Sunday, July 14, 2013

The Devil Beside Me Chapter 22



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Natapos ko rin ang chapter na ito! Time check 4:17am! Sobrang pagpapahirap talaga ang ginagawa sa akin ng k’wentong ito. Buti na lang at kahit papaano ay malapit na siyang matapos. Pero pero pero!!! Hindi pa tapos ang lahat mga kabagang! May mga pasabog pa ako sa k’wentong ito kaya konting tiis pa. Hihihihi


Di ko na ito binasa pa. Masyado na akong tinatamad na basahin at i-check ang mga typos at maling salitang ginamit ko rito. Bukas na lang iyon. Sa ngayon, basahin niyo na lang muna at sana, ma-enjoy niyo itong chapter.

TDBM CHAPTER 22 GUYS! HAPPY READING AND KEEP THE COMMENTS COMING!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




 

Jay


Janssen Velasco


Maki Delgado


Hindi siya nakapagsalita sapagkat totoo ang sinabi nito. He planned everything. Simula sa umpisa ay umikot na sa mga palad niya ang lahat.  He pretended to be the victim para makuha niya ang gusto niya.


Bago pa man niya makuha ang atensyon ni Janssen ay alam na niya ang nakaraan ng ama nito at ng ama niya. It was by accident nang marinig niya ang usapan ng kanyang mga magulang. He was first year high school when his father confessed everything to his mom about Alfonso Velasco. Hindi pa niya naintindihan agad lahat ng iyon hanggang sa hindi rin inaasahang pagkakataon, nag-transfer sa kanilang eskwelahan si Janssen Velasco. The surename ring a bell on him. Pinukaw niyon ang kanyang kyuryosidad para alamin kung may koneksyon ba ito sa Velasco na una na niyang narinig na pinag-uusapan ng kanyang mga magulang.


“It was a very clever move Jay.” Muling wika sa kanya ni Mrs. Serano. “Ginamit mo ang pagiging over protective ni Maki sa’yo para makuha mo siya hindi ba? Kung gano’n, bakit pati sa mga magulang mo ay kailangan mo pang magpanggap? Iyon ba ang paraan mo para parusahan sila sa hindi nila pagsasabi sa’yo ng totoo agad?”


 Marahan siyang umiling.


“Oras na sinabi ko sa kanila na alam ko ang lahat ay mag-iiba ang takbo ng plano ko. Kaya kailangan kong ilihim sa kanila na alam ko ang lahat kahit pa man sa kabila ng katotohanan na masasaktan ko sila.”


“Kailangan pa ba iyon? Ang makuha lang naman ang atensyon ni Maki ang gusto mo hindi ba? At nagawa mo agad iyon nang dumating si Janssen sa buhay niyo? Bakit mo pa kailangan ang mga magulang mo?”


“Dahil hindi lang naman si Maki ang dahilan ng mga plano ko.”


Mataman siyang tinitigan ni Mrs. Serano. Hinihintay nitong dugtungan niya ng paliwanag ang kanyang sinabi.


“Sa tulong ng malalaking tao na sumuporta sa ama ko, nagawa nilang itago ang nangyari sa nakaraan. At dahil doon ay inakala ni papa na tapos na ang problema. Pero hindi, hindi natapos ang problema dahil hindi naman nila sinulusyunan iyon. Instead, ibinaon lang nila sa limot. At dahil doon, may Janssen na nadamay.”


Lalong napuno ng pagtataka ang mga mata nito.


“You tend to help Janssen?” Kapagkuwan ay naibulalas nito.



“Janssen was been feeded by lies. His total existence was meant for only one purpose and that is to extract revenge to my family. He was treated like a tool rather than a son by his father. At gusto kong ma-realize niya iyon na mangyayari lamang kung hahayaan ko siyang ipagpatuloy ang balak niya. And at the same time, para mapilitan ang papa kong harapin ang problema kesa takbuhan iyon. Sapagkat habang tinatakasan niya ang problema, may isang buhay na nasisira at iyon ay ang buhay ni Janssen. He deserves to live a happy life hindi ang mabuhay para lang maging kasangkapan sa paghihiganti.”


Amusement. Iyon ang nakikita niya sa mga mata nito habang nakatitig ito deretso sa kanyang mga mata.


