Tuesday, July 9, 2013

The Devil Beside Me Chapter 21



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Syempre nagpapasalamat ako sa walang sawa niyong pagsuporta sa k’wentong ito kahit pa man, ilang buwan ang itinigal bago ko ito nasundan. Nakakataba ng puso na may mga nagko-comment parin at nag-aabang sa kwentong ito. Masyado niyo talaga akong love. HA! HA!


Seriously, I want to thank you guys. Salamat ng marami sa suporta niyo sa akin. Ang ilan sa inyo ay naging matagal ko’ng tagasubaybay habang may ilan naman na bago at natutuwa ako na hindi niyo ako iniiwan. Rest assured na pagkatapos ng mga pasabog dito ay isang nakakakilig na roller coaster ride naman ang mga susunod para sa ating mga bida.


Thank you rin syempre kay Cocobar sa proofreading kahit masakit ang lalamunan niya. HAHA! At kay Dev Nic na isa rin sa nagpapalakas ng loob ko.

TDBM CHAPTER 21 GUYS! HAPPY READING AND KEEP THE COMMENTS COMING!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



 

Jay


Janssen Velasco


Maki Delgado


 “I can’t believe you did something like that!” Alam niyang iyon ang unang magiging reaksyon ni Nico kapag sinabi niya ang tungkol sa pagbahagi niya kay Janssen na nasa pangangalaga nila ang babaeng nagpalaki rito.


“At ano ang gusto mong gawin ko? Hayaan lang siyang magmalaki at isiping mga istupido tayo?” Depensa niya sa sarili.


“Alam mo ba ang pwedeng mangyari sa ginawa mo?” Naroon pa rin sa boses nito ang matinding pagkairita.


“He will feel threatened at mamadaliin niyang isakatuparan ang plano niya.” Tugon niya rito.


“Exactly! Hindi ka dapat nagpapadala sa lintik na pride mo. You know how complicated the situation is! Binigyan mo lang siya ng rason para madaliin ang lahat!”


“That’s exactly what I want to happen, Nico so, calm down.” Minsan lang niyang narinig itong naghi-hysterical at iyon ay noong mapagtanto nito ang tunay nararamdaman sa dating mortal nitong kaaway na ngayon ay kasintahan na nito.


“Are you crazy? Hindi magiging paborable sa atin kung iyon ang mangyayari. Hawak nga natin si Armida Cuerido pero wala pa tayong nakukuhang sapat na impormasyon sa kanya. Dehado pa rin tayo!”

Alam niyang nahihirapan itong makuhanan ng sapat na impormasyon ang babaeng kinilalang ina ng kanyang mortal na kaaway. Masyadong tikom ang bibig nito subalit, hindi niya ito masisisi, itinuring na rin nitong tunay na anak si Janssen kahit pa man binayaran lamang ito ni Alfonso noon upang tumayong ina sa kanyang kaaway habang hindi pa sinasabi rito ng Ama nito ang tunay nitong misyon. Iyon lang ang impormasyon na ibinigay sa kanila ni Armida.


“Alam mong kahit anong gawin natin ay hindi natin mapipilit si Armida na pumanig sa atin hanggat hindi tayo gumagamit ng dahas na alam kong hindi mo rin maaatim na gawin. Nagawa na niya ang gusto kong mangyari, sapat na iyon.”


“What exactly are you plotting, Maki?” Ang tila naguguluhan nitong sabi. “Pinahirapan mo akong hanapin ang kinaroroonan ni Armida para pasundan siya at ano, para lamang takutin si Janssen?”


“Malalaman mo rin ang lahat. Sa ngayon, ay huminahon ka muna dahil may ipapagawa ulit ako sa’yo.” Iyon naman talaga ang dahilan niya kung bakit niya tinawagan ito.


“Siguraduhin mo lang na alam mo ang ginagawa mo, Maki. Hindi lamang si Jay ang ipapahamak mo oras na pumalpak tayo. Ano ang gusto mong ipagawa?”


“I’m now on my way to Jay’s house. Kung hindi ako nagkakamali, ang susunod na hakbang ni Janssen ay ang sirain tayo kay Jay. Iyon lang ang paraan niya para hindi pagkitawalaan ni Jay ang kung ano mang sasabihin natin.”


“And?” Ang tila hindi makapaghintay na wika nito.


“And I will do exactly what he expected us to do – Ang sabihin kay Jay ang mga nalalaman natin sa kanya.”


