Friday, October 4, 2013

9 Mornings Book2: Chapter 02



Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Yow! Masayang-masaya ako na kahit nawala ako ng matagal na panahon ay may mga readers pa rin pala ako. Lalo na dahil sa magandang pagtanggap niyo sa bagong k’wento ko. Kaya maraming thank you kina ––


Bon-Bon, Jheslhee Oracquiao, Dev Nic (Baby Vampy), Pangz, Russ (ever supportive), Migz (Na muling nagbalik), Slushe.Love, Rheinne, PanCookie (Ganda ng name), Chubbz, Mark13, Bobby Evasco, Mhi Mhiko, Reymond Lee, Jake Wong, JayJay, TheLegazpiCity, Jubert Co, Monty, Tzekai Balaso, Jayvin, KJ (Welcome Aboard), Roan (Yow), Luilao, at syempre kay Jemyro


Salamat din sa mga Anonymous na hindi nagbigay ng pangalan at syempre sa mga Silent Readers.


Alam kong medyo malayo-layo pa ang pasko kaya sabay-sabay nating hintayin iyon habang tumatakbo ang k’wento ni Brian. Happy Reading Guys!! Enjoy!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Kay bilis ng panahon. Pitong buwan na ang nakakaraan nang masangkot si Brian sa eskandalong malaki ang naging epekto sa buhay niya. Isang pangyayari na nagturo sa kanya ng maraming bagay at isa na doon ay ang hindi magpadalos-dalos ng desisyon. Ngunit sa nagdaang mga araw at buwan. Hindi nabago ang galit at matinding pagkasuklam niya sa mga taong hindi lamang ininsulto ang kanyang pagkatao kung hindi pati na rin ang kanyang kakayahan.


Aaminin niyang may mga pagkakataon na napapaisip siya kung dapat pa ba niyang gawin ang lahat ng iyon –ang ipaghiganti ang sarili na hindi naman niya ugaling gawin. Subalit sa tuwing ma-aalala niya ang mga kasalanang ginawa ni Xander, biglang nasisindihan ang galit niya para rito. Dapat itong maturuan ng leksyon at walang ibang makakagawa niyon kung hindi siya kahit pa man ang kapalit niyon ay ang pagkasira ng relasyon ng pamilya nito at ng pamilya niya.


“Sir, na-schedule na po ang araw ng Christmas party natin.” Binasag ng kanyang sekretarya ang kanyang malalim na pag-iisip.


Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha.


“Nice! Kailan daw ba?” Sanay ang kanyang mga empleyado sa pagiging palangiti at masayahin niya. Taliwas sa kanyang matalik na kaibigang si Dave na seryoso at pinanatiling professional ang pakikitungo sa mga empleyado nito.


“Sa eighteen sir.” Nakangiti rin nitong tugon sabay bigay sa kanya program.


“Ayos, ah. So, sino ang magiging date mo sa party, Enes?”


“Para namang may pagbabago sir. Syempre ang boyfriend kong kumag.”


Ang Christmas party ng kompanya nila ay hindi lamang para sa mga empleyado. Pwedeng magsama ang mga ito ng kapamilya o kahit na sino mang espesyal sa mga ito. Iyon ang patakaran ng kanyang ama noong ito pa ang namamahala na hindi naman niya binago nang siya na ang humawak.


“Ang tagal na ninyo, ah. Wala pa rin ba kayong balak magpakasal?” Ngingiti-ngiti niyang sabi.


“Hindi pa ho namin napag-uusapan sir. Gusto muna naming siguraduhin kong kami ba talaga ang meant to be. Ayaw naming magpadalos-dalos at baka sa huli, hindi pala namin makayanang panindigan.”


He was taken aback. Tinamaan siya sa mga sinabi nito. Naging padalos-dalos siya na ang naging resulta ay sumira sa pangalan niya.


“I’m sorry sir. I didn’t mean to ––”


“It’s alright.” Agad niyang pagputol rito na nilakipan pa niya ng matamis na ngiti. “Mas maganda ngang pag-isipan niyo munang maigi ang tungkol sa bagay na `yon para hindi kayo matulad sa akin.” Hindi alam ng mga ito ang totoong rason kung bakit siya umatras sa kanyang kasal kaya kung isang taong walang paninindigan ang tingin ng mga ito sa kanya, ay hindi niya masisisi ang mga ito.


