Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories
Author's Note:
Sisimulan ko na ang posting nitong 9 Mornings ko since 89 Days na lang at magpapasko na. May kahabaan rin kasi ang k'wentong ito at baka pumalya na naman ako sa every other day posting ko kaya mas mainam siguro kong habang maaga ay nasimulan na siya.
Sana nga lang ay magustohan niyo ang panibagong likha kong `to. At sana, hindi rin niyo kasawaan ang mag-iwan ng comment. HAPPY READING GUYS!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
“You are getting married? What kind of stupidity is that
Boromeo? Hindi mo pa nga naipapakilala sa amin ng Papa mo ang babaeng `yan,
tapos pakakasalan mo?” Muntik ng sumabog ang eardrums ni Brian sa lakas ng
pagkakasabi ng mga salitang iyon ng kanyang ina. Bakas sa boses nito ang
matinding pagkagulat at paghi-hysterical.
“Calm down Ma. Natural lang sa isang taong nasa edad ko ang
magplano ng magpakasal.” Pagpapakalma niya sa ina.
“How long have you two been dating? Anong klaseng pamilya
ang meron ang babaeng `yan? And what made you decide to marry her? Nabuntis mo
ba?” Tila hindi nito narinig ang kanyang mga sinabi.
Napabuntong hininga na lamang siya sa inaasta ng ina. Kahit
kailan talaga ay hindi ito madaling mapahinahon kapag ganitong naghi-hysterical
na ito na hindi na bago rito.
“Hindi ko siya nabuntis at galing sa isang magandang pamilya
si Cassandra, Ma.” Kalmado pa rin niyang pakikipag-usap sa ina. “We’ve been
dating for almost six months now.”
“Six months? Anak, kami nga ng Papa mo, tatlong taon muna
kaming naging magkasintahan bago kami nagdesisyong magpakasal. Tapos ikaw, mag-aanim
na buwan mo pa lang nakilala ang babaeng `yan, pakakasalan mo na?”
“Panahon pa kasi ng sinaunang tao ang pinanggalingan ninyo
ni Papa, Ma. Hindi na uso ang matagal na dating sa panahong ito. Besides, I’m
not getting any younger. Lahat ng mga kaibigan ko, kung hindi man may pamilya
na, may mga seryoso ng karelasyon. Twenty seven na ako, masasayang ang
magandang lahi ko kung hindi pa ako magpa-pamilya. Napapagod na rin akong
mamuhay rito ng mag-isa.” Sinasabi na nga ba niyang katakot-takot na paliwanagan ang mangyayari.
“Your friends are older than you, Brian. Natural lang na
mauna sila sa’yo. At hindi isang paligsahan ang pagpapakasal anak. Hindi mo
kailangang makipag-compete sa mga kaibigan mo. Kung ang pamumuhay mag-isa ang
pinu-problema mo, leave the company to your cousin Xander. Sumunod kana sa amin
dito sa France.”
“You can’t just expect me to just give the company to that
bastard! Pinaghirapan ko ang posisyon ko sa kumpanyang `yon!” Kapag ang walang
kwentang pinsan na niya ang nasasali sa usapan ay bigla-biglang umaakyat ang
dugo niya sa ulo. Xander is his good-for-nothing cousin na wala na yatang ibang
ginawa kung hindi ang agawin ang lahat ng pwede nitong maagaw sa kanya at isa
na doon ang kumpanyang ang kanyang mga magulang ang nagtayo
“Mas malaki ang kumpanya rito ng Papa mo at higit sa lahat,
magkakasama-sama pa tayo bilang isang pamilya. Stop being too hard headed anak.
Tingnan mo’t kung anu-ano ng kalokohan ang pumapasok sa kokote mo.”
Pambihira talaga. Bakit sa tuwing may mapagdi-desisyunan
siyang hindi sangayon ang mga ito ay nauuwi ang usapan sa pagpapasunod sa kanya
sa ibang bansa.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga.
“Kung gusto niyong maging isang buong pamilya tayo, kayo ang
umuwi rito. Hindi ako susunod diyan at lalong wala akong balak ibigay ang posisyon
ko kay Xander. And about Cassandra, seryoso akong pakasalan siya with or
without your consent!” Punong-puno ng
kasiguradohang wika niya sabay putol ng linya.
