"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."
Maraming Salamat sa lahat po ng nagbasa at tumangkilik sa story nila Andrew at Juancho. Kay Zildjian sa pagbibigay ng space para ma-post ang story na ito...
Sa mga nag-comments po, hindi ko po kayo iisa isahin... alam nyo na po kung sino sino kayo... Maraming salamat po..
Keep safe guys lalo na ngaung panahon ng kalamidad...
Mag-aalas nuwebe na nang sa wakas ay tumigil sa pagtipa sa laptop niya si Andrew. Nasa opisina pa siya, inaasikaso ang nabinbing mga paperworks. He had been so busy lately he didn't even have time to check his emails.
Sunod-sunod na events at parties ang inatupag niya. May kinalaman ang lahat ng mga iyon sa trabaho pero hindiibig sabihin na hindi siya puwedeng mag-enjoy. Andrew the party boy is back. And back with a vengeance. Iyon nga lang, kung dati ay parang nabubuhay ang dugo niya kapag nasa mga ganoong events, now he discovered na nakakasawa pala ito at nakakapagod. Tila may bahagi sa kanyang pagkatao na hinahanap iyong simple at tahimik na kasiyahan lang. A quiet evening spent simply talking with someone, a walk by the beach on a moonlit night...
Letse! Naiinis is Andrew sa sarili nang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Hanggang kailan ba niya iindahin ang pagkawala ni Juancho.
He doesn't mean all that muchto you, right? He was just someone to pass time with.
Pero kahit ilang ulit yata niyang sabihin iyon sa sarili ay iba pa rin ang isinasagot ng kanyang puso. He meant a great deal to him. And now he was gone, too. Just like other people in his life who mattered to him. Bumali ang daddy niya, oo, pero bahagya lang pinaghilom ng pangyayaring iyon ang mga sugat na nalikha sa pagkatao niya na bunga ng pagtatwa nito noon sa kanya.
Which should remind you all the more not to put your trust in people, sabi ng isang tinig sa kanyang isip. Sa halip na mapaiyak pa siya ay minabuti niyang ibalik ang pansin sa ginagawa. May maa-accomplist pa siya. Pero bago pa niya maabot ang keyboard ay may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.
"Son..." Ulo ng kanyang mommy ang sumungaw mula dito.
"O, 'My, napadpad kayo?
"Gabi na, puro trabaho ka pa rin?" Hindi agad pumasok ang kanyang ina at sa halip ay nanatili lang itong nakatayo sa bukana ng pinto.
"Parang hindi n'yo ako kilala. Eh, kayo ba. ba't napagawi kayo rito? Kasama niyo si George?
Umiling ang kanyang mommy. "May nakiusap lang sa akin na samahan ko siya rito." Noon ito umalis sa tapat ng pinto.
"An---Andrew..."
Natigilan siya sa pagsulpot ng daddy niya.
"You left in such a hurry before. Para tuloy bitin ang paghingi ko ng tawad sa iyo" sabi nito.
"Don't sweat it. O-okay na ako roon."
"Your mom doesn't think so." Sumulyap ito sa mommy niya. "Andrew, anak, I hate it that I wounded you so badly before that you... you seem to have completely lost your faith in people...."
"Gee... Dad, don't take all the blame. Hindi n'yo mag-isang ginawa iyon. There are other..... What?!" Napansin ni Andrew ang pagngiti ng daddy niya.
"You called me "dad". It's been a long time since I last heard you say that to me and I am just glad to hear that now it is under better circumstances." Lumapit ito sa kanya, tumalungko sa tabi ng swivel chair niya. "Hindi ko na maibabalik ang mga panahong nawala sa atin pero gusto kong bumawi. I want to be your daddy in ways I never was to you before. Will you let me?"
Naramdaman niya ang unti-unting pagkatunaw ng tila makapal na yelong bumabalot sa puso niya. "O-of course." Gumaralgal ang tinig niya, nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
"Thank you." Tumayo ito, saka umakmang yayakapin siya pero tumigil ito, tila nag-aalangan, siguro ay naisip na baka ayaw niyang gawin ito. Siya ang yumakap dito. And they hugged each other so tightly.
"Your sister is getting married. He wants you to be part of the entourage."
"So soon?" bulalas ni Andrew.
"Well, she said she's already sure of the guy and she is sure of his feelings for her, too. Kahit ako, medo tutol pa sana pero mapilit ang kapatid mo, eh. So will you be her bestman?
"No!" agad-agad siyang tumanggi.
"But why? Galit ka ba kay Sam? I'm su----"
"It's not that," putol niya sa daddy niya.
"Ehh... ano pala?" nagtatakang tanong naman nito.
"Basta ayaw ko." pagmamatigas ni Andrew.
"Son..." sabad naman ng kanyang mommy.
"I...I know her husband-to-be, okay." There he said it. Hindi siya makaisip ng maidadahilan kaya nagpasya siyang sabihin na lang ang katotohanan. "And I... I don't like him."
