Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Maraming salamat ulit sa mga taong nagbigay ng kanilang oras para basahin ang Chapter 02 ng 9 Mornings. Sobrang nakakagana ang mga comment niyo guys kaya hayaan niyong batiin ko kayo.
Raymond Lee, Allen RN, Jheslhee Oracquio, PanCookie (na maganda ang pangalan), Bon-Bon (yow!), Dev Nic (Baby Vampy), Luilao, Tzekai Balaso, Roan (Nice name din), Chubbz, Rheinne, Jubert, Kimbelnel, Bobby Evasco, Mhi Mhiko, Jemyro, Mark13, Lawfer (Formless Cat), Chie, TheLegazpiCity, Monty, JayJay (Minion), Christian Jayson, Pat (Tagasubaybay), Jayvin, Jake Wong, Bharu, at syempre kay Robert_Mendoza
Salamat din sa mga Silent Readers at Anonymous sa pagbibigay ng panahon sa k’wentong ko!
Naway magustohan niyo sana ang Chapter na ito guys! Enjoy reading!!! INGATZ!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Nakapako pa rin ang tingin ni Brian sa lalaking hanggang sa mga oras na iyon ay nakatingiti’t nakatutok rin sa kanya ang mga mata. Hindi niya maintindihan ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Ni minsan ay wala pang taong nagawang pakabahin siya ng gano’n na animoy nasa bingit siya ng kamatayan. And what’s this feeling na para bang dapat ay lumayo siya rito. Sino ba talaga ito?
Humakbang ito na hindi binabawi ang pagkakatitig sa kanya at ilang sandali lang ay nasa harapan na niya ito. Muli itong nagpakawala ng isang ngiti sabay lahad nito ng kamay sa kanya.
“Hindi ko inaasahan na makikita pa ulit kita. How are you Mr. Ramirez?” Usal nito.
Aaminin niyang naestatuwa siya una pa lang dumapo ang mga mata niya rito. Pero mas lumalala pa iyon nang magkalapit ito sa kanya. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso at lalong naghari ang nakakatakot na pakiramdam niya para dito.
‘Who is this guy?’ Di niya maiwasang maitanong sa sarili habang parang tanga na nakatunganga rito.
“Ehem!”
Sa ginawang iyon ni Dave ay tila ba bigla siyang natauhan o mas tamang sabihin na tila bigla siyang nahimasmasan. Awtomatikong napakurap siya at napatingin sa nakalahad nitong kamay. Nagpa-panic niyang in-abot iyon.
“Ah… Eh… Hi?” He lost it. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nagkagano’n. Sanay siya sa pakikiharap sa kahit na ano mang uri ng tao. Matataas man ang antas o hindi. Bakit siya nagkagano’n?
“Naku! Mukhang nagugutom na talaga itong kaibigan namin. Pasensiya kana, Eros.” Biglang salo sa kanya ni Chuckie sabay akbay nito sa kanya. Ni hindi nga niya alam kung kailan at papaano ito nakalapit sa kanya ng hindi niya napapansin.
Bakas man ang pagtataka sa mga mata ng kanilang bisita, ay nagawa pa rin nitong ngitian siya.
“Hindi pa rin pala nagbabago si Mr. Ramirez. Natutulala pa rin pala siya kapag hindi maganda ang pakiramdam niya.” Muling wika nito habang sa kanya nakatingin.
Awtomatikong nagsalubong ang kanyang kilay at binigyan ito ng nagtatanong na tingin.
“Siguro hindi mo na ma-aalala pero minsan na rin kitang sinubukang kausapin noon way back college. But it seems na malalim ang iniisip mo at sa sobrang lalim niyon, hindi mo ako napansin.” `Di pa rin nawawala ang ngiti nito.
