Monday, July 22, 2013

Taking Chances Chapter 06






"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."






Enjoy reading...


Good morning!" Expected na ni Juancho na hindi siya papansinin ni Andrew kinabukasan kaya hindi na ito nagulat ng dirediretso itong pumasok sa loob ng elevator at hindi man lang siya tiningnan.




"Huwag ka na magalit, kagaya nga ng sabi ko kagabi, ayoko lang na gumawa ka ng isang bagay na pagsisisihan mo."


"Don't you think that's a decision that I should make?
 habang nakataas ang kilay na sagot naman ni Andrew.


"Alam ko," sagot naman ni Juancho "pero, mas... maganda na iyong dalawa tayong nag-iisip di ba? Ah---- alam mo, may mga naririnig ako tungkol sa iyo, uhm--- tungkol sa reputasyon mo na---"


"I see. Kaya ngaun eh nagmamalaki ka na sa---"
 ang iritableng sagot ni Andrew.


"Hindi naman sa ganun Andrew, and besides, hindi naman ako naniniwala" ang maagap na paglilinaw ni Juancho. "Sobrang flattered ako sa nangyari at hindi ako nagmamalaki na tumanggi ako. Iniisip ko pa nga kagabi na mukha akong tanga eh. Hindi ko alam ang kalakaran sa mundong sinasabi mo kaya ang sarili kong pamantayan ang ginagamit ko. Hindi ibig sabihin na tinanggihan kita ay ibig sabihin na..... na ayaw ko sa iyo. Masyado lang sigurong mataas ang respeto ko sa'yo."


Noon lubusang lumambot ang anyo nito. Parang maiyak nga ito pero pinaglalabanan lang nito. Hindi niya napagisipan ang susunod na gagawin and on instinct ay niyakap niya ito at ito naman ay on instinct din ang pagsubsob sa kanyang balikat, tila naghahanap ng comfort. Hindi niya ipagkakait kay Andrew ang pagkalinga na iyon. Buong puso niyang ipagkakaloob iyon sa binata.


Totoo ang sinabi niya rito, malaki ang respeto niya dito kaya hindi niya pinatulan ang panghihikayat nito na maglaro sila. Ang gusto niya at magkakilala muna sila nito sa malinis at walang kabulastugang namamagitan sa kanila.


Pagkalipas ng ilang sandali ay umalis na ito sa pagkakahilig sa kanya. Nakarating sila sa lobby na walang ibang sumasakay sa elevator. Bumaba na roo si Juancho samantalang si Andrew naman eh dumiretso sa basement kung saan nakaparada ang kotse nito.


Pagdating ni Juancho sa opisina ay nagulat siya ng madatnan niya si Mart. Dati itong modelo ng Equinox pero lumipat na ng ahensya nang magbukas niyon ang uncle nito. Nakilala niya ito ng makasabay sa gym at minsan ay sa salon na kung saan siya regular na nagpapagupit.


"O, may show ba dito?


"Actually, kakagaling ko lang sa isang photo shoot sa rooftop dyan sa katapat na building nyo. Naalala ko na accountant ka nga pala at dito ang opisina nyo kaya nagbakasakali akong dumaan dito.At kinakailangan ko kasi ng professional's advice" 
bungad sa kanya ni Matt.


"Ano naman ang maitutulong ko sa 'yo pre?" tanong ni Juancho.


"Well, may binuksan ksi akong bagong negosyo. Bale co-owner ko ung girlfriend ko pero ako talaga ang nagmamanage. Kailangan ko kasi ng expertise na accountant para sa ilang tax concerns ko." At ipinaliwanag na ni Matt ang sadya nito sa kanya.


"O sige, pupunta ako sa inyo para mapag-aralan ko ang iyong mga dokumento n'yo."


"Salamat pre. Malaking bagay ito para sa akin." 
sabay tapik ni Matt sa balikat ni Juancho. Pagkatapos nilang maitakda ang araw kung kelan sya pupunta sa bahay nito ay nagpaalam na rin ito at umalis.


"Mother Biaaaatch, you've done it again!"  ang tili ni Basty habang papasok sa loob ng opisina ni Andrew. Inilapag nito ang ilang magazines kung saan naka front page ang larawan ni Juancho. Nasa loob naman ng mga iyon ang ilan full page spread ng mga patalastas kung saan si Juancho ang endorser.


"He has cleaned up pretty well, huh?" sabi ni Basty na hinahaplos haplos pa ang mukha ni Juancho sa isang magazine.


"I told you so" ang mayabang na sagot ni Andrew.


"Yeah, you're right. So tell me, how yummy he is?"
 tanong ni Basty kay Andrew.


"Basty!"


"Chillax..." 
ang pagpapakalma ni Basty kay Andrew alam kasi niya ang ugali nito pagnapipikon ito. "wait... HOMAYPINKGOD! Tama ba ang nakikita ng dalawang beautiful at tantalizing eyes ko? You're blushing!"


"No, I'm not!" 
tanggi naman ni Andrew.


"Hmm... teka parang iba na ito ah."
 naupo naman ito sa sofa sa loob ng office ni Andrew. "OK, tell me."