“Naniniwala ako na may malaking rason kung bakit kayo umatras sa kasal, sir.”


Napataas ang kanyang kilay sa sinabi nito. Pero hindi nawala ang nakaguhit na ngiti sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nagbibigay ng opinyon ang mga ito patungkol sa kanyang personal na buhay na nakaharap siya.


“Alam kong babaero kayo sir. Pero alam ko rin na sa mga babaeng i-di-nate niyo, wala kayong sinaktan o pinaiyak. Hindi niyo iisiping pakasalan ang isang babae para lang makuha niyo ang gusto ninyo tulad ng bali-balita. Sa guwapo niyong `yan isama pa ang kayamanan niyo,  kahit sinong babae ay gagawin ang gusto ninyo without proposing something that will jeopardize your image in the end.”


Napatawa siya sa deretsahan at walang paligoy-ligoy nitong komento. Hindi niya in-expect iyon sa kanyang sekretarya. But he can’t also deny the fact na hinaplos nito ang kanyang puso. Hindi sa magagandang sinabi nito kung hindi sa senseridad  na nakita niya sa mga mata nito. Kahit pala papaano, may mga tao pa ring kahit hindi man malapit sa kanya, ay nakikita siya bilang isang tao.


“Ayos na sana, eh. Sana hindi mo na lang isinama ang pagiging babaero ko.” Ngingiti-ngiti niyang wika. “But seriously, thanks Enes. You really made my day. Kung wala ka lang boyfriend, baka niligawan na kita. Ang suwerte ng boyfriend mo sa’yo. Hindi ka lang maganda at matalino, marunong ka pang mangilatis ng totoong guwapo.”


“Naku sir, kung wala nga akong boyfriend at niligawan mo ako, baka magpauto nga ako sa inyo. Pero mahal ko ang kumag na `yon, eh. Kaya better luck next lifetime.” Ngingisi-ngisi rin nitong tugon.


“How I wish I could find someone like you Enes.” He was not flirting. Gusto niya talagang makakilala ng isang taong tulad nito.


“Hindi isang tulad ko ang taong kailangan mo sir. What you really need is a person who can bring out the best in you.” Tugon nito. “Sige sir, balik na ako sa mesa ko. By the way, tumawag pala si Mr. Nievera. Hindi ka raw niya ma-contact sa phone mo.”


“Nakalimutan kong i-charge.” Ngingisi-ngisi niyang tugon. “Sino sa dalawang Nievera ang tumawag, si Dorbs ba?”


“Si sir Renzell Dave. Nagpapa-return call siya. Importante raw.”


“Naku, `wag na `wag mong ipaparinig sa kanya na kinukumpleto mo ang pangalan niya at baka masungitan ka ng wala sa oras.”


“Huli na kayo sir. Nasungitan na niya ako dahil hindi ka niya makontak.”


Napangiwi siya. Pambihira talaga ang isang `yon. Walang pinipiling nilalang. Ano na naman kaya ang problema nito at ang kanyang sekretarya pa ang napagdiskitahan?





Habang nagmamaneho at  binabaybay ni Brian ang daan, hindi niya mapigilang mapagmasdan ang mga kumikislap na mga ilaw at mga dekorasyon sa mga establisimento. Pati na rin ang naglipanang tao sa gilid ng sidewalk. Ngunit ang talagang nakakuha ng kanyang pansin ay ang nadaanang tindahan ng mga parol. Unang Lingo pa lang ng Disyembre pero naglipana na ang mga sumisimbolo sa sa paparating na pasko.


Pinatay niya ang air-con ng kanyang sasakyan at ibinaba ang mga bintana. Nang dumampi sa kanya ang kakaibang lamig ng hangin, ay lalong gumaan ang kanyang pakiramdam. Hindi na niya pwedeng ikaila pa na paparating na nga ang araw na hinihintay ng halos lahat ng tao –ang  pasko.