Pagod na pagod na siyang makipagtalo sa mga ito.
Pinagsikapan niyang i-angat ang dating maliit na negosyong iniwan ng mga ito sa
kanya sa pag-aakalang kapag nagawa niya iyon ay babalik ang mga ito sa bansa. Ngunit
mukhang wala ng balak pa ang kanyang mga magulang na muling tumuntong sa
bansang pinanggalingan ng mga ito. Ang bansa kung saan siya lumaki at
ipinanganak.
“Magpapakasal ka?” Kita niya kung papaano gumuhit sa mukha
ng kanyang matalik na kaibigan ang pagpipigil nitong tumawa.
“Subukan mo akong pagtawanan Dave at sisiguradohin ko sa’yo
na hihiwalayan ka nitong si Alex.” Pagbabanta niya rito. Matapos ang nangyaring
pag-uusap nila ng kanyang ina, ay sa bahay nito siya tumuloy para dito
isambulat ang sama ng loob at syempre para makalibre na rin siya ng tanghalian.
Dave is one of his college friends turn to be his best of
friends. Ang mga ito ang naging kaagapay niya simula nang mangibang bansa ang
kanyang mga magulang. Ngunit sa kanilang magkakaibigan, ito lamang ang
biniyayaan ng kakayahang intindihan siya. Paano ba naman, pareho silang
binansagang tarantado ng grupo nila.
Subalit tulad ng kanyang inaasahan, tuluyan itong humagalpak
ng tawa. Wala talaga sa bokabularyo nito ang salitang takot.
“Seryoso ako Dave. Balak naming magpakasal ni Cass.”
Nakasimangot niyang tugon sabay subo ng adobong ang kinahuhumalingan nitong tao
ang gumawa. “At huwag mo nga akong pagtawanan! Kaya nga ako nandito para
humingi ng simpatya sa’yo tapos, pagtatawanan mo lang ako? Anong klase kang
kaibigan! Wala kang puso!”
Ngunit hindi pa rin siya nito pinansin. Sa halip, bumaling
ito sa kasintahang kasama rin nila sa hapag.
“Narinig mo `yon, Alex? Pakakasalan daw ni Brian ang
girlfriend niyang bumubula ang bibig kapag nakakakita ng guwapo at may kayang
lalake.”
“Renzell Dave.” Saway dito ng kasintahan nito. Hindi lingid
sa kanya na hindi gusto ng kanyang mga kaibigan ang girlfriend niya. Pero
ngayon lamang tuluyang ipinakita ni Dave sa kanya ang matinding pagkadisgutong
iyon.
Seryoso ang anyong bumaling sa kanya ang kaibigan.
“Hindi mo pa gaanong kilala ang babaeng iyon para
pagtangkaan mong pakasalan. Anong nangyari sa’yo? Nawalan ka na ba ng
kakahayang mangilatis ng babae at ang isang iyon ang pinatulan mo? O sadyang desperado
ka lang dahil wala ng pumapatol sa’yo?”
“Sa gandang lalake kong `to? Hindi mangyayari `yon pare. Sadyang napapagod na ako kapapalit ng girlfriend kaya naisip kong lumagay na sa tahimik.” Katwiran naman niya.
“Kung katahimikan ang hanap mo, sa simenteryo ka magpunta
hindi kung anu-anong kabalbalan ang pumapasok diyan sa kokote mo.”
“Hindi nababagay sa simenteryo ang ka-guwapohan ko.”
Ngingisi-ngisi naman niyang tugon.
“At saan ka nababagay? Sa babaeng iyon na halos wala ng
ibang ginawa sa buhay kung hindi ang makipag sosyalan kasama ang mga kaibigan
niyang parang mga donut na ang mukha sa sobrang kapal kung makapag lagay ng
make-up? Buti hindi ka nagkaka-allergy tuwing maghahalikan kayo.” Ganting pag-aasar
naman nito.
Hindi siya nakatugon. Paano ba naman, eh, totoo ang sinabi
ng kumag niyang kaibigan. Grabe kong makapaglagay ng make-up ang kanyang
girlfriend at mga kaibigan nito.
