Friday, September 27, 2013

9 Mornings Book2: Prologue



Cover Created by: Winwintowtz
Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:


Sisimulan ko na ang posting nitong 9 Mornings ko since 89 Days na lang at magpapasko na. May kahabaan rin kasi ang k'wentong ito at baka pumalya na naman ako sa every other day posting ko kaya mas mainam siguro kong habang maaga ay nasimulan na siya.


Sana nga lang ay magustohan niyo ang panibagong likha kong `to. At sana, hindi rin niyo kasawaan ang mag-iwan ng comment. HAPPY READING GUYS!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





“You are getting married? What kind of stupidity is that Boromeo? Hindi mo pa nga naipapakilala sa amin ng Papa mo ang babaeng `yan, tapos pakakasalan mo?” Muntik ng sumabog ang eardrums ni Brian sa lakas ng pagkakasabi ng mga salitang iyon ng kanyang ina. Bakas sa boses nito ang matinding pagkagulat at paghi-hysterical.


“Calm down Ma. Natural lang sa isang taong nasa edad ko ang magplano ng magpakasal.” Pagpapakalma niya sa ina.


“How long have you two been dating? Anong klaseng pamilya ang meron ang babaeng `yan? And what made you decide to marry her? Nabuntis mo ba?” Tila hindi nito narinig ang kanyang mga sinabi.


Napabuntong hininga na lamang siya sa inaasta ng ina. Kahit kailan talaga ay hindi ito madaling mapahinahon kapag ganitong naghi-hysterical na ito na hindi na bago rito.


“Hindi ko siya nabuntis at galing sa isang magandang pamilya si Cassandra, Ma.” Kalmado pa rin niyang pakikipag-usap sa ina. “We’ve been dating for almost six months now.”


“Six months? Anak, kami nga ng Papa mo, tatlong taon muna kaming naging magkasintahan bago kami nagdesisyong magpakasal. Tapos ikaw, mag-aanim na buwan mo pa lang nakilala ang babaeng `yan, pakakasalan mo na?”


“Panahon pa kasi ng sinaunang tao ang pinanggalingan ninyo ni Papa, Ma. Hindi na uso ang matagal na dating sa panahong ito. Besides, I’m not getting any younger. Lahat ng mga kaibigan ko, kung hindi man may pamilya na, may mga seryoso ng karelasyon. Twenty seven na ako, masasayang ang magandang lahi ko kung hindi pa ako magpa-pamilya. Napapagod na rin akong mamuhay rito ng mag-isa.” Sinasabi na nga ba niyang  katakot-takot na paliwanagan ang mangyayari.


“Your friends are older than you, Brian. Natural lang na mauna sila sa’yo. At hindi isang paligsahan ang pagpapakasal anak. Hindi mo kailangang makipag-compete sa mga kaibigan mo. Kung ang pamumuhay mag-isa ang pinu-problema mo, leave the company to your cousin Xander. Sumunod kana sa amin dito sa France.”


“You can’t just expect me to just give the company to that bastard! Pinaghirapan ko ang posisyon ko sa kumpanyang `yon!” Kapag ang walang kwentang pinsan na niya ang nasasali sa usapan ay bigla-biglang umaakyat ang dugo niya sa ulo. Xander is his good-for-nothing cousin na wala na yatang ibang ginawa kung hindi ang agawin ang lahat ng pwede nitong maagaw sa kanya at isa na doon ang kumpanyang ang kanyang mga magulang ang nagtayo


“Mas malaki ang kumpanya rito ng Papa mo at higit sa lahat, magkakasama-sama pa tayo bilang isang pamilya. Stop being too hard headed anak. Tingnan mo’t kung anu-ano ng kalokohan ang pumapasok sa kokote mo.”


Pambihira talaga. Bakit sa tuwing may mapagdi-desisyunan siyang hindi sangayon ang mga ito ay nauuwi ang usapan sa pagpapasunod sa kanya sa ibang bansa.


Humugot siya ng malalim na buntong hininga.