“You know it won’t work that way, Maki. Hindi ka pakikinggan ni Jay. Iisipin lang niya na sinisiraan mo si Janssen.” Tutol nito sa kanyang gagawin.


“Exactly. Hindi naman niya kailangang paniwalaan ang sasabihin ko.”


“Hindi kita maintindihan.” Nahimigan niya ang pagkalito sa boses nito.


“Wala na akong oras na ipaliwanag pa sa’yo ang lahat. What I want you to do is to pay Janssen a visit. Sabihin mo sa kanya ang gagawin ko. At kontakin mo na rin sina Dave. Ipahanda mo ang mga hiningi ko sa kanya. Alam na niya kong ano ang mga iyon.”


Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Janssen ay nakabuo na siya ng plano. Iyon ang rason kung bakit sakay siya ngayon ng kanyang sasakyan at binabaybay ang daan papunta sa bahay ng mga Iglesias.  Alam niyang hindi na niya maiiwasan na maitago kay Jay ang lahat lalo pa’t na-provoke niya kagabi si Janssen. At alam rin niya na malaki ang posibilidad na hindi paniniwalaan ni Jay ang mga sasabihin niya.


“Hindi ko alam kung ano ang pina-plano mo Maki, pero may tiwala ako sa’yo. Okey, ako na ang bahala kay Janssen at sa pagkontak kay Dave. Ipagdasal mo lang na mapigilan ko ang sarili na bugbugin siya.” Tugon naman nito.


“You’re good at ignoring people Nico. Alam kong kaya mo siyang harapin na hindi mo babasagin ang mukha niya. May tamang oras para diyan. Paano, malapit na ako kina Jay, puntahan mo na si Janssen.”


“Jay will hate you pag itinuloy mo ang balak mo, Maki.” Nag-iba bigla ang tono ng boses nito. Hindi na iyon galit kung hindi pagkabahala.


“Kaya kong tanggapin lahat ng galit niya kung iyon lang ang paraan para ma-iiwas ko siyang masaktan ng husto.”


Pansamantala itong hindi nakapagsalita sa kabilang linya.


“Hindi ko hahayaan na pagtagumpayan ni Janssen na sirain ang pagkakaibigan natin. Alam mo ang ibig kong sabihin hindi ba?”


Ang pagkakaibigan nila ay naging isa sa mga rason para siya maging masaya. At hindi niya hahayaan na masira iyon ni Janssen na alam niyang mangyayari oras na bigyan niya ito ng pagkakataong gumalaw. Tuso ang kanyang kalaban at habang pinatatagal niya ang lahat ay lalo lamang lumalaki ang tsansa nitong sirain ang lahat.


“Kapag nalampasan natin itong problemang `to, sumama kayo sa amin ni Lantis. Mag double date tayo. Pwede rin nating isama sina Alex at Dave para tripple date. Ako ang bahala sa lahat ng gastos.” Ang wika nito kapagkuwan.


“Basta ba ikukwento mo na sa akin kung papaano kayo nagmi-make love ni Lantis, eh.” Aniya rito sa nanunudyong tono.


“I won’t do that!” Agad nitong pagtutol na ikinitawa niya.


“Siya, nandito na ako. Ikaw na ang bahala kay Janssen. And Nico, please take care of Jay for me. Iyon ang kabayaran na hihingin ko sa’yo sa tulong na ginawa ko sa inyo ni Lantis.”


Iyon lang at ibinaba na niya ang tawag. Ayaw na niyang marinig pa ang sasabihin nito dahil baka iyon pa ang maging rason para magdalawang isip siya. Tanggap na niyang walang ibang madaling paraan para maisalba si Jay kay Janssen.  Kailangang may isakripisyo siya kung gusto niyang  tuldukan na ang problema.


Pagkahinto niya sa tapat mismo ng gate ng mga Iglesias ay agad niyang pinatay ang makina. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang bumababa.


“Ang aga mo namang dumalaw, Maki. May importante ba kayong lakad ni Jay? Sana ay itinawag mo muna para naman nagising ko ang batang iyon.”


As expected, mahimbing pa ang tulong ng prinsipe ng mga ito at iyon ang dahilan kung bakit nagmamadali siyang pumunta roon dahil baka maunahan pa siya ni Janssen.