Nang marating niya ang kanyang destinyon at ma-i-park ang kanyang sasakyan ay agad niyang tinungo ang Keros Café. Isang coffee shop na pag-aari ng mga kaibigan ng kasintahan ni Dave. Mag-iisang taon pa lamang naitatayo sa lugar nila ang coffee shop na iyon at masasabi niyang nagsisimula na itong gumawa ng pangalan sa kanilang lugar.


Magiliw siyang sinalubong ng isa sa mga tauhan ng coffee shop.


“Good evening sir. Welcome to Keros café.”


“Good evening. Mukhang pati sa coffee shop na ito paskong-pasko na rin ang tema, ah.” Nakangiti naman niyang tugon rito saka niya iginala ang mga mata sa kabuohan ng lugar. Hindi na siya nagulat pa sa magandang estraktura ng establisimento. It was designed by one of the best architect Rome Ruales.


“Para po mas lalong ma-relax ang mga costumer namin, sir.” Nakangiting tugon sa kanya nito.


“I couldn’t agree more.” Pagsang-ayon niya. “Anyway, is Mr. Nievera happened to be here?” Hindi na bago sa kanya na kapag may usapan sila ni Dave ay ito ang huling dumarating.


“Ikaw ho ba si Mr. Boromeo Ramirez?”


Napangiwi siya sa pagbanggit nito sa buong pangalan niya. Walang hiyang Dave `yon, mukhang napag-trip-an na naman nitong ipamigay ang buo niyang pangalan.


“It’s Brian Ramirez, miss. Nagkamali lang ng pagbibigay ng pangalan si Renzell Dave. Anyway, where is he?”


“Nasa veranda po siya.”


“Thanks.” Alam niya kung saan ang tinutukoy nito. Iyon ay nasa rooftop ng coffee shop. Doon malimit pumuwesto ang mga naninigarilyong costumers.


Nang marating niya ang kinaroroonan ni Dave ay agad niya itong nakita. Abala ito sa pagkakalikot sa laptop nito.


“Akalain mong marunong ka pa lang gumamit niyan.” Nang-aalaska niyang pagbati rito.


Bahagya lamang siya nitong sinulyapan at muli nitong ibinalik  ang atensyon sa laptop.


“Late ka.” Wika nito saka inabot ang bote ng beer na hindi inaalis ang tingin sa laptop.


“Pambihira ka, nasa coffee shop ka nga pero hindi naman kape ang in-order mo. Bakit mo nga pala ako pinapunta rito?”


“Dumating na kaninang umaga si Eros Drake Cuevas. Nagkita na rin kami.” Ani nito.


“Dumating na siya?” Hindi niya naiwasang mapaupo ng tuwid. “So, what happened?”


Doon lamang nito isinara ang laptop at bumaling sa kanya.


“He surprised me big time. He change a lot to the point na muntik ko na siyang hindi makilala.” Walang kangiti-ngiti nitong sabi.


“Physically?” Hindi niya masyadong ma-alala ang hitsura ng Eros na `yon kaya naman hindi niya gaanong maitindihan ang pagbabagong sinasabi nito. “Mukha na ba siyang wrestler? Bastista ba o Steve Austin? Tingin mo ba talo tayo kapag pinagtulungan natin `yon?”


“`Wag kang gago. Hindi `yon ang ibig kong sabihin. Ang tinutukoy ko ay ang ugali niya. Hindi na siya tulad ng dating pagkakakilala namin nina Chuckie sa kanya.”


“Hindi kita maintindihan, pare.” Pagsasabi niya ng totoo. “At ano ang kinalaman ng mga pagbabago niya sa plano ko?”


“Malaki.” Agad nitong tugon.


“Bakit naman?” Takang tanong niya rito.


“Mahirap i-explain kaya in-invite ko siya mamaya para maintindihan mo ang ibig kong sabihin.” Sagot nito.


“Inimbitahan mo siya? Don’t you think it’s too early para magkaharap kami?”


“Maraming katanungan ang nabuo sa isip ko nang magkita kami kanina. At kung tama ang hinala natin na isa nga siyang kaaway, malaki ang posiblidad ng pagkatalo mo sa larong ito. That’s why kailangan mo siyang makaharap sa lalong madaling panahon.”