“Kung gusto niyong maging isang buong pamilya tayo, kayo ang umuwi rito. Hindi ako susunod diyan at lalong wala akong balak ibigay ang posisyon ko kay Xander. And about Cassandra, seryoso akong pakasalan siya with or without your consent!”  Punong-puno ng kasiguradohang wika niya sabay putol ng linya.


Pagod na pagod na siyang makipagtalo sa mga ito. Pinagsikapan niyang i-angat ang dating maliit na negosyong iniwan ng mga ito sa kanya sa pag-aakalang kapag nagawa niya iyon ay babalik ang mga ito sa bansa. Ngunit mukhang wala ng balak pa ang kanyang mga magulang na muling tumuntong sa bansang pinanggalingan ng mga ito. Ang bansa kung saan siya lumaki at ipinanganak.





“Magpapakasal ka?” Kita niya kung papaano gumuhit sa mukha ng kanyang matalik na kaibigan ang pagpipigil nitong tumawa.


“Subukan mo akong pagtawanan Dave at sisiguradohin ko sa’yo na hihiwalayan ka nitong si Alex.” Pagbabanta niya rito. Matapos ang nangyaring pag-uusap nila ng kanyang ina, ay sa bahay nito siya tumuloy para dito isambulat ang sama ng loob at syempre para makalibre na rin siya ng tanghalian.


Dave is one of his college friends turn to be his best of friends. Ang mga ito ang naging kaagapay niya simula nang mangibang bansa ang kanyang mga magulang. Ngunit sa kanilang magkakaibigan, ito lamang ang biniyayaan ng kakayahang intindihan siya. Paano ba naman, pareho silang binansagang tarantado ng grupo nila.


Subalit tulad ng kanyang inaasahan, tuluyan itong humagalpak ng tawa. Wala talaga sa bokabularyo nito ang salitang takot.


“Seryoso ako Dave. Balak naming magpakasal ni Cass.” Nakasimangot niyang tugon sabay subo ng adobong ang kinahuhumalingan nitong tao ang gumawa. “At huwag mo nga akong pagtawanan! Kaya nga ako nandito para humingi ng simpatya sa’yo tapos, pagtatawanan mo lang ako? Anong klase kang kaibigan! Wala kang puso!”


Ngunit hindi pa rin siya nito pinansin. Sa halip, bumaling ito sa kasintahang kasama rin nila sa hapag.


“Narinig mo `yon, Alex? Pakakasalan daw ni Brian ang girlfriend niyang bumubula ang bibig kapag nakakakita ng guwapo at may kayang lalake.”


“Renzell Dave.” Saway dito ng kasintahan nito. Hindi lingid sa kanya na hindi gusto ng kanyang mga kaibigan ang girlfriend niya. Pero ngayon lamang tuluyang ipinakita ni Dave sa kanya ang matinding pagkadisgutong iyon.


Seryoso ang anyong bumaling sa kanya ang kaibigan.


“Hindi mo pa gaanong kilala ang babaeng iyon para pagtangkaan mong pakasalan. Anong nangyari sa’yo? Nawalan ka na ba ng kakahayang mangilatis ng babae at ang isang iyon ang pinatulan mo? O sadyang desperado ka lang dahil wala ng pumapatol sa’yo?”



“Sa gandang lalake kong `to? Hindi mangyayari `yon pare. Sadyang napapagod na ako kapapalit ng girlfriend kaya naisip kong lumagay na sa tahimik.” Katwiran naman niya.


“Kung katahimikan ang hanap mo, sa simenteryo ka magpunta hindi kung anu-anong kabalbalan ang pumapasok diyan sa kokote mo.”


“Hindi nababagay sa simenteryo ang ka-guwapohan ko.” Ngingisi-ngisi naman niyang tugon.


“At saan ka nababagay? Sa babaeng iyon na halos wala ng ibang ginawa sa buhay kung hindi ang makipag sosyalan kasama ang mga kaibigan niyang parang mga donut na ang mukha sa sobrang kapal kung makapag lagay ng make-up? Buti hindi ka nagkaka-allergy tuwing maghahalikan kayo.” Ganting pag-aasar naman nito.