“I can’t believe this.” Sa wakas ay wika nito habang nakangiting napapailing. “You exceeded my expectations, Jay Iglesias. I admit na hindi ko agad nakita ang lahat. Na ang tingin ko sa’yo ay isang taong makasarili. That the only purpose of your plan was to make Maki fall for you. Mali pala ako. You planned the whole thing not only for you to get Maki but also to save Janssen and your family from what had happened in the past.”



Ngiming ngiti ang binigay niya rito.


“Hindi ko kayo masisisi Mrs. Serano. Kahit ang mga taong naging malapit sa akin ay hindi agad ako naintindihan.” Samo’t saring sermon ang inani niya sa mga kaibigan at magulang matapos malaman ng lahat ang buong katotohanan sa kanyang naging plano. Muntik pa siyang ilibing ng buhay ng mga kaibigan sa ginawa niyang pagpapaikot sa mga ito.


Nagulat siya nang maglahad ng kamay sa kanya si Mrs. Serano. Nagtatanong ang kanyang tingin nang salubungin niya ang mga mata nito.


“Congratulations! My courier company is now ready to merge  with your company.” Masayang pag-aanunsyo nito.


Sa sobrang pagkadala niya sa kanilang k’wentuhan at pagiging kumportable niya rito ay nakalimutan na niya ang buong dahilan kung bakit siya naroon. At iyon ay walang iba kung hindi ang mapa-oo niya si Mrs. Serano na makipag merge sa kumpanya nila.


Hindi na nito hinintay na abutin niya ang nakalahad na kamay nito. Si Mrs. Serano na mismo ang kusang umabot ng kanyang kamay na nakapatong sa mesa.


“I did it?” Wala sa sariling naitanong niya ngunit hindi iyon para sa babaeng kaharap niya ngayon kung hindi sa kanyang sarili. Totoo ba ang lahat ng ito? Nagtagumpay siyang makuha ang deal?


“Yes, Jay. Believe it or not, but you did it. I accept the partnership. Marami kang pinatunayan sa akin sa mga k’wento mo at isa na doon ang katotohanang hindi ikaw ang taong iniisip ng ilan na ikaw. You made me see the real you hindi ang pagkataong pin-ortray mo na isang irresponsable at walang sense of commitment.” Nakangiting wika sa kanya ni Mrs. Serano.


Wala siyang masabi. Masyado siyang nalunod sa kasiyahan na halos hindi na siya makapag-react.


“I will personaly see you tommorow in your office so I can sign the contract that will legalize our partnership. Siguro naman sapat na iyon para maniwala ka na nagawa mo nga akong kumbinsihin.”


Wala sa sarili siyang napatango na lang sa nakangiting si Mrs. Serano. Hindi niya inaasahan ang lahat. Ilang araw na ba siyang parang tutang habol ng habol rito para lamang mapagbigyan siyang pakinggan ang kanyang proposal pero hito ito ngayon sa harap niya at handa ng makipagpirmahan sa kanya bukas.





Inihatid ni Jay si Mrs. Serano sa kotse nito na naka-park sa labas ng restaurant na pinagkainan nila. Hindi pa rin siya makabawi na napa-oo na niya itong makipag-merge sa kumpanya. Malaking bagay iyon para sa kanya dahil sa wakas, mapapatunayan na niya sa kanyang ama na handa na siyang hawakan iyon.


“Hindi ko alam kung papaano ko kayo pasasalamatan Mrs. Serano.” Wika ni Jay nang maihatid ang ginanang sa sasakyan nito. “And up until now, hindi ko pa rin alam kung papaano ko nagawang kumbinsihin kayo.”


Ngumiti ang ginang sa kanya.


“Please, drop the formality. Simula bukas ay legal partner na ako ng kumpanya ninyo. So you can call me by my first name. At hindi dapat ikaw ang nagpapasalamat sa akin, I should be the one to thank you for sharing your life story to me.”


“Elizabeth right?” Kahit hindi siya kumportableng tawagin ito ng walang paggalang ay hindi siya kumontra. Baka iyon pa ang maging dahilan para magbago ang isip nito. “Honestly, desperado lang talaga akong makuha ang deal kaya ko ginawa iyon. Iyon lang kasi ang tanging paraan para ma convince ko si Papa na handa na akong hawakan ang negosyo namin. Gusto ko na kasi siyang magpahinga na lang sa bahay kasama si Mama.”