"What?!" Sabay na bulalas ng kanyang mommy at daddy na halatang naguguluhan.
"Ano ang kasalanan sa iyo ni Kurt?"
Marahas na napabaling ang ulo ni Andrew sa pinto. Bukod sa hindi ang inaasahang pangalan ang narinig niya, ibang tinig din ang sumabit niyon.
"What are you doing here?" Naningkit sa galit ang mga mata niya pagkakakita kay Juancho. "Hindi ba't pinapa-terminate no ma ang kontrata mo?"
"Gusto ko sanang makausap ka tungkol doon," sabi nito.
"Bakit? Nakapag-isip-isip ka na at natakot na mademanda?" tanong ni Andrew kay Juancho.
"Hindi iyon." Sumulyap ito sa mga taong kasama nila sa silid. "Pero teka, bakit galit ka 'kamo kay Kurt?"
"Kurt?" Parang naligaw ng landas ang pag-iisip ni Andrew.
"My daughter's fiance," paglilinaw ng daddy niya.
"Si Kurt ang boyfriend ni Sam? The same Kurt who used to be under my agency?" paniniguro ni Andrew.
"Oo, iyong sinabi ko sa iyo na naging kaibigan ko na rin. Narinig ko kasi ang pangalan ni Sam kaya sumabad na ako," saad ni Juancho sa pag-uusap nilang mag-ama.
Napaismid siya. "Some friend you are."
"Ano ang ibig mo sabihn doon?" nakakunot-noong tanong ni Juancho.
"Kaibigan mo siya, tapos iyong girlfriend ni---"
"Ay naging kaibigan ko na rin. So much, so noong magkaproblema sila ay sa akin siya lumapit," putol ni Juancho sa kanya.
"Ha?" ang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Andrew.
"May pagkasaway rin si Sam. Namana ata niya iyon sa akin," sabi naman ng kanyang daddy. "Ewan ko kung ano ang pinag-awayan nila ni Kurt pero muntik na iyong maging dahilan ng tuluyan nilang paghihiwalay. Fortunately, they kissed and made uo and it must have shaken them both up so that they decided to get married. So, ikaw pala iyong kaibigan ni Kurt na pinupuntahan ni Sam," sabi nito saka bumaling kay Juancho.
"Yes, Sir. Ako po si Juancho, naipakilala ka na po ni Sam sa akin sa picture," pagpapakilalang binata.
"Nice to meet you. Pero teka, mukhang may dapat kayong pag-sapan nitong anak ko."
"Anak n'yo?" gulat na tanong ni Juancho.
"So many things have been happening lately, you man and I think you and Andrew should talk about it. Jackie..." Tumingin ito sa mommy niya.
"Sige, son, doon lang muna kami sa labas." Sumama na ang mommy niya sa daddy niya.
"So, ano na?" tanong niya kay Juancho na halatang naguguluhan pa rin.
"Kagaya ng sinabi ko kanina, gusto kitang makausap. H--hindi ako naging masaya sa paghihiwalay natin, Andrew. S--siguro ay naging unfair at unreasonable ako. Nilinaw mo nga naman sa akin sa simula pa lang na hindi ikaw ang tipong pumapasok sa malalalim na uganayan pero sa bandang huli ay parang... parang iyon ang gusto kong mangyari. Hindi tama at para doon ay humingi ako ng paumanhin."
Hindi nakaimik si Andrew. Hindi malinaw sa kanya kung ano ang pakay nito sa kanya. Baka paghingi lang ng dispensa. Kaya iyon lang, sana a tapusin na nito iyon dahil... dahil nahihirapan na siya na tingnan lang ito at huwag sugurin ng yakap. Na-miss niya ito kahit pa nilalabanan niyang pilit ang damdamin na iyon. Ni hindi nga niya maamin-amin na iyon ang nadarama niya.
Itinuon nito ang mga mata sa kanya, hinagod siya ng tingin na tila ba nasasabik itong makita siya.
"I... I've been so miserable. Kaninang pagpunta ko rito ay sinabi ko sa sarili ko na sige na, kahit ano lang ang kaya mong ibigay, tatanggapin ko na. Basta lang makasama kita, na-realize ko, hindi ko pala kaya. Dahil.... dahil masyado ka nang naging mahalaga sa akin. Pasensiya na kung ginagawa ko iyong sabi mo ay ayaw na ayaw mo, iyong pie-pressure ka at hinihingan ng higit sa gusto mong ibigay. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Kailangan ko lang maipaalam sa iyo ang nararamdaman ko. Alam ko rin, kung minsan o kaya, madalas pa nga, na may mga tao na nangangako na napapako sa bandang huli. May mga tao na umaalis at iniiwan ang mga nagtiwala sa kanila. Pero mayroon din naman na handang gawin ang lahat para matupad ang pangakong mananatili sa tabi ng mahal nila sa buhay hanggang sa kanila huling hininga."I can be that person to you. Hindi ako aalis, hindi mawawala dahil kapag ginawa ko iyon ay para ko na rin yatang inalisan ng buhay ang sarili ko. Pagtawanan mo na ako kung gusto mo. Sabihin mo nang baduy o madrama ako. Pero kailangan kita para maging masaya ako," mahabang sabi ni Juancho
I don't need anyone, I shouldn't need anyone to make me happy. Mula noon ay iyon ang naging paniniwala niya. Pero ang bilis niyang nawari na may punto pala na hindi na niya kayang utuin ang sarili sa mating paniniwala na yion. Because the truth is, he did need someone.