“Good morning Tita.” He greeted kasabay ng paghalik niya sa pisngi nito. “Wala po kaming lakad ngayon. May importante lang akong sasabihin kay Jay kaya ako napasadya rito ng ganito kaaga.”


“Kung gano’n ay puntahan mo na lang sa k’warto niya. Simula ng magka-boyfriend iyang kaibigan mo, umuuwi na lang iyan dito para matulog. Ni wala na kaming panahon magka-usap.” Nahimigan niya ang pagtatampo sa boses nito.


“Gano’n naman talaga si Jay, Tita. Kahit noon pa ay hindi na iyan nalalagi rito.” Hindi niya sinabi iyon para ipagtanggol si Jay, kung hindi para pagaanin ang loob ng ina nito.


“How do you find Janssen, Maki?”


Napakunot-noo siya sa biglaang tanong na iyon ng kanyang Tita.


“I know that I accepted the relationship they have. Dahil alam kong iyon ang makapagpapasaya kay Jay. Pero hindi ko pa rin maiwasang matakot para sa anak ko. Sa nakikita ko kasi, parang masyadong attached si Jay kay Janssen. Parang unti-unting nawawala sa akin ang anak ko.”


Pakiramdam ba iyon ng isang ina o sadyang hindi lang talaga normal para dito ang nakikitang pagkahumaling ni Jay sa kanyang kaaway?


“Ni hindi na namin makasamang mag-dinner si Jay dito sa bahay. I’m happy to see my son happy. Pero sa nangyayari, hindi ko maiwasang kwestyunin kung tama ba ang naging desisyon kong suportahan sila.”


“Hindi niyo dapat kinu-kwestyun ang naging desisyon ninyo dahil ni minsan ay hindi naging mali ang suportahan ng isang ina ang bagay na alam niyang magpapasaya sa kanyang anak. You already did what all the mothers should do Tita, hindi na ninyo hawak pa ang mga pwedeng susunod doon.” Aniya rito.


Pilit itong ngumiti.


“I think you’re right. Hala sige, akyatin mo na si Jay sa k’warto niya. Ako na ang bahalang maghanda para sa almusal ninyo at hindi ako papayag na tatanggi ka.”


Alam niyang pilit lamang nitong pinapasigla ang boses. Kung nakakaramdam na ito sa mga mangyayari tulad ng sabi-sabi na malakas ang pakiramdam ng mga inang tulad nito, ay mas lalo lamang niyon pinatitindi ang kanyang disposisyon na pigilan ang plano ni Janssen. Hindi niya `ata maatim mawasak ang pamilyang halatang pinahahalagahan ng kanyang Tita Meralda.


“Aakyatin ko muna po si Jay.”






Sa loob ng k’warto ni Jay ay hindi mapakali si Maki. Walang nagbago sa k’wartong iyon. Ngunit alam niyang may nag-iba na, hindi sa k’warto kung hindi sa kanya. Kung dati kasi ay salubong ang mga kilay at inis ang nangingibabaw sa kanya sa tuwing papasok siya sa k’wartong iyon para sermunan ang kababata sa kung ano mang kalokohang ginawa nito, ngayon ay pangamba at lungkot ang nararamdaman niya.


Naroon si Jay na mahimbing pa ring natutulog sa kama nito. Payapa ang hitsura habang yakap-yakap ang isang unan. Nabaling ang kanyang tingin sa lamp table kung saan nakapatong ang picture nilang dalawa. Kuha iyon noong mag- graduate ito. He was smiling proudly in the picture na sa wakas, ang maligalig at walang sense of responsibility niyang kababata ay nakapagtapos ng koleheyo. Wala sa sarili siyang napangiti nang kunin iyon.


“Ang tigas talaga ng ulo.” Nakangiting naiwika niya.


Naalala niya kung ilang beses nilang pinagtalunan ang paglalagay nito ng picture nilang dalawa sa k’warto nito. Pilit niyang ipinaiintindi rito na dapat ang picture kung saan kasama nito ang mga magulang ang dapat na dini-display nito at hindi  ang picture nila.


“I guess I can’t undo things for us anymore.” Gusto niya sanang bumawi rito. Ang gawin ang mga hindi niya nagawa noon at isa doon ay ang mahalin ito.


“Ano’ng ginagawa mo rito, Maki?”


Nakaupo na si Jay sa ibabaw ng kama nito habang magkasalubong ang kilay na naka tingala sa kanya nang balingan niya ito. Ibinalik niya sa larawan sa dati nitong kinalalagyan.