“Arturo and Merald are indeed lucky to have you as their son. And don’t worry, I will propose a recommendation to Art na ikaw na ang pamahalain niya sa negosyo niyo.” Tugon naman nito.


“Talaga?” `Di pa nga siya nakakabawi sa pagkabigla na napapayag niya ito ay heto’t may nakakagulat na naman itong sinabi sa kanya. Ano ba ang meron sa nak’wento niya rito at parang bilib na bilib ito sa kanya?


“Yes. With the proper guidance sigurado akong mahihigitan mo ang ama mo. And I’m also willing to give you a hand kung kinakailangan. Besides, that’s what partnership is all about – to work hand in hand.”


“Don’t you think it’s a bit too much? Alam ko naman na hindi lang ang courier company ang pinapatakbo mong negosyo.”


Ngumiti ito ng makahulugan sa kanya saka pinaandar ang makina ng sasakyan.


“I’ll see you tomorrow, Jay.” Pagpapaalam nito.


Pagkaalis na pagkaalis ni Mrs. Serano ay dali-daling hinugot ni Jay ang kanyang cellphone. Halos nanginginig pa ang kanyang kamay sa sobrang excitement habang hinahanap ang numero ng kanyang tatawagan.


“You can’t believe this ma, I made it! Nagawa kong i-close ang deal kay Mrs. Serano! Bukas ay pupunta na siya sa office para permahan ang kontrata.” Walang pagsisidlan ang saya sa kanyang boses habang ibinabalita niya sa kanyang ina ang napakagandang pangyayaring iyon.

“Talaga? Congratulations anak! Sinasabi ko na nga ba’t hindi mo bibiguin ang Papa mo, eh. So kailan ka uuwi para ma-i-celebrate natin itong accomplishment mo?” Wika naman nito sa kabilang linya. “Ilang araw ka na ring hindi umuuwi rito dahil sa deal na iyan. Nami-miss kana namin.”


“Bukas siguro uuwi na ako diyan ma, after the contract signing. Na-miss ko na rin kayo ni Papa.”


“Jay anak? Congratulations! I’m so proud of you son!” Hindi na iyon boses ng kanyang ina.


“Pa? Ang lakas naman ng pandinig niyo.” Biro niya rito.


“Mas malakas lang talaga ang boses ng Mama mo kaya narinig ko ang magandang balita. Hindi ako nagkamali na ikaw ang ipinadala ko riyan at natutuwa ako ng husto. Parang aatakihin ulit ako sa puso sa sobrang saya. Kailan ka uuwi?”


Natawa siya sa nabakasang saya sa boses nito at sa pagbibiro nito. Mukhang tuluyan na nga itong nakabawi mula sa sakit. Hindi rin nakatakas sa kanya ang pagkagusto ng mga itong makita ulit siya dahilan para lalo siyang makadama ng saya.


“Bukas ang uwi ko diyan, pa.” Ngingiti-ngiti niyang sabi.


“Bukas daw siya uuwi. Sapat na ba ang oras na iyon para makapaghanda tayo ng isang party?” Narinig niyang wika nito marahil ay ang kinakausap ay ang kanyang ina.


“Pa, hindi ko kailangan isang party.” Natatawa niyang wika. Kung noon ay siya pa itong manghihingi sa mga ito ng isang party, ngayon ay ang mga ito na mismo ang kusang magpapahanda sa kanya ng gano’n. At isa lamang ang ibig sabihin niyon –napasaya niya ang mga ito.


“Ay, hindi pwede. Dapat may party tayo bukas para maipagyabang ko sa mga amigo ko na nagawang makipag close ng deal ang nag-iisang anak ko. Maiiggit ang mga iyon sa akin.” Tila proud na proud nitong wika.


“Magyayabang lang pala kayo, idinamay niyo pa ako. Akala ko pa naman magpa-party kayo para sa akin.” Kunyari ay nagtatampo niyang wika.