“It’s one of his bad habits.” Ani naman ni Dave. “But anyway, gutom lang `yan. So we might as well save the kamustahan part, we have a lot of time for that. Let’s proceed with the dinner. Brian bought us some foods. Hindi kasi namin siya agad nasabihan sa imbitasyon ko sa’yo kanina kaya hindi siya masyadong nakapaghanda. Kadarating lang din niya galing opisina.”
“Sorry for the trouble.” Hinging paumanhin nito sa kanya na tinugon lang niya ng isang alanganing ngiti. Hindi niya magawang makapagsalita na para bang biglang nag-shutdown ang utak niya.
Nanatiling tahimik si Brian habang nagsisimula na silang kumain. Panaka niyang sinusulyapan ang bisita nila na masayang nakikipagkuwentohan sa kanyang mga kaibigan. Hindi pa rin nawawala sa kanya ang kakaibang hatid ng presensiya nito sa kanya ngunit ang mas ikinatataka niya ay kung bakit gano’n ang nararamdaman niya.
He’s used to mingle with different kind of people. Madali siyang makapag-adjust dependi sa taong kahaharapin niya at wala pang tao na nagawa siyang i-intimidate. Pero sa lalaking ito, presensiya pa lang nito ay nagawa na siyang pakabahin.
Ayon sa kanyang mga kaibigan, dating kasamahan ng mga ito sa engineering department ang lalaking kanilang kaharap ngayon. Pero ano ang nangyari sa magulong buhok, tila hindi nadaanan ng plantsa na damit, mukhang ermitanyo, at walang sense of fashion na tinutukoy ng mga ito? Bakit hindi iyon ang nakikita niya ngayon? Bagkus, kabaliktaran sa mga narinig niya ang lalaking kaharap nila. Ito ba ang malaking pagbabagong sinasabi ni Dave?
“So why did you transfer to another school? May Manufacturing Engineering naman sa dati nating skwelahan, ah.” Ang naitanong ni Vincent.
Nagpakawala ito ng isang ngiti bago sumagot.
“I just wanted to have a new environment na magbibigay sa akin ng pagkakataon para mabago ko ang sarili ko.”
“At hindi `yon kayang maibigay ng dati nating eskwelahan?” Takang tanong naman ni Chuckie.
“Nakatatak na sa mga tao sa dating eskwelahan natin na isa akong lampa, hindi marunong manamit at isang katawa-tawa. Kaya kahit subukan ko pang magbago, nasisiguro kong lalo lang nilang ibabaon ang moral ko. Kaya mas manabuti ko na lang na mag-transfer.”
“And I can see that you’ve finally succeeded.” Wika naman ni Dave. “You’ve change a lot. Muntik na kitang hindi makilala.”
“Tama.” Magkasabay namang pagsang-ayon nina Vincent at Chuckie.
Muli itong nagpakawala ng matamis na ngiti sa kanyang mga kaibigan.
“Kayo rin naman, Malayong-malayo na kayo sa dating pagkakakilala ko sa inyo. Specially you, Renzell Dave. Am glad that you’ve finally met your match sa katauhan ni Alexis Vanzuela.”
Kita niya kung papaano rumehistro sa mukha ng kanyang kaibigan ang pagkagulat pero agad nito iyong pinalis.
“Sinuwerte nga ako sa isang `yon.” Sa halip ay nakangiting wika ni Dave rito. “I didn’t expect though na kilala mo si Alex ko.”
“Not personally. May nakapagbalita lang sa akin na ang mailap na si Renzell Dave ay tuluyan ng napaamo ng dating manager ng seventh bar.”
Kita niya kung papaano magpalitan ng tingin sina Chuckie at Vincent.
“Napaka-reliable naman ng source mong `yon. To think na kaya niyang maibigay sa’yo ang buong pangalan ni Alex pati ang dating pinagta-trabahuan niya.” Pagsali niya sa usapan.