“Gising kana pala.” Bati niya rito.


“Bakit ka nandito?” Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito.


Umupo siya sa gilid ng kama nito habang nakasunod ito ng tingin sa kanya. Masasabi niyang dama niya ang hindi makitang harang sa pagitan nilang dalawa.


“Hindi na ba kita pwedeng bisitahin dito sa bahay niyo?”


Mukhang hindi naging maganda ang dating ng paunang mga salita niya rito dahil lalong nagsalubong ang mga kilay nito.


“Kahit kailan ay walang magandang nangyari sa tuwing susugod ka rito. What is it this time, Maki?”


“Gusto ko lang makipag-usap sa’yo.” He was indeed trying his best to sound normal para maihanda ito sa mga susunod niyang sasabihin.


“Itinawag mo na lang sana.” Malamig nitong tugon. “Baka ano pa ang isipin ni Janssen oras na malaman niya na pinuntahan mo ako rito at pumasok kapa sa k’warto ko.”


Si Janssen na naman. Ito na lang talaga palagi ang iniisip nito.


‘’Alam ko namang hindi mo sasagutin kung `yon ang ginawa ko.” He gave him a fake smile. A smile that hide a million emotions he was feeling at that moment.


Nag-iwas ito ng tingin sa kanya.


“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pupuntahan ko pa si Janssen para sabay kaming mag-almusal.” Hayagan na ang ginagawa nitong pagtaboy sa kanya tapos kagigising pa lang nito ang makipagkita na agad kay Janssen ang nais nito.


“Janssen is not the right person for you Jay.” Pagsisimula niya.


“Sinasabi ko na nga ba.” Wika nito saka bumaba sa higaan at binuksan ang pintuan ng k’warto nito. “Get out, Maki. Wala akong panahong pakinggan ang mga paninira mo kay Janssen. Sinasayang mo lang ang laway mo at ang oras ko.”


“Hindi kita pinipilit na paniwalaan ako.” Pagbabaliwala niya sa pagtataboy nito sa kanya. “Gusto ko lang na pakinggan mo ang mga sasabihin ko. Ni hindi mo kailangang sumagot o mag-react. I just want you to hear me out, then after that, hindi na kita didisturbohin kahit kailan.”


Hindi ito tumugon at iyon ang ginamit niyang pagkakataon.


“Alam ni Janssen na hindi totoo ang palabas mong may relasyon tayo noon. Alam rin niya ang planong ginawa mo para makuha mo ang atensyon niya because he, himself also planned everything for this day Jay. Hindi siya nandito dahil mahal ka niya. He’s here because he wanted to extract revenge to you and your family.”


“Get out, Maki.” Mariin nitong wika.


“Janssen Velasco is the son of Alfonso Velasco. Ang kanyang kinilalang ina ay si Armida Cuerido na binayaran ng kanyang ama na maging ina-inahan niya dahil nawalang parang bula ang tunay niyang ina na pilit lang na ipinakasal kay Alfonso. Dating business partner ng Papa mo si Alfonso at dati rin silang magkaibigan.”


“Kung totoo ang sinasabi mong iyan na dating magkaibigan ang mga ama namin, bakit paghihigantihan ako ni Janssen? You’re not making any sense at all Maki. Halatang gumagawa ka lang ng k’wento para siraan si Janssen.”


“Ang Ama mo at ang mga ibibigay ni Dave sa’yo mamaya ang magpapatunay na hindi hindi ako nagsisinungaling. But I want you to be open-minded this time Jay. Kahit ngayon lang ay gusto kong maging bukas ang isipan mo para sa mga paliwanag. I’m not doing this to ruin the relationship you have with Janssen. I’m doing this to save you and your family. Tulad ng sabi ko, hindi mo kailangang paniwalaan ako ngayon dahil ang tutoong dahilan kung bakit nandito ako ngayon ay para maihanda ka sa mga pwede mong malaman mamaya.”


Natahimik ito. Naroon ang pagkalito sa mga mata nito.


“Nang tawagan ako ni Janssen kagabi ay may na-realize ako. Hindi ko ito kayang gawin mag-isa. Habang pinatatagal ko ang lahat para protektahan ka, ay lalo ko lamang pinalalaki ang tsansa niyang tuluyan kang lasunin – papaniwalain na mahal ka niya. Kinunsulta ko kagabi ang ama mo patungkol rito. Siya mismo ang nagdesisyon na ipaalam na sa’yo ang lahat.”