“Sa palagay ko, dapat mo munang kilalanin ang girlfriend mo
Bry, bago ka magdesisyong pakasalan siya.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay
nakisali sa usapan ang kasintahan nitong si Alex. Kahit kailan ay hindi ito
basta-basta nagbibigay ng opinion kapag silang magkakaibigan ang
nag-uusap-usap.
“Bakit Alex, pinagsisihan mo na bang pinatulan mo itong
kaibigan ko?” Ngingisi-ngisi niyang tugon rito. Agad siyang nakailag nang
batuhin siya ni Dave ng kubyertos.
“Hindi isang laro ang pagpapakasal at lalong hindi madaling
bagay ang magpatali sa maling tao. Kaya bago pa maging huli sa’yo ang lahat,
siguraduhin mo muna sa sarili mo kung siya na nga ba ang babaeng gusto mong
makasama habang buhay.”
“Tama si Maldita at ang mama mo. Huwag kang padalos-dalos sa
mga desisyon mo kung ayaw mong sa bandang huli, maiwan kang katawa-tawa at
pinagsisisihan ang lahat.” Sabat naman ni Dave saka ito tumayo.
“Saan ka pupunta Renzell Dave?” Si Alex.
“Mag-iinuman kami ni Brian baby Maldita.” Inosenting sagot
naman nito sa kasintahan.
“Walang inumang magaganap hanggat hindi mo nahuhugasan ang pinagkainan
natin.” Seryoso’t walang kangiti-ngiting wika naman ng kasintahan nito.
“Sabi ko nga maghuhugas muna ako bago kami mag-inum.” Walang
kakontra-kontrang tugon nito sabay dampot ng pinagkainang plato.
Napapantastikuhan siyang napatingin sa kaibigan. Si Renzell
Dave Nievera? Ang kanyang kaibigan na
simulat sapol ay hindi naranasan ang gumawa ng kahit ano mang gawaing bahay.
Ang taong masasabi niyang kasing taas ng Mount Everest ang tiwala sa sarili.
Ang lalaking kahit sinong babae ay hindi nagawang pasunurin, ay biglang naging
maamong tupa at naging sunod-sunuran?
‘Anong ginawa ni Alex
sa kanya?’
“Hoy! Boromeo! Ano ang tinitingin-tingin mo riyan? Tutal,
nakalibre ka na man lang ng tanghalian dito sa amin at natikman mo pa ang
masarap na luto nitong si Maldita ko, tulungan mo akong maghugas ng pinggan!”
‘Ayaw kong maging
katulad niya!’
Ilang araw ang nakalipas at sa mga araw na nagdaan ay walang
tigil ang mga kaibigan ni Brian sa pangungulit sa kanya. Lahat ng mga ito ay
hindi makapaniwala sa kanyang naging desisyon na pakasalan ang kanyang
girlfriend. Kung hindi panunudyo, ay panunuya ang mga natatanggap niya galing
sa mga kaibigan at sa totoo lang, malapit na siyang mapikon hindi sa mga ito kung
hindi sa damuhong si Dave na ipinagkalat ang kanyang mga ikinumpisal dito.
Ang kanyang mga magulang naman ay pinanindigan ang
pagkadisguto sa kanyang pagpapakasal. Hindi na siya muli pang nakatanggap ng
tawag galing sa mga ito. Kung tama ang hinala niya, balak na naman siyang
tikisin ng mga ito tulad ng laging ginagawa ng mga ito sa tuwing may gagawin
siyang taliwas sa gusto ng mga ito.
Pero ang hindi alam ng lahat ay sa likod ng kanyang
pagpupumilit ay unti-unti na rin siyang nagdadalawang isip sa kanyang
binabalak. Mukhang na-impluwensiyahan na ng ginagawang pagtutol ng mga ito ang
kanyang utak.
“I will be late for half an hour, hon. I-meet ko lang ang
isa sa mga prospect client namin then I will be on my way to fetch you.” Kanina
pa siya nito pinapapak ng text na hindi naman nito gawain kaya naman minabuti
na niya itong tawagan.