“Mukhang tuluyan ng nawala ang gutom mo, ah. Nagagawa mo na ulit magsalita.” Nakangiti nitong wika. Wala siyang mabakasang pang-aasar sa ngiti o tono ng boses nito. Bagkus, parang ikinatuwa pa nito ang pagsali niya sa usapan.
“Hindi ko itinatago sa publiko ang relasyon namin ni Alex. So hindi ko na ikinagugulat na alam ng ilan ang relasyon namin.” Muling wika ni Dave. “But is it safe to assume na hindi lang ang buong pangalan ng kasintahan ko ang alam mo sa kanya?” Walang kangiti-ngiti nitong dagdag.
Kilala niya si Dave at kung gaano ka importante rito ang privacy nito at ng mga taong mahalaga rito. Nasisiguro niyang hindi nito nagustohan ang mga posibleng nalalaman ng bisita nila sa kasintahan nito.
“Don’t get me wrong Mr. Nievera. Na-curious lang talaga ako sa mga nangyari sa inyo sa nagdaang taon kaya medyo naging mausisa ako. But rest assured na wala akong masamang intention kay Alex.” Agad nitong paliwanag.
“I’m not that worried. No one would dare to touch him. Alam mo naman sigurong masama akong kantiin, Mr. Cuevas.”
“Who wouldn’t? Halos lahat sa department natin noon ay alam ang bagay na `yan sa’yo.” Nakangiti nitong pagsang-ayon sa kanyang kaibigan.
Napapantastikuhan talaga siya ipinapakita nitong pag-uugali na tila ba kumportableng-kumportable ito kahit sa kabila ng matatalim na salita ni Dave. At ang nagpapabaliw pang lalo sa kanya ay ang napaka-genuine ng pakikitungo nito. Wala siyang mabakasang pagkukunwari. Ni hindi rin ito nag-deny na nangalap ito ng impormasyon sa kanila.
‘Ano ba ang meron sa taong ito?’
Sa may Billiard room sila nagtungo pagkatapos nilang maghapunan. Iyon kasi ang lugar na palagi nilang pinu-puwestuhan kapag sa bahay niya nagaganap ang inuman. Mukha namang intersado sa laro ang kanilang bisita nang magpakita ito ng interes at paghanga sa k’wartong iyon kaya naman agad itong inaya ni Chuckie ng laro habang sila ay nakaupo lamang sa may bar counter at nanunuod.
Alam niyang hindi lamang siya ang napapa-isip sa kakaibang pag-uugali ng kanilang bisita. Kung siya nga na walang ka-ide-ideya sa dating hitsura at ugali nito ay napapantastikuhan dito, ano pa kaya ang kanyang mga kaibigan.
“So tell me, Dave. Bakit mo ako biglang naisipang imbitahan sa inumang ito?” Kapagkuwan ay wika nito habang pumupormang titira. “Honestly, hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito. Na makakadaupang palad ko ang mga taong hinahangaan ko ng husto.” Dagdag pa nito.
“Are you sure na hindi mo alam ang rason?” Nanunubok namang balik tanong ni Dave rito.
Nakangiting napatingin rito ang kanilang bisita.
“May idea na ako. Sa katunayan nga kanina pa ako nagtataka kung bakit hindi mo pa nabubuksan ang tungkol sa bagay na `yon kaya inisip ko na baka may iba ka pang rason ng pagyaya mo sa akin dito.”
“You’re right. Hindi lang dahil sa bagay na `yon kung bakit ko naisipang imbitahan ka. Gusto rin naming maka-kuwentohan ka bilang dati naming school mate.” Tugon dito ni Dave. “I salute you for doing a great job na mabuksan ang curiosity namin patungkol sa’yo, Eros. Great manipulation.”
Natural nagulat siya sa narinig kay Dave pero ang mas ikinagulat niya ay ang naging sagot ng kanilang bisita.
“As expected from you, Dave. You’re as good as your twin when it comes to analyzing things. Walang pinapalampas na detalye. Nalaman mo agad ang pakulo ko.” Nakangiti nitong tugon.