Tumunog ang cellphone nito.


“Si Janssen na siguro iyan.” Wika niya rito nang hindi ito gumalaw man lang para kunin ang cellphone nito. “Pinapuntahan ko siya kay Nico para sabihin sa kanya na darating ako rito dahil wala ng magagawa ang mga tauhang binayaran niya para pabantayan ang bawat kilos namin.”


Gumalaw ito at tinungo ang kinaroroonan ng cellphone nito na hindi inaalis sa kanya ang tingin.


“J-Janssen?” Atubiling bati nito habang nakatitig sa kanya.


“O-Oo, kausap ko nga siya ngayon.”


“W-Wala naman. Binisita lang niya ako. M-May problema ba?”


Dahil sakanya pa rin ito nakatitig ay hindi nakatakas sa kanya ang paglalaro ng iba’t ibang emosyon sa mga mata nito. Ngayon, masasabi niyang kahit papaano ay nagawa na niyang maipakita rito na may mali sa taong kinahuhumalingan nito. Alam niyang nabuksan na niya ang kyuryosidad nito na susi para maghanap ito ng kasagutan.



Jay



“Here.” Nagulat pa siya nang ilahad ni Mrs. Serano sa kanya ang panyo nito. “You should wipe those tears.” Doon lamang niya na-realize na umiiyak na pala siya.


Atubili niyang tinanggap ang panyo nito.


“I’m sorry. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.” Nadala siya sa pananariwa sa nakaraan. It was the part of his past na sa tuwing maaalala niya ay hindi niya maiwasang masaktan. Siguro dahil hanggang ngayon na kahit ilang buwan na ang nakakalipas ay sariwa pa rin sa kanyang isipan ang lungkot sa mga mata ni Maki sa tagpong iyon. He was pretty sure Maki was hurting that time. Nasasaktan ito sa posiblidad na maaaring hindi niya matanggap ang mga malalaman niya.


“Ngayon ay naiitindihan ko na ang lahat.” Ani ni Mrs. Serano sa kanya. “Ang pagka ospital ng ama mo at ang mga pagbabagong nangyari sa’yo. But I must commend your bravery for telling me everything pati na rin ang tungkol sa nakaraan ng ama mo.”


“Hindi nakakahiyang bagay ang nakaraan ng ama ko, Mrs. Serano. Kaya wala akong rason para itago iyon sa’yo o kahit na sino mang tao. But yeah, the confrontation that Maki set for me and my father was the reason why he had been hospitalized. Hindi niya kinaya ang stress at pressure, thinking that I would freak-out after hearing everything.”


“But you didn’t freak out right?” Wika ni Mrs. Serano.


“Yes.” Mahinang usal niya.


“Because..?”


Mataman niya itong tinitigan. Alam niyang may ideya na ito sa mga nangyari pero mas gusto pa rin nitong sa bibig niya mismo iyon kumpermahin.


“Dahil simula pa lang alam ko na ang lahat.”


“At pinili mong itago ang mga nalalaman mo para sa araw na iyon. Sa araw na makikita mo sa mga mata ng dati mong kababata ang sakit sa sobrang pagmamahal niya sa’yo. You planned everything for two purposes. Number one is for Janssen to have his revenge and number two was to make Maki Delgado fall hard for you.”




Itutuloy:

29 comments:

chie said...

Whoa!!! Meron na agad!!! Basa mode ulit!!! :)

Thanks Zeks! :)

Unknown said...

Jay the manipulator. geez, hahahaha, kuya zeke astig ka boy

Unknown said...

sabi na eh,may counter attack si Jay,imposibleng wala dahil isa din syang tuso. Ang astig nito kuya Zeke, kuddos and God bless! Mwa

Unknown said...

boom!!! sabi ko na eh.. galing ni jay.. tsk.. napaikot at napaniwala niya lahat.. heartbreaking chapter..

galing mo chief! you never fail to amaze me.. two thumbs up ulit! ^_^

Unknown said...

wow grabeh na to... zeke ikaw na... Mahal na Mahal ko na si Maki kung kaya ko lang na maging tauhan sa kwento sana ako na lang si Jay... naiyak ako sa last Part... kuya zeke next na po... PLEASE!!!! Thank you sa story...

Unknown said...

