Wednesday, June 11, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 26



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:


May mga nag-email sa akin kung bakit raw ibang-iba ang kwento ng 9 Mornings 2 ko sa naunang libro. Heto ang sagot ko diyan mga paps! Kung ang Book 1 nito ay tungkol sa common na tema ng pasko na pagpapatawad, pagmamahal, at pagbibigayan, ang Book 2 ko ay patungkol naman sa punong ugat ng mga iyon. Kung ano mang ugat iyon ay hindi ko muna sasabihin. Hahayaan ko muna kayong mag-isip para masaya. HAHAHAHA


Tama na muna ang lokohan! Dito muna tayo sa mga pasasalamatan ko dahil kung wala sila, paniguradong hindi ko na itinuloy ang kwentong `to. Kaya naman palakpakan nating lahat ang mga sarili natin!


Robert Mendoza, Reymond Lee, Jec, MigiL, MhiMhiko, Chie (Mojaco), Bobby Evasco (Pangarap niyang maging si Eros at si Pancookie ang gusto niyang maging Brian ng buhay niya), Beucharist, Russ (Ang ever supportive kung mambabasa), BruneIyuki214 (Darling! *Drooling*), Pancookie (Si Brian ni Bobby), Monty, Luilao, Migz (Here’s another twist for you Migz), ManilaActor, Jco, Jayvin, BaguioWithLove (Yep! Favorite Tita ko yon), Ryge Stan, Roan, Makboy (Maki-Maki!), TheLegazpiCiy, Randzmesia, JayJay (Supah Minion), Tzekai Balaso, Chase, Ivarro, Pangz (Batibot), Lance and Alfred of T.O.


Sa lahat ng Anonymous at Silent Readers maraming salamat din sa inyo! XOXO


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




Lahat `ata ng pagod at antok na meron si Brian sa katawan ay biglang naglaho na parang bula dahil sa presensiya ngayon ng dalawang taong limang taon na niyang hindi personal na nakakasama. Bahagya pa nga siyang napakurap para lamang masiguro na hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata.


“How are you, son?”


Awtomatikong nabaling ang tingin niya sa isa sa mga ito – ang kanyang ama. Tulad ng huling pagkaka-alala niya sa hitsura nito limang taon na ang nakakaraan ay wala halos nagbago rito.  Naroon pa rin ang mga matang namana niya rito. His father is the matured image of him.


“P-Pa?”


“Ito ba ang ugali ng isang matinong businessman? Ang abutan ng umaga sa kung saan-saan? I thought that five years will help you to be more matured and to act according to your age.” Muling wika ng kanyang ina sa kanya.


“Spare him the nagging, Sabrina. Natural lang sa edad niya ang lumabas at magpakasaya.” Saway dito ng kanyang ama saka siya nito muling binalingan. “Aren’t going to give your old man a big hug?”


Wala sa sarili siyang napalapit dito. To be honest, hindi pa rin talaga siya makapaniwala na kaharap niya ang mga ito ngayon. Nang abot kamay na siya ng kanyang ama ay ay hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa. Agad siya nitong yinakap ng mahigpit na para bang sabik na sabik ito sa kanya. Doon lang nag-sink in sa kanya na totoo nga ang lahat ng nakikita niya sa mga oras na iyon. Naroon talaga ang mga magulang niya.


“God! Ang laki na nga ng anak ko.” Magiliw nitong sabi na dahilan para gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha.


“Bakit kayo biglang napauwi rito, pa? Paano ang company mo doon?” Hindi na rin magkamayaw niyang sabi sa ibayong kagalakan. Ang tagal niyang inasam na umuwi ang mga ito at ngayong nagkatotoo na `yon ay hindi niya mapigilang makaramdam ng ibayong tuwa.


“Syempre dahil gusto kong makita ang anak ko. Though it took me five years to do so. Kailangan ko muna kasing gawing stable ang business natin doon.”


“So, does it mean na mapapadalas na ang uwi niyo rito?” Ang tila batang tanong niya rito.


“There’s no more reason for us to come back here because we’re going to take you back with us whether you like it or not.” Sabat ng kanyang ina na dahilan para agad siyang mapabaling rito na may hindi makapaniwalang tingin.


“Pwede ba Sabrina!” Muling saway dito ng kanyang ama. “Huwag mo muna siyang pansinin anak. Masama ang naging epekto ng jetlag sa mama mo kaya kung anu-ano  ang pinagsasabi niya.  Ang mabuti pa, samahan mo akong magkape sa kusina ng  makapag kwentohan naman tayo. Hindi ka pa naman siguro inaantok, di ba?”


Iginaya na siya ng kanyang ama patungong kusina pero hindi pa man sila nakakailang hakbang ng muling magsalita ang kanyang ina.