Hindi siya nakatugon. Paano ba naman, eh, totoo ang sinabi ng kumag niyang kaibigan. Grabe kong makapaglagay ng make-up ang kanyang girlfriend at mga kaibigan nito.



“Sa palagay ko, dapat mo munang kilalanin ang girlfriend mo Bry, bago ka magdesisyong pakasalan siya.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakisali sa usapan ang kasintahan nitong si Alex. Kahit kailan ay hindi ito basta-basta nagbibigay ng opinion kapag silang magkakaibigan ang nag-uusap-usap.


“Bakit Alex, pinagsisihan mo na bang pinatulan mo itong kaibigan ko?” Ngingisi-ngisi niyang tugon rito. Agad siyang nakailag nang batuhin siya ni Dave ng kubyertos.


“Hindi isang laro ang pagpapakasal at lalong hindi madaling bagay ang magpatali sa maling tao. Kaya bago pa maging huli sa’yo ang lahat, siguraduhin mo muna sa sarili mo kung siya na nga ba ang babaeng gusto mong makasama habang buhay.”


“Tama si Maldita at ang mama mo. Huwag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo kung ayaw mong sa bandang huli, maiwan kang katawa-tawa at pinagsisisihan ang lahat.” Sabat naman ni Dave saka ito tumayo.


“Saan ka pupunta Renzell Dave?” Si Alex.


“Mag-iinuman kami ni Brian baby Maldita.” Inosenting sagot naman nito sa kasintahan.


“Walang inumang magaganap hanggat hindi mo nahuhugasan ang pinagkainan natin.” Seryoso’t walang kangiti-ngiting wika naman ng kasintahan nito.


“Sabi ko nga maghuhugas muna ako bago kami mag-inum.” Walang kakontra-kontrang tugon nito sabay dampot ng pinagkainang plato.


Napapantastikuhan siyang napatingin sa kaibigan. Si Renzell Dave Nievera?  Ang kanyang kaibigan na simulat sapol ay hindi naranasan ang gumawa ng kahit ano mang gawaing bahay. Ang taong masasabi niyang kasing taas ng Mount Everest ang tiwala sa sarili. Ang lalaking kahit sinong babae ay hindi nagawang pasunurin, ay biglang naging maamong tupa at naging sunod-sunuran?


‘Anong ginawa ni Alex sa kanya?’


“Hoy! Boromeo! Ano ang tinitingin-tingin mo riyan? Tutal, nakalibre ka na man lang ng tanghalian dito sa amin at natikman mo pa ang masarap na luto nitong si Maldita ko, tulungan mo akong maghugas ng pinggan!”


‘Ayaw kong maging katulad niya!’





Ilang araw ang nakalipas at sa mga araw na nagdaan ay walang tigil ang mga kaibigan ni Brian sa pangungulit sa kanya. Lahat ng mga ito ay hindi makapaniwala sa kanyang naging desisyon na pakasalan ang kanyang girlfriend. Kung hindi panunudyo, ay panunuya ang mga natatanggap niya galing sa mga kaibigan at sa totoo lang, malapit na siyang mapikon hindi sa mga ito kung hindi sa damuhong si Dave na ipinagkalat ang kanyang mga ikinumpisal dito.


Ang kanyang mga magulang naman ay pinanindigan ang pagkadisguto sa kanyang pagpapakasal. Hindi na siya muli pang nakatanggap ng tawag galing sa mga ito. Kung tama ang hinala niya, balak na naman siyang tikisin ng mga ito tulad ng laging ginagawa ng mga ito sa tuwing may gagawin siyang taliwas sa gusto ng mga ito.


Pero ang hindi alam ng lahat ay sa likod ng kanyang pagpupumilit ay unti-unti na rin siyang nagdadalawang isip sa kanyang binabalak. Mukhang na-impluwensiyahan na ng ginagawang pagtutol ng mga ito ang kanyang utak.


“I will be late for half an hour, hon. I-meet ko lang ang isa sa mga prospect client namin then I will be on my way to fetch you.” Kanina pa siya nito pinapapak ng text na hindi naman nito gawain kaya naman minabuti na niya itong tawagan.


“Half an hour? Ang tagal naman! Kanina pa ako bihis na bihis dahil ang sabi mo, darating ka before 5pm, eh, anong oras na?”