“Half an hour? Ang tagal naman! Kanina pa ako bihis na bihis
dahil ang sabi mo, darating ka before 5pm, eh, anong oras na?”
“I’m sorry. This is for the company.” He said
apologetically.
“Pero naghihintay na ang mga magulang ko. Ikaw mismo ang
nag-set ng araw na ito para sabihin sa kanila ang balak nating magpakasal tapos
ikaw pa itong male-late? C’mon Brian, can’t you just move that meeting of yours
tomorrow?”
Minasahe niya ang kanyang sintido dahil biglang sumakit
iyon. Bakit ba ang hirap paliwanagan ng mga babae? Kailangan pa bang sa mismong
bibig niya manggaling na para rin naman sa kinabukasan nila kung bakit siya
male-late? At bakit parang bigla `ata itong naging demanding ngayon?
“Just give me thirty minutes, Cass. Kailangan ko lang
talagang personal na makausap ang kleyenteng ito.”
“No! Pupuntahan kita mismo diyan sa opisina mo at dederetso
tayo sa bahay. That meeting can wait but not my family.”
“Wait, Cass –– Pambihira!” Naibulalas niya nang busy tone na
ang naririnig niya. Binabaan siya nito.
“Mukhang hindi naintindihan ng fiancé mo na male-late ka,
ah. By the way, the client is here.” Nag salubong ang kanilang tingin ng
kanyang pinsang si Xander. Nakahalukipkip ito sa may pintuan ng kanyang
opisina.
“Sa susunod, ang trabaho mo lang dito ang pakialaman mo,
hindi ang personal na buhay ko.” Malamig niyang tugon saka niya kinuha ang
nakapatong niyang business suite sa sadigan ng swivel chair.
“Oh, c’mon bro, hanggang ngayon ba ay umuusok pa rin ang
ilong mo sa akin? What had happened before was all part of the past. Dapat
kinakalimutan mo na `yon.” Hindi nakatakas sa kanya ang panunudyo sa boses
nito.
“`Wag mo akong matawag-tawag na bro dahil hindi kita
kapatid.” Bara niya rito.
Humalakhak ito ng nakakagago.
“Look at you, Brian. Hanggang
ngayon, immature ka pa rin. Nadagdagan lang ang edad mo pero, ikaw pa rin ang
batang Brian na palagi lang pumapangalawa sa akin.”
Tinapatan niya ng isang mala-demonyong
ngisi ang panunudyo nito.
“Pumapangalawa? Nabagok ba `yang
ulo mo o sadyang hanggang ngayon, puro hangin pa rin ang laman niyan? Di ba ako
ang boss dito at ikaw ang dakilang alalay ko? Sino ngayon ang pumapangalawa sa
atin?”
Biglang nagdilim ang mukha nito.
“Sa ngayon oo, ikaw ang nasa taas.
Pero oras na makumbinsi ko ang mga magulang mo na bitawan ang shares nila sa
kumpanyang ito, tuluyan ka ng matatanggal sa posisyon mo ngayon at ako ang
papalit sa’yo at sa lahat ng pinaghirapan mo.”
Mas mataas ang share ng mga
magulang niya kumpara sa mga magulang nito pero hindi iyon ang dahilan kung
bakit sa kanya napunta ang mataas na posisyon ng kumpanyang iyon. Sa nakaraang
mga taon, pinagsikapan niyang paunlarin iyon kaya nga sa kanya lahat napunta
ang boto ng buong board para sa chairman position nang tuluyang bitawan ng
kanyang ama ang pamamahala sa kumpanya para mag-focus sa bagong venture nitong
business sa France.
“Umaasa kapa na mangyayari `yon?
Puwes, ngayon pa lang, sinasabi ko na sa’yo na malabong mangyari ang binabalak
mo. Hinding hindi kita bibigyan ng pagkakataon na maagaw sa akin ang posisyon
ko dito kahit maglumpisay kapa sa kakaiyak. You will be my junior assistant for
the rest of your life!” Saka siya tumayo’t linampasan ito sa may pintuan para
tunguhin ang conference room kung saan gaganapin ang meeting nila ng kanyang
kleyente.