“Of course para sa’yo ang party bukas anak. In fact, hayon na ang mama mo sa telepono’t isa-isa ng tinatawagan ang mga kaibigan mo ngayon. Kaya dapat makauwi ka bukas, ha? Again, congrats anak, I’ve never been this proud in my whole life.”


Alam niya ang ibig sabihin nito. Dala-dala ng ama niya ang kahihiyan sa pagpapagamit nito noon kay Alfonso dahilan para bumaba ang tingin nito sa sarili. Naalala pa niya ang tagpo kung saan inaamin nito sa kanya ang lahat. Kita niya sa mga mata nito noon kung papaano nito pinagsisihan ang pagpapagamit nito  kay Alfonso para lamang maisalba ang kumpanya ng kanyang lolo at lola.


“Tapos na ang lahat Pa, hindi mo na dapat hinahayaan na maka-apekto pa iyon sa’yo.” Pang-aalo niya.


“Right. Sayang ang isinakripisyo mo kung magpapa-apekto pa rin ako sa nakaraan.” Kahit anong tago nito ay hindi pa rin nakatakas sa kanya ang lungkot sa boses nito.


“It was not your fault at tigilan na ninyo ang pagsisintir at baka hindi ako umuwi diyan sige ka.” Idinaan na lamang niya ito sa biro. Alam niya namang hindi agad mabubura ang guilt feeling nito.


“Alright you win.”




Tulad nga ng ipinangako ng kanyang ama ay nagkaroon ng malaking party sa bahay nina, Jay. Naroon ang ilan sa mga empleyado nila sa branch nila roon at ibang matataas na tao na kilala ng kanyang ama. Hindi rin nawala sa party ang kanyang mga kaibigan na siyang tumulong sa kanyang mga magulang para sa welcome party na iyon.


Halos lahat ay kinakamayan at pinupuri siya dahil sa kanyang nagawa. Kanina pa nga siya nangangawit sa kakangiti. Gasgas na rin ang salitang ‘Salamat’ sa gabing iyon bilang tugon niya sa mga bumabati sa kanya. Nang sa wakas ay makalapit siya sa kumpulan ng kanyang mga dating katrabaho ay nakahinga siya.


“Ikaw na ang sikat.” Nakangiting bati sa kanya ni Chelsa. Dati niya itong katrabaho sa call center. “Habang tumatagal, nagiging mukha kang kagalang-galang, ah. At iba na rin ang fashion statement mo ngayon.”


“Hindi lang tayo sanay naka formal attire siya.” Ani naman ng isa pa niyang dating katrabahong si Rachelet. “Pero sabagay, hindi na siya basta-bastang tao ngayon. He’s the new head of their company.”


“Tigilan niyo nga ako.” Nakasimangot niyang wika. “Kahit ano pang pagbabago sa buhay ko, ako pa rin ito, no.” Ini anunsyo na rin ng kanyang ama sa lahat ng bisita na naroon na siya na ang bagong mamamahala ng negosyo nila. Mukhang nakatulong nga ang magandang feedback ni Mrs. Serano dito para ipagkatiwala na sa kanya ang lahat.


“At humble na siya ngayon.” Ngingisi-ngisi namang wika ni Ken. “Sino ang mag-aakalang ang ubod ng tamad na si Jay ay isa ng businessman na ngayon? At take note, siya pa ang nakapag close ng isang napakalaking deal. Magugunaw na ba ang mundo?”


“Sino ka?” Nakangisi na rin niyang baling dito. “Saan mo itinago ang totoong Ken na kilala ko? Ilabas mo siya!”


Humagikhik ang katabi nitong si Matt na siya ring boyfriend nito.  Ito ang dahilan sa malaking pagbabago sa ugali ng kanyang dating katrabaho na kumibot-hindi noon.


“Kanina kapa lakad ng lakad pero hindi pa kita nakikitang umiinum.” Ini abot ni Nhad sa kanya ang basong hawak nito. “Bagong gawa iyan ni Andy ko. Tikman mo masarap.”


Tinikman nga niya ito.


“Sarap nga! Iba talaga ang level ng pagmamahal ni Nhad sa’yo Ands, nagagawa ka niyang bola-bolahin.” Ngingisi-ngising wika na tinawanan lang ni Andy.