“I’m sorry. This is for the company.” He said apologetically.


“Pero naghihintay na ang mga magulang ko. Ikaw mismo ang nag-set ng araw na ito para sabihin sa kanila ang balak nating magpakasal tapos ikaw pa itong male-late? C’mon Brian, can’t you just move that meeting of yours tomorrow?”


Minasahe niya ang kanyang sintido dahil biglang sumakit iyon. Bakit ba ang hirap paliwanagan ng mga babae? Kailangan pa bang sa mismong bibig niya manggaling na para rin naman sa kinabukasan nila kung bakit siya male-late? At bakit parang bigla `ata itong naging demanding ngayon?


“Just give me thirty minutes, Cass. Kailangan ko lang talagang personal na makausap ang kleyenteng ito.”


“No! Pupuntahan kita mismo diyan sa opisina mo at dederetso tayo sa bahay. That meeting can wait but not my family.”


“Wait, Cass –– Pambihira!” Naibulalas niya nang busy tone na ang naririnig niya. Binabaan siya nito.


“Mukhang hindi naintindihan ng fiancé mo na male-late ka, ah. By the way, the client is here.” Nag salubong ang kanilang tingin ng kanyang pinsang si Xander. Nakahalukipkip ito sa may pintuan ng kanyang opisina.


“Sa susunod, ang trabaho mo lang dito ang pakialaman mo, hindi ang personal na buhay ko.” Malamig niyang tugon saka niya kinuha ang nakapatong niyang business suite sa sadigan ng swivel chair.


“Oh, c’mon bro, hanggang ngayon ba ay umuusok pa rin ang ilong mo sa akin? What had happened before was all part of the past. Dapat kinakalimutan mo na `yon.” Hindi nakatakas sa kanya ang panunudyo sa boses nito.


“`Wag mo akong matawag-tawag na bro dahil hindi kita kapatid.” Bara niya rito.


Humalakhak ito ng nakakagago.


“Look at you, Brian. Hanggang ngayon, immature ka pa rin. Nadagdagan lang ang edad mo pero, ikaw pa rin ang batang Brian na palagi lang pumapangalawa sa akin.”


Tinapatan niya ng isang mala-demonyong ngisi ang panunudyo nito.


“Pumapangalawa? Nabagok ba `yang ulo mo o sadyang hanggang ngayon, puro hangin pa rin ang laman niyan? Di ba ako ang boss dito at ikaw ang dakilang alalay ko? Sino ngayon ang pumapangalawa sa atin?”


Biglang nagdilim ang mukha nito.


“Sa ngayon oo, ikaw ang nasa taas. Pero oras na makumbinsi ko ang mga magulang mo na bitawan ang shares nila sa kumpanyang ito, tuluyan ka ng matatanggal sa posisyon mo ngayon at ako ang papalit sa’yo at sa lahat ng pinaghirapan mo.”


Mas mataas ang share ng mga magulang niya kumpara sa mga magulang nito pero hindi iyon ang dahilan kung bakit sa kanya napunta ang mataas na posisyon ng kumpanyang iyon. Sa nakaraang mga taon, pinagsikapan niyang paunlarin iyon kaya nga sa kanya lahat napunta ang boto ng buong board para sa chairman position nang tuluyang bitawan ng kanyang ama ang pamamahala sa kumpanya para mag-focus sa bagong venture nitong business sa France.


“Umaasa kapa na mangyayari `yon? Puwes, ngayon pa lang, sinasabi ko na sa’yo na malabong mangyari ang binabalak mo. Hinding hindi kita bibigyan ng pagkakataon na maagaw sa akin ang posisyon ko dito kahit maglumpisay kapa sa kakaiyak. You will be my junior assistant for the rest of your life!” Saka siya tumayo’t linampasan ito sa may pintuan para tunguhin ang conference room kung saan gaganapin ang meeting nila ng kanyang kleyente.





