"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."
Bapstism of fire.
Sa sobrang kaba ni Juancho pakiramdam niya parang lalabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Tonight ay promal siyang ipapakilala bilang pinaka bagong modelo ng Equinox. Bago pa man siya pornmal na ipakilala ay isinasama na siya ni Andrew sa iba't ibang pagtitipon kung saan kung sino-sinong fashion designer at representative ng iba't ibang consumer brand ang bisita. May mga pagkakataon na pinababayaan siya nito upang kahit paano ay masanay siyang kumilos ng walang nagdidikta.
Noong unang beses na humarap si Juancho sa salamin pagkatapos ng makeover niya ay halos hindi niya makilala ang sarili. Iyon ang naging dahilan kaya mas lalo siyang nahimik sa pagmomodelo. Ang daming pinakialaman sa itsura niya. Mula sa gupit ng kanyang buhok at kulay niyon, ang kutis niya sa halos mabalatan na sa kaka-scrub, ang ngipin niya, lalo na ang mga damit na dapat niyang isuot. Lahat ay nagbago na. Dahil sa regular na gym session ay gumanda na uli ang muscle tone niya kaya mas naging lapat ang anumang isuot niya. Malayo na talaga ang itsura niya mula dati at napatunayan niya iyon sa dami ng mga babae na nahuhuli niyang nakatingin sa kanya. May mga iba pa nga na hindi magkasya sa patingin tingin lang at nangangahas pa nga na makipaglandian sa kanya. Hindi siya pumapatol. Bukod sa hindi siya marunong, hindi talaga niya hilig.
“Juancho, ready ka na?” may tumawag sa kanya na halos nagpakaba sa kanya.
Sa saliw ng mabilis na tugtugin na sinabayan pa ng iba't ibang kulay ng ilaw ay nagsimula siyang maglakad sa mahabang rampa. Pihit dito, pihit doon, tigil na sandali at pose. Ginawa niya lahat ang itinuro sa kanya sa rehersal. Ang pinaka finale ng kanyang pagrampa ay paghinala niya sa muscle shirt na suot.
Malakas na palakpakan ag narinig niya mula simula hanggang matapos ang paglalakad niya. Nang matapos siya ay parang siyang nakalusot sa napakaskip na kayarom. Nangangatog ang mga tuhod niya kaya parang kandila na nauupos ay napauop na lang siya ng basta sa isang sulok sa backstage, saka niya nasapo ang kanyang ulo.
“Great job!” ang bati sa kanya ni Andrew at ang mukhang nitong nakangiti ang nalingunan niya. “How was it?
“Nakakatakot. Nakakakaba. At parang.... ayaw ko nang ulitin kahit kailan.” sagot naman ni Juancho na halos magkulay suka after ng catwalk nito.
“Lahat kayo, ganyan ang sinabi after kayo maipakilala sa public. Soon masasanay ka din sa mga papuri at palakpakan ng mga tao sau. Now, let's go. You have a big party to go to...” pag aanyaya ni Andrew.
Hindi maalis ang tuwa sa dibdib ni Andrew habang pinapanood niya ang pagrampa ni Juancho. Malayo na ang narating nito. And he was his creation. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ganoon kainit ang magiging pagtanggap ng mga tao sa modeling world kay Juancho. Hindi na siya nagulat na noon pa man ay may ilang kliyente na sila nag naghahangad na mukuha ito bilang endorser ng kanila produkto. Gusto kunin ang serbisyo ng binata.
He has changed a lot and yet, he seemed to have stayed the same. Maaring nagbago na ang panlabas na anyo niyo at kilos pero ang pagkatao nito a ganoon pa rin. Kahit na nga halos bumaha ng mga inuming nakakalasing sa party ay hindi man lang ito tumitikim.
“This calls for a celebration.” Iniabot ni Andrew kay Juancho ang isa sa dalawang baso na hawak nito na kinuha niya mula sa dumaang waiter.
Inabot naman iyon ng binata at agad na nilagok ang laman niyon.
“Hey... hinay-hinay lang. Baka malasing ka agad at hindi kita kayang buhatin” habang hinawakan naman nito ang kamay ni Juancho upang pigilan na inumin ang ikalawang baso hawak nito na kinuha sa waiter na muling dumaan sa harapan nila.
