika.


“Wow! How deep!” Ngingisi-ngisi niyang naiwika. “At sa sobrang lalim, muntik na akong malunod.”


“Tarantado!”


Sabay sila nitong nagkatawanan.

                                                                                                                                                                           
“So, ibig sabihin ay hindi ako mahal ng mga babaeng nakarelasyon ko kaya nila naisipang gaguhin ako. Ang saklap naman niyon.”


“Dahil mali ang mga taong pinili mo.” Maagap nitong tugon. “At kung gusto mo talagang makatagpo ng taong magmamahal sa’yo, dapat marunong ka ring magparamdam ng pagmamahal. Hindi `yong pakakasalan mo lang ang isang tao dahil gusto mong magkaroon ng katuwang.”


“Sinasabi mo bang may mali rin ako kaya ako nagawang gaguhin ni Cass? Hindi ko naman `ata matatanggap `yan. Halos ibigay ko na lahat sa kanya.”


“Binusog mo lang siya sa material na bagay, Brian. Kahit sino ay kayang tapatan `yon. Pero kapag  totoong pagmamahal at pagpapahalaga ang ibigay mo sa isang tao, walang sino man ang kayang pumantay niyon.”


“Masyado ka `atang makata ngayon pare. Sign of aging naba `yan?”


“Gusto lang kitang maliwanagan. So now tell me, sino `yong kasama mo sa Keros Café kanina?”


“A-Anong pinagsasabi mo?” Kahit nagulat ay sinikap niyang magmaang-maangan.


“Nakalimutan mo na bang kita sa bintana ng opsina ko ang veranda ng coffee shop nina Nico o sadyang hindi mo lang inaasahan na sisilip ako doon?” Nakangisi nitong tugon.

Paano pa siya makakapagsinungaling ngayon? Pambihira talaga.


“Iyon `yong  taong sinasabi nina Dave di ba? `Yong admirer mo.? Nakipag-date ka sa naya?” Wika ulit nito na bakas ang panunukso.


“Tigilan niyo nga ako sa adma-admirer na `yan! Nag-usap lang kami! `Yon lang!”


“Ano naman ang pinag-usapan niyo para bigla kang maging defensive ng ganyan?” Pangungulit pa nitong lalo sa kanya.


“Tigilan mo ako Red.” Nagbabanta niyang sabi. Nagpunta siya roon para libangin ang sarili hindi para ulanin ng tukso.


Nagkibit balikat ito saka hinugot ang cellphone mula sa bulsa.


“A-Anong gagawin mo?” Nataranta niyang tanong rito.


Nginisihan siya nito ng nakakaloko.


“Since na ayaw mo namang magkwento sa akin, hahayaan kong si Dave ang pumilit sa’yo.”


Mabilis niyang inagaw rito ang cellphone nito.


“Magku-kwento na ako!”





Itutuloy:

45 comments:

Reymond Lee said...

FIRST! basa mode!

TheLegazpiCity said...

hahaha...ang kulit!!!

Unknown said...

hahaha oh my gawd. Nadagdagan lalo ang excitement ko. Labyu Eros! Yanigin mo pa si Brian! And oh,namiss ko c Red,the hero,the lover,the friend. Thanks po dito kuya Zeke! Sana wala kang hang over :D

Anonymous said...

ang pagiging inosenteng prangka s what makes eros unique sa ibang mga characters sa mga stories ni sir Z.

at dahil jan nganga lage c boremeo pag nagkaka harap cla.

TC99M

Reymond Lee said...

pasok sa banga! damn you zeke! its just uhhh. i dunno what to say. emotions are being kept here.i'm just wondering till when our main character stop clamming out?kakagigil!exciting as ever!

Anonymous said...

haha,.. umiibig na ang kuneho.. :D

-jec

Unknown said...

Nalintikan na..hehehe..nakakatuwa tyak to..kinikilig tuloy ako hehe..
next na plssss...

Anonymous said...

Hahaix bitin hehehehr



Franz

Reymond Lee said...

grabe!bryan is clamming out!denial to death haha!di na baleng maputulan ng tootoot wag lang mabuking haha!

Unknown said...

lagot ka brian haha




pengeng unan..kinikilig ako =))

Richie said...

Ang bilis ng update. Grabe wala talaga boring na moment habang ngbabasa ako lalo ako na eexcite sa susunod na mangyayari...

Zee said...

I Love it Kuya Idol! :D and I Love how you incorporate quotes like senteces to what they're saying! :D Keep it up KUYA IDOL! :D

Anonymous said...

ughhh.. RED made so much sense in this chapter.. it's annoying and frustrating...

bon-bon said...

Oh yeah :D kahit may exam bukas talagang inuna ko pa to. Haha


- kinikilig ako ;) ang kyut2 ni brian .. Haha

Anonymous said...

Galing! Excited for the next chapter :-)

- nathanjohn

Anonymous said...

Done. XD Can't stop laughing. Grabe. Napakaaga pa para magbigay ng haka haka. Andaming pwede mangyare.Cry

Lexin said...

Yown oh! Di lng si red ang makata..
Pati si otor.. My pinaghhugutan? Hehe..
Next chapter na supah ace!

Unknown said...

"kasi una pa lang kita nakilala crush na agad kita"


wew. . natuwa ako sa line na to...pero bitin.

Anonymous said...

Haha. Ayun! Sure akong magiging maamong tupa si Boromeo kay Eros pag naging sila. That kuryente when eros touch his back. Alam na! Haha

~Jayvin

Anonymous said...