Kilala niya si Dave. Hindi mahilig sa drastic measure itong kaibigan niya kung hindi kinakailangan. Ibig sabihin, isang mapanganib na tao ang Eros Drake Cuevas na iyon.


“Anong oras ba tayo magkikita-kita at saan?” May tiwala siya rito at alam niyang hindi ito gagawa ng isang bagay na ikapapahamak niya.


“Sa inyo.” Nakangisi nitong tugon.


“S-Sa bahay? Bakit doon?”


“Para walang disturbo. Naisip ko rin na doon na lang sana sa bahay namin pero paniguradong ako ang paghuhugasin at paglilinisin ni Alex sa lahat ng mga magiging kalat natin. Kaya doon na lang sa inyo.”


Pambihira! Dapat ko pa ba talagang pagkatiwalaan ang taong `to?


“Umarte kang wala kang ka-alam-alam mamaya. At panindigan mo rin na hindi mo siya ma-alala. May gusto akong subukan.” Muli nitong sabi.


“At ano naman `yon? Kinakabahan ako sa mga binabalak mo Dave.”


“Ipagdasal mong mali ako sa mga iniisip ko, Brian. Dahil oras na maging tama ako, mag-iiba ang ikot ng mundo mo.”





Hindi pa rin maintindihan ni Brian ang gustong mangyari ng kaibigang si Dave. Lalo pa siyang naguluhan ng mag-oder sila ng mga pagkain para paghandaan ang padating nito mamaya. Nalaman din niya na si Vincent ang nakatokang sumundo rito para dalhin sa bahay niya.


“Isang kaaway ang Eros na `yon. Bakit kailangan nating paghandaan ang pagdating niya mamaya? At bakit kailangan pa siyang sunduin ni Vincent? Napaka-suwerte naman ng kumag na iyon. Kung wala siyang sasakyan, maglakad siya papunta rito sa bahay.” Tuluyan ng sinira ng inaasta ng kanyang mga kaibigan ang araw niya.


“Ang dami mong sinasabi. Imbes na dumada ka riyan at ulanin ako ng reklamo, magbihis kana dahil ano mang oras, darating na ang mga `yon dito.” Nayayamot na tugon sa kanya ni Dave.


“Ano ba ang problema sa suot ko?” Tanong niya rito.


“Mukha kang dadalo sa lamay sa suot mo. This is supposed to be a drinking session with an old schoolmate kaya dapat naka pambahay ka lang. Mahahalatang alam mo na parating siya sa suot mo. Tsaka, hindi mo pa ba naaamoy ang sarili mo?”


“Wow! Nahiya naman ako sa mga panlalait mo sa akin. At ano kamo? Drinking session? Kung isang inuman lang ang gabing ito, bakit kinailangan pa nating mamili ng pagkain at ako pa ang pinagastos mo?”


“Dahil gusto ko. Dapat nga, kasama ako ni Alex ngayon sa probinsiya pero dahil sa wala sa oras na pagdating ng lintik na Eros na `yon, naiwan ako rito. Kaya umayos ka.”


Ngayon, alam na niya ang rason kung bakit pati ang sekretarya niya ay nasungitan nito. Ibang level talaga ang pagkahumaling nito kay Alex. Nasisiraan ito ng bait kapag nahihiwalay sa kasintahan.


“Ano ba kasi ang meron sa Eros na `yon at kailangan pa nating gawin ang lahat ng ito? Akala ko ba aprobado mo na ang plano ko? We can just sit back and watch them lose everything. Ni wala nga sa plano na personal mo siyang pupuntahan at kakausapin, eh.”


“Yeah, I did agree to your plan. Pero iyon ay kapag na-prove natin na kaaway mo nga siya. Ano sa tingin mo ang gagawin sa akin ni Alex oras na malaman niyang ipinatanggal ko sa trabaho ang isang taong wala pa lang kasalanan? Gusto mo bang iwan ako ng isang `yon at matulad sa’yo?”