“Parang hindi `ata `yan ang normal na reaksyon ng isang taong nabubuking ang plano. Hindi ba dapat nagpa-panic kana ngayon?” Hindi na niya napigilang magkomento.
“Bakit naman ako magpa-panic? Tulad ng sabi ko kanina, wala akong masamang intensyon kaya wala rin akong dapat ikatakot.”
“Are you saying na out of curiosity lang ang dahilan sa pangangalap mo ng impormasyon sa amin at kay Brian?” Ani naman ni Vincent.
“Hindi ko kayo masisisi kung pinag-isipan niyo ako ng masama dahil sa ginawa ko. Tulad nga ng sabi ko, hinahangaan ko na kayo noon pa man. At `yon ang rason kung bakit naging mausisa ako.”
“Hinahangaan.” Tatango-tangong pag-uulit ni Dave sa sinabi nito.
“Funny but you guys are the ones who inspired me to change. Nainggit ako sa atensyong nakukuha niyo noon. Hiniling ko na sana maging gano’n ako sa visible. That’s why I decided to change.”
Nasisiguro niyang walang tao na nasa tamang katinuan ang hayagang sasabihin ang mga sinabi nito sa kanila. Specially hindi naman ito close sa kanila. Kung sila nga na matagal ng magkakaibigan ay hindi basta-basta naglalabas ng gano’ng klaseng saloobin sa isa’t isa. Pero tila ba baliwala lamang iyon dito
“Nasabi mo kanina na minsan mo na akong sinubukang kausapin noon. Sa totoo lang, kahit anong pilit kong isipin, hindi ko `yon ma-alala. When was that?”
“It was after Abigail and you broke up.” Tugon nito.
“How’d you know about that?” Kunot-noo niyang tanong rito. Ibig sabihin ba ay kilala talaga nito ang pinsan niya at kaaway talaga nila ang taong ito? Walang nakaka-alam noon sa buong campus nila patungkol sa kanila ni Abigial at sa nangyari dahil sa ibang eskwelahan ito nag-aaral.
Hindi agad ito nakatugon. Tila ba sa kauna-unahang pagkakataon sa gabing iyon ay nag-alangan itong magsalita.
“Easy, Brian. Hindi natin siya kaaway.” Biglang wika ni Dave na ikinataka naman niya. “Sa tingin ko, hindi niya personal na kilala si Xander. Tama ba ako, Eros?” Muling wika ni Dave na sa bisita na nila nakatingin.
“Ah… Eh..” Napapakamot sa ulo nitong paghahanap ng salita. Bakas na rin ang pagkabalisa sa mukha nito.
“Dati mo ng alam ang relasyon ni Brian at Abagail. Kaya nang malaman mo ang paglabas-labas nito kasama si Xander sa tulong syempre ng pinsan mong nasa kaparehong eskwelahan nito agad mong sinubukang sabihin `yon kay Brian. Kaya ka nagkalakas ng loob na lapitan siya noon.” Si Dave ulit.
Inubos muna nito ang laman ng hawak na bote ng beer bago muling nagpatuloy.
“Pero kinulang ka ng lakas ng loob. Nagawa mo siyang lapitan pero hindi mo nagawang sabihin sa kanya ang nalaman mo kaya naman naunahan ka ni Vincent.”
Nakayokong napatango na lamang ito bilang pagsang-ayon.
“T-Teka.” Naguguluhan siya sa mga narinig. “Anong pinagsasabi mo Dave?”
“That you found yourself a secret admirer.” Nakangisi namang tugon sa kanya ni Vincent na nasa kanyang tabi. Tumayo pa ito at nilapitan ang kanilang bisita saka inakbayan. “The very reason kung bakit maraming alam itong si Eros patungkol sa’yo.”
“It’s good to know na hindi ka kaaway, Eros.” Nakangiti namang wika rito ni Chuckie.