Naging matagumpay ang meeting ni Brian sa kanyang kleyente kahit pa man halos minamadali na niya ang pakikipag-usap rito. Ano mang oras kasi ay pwedeng biglang sumulpot ang girlfriend niya subalit, nagtaka siya na natapos na lamang ang pakikipag-usap niyas sa kanyang kleyente ay hindi pa ito sumusulpot.


Nauwi ang kanyang pag-aalala sa galit nang lumabas siya ng conference room at makita ang kasintahang kausap ang walang hiya niyang pinsan. Nagtatawanan pa ang mga ito na walang pakialam sa mga nakamasid na ibang tauhan doon. Nang makita siya ng kasintahan ay agad itong lumapit sa kanya na hindi nawawala ang ngiting nakaguhit sa mukha.


“You’re a very lucky guy you know? Kung hindi pa magaling mag-entertain itong pinsan mong si Xander, baka kanina pa ako nagwawala rito.” Salubong nito sa kanya sabay angkla nito sa kanyang braso, “Bakit hindi mo nasabi sa akin na may pinsan kapa pa lang natitira rito at nasa kumpanyan mo pa?”


“Bakit ka nakikipag-usap sa kanya?” Malamig niyang balik dito na ang tingin ay nasa ngingiti-ngiti niyang pinsan.


“He offered me his company since na busy kapa raw negotiating with your client. Bakit ganyan ang tono ng boses mo?”


Doon lamang niya hinarap ang kasintahan.


“The reason why you set foot in this building is me. So dapat, ako ang hinanap mo at hindi sa kung kani-kanino kang tao nakikipagtawanan.”


“What’s wrong with me talking to your cousin? Magpasalamat ka nga’t in-entertain niya ako habang busy ka.”


Hindi niya pinansin ang mga sinabi nito. Sa halip, muli niyang binalingan si Xander na hindi mawala ang ngiti sa mukha nito at sa totoo lang, hindi niya nagustohan ang ngiting asong iyon.


“Let’s go. Naghihintay na ang mga magulang mo.” Sa halip ay wika niya.





Nakaplano na ang lahat. Ang araw, reception at kung saan gaganapin ang kanilang honeymoon ni Cassandra. Nang aprobahan ng mga magulang nito ang kanilang balak na magpakasal, ay agad na isiningit ng mga ito ang preperasyon. Pakiramdam niya tuloy ay namadali siya. Pero wala siyang balak na umurong.


Anim na buwan na lamang ang meron siya at matatapos na ang maliligayang araw niya bilang isang bachelor.  Si Cassandra at ang mga magulang nito ang hinayaan niyang magdesisyon ng lahat. Mas mainam iyon para sa isang tulad niyang walang kaalam-alam sa metikulosong mundo ng mga babae. Ang tanging partisipasyon niya sa kasalayang iyon ay ang kanyang credit card.


Ngunit habang papalapit ng papalapit ang araw ng kanyang kasal ay lalong lumalakas ang sigaw ng pagdadalawang isip sa kanyang utak. May mga pagkakataon sa nagdaang mga buwan na tinatanong niya ang kanyang sarili kung tama ba ang kanyang naging desisyon na magpakasal. Alam niyang hindi pagmamahal ang kanyang dahilan sa pagpapakasal. He’s attracted to Cassandra, all right. Pero ang atraksyong iyon ay hindi niya masasabing kasing lalim tulad ng atraksyon ng kanyang mga kaibigan sa mga kapareha ng mga ito. Nagdesisyon siyang magpakasal para magkaroon ng katuwang sa buhay. Pagod na pagod na siyang mamuhay ng mag-isa. Subalit sapat pa rin ba ang dahilan niya?


“Sino ang na-miss niyo?” Masiglang pagkakasabi niya nang pumasok siya sa gate ng bahay ng isa sa kanyang mga kaibigang si Dorwin. Naroon ang buong barkadahan nila. kasama ang kanilang mga extended friends para sa isang espesyal na okasyong iyon –ang anniversary ni Dowin at ang partner nitong si Red.


Agad na nakuha niya ang pansin ng lahat na nagkakasiyahan sa bakuran ng bahay. Lumapit siya sa magkasintahang Dorwin at Red na ngingisi-ngisi.