Naging matagumpay ang meeting ni
Brian sa kanyang kleyente kahit pa man halos minamadali na niya ang pakikipag-usap
rito. Ano mang oras kasi ay pwedeng biglang sumulpot ang girlfriend niya
subalit, nagtaka siya na natapos na lamang ang pakikipag-usap niyas sa kanyang
kleyente ay hindi pa ito sumusulpot.
Nauwi ang kanyang pag-aalala sa
galit nang lumabas siya ng conference room at makita ang kasintahang kausap ang
walang hiya niyang pinsan. Nagtatawanan pa ang mga ito na walang pakialam sa
mga nakamasid na ibang tauhan doon. Nang makita siya ng kasintahan ay agad
itong lumapit sa kanya na hindi nawawala ang ngiting nakaguhit sa mukha.
“You’re a very lucky guy you know?
Kung hindi pa magaling mag-entertain itong pinsan mong si Xander, baka kanina
pa ako nagwawala rito.” Salubong nito sa kanya sabay angkla nito sa kanyang
braso, “Bakit hindi mo nasabi sa akin na may pinsan kapa pa lang natitira rito
at nasa kumpanyan mo pa?”
“Bakit ka nakikipag-usap sa kanya?”
Malamig niyang balik dito na ang tingin ay nasa ngingiti-ngiti niyang pinsan.
“He offered me his company since na
busy kapa raw negotiating with your client. Bakit ganyan ang tono ng boses mo?”
Doon lamang niya hinarap ang
kasintahan.
“The reason why you set foot in
this building is me. So dapat, ako ang hinanap mo at hindi sa kung kani-kanino
kang tao nakikipagtawanan.”
“What’s wrong with me talking to
your cousin? Magpasalamat ka nga’t in-entertain niya ako habang busy ka.”
Hindi niya pinansin ang mga sinabi
nito. Sa halip, muli niyang binalingan si Xander na hindi mawala ang ngiti sa
mukha nito at sa totoo lang, hindi niya nagustohan ang ngiting asong iyon.
“Let’s go. Naghihintay na ang mga
magulang mo.” Sa halip ay wika niya.
Nakaplano na ang lahat. Ang araw,
reception at kung saan gaganapin ang kanilang honeymoon ni Cassandra. Nang
aprobahan ng mga magulang nito ang kanilang balak na magpakasal, ay agad na
isiningit ng mga ito ang preperasyon. Pakiramdam niya tuloy ay namadali siya.
Pero wala siyang balak na umurong.
Anim na buwan na lamang ang meron
siya at matatapos na ang maliligayang araw niya bilang isang bachelor. Si Cassandra at ang mga magulang nito ang
hinayaan niyang magdesisyon ng lahat. Mas mainam iyon para sa isang tulad niyang
walang kaalam-alam sa metikulosong mundo ng mga babae. Ang tanging
partisipasyon niya sa kasalayang iyon ay ang kanyang credit card.
Ngunit habang papalapit ng
papalapit ang araw ng kanyang kasal ay lalong lumalakas ang sigaw ng
pagdadalawang isip sa kanyang utak. May mga pagkakataon sa nagdaang mga buwan na
tinatanong niya ang kanyang sarili kung tama ba ang kanyang naging desisyon na
magpakasal. Alam niyang hindi pagmamahal ang kanyang dahilan sa pagpapakasal.
He’s attracted to Cassandra, all right. Pero ang atraksyong iyon ay hindi niya
masasabing kasing lalim tulad ng atraksyon ng kanyang mga kaibigan sa mga
kapareha ng mga ito. Nagdesisyon siyang magpakasal para magkaroon ng katuwang
sa buhay. Pagod na pagod na siyang mamuhay ng mag-isa. Subalit sapat pa rin ba
ang dahilan niya?
“Sino ang na-miss niyo?” Masiglang
pagkakasabi niya nang pumasok siya sa gate ng bahay ng isa sa kanyang mga
kaibigang si Dorwin. Naroon ang buong barkadahan nila. kasama ang kanilang mga
extended friends para sa isang espesyal na okasyong iyon –ang anniversary ni
Dowin at ang partner nitong si Red.