Haixt, . .jay is manipulator,

pinaniwala niya ang lahat na wala siyang alam haixt tapos kawawa pa si maki,sinakripisyo niya pagmamahal niya para protektahan lang si jay...


--makki-- said...

BOOM! EXPLOSIVE! TNT! as what i've said.. kay jay ang una at huling halakhak :)) let's go back to chapter 1! hahaha 20 chapters ang gap ha!napakahusay poy! at si makiboy naman reverse psychology ang atake.. dahil alam din nyang alam ni jay.. at alam din ni jay ang gagawin ni maki.. hahaha multiversal strategies and tactics! clap! clap!

Jace said...

Intense!

my heart never stop pounding so hard when I begun reading this chapter hanggang sa huli.. sobrang lakas talaga ng kabog kahit na maingay yung movie na pinapanood ng kapatid ko mas rinig ko pa din yung heartbeat ko.. hahaha..

I never expected this.. simula kasi nung time na sinabi ni idol na pag may nakaalam ng gagawin nya sa next chapter never na ko nagexpect.. hahaha... expect the unexpected na lang kumbaga... hahaha..

2 thumbs up for you Idol Zeke!!
kudos!!
you never fail to surprise your readers!! :)

-Minion JayJay

Anonymous said...

What!!!!!!

Ayaw tumigil ng lakas ng tibok ng puso q!!!!

Anyareeee JAY!!!!
C jay ang may kggawan ng lahat!!!!

WOW NAWONDANG NA ANG GABI SA BIG REVELATION!!!!

Clap clap kuya zekkll
Wlang kupas!!!!


#ryanM

Unknown said...

hindi ko ineexpect na ganun yung mga mangyayari ah.. si Jay na ba ang manipulator ngayon? hahahaha



dahil dun sa last part poging zeke, mas lalo tuloy ako naexcite sa mga susunod pa na mangyayari sa kanila.. gusto ko ng malaman hahaha



ang galing mo talaga magsulat..idol! congrats ^,...,^

Anonymous said...

Waaah!!! Seeee? Sabi na kuya eh may plan din si jay. Hmmm

~JAYVIN

Unknown said...

Kht dko naumpisahan, nae-excite ako s tnatakbo ng storya!

russ said...

ai ganun nmn pala eh matalino p c jay sa lahat.. ehek ehek

Brilliance said...

Sinasabi ko na nga ba eh. Jay is definitely up to something. Great chapter again!

Anonymous said...

Niceeeeeeeee! thnx kuya Zeke! :D

Anonymous said...

Lalo kang gumagaling sa pagsusulat!! The best.. :) -arc. I'm still your reader zeke.. :)

Unknown said...

so nice, wew

-marky

Unknown said...

wew, so nice and perfect.

-marky

Richie said...

Excited na ako sa love making ni Maki at Jay lol ....(^_^)....
Alam ko my plano rin c Jay para makuha ang atensyon ni Maki
Kudos idol sana my update na this weekend hehehe.....

Anonymous said...

JAY!!!! iba ka men!!! wagas ka mag plano!! XD haha, yan na oh! inlove na inlove na syo si maki <3

Anonymous said...

ang ganda!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ang galing galing mo talaga mr.author!!!!


(Ronel Bautista Peñada)

Anonymous said...

oh shit! Napacomment akong wala sa oras. First time to tagal ko bumabasa ngaun lang ako nagcomment. Nabigla ako sa last part na parang nagkabutterly tiyan ko! The best zekie!

- Poging Cord

Anonymous said...

yan na..nagsimula na ang mga pasabog...congrats poy..keep it up..

_iamronald

Anonymous said...

Pak! Pasabog! Yun lang! Iyak ako ngaun!


Pat
Tagasubaybay

LYRON SANTOS said...

sabi na eh si Makki talaga ang target! ahhahahaha

Unknown said...

astig!!! update!!!

robert_mendoza94@yahoo.com said...

haizt! isang malaking flashback pala lahat since sa start ng story mo zild! hmmmm, galeng ah. he he he

Anonymous said...

shaks!!nawindang aq sa last part!!haha..iba ang pagkatuso ni jay!!!!hahaha..i was really amazed sa pagkatuso nilang dalawa ni maki!unique ung story nila..^^

-monty

Anonymous said...

Woah *_* Literal na pa "Woah" ako sa last part nitong chapter. That was unexpected author! Bravo! ♡

- vhian

Post a Comment