“You’ve done enough damage and mischief here. I warned you to stop pero hindi ka nakinig. You leave me with no choice kaya sa ayaw at sa gusto mo, iiwan mo ang bansang ito at sasama ka sa amin pabalik sa France.”


Sa muling pagkakataon ay naiparamdam na naman sa kanya ng kanyang ina sa kanya sa pamamagitan ng mga salita nito na wala na talaga siyang ginawang tama para rito. Agad na nabura ang masayang pakiramdam dulot ng muli nilang pagkikita-kita at napaharap rito.


“First, sinalubong ako ng aking ina ng panunuya imbes na yakapin at sabihing na-miss niya ako. Ngayon naman, muli niyang ipinapamukha sa akin na kahit kailan ay wala na akong ginawang tama para sa kanya,  na ni katiting na pag-intidi ay wala akong aasahan. Ang gandang salubong mula sa’yo, ma.” Ang nanunuya niyang sabi.


Natigilan ito marahil ay hindi nito inaasahan ang pabalang na sagot niya.


“Let me just get this straight. No one can force me to leave this place. Hindi niyo ako nagawang mapilit noon, lalong hindi ngayon.”


“So, mas pipiliin mo pang magpaiwan ulit rito kesa makasama kami ng Papa mo?” Ang nakabawi ng wika nito. “Bakit? Dahil sa Eros na `yon?”


Sa puntong iyon ay siya naman itong natigilan.


“Akala mo hindi ko alam ang tungkol sa kanya? Ngayon, sabihin mo sa akin na hindi kahibangan ang mga pinagagagawa mo rito? Na hindi isang kalokohan ang pagpatol mo sa isang lalake na natanggal sa trabaho dahil sa ka-immoralan niya at ng kaibigan niya.”


“Enough, Sabrina!” Dumagundong ang boses ng kanyang ama sa buong bahay dahilan para matigilan ang kanyang ina. Ngayon lang niya ito narinig na nagtaas ng boses. “For Pete’s sake huwag mong sirain ang muling pagkikita-kita natin ng anak mo!”


“`Yan! Iyan ang rason kung bakit lumaking ganyan iyang anak mo dahil palagi mong kinakampihan!”


“Dahil hindi tama itong ginagawa mo!”


“Matutulog na ako.” Pagsabat niya sa nagsisimula ng pagtatalot ng mga ito.


“I’m not done talking to you yet!” Ani naman ng kanyang ina.


Umiling siya.


“It doesn’t matter. Hindi rin naman mababago ng mga sasabihin mo ang desisyon kong manatili rito.”


Okay na sana, eh. Masaya na sana siya dahil sa wakas matapos ang limang taon ay nakasama niya ulit ang mga ito pero nasira agad iyon. Sinira ng kanyang ina na kahit kailan ay hindi nagpakita ng malasakit sa kanya.


Sa loob ng kanyang kuwarto ay hindi napigilan ni Brian ang makadama ng matinding disappointment.  Hindi lamang iyon, unti-unti na ring gumagapang ang galit niya para sa mga ito lalo na sa kanyang ina. He tried to calm himself sa pamamagitan ng pagpapakawala ng malalim na buntog hininga subalit hindi man lang iyon nabawasan ang kanyang nararamdaman.


“I don’t want to hate her.” Bulong niya pilit binubura ang ngayon ay nararamdaman. Sinubukan niyang maghalungkat sa kanyang isipan ng mga magagandang ala-ala nila ng  kanyang ina para sana mabawasan ang nararamdaman niya subalit ang tanging mga ala-alang kanyang nakukuha ay ang mga panahon kung saan wala itong ibang ginawa kung hindi ang kampihan ang kanyang pinsan na siyang lalo lang  nagpapatindi sa kanyang galit.


Hindi naman siya tanga at lalong hindi rin siya bobo. Alam niyang kaya siya nito isasama sa ibang bansa ay para malaya ng makuha ng mag-amang Drason ang kompanyang pinaghirapan niya. Alam niyang isa lamang ang relasyong meron sila ni Eros sa mga gagamitin nitong dahilan para mapilit siyang sumama sa mga ito.


Pero ang tanong bakit? Bakit ganoon na lang ang pagmamalasakit ng kanyang ina sa mga ito na pati siya ay handa nitong isakripisyo? May hindi ba siya alam o sadyang wala lang talagang pagmamahal at pagmamalasakit para sa kanya ang kanyang ina?


Nasa ganoon siyang pag-iisip ng maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nakitang tumatawag sa kanya si Eros. Bigla niyang naalala ang pangako niya kay rito na magti-text siya pagkarating na pagkarating niya sa bahay. Paniguradong nag-aalala ito kaya biglang napatawag.


“Hello Spidy!” Pilit niyang pinasigla ang boses para maitago ang dinaramdam. Panigurado kasing mag-aalala ito.


“Pwede mo ba akong puntahan dito sa labas ng bahay mo, Bry?”