Tinawanan lang siya ni Juancho. “Tensed lang.”
“Tense? tanong ni Andrew. Ngayon ka pa mate-tense? The worst is over. Just enjoy the party. And if you must know, nakakasiguro ako na magiging busy ka sa mga darating na araw at linggo. Base yan sa mga reaction ng mga tao na gusto kang kunin bilang product endorser nila.”
Namilog ang mga Juancho at shocked. “You mean....”
“I told you, you have what it takes” sabi ni Andrew.
"Wow..." Manghang-mangha naman at hindi makapaniwala si Andrew na maaring pala talagang mangyari sa kanya ang mga ganoon bagay at ni hindi nito namalayan na nilagok nito ang laman ng basong hawak ni Andrew. Nang may muling dumaan na waiter ay kumuha ito ng panibago at ininom din ang laman niyon.
"Huwag ka sabing magpakalasing. Ang mabuti pa ay pumunta tayo dun." wika ni Andrew at sabay hila ng kamay nito papunta ng dance floor.
"Hindi ako marunong magsayaw." apela naman ni Juancho.
"Galaw-galaw ka lang, hindi na nila mahahalata na hindi ka marunong sumayaw."
Bago pa man nila marating ang dance floor ay may nakasalubong sila.
"Hi Andrew." Ngiting-ngiting bati ni Samantha sa kanya. Asar man ay napilitan siyang ngumiti rin. Kilala niya ito. Anak-mayaman, mala Paris Hilton ang reputasyon. Imbitado ito sa event dahil account head ito ng isang ad agency na pagmamay-ari ng pamilya nito. "Your latest find?" sabay gawi ng paningin nito kay Juancho.
"Yeah.." Ngalingali namang iharang ni Andrew ang sarili sa pagitan nito ng binata. Pakiramdam niya ay para siyang isang aso na nakaambang na mangagat pag inagawan ng buto. He' mine. Gusto niyang isigaw iyon ngunit sa halip ay mas pinanatili niya ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Nice..." Nangislap ang mga mata ni Samantha tila nakakita ito ng gold mine.
Mabuti na lang at laking pasasalamat ni Andrew nang may lalaki na lumapit kay Samantha. Kinabig nito ang babae paharap at saka dinampian ng mabilis na halik sa mga labi.
"Let's dance," yaya nito kay Samantha.
Tinapunan ni Samantha ng tinging nagpapahiwatig ng paghihinayang si Juancho. "See later," wika sa nangaakit na tinig.
"Welcome to your new world!" sabi ni Andrew ng may bahid na panunuya ang tinig.
"Ito ba ang sinasabi mong bagong mundo na papasukin ko noon? Parang hindi masaya," may pag aalangan na sabi ni Junacho.
"Masaya rin kung marunong kang magdala. Dapat din ay marunong kang pumili at kumilatis ng mga taong makakasalamuha mo. It's glamorous, glittering world and you can make a lots of money in just a short while. Pero katulad ng lahat ng bagay, may negative at positive na aspeto iyon" paliwanag ni Andrew.
"Ikaw siguro ang kasama sa positibong aspeto" ang nahihiya naman sabi ni Juancho.
"Uuuuuy... ang bilis mo naman ata matuto. Ang bilis mo naman atang natuto na mambola," biro ni Andrew.
"Bola?" sabay iling ni Juancho at dinipensahan ang sarili. "Bakit ko naman kinakailangang mambola ng mga tao? Hindi ko nakasanayan iyon kahit kailan. Syang lang din naman ang effort kung magsasalita lang ako ng magsasalita kung hindi naman totoo ang mga sinasabi ko."
"That's so sweet then" kinikilig na sabi ni Andrew.
"Halika, sayaw na tayo." Sa pagkakataong iyon ay si Juancho na mismo ang humatak sa kamay ni Andrew papunta ng dance floor.