"Nothing to tell." Hindi nga niya alam kung bakit parang kinikilig siya dahil sa pinakitang paghihinala ni Basty.


"Great! It's about time. Matagal ka nang nabubuhay na parang tuod. Buhay nga pero may pusong bato... Correction hindi palang pusong bato... nababalutan lang ng yelo. And the ice is seems to be melting down" litanya ni Basty. 


"You're such one of a hell crazy Basty! You are imagining things."


"Really?" sabay arko ng kilay nito na mas mataas pa sa kilay ni Andrew. "So ok lang sa'yo kung gawin ko what's Samantha has been begging me to?.... Na isama si Juancho sa blessing ng bago nitong condo unit sa Libis."


"DO IT and DIE!"
 hindi na talaga nakapagtimpi si Andrew.


Tumawa ng malakas si Basty. "Sinasabi ko na nga ba eh... Well, enjoy those" sabay iwan ng mga magazine sa kanya at alis ng kanyang office.


Hindi na nagpakiyeme pa si Andrew. Binuklat niya ang mga iyon at matagal na pinagmasdan ang pahinang kinaroroonan ng advertisement ni Juancho. Ilang araw na silang hindi nagkikita nito. Noong nakaraang weekend ay nagpunta ito sa Ceby para sa isang job related work at naging abala din si Juancho sa mga modeling projects nito. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero misses na missed na niya ito.


What's happening to you, Andrew? tanong niya sa sarili. Hindi pa siya nagkakaganoon kaya nababahala siya sa kanyang nararamdaman at kung siya lang ang masusunod ay hindi niya gustong makadama ng ganoon kailan man.


Napatingin siya sa bunton ng mga magazine. Kinalap niya ang mga iyon at may ideyang kumislap sa kanyang isip bago siya nagpasya na lumabas sa kanyang opisina.


Isang babae ang nadatnan ni Andrew na kausap si Juancho ng puntahan niya ito sa trabaho. Sa tingin niya at sabay ang dalawa mananaghalian. Agad na sumulak ang kanyang dugo.Kung hindi niya napigil ang sarili ay baka nasugd na niya ang mga ito. Nagdadalawang isip tuloy siya kung lalapitan si Juancho. Bago pa man siya makapagpasya ay natanaw na siya nito.


Andrew!” Ngiting ngiti ito ng salubungin siya ni Junacho. “Ano na naman ang tinira mo at naligaw ka dito?”


Ya---yayain sana kita maglunch kaya lang parang may... kasabay ka na.” nahihiyang sabi ni Andrew.


Ah.. si Rachel. Okay lang, may iba pa naman siyang mga kasabay. Tara na! At sana pumayag ka this time na ako naman ang manlilibre sa iyo,” sabi ni Juancho.


Sige ba,” sangayon naman ni Andrew.


Lumabas na sila ng building. Sinabi niya na dala niya ang kanyang sasakyan pero ayon naman kay Juancho na hindi nila kailangan iyon dahil hindi naman malayo ang kakainan nila. Mayamaya pa ay isang kernderia ang kanyang natanaw.


Bago ka magreklamo at mandiri, uunahan na kita na malinis ang pagkain dito. Kamag-anak ng isa sa mga boss namin ang may-ari nito. Masarap ang mga pagkain dito at gagarantiyahan ko iyan sa'yo” ang paliwanag ni Juancho.


Ano ba akala mo sa akin?” tanong ni Andrew. “Sobrang snob?”


Eh, napasosyal mo kasi. Baka isipin mo na inilalagay ko sa peligro ang kalusugan mo.”


Sanay ako kumain sa ganyang lugar dati Juancho” pagkukwento ni Andrew.


Nagulat naman si Juancho sa sinabi niya pero hindi na ito nagtanong pa. Pagkapasok nila sa loob ay inalalayan siya nito pati sa pag-upo sa mesang nasa dulo ng kainan. Ito na din ang kumuhan g kanilang kakainin.


Itong laing, kapag natikman mo, sigurado ako makakalimutan mo ang pangalan mo” sabay lapag ni Andrew ng pagkain sa harapan niya. May ibang ulam pa itong inorder.


“Para naman tayo bibitayin nito sa dami ng pagkain na inorder mo” ang natatawang si Andrew.


Ok lang... iyong hindi natin maubos ay ipapabalot na lang natin at ibibigay ko doon sa nkatira sa kariton. Kain na.” ang sabi ni Juancho.


Sa unang subo pa lang ni Andrew ay napaungol siya. “Sino ka nga? Sino nga ako?” tanong niya.


Tumawa naman si Juancho. “Sarap di ba? O eto pa, tikman mo” iniumang naman nito ang tinidor na may tusok na shanghai. Kailangang hawakan ni Andrew ang kmay nito upang maayos niyang makagat ang ulam. Pakiramdam niya ay kasing init ng umuusok na sabaw na nasa harapan niya ang kilig na kanyang nararamdaman.


Nasa langit na ba ako?” kunwari ay ang masarap na pagkain ang dahilan kung bakit niya nasabi ang mga iyon.


Wala pa. Pero malapit na.”