Agad na nakuha niya ang pansin ng
lahat na nagkakasiyahan sa bakuran ng bahay. Lumapit siya sa magkasintahang
Dorwin at Red na ngingisi-ngisi.
“Pambihira talaga kayo. Akalain
niyong hanggang ngayon, ay uso pa rin sa inyo ang kabaduyang ito.” Sabay abot
niya sa dalawa ng kanyang dalang regalo. “Happy anniversary mga pangit.”
“Salamat sa insulto pare.” Si Red.
“Asan ang fiancé mo?” Ani naman ni
Dorwin.
“Hindi ko isinama.” Nakangisi
niyang tugon. “Alam ko naman kasing masisira ang party na ito kapag isinama ko
ang isang `yon.”
“Boromeo! Kumain kana? Tara,
samahan kita sa loob naroon ang pagkain. Sinadya kong patirhan ka ng baked
macaroni dahil alam kong paborito mo `yon.” Sabat naman ni Dave.
Nahihintakutan siyang napatingin
rito.
“Sino ka? Ano ang ginawa mo sa
baliw kong kaibigang si Dave?”
Inaasahan niyang babarahin siya
nito na lagi nitong ginagawa subalit hindi nangyari iyon. Sa halip ay
nginisihan lang siya nito at iginaya sa papunta sa loob ng bahay.
“Bibitayin na ba ako?” Takang
tanong niya rito habang pinagmamasdan itong pinupuno ng pagkain ang platong
hawak niya.
“Masarap ang pagkakaluto ni Laurence
sa mga ito. Gusto ko na nga siyang kontratahin sa lahat ng mga special
occasions ng kompanya pero ayaw ng animal niyang asawa.” Tugon nito. Subalit hindi iyon ang inaasahan niyang
magiging tugon ni Dave.
“Pare, kinilabutan ako sa’yo.”
Pagsaboses niya sa totoong nararamdaman. “Bakit bigla ka `atang bumait ngayon?
May sakit ka ba?” Mas sanay siya sa bruskong pakikitungo nito sa kanya.
“Doon mo siya sa kusina dalhin
Dave.”
Paglingon niya ay naroon na ang mga
kaibigan niya na naging malalapit na sa kanya simula pa noong koleheyo.
“Bakit sa kusina pa? Doon na lang
ako sa labas para makasali na ako sa umpukan.”
“May importante tayong kailangang
pag-usapan.” Seryosong wika ni Dorwin. “Kaya mas mainam na dito muna tayo sa
loob. Si Red na muna ang bahala sa mga bisita sa labas.”
“Tungkol saan?” Kunot-nuo niyang
naitanong.
“Tungkol sa pinsan mo.” Tugon sa
kanya ni Dave.
“Anong meron sa kanya?” Kay Dave na
siya humarap. “At kailan pa kayo naging intersado sa buhay ng isang `yon?”
“Hindi kami intersado sa buhay
niya, kung hindi sa buhay mo.” Seryosong sabi nito. “Pero maya na natin
pag-usapan ang bagay na `yan pagkatapos mong kumain. Panigurado kasing mawawalan
ka ng gana pagkatapos mong marinig ang mga sasabihin namin.” Saka siya nito
hinila sa kusina kasunod ang iba pa nilang kaibigan.
Kahit naguguluhan man ay minabuti
na lang niyang lantakan ang mga pagkaing inilagay ni Dave sa plato niya dahil
kung ang pinsan nga niya ang pag-uusapan nila, panigurado ngang mawawalan siya
ng gana. Kaya bago pa mangyari iyon, kakain na muna siya.
Tahimik naman ang mga kaibigan
niyang pinapanood siyang kumakain. Weird
para sa kanya na makitang mga seryoso ang anyo ng mga ito kaya nang
nangangalahati na ang laman ng kanyang plato, doon na siya nagsimulang
magtanong.
“So, what about Xander? Ano na
namang kabalbalan ang ginawa ng isang iyon na pwedeng maka-apekto sa akin?”
Hindi naman lingid sa kanya ang mga pinaggagawa ng pinsan niyang iyon para
lamang pikunin siya. Iyon na lang kasi ang magagawa nito sa kanya.