“Nicollo is there to back you up with information that is needed about Eros. At ayon mismo sa kanya, may hidden motives nga ang isang `yon kung bakit niya kayo binigyan ng mga pictures ni Cass at Xander. Isama mo pa ang ginawa niyang research para makuha ang mga personal emails niyo.”


“Those are just allegations, Brian. Lahat ng ibinibigay sa atin ni Nico ay base lamang sa mga nakakalap niyang impormasyon patungkol kay Eros at sa mga sinabi natin sa kanya. It’s also true na sinabi niyang may hidden motives nga ang Eros na `yon nang mag-research siya at kunan niya ng mga pictures sina Cassandra at Xander but still, we cannot yet say na his motives are against you. It could be the other way around. Kaya nga personal ko siyang pinuntahan para malaman ko kung may kinalaman nga siya sa mga ginawa ni Xander.” Mahabang paliwanag nito.


“Oh, ano ang nalaman mo?”


“Ang kulit mo rin, `no? Di ba sinabi ko sa’yong  maghintay ka sa pagdating niya? Magbihis ka na nga!” Tila napikon na nitong sabi.


Sasagot pa sana siya rito nang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang isa pa niyang kaibigan.


“Seryoso ka ba ang mga sinabi mo sa email Dave?” Agad nitong tanong nang mabungaran sila nito.


“Wala naman akong maalalang may inilagay akong smiley o ‘hahaha’ sa dulo kaya malamang seryoso ako.” Tugon naman ng kaibigan niyang tinamaan ng lintik.


“So, pati ang mga naka-attached na picture totoo rin?”


“Hindi naman siguro siya naka maskara kanina nang magkita kami so malamang totoo ang mga `yon.” Pambihira talaga itong kaibigan niyang `to. Ang praning sumagot.


”Badtrip ka?” Tila nakahalata ng tanong ni Chuckie rito.


“Kanina pa masama ang timpla niyan.” Siya na ang sumagot sa tanong nito. “Teka, ano ba iyang pinag-uusapan niyo?”


“Hindi pa ipinakita sa’yo ni Dave?”


“Magtatanong ba ako kung ipinakita na niya?” Ngingisi-ngisi naman niyang balik.


“Umayos ka Brian.” Nagbabantang wika nito. Sa kanilang magkakaibigan, ito at si Dorwin ang palaging pikon-talo sa kanila ni Dave.


Nginisihan lang niya ito ng nakakagago bilang pagtugon.


“So, darating nga siya ngayon dito. Ilang porsyento ba na tama ka sa hinala mo Dave?”


“Hmmm…. Ninety-nine.”


“Base sa experience o base sa mga nalaman mo?” Si Chukie.


“Both.”


Naguguluhan siyang nagpabaling-baling sa dalawa.


“Ano ang pinag-uusapan niyong porsye-porsyento? Baka pwede niyo akong isali riyan.”


“Come to think of it. Malaki nga ang posibilidad na tama ka kung ang pagbabasehan ay ang mga nangyari. Pero hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan na gano’n kalaki ang pinagbago niya. I was shocked.” Wika ni Chuckie hindi pinansin ang kanyang sinabi.


“`Yon din ang naging reaction ko nang magkaharap kami. But what really caught me off guard is the way he handled himself in front of me. Talagang hindi ko inaasahan `yon.” Tugon naman ni Dave rito.


Abat talagang in-ignora ako ng mga `to, ah!


“Will it turns the table?” Seryosong tanong ni Chuckie rito.


“Probably. Though he excitement.”


“Isali niyo nga ako sa usapan!” Napikon na siya sa dalawa.


“Narito na sila.” Wika ni Dave.


Doon lang niya napansin ang paghinto ng sasakyan sa labas ng kanyang bahay. Agad na tumayo si Dave para tunguhin ang pintuan. Mukhang alam nitong wala siyang balak na tumayo at pagbuksan ang kanilang bisita.


“Sabihan mo na si Manang na ihanda na ang mesa Brian.” Utos nito sa kanya. “And just this time, i-zipper mo ang bibig mo and just go with the flow.”