Nakatulala lang siyang nakatingin sa mga ito. Ano ba ang nangyayari? Hindi na siya makahabol sa usapan. At ano ang ibig sabihin ni Vincent sa mga sinabi nito?
“Ang saya `no?” Ngingisi-ngising untag sa kanya ni Dave.
Sumabay si Chuckie kay Vincent sa paghahatid sa bisita nila na masasabi niyang tuluyan na ngang kinawilihan ng kanyang mga kaibigan. Habang si Dave naman ay nagpa-iwan. Marahil ay alam nitong marami siyang katanungan dito.
Naguguluhan siya. Malinaw na hindi itinuturing na kaaway ng kanyang mga kaibigan si Eros Drake Cuevas ayon narin sa ipinakitang pagkawili ng mga ito rito. Pero hindi lamang ang mabilis na pagka-absuwelto nito ang gumugulo sa kanya kung hindi pati na rin ang mga binitiwang salita ni Vincent kanina.
“Pinanindigan mo talagang i-zipper `yang bibig mo, ah.” Pukaw sa kanya ni Dave sabay abot nito ng beer sa kanya. “Hindi tuloy naging kumportable sa’yo si Eros.”
Napatingala siya rito para lamang makita ang mapanuksong ngiti nito.
“What the hell is going on Dave?” Talagang hindi na siya natutuwa sa nangyayari. Pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang naiiwan siya sa mga nangyayari.
“Hindi pa ba obvious? Mali tayo ng sapantaha kay Eros. Hindi siya kaaway tulad ng unang inisip natin. Gusto lamang niyang magpapansin at makatulong sa’yo.”
Umupo ito sa kanyang tabi.
“He’s an interesting one. Nahalata mo naman siguro ang kakaibang pag-uugali niya di ba? Napaka- genuine ni wala akong mabakasang pagkukunwari. ”
Hindi lamang pala siya ang nakapansin sa pag-uugali nito.
“Kayo lang ang intersado sa kanya.” Nakasimangot niyang tugon rito.
“Too bad. Mukha pa namang malakas ang tama ng isang `yon sa’yo.” Nakangisi nitong tugon.
Nahihintakutan siyang napatingin rito.
“A-Ano ang pinagsasabi mo?”
“Gusto kong masiguro ang pakay niya kaya nga sabi ko sa’yo may susubukan ako ngayong gabi di ba? Nang matanggap pa lang namin ang mga pictures mula sa kanya, inalisa at inalam ko na lahat ng bagay tungkol kay Eros. Doon ko napag-alaman ang lahat ng mga narinig mo kanina.”
“Na isa siyang stalker?” Iyon lang ang tanging salitang naisip niya sa mga narinig kanina patungkol kay Eros.
“Stalker?” Natatawang pag-uulit ni Dave sa kanyang sinabi. “Hindi ba pwedeng admirer lang?”
“Don’t give me that bullshit Dave. Kanina pa ako wala sa mood makipagbiruan. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.” Napikon niyang sabi.
“It’s very simple, Brian. Hindi mo siya kaaway at wala siyang kinalaman sa pinsan mo.” Tugon sa kanya nito.
“Papaano ka naman nakakasiguro? Paano kung inuutakan lang pala tayo ng isang `yon?”
“Napa-praning ka lang. Nakita mo naman di ba? Kung papaano ka niya tingnan, kung papaano siya matuwa sa tuwing sumasali ka sa usapan.”
“Oh c’mon, Dave!” Nahilamos niya ang mukha sobrang frustration. “Hindi ito ang tamang oras para makipaggaguhan ka sa akin.”
“ Hindi ako nakikipaggaguhan sa’yo. Kung ayaw mong paniwalaan na lahat ng ginawa niya ay para makatulong at mapalapit sa’yo, problema mo na `yon. Eros is not your enemy, dapat mo pa ngang ipagpasalamat `yon, eh. Nabawasan ng isa ang sesentensiyahan mo.”