“Pambihira talaga kayo. Akalain niyong hanggang ngayon, ay uso pa rin sa inyo ang kabaduyang ito.” Sabay abot niya sa dalawa ng kanyang dalang regalo. “Happy anniversary mga pangit.”


“Salamat sa insulto pare.” Si Red.


“Asan ang fiancé mo?” Ani naman ni Dorwin.


“Hindi ko isinama.” Nakangisi niyang tugon. “Alam ko naman kasing masisira ang party na ito kapag isinama ko ang isang `yon.”


“Boromeo! Kumain kana? Tara, samahan kita sa loob naroon ang pagkain. Sinadya kong patirhan ka ng baked macaroni dahil alam kong paborito mo `yon.” Sabat naman ni Dave.


Nahihintakutan siyang napatingin rito.


“Sino ka? Ano ang ginawa mo sa baliw kong kaibigang si Dave?”


Inaasahan niyang babarahin siya nito na lagi nitong ginagawa subalit hindi nangyari iyon. Sa halip ay nginisihan lang siya nito at iginaya sa papunta sa loob ng bahay.


“Bibitayin na ba ako?” Takang tanong niya rito habang pinagmamasdan itong pinupuno ng pagkain ang platong hawak niya.


“Masarap ang pagkakaluto ni Laurence sa mga ito. Gusto ko na nga siyang kontratahin sa lahat ng mga special occasions ng kompanya pero ayaw ng animal niyang asawa.” Tugon nito.  Subalit hindi iyon ang inaasahan niyang magiging tugon ni Dave.


“Pare, kinilabutan ako sa’yo.” Pagsaboses niya sa totoong nararamdaman. “Bakit bigla ka `atang bumait ngayon? May sakit ka ba?” Mas sanay siya sa bruskong pakikitungo nito sa kanya.


“Doon mo siya sa kusina dalhin Dave.”


Paglingon niya ay naroon na ang mga kaibigan niya na naging malalapit na sa kanya simula pa noong koleheyo.


“Bakit sa kusina pa? Doon na lang ako sa labas para makasali na ako sa umpukan.”


“May importante tayong kailangang pag-usapan.” Seryosong wika ni Dorwin. “Kaya mas mainam na dito muna tayo sa loob. Si Red na muna ang bahala sa mga bisita sa labas.”


“Tungkol saan?” Kunot-nuo niyang naitanong.


“Tungkol sa pinsan mo.” Tugon sa kanya ni Dave.


“Anong meron sa kanya?” Kay Dave na siya humarap. “At kailan pa kayo naging intersado sa buhay ng isang `yon?”


“Hindi kami intersado sa buhay niya, kung hindi sa buhay mo.” Seryosong sabi nito. “Pero maya na natin pag-usapan ang bagay na `yan pagkatapos mong kumain. Panigurado kasing mawawalan ka ng gana pagkatapos mong marinig ang mga sasabihin namin.” Saka siya nito hinila sa kusina kasunod ang iba pa nilang kaibigan.


Kahit naguguluhan man ay minabuti na lang niyang lantakan ang mga pagkaing inilagay ni Dave sa plato niya dahil kung ang pinsan nga niya ang pag-uusapan nila, panigurado ngang mawawalan siya ng gana. Kaya bago pa mangyari iyon, kakain na muna siya.


Tahimik naman ang mga kaibigan niyang pinapanood siyang kumakain.  Weird para sa kanya na makitang mga seryoso ang anyo ng mga ito kaya nang nangangalahati na ang laman ng kanyang plato, doon na siya nagsimulang magtanong.


“So, what about Xander? Ano na namang kabalbalan ang ginawa ng isang iyon na pwedeng maka-apekto sa akin?” Hindi naman lingid sa kanya ang mga pinaggagawa ng pinsan niyang iyon para lamang pikunin siya. Iyon na lang kasi ang magagawa nito sa kanya.


“Ikaw na lang ang sumagot Dave. Tutal, pareho naman ang likaw ng bituka ninyo kaya paniguradong mas maiintindihan ka niya.” Si Vincent.


“Gano’n ka seryoso?” Nakataas ang isang kilay niyang komento. Sabay subo ulit ng pagkain.