Walang hiyang Dave `to. Nakalimutan naba nitong nasa bahay niya ang mga ito. Kung makapag-utos ito sa kanya ay para siyang alipin nito.


“What a life!” Reklamo niya saka tumayo na rin at tinungo ang kusina. Guess wala siyang ibang choice kung hindi ang hayaan ang mga ito. Siya naman itong nanghingi ng tulong sa mga ito kaya pagbibigyan na lamang niya.


Prenteng nakaupo si Brian sa pinakadulong upuan na paharap sa pasukan ng kusina. Iyon ang pwesto ng kanyang ama noong mga panahon na nasa iisang bahay pa sila. Kaya agad niyang nakita ang mga kaibigan nang magtungo ang mga ito roon.


Subalit ang mas nakakuha ng kanyang pansin ay ang kasama ng mga ito na sa kanya rin nakapako ang tingin. Isang lalaking nasa 5’10 ang taas. Maputi at may pangangatawan na bagay sa taas nito. Pero ang mas nakakuha ng kanyang pansin ay ang taglay na ekspresyon ng mukha ito.


Ito ba ang Eros Drake Cuevas na sinasabi nila? Hindi niya maiwasang maitanong sa kanyang sarili.


“This is Eros, siya ang sinasabi namin sa’yong dati nating school-mate.” Wika ni Dave patukoy sa kasama nito.  “Malamang hindi mo siya natatandaan dahil nang magkakila-kilala tayo, wala na siya sa engineering department.”


Nanatiling nakapako ang kanyang tingin sa tinutukoy nito.


“We finally met, Mr. Brian Ramirez.” Bati nito sa kanya at nang ngumiti ito ay nagsimula siyang makaramdam ng matinding kaba.





Itutuloy:

38 comments:

Reymond Lee said...

FIRST!basa mode muna!

Allen RN said...

ang ganda talaga at napaka-exciting ng story. thanks kuya Z sa magandang story.

Unknown said...

kuya Ziekel thanks at na mention mo narin ang maganda kong namesung... hahahaha basa basa muna ko pag may time...

Unknown said...

Kuya sa uulitin ha...

Anonymous said...

Done/ hahahaha.

EGGGziting.

Thanks for the compliment bout my name Boss. Nyahaha

-PanCookie

bon-bon said...

Ay grabe , intense ! Hahaha
sulit ang paghihintay kuya Z :D .

At sa lagay na to pumupurol ka pa ? Pano na kaya pag tumulis ka ? Haha .

Galing talaga . Haha. At nauna na nman ako ;) ehhhh .


-francis

Reymond Lee said...

mind boggling!this chapter is more than i expected.there's a lot of questions needed to be answered.hands down! YOU'RE SUCH A TEASE ZEKE!bravo!

Unknown said...

naexcite naman ako bigla kung anong mangyayari at kung ano ba talaga ang itsura ni Eros



sulit ang paghihintay ko poging Z.. (ilabas na ang mukha ni Eros hahaha)

luilao said...

Yessssss

luilao said...

Ayun na.. Nabitin na agad, hahahahaha.. Na L@FS na si bidang Brian! Haay love love love.. Thanks author sa mention hehehehe

Anonymous said...

That intro of Eros is quite sophisticated....

Unknown said...

thanks dto kuya Zeke :3 i lurv ert :P

Brian! Kyaaaahhh! That is not Kabaaa! Ganyan din c Dave kay malditaa nuon xD at nagegets ko na ang inag uusapan nina Chuckie at Dave pero mag aabang pa din ako :D pinaka kumuha ng interes kong snabi ni Dave ay " At kung tama hinala ko.maaaring ito magpabago ng mundo mo" haha ayan na na,nagsisimula na =P

Anonymous said...

yow.. hehe.. reading your kilig story + listening to Slowly by Klarisse (The Voice PH) =

happiness.. as in so much..

kinabahan naman ako dun sa pagbabagong sinasabi nila tungkol kay Eros.. whew..

thankfully hindi yung nasa isip ko ang nangyari.. hehehe tulala agad Boromeo..!! hahaha

cute ni Dave mapikon.. :-)

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

Arrggghhh!!! Bitin! I was expecting their first encounter. I tot si brian ang mghihiganti but it seems like the other way around..