Ang peking ngiti na nakaguhit sa kanyang mukha ay biglang nabura at napalitan ng pag-aalala nang mabakasan niya ng ibayong lungkot ang boses nito. Hindi lamang iyon, namamaos rin ang boses nito na animoy katatapos lang umiyak.


“Sandali lalabas ako. Anong nangyari?” Ang naiwika niya at nagmamadaling lumabas ng kanyang kuwarto.


“Where are you going? Kauuwi mo lang aalis ka ulit?” Sita ng kanyang ina ng madaanan niya ito sa sala pero hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy lang niyang tinungo gate nila.


Hindi nga siya dinaya ng kanyang pandinig. Nang magkalabas siya ng gate ay bumungad sa kanya ang malungkot  na anyo ng kasintahan. Namumugto rin ang mga mata nito senyales na kagagaling lang nito sa pag-iyak. Wala sa sarili niya itong yinakap.


“Ano’ng nangyari?”


“Alam na ng mga magulang ko ang pagkakatanggal ko sa trabaho at ang rason kung bakit. Galit na galit sila sa akin, Bry.” At muli itong humikbi sa kanyang balikat.


“Shhh… Tahana.” Pang-aalo niya rito sabay ng mabinig pag hagod sa likod nito.


“Ako na nga lang daw ang inasahan nilang natitirang matino sa aming magkakapatid, ako pa itong masasangkot sa gaanong klaseng  eskandalo. Sinayang ko raw ang mga pagsasakrepisyo nilang mapagtapos ako.” Ang tila batang pagsusumbong nito sa kanya at lalo pang napahikbi.


“Tahana. Kung ano man ang mga nasabi nila, I’m sure hindi nila sinasadya iyon. They just love you that much kaya nila nasabi ang mga iyon.” Muntik na siyang pumiyok sa mga huling katanggang binitawan niya. Hindi kasi niya maiwasang makaramdam ng selos sa pagmamahal ng mga magulang nito rito. Pero hindi ito ngayon ang panahon para magpakita siya ng kahinaan, kailangan siya ni Eros kaya dapat siyang magpakatatag.


“Tara muna sa loob. Maybe a good rest will help you calm. Mamaya, sasamahan kita sa inyo at kakausapin natin ang mga magulang mo.”


At iginaya nga niya ito papasok kahit alam niyang naroon ang kanyang mga magulang. Mas importante ngayon sa kanya ang ma-comfort ito kesa sa mga sasabihin o magiging reaksyon ng kanyang ina na hayon at naka tayo na sa may main door ng bahay nila.


“So he’s the one ––.”


“Please not now, ma.” May pagsusumamong niyang  putol sa iba pa sana nitong sasabihin.


Alam niyang nagtaka si Eros na may ibang tao sa bahay na iyon pero pinili na lang nitong yumuko para maitago ang mga luhang patuloy pa ring naglalandas sa magkabilang pisngi nito imbes na magtanong. Linampasan nila ang kanyang ina at dumeretso sa kanyang kuwarto.





Huli na nang ma-realize ni Brian na nakatulog pala siya. Kung hindi pa marahang gumagalaw ang taong ginawang unan ang kanyang dibdib at nakayakap sa kanya na parang batang takot iwanan ay hindi pa siya magigising.


Napabaling siya sa relong nakapatong sa kanyang bedside table. Lampas alas-dos na pala ng hapon. Ibig sabihin, may ilang oras na siyang nakatulog. Mukhang hindi rin kinaya ng kanyang katawan ang pinaghalong pagod at mga gumugulo sa kanyang isipan. Ang huling naalala niya ay ipinagpasalamat niyang makalipas ang ilang minutong walang tigil na paghikbi ng kanyang kasintahan ay nakatulog ito sa kanyang dibdib.


Dahan-dahan at maingat niya itong ipinusisyon sa kanyang kama para hindi madisturbo ang mahimbing pa ring tulog nito saka niya ito kinumutan. Dahan-dahan siyang bumaba ng kanyang higaan. Kailangan niyang ipaghanda ito ng pagkain dahil paniguradong iyon ang una nitong hahanapin pagkagising nito.


Dere-deretso siya sa kanilang kusina. Medyo nagulat pa siya nang makitang naroon ang kanyang ama at prenteng nakaupo sa dating puwesto nito sa hapag kainan at may hawak-hawak itong tasa ng tsaa.


“How is he?”


Napakunot ang nuo niya sa natural na pagtatanong nito. Alam niyang alam nito ang relasyon niya sa taong mahimbing ngayong natutulog sa kanyang kuwarto. Hindi iyon palalampasin ng kanyang ina na ipaalam rito ang tungkol doon.


“He’s okay. Si mama?” Ang tugon niya habang hinalughog ang ref para maghanap ng pwedeng maihandang pagkain.