“Inggit ka lang `ata sa mga love life nila, eh. Palibhasa wala rito ang irog mo.” Ang nanunuksong wika ni Chelsa. Umani agad ito ng kutos galing kay Rachelet.


He just gave them a smile. Totoo naman kasing naiinggit siya sa nakikitang pagmamahal sa mga mata ng ng mga ito. Pero nungka niyang aaminin iyon. Lalo lamang siyang aani ng tuksa sa mga ito.


Nang makita niyang papasok ng gate ang kanyang mga kaibigan ay agad siyang nag-excuse sa mga ito at dali-daling sinalubong ang mga bagong dating.


“Kailan pa nauso sa inyo ang magpa-late? Kala ko hindi na kayo darating, ah.”


“Kailangan pa naming hintayin at sunduin ang isang ito sa pier dahil hindi siya naka-abot sa last flight kaninang hapon. ” Si Nicollo na ang tinutukoy ay si Janssen.


“Hindi ko kasalanan na hindi agad ako nakapagpa-book ng flight. Huli na nang sinabi niyo sa akin na may welcome party pa lang magaganap ngayon para kay Jay.” Depensa naman agad nito. “Hi, Jay. Congats!” Sabay lahad nito ng kamay sa kanya.


“Salamat.” Nakangiti niyang tugon rito nang abutin niya ang kamay nito.


Agad na pinaghiwalay ni Dave ang kanilang mga kamay.


“Bawal makipag kamayan ng matagal. Baka kung saan pa mapunta iyan. May kasunduan tayo.” Wika nito kay Janssen.


“Grabe naman! Parang nakikipagkamay lang.” Angal naman ni Janssen dito.


“Nagre-reklamo ka? Gusto mo bang patawan kita ng insubordination?”


“Wala na akong sinabi. Syempre boss ko kayo.” Sumusukong wika ni Janssen.


Natawa na lang siya sa mga ito. Who would have thought na ganito ang kalalabasan ng kanyang naging plano. Na magagawa niyang papaglapitin ang mga ito.


“Tara na nga at sabay-sabay na tayong kumain. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko sa sobrang tagal ninyo.” Aya niya sa mga ito.


Sabay-sabay nga silang nagtungo sa kinalalagyan ng mga pagkain habang tuwang-tuwa niyang ibinabahagi sa mga ito ang naging anunsyo ng kanyang ama. Subalit kahit anong subok niyang maging masaya sa gabing iyon ay naroon pa rin at nagsusumigaw ang katotohanang may kulang. Na may bahagi ng pagkatao niya ang nawawala.


Matapos kumain ay agad na nagsimula ang inuman at k’wentuhang walang humpay. Masaya pero hindi rin maitatangging sa likod ng kanyang mga tawa ay naroon ang nagtatagong lungkot. Lungkot dahil wala roon ang taong hinahanap-hanap ng puso niya.


“Hindi pa ba siya nagpaparamdam?” Napalingon siya sa nagsalita.


“Janssen.” Nagpaalam siya sa mga ito na sisinghap lang ng hangin sandali. Sumunod pala ito sa kanya.


Malungkot itong ngumiti.


“Galit pa rin ba siya hanggang ngayon? Ilang buwan na ang nakakalipas, ah. Hanggang kalian ka ba niya titikisin?”


“Malaki ang naging kasalanan ko sa kanya.” Ilang buwan na nga ba ang nakakalipas simula ng iwan siya ni Maki? Mahigit apat na buwan na. At sa loob ng apat na buwan na iyon ay pinilit niyang magpakatatag at magsumikap para may maipakitang pagbabago sa pagbabalik nito. Umaasa kasi siya na kapag nakita nito ang pagsusumikap niya madali siya nitong mapatawad.



“I’m sorry.” Halos hindi niya marinig ang sinabi nito sa sobrang hina niyon. Sinisisi pa rin nito ang sarili dahil iniisip pa rin nito na kung hindi sa paghihiganti nito noon ay hindi sana masisira ang samahan nila ng dating kababata.


“Ayan ka na naman sa sorry mo.” Pinasigla niya ang kanyang boses. “Di ba sabi ko sa’yo na hindi mo kasalanan ang nangyari. Ako naman talaga ang dahilan kung bakit linayasan ako ng hunghang na iyon, eh.”