#Chubbz

rheinne said...

Ayan...hooked na naman sa magandang storyline..hehehe...keep up the good work Z..naku naeexcite na naman ako..

Anonymous said...

arrrggghhh.....bitin much

jubert

kimbelnel said...

makiki comment geap ak.. haha
Z/del, i'm looking forward with the climax of this story, kung panu mo imamanipula ang lahat, i'm sure kasi na may foresight na ang ibang readers sa kung anu ang mangyayari sa bandang huli. And that's the challenge:-)

bairun ta it na im utok para di na mag mangarol...nyahaha

Good luck & God bless

Hoping to cope up with you soon:-)

Reymond Lee said...

grabe!i really cant go over with it.super ka sa patakam mode!IKAW NA zeke;THE UNDISPUTED UDLOT KING!hahaha!halakhak much!

Unknown said...

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh... lumalabas na ang nakatago kay borromeo... ano na mangyayari sa maligalig at pasaway na si borromeo... Abangan Abangan... Thank Zeke iba ka talaga suspense ang PEG mo ngaun ah.... hahahahahahahaha

Unknown said...

Nku brian...kabakabahan effect ano to totsie gueverra lng ang peg... Woohh wag masyado titigan brian bka malusaw si Eros..

Unknown said...

Parang si dave at maldita lang wew, . .umpisa sa gantihan din sila nagkatuluyan

James Chill said...

Hahaha... Ang galing talagang mambitin! At andito pa din ang trademark mo! Mystery talaga ang stories mo! Love it! Hahaha...

MARK13 said...

Hihihi....lagot ka boromeo,dumating na ang taong magpapabago at magpapawindang ng buhay mo. Excited na ko sa susunod na kabanat ^0^v

Lawfer said...

i cant help but think that this is another fool's game, a mind game na akala mo ikaw nagmamaneobra un pla ikaw ang minamaneobra just like ur past story... mlaki similarities ei

chie said...

May chapter 2 na pala, Zeke? Ngayon lang ako napadaan kasi busy sa work, pero talagang excited na ako sa susunod na mangyayari. :)

TheLegazpiCity said...

wala akong makuhang idea sa susunod na pasabog...

Anonymous said...

shaks!!sobrang excitingggg!!!haha..ang galing ng last part.ang galing mambitin ng author!haha

-monty

Jace said...

IDOL!!!!! nakakasama ka ng loob!!! bitin eh!!! pa-mystery epek pa talaga si Eros eh... hahaha...

kahit na anong isip ang gawin ko wala akong maisip na pwedeng mangyari sa CHAPTER 3 kundi yung Inuman... XD

Unknown said...

hongondo!!! nagbalik na ang fave kong barkada.. :)

Anonymous said...

Tsk! I was literally emitting different sounds of excitement while reading this zekey! Haha cant waut for Brian's new venture :)

Pat
tagasubaybay

Anonymous said...

Yung sabi ni dave na malaki ang pinagbago ni Eros, pumasok sa isip ko baka naging "Trans" na sya. Haha adik! Egzoited sa next chapy!! Update na kuyaaaaaa!!! Haha jk. :D pahinga muna owkie. Pasuspense efect pa talaga ah! My pic ba si eros? Ah basta! Haha wait! Wait!

~JAYVIN

Unknown said...

kabitin.. hahahah ... uhm habaan naman zek.. hehehe.. pero I understand may deadline eh.. hehehe

Anonymous said...

mukang excited to ah. parang book 1 lang ah. pero excited abangan.

bharu

robert_mendoza94@yahoo.com said...

sya na ung sinabi mong kaaway na iibigin nya? hmmmmm, parang doon nga papunta e2, he he he exciting!

Unknown said...

ang galing.. much awaiting

Unknown said...

Ganda nman ng mga eksena at dialogue! Pra akong nanonood sa big screen!

Anonymous said...

Maganda.I hope di abutin ng siyamsiyam.

Bhobot/mudra edu

Ryge Stan said...

nice what a scene grabe kaka excite naman tong story na to.

Post a Comment