“She went out with her friend. There’s bacon and tocino in the chiller.” Sabi nito.


Kinuha nga niya ang mga iyon at inilagay sa sink at iniwasang muling humarap rito. Guilt? Siguro nga iyon ang dahilan at hindi pa siya handa para makarinig ng panibagong sermon na alam niya namang sa huli, ay hindi rin niya pakikinggan.


“What happened to him?”


Pinili niyang ignorahin ito.


“Brian?”


“You don’t have to pretend that what Eros and I have is okay with you, pa. I understand that you’re disappointed. But I will appreciate it if you can spare me with your speech dahil wala ni isa sa mga sasabihin mo ang magpapabago sa mga desisyon ko.” Mahinahon pero may diin niyang wika na hindi ito linilingon.


Sa panggigilaslas niya ay  umalingaw-ngaw sa kusinang iyon ang malakas nitong pagtawa dahilan para mapalingon siya rito at bigyan ito ng napapantastikuhang tingin.


 “Hindi lang pala ang ang mukha ko ang namana mo sa akin, pati rin pala sa paninindigan at katigasan ng ulo.”  Ang wika nito sa likod ng pagtawa.


Lalong nangunot ang kanyang noo at mukhang napansin naman nitong naguguluhan siya sa inaasta nito kaya pilit nitong pinigilan ang sarili sa pagtawa sa pamamagitan ng malakas na pagtikhim.



 “You’re right. I’m disappointed. Kaisa-isa kitang anak, Brian. At umasa akong ikaw ang magbabangon sa lahi ng mga Ramirez. But that doesn’t mean na ipipilit ko sa’yo ang gusto kong mangyari. It’s your own life, son. And no one can navigate it but you.”


Ilang sigundo muna ang kinailangan niya para ma-absorb ng kanyang utak ang mga sinabi nito at ang gusto nitong ipahiwatig.


“Y-You mean you’re not against with the life I chose?” Hindi niya makapaniwalang sabi.


Tumango ito.


“Not even a little.”


“Why?”


“Because aside from the fact that I love my son, I also respect the life he chose.


Love? His father loves him? Ang sarap sa pandinig ng mga salitang iyon. All his life ito lang ang palaging kumakampi sa kanya. Simula noong magkaisip siya ay ito na lang ang bukod tanging umaagapay sa kanya. Ibinigay rin nito sa kanya ang karapatan nito sa kompanya. Pero bakit hindi niya magawang paniwalaan na mahal nga siya nito?


‘Kasi iniwan ka rin niya noon. Noong mga panahon na kailangan mo ng isang magulang.’ Sulsul ng kanyang isipan.


“If that’s true, bakit niyo ako iniwan kung kailan kailangan ko ng karamay noon.”


He’s talking about the time kung saan nalaman niya ang panggagago sa kanya ni Abigail. Ang babaeng unang nagparamdam sa kanya kung gaano siya ka incompetent. Kailangan niya ng kakampi nung panahong iyon sapagkat iba ang kinampihan ng kanyang ina pero siya namang pag-alis nito.


“I was the one who raise you, Brian. And I raise you to be a strong person. Kaya alam kong pwede na kitang iwan nung panahong iyon. And I also wanted to teach you the last necessary lesson a father can give to his son, and that’s to stand on your own.”


Hindi siya nakapagsalita.


“I love you, Bry. I may not be that vocal but I do.”


Mahirap paniwalaan oo, pero nasa mukha na mismo ng kanyang ama na totoo rito ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya kaya naman hindi na niya napigilan ang lumapit rito at yakapin ito.


Ang sumunod na nangyari ay magkasama na sila sa mesa ng kanyang ama at ikinukwento na rito kung papaano niya nakilala si Eros. Humahagalpak ito sa kakatawa nang ikinukwento niya rito ang mga nakakabulabog na mga hirit sa kanya ng kasintahan noong mga panahon na bagong kilala pa lang sila nito.


“On our third day of dating, I brought him to this pizza house. Syempre umasa ako na magpapaka- demure siya tulad ng ibang taong ka-date ang crush nila. But he surprises me again. Walang pagdadalawang isip siyang nagpamalas ng katawan. Imagine, inubos niya lahat ng combo meal ng pizza house na `yon. Buti na lang may dala akong cash dahil hindi pa man din tumatanggap ng credit card ang pizza house na `yon.”


Muling umalingawngaw ang malakas na tawa ng kanyang ama sa ibinahagi niyang iyon.


“He is really an interesting guy.” Bulalas nito.


“Yep! And a cry baby.” Ngingisi-ngisi naman niyang tugon sabay turo sa marka ng natuyong luha sa damit na suot niya na muling ikinatawa ng kanyang ama.


“Bry?”


Sabay silang napabaling ng kanyang ama sa pagtawag na iyon sa kanya ng halatang bagong gising lang na si Eros. Agad siyang napatayo at sinalubong ito.