“Ikaw na lang ang sumagot Dave.
Tutal, pareho naman ang likaw ng bituka ninyo kaya paniguradong mas
maiintindihan ka niya.” Si Vincent.
“Gano’n ka seryoso?” Nakataas ang
isang kilay niyang komento. Sabay subo ulit ng pagkain.
“Tama si Vincent.” Pambabaliwala ni
Chuckie sa komento niya. “Kung sa’yo niya malalaman, baka mabawasan ang
magiging reaksyon niya.”
Inaabot sa kanya ni Dave ang
cellphone nito.
“Wow! Namimigay ng cellphone pare?
Ang sweet mo naman!”
“Gago! Tingnan mo ang mga larawan.”
Nginisihan niya ito ng nakakaloko
bago niya kinalikot ang cellphone nito. Nang tumambad ang mga naroon ay
unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha.
“Saan galing ito?”
“It came from a certain anonymous.
It was also been stated na hindi ka kasama sa pinagbigyan niya ng mga pictures.
Sa amin lang nina Chuckie, Dorwin, Vincent, at Niel naka-forward ang mga `yan.
Ibig sabihin, kilala niya kaming malapit sa’yo.”
“Kung pagbabasehan sa mga pictures,
recently lang nangyari `yan. Check mo ang pangatlong picture. It was taken from
a boutique na noong isang buwan lang nag-open. Sinamahan ko si Angela doon kaya
sigurado akong doon kinunan ang picture.” Wika ni Vincent.
Napahigpit ang pagkakahawak niya ng
cellphone ni Dave. Nawalan rin siya ng kakayahang magkagpag salita nang umapaw
ang galit sa buo niyang systema.
“Those pictures show that your
fiancé Cassandra and your good-for-nothing cousin Xander is dating behind your
back. ” Si Chuckie.
“T-This can’t be.” Wala sa sarili
niyang naisatinig.
“Alam ni Xander ang
kahinaan ng fiancé mo. You’ve been very busy these past months para paghandaan
ang nalalapit na kasal ninyo at inisip mong busy din sa preparation ang fiancé
mo. But the fact is, busy siya oo, pero hindi para sa kasal kung hindi sa
pakikipag-date sa pinsan mo.”
“According to my sources.
Galante rin daw ang pinsan mo kay Cassandra. Magpapatunay ang mga pictures na
iyan na palagi silang lumalabas para mag-shopping, party at kung anu-ano
pa. Iyon ang ginamit niya para
i-persuade ang tinamaan ng lintik na babaeng iyon. Pambihira! Noon ko pa sinabi
sa’yo na walang maidudulot sa’yong maganda ang babaeng iyan.” Si Dave.
“ Nalaman mo ba kung sino
ang nagpadala nito?” Tanong niya kay Dave na ang tingin ay nasa mga larawan pa
rin sa cellphone nito.
“A guy named Eros Drake
Cuevas.” Tugon ni Dave.
“Familiar sa akin ang
pangalan niya.” Wika ni Vincent.
“Di ba siya `yong mukhang
weirdo na palaging magulo ang buhok at parang hindi dinaanan ng plantsa ang
damit na nasa Engineering department?” Si Chuckie.
“Iyon din ang pumasok sa
isip ko nang marinig ko ang pangalan niya.” Tugon ni Dave. “Pero ang hindi ko
alam ay ang intensyon niya. Bakit inabala niya ang sariling kuhanan ng pictures
ang mga taksil na ito at ipadala sa atin?”
“Ito ang pangalawang
pagkakataon na inagawan ni Xander ng girlfriend si Brian. At sa tingin ko,
parte ito ng pakikipag kumpetensya niya sa kaibigan natin. So malaki ang
posibilidad na accomplice niya ang Eros Drake Cuevas na `yon.” Si Dorwin.
“I will call off the
wedding.” Pagdedeklara niya. Alam niyang iyon ang gustong mangyari ng walang
hiyang pinsan niya. Gusto nitong maipahiya siya.
“Hibang kaba? Malaking
kahihiyan ang gagawin mo. Hindi lang para sa sarili mo kung hindi para sa
kompanyang hinahawakan mo. You will lose all your clients dahil sa malaking
eskandalong ito.” Naibulalas ni Dave.