Ano nga ba ang nangyayari sa kanya? Tama naman ang kaibigan niya, dapat ipagpasalamat pa niya na nabawasan ang mga kaaway niya. Bakit hindi pa rin siya matahimik?
“If you want, you can conduct your own investigation, Brian. Hindi kita pipigilan. Kausapin mo si Eros. Alamin mo lahat ng mga gusto mong malaman. Pero ang tanong, magugustohan mo ba ang mga maaari mong marinig sa kanya kung sakali?” Ani pa ulit nito.
Hindi siya nakatugon rito. Paano nga ba niya tatanggapin ang mga maririnig niya sa taong `yon kung sakali? Will he be able to handle it? Wala pa naman siyang karanasan sa mga katulad nito.
“Kaya mo `yan.” Panggagatong sa kanya ni Dave sabay akbay pa nito sa kanya. “Kung hindi mo kayanin, eh, di i-enjoy mo na lang ang gagawin niya sa’yo.” Ngingisi-ngisi pang dagdag nito.
“Gago! Wala akong balak sumunod sa mga yapak mo, `no!”
Nginisihan siya nito ng nakakaloko.
“It was exactly my line bago ko nakilala si Alex. Kaya `wag kang magsasalita ng tapos.”
Itutuloy:
37 comments:
wooohhh..wala kang kupas kuya z...galing mo talaga..
Wala aqng balak sumunod sa mga yapak muh!!!!
Wahahahah
kkainin mu din yang cnb mu brian lols..
Kudos kuya zekkk
Galing galing tlga
#ryan.m
Ang ganda ng flow ng story. :-)
Nyay!! :-) :-) hahah kakatuwa naman si eros at brian hahaha ayaw pa nia aminin haha can't wait na. Nice one magaling ka talaga tulad ngbiba ko pan gustonsa pagsususlat amzing!! God Blessed!:-) :-)
-marc
wow na wow sa eksena!!!
Wew. . d2 na maguguluhan c brian bout kay eros. .secret admirer pa nia c eros wew. . .ang galing mu kuya
zeke. .
Grabe..napatawa mo po ako author ng wala sa oras.... ewann...... namumula ang pisnge ko..... GRABE KINILIG talaga ako.... author suggest ko lang sana di katulad si EROS sa mga dati mo pong story na mahinhin ang mga nililigawan... suggest ko lang naman po na sana SYA mismo ang manligaw .... haha .... anyway kung ano man po ang gusto nyo kayong bahala.... alam ko po na mapapakilig mo po kami kung ano man po ang flow ng story na ito..... pero once again .... CLAP!!! CLAP !!! CLAP.... BRAVO IKAW NA .... IKAW NA ANG MAYJACKET!!!!
-kj
lolx sabi na un mangyayari eh... hahaha
hahaha... next na please... naexcite ako dito daddy zeke... kasi diba fave ko yung 9 mornings mo.... hahahhaa.... go na, next na please!!!! :)
tagal ng next chapter .... hehehehhe :P
makatiboy......
my my!ganyan na ganyan asta ko nung una kong makita ang lalaking minahal ko.parang engot lang haha!kudos zeke.u made the scenario sp real that it blown me away.it's just perfect!NO WORDS!
Hello. Silent reader here for a long time.
first time ko magcomment. xD
NAPAMURA AKO NUNG BINABASA KO TO. Grabe. :)))
Finals week na kasi tapos andaming projects.
Nakawala to ng stress. Hahahaha
Keep it up, sir!
-DondeEstaMichifu
ayiih!!! crush ko na c renzell dave tlga.. :p
Hehehe.. Isang gyera na naman ito.. Gyera ng pagnamahalan. Sir Z tnx s pag.update..