“Gising kana pala. Nagugutom ka na ba? Halika, ipaghahanda na kita.” At iginaya nga niya ito sa mesa at pinaupo.


Napabaling ang tingin nito sa ngingiti-ngiti niyang ama.


“Weird.” Tila wala sa sariling wika nito saka kinusot ang mga mata. “That smile and those pair of charismatic eyes, you look like Brian, matured nga lang.”


Hindi napigilan ng kanyang ama ang muling mapatawa sa sinabing iyon ng kanyang kasintahan.


“Hindi nga siya marunong magpaligoy-ligoy just like you said! ” Ang tuwang-tuwa nitong wika.


“I told you.” Ang humahagikhik naman niyang sagot.


Kahit abala na sa pagsubo ay mahahalata pa rin na nawe-weirduhan sa kanilang mag-ama si Eros. Palipat-lipat ito ng tingin sa kanila na miya mo ay pilit inaalam sa sarili kung bakit may nakikita itong kamukha niya. Lalo lang tuloy silang napahagikhik ng kanyang ama.


“He really looks like you.” Wika nito sa likod ng pagnguya. “Para kayong mag-ama.”


“Mag-ama nga kami.” Nakangisi naman niyang tugon rito.


Nanlaki ang mga mata nito at hindi makapaniwalang napabaling sa kanyang ama.


“Bartolome Ramirez. That’s his name. Siya ang isa sa mga rason kung bakit ipinanganak ang isang guwapong tulad ko sa mundong `to.”


Kitang-kita niya kung papaano umakyat ang dugo nito sa mukha at biglang napabitiw sa hawak nitong kutsara’t tinidor at napatuwid ng opo.


“Oh, don’t go shy on me.” Nangingiting wika ng kanyang ama habang bakas ng amusement ang mga mata nito. “I heard a lot of interesting story about you, Eros. At sa tingin ko, magkakasundo tayo.”


“Ah…Eh…” Mahiya-hiya nitong wika.


Nagtaka pa siya nang tumayo ito at magtatanong na sana siya kung saan ito pupunta nang lumapit ito sa kanyang ama at maglahad ng kamay. Napangiti siya.


“N-Nice to meet you po, sir. Pasensiya na po at hindi ko kayo agad nakilala.”


Malugod at may namamanghang tingin na inabot ng kanyang ama ang kamay nito.


“Call me Tito Bart, Eros. Nice meeting you too.”


Hindi na tinantanan ng kanyang ama ang kanyang kasintahan at inulan ito ng kung anu-anong tanong kung papaano sila nito nagkakilala. At dahil nga hindi marunong magpaligoy-ligoy ang kanyang kasintahan, ay lahat ng ibinabatong tanong ng kanyang ama ay deretso nitong sinasagot ng walang pag-aatubili na lalo namang ikina wili ng kanyang ama rito.


Masasabi niyang sa loob lamang ng ilang sandali ay naging  magkasundong-magkasundo na ang dalawa. Kung mag-usap ang mga ito ay animoy kay tagal ng magkakilala ng mga ito. Palibhasa may kadaldalan ring itinatago ang kanyang ama na isa pa niyang namana rito.


Nakikita rin niya na kahit papaano ay nawala sa isipan ng kanyang kasintahan ang problema nito. Maski man siya ay panandalian ring nakalimutan ang ilang mga problemang alam niyang kakaharapin nila.






Tulad ipinangako ni Brian, sinamahan niya si Eros na harapin ang mga magulang nito matapos itong makipagkulitan sa kanyang ama. Ipinagpapasalamat na rin niya na hanggang sa makaalis sila ay hindi pa rin dumarating ang kanyang ina dahil paniguradong sisirain ulit nito ang lahat.


Ramdam niya ang tensyon sa loob ng bahay. Kasalukuyan sila ngayong nasa sala at kaharap ang mga magulang nito. Blanko ang mukha ng mag-asawang Cuevas habang si Eros naman sa kabilang banda ay nakayoko lang sa kanyang tabi at hindi magawang salubungin ng tingin ang mga magulang nito.


“Alam mo ba ang tungkol sa pagkakatanggal niya sa trabaho, Brian?” Basag ng ina nito sa nakakabinging katahimikan.


“Opo.” Tugon niya.


Biglang bumaling ito sa kanyang katabi.


“Nasabi mo sa ibang tao, pero sa aming mga magulang mo na siyang nagpalaki at nagpaaral sa’yo, ay hindi?”


Naramdaman niya ang pagkabuhay ng takot sa kanyang katabi at kung hindi siya nagkakamali ay ano mang oras ay iiyak na ito.


“Hindi po niya sinabi sa akin, Tita.” Siya na ang dumepensa para rito dahil mukhang wala itong balak na sagutin ang ina. “Ako po mismo ang umalam sa pagkakatanggal niya sa trabaho at ang dahilan niyon.”