"Mahal kita, Andrew. For better or for worse. If only you'd let me into your life." sabi ni Juancho.
Hindi nakapagsalita si Andrew. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang saya. Mahal siya ni Juancho.
"Pero kung... Kung ayaw mo talaga, nagpapasalamat na rin ako sa chance na naibigay mo sa akin na mapalapit sa'yo because you're one hell of a special guy," inabot ni Juancho ang pisngi niya, hinaplos iyon sandali, saka umakmang tatalikod na.
"I think... I think what you just said deserves a kiss," mahinang sabi ni Andrew.
Agad na tumingin sa kanya si Juancho. Mababakas sa mukha nito ang pagkamangha. "A--ano ang ibig sabihin kapag.... kapag hinalikan kita?"
"Magiging bato ka," sabi Andrew at saka tumawa.
Lumapit ito sa kanya, kinabig siya ngunit pinanatili ang maliit na distansya sa pagitan nila. Tinitigan siya nito. "If I kiss you and you let me, does that mean you're agreeing to be mine forever? With string, with commitments..."
"Has anyone told you that you talk to much?" tanong ni Andrew, saka kinabig ang ulo nito at binigyan ito ng isang maalab na halik.
Pareho silang naghahabol ng hiniga nag maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Pumunta ako sa unit mo," panimula ni Andrew. Ikinuwento niya rito ang nakita niya.
"Nagselos ka, no?" pabirong tanong ni Juancho na mababakas ang katuwaan sa tinig.
"Nainsulto, no, I mean, hayun ako, handang magbago ng pananaw... tapos makita-kita ko na may kasama kang iba. At half-sister ko pa."
"Eh, kasi naman, ang bilis mong bumuo ng konklusiyon. Kung nagtanong ka sana.... Of course hindi ako magtatanong. Bukod sa mataas ang pride mo, mas madaling paniwalaan na gago ako kagaya ng maraming kakilala mo" sabi ni Juancho.
Napayuko na lang si Andrew pero itinaas din nito ang mukha niya.
"Hindi ako makapaniwala na kapatid mo si Sam. Pero peksman, walang namamagitan sa amin. Kaibigan ko si Kurt at hindi ko siya gagaguhin."
Kayang kaya paniwalaan iyon ni Andrew. Juancho was definitely that kind of guy.
"Ako ang nakaisip ng ideyang sundan ni San si Kurt sa rest house nito. Alam ko na nandoon ang kaibigan ko dahil nakausap ko siya." Itinuloy nito ang pagpapaliwanag. "Nakiusap siya sa akin na samahan ko siya. Kinakabahan daw kasi siya. She was afraid she had gone too far that time, na hindi na siya mapapatawad ni Kurt."
"Ano ba kasi kasalanan niya?" tanong ni Andrew.
"She kept pushing him away because she felt that he was too good too be true."
"Ha?" gulat na reaksiyon ni Andrew.
"Hindi maganda ang naging karanasan ni Sam sa dalawang naging boyfriend niya bago si Kurt. Kaya hirap siyang maniwala na hindi siya sasaktan ni Kurt. Pero dahil doon ay parang siya pa mismo ang gumawa ng paraan para masaktan siya," pagkukuwento ni Juancho.
"Like some people I know," mahinang sabi ni Andrew. Mukhang hindi lang pala siya ang may bitbit na emotional baggage. Come to think of it, no one is probably angst-free. Ang buhay kasi ay isang pakikibaka at bawat sagupaan ay may iniiwang pilat. Nasa tao na lang kung paano pangingibabawan ang masamang karanasan sila. At siya, handa na niyang tanggapin na puwede pa rin siyang masaktan kahit ano pa ang ipinangako ni Juancho pero ang mas mahalaga ay magiging masaya rin siya. "I love you so much. I hope you realize that now," pagtatapat niya kay Juancho.
Ngumiti ito. "Tamang-tama, nandiyan lang sa labas ang mga magulang mo. Baka puwedeng mamanhikan na ako, kahit ako na lang muna."
"Excuse me, hindi uubra sa akin ang installment na pamamanhikan. Gusto ko isang bagsak lang. Iyong pormal. Iyong---"
"Bukas na bukas din ay isasama ko ang buong angkan ko para mamanhikan sa inyo para patunayan sa iyo na handang-handa akong maging sa iyo habang-buhay," putol nito kay Andrew.
Hindi na siya nakahirit pa dahil sinakop na ng mga labi nito ang kanyang mga labi. And with that he knew, he was willing to take chance to find happiness...
FIN