Kapag ganoong nasa trabaho si Juanco ay napakasimple lang ng ayos nito. Wala ito kahit anong styling gel sa buhok, ordinaryong polo at slacks lang ang suot, wala mga accessories sa katawan maliban sa kwintas na suot nito kung saan nakapalawit ang pendant na nawala nito. Iyon ang totoong Juancho para kay Andrew at iyon ang pagkatao na mas umaantig sa kanya.


Sabi mo sanay ka kumain sa mga ganitong lugar” tanong ni Juancho. “Paano mo nakasanayan?”


Hindi naman ako galing sa mayamang pamilya. Binuhay kami ng inay ko sa pagtitinda ng kung ano ano sa pagtitinda mula sa memorial plans hanggang sa beauty products” sagot ni Andrew.


So ibig sabihin may kapatid ka?”


Isa.” agad na sagot ni Andrew. “Si Chelsea pero nasa Canada na siya ngayon. Nakapagasawa kasi siya ng citizen at andoon na din si Mommy.”


Eh ang daddy mo?” sunod na tanong ni Juancho.


Hindi sumagot si Andrew. Napansin ni Juancho ang pagbago ng facial expresion nito. “Hindi sila kasal at hindi niya ako kilala.” Hindi niya gustong maalala pa ang mga pangyayarin pero wala talaga si Andrew mapaglabasan ng kanyang saloobin kahit na ang kaibigan niyang si Basty ay walang kaalam alam dito, nahihiya kasi siya. Pero sa pagkakataong ito parang iba si Juancho, pakiramdam niya niya ay kayang kaya siyang maunawaan nito.


Pinuntahan ko siya noong highschool pa ako sa opisina niya. Nagkumwari ako na isang estudyante na may gagawing project at kailangan ko mag-interview ng isang tao na may kaalaman or experience sa pagpapalakad ng isang kumpanya na katulad ng pinapasukan niya.” pagkukwento ni Andrew.


 *     *     *     *     *

Well, young man, what is the topic of your research? Make it quick because I have an appointment" sabi nito.


"Ah... ah... ah...” hindi niya masambit ang mga salita na gusto niyang sabihin.


"Look, I don't have all day, “ sabi nito na tila naiinip na.


"I...m.....I'm your son , Sir.”


Napatda ito at napakunot noo.


"Is this some sort of a joke?” and dumadagundong na tanong ng lalaki kay Andrew.


"No, Sir. To—too po. I'm Andrew Montereal and my mother is Jackie Montereal.


Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa, tila kinikilatis ang buo niyang pagkatao.


“Get out!” ang pagtataboy nito sa kanya.


Gusto niyang umiyak at tumakbo palabas ng opisina nito pero hindi niya magawa. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na makaharap ang ama.


“Ang tagal ko na po kasi kayong gustong maki----”


“Listen to me. I don't want you to be my son. You're not good enough!” ang sabi nito. Daig pa niyon ang pagsampal nito sa kanya.


Natigilan si Andrew. Pakiramdam niya ay namanhid ang buo niyang katawan. Bago pa man siya makaisip ng sasabihin sa ama ay biglang bumukas ang pinto ng opisina nito.


"Daddy!” isang dalagitang mas bata sa kanya ang pumasok doon.


“O, Sam, you're early.” Halatang na-tense ito sa pagdating ng batang babae. Sinulyapan siya nito at tiningnan na tila binabalaan siya na magsalita ng hindi dapat. Kahawig na kahawig ng kanyang ama ang dalagitang dumating. Kahit minsan lang niyang makita ito ay malabong makalimutan niya ang itsura nito.


*     *     *     *     *

"And then this girl came in. Tinawag siya na 'daddy' at kumandong pa sa kanya para ipagmalaki ang mga grades niya. Kapalit daw niyon ang pagpunta nila sa Disneyland." Pumiyok si Andrew habang ikunukwento niya ang bahaging iyon. Nanariwa nang husto ang sakit na dulot niyon sa kanya.



Mukhang naunawaan namn iyon ni Juancho dahil hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. Para na ring puso niya ang pinipiga nito, lalo pa nang tingnan niya ito ay parang nakikisimpatya ang mga mata nito.



"Malayo na ang narating mo. Iyon na lang siguro ang pagtuunan mo nag pansin" and saad ni Juancho. "At least, maipagmamalaki mo sa sarili mo na kung ano man ang mayroon ka ngaun eh, nakuha mo iyon sa sariling pagsisikap."



Napakaganda ng punto nito at kahit papaano ay naibsan ang kakulangan niya sa buhay. "I.... guess so."



"You guess so." Lalong hinigpitan ni Juancho ang pagkakahawak nito sa kamay niya. And in a flash, the pain ebbed to a point it had never gone before...




.... itutuloy 


2 comments:

robert_mendoza94@yahoo.com said...

what a good advice coming from a person whose changing him unexpectedly! hmmmmm, nice zild!

Ryge Stan said...

nice, but i feel sorry for andrew ganun pala ang nangyari kaya hindi niya kasama dad niya well he does'nt know what he just missed.

Have a great day and keep it up

Post a Comment