“Kung ganoon, sabihin mo sa amin ang totoo kung bakit nangyari ang lahat ng iyon? Sabat ng ama nito.


“Nangyari ang lahat ng iyon sa kagustohan ng anak niyong protektahan ang kaibigan niya. Pero pareho nilang hindi ginusto ang mga sumunod na nangyari. Believe me, pinagsisisihan iyon ng anak niyo hanggang ngayon.”


“Ibinigay ko sa’yo ang tiwala ko, Eros. Hinayaan ka namin sa mga gusto mong gawin sa buhay mo pero ito pa ba ang ibabalik mo sa amin? Kung alam ko lang na ito ang magiging resulta ng pilit na pagbago mo sa sarili mo, sana pala pinigilan na kita noon pa.”


“Hindi ko naman talaga sinasadya `yon, ma.” Malungkot na tugon nito sa ina.


“Sinadya mo man o hindi, `di pa rin mababago niyon ang katotohanan na may pamilya kang sinira!”


Bilang isang disciplinarian na ina, naiitindihan ni Brian kung bakit ganoon na lang ngayon ang ina ni Eros. Mahirap tanggapin para dito ang nagawang pagkakamali ng anak kahit pa man sabihin na hindi nito intensiyon o sinadya ang lahat.


“Tama na, Rabeca.” Saway ng asawa nito saka bumaling sa anak. “Paano na ngayon ito, Eros? Ano ang mga susunod mong hakbang?”


“Babalik siya ng Maynila at maghahanap ng trabaho.” Wika ng kanyang ina sa matigas at nag-uutos na tinig saka ito walang pasabing tumayo at dere-deretsong pumasok sa kwarto nito.


Kita niya kung papaano mapabuntong hininga ang asawa nito habang ang kanyang katabi naman ay nagsisimula ng humikbi na agad naman niyang inalo.


“Bigyan mo muna ng panahon ang mama mo. Pasasaan ba’t maiintindihan ka rin niyon.” Wika ng ama nito.


“Kulang na lang ay sabihin niyang ayaw na niya ako rito.” Tugon naman ng kanyang katabi.


“Imposible `yan. Palagi kayang sabik na sabik iyon kapag dumarating ang buwan na ito. Dahil alam niyang uuwi ka.”


“I agree.” Sangayon niya.


“Siya. Tama na muna ang dramang ito at kumain na tayo. Brian, dito kana sa amin maghapunan.” Sabi ng ama nito saka tumayo.


“Salamat sa paanyaya Tito pero hindi na po. Dumating kaninang umaga ang mga magulang ko kaya kailangan kong umuwi ng maaga.” Magalang niyang pagtanggi.


Nang ihatid siya ni Eros sa kanyang sasakyan ay malungkot pa rin ang mukha nito. Nagdalawang isip tuloy siya kung uuwi na nga ba siya at iiwan ito.


“Maya na lang kaya ako umuwi?” Nakangiti niyang sabi.


“Nangako ka sa Papa mo na uuwi ka ng maaga para samahan silang mag-dinner.”


“Eh, hindi kayang iwan ng ganyan.” Pagsasabi niya ng totoo.


“Ayos lang ako, Bry.” Wika nito saka pilit na ngumiti.


“Are you sure?”


“Pretty sure.” Nakangiti nitong tugon saka siya kinantilan ng halik. “Sige na, baka hinihintay kana ng mga magulang mo.”


Wala na nga siyang nagawa kung hindi ang ngumiti na lang at kantilan rin ito ng halik bilang pagpapaalam.


“I’ll call to check on you later, okay? At tigilan mo muna ang kakaiyak at baka ma-dehydrate kana niyan. Tandaan mong magsisimba pa tayo sa ika-pitong simbang gabi.” Wika niya nang makapasok na siya sa kanyang sasakyan sabay ng pag-start niyon.


“Ingat sa pagmamaneho, Bry. I love you”


“Aye aye Spidy! I love you too.” At pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.





Nang marating ni Brian ang bahay nila ay agad siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago bumaba ng kanyang sasakyan. Alam niyang naroon na ngayon ang kanyang ina kaya inihanda na niya ang sarili sa panibagong mga patutsada nito. Kung sana lang katulad ito ng kanyang ama na handang suportahan ang mga bagay na gusto niyang gawin ay wala na sigurong mas sasaya pa sa kanya. Kaso hindi, iba ang kanyang ina sa lahat ng mga inang nakilala niya.


Hindi pa man siya nakakapasok sa main door ay napatigil siya nang marinig niya ang pagtatalo ng kanyang ama at ina sa loob ng bahay. Parehong nasa mataas na tono ang mga boses nito at parehong nababakasan ng galit.