“Pero hindi mo sana ––”


“Shhh.. Tapos na iyon, okey?” Pagputol niya rito. “Hindi mo kasalanan na binusog ka sa paniniwala na ang pamilya ko ang dahilan ng pagkasira ng pamilya mo. Biktima ka rin ng paghihiganti ng ama mo sa amin kaya `wag mong sisihin ang sarili mo.”


“Hindi ko pa rin kasi maiwasan.” Lalong lumungkot ang anyo nito. “Kung hindi pa isinasampal sa mukha ko ang lahat ng ibedensiya, hindi ako matatauhan. My father is not capable of loving. Na kahit itaya ko pa ang buhay ko para sa kanya, hindi niya ako magagawang mahalin. Dahil tulad ni Mama, basura ang tingin niya sa akin.”


Nang ipakita rito ni Nico ang mga nahanap na  ibedensiya patungkol sa tunay na pagkawala ng ina nito ay tuluyan itong natauhan.


“Napasakama niya. Pinaniwala niya ako na ang pamilya niyo ang dahilan ng pagkasira ng pamilya namin pero ang totoo, siya ang sumira niyon. Ipinatapon niya si mama sa malayo para lang hind imaging sagabal sa kanyang kahunghangan kay Tito Art.”


Inabot niya ang kamay nito.


“Huwag mong hayaan na pangibabawan ka ng galit mo sa kanya, Janssen. Dahil oras na mangyari iyon, matutulad ka sa ama mo. Mawawalan ka ng kakayahang magmahal.”


“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin, Jay?”


Parang napasong agad niyang binitiwan ang kamay nito.


“Huwag kang ganyan!”


Sa wakas ay naglaho na rin ang lungkot sa mga mata nito at tumawa.


“I know I know! Hindi mo ipagpapalit ang hinayupak, impakto, dragon, control freak, demonyo at kung anu-ano pang tawag mo kay Maki, dahil siya talaga ang mahal mo kahit pa man ilang buwan ka na niyang tinitikis.”


“Syempre naman! Aba, hindi biro ang pinag-isipan kong plano para lang maakit ko ang isang `yon, no. Kaya kahit magkamatayan pa, hindi ko ipagpapalit ang pangit na `yon.”


“May idea ka na ba kung asan siya?”


Sumimangot siya.


“Wala! Ayaw sabihin sa akin ni Ely kahit halos mabili ko na lahat ng klase ng bag sa Metro Manila.”


“Gusto mo samahan kitang hanapin siya?” Nakangiting wika nito.


“Ni hindi mo pa nga alam kung saan naroon ang mama mo, may panahon ka pang maghanap ng ibang tao. Hayaan mo na iyon, kami na nina Nico ang bahalang maghanap sa kanya. Mag-focus ka na lang sa paghahanap sa mama mo.”


“Paano kung sabihin ko sa’yo na nakita ko na ang mama ko?” Nakangiti nitong wika.


“Ows?” `Di naniniwalang balik niya rito.


Ngumisi lang ito sa kanya bilang pagtugon saka siya nito hinila.


“Tara na doon sa umpukan at baka mapansin nila na nawawala tayong dalawa kung anu-ano na namang pumasok sa isipin ng amo kong baliw.” Tukoy nito kay Dave.






Itutuloy:

27 comments:

cyril21cute said...

kala ko ending na,, heheh first time kong mag comment.. ANG GANDA TALAGA.... PHEW!

Jace said...

Kakauwi ko lang at mejo may tama pa ng alak ang utak ko pero nung nakita ko sa FB na may Update na talagang binasa ko kaagad.. Hahaha!!

Galing talaga ni Idol!!
Two thumbs up ulit!!

Lalong gumaganda ang story ni Maki at Jay... Keep it up Idol!!

Kudos! :)

rheinne said...

Whew..ganda talaga..lalo na sunod sunod ang posting hehehe..congrats...

Unknown said...

Haha....ok ah..medyo naguluhan lang ako sa una..pero sa huli na gets ko na...

Richie said...

Nice chapter na miss ko yong mga dating character...
Kudos idol...

bon-bon said...

yepey . salamt po sa update :)

robert_mendoza94@yahoo.com said...

wow! mas lalu akong nae excite sa next update. sana ZEKIE may karugtong na agad! . . demamding lng? he he he. sowi, exag lng sa pagka excite frend! ha ha ha

Anonymous said...