Waaaa. i didn't see that coming na secret admirer pala si Eros. Akala ko talaga kalaban sya. HAHA :) Good One! :)
thanks dto kuya zeke! Ang astig talaga neto hehe! Im loving Eros na and I cant wait to read kung pano ihahandle ni Boromeo ang dilemma ng pagka inlove kay Eros =p
Aww...this is it. This is really it is,yun na yun!!! :D
HAHAHAHA moral lesson ni Dave wag magsalita ng tapos... kaya in-apply niya sa bestfriend niyang PRANING na si Brian... nakakarelate ako kay EROS... ka-abang abang talaga tong Serye mo Zeke... it was a masterpiece indeed!!!! Congrats and Thank you.... mWAh...
kaya fave character ko tong c renzell dave kc wlang kupas sa kabaliwan.
ok lang yan borromeo, in denial ka pa eh.
bibigay ka din at cgradong mas magiging worse ka pa jan sa pagiging ander ni renzell dave.
Yun complete na linggo ko hahaha.. Sana araw2 pasko para me story na ganito.. Hehehe ang galing2 love at first sight.. Weeeeer
worth talaga paghihintay ko..d talaga pwedeng bitawan ang kwento..nice one Z
Waaah!!! Grabe as in! Grabe! Hahaha. Ang cute ni brian, ung ng di-deny syang walang alam oh ng di-deny syang di nya ma absorb ung mga revelation (ni eros). At ang mga pasaway nyang tropa, BOTONG-BOTO! Agad gad!
yaay!! Can't wait sa next chapy kuya zeki. Haha kaw talaga. Sabi ko na na un ung mga nakalap ni dave eh, siniguro nya lang haha. May itatanong sana ako sa chap. Na2 kuya, kaso nasagot na mismo ng chap. Nato. Hehe
PS~ YAN TAYO EH! Deny, deny eh! Haha. Tapos ma-UULOL! :D
~JAYVIN
great
jubert
nyahahaha hindi daw susunod sa yapak ni dave...nku brian... kakainin mo yang mga sinasabi mo... hanep tlga to si kuya Zekiel ohhh next na pls...
exactly my line before i met alex.
hoho amazing.
- Poging Cord
kagabi ko pa sya nabasa pero now lang ako mag comment... ang hirap kasing magcomment sa phone.. XD
----
yung naramdaman nya nung nakita nya si Eros mararamdaman nya lagi pag naging sila na.. hahaha... XD
nice Chapter Idol... ilabas mo na kasi si Eros!! ahahaha!!
next na!! :D
-Minion
Sbi na nga ba eh. Hahaha. Keep it uo boss.
-pancookie
Kaaliw ang reaction ni Brian kay Eros at talaga namang nawawala pa siya sa sarili...ang cute! :)
I am certainly thrilled with the developments in this story.. Nice one author, just keep the curiosity coming..
Wow may bagong kwento na pala.. (^__^)...
Masaya to mr. author maagang pamasko sa mga followers mo....
Next chappy na please.. Hahaha
I really enjoyed this chapter! Sobrang nakakaaliw! Haha! Its Brian's time to shine!!! Eros-Brian tandem, our 9 Mornings couple :-)
Pat
Tagasubaybay
haha!nakakatuwa nmn c brian, parang ewan lang!;D
pero nakakakileg c eros!sana may pic na rin siya pra nmn masaya!haha...
-monty
nice zelie! he he he like na like ung flow ng story mo.
wahahaha nice zild your the best ang galing ng pagakakagawa mo story na to. Ngayon ako nagsisi at ngun ko lang binasa tong story mo hehehe.
Keep it up bro have a great day.
NIce flow and dialouges although isang eksena lng ang pinakita.
ang ganda2 npaka dtelyado lhat ng mga salita n nbsa ko shettttttttt....nag katuluyan pla cla Dave at Alex sang chapter po un??? or my book ba na 2ngkolsa knilang 2?????
renz :)
Post a Comment