Pinili niyang hindi muna pumasok at pakinggan kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito. Hindi niya alam na sa ginawa niyang iyon ay malalaman niya ang isang lihim ng nakaraan na susugat ng husto sa puso niya at bubuhay ng galit sa buong pagkatao niya.





Itutuloy:



43 comments:

Anonymous said...

As always, mahusay ang paglalahad ng kuwento at mga pangyayari sa istorya.
Salamat sa patuloy n pagbabahagi ng kuwentong ito.

Macky

Reymond Lee said...

i have a hunch na di sila mag-ina.in any case kasi,nanay ang mas magiliw sa anak.i've proven that lotta times.

Anonymous said...

Hong gondo author the best ka talaga. Another twist and turn ang ginagawa mo sa kwento. Sana hindi na matapos ang kwento (parang pwedeng ganun) or sana wag madaliin ang ending.

From Baguio With Love

russ said...

Buti di ganyan ang mama ko hehehe napakamaldita!!!!!

Sir Z i think anak ng mama nya ung pinsan nya hehe ganun..

Boomhula
Tnx sir Z yup ever supportive ako sayo heheh

boomsalamatkaayo

Unknown said...

feeLing ko hindi nya tunay na ina
ung sabrina //..

nice chapter .. :))

bruneiyuki214 said...

darling zeke namiss kita..natulog talaga aku this afternoon pra may may panlaban sa puyat mamaya kasi iniexpect ko na by midnight pa ang update...surpringly may bagong update na....thank you very much at parang gusto ko nang wednesday na naman bukas ulit, naeexcite (with gigil moves) aku masyado sa madramang revealations sa next chapter. God bless pra sa atin lahat. Basa mode ulit

Migz said...

Oh my Zeke.. I think I know where this is heading to.. My heart cries already.. :-(

MigiL said...

Humaigas!! super exciting! hahaha ... nako sana totoo ung hinala ko na di nya nanay ung ina nya ngyun ... naku grabeng galit cguro ni Brian pag gnun since parang wala naman sila happy memories ng mama nya .. hahahahaha .. gusto ko yung character ng papa ni Brian :D masaya tlga ako un ung ugali at reaction nya XD Thanks sa Update kuya zeke :D

Anonymous said...

I voice the same thought as Migz, idol Zeke.... Mukhang magiging masalimuot ang Christmas ni Boromeo at Spidy Eros but hopefully both of them will be happy....

Ivarro

Anonymous said...

Nice chapter kuya zeke.. exciting tlga ang bawat update mo.. cnbi n nila ung hinala ko ee.. pero syempre hintyin q na lng ang susunod na kabanata.. :)


-jec

Anonymous said...

Medyo sad yung chap na ito. Buti nalang andyan yung papa ni bry!

~JAYVIN

Anonymous said...

Clap clap clap 3 to comment pala ako hihihi. #unexpected

Unknown said...

Thanks author z...

slushe.love said...

Baka kapatid nya ung pinsan nya (i forgot his name). excited na ako sa next chapter.

chie said...

Binasa ko na kasi lunch ko. Di na ako magko-comment sa unang scene since nasabi ko na sa'yo yung opinion ko at sana naniwala ka talaga. Hahaha! I really love supportive dads esp pag kasing yummy ni Mr. Bartolome Ramirez. Hahaha! Alam mo naman kung bakit di ba?

Excited na ako sa next chap. Di naman kasi ako sigurado sa hula ko kanina about Sabrina at ikaw lang din naman nakaka-alam. Update na po Mr. Author! :)

Anonymous said...

i think it's about family this time ang theme ng 9mornings 2?^.^
and i think,anak sa ibang babae c boromeo kya ganun nanay niya sa knya?ang sad.. :(
nkklungkot ung chapter neto for me..

-monty

Anonymous said...

OMG!!! Ang tindi ng pagbibitin ni Mr Author. Ganoon din kaya siyang mambitin kung sakaling may kasiping siya sa gabi? Ha ha ha, no offense Mr author.

luilao said...

Grabe intense!!!! sakit sa dibdib, waaaaaaaaaaaaaaa... Ano kaya ang susugat sa buong pagkatao ni Boromeo... tsk tsk tsk update na author! hahahaha

Alfred of T. O. said...

Thanks for the update. Its still as exciting as e er...But its getting more exciting on the next chap, I sure.....Keep it up Sir.

Unknown said...

Loko ka talaga Zeke... Anyway thanks sa update mamaya na ako magcomment ng malala...

Unknown said...

Huh! I will make hula, malalalaman ni Brian na iba ang kanyang ina at sa ibang babae siya anak dahil hindi magka anak ang kanyang ina... Kaya ganun na lamang kung paanonsiya itrato nito. Bitin and then what kailan ang update?... Tapos na ang legal wife zeke!!!! Thanks zeke mwah!!!!

Anonymous said...