“Tama si Vincent.” Pambabaliwala ni Chuckie sa komento niya. “Kung sa’yo niya malalaman, baka mabawasan ang magiging reaksyon niya.”


Inaabot sa kanya ni Dave ang cellphone nito.


“Wow! Namimigay ng cellphone pare? Ang sweet mo naman!”


“Gago! Tingnan mo ang mga larawan.”


Nginisihan niya ito ng nakakaloko bago niya kinalikot ang cellphone nito. Nang tumambad ang mga naroon ay unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha.


“Saan galing ito?”


“It came from a certain anonymous. It was also been stated na hindi ka kasama sa pinagbigyan niya ng mga pictures. Sa amin lang nina Chuckie, Dorwin, Vincent, at Niel naka-forward ang mga `yan. Ibig sabihin, kilala niya kaming malapit sa’yo.”


“Kung pagbabasehan sa mga pictures, recently lang nangyari `yan. Check mo ang pangatlong picture. It was taken from a boutique na noong isang buwan lang nag-open. Sinamahan ko si Angela doon kaya sigurado akong doon kinunan ang picture.” Wika ni Vincent.


Napahigpit ang pagkakahawak niya ng cellphone ni Dave. Nawalan rin siya ng kakayahang magkagpag salita nang umapaw ang galit sa buo niyang systema.


“Those pictures show that your fiancé Cassandra and your good-for-nothing cousin Xander is dating behind your back. ” Si Chuckie.


“T-This can’t be.” Wala sa sarili niyang naisatinig.


“Alam ni Xander ang kahinaan ng fiancé mo. You’ve been very busy these past months para paghandaan ang nalalapit na kasal ninyo at inisip mong busy din sa preparation ang fiancé mo. But the fact is, busy siya oo, pero hindi para sa kasal kung hindi sa pakikipag-date sa pinsan mo.”


“According to my sources. Galante rin daw ang pinsan mo kay Cassandra. Magpapatunay ang mga pictures na iyan na palagi silang lumalabas para mag-shopping, party at kung anu-ano pa.  Iyon ang ginamit niya para i-persuade ang tinamaan ng lintik na babaeng iyon. Pambihira! Noon ko pa sinabi sa’yo na walang maidudulot sa’yong maganda ang babaeng iyan.” Si Dave.


“ Nalaman mo ba kung sino ang nagpadala nito?” Tanong niya kay Dave na ang tingin ay nasa mga larawan pa rin sa cellphone nito.


“A guy named Eros Drake Cuevas.” Tugon ni Dave.


“Familiar sa akin ang pangalan niya.” Wika ni Vincent.


“Di ba siya `yong mukhang weirdo na palaging magulo ang buhok at parang hindi dinaanan ng plantsa ang damit na nasa Engineering department?” Si Chuckie.


“Iyon din ang pumasok sa isip ko nang marinig ko ang pangalan niya.” Tugon ni Dave. “Pero ang hindi ko alam ay ang intensyon niya. Bakit inabala niya ang sariling kuhanan ng pictures ang mga taksil na ito at ipadala sa atin?”


“Ito ang pangalawang pagkakataon na inagawan ni Xander ng girlfriend si Brian. At sa tingin ko, parte ito ng pakikipag kumpetensya niya sa kaibigan natin. So malaki ang posibilidad na accomplice niya ang Eros Drake Cuevas na `yon.” Si Dorwin.


“I will call off the wedding.” Pagdedeklara niya. Alam niyang iyon ang gustong mangyari ng walang hiyang pinsan niya. Gusto nitong maipahiya siya.


“Hibang kaba? Malaking kahihiyan ang gagawin mo. Hindi lang para sa sarili mo kung hindi para sa kompanyang hinahawakan mo. You will lose all your clients dahil sa malaking eskandalong ito.” Naibulalas ni Dave.


“`Yon marahil ang gustong mangyari ng pinsan mo, Brian. Kaya if I were you, pag-isipan mong mabuti ang magiging hakbang mo.” Ani naman ni Chuckie.