Finale na po..please...

Mudra edu.. :)

Unknown said...

Huwaw!!!! Galing talaga!!!
How sad nga lang at wula si maki maki..

Tnx puh mr. Author sa pag-update! ^_^

Anonymous said...

ang ganda grabeee....stress reliever talaga ang kwento mo:)

jannsen at brian sana ang susunod na tandem ng 9 mornings hehehe :)

jc

Brilliance said...

nice point of view shift. Intriguing. Avid follower na ako neto.

Unknown said...

hahahah

sa wakas meron na akala ko din ending na hndi pa pala


sa next chapter na cguro ang ending

Unknown said...

Wow ganda... Zeke inulit ulit ko basahin... Whew iba ka talaga... Thank you isa ka sa alamat... Hehehehehe... Can't wait next chapter... Asan na si Maki ko...

Anonymous said...

I'm reading this while having breakfast... nakakarelax ang chapter na ito :)
-Tama ka Zeke, iba parin talaga kapag binasa ko hehehe kesa sa kinwento sa akin.


Pat
Tagasubaybay

Unknown said...

aaaaahhhh!!! grabe ganda!! aabangan ko naman ang chapter 23. haha :) keep up the good work! :))

Unknown said...

Nice Chapter! Congratz!

Anonymous said...

nice.. idol tlg..

pangz

twilightminds said...

Feeling ko si Mrs. Serrano yung nanay ni Janssen. :) galing ng twist

--makki-- said...

malamang sa 4 months na pagkawala ni makiboy may counter-attack yun kay jay! LOL humanda kayo sa pagbabalik ni makiboy! ahooo! ahooo! :))

hmmm.. ms. elizabeth is janssen's mom? (to think na gustong gusto malaman neto ang buong kwento sa mga nangyari... i mean gusto nyang malaman ang katotohanan sa naging sanhi ng malaking pagbabago ni janssen (hatred, anger and revenge fell down).. at dahil din cguro sa ginawa ni jay eh muling nagkatagpo ang landas nila ng anak nito.. aprobado agad yung deal dahil sa oras na yun alam na ni mr. elizabeth na in good hands yung magiging investment neto..

you already poy! ang galing!

Anonymous said...

oh my..!!

super kiligness naman to..

where the hell is Maki?? hehehe

God bless .. -- Roan ^^,

Anonymous said...

galing naman talaga ni pot.....nahulaan kagad ang mangyayari.. ikaw na pot da best ka ta laga..pero grabe ka poy iba ka magisip galing sobra

_iamronald

Unknown said...

thumbs up kuya zeke! Its nice to know na okay na ang lahat,kakaiba ka talga! Amazing! =)

Lawfer said...

doing my part of the deal lolx

pagsamahin q nlang comments q sa 21 at 22 since sabay q lang nman nabasa... inuna q pa 22 kea gulong gulo aq nung una... peo after basahin ang 21 eh kahit papano ay may linaw na sa akin kung bakit ganito at ganire... peo my mga katanungan pa rin ako... peo d q na itatanong dahil aabangan q yan sa mga susunod na chapter... tgnan ntin kung matapalam m mga butas na gawa ng matagal mong pag-uupdate :P

Jasper Paulito said...

nasaan si Makki? buang yon ah... di matanggap na naisahan siya ni Jay.... pero excited ako sa susunod na mangyayari sa kanilang dalawa... at least sila lang talaga sa wakas at itong damuhong si Jay naman, galing niya ha... mag-isa niyang hinarap, naprevent, ang kinaya ang magiging malaking problema ng pamilya niya. Jan talaga lalong maiinlove si Makki sa kanya... nahihiya lang itong aminin. hehehe.

Good luck kay Janssen dahil di niya alam magiging maganda ang buhay niya. Teka... what happened to his dad?

Anonymous said...

Thnx Kuya Zeke! :D

ganda pla ng mga music sa blog mo :D

Unknown said...

inulit ko po ulit na basahin. wahaha. adik lang eh. :) ganda talaga. :)

luilao said...

Sana me update na bukas hehehee...

Post a Comment