Kahit ilang beses ko nang naencounter ang mga ganitong eksena sa mga previous stories mo, kinikilig parin ako! Hahaha.. ang mga kuryente factor, ang mga kaba factor at mga hindi maipaliwanag na pakiramdam!!! Hahaha its so great to know that brian is on the right track! :) sipagin kapa zekey please!!! Chapter 6 na po!!! :) see you.

Pat
Tagasubaybay

Anonymous said...

ahaha! Si red & dave na ang pinaka-chismosong lalake nakilala ko (kilala talaga) haha. Daig pa ang the buzz. Maganda to kasi hindi pademure ung character ni Eros.

- Poging Cord (proven pogi to zeke hahaha)

Zildjian said...

Kapag may kumontra, pa-salvage natin. hehe

Reymond Lee said...

zeke,bat ganon!?kailangang yummy ba talaga pag mabantot ang name? (Borromeo) hahaha!

Anonymous said...

haha..nakakakileg ang mga lolengs!!haha

infairness, gusto q ung mga advices ni red ke boromeo!^^
namiss q cla ni dorbs!hehe

-monty

Anonymous said...

Hahaha tamang tama ung timpla yung may kilig pero ayaw mo tas ung moment na prang di okay sa knya tas masasad ka napaka natural lang tlaga! Iloveit. Haist sarap din talaga pag naiinlove sa tamang tao at sa tamang panahon .. agaimntnx sir more more. :-) :-) :-) God Blessednyou always. And you can do it. Fight!

-marc

:-)

Anonymous said...

nakakahawa din pala ang barkada hehe. ang straight bumabaluktot na. kaya ayan, c brian susunod na s daan ni dave. pag ibig talaga, napakahiwaga. thanks sa update. kelan po ang kasunod?

bharu

luilao said...

Me update naaaaaa.. Yesh!! Kilig to d bones na ako.. Chapter 5 pa lang hahaha..

Migz said...

Haist, I really enjoy reading stories like this.. It's kind of cliche, but who cares, it is a really great cliche.. This is really a stress reliever.. Great Writing Ezekiel... :-)

slushe.love said...

Kahit talaga ako nagugulat sa pagiging straight-forward ni Eros. haha :) Kalerks! Natutuwa ako sa effect nya kay Brian. haha

russ said...

baliwan talga ang barKADA nito sir Z hehehe..

Unknown said...

kailangan pa kasi takutin ni Red para mag kwento... yan na nga ang sinasabi ko eh... nagsasalita ng tapos then ngayon natutuliro...

Anonymous said...

Idol.

-james

MARK13 said...

Love it,hahaha :D

Anonymous said...

update pa. nanakakathrill ang mga nangyayari. saya talaga pag light lang ang story at kilig kilig lang.

Ryge Stan said...

hahaha nakakaaliw naman tong si Brian ayaw pa kasing tanggapin e. Pinagtitinginan ako dito sa office kasi panay ang tawa ko ng malakas.

Jace said...

Chapter 5...

hahaha... yung Feeling na habang nagbabasa ka naiisip mo yung mga reaction ni Bryan... hahaha.. lalo na nung magtetext na si Red kay Dave... natatawa talaga ako habang binabasa ko toh... pero nandun pa din yung Kilig part...

great Chapter Idol... next na!! :D

-SupahMinion

manila_sex_actor said...

sweet talaga ang story ni ito...

Yhad S. Beucharist said...

Ganda at may natutunan ako ngayun.

Anonymous said...

-GRABEH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! KINIKILIG AKO!!!!!! LALO NA YUNG FACT NA DI MO MADENY NA MAY NARARAMDAMAN NA TALAGA SI BRYAN KAY EROS....... at BRYAN!!!! -"KAKAIININ MO RIN ANG MGA SINABI MO"..... haha.... palapit na ng palapit ang CLIMAX NG STory!!!!!

- Kuya Z Salamat pla sa posting ng chap 5 kahit busy ka po..... pinipilit mo po talga!!!!
I really love the flow of the story......haha lalo na at INDENIAL PA SI BRYAN!!!!

-- GRABE..... you can really turn our imaginations upside down kuya.... lalo na at di namin maanticipate ang next na mga Mangyayari.... but ANYWAY!!!! ANG HAPPY KO!!!! (BLUSH XD)

- KJ..... kuya nakalimutan mo po ako na greet.....hmmmp

Anonymous said...

hahahah... MAGKUKWENTO NAMAN PALA, NAGSISINUNGALING PA... :) grabe ang ganda tlga ng flow ng story.. nakakadala... :)


-eusethadeus-

James Chill said...

Hahaha... Andami kong tawa nabilang ko... Galing ng chapter na ito... I was happy being single at kinikilig ako sa chappy na ito... And now I wanted to have a "red" in my life na.. Haha... Good Job mr. Zeke

Anonymous said...

Haaaaaaaays. Masabi nga un sa partner ko. hahahaha.
Nice chapter boss. Woooott!!!

-PanCookie

Anonymous said...

it makes me feel inlove hahaha kinilig ako hahaha


jubert

Unknown said...

Nice again! What can I say? Very clear at wlang paliguy-ligoy ang pglalahad!

Unknown said...

nko naman ngayon ko lng nabasa ang chapter na to..kuya zekiel... kinikilig pa rin ako... hayyyy

Post a Comment