Bagong mundo ang pinasok ni Juancho--- mas makulay pero mukhang talagang hindi niya magugustuhan mamalagi ng matagal doon. Kumg meron man aspeto na humahatak sa kanya, iyon ay ang sinabi ni Andrew na mabilis siyang kikita ng malaking halaga sa maiksing panahon. Alam na niya kung saan gagamitin iyon. Ang kikitain niyang pera ay gagmitin niya sa pagpundar para sa kanyang pamilya. Hindi rin siya nagsinungalin ng sabihin niya dito na kasama ito sa positibong aspeto ng mundong iyon.Ito ang naging gabay niya, ang humila sa kanya papunta sa kinaroroonan niya kahit pa todo tanggi niya.
Maraming pagkakataon na silang nagkasama ni Andrew at nagpapasalamat siya na nanatiling fascination ang nararamdaman niya dito. Nakakahiyang isipin pero maituturing sigurong crush lang ang nararamdaman niya, iyon pagnanais lang na makita ito araw-araw, ang makasama pero wala na siyang ibang ninanais pang patutunguhan niyon.

I LIKE this... I like him. Matagal nang alam ni Andrew iyon kaya lang masyado siyang naging abala sa pagsasaayos ng lahat-lahat para kay Juancho kaya nagawa niyang isantabi ang kanyang nararamdaman. He still had quite a long way to go but he had taken the first steps. Malayo talaga ang mararating nito.
He's mine for now. To do as I please? Base sa ipinapakita ni Juancho nahuhulan niya na may nararamdman din ito para sa kanya, hindi niya lang direktang masabi kung ano. Yeah, I want him to be mine even for just a while. Sinimulan niyang laruin ang mga daliri ang buhok nito, pasimple naman niyang binubugahan ng hangin ang tenga ni Juancho. Banayad at napangiti siya ng maramdaman niya na tumutugon ang katawan nito. Sinasabi na nga ba niya eh kaya niyang pukawin ang damdamin nito kahit sa pisikal na paraan lang. No one was able to resist his charm yet, not when he poured it on.
"Ano ba ang ginagawa mo? ang pabulong anas ni Juancho. "Sinabi ko na nga kung magpapkitang-motibo ka---"
"And I told you to simple enjoy this." Pinigilan naman ni Andrew ang muling pagsasalita nito sa pamamagitan ng paghalik niya sa mga labi nito.
Mukhang nagulat si Juancho, para nga atang natuklaw ng ahas sa biglang pagtayo nito mula sa kinauupuan. Mutnik na tuloy siyang mapatawa. This guy is really something else. Hindi naman siya flirt or malandi pero sa pagkakataong iyon, gusto niya panindigan ang reputasyon niya.
"Tayo ka na at umuwi na tayo" halos pabulong na sabi ni Juancho.
Pakiramdam ni Andrew ay pagkahaba-haba ng biyahe papunta sa condo building nila gayong halos 10 minutes lang siguro iyon. Kahit na nga ang pag-akyat ng elevator ay tila napakabagal. But soon they were standing at his door. Binuksan niya ang pinto, saka hinila papasok si Juancho. Gustong gusto niyang halikan ito pero bago pa man makalapit ang mukha rito ay umatras agad ito.
"Huwag mo sanang mamasamain ang gagawin ko pero ayokong gumawa ka ng bagay na pagsisisihan mo bukas." Kasunod niyon, tuloy ito sa pinto. Bago buksan ni Juancho iyon ay bumaling ito sa kay Andrew. "Goodnight at salamat," anito saka binuksan ang pinto at lumabas.
What the hell.... Hindi matukoy ni Andrew kung magugulat, magagalit or mapapahiya siya. Halos sabay-sabay niyang nadama ang mga iyon. Nanlulumong napaupo siya sa sofa. He felt the sting of rejection so painfully. Hindi niya inaakalang ganoon pa rin katingkad ang sakit niyon.
"Fuck you!" hindi napigilang bulalas niya. Kung alam lang nito ang tinaggihan niya. He shrugged the whole thing off and took a shower. Pinilit niyang matulog para hindi na niya paulit-ulit maisip ang nangyari.
... itutuloy

1 comments:
at last he made IT! kaya lng saklap aman dinanas ni ANDREW! TOTALLY SYANG NPAHIYA SA SARILI NYA, BUT SANA MAINTINDIHAN NYA ANG PINAGDADAANAN NI JUANCHO. . . . KEEP UP THE GOOD WORK AND CONTINUE AMAZAED US WITH UR STORY MR. AUTHOR.
Post a Comment