“That’s why I will be needing your help. Minsan ko na siyang hinayaang tapak-tapakan ang pagkalalake ko. Kung noon, natulungan siya ng mga magulang ko. Ngayon, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ito ng husto.”


Kung gulo ang gusto nito ay ibibigay niya iyon rito. Tapos na ang pagtitimpi niya kay Xander. At sa mga taong kasabwat nito, matitikman nila ang galit ng isang Ramirez.  Alam niyang nagpa-dalos-dalos siya ng desisyon ang maisipan niyang magpakasal pero, huli na ang lahat para magsisi. Ang tanging magagawa na lamang niya ay panindigan ang pagkakamali at ibagsak ang mga taong nagtangkang pabagsakin siya. At wala siyang ititira kahit isa.

22 comments:

Anonymous said...

This is exciting! Go bry! Namiss ko yung iba grabe! Hi dave! Hi lawrence! Lol
jjj

Unknown said...

wow naman, ano to war and planning mode si Brian... kawawang Eros paghihigantihan ni Brian... aabangan ko to.. pero Zeke naku wag mo namn bitinin kami noh!!! update update pag may TIME!!!!! Mwah love you Zeke...

Unknown said...

naexcite naman ako sa mga mangyayari Sir Z..


namiss ko talaga mga gawa mo


~hugs

Unknown said...

Go boromeo aabangan ko tlaga story na 2 . kya cguro knuhanan ni eros c cass at xander ng picture para ipakta ky brian kc crush nia . .wew waiting for 9 morning book 2 part 1

Anonymous said...

Nice one. ^^,

Pano na ung SKyband? hihihi
-pancookie

Unknown said...

Hmmmm kuya Zekiel grabe ka huh prologue plang may planning at intriga na... Exciting... Go na go na ba yo kuya z....

Reymond Lee said...

At least may may bago nang nakakaexcite sa site na to.

Anonymous said...

tagal naman hahahahhaahhahahaha

--- makatiboy

slushe.love said...

So, the story will be about Brian and Eros? HAHA :) Chos :) Excited na ako sa chapter 1. :) woot

Unknown said...

Thanks dto kuya Zeke! Ang galing mo talaga! Prologue pa lang ang ganda gandaaa naaa! Go Brian! Gantihan mo c Xander! Cass at Eros!

chie said...

Prologue pa lang exciting na! Iba ka talaga Zeke! Talagang aabangan ko ito tulad ng dati. :)

Jace said...

nice one IDOL!!! hahaha... bigla ko naman namiss si Red at Dorwin.. :D

hmmmm... parang mas abnormal naman si Boromeo kay Dave... XD

chapter 1 na agad idol!!! :D

-Minion Jay

Anonymous said...

wow.. ang ganda.. miss ko magbasa sa blog.. :D and its nice na meron ulit mababasang magandang story.. :D

-jec isidro :)

MARK13 said...

Eeeh....ang ganda naman nito,mukhang may masusubaybayan na uli ako,ahh :D

Anonymous said...

waahh.. dream come tru e ang story na to ni Boromeo.. hahaha

super looking forward sa mga susunod na chapters.. so excited also for Eros.. is he the one for Boromeo.. hehehe

God bless.. -- Roan ^^,

robert_mendoza94@yahoo.com said...

wo! LOOKS EXCITING ANG STORY NA E2, HE HE HE. THANKS ZEKIE AT INUMPISAHAN MUN ULE MAG SULAT. AABANGAN KO LAGE UPDATES MO. GOODLUCK!

Lawfer said...

magaling! *clap* magaling! *clap* mabaling!!! *clap*

la q msabi eh, nsabi q na sau sa pm LOL

Anonymous said...

nice!!ang ganda ng story!^^
my adventure nnmn!haha..excited nkong magbasa!^^

-monty

Anonymous said...

ui si brian na..



pangz

Unknown said...

cool

Anonymous said...

I don't have the adequate words to say how excited I am with this new book! I miss 9 mornings!

Pat
Tagasubaybay

Ryge Stan said...

wow astig naman ng story na to hehehe. and I hope pwede itong ihanany sa ganda nung sinundan nitong story ang 9 mornings book 1.

have a great day zild and keep it up

Post a Comment