“`Yon marahil ang gustong
mangyari ng pinsan mo, Brian. Kaya if I were you, pag-isipan mong mabuti ang
magiging hakbang mo.” Ani naman ni Chuckie.
“That’s why I will be
needing your help. Minsan ko na siyang hinayaang tapak-tapakan ang pagkalalake
ko. Kung noon, natulungan siya ng mga magulang ko. Ngayon, sisiguraduhin kong
pagsisisihan niya ito ng husto.”
Kung gulo ang gusto nito
ay ibibigay niya iyon rito. Tapos na ang pagtitimpi niya kay Xander. At sa mga
taong kasabwat nito, matitikman nila ang galit ng isang Ramirez. Alam niyang nagpa-dalos-dalos siya ng desisyon
ang maisipan niyang magpakasal pero, huli na ang lahat para magsisi. Ang
tanging magagawa na lamang niya ay panindigan ang pagkakamali at ibagsak ang
mga taong nagtangkang pabagsakin siya. At wala siyang ititira kahit isa.
22 comments:
This is exciting! Go bry! Namiss ko yung iba grabe! Hi dave! Hi lawrence! Lol
jjj
wow naman, ano to war and planning mode si Brian... kawawang Eros paghihigantihan ni Brian... aabangan ko to.. pero Zeke naku wag mo namn bitinin kami noh!!! update update pag may TIME!!!!! Mwah love you Zeke...
naexcite naman ako sa mga mangyayari Sir Z..
namiss ko talaga mga gawa mo
~hugs
Go boromeo aabangan ko tlaga story na 2 . kya cguro knuhanan ni eros c cass at xander ng picture para ipakta ky brian kc crush nia . .wew waiting for 9 morning book 2 part 1
Nice one. ^^,
Pano na ung SKyband? hihihi
-pancookie
Hmmmm kuya Zekiel grabe ka huh prologue plang may planning at intriga na... Exciting... Go na go na ba yo kuya z....
At least may may bago nang nakakaexcite sa site na to.
tagal naman hahahahhaahhahahaha
--- makatiboy
So, the story will be about Brian and Eros? HAHA :) Chos :) Excited na ako sa chapter 1. :) woot
Thanks dto kuya Zeke! Ang galing mo talaga! Prologue pa lang ang ganda gandaaa naaa! Go Brian! Gantihan mo c Xander! Cass at Eros!
Prologue pa lang exciting na! Iba ka talaga Zeke! Talagang aabangan ko ito tulad ng dati. :)
nice one IDOL!!! hahaha... bigla ko naman namiss si Red at Dorwin.. :D
hmmmm... parang mas abnormal naman si Boromeo kay Dave... XD
chapter 1 na agad idol!!! :D
-Minion Jay
wow.. ang ganda.. miss ko magbasa sa blog.. :D and its nice na meron ulit mababasang magandang story.. :D
-jec isidro :)
Eeeh....ang ganda naman nito,mukhang may masusubaybayan na uli ako,ahh :D
waahh.. dream come tru e ang story na to ni Boromeo.. hahaha
super looking forward sa mga susunod na chapters.. so excited also for Eros.. is he the one for Boromeo.. hehehe
God bless.. -- Roan ^^,
wo! LOOKS EXCITING ANG STORY NA E2, HE HE HE. THANKS ZEKIE AT INUMPISAHAN MUN ULE MAG SULAT. AABANGAN KO LAGE UPDATES MO. GOODLUCK!
magaling! *clap* magaling! *clap* mabaling!!! *clap*
la q msabi eh, nsabi q na sau sa pm LOL
nice!!ang ganda ng story!^^
my adventure nnmn!haha..excited nkong magbasa!^^
-monty
ui si brian na..
pangz
cool
I don't have the adequate words to say how excited I am with this new book! I miss 9 mornings!
Pat
Tagasubaybay
wow astig naman ng story na to hehehe. and I hope pwede itong ihanany sa ganda nung sinundan nitong story ang 9 mornings book 1.
have a great day zild and keep it up
Post a Comment