Ganda ng chapter! daming nangyari...naku excited na ako sa nxt chap. Habang nababasa ko ung ibang comments mas lalo akong na excite sa iba't ibang pwedeng mangyari...thanks sa update!

Unknown said...

salamat dito kuta zeke! malaki ang posibilidad na magkapatid sila ng pinsan nya o anak si Bry sa labas ng papa nya. ang sarap basahin ng chapter na ito,kaya lang nakaka kaba yung mga susunod na chapter.

windsong07 said...

well, sa ilang araw na delay ng ipinangako na pagpopost ng chapter na ito ay nabawi nman sa ganda ng flow ng istorya. may pampalubagloob talaga kahit papaano. keep up the good work!

Anonymous said...

God it really a nice story climax na climax talaga


jco

robert_mendoza94@yahoo.com said...

tnx sa update ZEKIE! hmmmm mukhang malalaman nya ang dahilan kaya ganun na lng ang higpit sa kanya ng kinikilala nyang ina. at mas pinapanigan ang tunay nyang mga kadugo kapated at pamankin. tama ba hinala ko? he he he

manila_sex_actor said...

Ganda ng drama sa last ng chapter...

Anonymous said...

thanks sa update.

bharu

Anonymous said...

I love ErosIan(ErosBrian)


buTi pa ang ama naiintindihan niya ang isang Brian...Hindi kagaya ng Sabrina na yan(bagay ang name pang kontrabida)....

Syaka sa chapter na to walang hinayupak nj xandEr hahaha



btw aabangan ko na lang ang susunod na chapter


Ano nga kaya pinag aawayan ni Bartolome at Sabrina na makakaapekto kay Borromeo?


-Mhimhiko of Pangasinan

Anonymous said...

hi po. ang galing nio po pala talaga magsulat. buti na lang po at naligaw ako dito ^^
nabasa ko na po lahat ng cross-overed stories niyo at talagang nakakatuwa. napaluha pa nga po ako ng Make Believe at ng Bittersweet eh..

sana po makilala ko po kayo ng mas maigi at talaga pong humanga ako sa inyo.
ps.new commentor XD
pps. sana po makaclose ko kayo kuya ^^

--Hao_Inoue--

Zildjian said...

Hey Hao! Salamat sa pagbabasa ng mga kwento ko. Sure pwede tayong maging supah close haha

Unknown said...

There it goes! Hahahaha.
Di na ako magcocomment ng ano ano, hintay nlng ako update.

Thanks Boss!
-PanCookie

Anonymous said...

Another great chapter for a great novel. Namesake ko pala kontrabida dito. Kaya sir author pahirapan pa yang sina Eros at Brian. Ha...ha...ha...(evil laugh) :-))

Brian Xander (Brix)

Jace said...

nice Chapter!! nakakaexcite yung next.. ano nga kaya ang dahilan kung bakit ganun kay Brian ang Mama nya... hmmmmm.. :D

kahit matagal ang update OK lang.. binabasa ko pa naman yung The Fault in Out Stars eh.. :D

-SupahMinion

Anonymous said...

aahh love ko na papsy ni Boromeo.. hehe same here ang dami ko ring mga katanungan tungkol sa mga inaasal ng momsy ni Boromeo pero i'm pretty sure masasagot din ang lahat ng yon sa takdang panahon.. hehe

looking forward sa mga darating na chapters..

God bless.. -- Roan ^^,

Anonymous said...

The story stirs up. Exciting!

For sure, hindi sila mag-ina. And what will make Bry more angry is the fact that his effin cousin, is his mom's beloved child. #omg

TheLegazpiCity said...

now is the time na malaman ang nakaraan...galing mo zeke...

Anonymous said...

ngayon lang ulit mkakapag comment... cguro nga si brian ay anak sa labas hnd nya tunay na nanay ung bruhang sabrina na un... kaya gnun ang turing sknya...

sa unang part ng kwento medyo napaluha ako... sa katapusan nmn nanakakakaba na nakakabitin... ano kaya ang buong revelation na un...

JHESLHEE ORACQUIAO HERE!!:)

patryckjr said...

Awtsssssss.......... may pasabog pa pala sa huli..............SECRETS

Chants said...

Hong Soyo Soyo Nong Choptor! hahahahahaha! thankies sa update!

Anonymous said...

Grabe galing ng pagkaka salaysay ng story. Ampon cguro c bryan o anak sa labas ng kanyang ama. Tnx sa update

Randzmesia

Anonymous said...

Yehey :D sa mail po tau magkwentuhan minsan kuya :D ano nga po pala mail nio? huhu di ko alam eh TT_TT ..

--Hao_Inoue--

Ryge Stan said...

Hi zake sorry ngayon ko lang nabasa ung update mo medyo busy lately sa office. promise bawi ako this time.

Nice chapter I'm glad Brians father supports him and I think the mext chapter will unfold everything.

Post a Comment